CHAPTER 16
***
"Kumain kana muna, namumutla kana," umupo naman siya sa stool at yumuko ginamit niya ang kaniyang braso para gawing unan. "Khad!" Tawag ko sa kaniya dahil ayaw niyang kumain.
"I don't want to eat," mahina niyang sambit at mas lalong dumukdok sa lamesa.
"Paano babalik ang lakas mo niyan kung hindi ka kakain?" Inis naman siyang umayos ng upo at galit na tumingin sa akin, nakakatakot.
Inis niyang hinila yung plato na nilagyan ko ng pagkain niya. Dahan-dahan siyang sumubo ng lugaw kahit diring-diri siya dito.
"Nasaan ba ang mga gamot mo? Umiinom ka ba? Ano ba kaseng ginagawa mo at lagi ka na lang may sakit?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya habang inaayos ang gamit sa kusina.
"Magaling na ako," mahina niyang sabi kaya napatingin ako sa kaniya.
"Talaga lang ha, makakapasok kana bukas?" Tumango naman siya na ikinagulat ko.
Ano yun? Ganon-ganon lang yung sakit niya? Lakas naman niya at nakakayanan niya yun? Grabe, ano yun whether-whether lang? May panahon kung kailan siya magkakasakit at wala? Ano yun, Winter, summer, spring's, autumn?
"Tsk," sagot ko bago pinunasan ang kamay, umupo ako paharap sa kaniya at pinagmasdan siyang kumain, malapit na rin siya matapos. "Kailangan mo pa ba ako dito? Babalik na ako sa condo ko, para naman ako naman ang magpahinga," hindi niya ako sinagot at tuloy-tuloy lang na kumain na animo'y walang narinig. "Hoyyy!"
"Pwede ka ng bumalik sa condo mo," sagot niya, tumango naman ako bago tumayo, naglakad na ako papunta sa pinto at handa ng lumabas. "Thank you." Napatingin ako sa kaniya pero nakatalikod pa rin siya at hindi man lang ako nagawang lingunin.
Napangiti naman ako ng bahagya bago tuluyang lumabas, pagdating ko sa kuwarto ko ay pagod na pagod akong humiga sa kama, hindi ko na nagawang maglinis ng katawan dahil sa subrang pagod.
Nag-set na lang ako ng alarm para magising ako ng maaga dahil may pasok pa kinabukasan.
Sana naman ayos na talaga si Khad.
NAUNA pa akong nagising sa alarm ko, nagising ako ng four ng madaling araw kaya nagawa ko pang magluto ng kakainin ko, kaya lang bacon and rice lang yun dahil hindi pa ako nakapamili.
I open my cellphone and read my Mom text.
From: Mom
I already send to you your allowance for this month.
Napairap ako dahil doon, matapos kumain ay naligo na ako, lagkit na lagkit ako sa katawan ko dahil hindi ako nakalinis kagabi.
Paano ba naman subrang pagod, nakakainis lang dahil papasok na naman ako, panibagong araw na naman ang kailangan kong tapusin.
Matapos masigurong ayos na ang lahat sa akin ay lumabas na ako ng condo, siniguro kong nasaraduhan ko ang pinto ko ng maayos.
Sumakay ako ng elevator at pagbaba ko ay dumiretso kaagad ako sa kotse ko at nagdrive papuntang school.
Pagdating ko sa school ay marami akong naririnig na mga bulungan, pero hindi ko yun nagawang pansinin kagaya ng kasalukuyan kong ginagawa.
Wala naman akong pakialam kung ano pang iniisip nila tungkol sa akin, mas kilala ko ang sarili ko kaysa sa kanila.
Habang naglalakad sa hallway ay may bigla na lang tumawag sa akin, tinaasan ko ng kilay ang isang freshman na lalaki at hinihintay ang sasabihin niya.
"Ate Chasty, pwede pong pa picture?" Nahihiya niyang tanong.
"No," Mabilis kong sagot.
"Kahit isa lang po?"
"I said No, I'm not a celebrity so please stop?" Hindi siya nakasagot sa pananaray ko.
Karapatan kong tumanggi, ayaw kong maging sikat kung ano man yung mga nakikita nila sa akin, gusto kong maging kagaya lang ng dati na wala silang pakialam sa akin.
Nang makarating ako sa room ay mabilis na lumapit sa akin si Pria.
"Babaita, ano na namang ginawa mo?" Kunot noo niyang tanong, napataas ang kaliwa kong kilay dahil sa tanong niya.
"Galing ako ng con-"
"Tanga, popular ka ngayon sa Facebook, bago lang, as in bago lang, lalo na sa group ng university na 'to." Mabilis kong dinampot ang cellphone ko at ganoon na lang ang gulat ko sa nakita ko.
Architect Group
"I can't believe ganon ang ugali ni Chasty."
"Picture lang pinag-damot."
"Maganda nga panget naman ng ugali."
'Aceus University Group'
"Did you know Chasty Cardinal? She's our top 1 in first sem right? My brother ask her to take pictures together but Chasty said No because she's not a celebrity and guess what? She also said that may brother is ugly and she don't want to take pictures together because of my brother personality. I can't believe she do that to my brother, ano pa kaya ang pwede niyang gawin? Hindi niya deserve ang nasa taas." -Azy Vien.
"The fuck, this is not true!" Sigaw ko, narinig naman yun ng mga kaklase ko. "I said I don't want to take a picture because I'm not a celebrity, and kaya hindi ako pumayag dahil ayaw kong makilala ako, gusto ko yung out of place ako lagi! Yung hindi pinapansin at wala kayong pakialam sa akin, yun ang gusto ko, kaya please lang! I'm not like that, I'm not a bully, yes maldita ako but hindi ako manghuhusga ng panlabas lang na kaanyuan!" Sigaw ko, mabilis ko lang yung sinabi dahil naiinis ako at galit ako kung sino man yung nag post noon.
Why that freshman said that?
I'm very desapointed, kanina lang nangyari ang bilis namang kumalat, halatang plando ang nangyari, kung alam ko lang sana pumayag na lang ako. Kapakanan ko lang din naman ang iniisip ko.
Expected ko na kaagad na papatawagin ako sa dean's office and guess what? Kasama ang parents and brother ko.
Nakakainis lang, kaya nung uwian na ng hapon ay dumiretso na ako kaagad sa dean's office, pagdating ko doon ay naka-upo na si Mommy at Daddy habang nakatayo naman si Cy at nginisihan ako ng makita akong pumasok.
"Seat down, Chasty." Utos ni Dean na mabilis ki namang sinunod.
"Let's get to the point," mahina kong sambit.
"Regarding sa issue mo this morning, what is the real story?" Tanong ni Dean.
"Chasty, picture lang pinag-damot mo?" Sigaw sa akin ni Mommy. Ede sana ikaw ang nagbigay 'di ba? Picture lang pala eh.
"I don't said those words to him," sagot ko pero sa mahinahon na boses.
"Yeah, kagaya ng ng sinabi mo dito," napatingin ako kay Cy ng pinakita niya sa akin ang cellphone niya, kitang-kita ko doon ang mukha kong galit na galit kanina nung nagpapaliwanag ako. May nag video pala?
Napahinga na lang ako ng maluwag. Pinalabas ako ni Dean at si Mommy and Daddy ang kinausap niya, sumunod naman sa akin si Cy, umupo ako sa bench na nakita ko nalapit doon habang hinihintay sila. Naramdaman kong tumabi sa akin si Cy kaya napatingin ako sa kaniya.
Laking gulat ko ng makita may pasa siya sa kaliwang pisnge niya, hindi naman yun malaki, maliit lang pero nahalata ko dahil malapit lang siya sa akin. Hindi ko muna yun tinanong sa kaniya dahil alam kong hindi niya rin ako sasagutin ng maayos.
"Anong feeling ng magkaroon ng issue?" Natatawang tanong niya.
"Umalis ka na kung wala ka ding sasabihing maganda." Utos ko dito na tinawanan niya lang.
"Hindi pa ba alam ng school na isa kang Cardinal?" Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa tanong niya.
Halata ba?
"Kung alam nila ede sana wala kayo ngayon dito dahil namo-mroblema kayo kung paano niyo pahuhupain ang issue sa social media." Wika ko at tumawa na naman siya.
"Bakit kase hindi mo pa ipaalam na isa kang Cardinal?" Galit naman akong tumingin sa kaniya.
"Bakit kailangan ko pang gawin, ni sarili ko ngang pamilya hindi ako maituring na isa sa kanila? Ano pang silbi kung ipapaalam ko pa?" Natatawa kong tanong.
"Bakit? Kinakahiya mo ba kami? Kinakahiya mo bang naging kapatid mo ako?"
Kahit kailan hindi kita ikinahiya, naiinis ako sa'yo kase bakit naging ganito ka?
"Oo, hiyang-hiya!" Sigaw ko, kabaliktaran ng nasa puso't isip ko. Balak ko sanang bawiin pero para saan pa. "Ako ang magtatanong sa'yo, ikinakahiya mo bang naging ate mo ako?" Hindi siya sumagot bagkus ay umiwas lang siya ng tingin, nasilayan ko sa nga mata niyang may namumuong luha pero pilit niya yung pinipigilan.
Naaawa ako sa'yo, hindi ko alam kung anong nangyayari pero sana ayos ka lang.
"I don't care for you by the way." Sabi niya bago ako talikuran, tumulo ang luha sa mga mata ko ng dahan-dahan siyang naglakad palayo.
I know.
Marahan ko yung pinunasan bago malalim na bumuntong hininga. Hindi ko na sila hinintay at tuluyan ng umuwi.
Pagka-uwi ko sa condo ay mabilis akong nagbihis at ginawa kaagad ang plates ko, kailangan ko yung matapos within this week.
Wala akong maisip na pwede kong e-sketch, sumasakit na ang ulo ko mag-isip kaya minabuti kong matulog na lang muna.
"Nasimulan mo na ba yung plates mo?" Tanong sa akin ni Pria habang kumakain kami sa cafeteria.
"Wala pa, hindi makapag-isip ng maayos," sagot ko naman sa kaniya at kumagat sa sandwich ko.
"Hasytt, terror pa naman yung prof natin, nakakainis," inis niya namang kinagatan ang burger niya, bahagya lang akong natawa dahil paniguradong mahihirapan na naman siya.
"Paano kase inuuna mo ang landi," wika ko ng makita si Cris na papalapit sa gawi namin, kasama ang walang kabuhay-buhay ang mukha na si Khad.
"Tse," singhal niya sa akin, inirapan ko lang bago kumain ulit.
Nang makalapit na ang dalawa ay hinila ni Khad ang upuan malapit sa akin, hindi naman siya nagsalita kaya medyo nailang ako, habang yung dalawa naman ay naghaharutan na.
"Umalis nga kayo dito, ayan na naman kayo eh," reklamo ko, tiningnan lang naman ako ng masama ni Pria at tinawana naman ako ni Cris.
"Bitter." Sabay nilang sabi at inis kong binato sa kanila yung cup na wala ng laman.
"Chasty," napatingin ako kay Khad ng tawagin niya ako, tinaasan ko siya ng kilay dahil seryuso ang kaniyang mukha. "Pwede ka ba mamaya?" Mabilis niyang tanong sa akin.
Nag-isip naman ako dahil paniguradong marami pa akong kailangang gawin. "Gagawa pa ako ng plates ko mamaya eh, kailangan na kase namin yun this week," sagot ko sa kaniya na tinanguan niya naman.
Hindi ulit siya nagsalita, natapos na lang kaming kumaing dalawa ni Pria wala pa siyang kinakain, ni hindi nga bumili ng pagkain niya eh.
"Ayaw mo bang kumain? Baka mamaya mahimatay kana naman?" Tanong ko sa kaniya.
"Kumain na kami kanina," sagot niya naman. Tumango na lang ako, sinimulan ko ng ayusin ang mga gamit ko.
"Mauna na ako ha, kailangan ko pang magreview," paalam ko dahil mukhang walang planong umalis si Pria sa tabi ng boyfriend niya.
Hindi ko na hinintay magsalita si Khad at umalis na ako ng tuluyan, mabilis ang ginawa kong paglalakad dala-dala ang mga aklat at plates ko. Hindi na alam kung anong gagawin ko, si Pria parang easy lang tapos iiyak na naman kase walang nagawa hayst.
Lakad takbo na ang ginawa ko para lang makarating kaagad sa room para masimulan ko na ng maayos ang mga project and assignment ko, kahit mamaya na lang sigurong gabi yung plates ko.
Habang naglalakad ay napansin ko si Vin na may kausap na babae, kaya bahagya akong bumagal sa paglalakad.
Sino yun?
Hindi ko inalis ang tingin sa kanilang dalawa, nagtatawanan sila at halatang masaya, yun ba yung girlfriend niya? Hindi naman yun ang partner niya nung grand ball eh.
Nang mapadaan ako sa gilid nila ay iniwas ko na ang tingin ko, normal akong naglakad papunta sa room natatakot dahil baka sambunotan ako ng babae na yun kung yun man ang girlfriend niya.
At kung mamalasain ka nga naman, isa-isang lumutang sa ere ang mga aklat na dala ko dahil natisod ako sa bato.
Bwisit.
Mabuti na lang talaga at hindi ako tuluyang napahiga sa simento dahil mas lalong nakakahiya yun.
Mabilis kong dinampot ang mga aklat at gamit ko na nahulog sa sahig, hiyang-hiya ako sa mga nakakita dahil alam kong pinagtitinginan na ako ng mga tao dito.
Hindi ko pa nadadampot lahat dahil ang layo ng narating ng iba, maya-maya pa ay may tumulong na sa aking damputin yun, mabuti naman at may magandang loob din dito.
Pero laking gulat ko ng makita kung sino yung tumulong sa akin.
"Sa susunod kase 'wag mag madali." Sabi niya bago iabot sa akin ang gamit ko.
Pilit akong ngumiti kay Vin at inirapan siya, mabilis akong tumayo at naglakad papunta sa room.
Pagpasok ko ay nagkakagulo na sila. Anong nangyayari? Baka mamaya may issue na naman ako, nakakainis talaga.
Umupo kaagad ako sa upuan ko at inasikaso ang mga assignment ko, hindi ko na sila pinansin dahil ang gugulo nila. Pero hindi ko pa rin maiwasang makinig sa kanila dahil sigaw sila ng sigaw.
"Lyn, yung papel ko?"
"Nasaan yung plates ko dito!?"
"Bes, nakita ko jowa mo."
"Inamo, manahimik ka, rank 'to."
"Hoyy bobo."
"Tangina naman oh, asan yung ballpen ko!? Mas mahal pa yun sa mga buhay niyo!?"
Puro sila sigawan at hindi ko na maintidihan kung saan ang pakinggan ko, pero mas natuon ang attention ko doon sa huling nagsalita. Totoong mas mahal pa ang mga gamit namin dito kaysa sa mga buhay namin.
Ultimo ballpen namin ang mahal, lahat ng gamit namin mahal kaya kailangan talagang magtipid. Kapag hindi kompleto ang gamit mo malabong pahiramin ka ng mga kaklase mo, dahil lahat kami dito ay walang tiwala sa isa't isa, kaniya-kaniyanh sikap at pundar ng gamit.
"Guys, announcement!!" Napatingin ako sa president namin ng biglang pumasok sa room at hingal na hingal. "Kailangan daw ni Ma'am ang plates natin sa Tuesday."
The fuck.
___________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro