CHAPTER 17
***
Bakit naman kase sa Thursday pa? Akala ko ba hanggang Friday? Kingina naman oh, hindi ko na nga alam ang gagawin ko eh.
Nandito ako ngayon sa kotse ko at handa ng umuwi, kailangan kong matapos ang plates ko, may nasimulan na rin naman ako kaya lang hindi pa tapos.
Nagsimula na akong magdrive pauwi, dumaan muna ako sa mini store ni Khad bago ako tuluyang umakyat, para naman may kainin ako habang gumagawa ng plates ko.
Tumunog yung bell sa pintuan, tanda na may pumasok, dumiretso kaagad ako sa mga snacks and drinks, hindi alcohol ang bibilhin ko, kundi soft drinks, kumuha ako ng coke at mga chitchirya.
Matapos makapamili ay pumunta na ako sa counter para magbayad, akala ko si Khad ang nandoon dahil balak ko siyang inisin pero hindi siya ang nasa counter.
"Nasaan po si Khad?" Tanong ko kay Ate habang binibilang ang pinamili ko.
"Hindi daw po muna siya papasok," nakangiting sagot niya naman, tumango na lang ako at hinintay na mabalot ang binili ko.
Matapos magbayad ay dumiretso na ako sa condo ko, agad kong ininit ang noodles na binili ko bago umupo sa sofa at nagtype sa laptop.
Habang ginagawa ko ang plates ko ay may kumatok sa pinto, kaya inis akong tumayo, kung kailan busy ako saka naman mang-iistorbo.
Pagbukas ko ng pinto ay handa ko na sanang singhalan kung sino man yun, kaya lang nagulat ako dahil si Vin ang nasa pinto ko.
"Paano mo nalaman na dito ang condo ko?" Kunot noo kong tanong sa kaniya.
"Para sa'yo," tiningnan ko yung paper bag na hinarap niya sa akin.
"Ano yan?"
"Spaghetti, luto ni Mommy, dinala niya ito kanina sa bahay, sabi ko wala ka pa nakakauwi galing sa school, mabuti na lang at hindi siya nagtagal kung hindi baka nayari na tayong dalawa at mahuhuling nagpapanggap lang tayo," mahaba niyang paliwanag. Inis ko yung kinuha sa kamay niya. "At isa pa, pwede bang doon kana mag-stay sa bahay? Kase hindi sila nagi-inform kung kailan dadalaw." Dagdag niya.
"Yun lang ba? Marami pa akong gagawin eh," tumango naman siya, bago pa siya may sabihin ay sinarado ko na ang pinto.
Binuksan ko naman yung paper bag at nilagay sa plato ang spaghetti bago bumalik ulit sa paggawa ng plates. Sayang din naman kung hindi ko kakainin.
Wala pa akong planong bumalik doon pero naman siya dahil bigla-bigla na lang dadalaw ang kung sino man sa kanila ng walang pasabi. Siguro nga tama siya.
Twelve ba ng gabi hindi ko pa rin natatapos, 'di bale may isang araw pa naman ako, pumasok na ako sa kuwarto ko bago natulog.
KINABUKASAN ay maaga ang pasok ko, inutusan ko ang isa sa mga driver namin sa bahay na kunin ang ibang gamit ko sa condo ko at dalhin sa bahay namin ni Vin.
Para hindi na ako mahirapan mag-hakot, sinabi ko naman na yung mga nilabas ko lang na naka-karton dahil yun lang ang dadalhin ko doon, kapag tapos ng kasal at settle na kami ni Vin aalis din ako doon at babalik sa condo ko, kaya mas mabuting hindi ko na kunin lahat.
Pagpasok ko sa room ay may kaniya-kaniya na naman silang buhay, nag-aaway may nagmamaktol, naghahanap ng gamit, nagc-cellphone, sumisigaw, may iba naman na tahimik lang sa kanilang upuan.
Pag-upo ko sa upuan ko ay wala pa si Pria, malamang na stress na yun, paano kase inuuna pa ang landi kaysa sa mga importanteng bagay.
My life was so boring, kung anong ginagawa ko kahapon ganoon ang gagawin ko ngayon, paulit-ulit na lang wala ng katapusan.
Nung uwian ng hapon ay sa bahay na ako dumiretso, expected na wala doon si Vin dahil paniguradong gagabihin na naman siya ng uwi dahil sa klase niya.
Inilagay ko yung gamit ko sa sofa at dumiretso sa kusina para magluto. Ako naman ngayon, nakakahiya naman dahil siya na lang lagi, parang mas babae pa siya kaysa sa akin eh.
Hindi ko naman siya matawag na bakla dahil may girlfriend siya, pero what if bakla talaga siya at lalaki yung tinutukoy niyang girlfriend? Oh my gosh, I can't imagine those things.
Nagluto lang ako ng adobo at nagbake din ako ng cookie's, sana naman magustuhan niya itong niluto ko.
Sakto naman siya sa panlasa ko, hindi ko lang alam sa panlasa niya huhu. Inayos ko din yung table na pagkakainan namin, nilagyan ko yun ng bulaklak at inayos ang pagkain.
Nang masigurong maayos na ang lahat ay pumunta na ako sa kuwarto ko para magbihis, hindi pa kase ako nakakapalit ng damit, inuna ko pa yung pagluluto. Dala-dala ko ang mga gamit ko sa kuwarto. Mamaya ko na lang tatapusin yung plates ko.
Hindi namam din ako nagtagal sa taas at bumaba na ako, pagbaba ko ay wala pa rin si Vin.
Uuwi ba siya?
Ayaw ko naman siyang tawagan dahil baka busy pa, pero anong oras na 'to at alam kong wala na siyang klase sa ganitong oras.
Nanuod muna ako ng Netflix sa tv para hindi naman ako maboring, nakakawala kase ng respeto kung mauuna na akong kumain, siya nga hinihintay ako eh. Katabi ko si Venice na mahimbing na nag tulog dahil ginagalaw ko ang balahibo niya.
Kahit gutom na ako ay mas pinili kong manuod habang inuunti-unti yung niluto kong cookies, ang sarap ko talagang magluto.
Nakaabot na lang ako ng twelve ng umaga wala pa rin siya, sana pala tinapos ko na lang yung plates ko.
Inis akong umakyat sa kuwarto ko at inasikaso ang plates ko, hindi ko din naman kase siya masisisi, pero nag-effort ako eh, sana naman dumaan siya dito sa bahay at nagpasabing hindi uuwi o kaya nag-text.
"Eh sino kaba naman Chasty para i-inform 'di ba? Wala naman kase nagsabi sa'yong mag-effort ka," inis kong sinampal ang sarili ko, at nagpatuloy.
WALA akong tulog magdamag, gawa lang ako ng gawa ng plates ko, ang nakakainis lang, ang hirap mag-isip. Binuksan ko na nga yung tv sa kuwarto ko para makapanuod kaya lang wala pa rin, bakit ba ang hina-hina ko ngayon? Kailangan na pa naman ito bukas.
Hindi ko kase ugaling kausapin yung guro tapos manghihingi ng adjust sa time? For me kase kung ano yung binigay nila yun ang dapat sundin.
Mabuti na lang at afternoon pa ang klase ko kaya may time pa ako ng umaga, bumaba muna ako sa kusina nung eight na dahil kumakalam na ang sikmura ko.
Pagdating ko doon ay nagulat ako dahil nagluluto na si Vin at tarantang-taranta siya sa kaniyang ginagawa.
Hindi ko pala naligpit yung mga plato kahapon, mabuti na lang talaga at hindi ko pa naayos yung pagkain sa hapag kahapon dahil hinihintay ko siya.
Hindi ko siya pinansin at dumiretso sa ref para kumuha ng tubig, napilitan din akong mag-kape kahit hindi ako nagkakape.
"G-Good morning," bati niya, hindi ko siya hinarap at tuloy-tuloy lang na nag-asikaso ng kakainin ko.
Kinuha ko rin yung natira kong cookies kagabi, sana pala ako nalang yung kumain kagabi 'di ba? Ang tanga ko kase eh, bakit ba hindi na lang ako kumain kagabi? Gusto ko lang din naman kaseng bumawi sa kaniya kaya lang ganoon pa ang nangyari, nakakainis.
Pumunta ako sa kalderong nilutuan ko kagabi ng adobo at sinalang yun sa stove. Mamaya ko na lang siya kakainin, iinitin ko muna.
"Chasty?" Tawag niya ulit, hinalo ko yung kape ko at dala-dala yun sa taas kasama yung cookie's.
Bahala ka sa buhay mo.
Bumalik ako sa paggawa ko ng plates habang kumakain ng cookie's, alam kong hindi ako mabubusog dito lalo na't yung kape ay hindi pa nangalahati sa baso ko.
Ilang saglit pa ay nagulat ako dahil pumasok si Venice sa kuwarto ko, may dala-dala siyang papel sa bibig niya. Ibinaba niya yung papel sa paahan ko at dinampot ko naman, umupo lang siya doon at parang may hinihintay.
Pagbukas ko ng papel ay napataas ang kilay ko.
'Sorry na kung hindi ako naka-uwi kagabi.'
Huh? Bakit siya naga-sorry? Kasalanan ko naman yun eh, tsk. Kumuha ako ng papel at binigay yun kay Venice. Yun pala ang hinihintay niya.
'You don't have to say sorry.'
Bumalik ulit ako sa pagguhit ko, hindi pa nakakalimang minuto ay bumalik ulit su Venice.
'Natikaman ko yung adobo mo, masarap, and sabi ni Venice wala ka pang kain simula kagabi.'
Masama kong tiningnan si Venice pero nakayuko na siya ngayon. Aba, talagang sinumbong niya pa ako ha.
"Venice!" Tawag ko dito, tumingin siya sa akin pero halatang kinakabahan dahil medyo nakayuko pa siya. "Talagang sinabi mo sa Daddy mo yung ginawa ko kagabi?" Para namang naintindihan niya yun dahil yumuko siya. Hindi siya sumagot pero natawa ako dahil ang cute niya. Paano kaya siya na train ni Vin?
Nagsulat muli ako at binigay ko yun kay Venice, matapos niyang makuha ay mabilis siyang lumabas sa kuwarto ko.
'Kumain ako.'
Ang kagandahan sa Tuta na yun, hindi siya dumudumi kung saan-saan lang dahil dahil may sarili siyang dumihan, hindi rin siya makalat. Kapag sinabihan mo sumusunod naman siya.
Malapit ko ng matapos yung plates ko kaya humiga muna ako sa kama ko para magpahinga, mamaya na lang ako kakain kapag aalis na papuntang school.
Nakatulala lang ako sa kisame ng umakyat si Venice at inilagay sa kamay ko ang papel.
'kakain na, bumaba kana diyan.'
Bumangon ako at binuhat si Venice pababa ng hagdan. Hindi ko naabutan doon si Vin, ibinaba ko si Venice at dumiretso sa kusina. Inilagay ko yung adobong niluto ko kagabi sa bowl at inilagay sa lamesa. Nilabas ko rin yung natirang Cookie's.
Ilang saglit pa ay bumaba na si Vin, bagong ligo siya at naka short and white t-shirt lang siya. Wala ba siyang pasok?
Nakangiti siyang lumapit sa kusina at tinulungan akong maghanda ng pagkain. Kukunin ko na sana yung pitsel at nahawakan ko na rin, sakto rin na yun ang kukunin ni Vin.
Nagkatinginan kaming dalawa ng ilang minuto bago ko bitawan yun. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng lumapit ako sa lamesa at umupo sa upuan.
Bakit ganito? Ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Let's eat." Inilagay niya yung tubig sa harapan ko, masama ko yung tiningnan.
Kasalanan mo.
Nagsimula na akong kumain at yung adobo lang ang inulam ko, hindi ko pinansin ang niluto niya kahit alam kong masarap yun.
Chicken curry pa naman yun.
"W-Wala ka bang pasok?" Tanong ko dito, umiling naman siya.
"Ikaw?"
"One pa," ani ko, inabot niya sa akin yung bowl ng curry at tinanggap ko naman yun, siya naman ay kinuha yung adobo na niluto ko.
Nagsimula na akong kumain at mabilis akong uminom ng tubig dahil sa lasa ng adobo.
Bakit maalat?
"Are you okay?" Nag-aalala niyang tanong.
"D-Don't... D-Don't eat that adobo." Utos ko sa kaniya, tinawanan niya naman ako at sumubo na siya.
Napangirit ako dahil sa ginawa niya, hindi b siya naalatan?
"Masarap naman ah, first time mong mag-luto kaya dapat lang na kainin ko, first time kong matitikman ang luto mo." Sagot niya at sumubo ulit.
The fuck.
Hiyang-hiya akong nagpatuloy sa pagkain, inulam ko na lang yung curry na niluto niya, nakayuko ako habang iniisip na kinakain niya talaga yung niluto ko.
"I think kailangan kitang turuan magluto?" Napatingin ako sa kaniya at ngumiti lang siya.
"Marunong ako." Sagot ko, marunong naman talaga ako eh, hindi ko lang alam kung bakit biglang umalat. Bahagya lang siyang tumawa bago uminom ng tubig.
"Ang laki ng eye bag mo," sabi niya kaya inis akong napatingin sa kaniya.
"Ina-ano kaba ng mata ko?" Irita kong tanong sa kaniya, inirapan ko lang siya at sinubo yung huling kanin sa plato ko.
"Baka hindi ka talaga para sa pagluluto ng ulam, masarap namam itong ginawa mong cookie's," dagdag niya at sinubo ang cookie's na tinitingnan niya lang kanina.
Hindi ko siya sinagot, hinayaan ko lang siya doon, bahala siya diyan, bumalik ako sa kuwarto ko para mag-asikaso na, hindi ko pa tapos yung plates ko kaya paniguradong puyat na naman ako mamaya.
Pagpasok ko sa bathroom ay nagulat ako sa nakita ko sa salamin.
"Oh my god," sabi ko dahil ang laki ng eye bag ng mata ko, paano ko ito tatakpan? Hindi naman pwedeng pumasok ako ng ganito?
Nakakahiya din kay Vin kanina, para akong aswang at idagdag mo pang ang gulo ng buhok ko, nakakainis, ano kaya itsura ko kanina?
Nakakahiya. Seriously humarap ako sa kaniya ng ganito ang itsura?
____________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro