Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

Moonlight





"Sebastian, ang anak mo!" Galit na sigaw ni Mommy.

Napakamot na lamang ako sa aking ulo. Ayan nanaman siya, pinapalaki nanaman ang gulo. Maliit na bagay lang ito para sa akin, sanay na ako.

"Ma, please. Just let me rest" pakiusap ko sa kanya.

Madaling araw na at kakauwi ko lang galing sa isang party. Gusto ko na sanang dumiretso sa aking kwarto para makapagpahinga, ang kaso ay nakita ni Mommy ang mga pasa ko sa mukha.

"This isn't just a normal away bata, Hob!" nanggagalaiting sabi niya.

Gusto kong matawa, I find it really sweet. My mother is very sweet, if the day comes, I want to marry a woman na kasing sweet niya at maalaga.

"Carol, hayaan mo ang anak mo. Matanda na iyan" laban ni Daddy sa kanya na halatang hinila lang patayo ni Mommy mula sa pagkakatulog.

Mom grasped her hair dramatically kaya naman tumalim ang tingin ni Daddy sa akin.

"Sakit kayo sa ulo ng Mommy niyo. Kailan kayo titigil diyan sa mga kalokohan niyo?" matigas na pangaral ni Daddy sa akin kaya naman napabuntong hininga na lamang ako.

"At sa iyo hindi?" gulat na tanong ni Mommy sa kanya.

Kaagad na napaayos ng upo si Dad dahil don. Hindi ko napigilang mapangisi. Look at him, parang naging kawawang tuta na takot kay Mommy.

"Ang sa akin lang, matanda na ang mga anak natin. Hayaan mo silang magkamali, para matuto" malumanay na sabi ni Dad.

"Palaging nagkakamali pero hindi natututo" giit ni Mommy na nagpatikom sa bibig namin ni Daddy.

"Manang mana sayo" pinal na sabi ni Mommy kay Daddy bago niya kami tinalikuran na dalawa.

"Mabait ako" laban din Dad na ikinatawa ko.

Lumapit siya sa akin at tinapik ang balikat ko. "Magkamukha tayo pero hindi ka mana sa amin. When I met your Mom, siya na lang ang babaeng nakikita ko, wala ng iba" he said.

Nagkibit balikat ako. "I don't know. Madaming babae" laban ko kaya naman napabuntong hininga ulit si Daddy.

"One day, you will met a girl that will make you badly smitten, siya lang ang makikita mo. Sa kanya mo lang mararamdaman yung mga bagay na hindi mo mararamdaman sa iba..." paguumpisa ni Dad.

Nagalit siya ng mapahikab ako. "Dad, kaka-cellphone mo yan" asar ko sa kanya bago ako tumayo. I really want a good sleep.

"Hobbes Javier!" galit na tawag niya sa akin pero hindi ko na pinansin.

Napangiwi ako ng muli kong hawakan ang pasa sa gilid ng aking labi. Meron din sa may cheek bones. Masakit din ang aking panga dahil sa pagsuntok nung lalaki sa akin kanina.

I met a girl on the dancefloor, I thought she's cool, hindi naman niya sinabing may boyfriend siya. Napagkamalan pa tuloy akong kabit eh first time ko lang naman siyang makita. Ang hirap talagang maging gwapo.

I just took my warm shower bago ako napagpasyang mahiga na sa aking kama. Imbes na makatulog ay napatitig na lamang ako sa kisame ng aking kwarto. Ang aking braso ay nakapatong sa aking noo.

I dated a lot of girls, pero wala ni isa sa kanila ang nagparamdam sa akin ng sinasabi ni Daddy. I don't know.

Pasikat na ang araw ng pumikit ako, kaya naman ng magising ako kinabukasan ay halos mag ha-hapon na. Mas lalong nadagdagan ang sakit ng aking ulo sa pinaghalong hangover at hindi tamang oras ng pagtulog.

"Saan nanggaling yan?" tanong ni Tito Marcus ng magkita kami sa office. Napagalitan pa ako ni Daddy dahil naabutan niya ako kasama ang ibang board member na late ng pumasok.

What? It's rather to be late than pumasok ako na sabog sa alak.

Ngumisi ako at nagkibit balikat. Alam na nila kung saan nanggaling iyon, lagi naman.

"Magseryoso ka na, naunahan ka pa ni Piero. Sa inyong magpipinsan iyon ang hindi ko inaasahan na magseseryoso" natatawang sabi ni Tito.

Mas lalo kong pinaikot ang ballpen sa aking mga daliri. I don't know what to say, hindi din naman ako nagmamadali. Ang pinakamatagal kong naging relasyon ay hindi din naman umabot ng isang taon.

Hindi din naman ako nakapagtrabaho ng maayos, pumasok lang talaga ako para magpakitang tao. Kinain ako ng katahimikan hanggang sa maalala ko yung babaeng nakita ko few years ago.

I don't clearly remember her face, but the feeling of being with her, her presence...iyon ang hinahanap hanap ko.

In every girl I met, I always look for her. I don't even know her name. Her face is blurred because of being drunk that night. But I still remember how she kissed me, puno ng lambing. Her lips is sweet.

Umigting ang aking panga at naikuyom ko ang aking kamao. As much as I want to know her more ay nawalan na ako ng gana ng makita kong at that same night ay hinalikan din niya ang kapatid ko.

The audacity of that girl na tuhugin kaming magkapatid!

Or baka naman sa sobrang kalasingan akala niya ikaw iyon, Hobbes? Paulit ulit kong tanong sa sarili ko pero hindi talaga.

"Nagiisa ka ata ngayon?" Kantyaw sa akin ng ilang mga kakilala.

Ngumisi ako at inisang tungga ang hawak na baso ng alak. Mariin akong napapikit ng maramdaman ko ang tapang non. Mas lalong ngumisi ang aking kaharap.

"May hinihintay lang" tipid na sagot ko, I don't want to talk to him. Hindi naman kami close para malaman niya ang mga desisyon ko sa buhay.

Nagtaas ako ng tingin ng mapansin kong nagpalinga linga siya."Kasama mo si Hunter?" tanong pa niya.

Tamad ko siyang tiningnan."Mukha ba akong tanungan ng nawawalang kapatid?"

Hindi na siya nakasagot pa, kaya naman tumayo na ako dala ang isa pang baso ng alak. That boy is so nosy, kung babae ang nangulit sa akin ay baka natuwa pa ako.

Maingay na sa dancefloor. Some familiar woman tried to approach me pero wala sa kanila ang nakakuha ng pansin ko para sa gabing ito.

Diretso ang lakad ko papunta sa may bar counter. Dahan dahan bumagal ang lakad ko ng makita ko ang babaeng nakaupo duon, magisa at nagpapalinga linga.

Isang beses na tumama ang tingin niya sa akin kaya naman nginitian ko siya. Pero kumunot ang noo ko ng kaagad din siyang nagiwas ng tingin. Ano? Hindi ba siya nalagkitan sa tingin ko?

Tinitigan ko siya, hindi ba niya nakuhang I'm interested on her? Or baka bagong way para makakuha ng pansin. Then guess what? Kuhang kuha niya ako.

Sinadya kong lumapit sa kanya, pero hindi man lang siya natinag. Nanatili ang tingin niya sa dancefloor na para bang may hinahanap.

"Looking for someone?" tanong ko.

Isang beses niya lang akong nilingon at inirapan pa.

Nagtangis ang aking bagang. Though I like some challenge all the time, not with her. I'm too interested with her na ayoko ng patagalin pa ito.

Imbes na umalis ay presko pa akong sumandal sa bar counter at hinarap siya.

Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang may hawak ng baso ng alak, maayos ang pagkakahawak niya sa baso, halatang sanay ito dito.

Mas naagaw ng kanyang mahaba at itim na itim na buhok ang aking pansin. Bagay ang ayos niya sa suot na itim na silk dress. I know that kind of dress, sa dinami rami ng babaeng nakasama ko, ang iba ay halos regaluhan ko pa ng mall.

"Ang suplada" nakangising sabi ko at pagpaparinig din.

With that she looks at me again, Gotcha!

Sumama ang tingin niya sa akin, her eyebrows is in it's natural shape na even with her poker face, it screams how intimidating she is. And she looks very intimidating to me.

"Excuse me?" she said.

"Yes, babe?" I said. I saw how her lips twisted.

Sandali pang tumalim ang tingin niya sa akin bago siya nagtangkang talikuran ako.

"Babe, It's Hobbes" pahabol na pakikilala ko pa.

Halos mapamura ako sa kahihiyan ng iwanan niya sa ere ang kamay ko. Damn this girl.

"Ayokong kausapin ka" she said at naglakad palayo sa akin.

Nagtagal ang tingin ko sa kanyang likod. Ang mahabang buhok ay sumasabay sa kanyang paglakad.

Inisang tungga ko ulit ang hawak na baso ng alak bago ako humingi ng isa pa ulit. I feel so frustrated, dapat ay sa pagpapakilala kong iyon ay nagtuloy tuloy na ang conversation namin. Damn it, try again Hobbes, baka sinusubukan ka lang.

Hindi nawala ang tingin ko sa kanya, nanliit ang mata ko ng makita kong halos hindi din naman niya alam kung saan siya pupunta. Isang beses pa ngang bumalik ang tingin niya sa akin pero kagaya kanina ay inirapan niya lang din ako.

I let her explore the whole place, hanggang sa tumaas ang gilid ng labi ko ng makita ko ang kanyang pagbalik. Mas masungit na siya ngayon, para akong papatayin. Come on babe, kill me then.

Imbes na magalit sa kanya ay mas lalo pa akong napangisi, kung ikamamatay ko ang pagtitig niya sa akin. Kahit maging double dead pa ako, wala akong pakialam.

Dinuro niya ako. "Wag kang magsasalita" she said kaya naman napakagat na ako sa aking pangibabang labi.

"Sure, babe" I said.

Humalikipkip ito, wala na ang hawak niyang baso ng alak. Nanatili ang masamang tingin niya sa dancefloor.

Hindi ko maiwasang pagmasdan siya, humaba ang kanyang nguso dahil sa pagsimangot.

"Who pissed you off?" tanong ko. Sinong umaway sa kanya at ipapatapon ko palabas ng bar na ito.

I know the owner of The Vega's. Isang tawag ko lang kay Thomas ay pwedeng pwede ko ng ipatapon sa labas ang sumira ng gabi niya.

Hindi niya pa din ako pinansin. This is really a challenge huh?

"I'm Hobbes, by the way. Hobbes Javier Jimenez" pagpapakilala ko pa. Kung hindi pa halatang interesado talaga ako sa kanya ay baka naman manhid ang isang ito.

Hindi ko siya tinigilan hanggang sa mapangiti ako ng tinanggap niya ang inalok kong cocktail. I find her hot, intimidating and cute at the same time. I really like her, minsan lang ako magkainterest talaga sa babae.

Some of the girls I dated, halos ilahad na nila sa akin ang talambuhay nila. Pero ang isang ito, mukhang masyadong masikreto. But it's ok, baby let me do the moves.

Tipid lang ang mga sagot niya sa akin, kung minsan nga ay tango lang. Bayolente akong napalunok ng makita kong napayakap siya sa kanyang sarili. She is just wearing a single strap dress, napamura ako sa utak ko ng maalala kong nasa sasakyan ang ang coat ko.

I'm just wearing a black ralph lauren button down shirt and gray pants.

"Stay here, may kukuhanin lang ako" I told her.

Nagtagal ang tingin niya sa akin. Biglang umamo ang kanyang mukha.

"Lalabas ka? I'll...uhm, go with you" sabi niya na ikinalaglag ng panga ko.

Napadila ako sa aking pangibabang labi. Imbes na makasagot ay tumango na lang ako.

Tahimik kaming dalawa palabas ng bar, makailang beses siyang tumama sa akin habang tinatahak namin ang daan palabas dahil sa dami ng tao. Hindi naiwasang maamoy ko ang bango niya, she smells like vanilla.

She was about to go in the opposite direction ng kaagad ko siyang hinawakan sa braso. Sobrang nipis niya, nagulat siya dahil sa paghawak ko, ramdam ko din ang lamig sa kanyang balak.

"My car is in this side" turo ko sa kabilang gawi ng parking space.

Imbes na bitawan siya ay hinayaan kong dumausdos ang kamay ko papunta sa kamay niya. Wala na siyang nagawa ng hawakan ko iyon ng mahigpit at hinila ko siya papunta sa aking sasakyan.

"Giniginaw ka? You want something...warm?" I asked, ngayon lang ata ako nahiyang magtanong sa babae.

Tumaas ang isang kilay niya. "I can uhm...buy" she said at nagiwas ng tingin sa akin.

Pinatunog ko kaagad ang aking Ford F-150, it's in metallic color so I really find it savage.

Binuksan ko ang passenger seat para papasukin siya. Mula sa back seat ay kinuha ko ang coat ko para iabot iyon sa kanya.

"Salamat" masungit na sabi niya sa akin kaya naman napangiti ako.

Muling nagtagal ang tingin niya sa akin hanggang sa kumunot ang kanyang noo. "May kamukha ka..."

"Future boyfriend mo?" tanong ko.

"Kapal mo" she said kaya naman napahalakhak ako.

Nagpaalam akong aalis sandali para bumili ng kape. I want to impressed her and buy some from known coffee brand pero masyadong malayo iyon sa aming pwesto. Isang convinient store coffee na lang tuloy ang nadala ko.

Bumaba ang tingin niya sa hawak kong kape, nagtaas siya ng kilay sa akin. Sa huli ay nakahinga ako ng maluwag ng tanggapin niya iyon.

Pumasok ako sa driver seat para inumin din ang sa akin.

Tahimik kaming dalawa ng magumpisa kaming simimsim ng kape. Gusto kong murahin ang aking sarili, this is not me. Kung sa ibang pagkakataon lang ito ay naghahalikan na sana kami ngayon, but I find it really amazing and confusing at the same time.

Ayoko siyang biglain, para bang I want to take everything slowly for her. There is something in her aura, there is something in her na gustong gusto ko. Kaya naman I have this feeling na in just one wrong move ay baka lumayo nanaman siya sa akin.

"I still don't know your name"

"Wala akong pangalan"

This is the very first time na nakuntento ako with just her presence. Hanggang sa tumingin siya sa suot na wrist watch. Bigla akong nalungkot ng hubarin niya ang coat ko. It looks good on her.

"Thanks for the coffee and uhm..." hindi niya matuloy ang sasabihin niya.

Bumaba ang tingin ko sa labi niya. Hanggang sa mabilis kong kinabig ang batok niya para halikan. Ramdam ko ang gulat niya kaya naman bigla akong nakaramdam ng takot, I don't want to turn her off.

But mas lalo akong nanggigil ng dahan dahan kong naramdaman ang pagsgot niya sa aking halik.

Her lips is so soft, it's sweet. Para akong lumulutang sa ere. There is really something on her na sa kanya ko lang naramdaman.

"Tell me your name"

Marahan siyang umiling. "Wala akong pangalan" paguulit niya bago siya ngumisi sa akin.

Pumungay ang aking mga mata. "Hindi ko pa narinig na tinawag mo ako sa pangalan ko"

"Ayoko sa pangalan mo"

Napaayos ako ng upo. "W-why?"

"It sounds like diapers" she said.

Nauna siyang pumasok sa bar dahil hinarang ako ng ilang mga kakilala. Siya kaagad ang hinanap ko pagkapasok ko, but to my dismay. Mukhang nakita na niya ang kanina pa niyang hinahanap.

She is now kissing my brother Hunter Jimenez. The way she kissed him, mas ramdam kong sabik siya dito. Damn this girl, to hell with them!

I never saw her again. Sa lahat ng bar na puntahan ko, in all the places I go to. I never saw her again.

"You're going to be late, Hobbes" sita ni Mommy sa akin.

Halos lahat ng relatives namin ay nasa Bulacan na ngayon para sa binyag ng anak nina Gertie at Eroz. Isa ako sa mga Ninong pero I already told them na baka hindi ako maka-attend sa simbahan for some family problem.

"You should have talked to them, Hunter" si Dad, sa kapatid ko.

Nanatili ang tingin ko sa kung saan. Isang taon lang halos ang pagitan naming dalawa. Sometimes, napagkakamalan pa kaming kambal.

"I didn't do it. They don't deserve my words" he said kaya naman kumunot ang noo ko.

Natigilan ako sa paglalaro ng aking pangibabang labi.

"Be a man, Hunter. Face it, you do that to yourself" I said.

Everytime I remember how they kissed years ago, hindi ko maiwasang magalit sa kanya. Kaya naman kahit simpleng away lang namin minsan, ang lalim ng pinanghuhugutan ko.

I even tried to ask him about the girl. Pero sino daw ba don? Meaning marami siyang hinalikan that night, ang gagong to!

Maybe it's first time there. Kahit si Thomas na may ari ng The Vegas, even the bartenders na kilala ko. Baka galing abroad na nag bakasyon for a couple of days, or baka taga probinsya.

After that scene ay napagpasyahan kong tumuloy sa Bulacan kahit sa kainan na lang. And I want to meet Gianneri again, gusto ko ding ibigay ang regalo para sa kanya.

"Pa-importante ka. Ang kapal ng mukha mo!" si Piero. Tinawagan niya ako habang nasa byahe ako.

"Gago, nasa byahe na ako. Pumunta lang talaga ako para makikain" biro ko. Narinig ko nanaman ang malutong niyang mura sa kabilang linya.

I also want to meet, Gertie's cousin. Nakita ko ito nung minsang I-stalk ko si Gertrude. I like Gertrude also, pero kay Eroz na siya. I am not someone na mangaagaw ng babae lalo na sa pinsan ko. I'm not like Hunter. Traydor.

The first time I saw Vera's picture, naging interesado na kaagad ako sa kanya. The photos I saw was taken years ago pa. Wala na siyang upload na recent post kaya naman I'm sure na mas maganda siya ngayon. And somehow, I feel she's familiar.

Malaki ang Villa de Montero. Malayo ang ginawang parking space sa misong pinaglagyan ng event. Nakita ko ang sasakyan ng mga pinsan ko, mukhang kumpleto maging ang mga Jimenez.

Bukod sa mga ilaw sa bawat posteng nadaanan ko ay nagbibigay din ng liwanag ang malaking buwan. Bilog na bilog ito, sa ganda niya ngayon. Hindi mo talaga mapipigilang hindi tingnan ito.

Rinig ko na ang ingay mula sa party, hanggang sa mapahinto ako ng may makita akong bulto ng isang tao...isang babae.

Nakatayo ito patagilid sa akin, hindi masyadong kita ang kanyang mukha. Napahinto ako sa paglapit ng may maramdaman akong pamilyar na bagay.

She is wearing a black silk dress. Itim na itim ang buhok na kinulot ang dulo. Nakapikit at nakayakap sa kanyang katawan habang nakatingala sa buwan.

I was about to take another step ng...

"Hobbes!" tawag ni Gertie sa akin.

Kaagad ko siyang sinalubong ng yakap.

"Hi, Mrs. Herrer" biro ko sa kanya.

Humaba nanaman ang nguso niya. I really find her more attractive pag sinusungitan niya ako. But, she is now off limits. Kay Eroz na siya.

"You are late. You go here lang ata for the food. Ang bad mong Ninong" sita niya sa akin na mas lalo kong ikinatawa.

Itinaas ko ang dala kong regalo para sa aking inaanak. "Ofcourse I'm here for Gianneri. And for your Ate Vera, ipakilala mo na ako" nakangising sabi ko kaya naman mas lalo niya akong sinamaan ng tingin.

Kaagad siyang napalinga linga sa paligid.

"Sinong hinahanap mo?" tanong ko sa kanya.

"I'm looking for my Ate Vera and my friend Alice. I saw them papunta dito" sagot niya sa akin.

Kumunot ang noo ko, hanggang sa ibalik ko ang tingin ko sa babaeng nakita ko kanina, wala na ito ngayon. I didn't even have the chance na makita ang mukha niya. Is it possible na it's Vera? or the friend?

Damn it









(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro