Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 10

***

"Pahinga muna tayo," mabilis akong naglakad papunta sa mga gamit ko at umupo doon, kasunod ko si Khad at Pria na pawisan.

Paano ba naman nandito kami ngayon sa initan nagpa-practice, pwede namang doon ba lang ulit sa gymnasium ng school na ito.

"Ang init shuta," reklamo ni Pria.

"Gusto na ata nila tayong sunugin eh," sabi naman ni Cris.

"Sumasakit na nga ang ulo ko eh," sabi naman ni Khad kaya mabilis akong napatingin sa kaniya.

"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kaniya, ngintian niya naman ako bago tumango. "Nakukuha mo pang ngumiti, masama na nga ang pakiramdam mo," sabi ko sa kaniya at uminom ng tubig.

"Kaya ko pa naman," sagot niya sa akin.

Naglalandian na naman sa harapan ko si Cris at Pria, hindi ko alam kung may label na ba sila o wala eh, sabi pa naman ni Pria mas nakakakilig daw kapag walang label.

"Hoy kayong dalawa, pwede ba lumayo-layo kayo sa amin, nilalanggam na kami dito eh," sabi ko at tinawanan lang nila ako.

"Palibhasa bitter, maldita na nga pihikan pa sa lalaki, kaya walang nagkakagusto sa'yo eh," sabat naman ni Pria, binato ko siya ng bottle ng mineral water na iniinom ko kanina, natamaan naman siya pero hindi naman masakit dahil wala na yung laman.

"Manahimik ka nga," inis kong sabi sa kaniya.

Bumalik kami sa pagpa-practice dahil ilang araw na lang ball na namin. Ilang oras lang din yun at umuwi na ako.

Hindi pa ako nakakalayo kay Pria ng tawagin ako ni Khad, nakangiti siyang lumapit sa akin.

"Bakit?" Sagot ko dito.

"Kain tayo sa labas, libre ko," yaya niya, siyempre libre na, hindi na ako tumanggi, sino ba namang tatanggi sa pagkain? Baliw na lang ang tatanggi doon.

Sinundan ko lang ang kotse niya bago ito huminto sa Jollibee, bigla namang kumulo ang tiyan ko ng maalala ang burger at spaghetti.

Minsan lang ako makapunta sa ganito, karaniwan kase kapag gusto kong kumain ng spaghetti ay umo-order lang ako online para hindi na ako mahirapan, nakakatamad kase lumabas.

Pagbaba ko ng kotse ay hinintay ako ni Khad, pinauna niya akong pumasok at ako na rin ang nag-order ng kakain ko.

"Anong sa'yo?" Tanong ko sa kaniya.

"Kung ano yung sa'yo," sagot niya naman.

"Lagi na lang ha, paano kapag lason ang binili, kakainin mo din?" Natatawa kong tanong sa kaniya.

"Malamang hindi, sino ba namang tanga ang kakain ng lason," sagot niya naman, hinampas ko siya bago kami pumunta sa bakanteng upuan.

Saktong pag-upo namin ay bumuhos na naman ang ulan, bakit ba lagi kapag kumakain kami umuulan?

"May tanong ako Chasty,"

"Hay naku, kung puro pag-ibig na naman yan, tumigil kana," mabilis kong sagot sa kaniya.

"Grabe," natatawa niyang sabi sa akin.

"Inunahan lang kita," sagot ko naman. "Oo nga pala, bakit wala sa tenga mo yung piso ko?" Puna ko, kase lagi yung nasa tenga niya pero napansin kong wala yun ngayon.

"Nandito kase," sagot niya at kinuha ang cellphone niya at pinakita sa akin ang likod nito, nakita ko nga doon ang piso ko.

"Buti naman at narealize mo ring para kang tanga na may piso sa tenga," sabi ko.

"Grabe ka naman, tanga talaga? Hindi ba pwedeng ayaw ko lang mawala?" Sabi niya naman at tumingin sa akin ng diretso.

"Bakit kase ayaw mo pang ibalik yan sa akin?" Tanong ko, ang dami kaseng alam, dahil tuloy sa piso na yan naging magkaibigan na kami.

"Ibabalik ko'to kapag tama na ang oras, mahalaga sa'yo, mahalaga na rin para sa akin," sagot niya naman.

"Kailan ba ang tamang oras na yan?" Sandali siyang natigilan pero ngumiti lang at hindi ako sinagot.

Sakto din dahil dumating na yung order namin, pareho na naman kami ngayon ng kinakain. Tahimik kaming kumain na dalawa ng may narinig akong nag-uusap 'di kalayuan sa amin.

"Siya 'di ba yun? Yung anak ni Mr. Cardinal?"

"Oo, balita ko nga third year college na yan eh."

"At architecture ang kinuha niyang course, magaling kase siya mag-drawing."

Pilit ko mang huwag pansinin ang mga bulungan na yun ay hindi ko magawa, dahil rinig na rinig ko.

Bakit ngayon pa nila ako nakilala? Ayaw na ayaw ko pa naman ng attention, kaya nga doon ako nag-aral private school dahil hindi ako kilala doon bilang anak ng mga Cardinal, bakit ngayon pa? Hindi naman ganito dati ah?

Hindi ako napapansin kahit pa kilalang-kilala ang pamilya namin kahit sa labas ng bansa. Pero hindi nila al na nage-exist ang kagaya ko. Oo minsan nila akong pinapakilala pero hindi yun broadcast at hindi nakakarating sa publiko, kagaya nung anniversary nila, close friends ang family lang ang nakakaalam noon.

Masakit para sa akin pero kailangan kong tanggapin dahil hindi ko sinunod ang gusto nilang business ang kunin kong course.

"Are you okay?" Tanong ni Khad.

"Bilisan mo ng kumain, gusto ko ng umuwi," sagot ko sa kaniya.

"Bakit?" Taka niyang tanong.

"Basta," tumango naman siya kahit nagtataka ay sinunod niya pa rin, nauna akong matapos kumain kaysa sa kaniya kaya hinintay ko na lang siya matapos.

Pagkatapos niyang kumain ay dali-dali na akong lumabas at sumakay sa kotse ko, hindi na ako nakapaalam sa kaniya at nagdrive na ako palayo habang tumutulo ang luha sa mga mata ko.

Pilit kong huwag maalala ang mga nangyari noon pero kusang bumabalik dahil sa mga taong nagpapaalala nito.

"Chasty, maganda ba?" Tanong ni Mommy sa akin habang sinusukat ang damit na napili niya.

"Yes po, bagay na bagay po sa'yo Mommy," nakangiti kong sagot.

"Talaga? How about Cy? Maganda ba?" Tanong niya naman sa kapatid kong lalaki.

"No Mommy, you're look like my classmate's grandma when I saw her, hindi bagay," sagot niya naman.

"Cy," saway ko dito. Bagay naman kay Mommy eh, hindi ko alam kung bakit niya masasabi yun.

"Why? I'm telling the truth Ate," sagot niya naman sa akin.

Inis naman na binalik ni Mommy yun at namili ng panibago, this time hindi na siya nagtatanong sa akin o kay Cy, kung anong magustuhan niya binibili niya kahit magkano pa ang presiyo nito.

Nang matapos mamili ay lumabas na kami ng boutique at dumiretso sa Mall na gustong-gusto namin ni Cy.

"I will buy more toys Ate," bulong sa akin ni Cy kaya tinawanan ko siya.

"Gusto ko ng arts materials para madami pa akong ma-drawing," sagot ko naman sa kaniya.

"E-drawing mo'ko ate ha?" Nakangiti akong ngumiti sa kaniya.

Pag-akyat namin ng escalator ay mabilis kaming tumakbo sa mga laruan na gustong-gusto ni Cy.

"I want this Mommy," tinuro niya yung isang Robots at tumango naman si Mommy.

May nakita akong art materials na kompleto na dahil isang set yun, gustong-gusto ko talaga ang pagd-drawing na ginagawa ko, feeling ko kase dito ko naiilalabas ang mga gusto kong iparating sa mga nakakakita noon.

"Ano yan Chasty? Bakit ang mahal naman?" Reklamo ni Mommy at malakas yun kaya napatingin sa amin ang mga nakarinig.

"But Mommy I want this," sagot ko naman, madami naman siyang pera dahil business ang work ni Daddy, hindi ko alam kung bakit kailangan niyang magreklamo kung afford naman niya bilhin.

"Chasty, 'wag makulit," sabi niya sa akin.

"But-"

"Chasty!" Sigaw niya, kaya lumuluha akong binalik ang art materials na gusto kong bilhin.

Hinayaan ko na lang na si Cy ang binibilhan niya, pilit lang akong ngumingiti kay Cy kapag pinapakita niya sa akin yung mga binili sa kaniya ni Mommy.

Nang pauwi na kami ay may nakasalubong siyang kaibigan, halata dito na kilala niya sa business industry.

"Oh? Ito na ba si Cy?" Tanong niya kay Mommy, tumango naman si Mommy at napatingin sa akin yung babae. "Sino siya?" Tinuro niya pa ako.

"Ah, si Chasty, maid ni Cy," gulat akong napatingin kay Mommy at pinipilit pigilan ang luhang namumuo sa mga mata ko.

"Ah, akala ko anak mo rin eh," natatawang sabi ng babae.

"Naah," sagot naman ni Mommy.

Sinong mag-aakala na ang sarili mong nanay itatanggi ka?

Inis kong pinalo ang manubela at umiyak ng umiyak, hindi pa ako nakakarating sa bahay, huminto muna ako dahil punong-puno na ng luha ang mata ko, baka kase kung ano pang mangyari sa akin. Malakas din ang ulan kaya dilekadong magmaneho.

"Ahhhhhh," sigaw ko habang umiiyak, nakayukyok ang ulo ko sa manubela habang umiiyak.

Hindi pa ako kumakalma ng may kumatok sa pinto ng kotse ko, kinabahan naman kaagad ako at pinunasan ang luha sa mga mata ko.

Sandali kong tiningnan kong sino yun dahil kinakabahan ako baka may masamang balak sa akin.

"Chasty?" Napanatag ang loob ko ng marinig ko ang boses ni Vin, dahan-dahan ko namang binuksan ang pinto ng kotse ko humihikbing bumaba. "May problema ba sa kotse mo?" Tanong niya.

Hindi ako sumagot sa kaniya, hindi ko makita ang mukha niya dahil madilim na at umuulan pa, may dala siyang payong kaya hindi siya nababasa, mabilis niya naman akong pinayungan ng makababa na ako ng tuluyan.

"Anong nangyari sa'yo?" Tanong niya ng mapansing kagagaling ko lang sa iyak. "Problema kaba?" Dagdag niya.

Alam kong mali, pero mabilis akong lumapit sa kaniya at niyakap siya, tuloy-tuloy na bumuhos ang luha ko kasabay ng pagpatak ng ulan dahil nabitawan niya ang payong na hawak niya dahil sa gulat.

"Shhh," hinagod niya ang likod ko para pakalmahin ako, hindi naman yun nakatulong dahil mas lalo lang ako naiyak.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya para patahanin ako kaya naramdaman ko na lang ang mainit niyang braso na niyakap din ako pabalik.

"Kung ano man ang problema mo, alam kong malalampasan mo din yan," sabi niya.

Inalis niya ang pagkakayakap ko sa kaniya at hinarap niya ako, hinawakan niya ang mukha ko bago ngumiti.

"Baka magkasakit tayo, umuwi na muna tayo, saka tayo mag-usap," sabi niya, umiling naman ako, ayaw ko mag-open up sa kaniya, "kaya mo bang mag-drive?" Tanong niya, tinanguan ko lang siya.

Nang maka-uwi sa bahay ay mabilis akong nag-shower dahil nilalamig na ako, feeling ko magkakasakit ako dahil sa lamig ng ulan.

Matapos maligo ay saktong pagkatok ni Vin sa kuwarto ko. Mugto naman ang mata kong binuksan ang pinto ng kuwarto ko.

"Kumain ka muna, nagluto ako," tumango ako sa kaniya at sinabing susunod ako.

Matapos makaayos ay bumaba na din ako, naamoy ko na kaagad ang mabango niyang niluluto.

Adobo.

Dahan-dahan akong umupo sa upuan na may plato, mabilis naman siyang napalingon sa akin at dali-daling nilagyan ng kutsara at tinidor sa harapan ko.

"Anong gusto mong dessert?" Taranta niyang tanong.

"Vin," tawag ko, napahinto naman siya at ngumiti sa akin.

"Hmm?"

"I already eat," sagot ko, napatango-tango naman siya at umupo sa katabi kong upuan.

"A-Ako na lang ang kakain," sagot niya naman.

Tumayo siyang muli at pumunta sa kusina, kumuha siya ng plato, wala pa pala siyang plato sa harapan at ako lang ang nilagyan.

Matapos siya sa ginagawa ay pumunta naman siya sa refrigerator at kumuha ng isang box ng ice cream. Bigla naman akong natakam doon kahit subrang lamig na dahil hindi pa rin tumitila ang ulan.

Hindi siya nagsalita at nilapag lang ang box sa harapan niya, wala ba siyang planong bigyan ako?

Tumayo ako at kumuha ng baso at kutsara, hihingi na lang ako. Nang makakuha na ako ay lumapit ako sa kaniya pero mabilis niyang nilayo sa akin ang ice cream.

"Pahingi lang ako," sabi ko sa kaniya habang nakanguso.

"Ayaw ko nga," sabi niya at mas lalong inilayo sa akin ang ice cream.

"Damot," sabi ko at padabog na pumunta sa refrigerator.

Binuksan ko yun at nagulat dahil wala yung kalaman-laman, bakit walang laman? Hindi ba siya nag-grocery?

"Bakit walang laman ito?" Tanong ko sa kaniya.

"Nagtaka kapa? Lagi ka namang wala dito kaya sinong kakain?" Tanong niya sa akin pabalik.

"Eh? Saan galing-"

"Malamang binili ko para sa akin," putol niya sa tanong ko.

"Oh god," sagot ko sa kaniya.

Kahit kailan talaga wala siyang kwenta.

________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro