Chapter 6
Salvador
Natahimik si Vera matapos kong sabihin iyon, hindi naman mawala ang ngiti sa aking labi. Thinking na may epekto na ako sa kanya ay mas lalo akong pursigido na ituloy ang panliligaw ko sa kanya.
"Pwede kitang isama pagbalik ko doon" rining kong sabi ni Julio kay Alice. May sariling mundo din silang dalawa.
Tinapunan ko sila ng tingin, nanatili ang tingin ni Alice sa mga pagkain sa kanyang harapan, ni sulyapan si Julio ay hindi niya magawa.
"Wag na...makakagulo lang ako" mahinang sambit ni Alice dito.
Sandali ko pa silang pinagtuuna ng pansin bago ko muling ibinalik kay Vera ang aking buong atensyon. Naikuyom ko ang aking kamao ng makita kong nasa dalawa na din ang buong atensyon niya. Kailan ko kaya siya masosolo na kaming dalawa lang?
"Isasama kita" pursigidong sabi ni Julio dito. At talagang makulit din ang isang ito.
"Ayoko" tipid na sabi ni Alice at may kasama pang pagirap sa kung saan.
"Mamamasyal kayo?" tanong ni Vera sa kanila.
Tumikhim si Julio at tinapunan ng tingin si Vera, gusto ko siyang suntukin sa paraan ng pagtingin niya dito.
"May pupuntahan lang kami ni Alice" masungit na sagot niya dito bago siya nag iwas ng tingin at itinuon ang pansin sa ilan pang mga documento sa kanyang harapan.
Hindi kaagad nakasagot si Vera kaya naman marahan kong hinaplos ang braso niya para kuhanin ang kanyang atensyon. Damn that fucking Julio, he should be gentle with her.
"Ipapasyal kita kung gusto mo. I can free my whole day tomorrow" marahang sabi ko sa kanya.
Hindi niya kailangang mainggit o sumama sa lakad ng iba, I can give her the tour that she want kahit ang totoo ay wala din naman akong alam sa mga lugar dito sa Sta. Maria.
"Baka maligaw tayo, you don't know everything about Sta. Maria too" nakangising sabi niya sa akin.
Pinilit kong patatagin ang mukha ko, kahit kailan ka talaga Hobbes, basag ka nanaman.
Napakagat na lang ako sa aking pangibabang lalabi to refrain my self from talking. Baka sa pamimilit ko ay ako lang din ang mapahiya sa huli. Damn it.
"But if you insist na pumasyal tayo, I think we need to go with Alice. Mas marami siyang alam na lugar. Right, Alice?" nakangiting tanong ni Vera dito.
She sounded so sweet while asking Alice about it, kung ako ang lalambingin niya ng ganoon ay baka ngayon pa lang dadalhin ko na siya sa kung saan niya gusto.
"Masaya naman maligaw, nandito lang naman kayo sa Sta. Maria" sagot niya dito.
Tumaas ang isang kilay ko ng makita ko kung paano ngumisi si Julio dahil sa sinabi nito.
"Sayang sa oras ang maligaw. Though you can learn from it, bakit mo naman hahayaan kung you can prevent it to happen in the first place?" giit ni Vera.
I can't help my self but nod and agree with her. Para bang nasa debate kaming apat. Wala akong pakialam kung si Alice at Julio ang magkakampi. As long as Vera is with me, the fight is fucking on!
"Hindi iyon sayang sa oras. Experience din iyon lalo at may kasama ka naman" giit pa din ni Alice.
"Kaya nga, I want to experience it with you" giit ni Vera kaya naman nalaglag ang panga ko.
Nagtagal ang tingin ni Alice sa kanya, maging si Julio ay ganoon din. Napainom na lang ako sa aking iced coffee.
Nagtiim bagang ako ng maramdaman ko ang pagsulyap ni Alice sa akin. Hindi ata si Julio ang kailangan kong bantayan dito kundi siya...si Alice. Si Alice ang tunay na kalaban.
"Kasama mo naman si Hob..."
Kaagad akong nag angat ng tingin sa kanya ng marinig ko ang tinawag niya sa akin. I don't see anything wrong with that, wala naman kaso iyon sa akin. Pero the last time I checked, hindi naman kami close for her to call me by that.
"...Si Hobbes" pagtatama niya bago siya nagiwas ng tingin sa akin.
"Eh we're both from Manila, wala kaming alam sa mga lugar dito" giit pa din ni Vera, desidido pa ding makasama ang kaibigan.
Mas lalo kong napatunayan na mas malalim ang pagkakaibigan na gusto ni Vera para kay Alice. Gusto ba talagang kaibigan ni Alice si Vera? Kasi hindi ko iyon nakikita sa kanya. Sa mga simpleng bagay na ganito ay mas lalo ko iyong napapatunayan.
"Hindi mo kailangang mamilit, I can do something about that" seryosong sabi ko.
I want her to know that she is not our last resort. She isn't some key na kakailanganin namin para makapunta sa kung saan. She is Alice, but this isn't a wonderland.
Tumango si Vera. "I just want to explore lang sana with friends" she said.
"I am your friend" sabi ko sa kanya.
Nilingon niya ako at humalukipkip pa. "I thought, you're my manliligaw" she said cutely.
Bayolente akong napalunok. What I love about her? She knows to handle every situation, kahit talo...panalo.
"Friend at the same time...suitor"
Ngumisi siya. "Gusto din. Hindi pa ako pumapayag mag paligaw"
Nginisian ko siya pabalik. "I can wait" deklara ko.
Nahinto lang kami ng may lumapit na kasambahay para sabihin kay Vera na may tawag siya. Nagpaalam siya sa amin para pumasok. Tahimik ko siyang sinundan ng tingin.
"Engr." tawag ni Julio sa akin.
"I'll review this again later" matigas na sabi ko sa kanya.
Tumango ito sa akin. Ramdam ko ang tingin sa akin ng kanyang katabi pero hindi ko siya pinagbigyan, hindi ko siya nilingon.
"Aalis na ako kung ganoon" paalam ni Julio habang inaayos ang mga gamit niyang nakakalat sa itaas ng lamesa.
Tipid akong tumango at kinuha ang phone ko para tingnan ang ilang email at message mula kay Mommy.
"Umuwi ka na din, isasabay kita" rinig kong sabi ni Julio kay Alice.
At mukhang dito pa talaga nila gagawin iyon sa harapan ko.
"Mamaya na ako, tutulong muna ako kay Tita Afrit magluto ng hapunan" sagot ni Alice.
"Maglalakad ka nanaman, alam mo namang delikado dahil madilim" pangaral ni Julio na akala mo tatay siya ni Alice.
"Kaya ko ang sarili ko"
Hindi na nakasagot pa si Julio. Tanging buntong hininga na lang niya ang narinig ko bago ipinagpatuloy ang pagliligpit ng mga gamit niya.
"Pwede mong ipasyal si Vera sa Donya remedios trinidad" sabi niya na ikinagulat ko.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. At anong masamang hangin ang umihip at bigla siyang naging interisado sa lakad namin ni Vera?
Tipid akong tumango. "Salamat" sabi ko at nagiwas ng tingin. Atleast nag suggest siya.
Hindi ko na naabutan si Alice ng gabing iyon. Ang sabi ni Tita Afrit umuwi kaagad matapos nilang magluto ng hapunan.
"Ayos lang ba sayo na ako ang kasama mong mamasyal?" tanong ko kay Vera ng ihatid niya ako pasakay sa aking sasakyan.
Kakatapos lang din naming kumain ng hapunan, minsan iniisip ko na pumupunta lang ata ako dito sa kanila para makita siya at makikain sa kanila.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Oh don't start!" asik niya sa akin.
"Hindi kita pipilitin kung hindi ka kumportable" sabi ko.
Nakahalukipkip ito ngayon, bumuntong hininga siya bago niya marahang sinuklay ang mahabang buhok. Kahit ang maliliit na bagay na iyon, gustong gusto ko sa kanya. Every move she make...parang nakita ko na noon. Vera's presence is familiar.
"Bilong na bilog ang buwan, may lalabas na aswang" nakangising sabi niya sa akin. Natawa din ako, the way she deliver it alam kong bago sa kanya at hindi niya karaniwang sinasabi.
"Alam ko kung kanino mo natutunan yan" pagbibida ko.
Ngumisi siya at nagtaas pa ng kilay. "You really like me? Kanina ka pa nakangiti" sita niya sa akin.
Umayos ako ng tayo at baka mukhang nanaman akong tanga sa harapan niya. Nawawala ako sa wisyo sa tuwing nasa harapan ko siya, hindi ko alam.
"Ang ganda mo" sabi ko. Hindi ko na mapigilan.
"You like me because I'm pretty? Babaero ka talaga"
Humakbang ako ng isang beses para lapitan siya, gusto kong mabago ang ganoong tingin niya sa akin. Simula nung dumating ako dito sa Sta. Maria, I don't think of other girls, siya lang.
"Gusto kita, seryoso ako" giit ko.
Humaba ang nguso niya at nagiwas ng tingin. Tumingala ito sa langit, ilang bese niyang pinasadahan ng tingin ang madilim na kalangitan bago siya ngumiwi at ibinalik ang tingin sa akin.
"Buti ka pa, gusto mo ako"
The way she said it, para bang may gusto siyang isang tao na ayaw sa kanya. Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. Sa personality ni Vera, hindi ko naisip na may pakialam siya sa mga taong ayaw sa kanya.
"Not everyone will like us, but not everyone matters" paalala ko sa kanya. I feel the same way too, may mga taong ayaw din daw sa akin.
Tipid siyang ngumiti at tumango sa akin. Kung kanina ay ako ang humakbang palapit sa kanya, ngayon naman ay siya ang humakbang para makalapit sa akin.
"Thanks, Hobbes" she said sweetly bago siya bahagyang tumingkayad para humalik sa aking pisngi.
Vera live in US for so long, tumira din ako doon with my family for a couple of months, we've been there to to visit Mom's family. Walang kaso doon ang paghalik sa pisngi, walang malisya.
Ayoko sanang bigyan ng kahulugan ang ginawang iyon ni Vera, pero bibigyan ko pa din.
"Sa susunod na umuwi ka ng gabi, papalayasin ka na namin dito!" si Tadeo.
Matapos nilang sabihin iyon ay nagtawanan silang magkakapatid.
"Para ka nanamang tanga" inis na sita ni Piero sa akin.
"Masaya ako" pagbibida ko sa kanila.
Nagangat ng tingin si Kenzo sa akin mula sa kanyang laptop.
"Iiyak ka din" nakangising sabi niya sa akin kaya naman naikuyom ko ang aking kamao.
"Mga gago" sambit ko pero mas lalo lang nila akong tinawanan.
I stayed with them, hindi pa din naman ako makatulog kaya naman kahit pangaasar ang ibinabato nila sa akin ay hinayaan ko na lang. I'll prove them wrong.
Hindi natuloy ang plano kong ipasyal si Vera ng sumunod na araw. Hindi na din ata niya iyon naalala ng umuwi si Yaya Esme mula sa hospital at nagkaroon na din ng announcement para sa kasal nina Tito Darren at Tita Afrit.
My ego is hurt again. She forgot about our supposed to be first date. Naiintindihan ko naman, kahit ako ay masaya din dahil nakauwi na si Yaya Esme.
"Hindi ka pa babalik ng manila?" tanong ni Eroz sa akin.
Nginisian ko siya ng makita kong sumasayaw sayaw siya habang palapit sa akin dahil hawak niya ang anak. Ingat na ingat siya habang karga ito.
"Pinapaalis mo na ba ako, Babe?" nakangising tanong ko sa kanya.
Sumama ang tingin niya sa akin, paniguradong kung hindi niya hawak ang anak ay namura na niya ako.
"Hindi pa, after ng kasal nina Tito Darren. May aayusin lang ako at babalik ulit dito"
Umirap ito sa akin bago paulit ulit na hinalikan ang ulo ng maingay na si Gianneri, manang mana kay Gertie na madaldal.
"Matagal ko ng hindi nakikita si Hunter. Imbitahin mong pumunta sa kasal nina Tito" sabi niya sa akin kaya naman mahina akong napamura.
"Allergic iyon sa kasal" nakangising sabi ko.
"Gago" Eroz mouthed. He knows what happend, they all know.
Nagkaroon ng salo salo para sa paggaling ni Yaya Esme. Panay din ang ngisi ni Piero sa tuwing itinuturo niya sa amin sina Yaya Esme at Mang Henry na manliligaw nito. Hindi pa din ata sila ayos hanggang ngayon dahil ang anak ni Mang Henry ang master mind sa nangyaring kaguluhan.
"Sagot ko na ang honeymoon!" sigaw ni Tito Keizer. Everyone is happy for them, knowing their story, kahit ako ay masaya din.
Siniko ako ni Piero, ngumisi siya sa akin na para bang sinasabi niyang panuorin ko ang kalokohang gagawin niya. Kagaya nung mga bata pa kami, sa tuwing may gagawing kalokohan ay mandadamay pa.
"Sagot na namin ang washing machine!" sigaw nito. Tangina talaga.
"Itakwil niyo na yan" rinig naming bulungan ng mga asawa ng pinsan ko bago sila nagtawanan.
Tawang tawa ang katabi kong si Piero dahil sa mga kalokohan niya. "Hob, hatian mo ako...mag ambag ka" sabi niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang sinuntok sa braso.
"Sagot ko na sabon" sabi ko na mas lalo niyang ikinatawa. Siraulo.
"Tay, wag na. Tay naman!" nahihiyang sabi ni Louie ng magsimulang magsalita si Tito Darren.
"Iiyak na yan!" pangaasar namin ni Piero.
Kung sa akin gagawin ni Dad iyon, talagang tatakbuhan ko sila. I don't have time for dramas. Kung gusto nila, si Hunter ang isama nila.
Emosyonal na maging ang ibang bisita kaya naman tumigil na kami ni Piero sa pang-aasar. We know how to stop, hindi naman puro kalokohan lang ang alam naming dalawa.
"Kung may dapat man akong pagsisihan sa mga nangyari noon. Iyon ay nakasakit ako ng ibang tao. Nasaktan ko ang Tita Afrit mo, nasaktan ko ang Mama mo" paguumpisa ni Tito Darren para kay Louie.
Sumimsim ako sa wine glass ko habang iginagala ko ang aking paningin para hanapin si Vera. Nagtagal ang tingin ko sa kanya hanggang sa makita kong malungkot itong nakatingin sa umiiyak na si Alice sa kanyang tabi.
Tita ni Alice si Tita Luna na dating asawa ni Tito Darren. Naiintindihan ko kung bakit siya emosyonal ngayon. Muli akong sumimsim ng red wine habang hindi inaalis ang tingin ko sa kanilang dalawa, hindi kita ang mukha ni Alice dahil natatakpan ito ng mahaba niyang buhok.
I just want to see her face, masyado kasi siyang matapang. Mangaaway din. Kahit tingnan mo lang siya, natural na sa mukha niya ang pagiging masungit niya, pero mas mga oras din na ang amo ng mukha niya.
Naging abala ang lahat ng sumunod na araw para sa wedding preparation. Hindi ko din mayaya si Vera na ituloy ang lakad namin dahil naging abala din sila sa farm nila. She's planning to manage it with Gertrude. Nang marinig ko iyon ay nagkaroon kaagad ako ng pagasa na she'll stay here for good at hindi na babalik ng ibang bansa.
"Uuwi ako pagkatapos ng kasal nina Tito Darren, Ma. Kailangan ko ding makausap si Tito Luke tungkol sa project dito" paliwanag ko sa kanya ng tawagan niya ako.
"Hindi pa din umuuwi ang kapatid mo, Hobbes" she said.
Naikuyom ko ang aking kamao. Sakit din talaga sa ulo ang isang iyon, at sa tuwing may kalokohan siya ay wala akong magawa kundi ang tumulong.
"Ma, Hayaan mo na muna. He will learn from it" giit ko. Mariin akong napapikit ng marinig ko ang hikbi ni Mommy sa kabilang linya.
"Your brother is suffering, Hob" she said.
Gusto ko sanang ipaintindi kay Mommy na kung ano man ang pinagdaraanang problema ni Hunter ngayon ay dahil iyon sa kagagawan niya mismo. Hunter did that to his self.
"I'll see if I can do anything about it" pagsuko ko.
Tumawag ako sa ilang mga kakilala para magtanong kung nasaan ang kapatid ko. Kung hindi lang para kay Mommy ay hahayaan ko siya. Nang matapos kong tawagan ang ilang mga kakilala ay ipinaubaya ko na lamang iyon sa ilang mga tauhan.
"Pag bigay ng bulaklak kay Gertie dapat nakaluhod ka na sa likod" suwestyon nina Castel at Sera kay Eroz.
Dapat sana ay nasa factory siya ngayon at nag tratrabaho, pero pumunta siya dito para humingin ng tulong. He is planning to propose to Gertie.
Mas excited ang mga babae. Tahimik at nangingiti na lang ang mga pinsan ko habang nakikinig sa paguusap ng mga asawa nila.
"Dapat may bridal shower!" si Sera.
Tumaas ang isang sulok ng labi ko ng makita ko ang pag protesta ng mga pinsan ko.
Kaagad sumangayon ang iba.
"Si Charlie, si Augustine, at Ducusin na ang bahala doon. Expert sila sa party" sabi pa ni Tathi kaya naman mas lalong sumimangot ang asawa itong si Cairo.
Hindi lang sila makapagsalita pero kitang kita ko na sa mukhang nilang apat ang pag protesta.
"May macho dancer?" inosenteng tanong ni Amaryllis, ramdam ko namang walang malisya sa tanong niya. Nagtatanong lang.
"Oo!" hiyaw ni Sera na may kasama pang palakpak.
"Amputa, tigilan niyo!" sigaw ni Piero na nagpatahimik sa kanila.
Nagkatinginan kami ni Eroz, kahit siya ay mukhang hindi din gusto ang ideya na iyon. Gusto kong kuhanin sila ng litrato, tawang tawa ako sa mga mukha ng pinsan ko. Dakilang mga under...standing.
"Bridal shower ito, para sa amin. Bahala kayo sa inyo" giit ni Sera dito.
"Hindi na kailangan iyon" seryosong sabi ni Eroz.
"Si Gertie ang tanungin natin" giit ni Tathi.
"Walang bridal shower na mangyayari" si Cairo.
"Ganyan talaga pag mga..." hindi matuloy ni Sera ang sasabihin niya ng lumapit si Kenzo.
"Pag mga ano?" si Kenzo sa asawa.
"Sorry girls, ganyan talaga pag matatanda" nakangising sabi ko. I'll help them, kakampi nila ako this time.
Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa siguro ako nakabulagta dito. Masama ang tingin ng mga pinsan ko sa akin.
"Si Kenzo na lang daw ang sasayaw sa harapan mo Sera" sabi ko pa.
Humaba ang nguso si Sera. "Tangina, baka sayawan ako" giit niya na para bang alam niyang hindi iyon gagawin ng pinsan ko.
"Parusahan pag hindi sumayaw" si Castel habang nakatingin kay Tadeo.
Ang bridal shower na gusto nilang mangyari ay mukhang malabo na. Pagkatapos kasi ng araw na iyon ay hindi na ulit nila binanggit pa iyon, hindi ko alam kung anong ginawa ng mga pinsan ko sa mga asawa nila.
Maaga akong umalis ng sumunod na araw, bukod sa pinagaaralan naming blueprint ay kailangan din naming makita ang actual site na pagtatayuan ng mall.
"Ang aga mo" bati sa akin ni Vera ng dumaan muna ako sa kanila bago ako pumunta ng site para dalhan siya ng iced coffee at ilang pastry.
"Pupunta ako ng site para pag aralan" sagot ko sa kanya.
Sandali siyang natahimik bago niya ako muling nilingon at nagliwanag ang kanyang mukha.
"Can I come with you?" tanong niya sa akin na ikinagulat ko.
"Medyo mainit doon" sabi ko pa sa kanya, maalikabok din dahil ngayong araw din ang dating ng mga gamit.
"Kailan ba hindi naging mainit sa Pilipinas?" nakangising tanong niya sa akin kaya naman mariin na lang akong napapikit.
"Ofcourse you can come" marahang sabi ko kaya naman kaagad siyang napapalakpak.
Nagpaalam siya sandali na magpapalit ng damit. Medyo nagtagal din iyon, naiintindihan ko naman. Girls with their outfit of the day.
She seem so excited. Pinagbuksan ko siya ng pintuan sa aking raptor, nahirapan pa siya nung una dahil sa taas nito kaya naman wala akong nagawa kundi ang hawakan siya sa bewang para suportahan siyang makaakyat.
"Thanks" she said ng makaayos na ng upo.
"You're always welcome" sagot ko.
Pinunan niya ang sasakyan ko habang nasa byahe kami papunta sa Sta. Clara. May property din si Cairo dito pero hindi ko pa alam kung anong balak niya.
Marami ng tao sa site pag kadating namin. Everyone is preparing for the ground breaking, hinihintay na lang namin ang final date mula kay Tito Luke.
Pababa pa lang ako ng sasakyan para pagbuksan si Vera ng naningkit na kaagad ang mata ko ng makita ko si Julio doon, sa kanyang tabi ay si Alice na nasa amin ang tingin ngayon.
Hindi ko na lamang pinansin at kaagad na pinagbuksan si Vera ng pinto. Kagaya kanina ay muli ko siyang sinuportahan para makababa.
"Andito si Alice" she said. Kung excited siya kanina, mas excited siya ngayon.
Tipid akong ngumiti at tumango sa kanya. Buong akala ko ay tatakbo na siya papunta sa kaibigan, pero hinintay niya akong maisara ang aking sasakyan.
"Let's go. You're late, Engineer" nakangising sabi niya sa akin.
Napaawang ang bibig ko ng hawakan niya ang kamay ko para hilahin papunta doon. Naninibago ako kay Vera, but I like it.
Hindi inalis ni Alice ang tingin niya sa amin hanggang sa makalapit kami sa kanila. Maging ang katabi nitong si Julio ay nilingon na din kami.
Nakita ko kung paano sumimangot ito lalo ng makita si Vera, bumaba ang tingin niya sa magkahawak naming kamay bago niya nilingon ang katabing si Alice.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Alice sa kaibigan.
"Kasama ko siya. Ang Architect lang ba ang pwedeng magsama ng bisita?" tanong ko sa kanya. Ako na ang sumagot para kay Vera.
"Bored na ako sa bahay kaya sumama ako kay Hobbes" sagot ni Vera sa kaibigan, hindi man lang siya na offend sa tanong nito sa kanya kanina.
Wala naman talagang nakaka-offend sa tanong ni Alice, ako lang ang nagbigay ng malisya. Damn it, Hobbes. Get a hold of yourself.
"Parating na din si Engr. Salvador" anunsyo ni Julio.
Tumango ako at muling bumaba ang tingin sa katabi niyang si Alice. Nagtagal ang tingin ko sa hawak niyang box, mukhang pagkain ang laman noon. Aba't may pabaon pa ata kay Julio.
"Ikaw ang gumawa niyan?" tanong ni Vera, maging siya ay pinuna ang hawak na kung ano ni Alice.
"Oo, ito yung binake ko sa inyo kagabi" sagot niya dito.
Tumango si Vera dito. May kung anong pinagusapan pa sila hanggang sa mapaayos ako ng tayo ng may dumating na itim na Chevrolet suburban.
Mula doon ay bumaba ang isang matandang lalaki, kahit may edad na ay makisig pa din ito. Nagtagal ang tingin ko dito ng mapansin kong napahinto siya ng mapatingin sa amin.
Mula sa passenger seat ay may lumabas din na isang may edad na babae. Ang asawa ata niya.
"Engr. Salvador" bati ni Julio dito.
Naaalala ko na kung saan ko siya nakita, siya yung matandang kausap ni Alice noon sa tindahan.
Nilingon ko si Alice, nanatili ang tingin niya sa matandang lalaki. Naikuyom ko ang aking kamao. Kasama ni Engr. Salvador ang asawa niya, siguradong gulo ito.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro