CHAPTER 11
***
"Chasty, bilisan mo." Sigaw sa akin ni Vin, inis kong sinarado ang pinto ng kuwarto ko at bumaba sa hagdan.
"Ito na nga," sagot ko sa kaniya.
Walang pasok ngayon at kailangan naming nag-grocery para magkaroon naman ng laman ang bahay na'to.
"Ako na magd-drive," sabi ko ng makarating kami sa garahe.
"Ako na, sakay." Utos niya, napairap ako bago sumakay sa passenger seat.
Wala naman siyang imosyong sumakay sa driver seat at nagsimulang magmaneho papunta sa grocery.
Gusto ko siyang batukan sa pagmamaneho na ginagawa niya.
"Can you please be faster? Para kang pagong magmaneho," inis kong sabi sa kaniya.
Hindi pa siya nakakasagot ng bilisan niya ang pagmamaneho niya at lahat ng madaanang sasakyan ay inuunahan niya kaya napahawak ako sa upuan at seatbelt ko.
"Ano ba!?" Saway ko sa kaniya, tinawanan niya ako kaya nahampas ko siya.
"Kapag mabagal may reklamo, kapag mabilis may reklamo pa din," natatawa niyang sagot.
"Try mo kaya yung sakto lang? Paniguradong wala na akong reklamo," sarkastika kong sabi sa kaniya. Hindi siya sumagot at tinawanan na naman ako.
Hayop, tawa lang ng tawa. Inis akong umayos ng upo, hindi naman kalayuan ang bayan sa amin kaya mabilis din naman kaming nakarating doon.
Pagbaba ko ng kotse niya at nauna na akong pumasok, kumuha ako ng grocery cart, yung malaki na ang pinili ko dahil mayroon pa rin naman akong savings, kaya lang wala ng matitira sa akin kapag binili ko lahat.
Namili lang ako ng pwede naming i-stock sa bahay para kung sakaling doon kami mamalagi ay may kainin naman kami.
Habang nagmimili ay hindi ko makita si Vin kung saan pumunta, hindi niya ba ako nakita? O ayaw niyanh magbayad kaya pinabayaan niya ako dito?
Bwisit talagang lalaki na yun.
Mabilis na akong pumunta sa cashier pero hind pa puno ang cart na dala-dala ko ng makita ko siyang may tulak-tulak na dalawang cart na punong-puno na ng laman.
"Bakit ayan lang ang binili mo?" Takang tanong niya ng makitang hindi puno ang cart ko. Hindi ko siya sinagot at hinayaan na lang doon.
Bigla naman niyang hinila ang cart ko kasama ako at pilit na pinapapunta sa mga kailangan ko daw. Yung pagakakatulak niya ay parang nakayakap siya sa akin at nakakulong ako sa dalawang braso niya na tinutulak ang cart paharap.
"Tama na ito, kulang ang dala kong pera," reklamo ko sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay bago tumawa.
His smile widely, kitang-kita ang mapuputi at maayos niyang ngipin na lalong nagpaganda ng ngiti niya. Teka, ano ba itong iniisip ko?
"Don't worry, ako na magbabayad," sagot niya sa akin.
Bigla siyang umikot kaya nakawala na ako sa kaniya, pumunta siya sa harap pero hawak niya pa rin ang cart ko. Iniwan niya yung kaniya sa cashier.
"Hindi ba Architect ka? Punta tayo sa taas may nakita ako doong art materials, ako magbabayad pero sa isang kondisyon?" Sabi niya, agad naman akong napataas ng kilay.
Art materials and pencils ang kailangan ko, I'm not a painter... i mean yeah but I can paint and that's my passion since elementary but not now.
"Nabalitaan kong nanalo ka dati sa isang painting contest nung high school ka, simula bata lagi ka ng panalo pagdating sa mga painting, bakit tinigil mo nung college ka na?" Taka niyang tanong habang namimili ng mga ingredients.
"Don't ask, I don't want to answer that," sagot ko sa kaniya. Hindi pa ako handang ekuwento ang nangyari noon.
"Okay, but the condition is... Paint me." Gulat akong napatingin sa kaniya bago ngumiti.
"Sure," sagot ko ng makaisip ng magandang idea.
Okay, I'll paint you, but don't expect a good one.
Natatawa akong sumunod sa kaniya, wala siyang idea na babardagulin ko ang mukha niya.
"Pero matatagalan siguro kase I'm busy with my studies and wala pa akong time," sabi ko sa kaniya.
"Ayos lang," sagot niya naman.
Nang mapuno na ang cart ko ay pumunta na kami sa cashier, nagulat pa sila dahil tatlong cart ang dala namin.
"Bagong kasal?" Tanong ng cashier, napa-wtf face na lang ako sa tanong niya.
Inirapan ko siya at tumawa naman si Vin sa reaction ko, at bakit? 'Wag niya sasabihing bagong kasal kami mababatukan ko siya.
"Hindi pa," sagot ni Vin na tinawanan ng cashier.
"Ahh soon pa, okay naghahanda lang kayo," dagdag ng cashier na mas lalo kong kina-inis.
The fuck? Bakit kase may 'pa'? Hindi ba pwedeng 'hindi' na lang ang sagot niya?
Inis akong bumalik sa kotse ng mabayaran niya na lahat, tinulungan naman siya ng salesman doon na dalhin ang pinamili namin sa kotse niya.
Akala ko aalis na kami pero hinila niya ako papasok ulit at pumunta sa taas noon kung saan nadoon ang maliit na parang Mall, lahat ng gamit nandito.
"Mamili ka na." Utos niya, namilog ang mata ko ng makita ang maraming arts materials na pwede kong gamitin.
Ubos na ang pencils ko para sa plates na gagawin ko pa, kaya yun ang inuna kong kunin, kumuha din ako ng pang painting, canvas at paint brush.
Tinulungan niya naman akong mamili at magdala noon.
"Ito lang ba?" Tanong niya.
"Oo, ako na lang magbabayad, ako din naman ang gagamit," sagot ko sa kaniya.
"Ako na," pagmamatigas niya. Nauna na siyang pumunta sa cashier ng matapos kaming mamili.
Inilapag ko lahat ng napili ko at ganoon din siya, akala ko tapos na pero bumalik siya doon sa mga canvas at may kinuhang mas malaki.
"Para saan yan?" Taka kong tanong ng makalapit siya sa akin.
"Dito mo ako ed-drawing," nakangiti niyang sagot.
Ganiyan kalaki?
"Pinagluluko mo ba ako?" Tanong ko sa kaniya.
"I'm not joking Chasty Cardinal." Sagot niya naman.
Nang makabayad siya ay hindi ko na tinanong kung ilan ang binayaran niya dahil baka magsisi lang ako, siya naman itong mapilit sabi kong ako na nga ang magbabayad ayaw niya talaga. Pabor naman sa akin dahil makakatipid din ako.
Hinintay ko na lang siyang makarating sa
UMUWI na kami matapos naming mamili, akala ko di-diretso na kami sa bahay, pero hindi, hininto niya ang kotse sa isang restaurant malapit na binilhan namin kanina.
"Busog pa ako," sabi ko sa kaniya.
"Ede 'wag ka kumain," sagot niya naman. Inirapan ko lang siya bago sumunod papasok ng restaurant, wala naman akong nagawa dahil siya na ang omorder ng para sa akin. Desisyon ka?
Hindi kami nag-uusap habang hinihintay ang order namin, kinuha ko ang cellphone ko at nagulat ng mabuksa ito.
50 missed calls from Khad
35 missed calls from Pria
25 message from Khad
40 message from Pria
Simula kagabi pa pala ako hindi gumagamit ng cellphone, nag-aalala na siguro sila.
"May problema ba?" Tanong ni Vin ng mapansing nakatitig lang ako sa cellphone ko. Umiling ako sa kaniya bago ngumiti.
Wala namang problema, baka lang nag-aalala sila kung ano ng nangyayari sa akin, hindi ko man lang nagawang ipaalam sa kanila na okay na ako.
"Naalala ko, bakit ka nga pala umiiyak kagabi?" Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong ni Vin, itinabi ko ang phone ko at humarap sa kaniya.
"Ayaw ko magkuwento," sagot ko sa kaniya.
"Okay, hindi kita pipilitin," sabi niya naman at tumango-tango pa.
Dumating naman kaagad ang order namin at nagsimula na kaming kumain, akala ko hindi ko mauubos pero halos wala ng matira sa plato ko.
"Akala ko ba hindi ka gutom?" Nagtataka niyang tanong.
"Akala ko din," natatawa kong sagot.
Nakangiti siyang umiling bago kami lumabas ng restaurant, dumiretso na kami pauwi ng bahay, pagkababa namin ay tinulungan ko siyang dalhin ang mga pinamili namin sa loob.
Habang inaayos ang mga gamit na binili ko sa sofa ay bigla na lang may nag-door bell.
"Tao po!" Sigaw ng tao sa labas, boses niya pa lang kilalang-kilala ko na.
"Sandali!!" Sigaw ko kay Pria, nakasalubong ko pa si Vin na buhat-buhat ang malaking canvas paakyat sa kuwarto ko.
"Sino yun?" Tanong niya at tinaasan pa ako ng kilay.
"Si Pria," sagot ko naman at naglakad na papunta sa pinto.
Nang mabuksan ko ang pinto ay mabilis akong hinampas ni Pria sa braso, inirapan ko naman siya bago sinaraduhan ng pinto.
"Hoyyy, papasukin mo'ko." Sigaw niya sa labas, inis kong binuksan ang pinto.
"Tanga mo kase," sabi ko bago siya papasukin.
Saktong pagpasok niya ay pababa na si Vin, nahihiya siya ditong ngumiti bago ako kinurot sa tagiliran.
"Ano ba!?" Inis kong tanong sa kaniya.
"Bakit hindi mo sinabing nandito ang boyfriend mo?" Bulong niya sa akin.
"Inamo, sino nagsabing boyfriend ko yan?" Bulong ko din.
"Siraulo ka, kahit hindi yan nanligaw o hindi mo sinagot, engaged na kayo malamang na boyfriend mo na yan, fiancé mo na nga eh," bulong niya ulit.
Kingina yan.
Iniwan ko na siya doon at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga pinamili namin kanina. Pumunta naman sa kusina si Vin at inayos ang mga gamit doon.
Doon naman siya sanay dahil magaling siya magluto. Halos ata lahat ng kitchen tools alam niya na.
"Chas, naka-usap mo na ba si Khad?" Tanong ni Pria habang tinutulungan akong mag-ayos ng mga gamit ko.
"Wala pa, bakit?" Sagot ko sa kaniya, mabilis naman siyang napatingin sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"Alalang-alala na siya sa'yo, iniwan mo daw kase siya kagabi, ano bang nangyari?" Nag-aalala niya ring tanong.
"Kakausapin ko din siya kapag nagkaroon ako ng time," sagot ko sa kaniya.
"Bakit hindi pa ngayon?" Takang tanong niya.
Umiling ako sa kaniya bago binuhat ang mga gamit ko sa taas, doon ko sana dadalhin sa kuwarto ko yung mga gamit ko kaya lang nakita ko yung mga canvas at painting stand kaya naman doon ako dumiretso.
"Dito ang magiging painting room mo," halos mapatalon ako sa gulat ng sabihin yun ni Vin.
Hindi ko siya sinagot at pumasok na lang sa kuwarto. Kulay puti ang kulay ng kuwarto at halos walang laman, plain na plain kaya maganda talaga itong maging painting room.
Binuhat niya yung malaking canvas at sinandal sa pader, inayos ko ang pagkakalagay ng mga gamit ko sa isang tabi bago lumabas, dinala ko naman ang mga pencils na gagamitin ko para sa plates ko.
Kailangan kong makatapos kaagad, hindi ko alam kung tapos na si Pria dahil nandito siya sa bahay, baka tapos na.
Habang inaayos ko ang gamit ko, pumasok si Pria na may dala-dalang isang chitchirya, kinakain niya yun at umupo sa study table ko.
"Bakit ayaw mo matulog sa master bedroom?" Tanong niya habang ngumunguya.
"Bakit pala?" Tanong ko sa kaniya.
"Haystt, hindi talaga ako makapaniwala na isang bitter na kagaya mo ay titira sa isang bahay kasama ang lalaking hindi naman niya gusto," natatawang sabi niya habang paikot-ikot sa upuan ko.
Nahawakan ko ang unan kaya mabilis ko itong binato sa kaniya, tinawanan niya lang ako bago umayos ng upo.
"Pero seryuso, ayaw mo ba kay Vin? Matalino, sabi mo pa magaling magluto, pogi din naman siya, mayaman, compatible nga kayo eh, ano pa bang gusto mo sa lalaki na wala kay Vin?" Seryusong tanong niya.
Yung mahal ako.
"Hay naku Pria, pwede ba tigilan mo na ako? Wala akong panahon para sa mga ganiyan, pag-aaral muna ang priority ko ngayon, gusto ko munang magtapos ng pag-aaral," sagot ko naman sa kaniya.
"Bakit, bawal pa mag-boyfriend habang nag-aaral?"
"Hindi naman, pero para sa akin kase isturbo lang sila sa pag-aaral ko," sagot ko sa kaniya.
"Ewan ko sa'yo, ang daming mong arte," sabi niya at tumayo para humiga sa kama ko.
Pero sa lagay ko ngayon hindi ko na kailangang magplano para sa sarili ko, magulang ko na ang nagpa-plano kung ano daw ang sa tingin nila ay makakabuti para sa akin.
Hindi ko nga nagawang tumanggi kahit pa ayaw na ayaw ko, bakit? Kase ako rin ang mahihirapan kapag hindi ako sumunod.
Mas mabuting tanggapin na lang kaysa marami pang sinasabi at paniguradong hindi ako tatan-tanan, paano pa sila nakakatulog sa gabi? Hindi ba sila nakokonsensya?
Mga walang puso, sariling anak pinahihirapan. Masama ng anak kung masama, ang alam ko lang mas masama sila.
_____________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro