CHAPTER 2
***
"Ayusin mo naman ang paa mo," reklamo sa akin nitong lalaki na'to.
Hindi ako humahawak sa katawan niya pero dapat sabay ang mga paa namin, ang kaso nahihirapan akong sabayan dahil ang bilis.
"Kayong dalawa, 'di ba ang sabi ko hawakan ang partner? Gusto n'yo bang mabagsak?" Mabilis na kinuha ng lalaki ang kamay ko at hinawakan bago nilagay sa balikat niya ang isa, ang kamay niya naman ay inilagay niya sa bewang ko. Hindi naman bigla ang ginawa niya, smooth lang.
"Ayaw kong mabagsak kaya umayos ka," bulong niya sa akin pero inirapan ko lang siya.
"Whatever." Sagot ko dito.
Sa pagkakataon na yun ay nasasabayan na namin ang lahat, nag enjoy pa ako dahil wala kaming mali.
"Yey," nagtatalon pa ako at nakipag apir sa kaniya.
"Sabi sa'yo madali lang eh," natatawa niyang sabi sa'kin. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.
"Okay, bukas ulit, you may leave guys," pumunta na ako sa bag ko at handa ng umalis.
"Drunk girl," tawag niya pa, mabilis akong lumingon sa kaniya at galit siyang tiningnan.
"Huwag mo nga akong tawagin ng ganiyan," inis kong sabi at inirapan siya.
"Eh ano pala itatawag ko sa'yo? Hindi ko nga alam ang pangalan mo." Oo nga pala.
"Tss, I'm Chasty Cardinal," inilahad ko ang kamay ko sa kaniya.
"I'm Khad Martinez," tinanggap niya naman ang kamay ko, mabilis ko rin yung binitawan.
"Ah Khad pala name mo, yung piso ko?" Natawa siya sa ginawa ko pero kinuha niya rin ang piso sa tenga niya, "at bakit diyan mo ba yan nilalagay?"
"Because this is precious thing I ever had, hindi pwedeng mawala, dapat lagi kong dala-dala," bahagya pa siyang natawa bago iabot sa akin yun.
Handa na akong kunin ang piso pero hindi niya naman sa akin binibigay, nakakainis itong lalaki na'to ha. Sarap bigwasan ng paulit-ulit.
"Ibibigay mo ba o hindi?" Tinaasan ko siya ng kilay bago masamang tiningnan.
"Baka kase hindi na tayo magkita ulit, kaya 'wag muna." Binalik niya ulit 'yun sa tenga niya bago kumaway sa akin palayo.
Nakakainis talaga yung lalaki na 'yun. Aghhh.
Padabog akong naglakad palabas ng gym at dumiretso sa condo ko, pagsakay ko ng elevator ay pinindot ko na ang close kaya lang may sumigaw.
"Sandali!" Sigaw ni Khad at tumatakbo papasok ng elevator, mabilis kong pinindot yun para mag sara na, ayaw ko siyang makasama sa loob ng elevator 'noh.
Pero huli na dahil naapakan niya na ang pinto at bumukas yun. Mabilis akong umatras patalikod at walang balak na pansinin siya.
Hindi naman siya nagsalita kaya ganon din ang ginawa ko, ayaw ko kaya siyang pansinin, bahala siya diyan.
"Hindi ko alam na dito rin pala ang condo mo," tanong niya.
"At sino kaba para ipaalam ko pa sa'yo?" Inirapan ko naman siya.
Sabi nang ayaw ko siyang pansinin eh.
"Tss haha, maldita." Rinig kong bulong niya, pumantay ako sa kaniya at masama siyang tiningnan.
"Anong sabi mo?" Nag cross arm pa ako sa harapan niya para malaman niyang galit na ako.
"Wala sabi ko ang ganda mo, kaya lang bingi ka." Sakto namang bumukas na ang elevator kaya 'di ko na siya nakompronta.
"Pasalamat ka guwapo ka!" Bulong ko at nanggigigil na kinuyom ang kamao.
Hindi ka pala guwapo.
Ano ba naman itong lumalabas sa bibig ko, hindi naman siya guwapo bakit ko ba nasabi yun? Nakakainis.
Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama dahil sa pagod, exam, report, sayaw at ang pang iinis ni Khad. Nakakapagod.
Akala ko dito ulit matutilog si Pria dahil hindi niya pa kinukuha ang gamit niya, pero hindi dahil hindi naman siya dumating, kaya nag luto lang ako ng sapat na para sa'kin.
Kinabukasan ay maaga na naman akong gumising dahil may pasok na naman. Nakakapagod mag commute, tenext ko si Daddy na bigyan ako ng kotse, hindi naman yun nagtagal dahil ilang oras lang ay dumating na sa akin ng kotse. Marunong naman akong magmaneho, nung una kase binibigyan na nila ako, kaya lang hindi ko tinanggap dahil nga sa pride ko, pero kakailanganin ko pala kaya ito binababaan ko na ang pride ko.
Yun na ang ginamit ko papunta ng school, sakto namang pag park ko sa parking lot ay may puwesto doon, pagbaba ko yun din ang pagbaba ni Khad sa kotse niya.
"Good morning," bati niya, nakita ko na naman yung piso sa tenga niya. Hindi niya ba yun tinatanggal?
"Bad morning," inirapan ko siya bago naglakad paalis. Panira ng araw.
"Hoyyy!" Sigaw niya at humabol pa sa'kin.
"Ano ba!? May pangalan ako at hindi 'hoyy' ang pangalan ko!" Sigaw ko sa kaniya. Buti na lang wala masiyadong tao dito.
Dire-diretso lang akong nag lakad papunta sa gate, humahabol pa rin siya sa'kin at panay ang kulit. Hinarap ko siya at sinigawan.
"Pwede ba, tantanan mo na ako? Ano bang kailangan mo sa'kin!?" Inis kong tanong sa kaniya.
"Wala naman, gusto ko lang asarin ka, ang cute mo kase," natatawa niyang sagot.
"Aba, at ako pa talaga ang aasarin mo, ang aga aga ha." Inirapan ko siya bago naglakad ulit.
"Ang cute mo kaya kapag nagagalit at nagmamaldita," inis ko siyang hinarap at umatras naman siya dahil sa gulat.
"Oh tapos?"
"Wala lang, una na ako," mabilis niya naman akong tinakbuhan.
"Aghhhh," sigaw ko bago padabog na naglakad papunta sa room.
Boring na boring akong nakikinig ng klase, ang panget kase magturo ng prof sa harap namin, nakakaantok.
Paglabas niya ay sakto namang may tumawag sa cellphone ko kaya lumabas muna ako para sagutin.
"May klase pa ako, pakibilisan." Bungad ko kay Mommy.
["Hindi kaba uuwi? Anniversary namin ng Daddy mo, nakalimutan mo ba?"]
"Mom, 'wag kang ulyanin, bukas pa yun, may klase pa ako ngayon."
["Bukas nga, uuwi kaba o hindi?"]
"Fine, uuwi ako." Bored kong sagot bago napairap sa kawalan.
["Okay, you can drive naman papunta dito 'di ba? O ipapasundo na lang kita?"]
"No need, I can handle myself,"
["Good luck sa klase."]
"Tss, plastic." Bulong ko bago pinatay ang cellphone. Wala talaga akong balak na umuwi, paniguradong doon na naman ako patutulugin ng dalawang araw. Nakakainis.
Matapos ang maghapong klase ay pumunta na ako ng gym dahil may practice ulit kami sa sayaw. Nakaupo lang ako sa upuan habang hinihintay ang partner ko, ang tagal naman niya.
Sakto namang dumating si Pria kasama si Cris, hinihintay kong pumasok din si Khad dahil akala ko kasunod nila, pero wala.
"Nasaan si Khad?" Irita kong tanong kay Cris.
"Hindi siya makakapractice, nagpaalam na din siya, may emergency daw kase," sagot naman niya.
"Anong emergency?"
"Hindi ko din alam, basta kanina pagpasok niya masama na ang pakiramdam niya, tapos bigla na lang siyang umuwi," paliwanag niya naman.
Kaya pala kanina para namumutla siya, kaya ba bigla na siyang tumakbo paalis? Nakatulala lang ako sa kanila habang nanunuod magpractice, tutal wala din naman akong partner ay nagpaalam ako na aalis na rin dahil nay sakit ang partner ko, pumayag naman sila dahil wala din daw akong gagawin.
Mabilis akong nag drive pauwi ng condo ko, humiga ako sa kama at paikot-ikot doon.
"Ano bang pwede kong gawin?" Tinakpan ko ng unan ang mukha ko. "Siguro naman may nag aasikaso sa kaniya diba? O baka nasa hospital siya?" Sabi ko sa sarili ko.
Pero bakit feeling ko may dapat akong gawin? Bakit parang- ah bahala na nga.
Kumatok ako ng ilang beses sa condo niya pero walang sumasagot, napansin ko ring nakabukas yun kaya dahan-dahan ko yung binuksan.
"Khad?" Tawag ko pero wala pa ring sumasagot, baka wala dito.
Nang mabuksan ko na ng maayos ang pinto ay doon bumungad sa'kin kung bakit walang sumasagot.
"Oh my gosh."
______________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro