CHAPTER 18
***
"Alis na ako," paalam ko kay Vin, nasa sofa siya at nagbabasa, tumingin naman siya sa akin bago ngumiti.
"Ingat," nakangiti niyang sabi. Napakunot ang noo ko dahil sa reaction niya, napapadalas ata ang pag ngiti niya?
Umiling ako ng dalawang beses bago tuluyang pumunta sa garahe para kunin ang kotse ko, hindi ko na dinala yung plates ko dahil bukas pa naman yun ipapasa at kunti na lang matatapos na.
Nag-drive na ako papunta sa school, habang nagmamaneho ay nag-alarm ang cellphone ko, kunot noo ko yung kinuha at tiningnan.
'It's Cy birthday, tomorrow!'
Fuck, birthday niya nga pala bukas, paniguradong malaking celebration na naman ang magaganap sa bahay. At alam kong hindi na naman ako ilalabas bilang anak nila.
Hindi ako makapaniwala na seventeen na si Cy, ang bilis ng panahon, dati-rati naghahabulan pa kami sa bahay, ngayon wala na, naglaho na lang na parang bula ang lahat ng ala-alang mayroon kami.
Ibinalik ko yung cellphone ko sa bag, pagdating ko sa school ay mabilis kong nilagay sa parking area ang kotse ko at dali-daling pumasok sa loob.
Habang naglalakad ako ay nagulat ako sa mga bulungang naririnig ko.
"Birthday bukas ni Cy, 'di ba?"
"Sana naman invited family ko."
"Nabalitaan mo na ba? Nakaraang araw nandito sila sa school?"
"Ang base sa narinig ko may naka kita daw kay Cy na may kausap na babae."
"Baka naman girlfriend niya yun?"
"Or kapatid?"
Hindi ko na pinakinggang tuluyan yung bulungan, baka lalo pa akong masaktan. Bakit kase hindi nag-iingat eh, pati tuloy ako mapapahamak pa.
Ang alam nila ay wala akong connection sa mga Cardinal, tanging si Pria at Vin lang ang nakakaalam sa school na ito, pati na rin pala ang principal.
Paano ako ngayon magtatago at tatanggi kung may magtatanong ulit? Nakakainis, nanahimik na nga ang buhay ko dito lalo pa nilang ginugulo.
Mas mabuting 'wag na lang talaga akong pumunta bukas sa bahay, bahala na silang mag-celebrate.
Pagkapasok ko sa room ay ganoon pa rin ang bulungan nila, bakit kase naging sikat pa ang hinayupak na Cardinal na yan, bakit sa dinami-dami ng pamilyang pwede kong pasukan dito pa ako napunta?
"Hindi ba Cardinal din si Chasty? Baka siya yung kapatid ni Cy?"
"Akala ko ba walang kapatid si Cy?"
"Only son lang si Cy, ano ka ba."
Ayaw ko na, isinuot ko ang earpuds na dala ko at nilakasan ang volume non para hindi ko na marinig pa ang kanilang mga bulungan, nakakairita kapag binabanggit nila ang tungkol sa pamilya ko.
Bakit ba kailangan pa nilang pakialaman ang buhay namin? Nanahimik lang naman kami, big deal ba kung may kapatid si Cy?
Big deal talaga, lalo pa't third year na ako.
Napahinga ako ng malalim dahil sa inis, stress na nga ako sa lahat ng bagay dadagdag pa talaga itong bwisit na pamilya na 'to.
Pwede ba, kahit isang araw lang payapain naman ang buhay ko, puro na lang inis at galit ang nararamdaman ko eh, puro sama ng loob na lang ang natatanggap ko.
Buong hapon na yun wala akong ibang narinig kundi ang bulungan at usapan tungkol sa pamilya ko, nakakairita na kaya bago pa man magtanong ang mga kaklase ko ay lumabas na ako ng room para umuwi.
Dumaan muna ako sa store para bumili ng alak, kailangan ko 'to, gusto kong maglasing dahil sa inis, bahala si Vin, doon naman ako sa kuwarto ko iinom. Pero ako uminom tatapusin ko muna ang plates ko para siguradong mapapasa ko ito bukas.
Pagdating ko sa bahay ay tinago ko kaagad ang alak na binili ko, nakita ko naman si Vin na nasa sala at nanunuod ng tv, pang doctor na naman ang kanyang pinanuod.
Dahan-dahan akong naglakad paakyat ng hagdan, nakatalikod kase siya sa akin kaya sana lang ay hindi niya ako mapansin.
"Kanina kapa?" Halos mapatalon ako sa gulat ng magsalita siya.
"K-Ka...k-kakadating ko lang," kinakabahan kong sagot. "Akyat na ako." Tumakbo ako papunta sa kuwarto ko.
Pagpasok ko ay mabilis kong ni-lock yun at inilagay ang alak sa study table ko. Nakahinga naman ako ng maluwag at nawala na rin ang kaba ko.
Inayos ko lahat ng gamit ko bago pumunta sa table kung saan nakalagay ang plates ko. Pero halos isumpa na ako ni Satanas ng ilang beses akong napamura ako sa nakita ko.
"Tangina, yung plates ko." Sigaw ko.
Mabilis akong pumunta roon at galit na galit kay Venice dahil sinira niya yun, halatang siya ang may gawa dahil may kalmot pa ng Tuta ang mga papel doon.
"Vin!!!" Sigaw ko. Pag hindi niya pa narinig yun ay aywan ko na lang kung ano pang magawa ko sa kaniya.
"Bakit?" Sigaw niya sa labas ng kuwarto ko, mabilis akong pumunta roon at binuksan yun, inis kong tinapos sa kaniya yung plates ko.
"Ilayo mo sa akin si Venice, baka mapatay ko yan," umiiyak kong banta sa Tuta niya. Napakunot naman ang noo niya ng tingnan ang mga plates kong sira-sira na. "I-Ipapasa ko na yan bukas...k-kunti na lang matatapos ko na... T-Tapos ganito pa ang mangyayari? B-bagsak ako kapag hindi ko napasa yan bukas..." Umiiyak kong tugon at napa-upo na lang sa sahig.
Inis kong sinarado ang pinto at inis na binuksan yung alak na nabili ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko, para na akong hampaslupa dahil sa itsura ko, gusto ko na lang mawala ng tuluyan dito sa mundo kaysa marinig na bagsak ako at hindi makaka-graduate.
Pinaghirapan ko yun tapos mawawala lang ng ganon-ganon? Hindi ako nakatulog kagabi para lang magawa yun, tapos sisirain lang ng pesteng Tuta na yun.
Tinungga ko na lahat ng laman ng alak na yun, mabuti na lang talaga at apat na bote ang nabili ko. Alam kong hindi ito solution sa problema ko pero anong magagawa ko? Gusto kong mawala ang galit sa dibdib ko.
Naka tatlong bote na ako at isa na lang, sumasakit na din ang ulo ko at alam kong may tama na ako, mababa lang din naman kase ang alcohol tolerance ko kaya madali ako malasing.
Dala-dala ko ang huling bote ng alak pababa ng hagdan. Pagiwang-giwang na rin ang lakad ko at hindi na straight.
"HoOoohh..." Sigaw ko at sumasayaw pa.
Hindi ko na alam kung tama ba yung tono ko dahil umaawit ako. Napa-upo na lang ako sa itaas ng hagdan dahil natatakot akong bumaba. Tinungga ko ulit yung bote at umawit ulit habang nakahawak sa railings ng hagdan.
"Chasty, anong ginagawa mo diyan?" Napatingin ako kay Vin ng magsalita siya.
"U-Umaawit?" Nakangirit kong tanong sa kaniya. "A-Ayaw ko na... A-Ang s-sakit na ng u-ulo ko..." Reklamo ko at nakangusong hinampas ang ulo ko ng isa kong kamay.
Nakasandal ako sa hawakan ng hagdan at ginulo-gulo ang buhok ko, napapikit ko ng biglang kumirot ang ulo ko. Tinungga kong muli yung bote kaso wala ng laman.
"W-Wala na?" Nakanguso kong tanong at sinubukang ibuhos kung may laman pa talaga. Ipinakita yun kay Vin. "P-Penge pa... A-Atho..." Nakanguso kong sabi sa kaniya.
"Tama na, pumasok kana sa kuwarto mo at matulog." Utos niya. Mabilis naman akong umiling at ikinapit ko ang dalawa kong kamay sa hawakan ng hagdan para hindi niya ako mapilit na pumasok sa loob.
"Ayaw," nakanguso kong sagot.
"Chasty!" Sigaw niya na ikinatakot ko. Mabilis akong napa hikbi at umiyak.
"Inaaway mo ako," umiiyak kong sabi sa kaniya. Kita ko ang pagkataranta niya at hindi alam ang gagawin.
"Fuck," sabi niya habang palakas ng palakas ang iyak ko. "Tayo na," pinipilit niyang kunin ang kamay ko sa pagkakakapit ko at mas lalo ko namang ikinapit yun para hindi niya ako mahila. Pero dahil nga mas malakas siya sa akin ay nahila niya ako at pinipilit akong tumayo.
"Ayaw ko nga..." Sigaw ko sa kaniya. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at binuhat ako na parang sako sa kaniyang balikat. "Ibaba mo'ko," pagpupumiglas ko, hindi naman siya natumba at pilit akong ipinasok sa kuwarto ko.
Nang successful niya akong maipasok ay inihiga niya ako sa kama ko, nakanguso akong tumingin sa kaniya bago siya inirapan.
"May kasalanan ka pa sa akin." Nakanguso kong sabi sa kaniya at inawakan ang mukha niya.
Dahil sa antok, pagod at sakit ng ulo ay mabilis rin akong nakatulog.
PAGKAGISING ko ay napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit nito. Ano bang ginawa ko kagabi?
Bumaba ako sa kama ko at dumiretso sa cr, mabilis naman ang ginawa kong pagligo, paglabas ko ng cr ay agad akong napatingin sa orasan at halos matanggal na ang mata ko kakakusot masiguro lang na tama ang nakikita ko.
Fuck? Tanghali na?
Hindi ako nakapasok kaninang umaga, tapos late pa ako ngayong hapon, hindi ko na alam ang gagawin ko, yung plates ko sira pa.
Tamlay akong bumaba sa hagdan para kumuha ng tubig. Siguradong babagsak ako this sem dahil wala akong pinasang plates. Nakakaiyak talaga. Habang umiinom ng tubig tumutulo ang luha ko habang iniisip na babagsak ako.
Halos mapatalon ako sa gulat ng lumapit sa akin si Venice, nagpapa-awa ang kaniyang mga mata.
"Hindi na tatalab sa akin yang ganiyan, umalis ka sa harapan ko." Inis kong sabi dito pero hindi niya ako sinunod. "Aalis ka o papatayin kita!?" Sigaw ko. Bahagya siyang nagulat pero hindi pa rin umalis.
Humihikbi na siya na parang humihingi ng tawad, ramdam ko yun pero hindi ko pwedeng baliwalain ang ginawa niya, grades ko ang nakasalalay sa ginawa niya.
"Alis!!" Sigaw ko, dahn-dahan siyang umatras bago tumakbo papunta sa labas ng bahay. Inis akong napa-upo sa sahig at sumandal sa ref.
Ano ng gagawin ko nito?
Iniyuko ko ang ulo ko sa mga tuhod ko at umiyak ng tahimik habang sinasambunutan ang sarili ko.
"Inutil! Inutil! Inutil!" Iyak ako ng iyak hanggang sa pumasok sa utak ko ang isang ala-ala.
"Chasty! Ano na naman itong ginawa mo!?" Sigaw sa akin ni Mommy.
"Hindi ba sinabihan na kitang 'wag kang maglalaro dito sa kuwarto ko!?" Sigaw naman ni Daddy.
"Dinamay mo pa si Cy para lang sa katarantaduhang ginagawa mo!?" Sigaw ni Mommy.
Iyak lang ako ng iyak habang sinisigawan nila ako, hindi ako nagsalita kaya sinampal ako ni Mommy ng dalawang beses. Umiiyak na rin si Cy sa gilid at walang magawa. Gusto ko siyang yakapin at sabihing ayos lang ang lahat.
"Inutil ka talagang bata ka! Wala ka ng nagawang matino!" Sigaw ni Daddy.
"Pagsabihan mo nga 'yang anak mo!" Sigaw naman ni Mommy.
"Hindi ko yan anak!" Mas lalo akong napa-iyak dahil sa narinig ko.
H-Hindi n-nila ako a-anak?
"Inutil ka Chasty, inutil ka!" Sigaw ko sa sarili ko. "Ahhhhhh, inutil ka!!" Sigaw ko ulit. Iyak lang ako ng iyak at hindi ko namalayan na basag na pala yung basong hawak-hawak ko kanina.
"C-Chasty?" Tawag ng kung sino.
"A-Ate?" Napalingon ako ng marinig ko ang boses na ni Cy.
Galit akong tumayo na kuyom ang dalawa kong kamao, naramdaman kong may mahapdi doon pero hindi ko yun pinansin.
Takot na takot ang itsura na si Cy hanggang sa may pumasok na namang aala-ala sa akin.
"A-Ate... I'm scared." Umiiyak na sabi ni Cy at halata sa mukha niyang takot na takot siya. Nabasag kase niya yung salamin ni Daddy na hindi naman niya sinasadiya.
"Ako ang bahala, nandito lang si Ate." Niyakap ko siya at niyakap niya naman ako pabalik.
Patuloy pa rin siya sa pag-iyak at takot na takot talaga siya.
"C-Chasty, yung k-kamay mo dumu..dumudugo,"
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Vin, nakatingin lang ako kay Cy. Birthday niya pa naman ngayon, gusto kong magcelebrate kasama siya kagaya ng lagi naming ginagawa pero wala na, nawala na lang ang pagsasama namin na parang bula, sinayang niya lahat, nagbago siya at hindi na siya yung dating kilala ko.
Hindi na siya si Cy na kapatid kong malambing.
"Anong ginagawa mo dito!?" Sigaw ko sa kaniya at bahagya siyang napa atras.
"ALIS!!!"
__________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro