Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 14

***


"T-Thank you," nahihiya kong sagot sa kaniya. Hindi ako sanay na pinupuri niya ako.

Hindi naman siya nagsalita, mahina akong napa-aray dahil sa sakit ng paa ko, paniguradong nagsusugat na siya, tinitiis ko na lang talaga.

Hanggang sa matapos ang tugtog, inaalala ko lang baka sambunotan ako ng girlfriend niya paglabas ko mamaya, yari talaga ako nito.

Lord, sana naman 'wag sumugod ang girlfriend niya huhu. Amen.

Hawak-hawak niya ang kamay ko ng ihatid niya ako sa upuan ko kanina. Mabilis akong napa-upo at hinawakan ang binti ko, akala ko naka-alis na siya pero bigla niya na lang tinaas ang laylayan ng gown ko at tiningnan ang paa ko.

Lalo namang lumakas ang bulungan sa paligid, pero hindi doon naka focus ang attention ko kundi na kay Vin.

Hindi ako makapaniwala na ginagawa niya ito sa harap ng maraming tao, hindi nga kami pwedeng makita, patay talaga kami nito kapag nalaman nila ang pinakatatago naming sekreto.

"Can you walk?" Seryuso tanong niya sa akin. Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya, ayaw kong mautal dahil subrang bilis ng tibok ng puso ko, parang sasabog at hindi maintidihan kung saan babaling, buong katawan ko apektado.

"K-Kami na lang ang bahala sa kaniya, Vin," singit naman ni Pria. Napatingin naman siya dito kaya ganoon din ako.

Walang imosyong nakatingin sa amin si Khad habang si Cris naman ay simpleng pinipigilan ang kaniyang ngiti, para namang tanga si Pria na nahihiyang ngumiti kay Vin.

"Sige, I'm sorry if you hurt your foot," sabi niya bago ako talikuran habang matamis siyang nakangiti.

Nakakapanibagong ngumingiti siya sa akin, karaniwan naman kapag nasa bahay lang kami ay wala siyang imosyon lalo na kapag nag-aaral siya.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa mga kaibigan niya, hinampas naman ako ni Pria at inasar na ako.

"Bagay kayo, Chas, ang perfect niyong tingnan kanina habang sumasayaw," sabi niya pa, napatingin naman ako kay Khad na uminom ng wine sa baso niya.

"Oh my god, ang ganda ng gabi ko, hindi ko inakala na magiging perfect ang set up kanina, tahimik ang paligid at parang sila lang dalawa ang tao dito sa venue na'to," napatingin ako sa emcee ng magsalita siyang muli. "Before this party ends, siyempre hindi mawawala ang awarding natin and of course ang pinakhihintay ng lahat, ang Dace of the night." Nagsigawan naman sila bago kami binigyan ng mga papel para bumuto.

Isa-isa naming hinulog ang papel sa isang box doon sa harapan, at habang hinuholog ng iba ang papel ay may sumasayaw sa gita ng ballroom. Nagulat ako ng bigla na lang may humila kay Khad papunta sa gitna at nakipag-sayaw doon.

"Sino yun?" Takang tanong ko kay Pria.

"Hindi ko alam," sagot niya naman, hindi ko na pinansin yung babae at si Khad. Hindi ko naman siya kilala.

Baka kaibigan or may gusto sa kaniya.

Habang hinihintay namin ang resulta at pumunta na rin sa gitna si Pria at Khad para maki-sayaw din. Hindi naman ako makatayo dahil sa sakit ng paa ko.

Habang nagsasayaw sila doon ay umiinom naman ako ng wine, naubos ko na ata ang ilang glass, kapag may dumadaan na waiters ay kumukuha ako ng isang baso.

"Okay, let's all seat down, hawak ko na ang result ng mga votes niyo for 'face of the night' 'King and Queen of Aceus' 'Best couple' 'Best in outfit' and 'Best in Dancing'." Nagpalakpakan naman kami matapos niya yung sabihin.

"Good luck Chasty," bulong sa akin ni Pria.

Umiling lang ako bago uminom ulit ng wine, baka sakaling mawala ang sakit ng paa ko, hindi ko na kayang maglakad eh, sana lang buhatin ako ni Pria mamaya pauwi.

"Our Best in Outfit goes to..." Lahat kami ay nag-aabang kung sinong pangalan ang babanggitin niya, madami naman ang magagandang damit dito kaya paniguradong malabo kaming mapili, "Mr. Khad Martinez and Ms. Chasty Cardinal." Gulat naman akong napatingin kay Khad. Paano na 'to? Hindi na ako makatayo.

Nakangiti naman siyang lumapit sa akin at inalalayan akong tumayo, pinilit kong maglakad na parang walang masakit sa paa ko pero ang totoo gusto ko ng umiyak dahil sa sakit.

Sinuotan naman nila kami ng sash na may nakasulat na 'Best in outfit'. Hindi kami umalis sa harapan kaya mas lalong gusto kong maiyak.

"Masakit pa ba?" Bulong ni Khad sa akin, tumango naman ako dahil baka makasigaw ako kapag nagsalita pa ako.

"And for our Best couple this night goes to..." Napatingin ako sa baba kung saan marami akong nakikitang mag-jowa, what if si Vin at ang girlfriend niya ang napili? "Mr. Cris Colen and Ms. Pria Bustamante." Napapalakpak ako ng malakas ng sabay silang umakyat sa stage at sinuotan sin ang sash.

"I can't believe this," naiiyak na sabi ni Pria.

"And for our Best in Dancing goes to... Mr. Vin Sanchez and Ms. Alneth Ty." Bahagya akong napatingin sa partner ni Vin, yun ba ang girlfriend niya? Malawak itong ngumit at sabay silang umakyat ng stage, wala namah imosyon ang mukha ni Vin ng suotan siya ng sash.

"Taray ng fiancé mo," mahinang bulong sa akin ni Pria.

"Shut up!" Sabi ko sa kaniya, tinawanan lang ako ng mokong.

"And for the final award the face of the night and of course the King and Queen of our university, siyempre kapag maganda at gwapo ka, ikaw na ang hari at reyna ng ating paaralan goes to... Mr. Vin Sanchez and Ms..." Tinakpan ko ang tenga ko ng marinig ang pangalan ni Vin, paniguradong dalawa sila ng girlfriend niya. "Ms. Chasty Cardinal!" Napatalon si Pria ng banggitin ang pangalan ko.

Ako? Kami?

Gulat ako ng makitang nasa harapan ko na si Vin at nakalahad muli ang kaniyang kamay sa harapan ko, dahan-dahan ko yung tinanggap at inalalayan niya naman ako papunta sa harapan.

Matapos masuot sa amin ang sash at crown ay may sinasabi pa ang emcee pero hindi ko na maintidihan dahil naka focus ang pandinig ko kay Vin.

"Ayos pa ba ang paa mo?" Nag-aalala niyang tanong. Tumango naman ako sa kaniya at hindi makagalaw. Hindi talaga siya ayos, gusto ko ng hubarin dahil subrang sakit na.

Matapos naming magpasalamat ay nagulat ako dahil inagaw ni Khad ang kamay ko kay Vin.

"I can take her," sabi niya dito, tumango naman si Vin at si Alneth na ang kaniyang inalalayan, ngumiti naman ako kay Khad at hirap na hirap na akong bumaba ng stage.

"Buhatin mo na kaya?" Singit naman ni Pria.

"Huwag," utos ko, tumango naman si Khad.

Sa wakas nakalabas na din kami, dumiretso si Khad sa kotse niya habang ako naman ay naghintay dito sa harapan, doon na ako nagpahitid sa bahay, balak niya pa sana akong dalhin sa hospital pero pinigilan ko siya.

"Thank you," sabi ko ng makababa ako ng kotse niya.

"Sure ka ba na ayos ka lang?" Nag-aalala niyang tanong. Ngumiti ako sa kaniya bago tumango.

Kumaway muna ako sa kaniya bago siya tuluyang nag-drive palayo. Pagkabukas ko ng pinto ng bahay ay mabilis naman akong sinalubong ni Venice, hindi ko na siya nalaro dahil subrang sakit na ng paa ko.

Napa-upo ako sa sahig at pinagmamasadan ang paa ko kahit madilim, hindi ko pala nabuksan ang mga ilaw. Kinuha ko sa pouch ko ang cellphone ko at kung mamalasin ka nga naman, lowbat pa.

Pinilit kong tumayo kahit ang sakit-sakit na, tinapon ko na lang sa kung saan ang heels dahil gusto ko ng matulog sa subrang pagod. Hinubad ko yung sash at crown na suot ko at pinatong yun sa lamesa sa sofa.

Pagod akong umupo sa sofa at pinatong ang paa ko sa lamesa, pumunta naman su Venice sa kandungan ko at bahagyang tumahol.

"Masakit ang paa ni Mommy Venice," sabi ko sa kaniya at tumahol naman siya na para bang naiintindihan niya ang sinasabi ko.

Pinikit ko ang mata ko habang nakahiga si Venice sa kandungan ko, nakarinig ako ng ingay ng kotse mula sa labas, baka dumating na si Vin.

Bumukas naman ang ilaw ng pumasok siya, mabilis akong napagalaw ng bigla ko na lang naramdaman ang mainit niyang kamay sa mga paa ko.

"Namumula na ang paa mo, parang kaunti na lang dudugo na eh," sabi niya at ibinaba ang first aid kit na dala niya.

Paano niya nakuha yun kaagad ng ganoon kabilis?

"Hayaan mo akong gamutin ka," wala akong nagawa ng hinawakan niya na yun at ginamot, tinanggal niya ang bandaids na kaninang naka-dikit doon at nilagyan ng gamot bago dinikitan ng panibago.

Pinagmamasadan ko lang siya habang ginagawa niya yun sa akin, pagkatapos sa isa kong paa ay lumipat naman siya sa kabila. Subrang pula na ng kasu-kasuhan ko at yung mga daliri nagsusugat na rin.

Kung hindi lang sana sumayaw baka hindi nagkaganito ang paa ko.

"Kaya mo bang maglakad papunta sa kuwarto mo?" Tanong niya matapos akong gamutin, inayos niya sa isang tabi yung mga ginamit niya.

"S-Susubukan ko," sagot ko naman sa kaniya. Ibinaba ko si Venice na mahimbing ng natutulog sa kandungan ko.

Hinawakan naman ni Vin ang kamay ko at tinulungan akong tumayo, kaso bigo ako dahil pati ata ang binti ko masakit na rin.

"I will carry you," hindi pa ako nakakasagot ay binuhat niya na ako ng bridle style. "Huwag mo ng tangkaing bumaba, mahuhulog ka." Hindi ako gumalaw kundi humawak ako sa balikat niya dahil baka mahulog kami.

Ang bigat ko pa naman ata.

"Kumakain kapa ba? Ang gaan mo eh," reklamo niya. Magaan? "Kung bata ka lang malamang na malnourished ka," natatawa niyang sabi sa akin.

"K-Kumakain naman ako ah, h-hindi lang ako tumataba," sagot ko sa kaniya. Hanggang sa maka-akyat kami ng hagdan ay Nakangiti kong sagot niya pa rin siya.

Binuksan niya ang kuwarto ko dahil hindi naman yun naka-lock, hindi niya pa rin ako binababa hanggang sa makapasok ng kuwarto ko, binaba niya lang ako doon sa kama.

"Sleep tight." Naglakad na siya palabas ng kuwarto ko pero bago pa niya tuluyang masara ang pinto ay nagsalita na ako.

"T-Thank you," mahina kong sambit, tumango naman siya bago tuluyang sinara ang pinto, napahinga ako ng maluwag bago tuluyang humiga sa kama ko.

Hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako, subrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko, napansin kaya niya yun nung buhat-buhat niya ako? Sana naman hindi, nakakahiya pa naman.

Nakatulala lang ako sa kisame habang iniisip ang mga nangyari kanina, kinuha ko ang cellphone ko sa pouch na dala ko naalala kong lowbat nga pala yun at nandoon sa baba, kung minamalas ka nga naman.

Ipinikit ko na ang mata ko at tuluyan ng natulog dahil sa pagod at sakit ng paa.

PAGGISING ko ay mabilis akong bumangon, ginawa ko na rin ang morning routine ko, buti na lang hindi na ganoon kasakit ang paa ko, naligo muna ako at nag-ayos ng sarili bago bumaba. Kumakalam na din kase ang sikmura ko dahil sa gutom.

Inayos ko rin muna ang higaan ko, wala din namang magmamalasakit noon kundi ako lang, ako ang gumamit kaya ako ang magligligpit.

Nang masigurong maayos na ako ay bumaba na ako ng hagdan, hindi pa ako nakakahakbang ng isang hagdan ay narinig ko na ang tawanan sa baba.

May bisita ba kami?

Hindi ako na inform na may bibisita ngayon, ang aga-aga eh, late na ako nagising pero sakto lang naman yun dahil late na rin kami umuwi kagabi.

Tuluyan na akong bumaba ng hagdan at doon na nalinaw sa akin kung sino ang bisita namin.

"Good morning, Ate," bati niya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito Cy?" Gulat kong tanong.

"Good morning," bati naman sa akin ni Vin.

"Hindi 'good'-"

"Masama bang dumalaw dito, Ate Chasty?" Tanong niya habang nakangisi. Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Vin at kaharap siya.

"Masama talaga lalo na kapag ikaw ang aapak sa bahay na'to." Inirapan ko siya, rinig ko naman na natawa si Vin kaya masama ko siyang tiningnan, tumahimik naman siya ng makitang nanlilisik na ang mata ko, uminom siya sa kape niya at bahagyang tumalikod.

"Hayst," sabi na lang ni Cy bago kumain ng kanin.

Binigyan naman ako ni Vin ng plato at kutsara kaya nagsimula na rin akong kumain, habang kumakain ako ay napatingin ako sa braso ni Cy dahil namumula yun.

Anong nangyari doon?

"Cy?" Tawag ko sa kaniya, tiningnan niya naman ako at hinihintay ang sasabihin ko. "Anong nangyari diyan sa braso mo?" Taka kong tanong, mabilis niya naman yung tinago at parang walang narinig sa tanong ko.

"Nakipag-away ka ba?"

_______________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro