CHAPTER 13
***
"Pria, sunduin mo'ko dito sa bahay, nasa condo ko yung kotse ko," pagmamaka-awa ko kay Pria.
["Tanga mo, susunduin lang din ako ni Cris,"] sagot niya naman.
"Paano na 'to? Saan ako sasakay?"
["Siraulo ka ba? Sa fiancé mo pala? Ang dami mo kaseng arte eh."] Sabi niya pa.
"Bobo ka ba? Hindi nga nila pwedeng malaman na finacé ko si Vin 'di ba?" Gusto ko siyang batukan ngayon din.
["Ewan sa'yo, bahala ka sa buhay mo,"] sabi niya at pinatayan ako ng linya.
Hayop talaga, gusto talaga akong pagtripan eh, mamaya ka lang pagnakarating na ako.
Inis akong bumalik sa loob, kaunting oras na male-late na ako huhu. Saktong pag-upo ko sa sofa ay ang pagbaba ni Vin galing sa kuwarto niya.
"Akala ko ba aalis kana?" Taas kilay niyang tanong.
"Wala akong masakyan, naiwan yung kotse ko doon sa condo ko," sagot ko naman sa kaniya.
"Sumabay kana lang sa aki-"
"Hindi nga nila tayo pwedeng makitang magkasama." Putol ko sa kaniya.
"Eh kanino ka sasabay?" Takang tanong niya habang inaayos ang salamin na suot niya na bumagay lalo sa porma niya. Amoy ko din hanggang dito ang pabango niya.
"Bahala na," sagot ko sa kaniya, kinuha ko ang cellphone ko sa pouch na dala ko at nag-type doon. I type Khad number at sakto naman dahil tumawag din siya.
["Where are you? Wala ka sa condo mo, pero nandito yung sasakyan mo,"] sabi niya ng masagot ko ang tawag.
"Nandito ako sa village, p-pwedeng pasundo?" Alanganin kong tanong.
["Sige, papunta na ako."] Sagot niya naman at pinatay ang tawag.
Habang hinihintay siya ay pinagmamasdan ko si Vin na laruin si Venice, pinakain niya muna ito bago pumunta sa kusina para kumain rin.
Hindi na ako kumain dahil paniguradong may mga pagkain din doon, sayang naman yung binayad ko doon kung hindi ako kakain.
Nang matapos siyang kumain ay wala pa rin si Khad, lumabas siya ng kusina at gulat ng makita pa rin ako doon.
Hindi siya nagsalita at pumunta na lang sa labas para kunin ang kotse niya. Nakarinig naman ako ng busina galing sa labas, mabuti na lang at nasa garahe sa likod si Vin at hindi siya makikita ni Khad.
Mabilis akong sumakay sa kotse niya para mabilis din kaming makaalis. Ganoon na nga ang nangyari kaya nakahinga ako ng maluwag, hindi niya pa pwedeng malaman na finacé ko si Vin, mayayari ako nito.
Habang nagmamaneho siya ay tahimik lang kami pareho, hindi ako nagsasalita at ganoon din naman siya. Nanatili akong nakatingin sa binatana at pinagmamasdan ang matataas na building na nadadaanan namin.
"Ayos kana ba?" Basag niya sa katahimikan.
"Ohm," tipid kong sagot.
Hindi na ulit siya nagtanong hanggang sa makarating kami sa venue ng ball. Nakita kong marami ng pumapasok at ang gaganda ng kanilang suot, maganda din naman ang sa akin siyempre, hindi ako magpapatalo 'noh.
"Let's go?" Kumapit ako sa braso ni Khad matapos niya akong pagbuksan ng pinto.
Malawak ang ngiti akong naglakad papasok ng venue, napatingin naman sa amin ang ibang participants dahil sa damit na suot ko.
Kulay Pitch na Off shoulder, medyo mahaba at bukadkad ang ibaba, may mga crystal na nakapalibot sa bewang nito at ganoon din ang sandals na suot ko.
"Hindi ko pa pala nasabi sa'yo," bulong sa akin ni Khad, nakangiti akong tumingin sa kaniya at hinintay ang sasabihin niya. "You're so beautiful tonight." Seryusong sabi niya.
"Thank you," sagot ko na lang.
Nang tuluyan kaming nakapasok sa loob ay nakita ko kaagad ang mga pagkain na nakahanda, may mga drinks din doon at kaniya-kaniya na silang kuha.
Hinanap naman kaagad ng mata ko si Pria at saktong nakita ko siya kausap ang iba niyang kaibigan at nagtatawanan pa.
"Doon muna ako kay Pria," paalam ko kay Khad, ngumiti naman siya at bumitaw na ako sa braso niya.
Confident akong naglakad papunta kay Pria, nang makita niya naman ako ay lumapit siya sa akin kaagad.
"Kanino ka sumabay?" Tanong niya kaagad.
"Nagpasundo ako kay Khad," sagot ko sa kaniya.
"Ayos, buti naman at nag-uusap na kayo," sabi niya at uminom sa drink na dala-dala niya.
Umupo ako sa bakanteng upuan na nakita ko, sakto naman dahil nagsalita na ang emcee ng program.
"Ladies and gentlemen, all the third year student, please proceed to your partner and go to the center of this venue, let's all enjoy this night." sabi niya at tumugtog ang isang masayang musika.
Agad hinanap ng mata ko si Khad pero hindi ko siya makita, saan naman kaya yun pumunta. Nakita kong nagtatawanan na si Cris at Pria at masayang sumasayaw sa gitna.
Naglakad ako papunta sa kanila at tinanong si Cris kung nasaan si Khad pero hindi niya daw alam. Hindi muna ako pumunta sa gitna at hinintay ko na lang na makita ko si Khad.
Uupo na sana ako pero bigla namang may humawak sa kamay ko, napangiti naman ako ng makitang si Khad yun.
"Saan ka galing?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Pumunta lang ako sa store sa baba, to buy this," hinarap niya sa akin ang isang bouquet of flowers.
Nagliwanag ang mata ko at nawala ang inis ng inabot niya sa akin ang bulaklak. Malaki ang ngiti ko naman yung tinanggap at nagpasalamat sa kaniya.
Hindi ko first time makatanggap ng flowers, evey Valentine's day, birthday or other occasion, kahit nga walang occasion eh nakakatanggap ako ng bulaklak.
"I'm glad that you like it," nakangiti niyang sagot sa akin, hindi mawala ang ngiti ko ng pumunta kami sa gitna at nakisayaw sa mga nagkakasiyahan doon.
Habang sumasayaw kami ay bigla na lang yung bumagal, it's time for the dance. Pumwesto kami sa pwesto namin, ganoon din naman ang ginawa ng ibang mag-partner.
"Hold my hand, Chasty." Utos niya at sinunod ko naman.
Nang magsimula na ang sayaw ay dinadama ko lang ang bawat paghakbang na ginagawa ko kasabay ng kay Khad.
"Alam kong hindi mo pinapansin ang nga bulungan ng pumasok tayo kanina, malayo kase ang isip mo," taas kilay kong tiningnan si Khad habang nakahawak ako sa balikat niya, ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa isa niyang kamay habang ang isa niyang kamay ay nasa bewang ko.
"Huh?" Taka kong tanong bago umikot.
"Hakdog," sagot niya pagkaharap ko sa kaniya, mahina ko naman siyang hinampas sa balikat pero tinawanan niya lang ako.
"Ano nga yun?" Tanong ko, nawala na tuloy yung ngiti ko, wala naman akong napansin pagpasok ko kanina ah.
"Kase kanina pagpasok natin pinagtitinginan tayo ng mga tao, they said "Ang ganda niya," hindi mo narinig?" Kunot noong tanong niya.
Umiling naman ako sa kaniya, "Wala naman akong narinig ah,"
"Sa iba kase naka focus ang attention mo, tingnan mo ang sarili mo, hindi makapal ang make up, maayos manamit, ang ganda din ng suot mo, simple lang kaya nga nagustuhan kita eh." Nang makaikot ulit ako at humarap sa kaniya ay malaki niya akong nginitian.
"Lukuhin mo pa ako," inirapan ko siya at tinawanan niya naman ako ng mahina.
Nagfocus kami sa pagsasayaw kahit masakit na ang paa ko, sanay ako magsuot ng heels pero sumasayaw kase at napapaltusan na ang paa ko.
Nang matapos ang sayaw ay umupo na ako sa bakanteng upuan at inalalayan naman ako ni Khad. Lumuhod siya at inalis ang heels na suot ko, namumula na ang paa ko.
"Kukuha lang ako ng bandaids," sinubukan ko pa siyang pigilan ng tumayo siya matapos matingnan ang paa ko, pero mabilis siyang tumakbo at hindi ko na alam kung saan siya pumunta dahil nakipagsiksikan siya sa mga taong nagkakagulo sa mga pagkain.
"Anong nangyari sa'yo?" Takang tanong ni Pria ng makita ako.
"Di pa ba obvious babae?" Inirapan ko siya pero tinawanan niya lang ako, sarap sambunotan ampt.
"Deserve," kung malapit lang siya sa akin malaman na ubos na ang buhok niya.
Habang hinihintay si Khad ay inabutan naman ako ni Pria ng pagkain pati drinks, umupo siya sa table kasama si Cris. Habang kumakain ay tumutogtog ang masayang musika kaya hindi boring.
Maya-maya pa ay bumalik na siya dala ang maraming bandaids na hindi ko alam kung saan niya nabili, ginamot niya naman ang paa ko.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang ginagawa niya yun, hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa simpleng pag-aalaga niya sa akin.
Bakit kaya hindi na lang siya ang magustuhan ko?
I can't feel the sparks na sinasabi sa akin ni Pria dati na kapag na in love ka daw makaramdam ka ng sparks o mas mabuting tawaging kilig. Pero hindi ko maramdaman sa kahit na sinong lalaki. Ganoon na ba ako kamanhid para hindi maramdaman yun?
Matapos niya akong gamutin ay kumain na rin siya, kahit na masakit ay sinuot ko pa rin ang heels ko dahil wala naman akong choice, alangan naman mag-paa ako?
Habang nagtatawanan kami ay bumagal ang tugtog, ito na naman ang oras na pwedeng pumunta sa unahan ang magka-relasiyon at sasayaw.
Laking gulat ko ng may lalaking nag-aya sa akin na sumayaw sa gitna.
"Can I dance with you Miss Cardinal?" Tanong niya pa. Mabilis naman akong umiling at sinabing ayaw ko dahil masakit ang paa ko.
Tinawanan naman ni Pria yung lalaki at kamot ulong umalis sa harapan ko, pagbalik niya sa mga kaibigan niya ay tinawanan din siya. Nakakahiya.
Marami ng pumunta sa gitna para sumayaw nang biglang magsalita ang emcee na ikinagulat ko.
"Bakit kaya hindi natin pasayawin sa gitna ang ating Rank number one and Rank number two sa ating Dean's listener? Are you agreed?" Lahat sila ay sumigaw maliban sa aming apat, taka akong tumingin sa emcee pero ngumiti lang siya at hindi nakatingin sa akin.
Nakakainis, bakit kami pa?
Tumingin ako kay Pria at humihingi ng tulong pero gulat din siya.
"Mr. Vin Sanchez, can you please go to Ms. Chasty Cardinal and ask her for the dance?" Lahat ng tao dito sa loob ay nag sigawan, umalis na rin sa gitna yung nagsasayaw kanina.
Sana lang 'wag tumayo si Vin.
Nang matapat ang spotlight sa isang lalaki ay wala siyang nagawa kundi tumayo, halos mapatalon ako sa gulat nang ang isa pang spotlight ay sa akin natapat, kaya mabilis niya naman akong nakita.
Wala siyang imosyong naglakad papalapit sa akin, habang palapit ng palapit ang hakbang niya pabilis naman ng pabilis ang tibok ng puso ko na para bang sasabog.
Bakit kase kailangang kami pa? Pwede namang yung mapipili na lang nilang face of the night at Mr. And Ms. Aceus? Nakakainis.
Aceus University.
Yan ang name ng school na pinapasukan namin, ewan ko ba at bakit napagtripan kami, wala namang ganito dati.
Kabadong-kabado ako ng biglang inilahad ni Vin ang kamay niya sa harap ko, napatingin ako doon at nagdadalawang isip kung tatanggapin ko ba o hindi.
Kapag hindi ko tinanggap siguradong malaking issue ito sa buong campus mas lalo naman kapag tinanggap ko.
Hindi siya nagsasalita at nakatingin lang sa akin, halos lahat ng maya ay sa amin nakatingin. Bakit kase nangyayari 'to?
Wala akong choice kung 'di ang tanggapin ang kamay niya, kagaya niya ay wala rin akong imosyong tumayo at sumunod sa kaniya sa gitna.
Nang mag-play ang music ay sabay kaming sumayaw kasabay ng musika, hindi kami nagsasalita pero ang ingay ng paligid dahil sa bulungang aming naririnig.
"They're look perfect together."
"Kilala ba nila ang isa't isa? Bagay na bagay pa naman sila."
"Parehong matalino, hindi na ako magugulat if Vin court Chasty."
"Matalino na nga mayaman pa, what a great relationship."
"Hindi ko enexpect na makikita ko silang dalawa na malapit sa isa't isa, wala na akong pag-asa kay Chasty."
"Siraulo ka, wala pang boyfriend si Chasty, balita ko nga lahat ng nanliligaw sa kaniya binabasted niya eh."
Napataas ang kilay ko sa huling narinig ko at ganoon din si Vin, narinig niya ata. Kasalanan ko ba hindi ko sila type?
May karapatan naman akong e-reject sila eh, lalo na kapag nakikita kong hindi sila bagay para sa akin, hindi ako bumabase sa itsura pero kapag alam kong walang pag-asa sa buhay dapat lang na hindi ko sila payagang manligaw 'noh.
Hindi pa rin kami nag-uusap na dalawa pero ng magsalita siya ay hindi talaga ako nakasalita.
"You're so beautiful tonight, Lady."
____________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro