Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1

***

Inis akong bumalik sa room ng gutom, hindi man lang ako nakabili ng makakain ko, dapat hindi na lang ako lumabas eh, ede sana hindi ko pa nakita 'yung antipatiko na yun, nagawa ko pa sana yung mga dapat kong gawin, pagod na nga gutom pa, nakakainis talaga.

Napadukdok na lang ako sa armchair ko dahil sa inis, dapat pala bumili na lang ako ng biscuits o nagdala ng makakain galing sa condo.

Inis kong binuklat yung notebook ko at nag review, wala naman akong kaibigan dito sa room, at ayaw ko ng kaibigan, si Pria lang ang makulit at lapit ng lapit sa'kin, sinabi ko na sa kaniya na hindi kaibigan ang turing ko sa kaniya at parang wala lang siya para sa'kin pero sabi niya wala daw siyang paki kaya hinayaan ko na lang.

Lagi ko pa nga 'yong inaaway eh pero wala lang sa kaniya at sanay na siya sa ganon, since first year kase magkaklase kami at ayaw niyang mahiwalay sa akin, her parents are rich, kaya kahit anong gusto niya ay nabibigay sa kaniya, ganon din naman ako, binibigay kong anong gusto ko para hindi ako magalit sa kanila at kalimutan na lang lahat ng ginawa nila sa'kin.

Dalawa kaming magkapatid, pero hindi ko ramdam na kapatid ko siya, I hate him and I really do, forever, hindi ko siya ituturing na kapatid, he took everything from me, kahit alam niyang sa'kin.

Natigil ako sa pag-iisip ng pumasok si Pria sa room na may dalang pagkain, buti pa siya nakabili.

"Ba't mo naman ako iniwan?" Nakanguso niyang tanong bago umupo sa upuan katabi ko.

"I hate the smell there, subrang baho at hindi ko matiis, iniwan mo kaya ako,"

"Tss," inabot niya sa akin ang burger, yogurt, sandwich at may kasama pang dalawang biscuits.

"Akin 'to?" Nakangiti kong tanong.

"Hindi, akin siguro, sa akin ko inaabot eh," inirapan niya pa ako, mabilis ko yung kinuha at binuksan, nagugutom na talaga ako.

"Thank you," kinagat ko na ang sandwich at uminom ng yogurt.

"Wag ka sa akin mag thank you, may nag abot lang niyan sa'kin kanina, wala ka daw kase nakabili sa cafeteria dahil maraming tao," taka ko siyang tiningnan habang ngumunguya pa. "Hindi ko siya kilala kaya 'wag kana mag tanong," inirapan niya pa ako bago kinain ang pagkain niya.

Kung sino ka man thank you. You save me from death.

Natapos ang exam na masaya ako, confident kase ako na tama ang mga isinagot ko doon, nag review din naman ako, sana lang talaga, manifesting huhu.

"What if mali ang mga sagot ko don? Ede hindi na ako makaka-graduate? Hindi na kita makakasama? Paano na ako nito? Chasty, sabihin mo?" Naiiyak na sunod-sunod na tanong ni Pria.

"Nag review ka ba?" Inis kong tanong.

"Oo pero hindi ako confident na tama yun, paano na 'to?"

"Nag review ka naman pala eh, magtiwala ka sa sagot mo," I tap her head and wink at her. Napahilamos siya ng mukha niya.

"Kinakabahan ako baka hindi na kita makasama sa second sem," may luha na sa mga mata niya.

"Sira ka, ede maganda wala ng makulit na sunod ng sunod sa akin," tinawanan ko pa siya pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

"I hate you," tinawanan ko siya bago inayos ang gamit ko, handa ng umalis.

"Celebrate tayo?" Mabilis siyang tumayo at kinuha ang bag, nauna na sa aking lumabas ng room.

"Saan tayo?" Tinawanan ko siya bago hinila palabas ng school.

"Sa Mini bar sa taas ng condo ko," napatalon naman siya sa tuwa.

"Doon na lang rin ako matutulog sa condo mo, nagpaalam na ako kay Mommy," gulat akong tumingin sa kaniya, "nandon na rin ang gamit ko, wala tayong pasok ng two days kaya kailangan nating magsaya."

Huh? Bakit nasa condo ko na ang gamit niya?

Gulat ako ng makitang may mga maleta nga sa labas ng condo ko, mabilis niyang kinuha 'yon at pilit na ngumiti sa'kin.

"Talagang ready ka ha," binuksan ko na ang condo ko at pinapasok siya sa loob. "Sa sofa ka matutulog," turo ko sa couch sa harap ng tv.

"Ayus lang," nikagay niya na doon ang maleta niya at umupo, tinawanan ko siya bago umiling, pumasok ako sa kuwarto ko at nagbihis, para naman presentable ako bago pumunta ng mini bar sa taas.

Paglabas ko ay nakabihis na rin si Pria, na cr ata siya ng bihis. Nagdala lang ako pera at pumunta na kami sa taas.

"Maglalasing tayo," tinaas ko ang hawak kong bote ng beer at tinungga 'yon. Sayaw naman ng sayaw si Pria na parang wala ng bukas.

Umupo muna ako sa counter at doon uminom, tawang-tawa ako kay Pria habang pinapanuod siyang sumayaw, buti na lang hindi ko dala ang cellphone ko para kunan siya ng Video kung hindi may pang blackmail na naman ako sa kaniya.

"Hey Miss, nag iisa ka ata?" Hinarap ko yung lalaking umupo sa tabi ko. Ininom ko muna yung isang tasa ng beer bago siya tiningnan, medyo lasing na.

"Ano bang pakialam mo?" Tumayo ako pero agad ding napaupo dahil biglang sumakit ang ulo ko at parang nanghina ang mga paa ko.

"You can't walk?" Nakangisi nitong tanong.

"Obvious ba? Ang bobo mo naman, nakita mo na nga magtatanong ka pa?" Napairap ako kahit masakit na ang mata ko.

"How come this drunk girl ay nagmamaldita pa rin?" Tumayo akong muli para umalis na sa harapan niya, naiinis lang ako sa ugali ng lalaki na'to. "Pag hindi kase kayang malasing wag na uminom," naramdaman ko na lang na nakahawak siya sa'kin at inaalalayan ako.

"Pwede ba? Wag mo pakialaman ang buhay ko?" Lasing kong sabi sa kaniya at hinampas pa siya sa dibdib.

"Kung wala lang akong malasakit sa babae baka pinapayaan na kita sa taas," napailing pa siya ng sabihin niya yun.

Huh? Wala ako sa taas?

"T-teka... Si... Si Pria nasa taas, kailangan ko siyang balikan," mabilis kong inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko at bumalik kaso natumba ako kaya napasalampak ako sa sahig.

"Tsss," yun lang ang huli kong narinig bago dumilim lahat ng paningin ko.

Napahawak ako sa ulo ng magising ako sa subrang sakit, ano bang ginawa ko kagabi?

Tinanggal ko ang kumot ko at bumaba sa kama, kinusot ko ang mata ko at doon ko lang napagtanto na wala ako sa kwarto ng condo ko. Agad akong napatingin sa damit ko, nakahinga ako ng maluwag dahil ganon pa rin ang suot ko.

Amoy lalaki.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong kuwarto at nanlaki ang mata ko na nasa ibang kuwarto nga ako, agad akong lumapit sa pinto at dahan-dahan yung binuksan, nang masigurong walang tao ay lumabas ako, dahan-dahan ko ring sinara ang pinto para hindi ako makagawa ng ingay.

"What are you doing?" Bigla kong nahila ang pinto sa subrang gulat kaya napalakas ang sara non. Humarap ako ng dahan-dahan sa lalaki at laking gulat ko ng makita siya ng buo, siya yung lalaki na may utang sa'kin ng piso. May dala siyang bowl sa kamay at may glove's.

"A-ahh..." Hindi ako nakasagot sa kaniya, napayuko na lang ako at hindi alam ang sasabihin. Bakit ba kase nandito ako?

"I guess wala kang maalala sa mga ginawa mo kagabi?" Napahawak ako sa bibig ko, may nangyari ba sa'min?

"Anong ginawa mo sa'kin!?" Napayakap alo sa katawan ko dahil sa kaba, what if may nangyari sa'min pero hindi ko maalala kase lasing ako? Bakit ba kase naglasing pa ako? Gusto ko tuloy isumpa ang sarili ko dahil niyaya ko pa si Pria, speaking of that girl? Bakit niya kase ako iniwan huhu.

"Maganda kaba para pagsamantalahan?" Tinalikuran niya ako at pumunta sa kitchen sink.

"Bakit, maganda naman talaga ako ah," sumunod ako sa kaniya at umupo sa stool doon.

"In your dreams," natawa pa siya kaya napairap ako.

"Bakit ba ako napunta dito? Nagsasaya lang kami kagabi sa taas ng apartment namin eh," hindi niya ako sinagot kaya naglakad na ako papunta ng pinto.

Kailangan ko ng makaalis dito, anong oras na ba? Mabilis kong binuksan ang pinto at lumabas, nagulat ako ng makita na ito rin ang hallway namin sa apartment at talaga ka floor ko pa ang lalaki na yun ha.

Tumakbo ako para hanapin ang apartment ko, hindi naman kalayuan dahil isang kuwarto lang ang pagitan at saakin na, mabilis akong pumasok ng marinig ang sigaw ng lalaki na yun dahil hinahanap ako.

Nang makapasok sa loob ay nagulat ako dahil nandon si Pria at sa sofa nga siya natulog, balot na balot pa siya ng kaniyang kumot, may mga pagkain sa sahig na malamang kagagawan niya.

Mabilis akong pumasok sa kuwarto ko at naligo na rin dahil nanlalagkit na ako sa katawan ko, ilang minuto rin akong nakababad sa bathtub.

"Bakit kaya ako napunta sa bahay ng lalaki na yun?" Hanggang ngayon hind ko pa rin maalis sa isipan ko yun. Siya yung lalaking una kong nakita sa mini store at may utang pa sa'kin ng piso kaya talagang nakakainis bakit kase nandon ako.

Matapos magbihis ay lumabas na ako at nandon pa rin si Pria at mahimbing na natutulog, inayos ko ang kumot niya at pumunta na sa kusina para magluto ng umagahan namin.

Sinusumpa ko talaga ang araw na ito, pati paghiwa ng mamahaling sibuyas na ito ay inis kong ginagawa, biruin mo mas mahal pa ang sibuyas kesa sa mga sa akin.

"Hoyy Chasty, saan ka pumunta kagabi ha? Bakit hindi ka dito natulog?" Dinuro niya pa ako habang naglalakad papalapit sa'kin.

Hindi ko siya sinagot at nag focus na lang sa pagluluto, hindi na rin naman siya nangulit dahil sumasakit daw ang ulo niya.

Parang isang minuto lang yung sabado at linggo, lunes na naman kaya nandito na ako sa room dahil ayaw kong ma-late, sakto naman ang pagpasok ni Pria dahil kasunod niya na ang prof namin.

"Good morning guys, I have an important announcement," mabilis na umupo si Pria sa tabi ko dahil mukhang nagmamadali nga ang prof namin. "You need to know this as soon as possible," lahat kami ay nakikinig sa kaniya dahil mukhang tense na tense na siya. "You need to find a partner as soon as possible dahil meron kaagad na practice mamaya, may gaganapin ang school na ballroom at kayong third year at fourth year ang kasali dahil malapit na din matapos ang taon kailangan na nating sulitin ito." Masaya niyang sabi sa'min na may kasama pang palakpak.

"Sasabihan ko na lang si Cris na ako partner niya huhu," tarantang kinuha ni Pria ang cellphone niya at mabilis na nag type doon.

Paano naman akong walang ka close na lalaki? Paniguradong lahat ng kaklase ko may partner na, paano naman ako?

"I talk to Cris na, I told him that hanapan ka niya ng partner," napairap naman ako dahil yung engineer niyang manliligaw ang partner niya.

"Sabihin mo dapat maayos yan ha, atsaka ayaw ko nung maamoy," napahawak pa ako sa ilong ko.

Ang pangit kaya kapag bad smell ang partner ko, ang ganda ganda ko tapos ganon lang ang partner ko? Mabuti pang wag na sumali dahil hindi naman ata required.

"Required po na sumali lahat dahil bibigyan ko kayo ng tres kapag hindi kayo sumali," napasampal na lang ako sa noo ko dahil sa inis.

Sayang din yung tres, huhu kalahati ng ng buhay ko ang mawawala kapag nagkaroon ako ng tres. First sem straight uno ang nakukuha ko kaya hindi ako pwedeng ma tres ngayon.

Wala akong choice kundi sumali sa pakana nila na yan, nakaraan naman wala namang ganiyan. Kapag talaga hindi ko bet kung sino yang lalaking partner ko, magbibigti na lang ako sa puno ng kamatis.

"May partner kana," masayang sabi ni Pria at tinulak-tulak pa ako.

"Sino na naman yan?"

"Mamaya mo malalaman." Inirapan ko lang siya at hindi na siya pinansin.

Matapos ang klase namin ay dumeretso na agad kami sa gym para sa practice, sabay kami ni Pria at nakita niya naman kaagad si Cris.

"Yung partner mo, Chasty nasa loob na hinihintay ka," tinaasan ko siya ng kilay pero tumawa lang siya.

"Ayaw niya ng masagwa ang mukha," bulong ni Pria pero halata namang pinarinig niya talaga sa'kin.

"Bakit ikaw, kapag masagwa ba ang mukha ni Cris papayag kang ligawan ka niya?" Napatingin naman sa kaniya si Cris at hindi naman alam ni Pria ang sasabihin niya.

Hindi ko na sila pinansin at pumasok na ako sa loob. Palinga-linga ako sa kung saan may bakanteng upuan at sakto namang nakakita ako.

"Hi miss masungit na naglalasing at hindi alam ang ginagawa kaya napadpad sa ibang apartment," nanayo ang balahibo ko dahil sa bulong na yun, mabilis akong napatayo at hinarap ang lalaking nagsabi non.

"What the hell-" napatigil ako ng makilala kung sino yun. "Can you please shut up?"

"Bakit? Nagsisisi kana ba?" Natatawa niyang tanong, nakita ko na naman ang piso sa tenga niya. Hindi niya ba yun tinatanggal?

"Manahimik ka nga, pwede ba 'wag mo na akong guluhin? Nanahimik na nga ako dito nanggugulo kapa,"

"I'm your partner miss."

_______

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro