Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 15

***

"It's none of your business!" Sigaw niya sa akin at galit na tumayo.

"Cy!" Tawag ni Vin pero hindi niya ito pinansin.

"Cy, bumalik ka dito," hinabol ko pa siya palabas ng bahay at nakita ko siyang sumakay ng kotse niya. "Cy!!" Hindi niya ako pinansin at dire-diretsong lumabas ng gate.

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa inis, hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa kaniya, ang bata niya pa bakit kailangan niyang makipag-away?

"Ayos lang naman ata siya eh," sabi ni Vin na nasa tabi ko na pala.

"Wala ba siyang sinabi sa'yo?" Tanong ko dito, umiling naman siya bilang sagot.

Kasalanan ko 'to eh, kung sana mas napalaki siya ng maayos hindi siya magkakaganito.

Inis akong umupo sa sofa ng may maalala.

"Ate, that ant bite me," umiiyak na lumapit sa akin si Cy habang pinipinta ko siya, nandito kami sa garden dahil wala na naman ang parents namin.

"Nasaan?" Tanong ko at tinuro naman niya ang paa niyang namumula na dahil sa kagat ng langgam.

"Here Ate, it's hurt." Tumutulo na ang luha sa kaniyang matabang pisnge, pinisil ko yun at pinunasan ang luha niya.

"It's okay, mawawala din yan mamaya, tatapusin ko lang itong painting mo," nakangiti kong sabi sa kaniya, tumigil naman siya sa pag-iyak at inayos ko na ang painting niya.

Pinanuod niya naman akong tapusin yun, kunting kagat lang ng langgam umiiyak na siya.

"Paano na lang kapag malala pa ang nakukuha niyang sugat? Hindi pa nga malala yung nakagat siya ng langgam pero grabe na soya umiyak," sabi ko kay Vin, nakatitig lang siya sa akin habang kinukwento ko sa kaniya yung naalala ko.

"Malaki na si Cy, Chasty alam niya na ang mga ginagawa niya, sigurado naman ako na hindi na siya iyakin ngayon," sabi naman niya, pinunasan ko ang luha sa mga mata ko na tumulo bago tumango.

Siguro nga, he's a big boy now.

Hindi niya na kailangan ng Ate na lagi niyang tatakbuhan, nandoon na si Mommy at Daddy na paboritong-paborito siya.

Tumayo na ako at naalala ang cellphone ko kagabi, hindi ko alam kung saan ko nalagay, wala na rin dito sa table yung mga sash ko.

"Nakita mo ba yung cellphone ko kagabi?" Tanong ko sa kaniya.

"Nadoon sa kuwarto natin, doon ako nakatulog kagabi eh," kamot ulo niyang sagot, "doon ko chinarge," paliwanag niya, tumango naman ako at nagtungo doon.

Agad ko naman yung nakita dahil nandoon lang yun sa study table at naka charge nga, kinuha ko naman yun ay mabilis na binuksan, bago yun mabuksan ay napatingin ako sa pader kung saan nakasabit ang painting.

Painting ko yun ah?

Yun ang painting na nag champion ako, katabi noon sa kaliwa ang sash ko at ang sash naman ni Vin ang nasa kanan.

Paano niya nakuha ang painting na yan?

Hindi ko na yun napagtuonan ng pansin dahil isa-isang nag-pop sa notification ko ang tawag at message ni Pria.

Mabilis ko siyang tinawagan at sinagot niya rin naman kaagad.

["Chasty, nasaan ka? Nandito ako sa hospital,"]

"H-Huh? Anong ginagawa mo diyan?" Kinakabahan ako sa pwede niyang isagot sa akin.

["Tinawagan ako ng isang impleyado ni Khad sa store niya, dinala siya dito dahil bigla na lang daw siyang nahimatay!"] Mabilis akong bumaba at hinanap si Vin.

Pinatay ko na ang tawag matapos masabi ni Pria kung saang hospital dinala si Khad.

"Vin, can I borrow your car? Kailangan ko lang pumunta ng hospital," paalam ko sa kaniya, napakunot naman ang noo niya.

"Bakit?"

"Basta, please pahiram?" Tumango naman siya kahit nagtataka, mabilis akong pumunta sa kotse niya matapos makuha ang susi niya sa kuwarto niya.

Kailangan kong makapunta kaagad doon, kaya lahat ng sasakyan na pwede akong mag over take ang inuunahan ko, buti na lang talaga at walang traffic kaya mabilis din akong nakarating.

Tinanong ko kaagad sa nurse na nasa counter kung saan ang kuwarto niya, at kung mamalasin ka nga naman nasa third floor pa ang kuwarto niya, wala akong nagawa kundi maghintay sa elevator, kapag gumamit pa ako ng hagdan ay baka ako pa ang mamatay.

Nang makalabas sa elevator ay mabilis akong tumakbo sa sinabing kuwarto, naabutan ko naman doon si Pria at Cris.

"Anong nangyari?" Tanong ko kaagad. Mahimbing na natutulog si Khad. "Hindi pa rin siya nagigising?" Umiling si Cris kaya lalo akong nag-alala, lumapit ako kay Khad at pinagmasdan siya.

"Yung mga impleyado sa store niya ang nagdala dito sa kaniya, at tinawagan lang ako dahil ako daw yung unang nakita nila sa Contact niya, kagabi pa siya nandito, hindi kita ma-contact kagabi eh," paliwanag ni Pria.

"Lowbat ang cellphone ko eh," paliwanag ko din.

"Ikaw na muna ang maiwan dito, wala pa kaming kain eh," sabi ni Cris at tumango naman ako.

"Wala bang dumalaw na pamilya niya or kamag-anak? Kaibigan?" Tanong ko kay Cris, umiling naman siya.

"Ako lang ata ang kaibigan niya eh," sagot niya.

H-Huh?

"Nasaan ang cellphone niya?" Inabot naman sa akin yun ni Pria.

Nang makalabas sila ay pumunta ulit ako kay Khad lumapit ako sa kaniya at umupo sa upuan malapit doon.

"Lagi ka na lang nagkakasakit ah, paano kung ano-ano kaseng ginagawa mo, ayan tuloy." Sabi ko dito kahit alam ko naman na hindi niya naririnig.

Tinipa ko ang cellphone niya, kaya lang may password, wala naman yung facelock pero may fingerprint, kaya inisa-isa ko ang mga daliri niya, nang mabuksan ay pumunta ako sa contact's nagbabakasakaling may kamag-anak siya doon pero bigo ako.

Number ko, number ni Pria, number ni Cris, number ng manager niya sa store niya, number ng doctor.

Doctor? Dr. Panget.

Yun ang name ng doctor, mayroon din doong number na ang nakalagay ay 'Pretty' kanino naman yun? Sinubukan kong tawagan yung pretty na yun kaya lang cannot be reached.

Ano naman itong lalaki na 'to, wala ba siyang malapit na kakilala? Lagi na lang may sakit, paano na lang kapag wala ng nakakita sa kaniya? Ede mamatay siya ng maaga?

"Bakit kase hindi ka nag-iingat? Bakit lagi ka na lang may sakit?" Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awa para sa kaniya.

HINDI din naman ako nagtagal doon dahil kailangan kong bumalik sa condo ko, pero umuwi muna ako sa bahay dahil baka gamitin ni Vin yung kotse niya.

Inihabilin ko muna siya sa nurse at sinabing babalik ako mamayang gabi para bantayan siya. Kung hindi pa siya makakalabas ay paniguradong walang magbabantay sa kaniya bukas.

Nang maka-uwi sa bahay ay mabilis ko namang nakita si Vin na nagbabasa sa sofa.

"Thank you," inabot ko sa kaniya ang susi at aakyat na sana sa taas kaya lang tinawag niya ako.

"Sinong nasa hospital?" Takang tanong niya. Ayan na naman siya sa seryuso niyang mukha.

"Si Khad yung kaibigan ko," sagot ko naman, bahagya siyang nagulat pero tumango na lang siya at tuluyan na akong umakyat sa kuwarto ko.

Mabilis akong nag asikaso dahil baka ma-traffic ako mamaya, kailangan kong makuha ang kotse ko dahil bukas start na ng second sem namin, ayaw ko na mag commute dahil gastos lang yun.

Matapos makapagbihis ay bumaba na ako sa sala, kinuha ko lang yung shoulder bag ko sa sofa at tuluyan lumabas ng bahay. Nagulat pa ako dahil nakita ko si Vin na nagdidilig ng halaman.

H-Huh? B-bakit-

Hindi niya gawain yun, gawain yung ng babae pero siya ang gumagawa, pati nga pagluluto eh, bakit ang hilig niya sa gawain ng mga babae?

O sadiyang hindi ko lang ginagawa?

Nahihiya naman akong naglakad sa gilid niya, walang mukhang maiharap sa kaniya dahil sa kahihiyang naisip ko.

Huwag na lang kaya muna ako dito mag-stay? Doon na lang ulit ako sa condo ko?

Bumalik ako sa loob para iligpit ang mga gamit ko, dinala ko na rin ang gamit ko sa school, doon na lang din ako maglalaba sa condo.

Pagbaba ko ng hagdan ay taka siyang nakatingin sa dala king maleta at bag, paano nilagay ko na lahat ng damit ko dito, pero iniwan ko naman yung iba pati yung mga gamit ko sa master bedroom namin.

"Hindi kana dito uuwi?" Tanong niya at inilapag si Venice, tumakbo naman ang tuta papunta sa akin, nakangiti akong kinuha siya at binuhat.

"Doon na lang muna ako sa condo ko," sagot ko sa kaniya.

"Bakit?" Taka ko siyang tiningnan dahil sa tanong niya.

"Anong bakit?"

"Nevermind." Sabi niya at inayos ang salamin na suot bago naglakad papunta sa kusina, magluluto na naman siguro siya.

Kibit-balikat akong naglakad papunta sa gate at nag-booked ng grab, kailangan ko pang puntahan si Khad mamayang gabi.

Naki-usap ako na bilisan ang pagmamaneho ng driver at sinunod niya naman, mabilis akong nakarating sa condo ko at binuksan yun.

I missed here, agad akong pumunta sa ref para tumingin ng pwedeng lutuin at madala sa hospital kaya lang wala na pala akong stock dito.

Bibili na lang siguro ako sa labas para yun na lang ang kainin namin, pumunta ako sa kuwarto ko at inayos ang mga gamit ko.

Nang masigurong ayos na ang lahat ay nag-asikaso ulit ako para bumalik sa hospital, paglabas ko ang condo ay papasok na sana ako sa elevator ng bumukas yun pero laking gulat ko dahil nakita ko doon si Khad.

"K-Khad?" Gulat kong tanong at napamulat naman siya ng mata niya, hindi niya ako pinansin at tuloy-tuloy lang na lumabas ng elevator, halata sa lakad niya na hindi pa siya magaling. "B-Bakit nandito ka? Pinalabas kana ba ng doctor?" Tanong ko sa kaniya habang sinusundan siya papunta sa condo niya.

"H-Hindi," nahihirapan niyang sagot.

"H-Huh? E-eh bakit nandito ka?" Tanong ko ulit.

"Chasty, please stop asking?" Paki-usap niya at hirap na buksan ang pinto ng condo niya, ako na gumawa noon para sa kaniya, I slide his card and opened the dood for him.

Inalalayan ko siya papasok ng kuwarto niya at inihiga siya doon, inayos ko ang kumot niya at halatang nahihirapan siya.

"Anong masakit sa'yo? Nagugutom ka ba? Anong gusto mong kainin? Bakit kase umalis ka sa hospital?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

Bahagya lang siyang natawa at hindi pinansin ang tanong ko, dahan-dahan niyang minulat ang mata niya at tiningnan ako ng diretso sa mata.

"I'm okay, I just need a little rest, after this okay na ulit ako," nakangiti niyang sambit at mahina ko siyang hinampas sa braso.

"Magluluto lang ako ng lugaw, magpahinga kana muna diyan." Utos ko na tinanguan niya naman.

Lumabas ako sa kuwarto niya at dumiretso sa kusina, agad naman akong nagluto ng lugaw para naman magkaroon ng laman ang tiyan niya kahit papaano, hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit lumabas siya ng hospital kahit hindi pa siya magaling.

Madilim na sa labas ng matapos ako magluto, hindi lang naman kase lugaw ang niluto ko, nagluto rin ako ng kanin at ulam, mabuti na lang dahil may stock siya sa ref niya na pwede kong lutuin.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng ingay mula sa kuwarto ni Khad, dali-dali akong pumunta doon at nakita ko siyang umiiyak, pero nakapikit ang mga mata niya at halata sa mukha niya na nahihirapan siya.

Ano na namang nangyari sa'yo?

Dahil sa pag-aalala at taranta at hindi ko na alam ang gagawin ko sa kaniya, tinawagan ko si Pria at pinapunta dito sa condo niya.

Hindi pa rin tumitigil si Khad sa kaiiyak, ilang beses ko ma siyang sinubukang gisingin pero hindi ume-epekto.

"Ano ba, gumising kana Khad." Tumutulo mula sa mga mata ko ang luhang hindi ko na mapigilan.

"Chasty!!" Sigaw ni Pria, kaya mabilis akong pumunta sa labas at hinila siya papasok sa loob ng kuwarto ni Khad. "Ano bang nangyari? Bakit lumabas na siya sa hospital? Hindi pa siya magaling." Nag-aalalang tanong niya.

"H-Hindi ko din alam, basta kanina nung papunta ulit ako sa hospital nakasalubong ko siya sa elevator," paliwanag ko.

"Huh!? Lumabas siya ng hospital kahit hindi pa siya magaling!?" Galit na tanong niya na tinanguan ko naman.

Pumasok siya sa loob at ganoon pa rin si Khad, ginawa na namin ang lahat para lang magising siya. Natataranta na kaming dalawa at hindi alam kung anong gagawin.

Ano ba kaseng nangyayari sa kaniya?

Ilang saglit pa ay tumigil na rin siya kaiiyak, napa-upo na lang ako sa sahig habang mahinang humihikbi, ganoon din si Pria pero nakakunot ang noo niya at napahinga na lang ng malalim.

"H-Huwag kang magtatanong tungkol sa nakita mo ngayon, p-pakiusap a-ayaw niyang pinag-uusapan ang sakit niya," wika ko kay Pria.

"Eh? Paano natin siya matutulungan? Hindi nga natin alam kung anong nangyayari sa kaniya eh," sagot niya naman.

"H-Hindi pa siguro siya handang sabihin sa atin, pero sa ngayon kailangan niya tayo," tumayo na ako at pinunasan ang mukha ko.

Lumabas akong muli matapos maayos ang kumot niya, kung ano man ang nangyayari sa'yo sana malampasan mo itong lahat.

Bumalik ako sa kusina at umupo sa stool, sumunod naman sa akin si Pria at ganoon din ang ginawa niya.

"Anong plano natin?" Tanong niya na ikinataka ko.

"Plano?"

"Plano, as in plan? Alangan namang ganito lang siya? Hindi tayo doctor Chasty, hindi natin kayang gamutin ang isang tao na hindi natin alam kung anong sakit niya." Sabi niya at napa-isip naman ako.

Saglit lang din nag stay doon si Pria dahil baka raw hinahanap na siya sa bahay nila kaya umuwi na din siya. Hinatid ko siya hanggang sa elevator.

"Mauna na ako," tinanguan ko siya at kumaway, pagsarado ng elevator ay bumalik akong muli sa condo ni Khad pagbalik ko ay nagulat ako dahil nakatayo na siya sa pintuan ng kuwarto niya at nakahawak sa ulo niya.

"K-Khad?"

______________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro