Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 19

***

"A-Ate?" Tawag niya ulit.

"Chasty, gusto niya lang mag-"

"Wala akong pakialam kung ano pang gusto niya, umalis ka!!" Sigaw ko. Kita ko ang luha ni Cy sa mga mata niya, dahan-dahan siyang humakbang paatras at tuluyang ng tumakbo paalis, nang mawala siya sa paningin ko ay saka ako napa-upo ulit sa sahig.

"C-Cy..." Umiiyak kong tawag, hindi alam ni Vin kung sino ang uunahin niyang tulungan, iyak lang ako ng iyak. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa akin.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko at pinipilit niya akong tumayo. Wala na akong lakas para tumayo pa kaya si Vin na ang umalalay sa akin.

"Doon ka na kana muna sa kuwarto mo," sabi niya at hinawakan ang braso ko para maglakad pero wala pa rin akong lakas. Kaya ang ginawa niya ay binuhat niya ako ng bridle style.

Hindi pa rin ako humihinto sa kakaiyak hanggang sa mapasok niya ako sa kuwarto ko. Nang maramdaman ko ang lamig at lambot ng kama ko ay mabilis akong tumalikod at kinumotan ang sarili, pero napahinto din ng makita ang dugo na kumakalat doon.

"Don't move, I will clean your wound." Utos niya at lumabas para kumuha ng gamot.

Nang makabalik siya ay may dala na siyang kit na alam kong ginagamit niya yun sa medical course niya, nakatitig lang ako sa mukha niyang walang imosyong nililinis ang sugat ko.

Bago ko lang naramdaman ang hapdi at sakit nung tinatanggal niya na ang dugo at bubog na naiwan sa kamay ko.

"Ouch," reklamo ko.

"Sorry," sagot niya naman, dinahan-dahan niya ang pagpunas doon.

Pawisan na ang kaniyang noo, magulo din ang kaniyang buhok, hindi naka-ayos ang kaniyang salamin, lagi siyang puyat pero hindi mo mahalata sa kaniyang mukha dahil walang siyang eye bag at higit sa lahat maputi siya.

"Baka matunaw ako," mahina niyang bulong kaya napa-irap ako. Hindi ko siya pinansin at tumawa naman siya ng mahina, binabalutan niya na ng bandage ang kamay ko. "Sabi ko sa mga prof mo na hindi ka mamakapasok hanggang bukas, pinasa ko na rin yung plates na sinira ni Venice."

"Huh? Paano mo napasa yung plates ko? Eh sira-sira nga yun?"

"Inayos ko," Niligpit niya na ang kaniyang mga ginamit at tumayo. "Sorry sa ginawa ni Venice, I think hindi niya naman sinasadya yun, pero I hope you forgive her." Sabi niya at tuluyan ng lumabas ng kuwarto ko.

"Hasytt." Akala ko tuluyan na siyang lumabas pero bumalik siya at may sinabi.

"Si Cy, pumunta siya dito para mag-celebrate ng birthday niya, sana kahit batiin mo lang." Hindi pa ako nakakasagot ay sinarado niya na ang pinto.

Napahinga ako ng malalim sa sinabi niya, bakit dito siya magce-celebrate? Sa bahay pala? Wala bang handaan doon?

Habang nag-iisip ay tumunog ang cellphone ko.

"What!?" Inis kong sagot kay Mommy.

["Huwag ka munang umuwi sa birthday ng kapatid mo."] Hindi yun paki-usap, kundi utos.

"Alam ko namang sasabihin niyo yan ," natatawa kong sagot.

["Good, mabuti at nagkakaintindihan tayo?"] Alam kong nakangisi siya ngayon na ikinairita ko.

"Bye." Mabilis kong pinatay ang tawag. Para akong pagod na pagod at bagsak na bagsak ang katawan ko samantalang wala naman akong ginawa.

Umidlip muna ako saglit dahil sa pagod.

"Ate, anong gift mo sa birthday ko?" Nakangiting tanong sa akin ni Cy, it's he's birthday, March 10.

"Wala eh, nakalimutan ko," malungkot kong sagot sa kaniya, yung ngiti niya kanina ay biglang napalitan ng lungkot.

"It's okay, ako na lang magreregalo sa'yo." Malawak ang ngiti siyang lumabas sa kuwarto ko.

Mayroon naman talaga akong regalo sa kaniya, hindi ko lang sinasabi dahil mamaya ko pa ibibigay at gusto ko pagkabigay ko sa kaniya ay buksan niya kaagad.

Habang inaasikaso ko ang susuotin kong damit mamaya para sa party ay bigla na lang siyang pumasok na may dala-dalang box ay may balot na ribbon.

"Here's my gift for you, Ate." Iniabot niya sa akin yung regalo niya at tinanggap ko naman.

"B-bakit ikaw ang may regalo sa akin? Hindi ba dapat ako?"

"Sabi mo kase wala kang regalo sa akin, at saka yung mga painting's ko doon sa painting room mo ang dami-dami na eh." Sagot niya naman.

"Mayroon, mamaya ko na lang ibibigay, pero thank you dito." Nakangiti ako habang niyayakap yung regalo niya, ngumiti naman siya sa akin at bigla na lang akong niyakap.

"I love you, Ate."

"I love you too."

Bumaba na kami pareho ni Cy sa event ng party niya, hindi ako nagbihis na kagaya ng sa kaniya, ang ibang bata ay naka gown at polo, samantalang ako ay naka pantalon at simpleng panlakad lang.

Nang makita ko siyang bumaba ng hagdan ay ngumiti ako habang pinagmamasdan siyang palakpakan ng mga taong gustong-gusto siya.

Pinunasan ko ang luhang namumuo mula sa mga mata ko at tumalikod. Pumasok ako sa kuwarto ko at doon inalala ang sinabi ni Mommy.

"Hindi ka lalabas o baba ng party, naiintindihan mo ba!?" Galit niyang sabi sa akin at dinuro pa ako, hindi na ako nagtanong kung bakit dahil alam ko na ang dahilan. "Naiintindihan mo ba!?" Sigaw niya ng hindi ako sumagot. Naramdaman ko ang hapdi ng mukha ko ng bigla niya akong sampalin.

NAPABALIKWAS ako ng bangon dahil sa ala-alang yun, kaya hindi ako tinawagan o imbitahan man lang ay dahil doon, inis akong bumangon para pumunta ng kusina dahil nanunuyo ang lalamunan ko. Napasulyap naman ako sa orasan at pasado ala-sais na.

Pagpasok ko ng kusina ay wala akong nadatnan na kahit sino, baka nasa party si Vin, kibit-balikat akong pumunta sa ref at kumuha ng malamig na tubig. Napatalon ako sa gulat ng dumampi sa balat ko ang balahibo ni Venice.

"Aw," kinuha ko siya at binuhat.

"Nagugutom ka na ba?" Tanong ko sa kaniya at sumagot naman siya. "Bakit hindi ka pinakain ng Daddy mo? Ang sama talaga." Iniwan ko siya sa upuan at kumuha ng pagkain niya. Kumuha na rin ako ng pagkain ko kahit hirap ako dahil sa benda ng kamay ko.

Bakit hindi ko ba naramdamang nasugat ako kanina? Hindi ko napansin na nabasag na pala yung hawak kong baso. Habang kumakain ay may narinig akong sasakyan sa labas, malamang na si Vin yun.

Ang aga niya namang umuwi?

Hindi ko na yun pinag-aksayahan ng panahon at kumain na lang, kumain na rin si Venice sa baba. Kahit na may sama pa ako ng loob sa kaniya.

Hindi na ako nagulat ng makita si Vin na paakyat sa taas. May dala siyang paper bag at halatang regalo yun.

Bakit siya ang may dala? Hindi ba dapat siya ang magbigay kay Cy?

Ano ba yan, lahat na lang napapansin ko, inis akong nagpatuloy sa pagkain, hanggang ngayon hindi ko pa rin nababati si Cy.

"Chasty, hindi ka ba pupunta sa party?" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglang tanong ni Vin, akala ko ba umakyat na siya?

"Para saan pa? Hindi naman ako imbitado." Sagot ko sa kaniya.

"Hindi mo man lang ba babatiin ang kapatid mo?" Kunot noong natanong niya. Hindi ko siya sinagot at sumubo na lang ng kanin. "Kahit hindi ka imbitado kahit man lang sana sumulyap ka o kahit tawagan mo ang kapatid para batiin." Dagdag niya pa.

Nanatili akong nakatulala at pinag-iisipan ang mga sinabi niya, gusto ko naman talagang pumunta para makita siya, alam kong masaya siya ngayon pero parang may bumubulong sa akin na kailangan ako ni Cy. Kanina ko pa yun nararamdaman pero hindi ko lanh pinapansin.

"Regalo niya para sa'yo, happy birthday." Inilapag niya ang paper bag sa lamesa kung saan ako kumakain, tuluyan na siyang umakyat sa kuwarto niya.

Sandali ko yung pinagmasdan bago naramdamang tumutulo na ang luha ko sa mata, pinunasan ko yun bago umiiyak na kinuha ang paper bag.

Akala ko ba galit siya sa akin?

Umiiyak kong binuksan ang paper bag at nagulat ako dahil yun yung painting niya na sinubukan niya akong ipinta dahil siya na lang daw ang lagi kong pini-painting.

"Ate, paabot nga po nung paint brush." Utos ni Cy, nandito na naman kami sa painting room ko at kinukulit niya na naman ako.

"Bakit? Anong gagawin mo?" Taka kong tanong.

"Ipi-paint ka, kase lagi na lang ako ang pini-paint mo eh," sagot niya naman.

"Marunong ka ba?" Natatawa kong tanong sa kaniya.

"Oo naman, ako pa," nakangiti kong inabot sa kaniya ang paint brush na ginagamit ko kanina.

"Sige, doon ako sa upuan at e-paint mo ako ha," nakangiti naman siyang tumango sa akin, nagsimula na akong maglakad patungo sa upuan kung saan lagi siyang naka-upo dahil pini-paint ko siya.

"Game, don't move." Nagsimula na siyang magpinta habang ako ay nakangiti sa kaniya ng malaki at medyo natatawa. Ano kayang kakalabasan ng itsura ko doon?

Ilang saglit pa ay natapos din siya, nakangirit niyang ipinakita ang gawa niya sa akin na ikinatawa ko naman.

"Hindi naman ako ito eh, bakit ganito ang mukha? Panget ba ako?" Nakanguso kong tanong. Hindi maayos ang pinta niya at halatang wala siyang kaalam-alam sa ganiting passion.

Napahagulhol ako sa iyak ng makita ang kasama nito, isang teddy bear at may nakalagay na notes sa painting na naka frame na ngayon.

"For my one and only Ate, I love you."
— Cy.

Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating naguguluhan ako na may halong saya at panghihinayang. Kaya bago pa mahuli ang lahat ay pumunta na ako sa kuwarto ko dala-dala ang regalo niya sa akin, inayos ko yun sa study table ko at nagbihis ng isang formal na damit.

Nang masigurong maayos na ang itsura ko ay kumatok ako sa kuwarto ni Vin, hindi pa naman siya nakakapagpalit dahil halatang nag-aaral siya dahil sa dala niyang aklat na may mga notes and highlight na.

"Pwede mo ba akong samahan sa party?" Tanong ko dito.

Malawak siyang ngumiti bago tumango. Nauna na akong lumabas sa kaniya at hinintay na lang siyang bumaba. Hindi naman yun nagtagal dahil bumaba na rin siya. Kotse niya na ang ginamit namin para hindi na kami mahirapan.

Minadali niya naman ang pagpapatakbo, dala-dala ko ang binalot kong regalo para sa kaniya, simple lang yun pero alam kong magugustuhan niya.

Pagkadating namin doon ay marami pa rin pa lang tao, akala ko umuwi na yung iba dahil nauna nang umuwi si Vin. Matapos bumaba ni Vin ay pinagbuksan niya ako ng pinto at he escort me in. Nakahawak ako sa braso niya habang naglalakad kami papasok.

Malamang na hindi ako kilala ng ibang tao dito, malawak akong ngumiti habang hinahanap ng mata ko si Cy. Kaso ibang mata ang nakasalubong ko, ang kaninang masayang mukha ni Mommy ay napalitan ang pagtataka at galit, pero ngumiti siya ng may lumapit sa kaniyang babae. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paghahanap sa kapatid ko, hindi siya ang pinunta ko dito kaya wala siyang karapatang magalit.

Hindi naman ako iniwan ni Vin dahil alam niya na ang mangyayari kapag ginawa niya yun, aware ba siya  sa hindi magandang relasyon ko sa pamilya ko? Wala din naman akong sinasabi sa kaniya pero dahil ilang linggo na rin kaming magkasama ay malamang na aware na siya doon.

"I think nasa kuwarto siya." Sabi ni Vin, mabilis naman akong naglakad paakyat at nakasunod pa rin sa akin si Vin. Nang makarating kami sa pinto ng kuwarto ni Cy ay mabilis akong kumatok, pero walang sumasagot sa loob, napakunot ang noo, baka wala siya dito?

Kumatok pa ulit ako pero wala pa rin talagang sumasagot, pinihit ko na ang door knob at sakto naman dahil hindi yun naka-lock.

Pagbukas ko ay bumungad sa amin ang madilim na silid, hinanap ko kaagad ang switch para buksan ang ilaw, nang maigala ko ang paningin dito ay nagulat ako sa makalat na kuwartong ito. Tama ba ang kuwartong pinasok ko?

Pati si Vin ay nagtataka na rin at nag-aalala. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko ng hindi ko makita dito si Cy, naglakad ako patungo sa kama niya at laking gulat ko ng makita si Cy.

"Cylo!!"

_______________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro