Chapter 60
Half Moon
Halos malunod ako sa lalim ng halik na ibinigay ni Hob sa akin matapos kong tanggapin ang alok niyang kasal. Wala siyang paki-alam sa paligid namin kahit pa nasa harapan namin ang mga magulang ko at ang mga magulang din niya.
Hindi na din ako nakapagreklamo pa at nagpaubaya na lamang. Hinalikan ko din siya sa paraang ma-ipaparamdam ko sa kanya na masaya akong tanggapin ang alok niyang kasal sa akin.
Narinig namin ang palakpak ng mga magulang ni Hob nang maghiwalay ang mga labi namin. Matamis ko siyang nginitian kaya naman imbes na pakawalan ay lumipat naman ang labi niya sa aking noo.
"Nay, Tay..." tawag ko sa aking mga magulang. Kita ko ang pagiging emosyonal nilang dalawa kaya naman hindi napigilang mahawa na din ako sa kanila.
"Bakit po kayo umiiyak?"
Ngumisi si Tatay bago siya nagpahid ng namuong luha sa kanyang mga mata.
"Masaya lang kami para sa'yo, anak..." sagot ni Tatay sa akin kaya naman kaagad akong yumakap sa kanilang dalawa.
Matapos humiwalay ay kinuha ni Nanay ang kamay ko at tiningnan ang singsing na isinuot ni Hob sa akin.
"Ang ganda...bagay na bagay sa kamay mo," marahang sabi niya habang nakatingin dito.
Marahan akong napakagat sa aking pang-ibabang labi. Hindi din biro ang laki ng bato sa singsing na iyon. Hindi mapagkakailang malaki ang halaga.
Marahang hinaplos ni Nanay ang pisngi ko bago siya humalik dito.
"Ikakasal na ang Alihilani ko," sabi niya kaya naman hindi ko na-iwasang mapanguso.
Lumapit din sa akin ang mga magulang ni Hob para yakapin ako at I-congratulate. Hindi kagaya ng aking mga magulang na medyo emoysonal ay wala namang mapagsidlan ang saya sa mga ito.
"Ipinamimigay na talaga namin 'yang si Javier. Mas maiiyak ako kung hanggang ngayon ay wala pang balak na tumino ay lumagay sa tahimik," paliwanag ni Tita sa naging reaksyon nila.
Natawa ako maging ang aking mga magulang.
"Mommy, matino po ako," laban ni Hob sa Mommy niya at napakamot pa sa batok.
Ngumisi ang Daddy niya at hinawakan siya sa balikat. Para bang sinasabi niya dito na wag na siyang magreklamo pa dahil wala naman silang laban sa Mommy niya.
"Pagtulog ka, Javier."
Tumango ang nakangiting si Hunter sa akin. Ngumisi siya sa akin ng panlakihan ko siya ng mata at sinungitan pa. Magiging Ate niya na ako kaya naman walang takas sa akin ang pagiging maloko niya.
"Congrats, Alihilani..." malambing na bati sa akin ni Sovannah bago siya humilig sa akin para bumeso.
"Si Sovannah ang gagawa ng wedding cake?" tanong ni Tita Carol dito.
Tumawa si Sov at mabilis na tumango. "No problem, Tita. Ako na po ang bahala sa wedding cake," malambing na sagot niya dito kaya naman mas lalong na doble ang saya nito.
Tinuloy namin ang family dinner, napunta na kung saan saan ang kwento ng mga magulang namin tungkol sa amin ni Hob dahil sa proposal na naganap. Maluwag talaga kaming tinanggap ng mga Jimenez na kahit pa hindi pa kami kasal ni Hob ay parte ng pamilya nila ang turing nila sa amin.
Sa kalagitnaan ng aming pagkain ay humilig si Hob sa akin para lang bumulong ng mga kalandian niya. Hindi talaga mauubusan ng ka-cornyhan ang lalaking ito sa katawan niya.
"Can't wait for us to be alone..."
Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin, pero hindi man lang siya na-apektuhan dahil matamis pa din ang ngiti sa labi niya.
"Manahimik ka nga diyan...kumakain pa kami ni Baby," sagot ko sa kanya kaya naman ngumisi siya at mariing napapikit.
Hindi pa na-kontento ang loko at bahagya pa siyang tumayo para lang pagdikitin ang upuan naming dalawa. Ni hindi man lang niya na-isip na nasa harapan naming ang buong pamilya namin.
"Let me feed you..." marahang sabi niya sa akin at tangka pang kukuhanin ang hawak kong kutsara ng mabilis kong inilayo iyon sa kanya.
Siniko ko siya at pinandilatan ng mata. "Ang landi mo," akusa ko sa kanya.
Pumungay ang mga mata niya at parang wala sa sariling napakagat sa kanyang pang-ibabang labi.
"Sa'yo lang..." sagot niya sa akin na mas lalo kong ikina-irap.
"Sa lahat," madiing sabi ko sa kanya kaya naman napanguso siya sa aking harapan.
After ng dinner ay lumipat kami sa garden. Nagkayayaan kasing uminom ng wine sina Tatay at Tito Seb. Nagkaroon ng sariling mundo sina Nanay at Tita para sa preparation ng kasal namin ni Hob. Kung mag-usap sila at magplano tungkol doon ay parang sa susunod na araw na kasal.
"I need to contact the organizer," si Tita Carol.
Sandali akong tumingala sa madilim na langit. Walang masyadong bituin kaya naman kitang kita ko ang ganda ng bilog at maliwanag na buwan. Pakiramdam ko ay masaya din siya para sa akin ngayon.
Mula pagkabata kasi ay halos mabingi na siya sa lahat ng sumbong ko at hinaing sa buhay. Ngayong nakikita niya ito ay alam kong masaya ang buwan para sa akin.
"Fresh orange juice for Allennon..." biglang singit ni Hob mula sa aking likuran.
Nilingon ko siya at ma-ingat na kinuha ang hawak niyang orange juice. Ramdam ko ang tingin niya sa akin kahit pa ang focus ko ay nasa baso. May laman o wala ang mga baso nila ay mabibigat pa din ang mga ito. Nakakatakot mabasag dahil mukhang malaki din ang halaga.
"French kiss for Mommy...galing kay Daddy," nakangising sabi niya at tangkang hihilig para humalik sa akin nang mabilis kong abutin ang tagiliran niya at kurutin siya doon.
"Aw! Babe naman," reklamo niya kaya naman halos umikot ang mata ko dahil sa pag-irap.
"Gigil na gigil ka nanaman sa akin," nakangising pang-aasar pa niya.
Imbes na mas lalong magalit sa kanya ay naramdaman ko kaagad ang pag-init ng aking magkabilang pisngi.
Bago ang wedding ay nagplano sina Tita at Tito na magkaroon muna ng engagement party para sa amin ni Hob para na rin daw makilala ko ang buong angkan nila. Nakaramdam ako ng kaba nung una pero ipinaramdam naman ni Hob sa akin na kasama ko siya kaya sandali lang ay nawala din iyon.
Halos hindi na din mapaghiwalay sina Tita at Nanay lalo na sa pagluluto sa kusina. Wala namang naging problema na dito tumutuloy sa bahay nila Hob ang mga magulang ko habang nasa Manila sila. Pinapaayo at pinapalaki na din ni Tatay ang bahay namin sa Sta. Maria.
Suot ang Dolce & Gabbana dress na ibinigay ni Tita sa akin ay sumama ako kay Hob sa companya nila. Ipapasyal niya daw ako dito at ipapakita sa akin ang office niya. Matapos iyon ay pupuntahan din namin si Chelsea para sa clothing line.
"Good morning, Engr. Jimenez," bati ng mga empleyado kay Hob.
Parang bigla akong nagulat sa atensyon na nakukuha namin ngayon, papasok pa lang kami sa building ay halos ilang pagbati na ang nakuha ni Hob mula sa kanilang mga empleyado. Halata ding kumportable ang mga ito na I-aaproach siya, mukhang hindi snob ang isang ito sa mga ka-trabaho niya.
"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
Tipid akong ngumiti at tumango sa kanya. Nasa loob kami ng elevator na dalawa paakyat sa tamang floor kung nasaan ang main office niya.
Hinapit niya ako sa bewang bago ko naramdaman ang paghalik niya sa aking ulo.
"Ang ganda..." sambit niya kaya naman napanguso ako.
"Kinakabahan ako," masungit na sumbong ko sa kanya at kumapit na sa braso niya. Parang hindi ko na kakayaning makisalamuha pa sa mas madaming tao.
Lumipat ang kamay niya at niyakap ng braso niya ang bewang ko.
"Kinakabahan nga din ako...baka may masuntok na ako sa oras na may tumagal nanaman ang tingin sa'yo," sabi niya na ikinalaki ng mata ko.
Hindi pa ako nakakapagsalita ng tumunog na ang elevator sa tamang palapag. Hinapit niya ako bago niya ako bago kami lumabas at naglakad papunta sa office niya.
"Office ni Hundson," turo ni Hob sa akin ng sa dulong office na may double door.
Engineer din si Hunter, hindi nga lang kagaya ni Hob na site engineer ay mas more on si Hunter sa office works.
Hinila ako ni Hob at pina-upo sa swivel chair niya. Halos malula din ako sa laki ng table niya. Nakapunta na ako sa ibang office niya pero mas malaki ang isang ito dahil nandito mismo sa companya nila.
"If you still want to pursue your dream to become an Engineer...susuportahan kita," sabi niya sa akin.
Nakahilig siya at nakapatong ang magkabilang kamay sa armrest ng kanyang swivel chair.
Marahan akong umiling. "Ayos na ako. Mas gusto ko na lang mag-focus sa'yo at sa baby natin...at sa clothing line na din," sagot ko sa kanya.
Nanatili ang tingin ni Hob sa akin. "Mas magiging masaya ako kung matutupad mo yung pangarap mo na kasama ako..." sabi pa niya sa akin.
Bahagya akong napanguso kaya naman nakita ko kung paano bumaba ang tingin ni Hob sa labi ko. Hindi ko na napigilan at kaagad akong yumakap sa kanyang leeg.
"Ayos na ako, Hob. Magfo-focus ako sa clothing line...at sa pamilya natin," marahang sabi ko sa kanya.
Nabigla ako ng kaagad niyang niyakap ang bewang ko. Walang kahirap hirap niya akong nabuhat mula sa may swivel chair at inupo sa taas ng kanyang office table.
"Binibigla mo ako palagi!" suway ko sa kanya.
Halos manliit ako dahil sa laki ng katawan ni Hob. Tama si Gertie, para talaga siyang si Henry Cavill dahil sa ganda ng katawan, mas lalong bumagay sa kanya ang suot na white button down, mas lalong nakita ang ganda ng katawan niya.
Nanatili ang tingin niya sa akin kaya naman bayolente akong napalunok. Wala sa sarili akong napalingon sa pintuan.
"Naka-lock ba yung pinto mo?" tanong ko.
Tumaas ang sulok ng labi ni Hob.
"Bakit?" tanong niya halatang nang-aasar.
"B-baka may makakita sa atin na ganito ang pwesto at kung anong isipin, Jimenez."
Tumaas ang kilay niya dahil sa itinawag ko sa kanya. Imbes na humiwalay ay mas lalo pa siyang humilig sa akin.
"Ano namang paki-alam ko kung may makakita sa ating ganito ang pwesto...Jimenez," balik na tawag niya sa akin.
Inirapan ko na lang siya. Muling umakyat ang magkabilang braso ko para yumakap sa kanyang leeg.
Gusto kong halikan si Hob. Iyon ata ang gusto ni Allennon...na halikan ko ang Daddy niya.
"H-halikan mo na ako...ang dami mo talagang satsat, Hob."
Halos maghari ang halakhak niya sa buong opisina niya dahil sa sinabi ko. Nang makabawi ay kaagad nanaman niya akong siniil ng halik.
Kulang na lang ay humiga na kaming dalawa sa taas ng table niya dahil sa lalim ng halikan naming dalawa. Hindi ko din alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Basta gusto kong halikan si Hob palagi.
"Amputa...may bold."
Kaagad kong na-itulak si Hob dahil sa biglaang pagdating ng mga pinsan niya. Gusto ko sanang tumalon kaagad pababa sa table niya pero mabilis na humawak si Hob sa bewang ko para marahan akong buhatin pababa.
"Tangina naman, Piero. Hindi ka ba marunong kumatok?" galit na asik ni Hob dito.
Hindi pa nakakasagot si Piero ng kaagad na pumasok si Tadeo na may dala pang party poppers.
"Congratulations!" bati niya at walang pagdadalawang isip na pinaputok iyon.
"Amputa, wala pang bilang!" suway ni Piero sa kapatid niya.
Nagtawanan silang dalawa bago ko nakita ang pagpasok ni Cairo Herrer.
Tipid siyang tumango sa akin at ngumiti. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil na din sa kung paano kami naabutan ni Piero. Baka kung ano pa ang itsura ko dahil sa halikan namin ni Hob.
"Paki-walisan na lang, Hobbes..." nakangising sabi ni Piero sa mga nagkalat na confetti sa sahig.
"Hindi ako ang naka-isip nito," sabi ni Cairo at nagkibit balikat pa.
"Hindi din ako...nadamay lang," segunda ni Tadeo kaya naman walang nagawa si Piero kundi ang sumimangot na lang.
Nagstay ang mga pinsan niya sa office niya kaya naman nagpapasok ang mga ito ng pagkain sa loob. Nabalitaan daw kasi nila ang pinaplanong engagement party nila Tita kaya naman pinuntahan kaagad nila si Hob.
"Pwede ka bang mag-backout, Alihilani," si Tadeo Herrer.
Kaagad na sumang-ayon si Piero. "Delikado ka diyan," pang-aasar niya turo kay Hob.
Ngumisi si Cairo, siya lang ata ang pwedeng maka-usap ng maayos. Mukhang nahawa na si Tadeo kay Piero.
Pinakilala din ako ni Hob sa mga Tito niya na nasa Jimenez law firm. Wala naman akong kahit anong naramdaman na pagkailang dahil kagaya ng mga magulang at pinsan niya ay masaya sila para sa amin ni Hob.
"Sa wakas!" ang Tito Marcus niya.
Muntik na daw itong mawalan ng pag-asa na mag-aasawa pa si Hob.
Dumiretso kami sa office ni Chelsea para sa clothing line na uumpisahan namin. Excited din ako at kinakabahan dahil hindi ko naman alam kung paano ang magiging proseso ng lahat.
"Wag kang mag-alala...tutulungan ka namin ni Angelina," paninigurado niya sa akin.
Ramdam ko din ang saya ni Chelsea nang malaman niyang ikakasal na kami ni Hob. Nag-alok siya na tutulong sila kay Nanay sa paggawa sa wedding gown ko.
Marami akong naging kasalanan noon, napapatanong tuloy ako minsan kung deserve ko ang mga magagandang bagay na natatamasan ko ngayon.
Sa tinagal ng panahon ay unti unti na ding natatanggap nina Kuya Santi at Kuya Simeon si Tatay para kay Nanay. Napatawad na din nila ito dahil sa mga nangyari.
Matapos ang matagal na paglilitis ay nahatulan na din si Atheena ng patong pato na kaso. Matagal tagala niyang pagbabayaran ang mga kasalanan niya sa loob ng kulungan.
"Bago ko ito gawin...gusto ko munang malaman ang suwestyon niyo," pag-uumpisa ni Tatay.
Humawak si Nanay sa braso nito bago sila sabay na tumingin sa akin. Mukhang ang sagot ko na lang ang hinihintay nilang dalawa.
"Wala pong kaso sa akin, Tay. Gusto ko din naman pong masiguradong nasa maayos na kalagayan ang kapatid ko," sagot ko sa kanila.
Nakita ko kung paano mas lalong lumaki ang ngiti ni Nanay. Sa klase ng ngiti na iyon ay para bang proud na proud siya sa akin sa hindi ko malamang dahilan.
"Salamat, Anak..." si Tatay.
Hinapit niya ako bago niya ako niyakap ng mahigpit. Niyakap niya kami ni Nanay kaya naman wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam na kumpleto at puno ng pagmamahal ang pamilya nito.
Nag-umpisa na ang pagpapahanap ni Tatay sa aking kapatid. Hindi ko totoong kapatid si Ahtisia pero hindi naman mapagkakaila na tumayong ama niya si Tatay...hindi naman ako madamot para ipagkait sa kanya iyon.
Halos hindi ko namalayan ang naging wedding preparation para sa kasal namin ni Hob. Masyadong hands on sina Tita at Nanay maging sina Chelsea para sa wedding gown ko.
"Simpleng kasal lang ang pangarap ko noon," sabi ko kay Hob.
Humigpit ang yakap niya sa akin kaya naman mas lalo kong naramdaman ang init ng hubad niyang katawan sa akin. Tanging puting kumot lang ang nagtatakip sa amin.
"You deserved this, Miss..."
"Nalulula pa din ako..." sumbong ko sa kanya.
"Saan?"
Umayos ako ng pagkakadapa para magkaharap kaming dalawa. Naka-unan ang ulo niya sa kanyang kanang braso habang ang kaliwa naman ay nakayakap sa akin.
"Sa lahat. Masyadong magastos...yung engagement party pa lang," pag-uumpisa ko.
"Kailangan mo nang masanay...Mrs. Jimenez," nakangising sabi niya sa akin.
Hindi na ako nakapagsalita pa. Inunan ko na lang ang ulo ko sa dibdib niya at yumakap.
Tama si Hob. Nag-adjust din siya at naki bagay sa buhay na meron ako kaya kailangan ko ding mga-effort na tanggapin ang buhay na meron siya.
It's not the flowers wrapped in fancy paper
It's not the ring I wear around my finger
There's nothing in all the world I need
When I have you here beside me, here beside me
Pangarap ko lang ito noon. Pangarap na hindi ko inakalang mararanasan ko.
Emosyonal si Nanay at Tatay habang nasa labas kami ng simbahan. Hinihintay na lamang namin ang pagbubukas ng malaking pintuan ng simbahan para lumakad palapit sa altar.
Halos hindi ko maalis ang tingin ko sa wedding gown na si Nanay mismo ang nagdisenyo para sa akin. Tinulungan siya nila Chelsea sa pagbuo nito.
Tawa at iyak ang nagawa ni Nanay habang nakatingin siya sa akin. Ganoon sin si Tatay kaya naman hindi ko ma-iwasang maging emotional.
Bumukas ang malaking pintuan ng simbahan. Halos maamoy ko ang bango ng puting bulaklak. Halos mapuno ang loob ng simbahan...para akong maglalakad papunta sa langit sa puti ng mga ito.
So you could give me wings to fly
And catch me if I fall
Or pull the stars down from the sky
So I could wish on them all
Kumpleto ang buong pamilya ni Hob, nandoon din ang mga Kuya ko kasama ang mga pamilya nila. Kumpleto din ang mga kaibigan namin maging ang mga pinsan niya. Umirap ako at natawa ng makitang kong emosyonal si Gertie sa tabi ni Eroz. Mas lalo akong natawa ng makita kong umiiyak si Junie.
"Panget mo..." I mouthed kaya naman mas lalo siyang naiyak na pinagtawanan ni Ericka.
Sa dulo ng altar ay nakatayo si Hob, panay ang pahid ng luha habang katabi ang mga magulang niya. Sa kanyang likuran ay ang kapatid na si Hunter.
But I couldn't ask for more
'Cause your love is the greatest gift of all
You could give me wings to fly
And catch me if I fall
Pull the stars down from the sky
So I could wish on them all
Hindi naging madali ang buhay para sa amin ni Nanay. Nagalit ako sa mundo, nagalit ako sa lahat ng maramdaman kong parang pinagkaisahan kami. Kinuha ang lahat sa amin, walang itinira hanggang sa maubos kami at mahirapan.
Kung hindi dahil kay Nanay ay hindi ko din naman alam kung saan ako pupulutin. Kung hindi ko nakita kung gaano siya katatag at katapang para harapin ang lahat ng problema namin sa buhay...baka wala ako ngayon dito.
Pinili kong maging mabuting tao kahit galit na galit ako noon sa mundo. Kasi ang sabi nga nila...kung may itinanim kang mabuti ay may aanihin kang mabuti.
"Hob...Anak," tawag ni Nanay kay Hob nang makalapit na kami sa harapan.
Muli nanaman siyang naiyak bago pa man niya masabi kay Hob ang gusto niyang sabihin.
"Mahalin mo si Alihilani sa lahat ng oras...iyon lang ang hiling ko," sabi ni Nanay sa kanya kaya naman sunod sunod na tumulo ang luha mula sa aking mga mata.
"Sa lahat po ng oras, Nay." paninigurado ni Hob sa kanya.
May kung ano nanaman akong naramdaman ng iabot ni Nanay at Tatay ang kamay ko kay Hob. Parang bumalik ang lahat ng naramdaman ko noong una ko siyang nakita. Mukhang hindi pa din talaga ako masasanay sa presencya niya.
"You may now kiss the bride," anunsyo ng pari kaya naman kaagad na napuno ng palakpakan ang buong simbahan.
After ng picture taking ay dumiretso na kami sa reception. Kung parang papunta ka na sa langit dahil sa ayos ng simbahan ay para ka namang literal na dinala sa langit dahil sa ayos ng reception.
Hindi ko maiwasang mamangha sa sarili kong kasal dahil sa mga nakasabit na puting bulaklak sa itaas. May malaking fountain pa sa gilid na para ka talagang nasa ibang lugar.
Napuno ng tawanan ang wedding reception namin dahil na din sa mga kalokohan ng pinsan ni Hob. Kung maloko na si Piero sa side ng mga Herrer ay mas mukhang double ang loko ng mga pinsan ni Hob sa side ng mga Jimenez.
"Pagkatapos kumain umalis na tayo..." nakangising sabi ni Hob sa akin kaya naman kaagad ko siyang hinampas sa braso.
"Tumigil ka nga," natatawang suway ko sa kanya.
Halos mapasinghap ako ng maramdaman ko nanaman ang mainit niyang palad sa aking sinapupunan. Hinayaan kong medyo halata ang sinapupunan ko sa weddding gown na suot ko. Gusto kong iparamdam sa baby ko na kasama siya dito, parte siya ng lahat ng importanteng okasyon sa buhay ko.
"Gago ni Piero!" asik ni Hob ng magkahilahan pa silang dalawa dahil daw sa dance number na inihanda ni Hob para sa akin.
Bukod kay Hob ay napilitin din ang mga pinsan niya na tumayo sa gitna. Halos ipagtulakan sila ni Sera sa gitna para lang pasayawin.
"Si Hunter!" sigaw ko.
Dahil duon ay kaagad na hinila ni Hob ang kapatid niya.
"Hindi pwedeng ako lang ang mapahiya dito," sabi niya dito.
Tawang tawa ang katabi niyang si Sovannah dahil sa nakabusangot na mukha ni Hunter.
"Go, Daddy Eroz!" nangibabaw na sigaw ni Gertie. Napailing na lang ako sa tawa ng makita kong karga niya si Gianneri at sinusuportahan din ang Daddy niya.
Naghiyawan ang lahat ng magumpisa silang sumayaw. Hindi ko alam kung saan kami matatawa, sa syaw nila o sa nakabusangot nilang mga mukha. Si Piero at Hob lang ata ang natutuwa sa kahihiyan daw nila.
"Kung macho papa ang hanap mo...Nandirito lang ako," kanta nila na may kasamang sayaw.
Si Piero ang pasimuno nuon dahil nagawa na daw nila iyon dati sa family christmas party nila. Ang pinagkaiba nga lang ay mga bata pa sila noon.
"Hob!" hiyaw ko at halos sumabog ang mukha ko sa init dahil nag-umpisa siyang mag-sexy dance sa harapan ko.
Kinuha niya ang kamay ko at siya na mismo ang naglapit nuon sa katawan niya. Inakit pa ako at dahan dahang ibinaba iyon mula sa abs niya pababa
"Ayoko!" hiyang hiyang sabi ko habang natatawa.
Sa huli ay tumawa na lang din siya at humilig para halikan ako sa noo.
Sandaling hiniram ng mga pinsan niya si Hob kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na mapuntahan sina Nanay at Tatay. Malaki ang ngiti nilang dalawa sa akin. Mas lalo akong na-excite na lapitan sila nang makita ko kung sino ang karga ni Tatay.
"Hi..." malambing na bati ko dito.
Tiningnan niya lang ako bago siya muling bumalik sa pagyakap kay Tatay at nagtago sa leeg nito.
Nahanap ni Tatay ang kapatid ko, gustuhin man sana niyang kuhanin ito para makasama namin ay tumanggi na si Ahtisia. Ayaw niya na daw na makagulo pa sa pamilya namin. Hindi naman niya ipinagdamot ang Baby niya dahil nagagawa pa din itong hiramin ni Tatay kagay nito.
"Hindi sanay sa tao," nakangiting puna ni Nanay. Tanggap niya at sinuportahan niya si Tatay dito. Suportado ko din naman siya, wala namang kaso iyon sa akin.
Marahan kong hinaplos ang likod nito. Nakasuot siya ng kulay asul na baby dress at may ribbon pa sa ulo. Napanguso ako ng makita kong pumayat siya kesa nung huli ko siyang nakita, bukod pa doon ay naging matamlay din.
"Hindi po siya makakapunta?" tanong ko kay Tatay.
Marahang umiling ito. "May trabaho," tipid na sagot niya sa akin.
Tumango ako at nilingon si Hob kung nasaan ang mga pinsan niya. Imbes na tingin ni Hob ang maabutan ko ay si Hunter ang nakita ko. Hindi naman nagtagal ang tingin niya sa gawi namin dahil kaagad na kinuha ang atensyon niya ng katabing si Sovannah.
Kagaya ng plano ni Hob ay mas nauna kaming umalis sa reception. Panay ang kantyaw ng mga pinsan niya sa kanya pero wala siyang pakialam.
Napatili ako ng buhatin niya ako paakyat sa amng hotel room. Sa susunod na araw ay ang flight naman namin patungo sa Makunufushi, Maldives para sa aming honeymoon.
Dumiretso kami sa may balkonahe ng hotel room. Alam kaagad ni Hob kung saan niya ako dadalhin.
"Dito muna para hindi halatang excited ako," nakangising sabi niya sa akin. Tawang tawa nanaman sa kalokohan niya.
"Pag naman ni Allennon yang kalohan mo...ewan ko na lang," sabi ko sa kanya at umirap pa.
Nakayakap siya sa aking likuran. Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya para mas makita ko ng maayos ang ganda ng buwan.
Hindi siya buo ngayon, pero maganda pa din siya.
"Mag-asawa na talaga tayo?" tanong ko sa kanya hindi pa din ako makapaniwala.
Ngumisi si Hob bago humigpit ang yakap niya sa akin.
"Sayong sayo na ako, Miss...uhm, Mrs. Alihilani Ceresae Jimenez," sabi niya sa akin.
"Akala ko dati hindi ka para sa akin," pa-amin ko.
Una kong nagustuhan si Hob, una ko siyang ikinwento sa buwan.
"Para ako sa'yo," giit niya na ikinatango ko.
Muli kong tiningala ang buwan.
Napasinghap si Hob, halos ibaon niya ang mukha niya sa leeg ko.
"I love you," marahang sabi niya habang ang magkabila niyang palad ay nasa tapat ng sinapupunan ko.
Ngumiti ako. "Mahal ka din namin, Hob...kahit tunog diapers ang pangalan mo," pang-aasar ko sa kanya.
"Damn it, Babe..."
"Wag mo akong tawaging ganyan at lahat ng babae 'yan ang tawag mo," masungit na sabi ko.
Humalik siya sa tenga ko kaya naman nakaramdam kaagad ako ng kiliti.
"You are the original."
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro