Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 58

Deja Vu





Hindi ko inalis ang tingin ko kay Hob. Kitang kita ko kung paano niya ininda ang lahat nang sakit. Gusto ko siyang tawagin pero walang ni isang salita na gustong lumabas sa aking bibig.

Ramdam ko pa din ang galit ni Hunter habang yakap ang kuya niya. Hindi nagtagal ay maingat niya itong binitawan para sugurin ang lalaking bumaril dito. Walang pagdadalawang isip niyang ibinunton ang galit dito, walang umawat sa kanya...walang gustong umawat sa kanya.

"Hob..." tawag ko sa kanya nang sa wakas ay nagkaroon na ako nang lakas na magsalita.

Ilang beses ko siyang pilit na ginising pero hindi man lang siya nag respond sa bawat pagtawag ko sa kanya. Mas lalo na akong naiyak at kaagad na niyakap siya. Nahirapan pa ako nung una dahil sa bigat at laki ng katawan ni Hob. Mas lalo kong naramdaman na wala siyang malay dahil dito.

"Tumatakas!" sigaw ng isa sa mga tauhan nila Hunter.

Kaagad kong nilingon ang kanilang gawi at nakitang balak na tumakas ni Atheena. Tumakbo siya palabas ng rooftop, dalawang tauhan kaagad nila Hunter ang humabol sa kanya hanggang sa makarinig kami ng ilang putok ng baril.

"Hob...gumising ka, tinatakot mo kami..." umiiyak na paggising ko sa kanya. Ramdam din siguro ng anak namin ang kalagayan ng Daddy niya.

Nang mahusto si Hunter ay kaagad siyang bumalik sa amin. Hindi pa man niya tuluyang nabubuhat ang Kuya niya nang kaagad nang dumating ang tulong. Ibinaba si Hob papunta sa emergency room. Sandali siyang tiningnan doon hanggang sa kinailangan na siyang ilipat sa operating room para tanggaling ang mga bala sa kanyang katawan.

Nanghihina akong napa-upo sa labas ng operating room. Hindi naman mapakali ang kasama kong si Hunter. Maya't maya siya kung maglakad sa aking harapan habang hindi nababakante ang tawag mula sa kanyang phone.

"Dad..." tawag niya dito kaya naman nag-angat ako ng tingin.

Nakita ko kung paano nangilid ang luha sa kanyang mga mata habang pinipilit ang sarili na magsalita para kausapin ang Daddy nila.

"Si Kuya...hindi ko alam kung paano sasabihin kay Mommy," dugtong niya dito hanggang sa mariin na lamang siyang napapikit at napahilamos sa kanyang mukha.

Wala na siyang sinabi pa hanggang matapos ang tawag na iyon. Pagod din siyang napa-upo sa katapat kong upuan. Hindi nagtagal at naramdaman ko ang tingin niya sa akin.

"Magiging ayos lang si Kuya," sabi niya sa akin at lumapit para umupo sa aking tabi.

Marahan akong umiling. Walang kahit anong salita ang magkapagpapagaan ng aking kalooban. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking likuran na para bang pinapatahan niya ako.

"Baka makasama sa inyo ng pamangkin ang masyadong pag-iyak," suway niya sa akin kaya naman humaba ang nguso ko.

"Kasalanan 'to ng Kuya mo. Nagpabaril siya..." reklamo ko.

Tipid na ngumisi si Hunter pero ramdam ko pa din ang lungkot at takot sa kanya.

"Kasalanan ni Kuya...hindi siya umilag," sabi din niya para kahit papaano ay pagaanin ang kalaooban naming dalawa.

Matagal kaming naghintay sa labas ng operating room hanggang sa dumating ang mga pinsan ni Hob sa pangunguna nang galit na si Piero. Kasama niya si Kenzo na mabilis na kinausap ang ilang hospital staff tungkol sa lagay ni Hob.

"Nasaan yung bumaril?" galit na tanong ni Piero kay Hunter.

"Presinto," tipid na sagot ni Hunter sa kanya.

Mas lalong dumilim ang awra ni Piero. Mukha na talaga siyang masungit at nakakatakot pero mas dumoble ngayong galit siya.

"Gaganti ako," madiing sabi niya at tatalikod na sana para pumunta sa kung saan nang mabilis na humarang sa kanya ang kapatid na si Kenzo.

"Nagawa na ni Hunter 'yan para kay Hob. You should stay here, Piero."

Nagkasukatan pa muna sila nang tingin na magkapatid hanggang sa makuha ang atensyon naming lahat sa pagdating ng mga magulang ni Hob. Kita sa mukha ni Mrs. Jimenez ang pag-iyak. Mukhang buong byahe nila papunta dito ay lumuluha na siya.

Tumikhim si Hunter at kaagad na napatayo nang makita ang kalagayan ng Mommy nia. Mabilis niya itong sinalubong, kaagad na yumakap si Mrs. Jimenez dito.

"Hundson, anong nangyari sa Kuya mo?" umiiyak na tanong niya dito.

Hindi nakasagot si Hunter pero kita ko ang mahigpit niyang yakap dito. Kinausap ni Mr. Jimenez si Kenzo Herrer kaya naman lumipat ang tingin ko kay Piero.

Mula sa pagkakaunot ng kanyang noo ay sandali siyang tumingin sa akin at tumango. Hindi ko alam ang isasagot ko sa pagtango niyang iyon sa akin kaya naman nag-iwas na lang ako nang tingin at yumuko.

Maskit lang isipin na dahil sa akin at sa problema ng pamilya namin kaya nasa ganitong sitwasyon si Hob ngayon. Damay lang sila sa problema namin kaya naman kung may mangyaring hindi maganda sa kanya ay sigurong hindi ko din naman mapapatawad ang aking sarili.

"Alihilani, Hija..." tawag ni Mrs. Jimenez sa akin.

Mabilis niya akong sinalubong nang yakap. Dahil sa ginawa niya ay muling bumuhos ang luha ko.

"Sorry po..." paulit ulit na sambit ko.

"Wala kang kasalanan, hindi mo kasalanan..."

Hindi na lamang ako nakapagsalita pa. Tahimik kaming lahat habang naghihintay na matapos ang operation ni Hob. Sa kalagitnaan ay dumating din si Eroz na bitbit pa si Gianneri at sa kanyang kabilang kamay naman ay hilahila si Gertie.

"Alice," tawag ni Gertie sa akin at kaagad siyang yumakap sa akin.

"Hobbes will be fine lang. He's strong naman and kamukha naman niya si Henry Cavill na superman," sabi niya pa sa akin para pagaanin ang loob ko.

Tipid akong napangisi dahil sa mga sinabi niya. Humaba ang nguso niya bago bumaba ang tingin niya sa sinapupunan ko.

"You should tahan na. Baka ma-stress ang baby niyo," marahang suway niya sa akin.

Sandali siyang nagpaalam sa akin para kuhanin si Gianneri mula kay Eroz na kausap na ngayon si Piero. Malayo pa lang sa akin ay maingay nanaman silang mag-ina.

"Ninang Alice."

Inilapit ni Gertie si Gianneri sa akin para humalik sa aking pisngi. Panay ang turo nito sa akin habang nag-iingay na para bang may sinasabi siya.

Inirapan ko silang dalawa. "Bawal dito ang ma-ingay na bata," suway ko hindi lamang para kay Gianneri kundi para kay Gertie na din.

Mahigpit niyang niyakap ang Baby niya. "Kumakain kami sa labas when we got the news about Hob...kaya hindi na namin inuwi si Gianneri and go straight here na lang," paliwanag niya sa akin.

Magpapaliwanag pa talaga ang isang ito. Ma-ingay talaga ang mga alaga ni Eroz.

Nakahinga kaming lahat ng maluwag nang sabihin ng Doctor na successful ang operation ni Hob at ano mang oras ay pwede na siyang ilipat sa private room.

Hindi umalis ang Mommy nila sa tabi niya. Iyon din naman sana ang gusto kong gawin pero sa tingin ko ay kailangan ko din silang bigyan nang oras na sila lang pamilya ang nandoon.

"B-babalik na lang po ako," paalam ko kay Mr. Jimenez.

Nasa private room na kami at ni hindi ko man lang malapitan si Hob dahil sa itsura niya ngayon. Hindi ko kayang makita siyang ganuon kahit pa sabihin nang Doctor na maayos na ang lagay niya.

Masyado nang maraming nangyayari, hindi pa nag din magaling si Tatay ay nakita ko nanaman kung paano muntik nang mawala si Hob sa amin.

Tipid na ngumiti si Mr. Jimenez sa akin, hinawakan niya ako sa braso na para bang gusto niya ding pagaanin ang loob ko.

"You should rest. Baka ma-stress kayo ng bata," suwestyon niya sa akin.

Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Mrs. Jimenez na nasa kay Hob na ang buong atensyon ngayon.

Nagpaalam na din ako sa mga pinsan niya. Tumango si Eroz sa akin na buhat na ngayon ang tulog na si Gianneri. Hindi naman napigilan si Gertie at lumapit pa talaga sa akin para yumakap kahit ilang kwarto lang naman ang pagitan ng pupuntahan ko.

"Ihahatid na kita sa room ng Daddy mo," sabi niya sa akin na kaagad kong inilingan.

"Manahimik ka na lang dito," masungit na sabi ko sa kanya na sa huli ay tipid kong tinawanan.

"I'm behave naman," laban niya sa akin kaya naman inirapan ko siya.

Hindi bukal sa loob kong iwan si Hob kahit alam ko namang mas kailangan niya ang pamilya niya ngayon. Gusto ko kasi sanang nanduon din ako sa oras na magkamalay na siya.

"Malakas at matapang na bata si Hobbes..." sabi ni Nanay sa akin na kaagad kong tinanguan.

Naka-tulog ako sa kwarto ni Tatay hanggang sa magising na lamang ako at umaga na.

"Gising na si Alihilani," sabi ni Nanay kaya naman kaagad na nahinto ang pag-uusap nila ni Tatay.

Medyo mabigat ang pakiramdam ko kaya naman hirap akong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa mahabang upuan.

"Nagdala nang almusal si Hunter dito, gusto ka din sanang kamustahin ni Mrs. Jimenez pero babalik na lang daw sila nung makitang tulog ka pa," sabi ni Nanay sa akin kaya naman mabilis akong umayos nang upo.

"Kamusta daw po si Hob?" tanong ko kaagad.

Nagtaas ng kilay si Nanay sa akin. Tipid naman na ngumiti si Tatay.

"Magandang umaga, Alihilani."

Tipid akong napakagat sa aking pang-ibabang labi. "M-Magandang umaga din po, Nay..." balik na bati ko sa kanya kaya naman mas lalo silang napangiti ni Tatay.

Tumayo na ako at lumapit sa kanilang dalawa para humalik. Nakita ko kaagad ang mga pagkain na galing daw sa pamilya ni Hob.

"Tay, hindi ka pa gumagaling ay nagkakape ka na po kaagad," suway ko sa kanya.

"Malakas na si Tatay," laban niya sa akin kaya naman mas lalong tumulis ang nguso ko.

Pinilit kong kumain nang almusal habang kasama ang mga magulang ko. Kanina ko pa gustong lumabas at pumunta sa kwarto ni Hob pero nahihiya akong magpaalam sa kanila.

"Magiging maayos na ang lahat...aayusin ni Tatay."

Marahan niyang sinabi iyon sa akin habang hinahaplos niya ang aking buhok. Sandaling lumabas si Nanay para pumunta sa nurse station kaya naman naiwan kami ni Tatay.

"Sinubukan pa pong tumakas ni Atheena," sabi ko at medyo nailang pa dahil nawala na ang pagtawag ko ng Tita sa kanya. Sa kabila naman ng lahat ng nangyari ay kasal pa din si Tatay dito.

"Sinubukan pa po niyang tumakas kaya naman...nabaril siya at nahulog sa hagdanan," dugtong ko.

Base iyon sa mga narinig ko mula sa paguusap nila Hunter at mga pinsan niya kagabi. May malaking possibilidad din daw na hindi na makalakad ito dahil sa sama nang pagkakahulog niya.

Napalingon kaming pareho ni Tatay nang bumukas ang pinto at pumasok si Nanay.

"Gising na daw si Hob. Pinaguusapan sa nurse station at gwapo daw," saboi niya na may kasama pang pag-irap.

Natawa si Tatay dahil na din sa nakita. "Sa'yo talaga namana ni Alihilani 'yang pag-irap irap na ganyan," pang-aasr ni Tatay sa kanya.

Biglang lumipad ang isip ko s akung saan.

Nilingon ko si Tatay nang maramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay.

"Sige na, puntahan mo na..."

Mula sa kanya ay si Nanay naman ang nilingon ko. Nag-taas siya ng kilay sa akin bago napabuntong hininga.

"Puntahan mo na," sabi pa niya sa akin kaya naman mabilis akong humalik sa kanilang dalawa para magpaalam.

"Walang tatakbo, Alihilani..." suway ni Nanay sa akin bago pa man ako tuluyang makalabas.

Hindi ko nasunod ang bilin ni Nanay sa akin dahil halos takbuhin ko na para lang makapunta sa kwarto ni Hob. Tsaka ko lang naramdaman ang hiya dahil narinig ko kaagad ang ingay nila nang buksan ko ang pintuan.

"Alihilani, Hija!" excited na tawag ni Mrs. Jimenez sa akin. Sandali niya akong niyakap bago niya ako hinila palapit sa hospital bed ni Hob.

Naka-upo na ito ngayon na para bang walang tinamo na kahit anong sakit sa katawan. Nakikipagtawanan na siya sa mga pinsan niya habang nakabenda ang kanang braso hanggang sa balikat.

"Mas gwapo pa din ako sa'yo," sabi nito kay Piero.

"Amputa, tanga ka naman..." laban ni Piero dito kaya naman napahalakhak si Hob.

"Javier..." tawag ni Mrs. Jimenez sa kanya para ipakitang nandito na ako.

Hindi mawala ang tingin ko sa kanya. Wala na akong pakialam kung makita ng mga pinsan niya ang pagtitig ko dito. Hindi lang naman ako ang may gusto nuon kundi ang baby na din.

Nakangiti niyang nilingon ang Mommy niya. Matpos dito ay sandali lang siyang sumulyap sa akin at nag-iwas din nang ngiti.

Nabigla ako dahil sa ginawa niyang iyon. Iba kasi ang inaasahan kong pagkikita namin sa oras na gumising na siya.

Ramdam ko din ang katahimikan sa buong kwarto. Nilingon ko si Hunter nang marinig ko ang pagtikhim nito.

"Lumabas muna tayo...iwan muna natin silang dalawa," sabi ni Mr. Jimenez na kaagad nilang sinangayunan.

"Kumain muna tayo, Tito. Nagugutom na ako...wala pa akong kain," reklamo ni Piero.

"Balita ko ikaw ang manlilibre," sabi ni Hob sa kanya.

"Wala na akong pera, mahal ang gas papunta dito," laban ni Piero sa kanya.

Tahimik lang akong nakatingin sa kanila habang lumalabas sila. Bigla akong nakaramdam ng kung ano dahil maiiwan kami ni Hob na dalawa.

Parang bumalik yung pagkailang ko sa kanya nung una kaming nagkita.

"Uhm..." hindi ko alam ang sasabihin ko.

Tumingin siya sa akin at nagtaas ng kilay. Hindi nagtagal ay ngumisi siya at tinaas pa ang kamay na para bang makikipagkilala siya sa akin.

"Hi, Babe. It's Hobbes..."

Imbes na matuwa ay kaagad kong naikuyom ang aking kamao at mabilis siyang hinampas sa braso. Napadaing si Hob dahil sa ginawa ko.

"Nakakainis ka!" sigaw ko sa kanya bago tumulo ang luha sa aking mga mata.

Kaagad niya akong hinila paupo sa gilid ng kanyang kama. Walang sabi sabi niyang akong hinalikan. Hindi na ako pumalag at nagpaubaya na lang.

"Tahan na...palagi na lang kitang pinapa-iyak," marahang suway niya sa akin habang pinapahiran ang luha sa aking mga mata.

"Pinag-alala mo kami," sabi ko. Hindi ko na mapigilan, gusto kong malaman niya kung ano talaga ang nararamdaman ko.

Bumaba ang kamay niya sa aking sinapupunan. "I'm sorry."

Muli niyang kinabig ang batok ko palapit sa kanya para halikan ako. Dahil doon ay kaagad akong napakapit sa braso ni Hob na mabilis niyang dinaingan.

"S-sorry..." paumanhin ko.

Ngumisi siya at napakagat sa kanyang pag-ibabang labi.

"Si Mommy gigil na kay Daddy," pang-aasar niya kaya naman kaagad kong itinaas ang kamay ko para sana hampasin nanaman siya.

"Miss...masakit pa," turo niya sa nakabendang braso.

Sinimangutan ko na lamang siya at inirapan. Sandali kong ininspeksyon ang kabuuan nang katawan niya para tingnan kung saan pa siya may sugat. Natapos ko nang gawin iyon pero ramdam ko pa din ang tingin niya sa akin.

"Saan pa ang masakit?" tanong ko. Ni hindi ko siya matingnan sa mata dahil sa tingin niya sa akin. Nahihiya nanaman ako kay Hob. Ito ata yung epekto niya sa akin na hindi mawawala. Na para bang ramdam ko pa din yung hiya at kilig sa tuwing tinitingnan ako ng crush ko.

"Dito," turo niya sa labi niya kaya naman kaagad kong inabot ang tenga niya para pingutin.

"Puro ka talaga kalokohan, Jimenez!"

Halos sabay ang recovery ni Tatay at Hob. Nagpalipat lipat din ako ng kwarto para naman fair ang pagbabantay ko sa kanila.

Kalat sa tv ang balita tungkol sa pagkakahuli kay Atheena. Mas lalong dumami ang kasong kinakaharap niya dahil na din nalamang nahuli na siya ng mga pulis. Sakay siya ng wheelchair dahil na din sa tinamo ng kanyang mga paa.

"Haharapin natin ang mga kaso laban kay Tatay. Magiging maayos na ang lahat," sabi ni Hob sa akin habang pinapanuod namin ang news.

Pareho kaming naka-upo sa hospital bed niya. Nakapulupot ang braso nito sa aking bewang at kanina pa nagtataas baba ang palad niya sa aking sinapupunan.

Inirapan kami ni Hunter nang pumasok siya at nakita ang position namin.

"Aalis na muna ako, susunduin ko si Sovannah at kakausapin na din si Tito," paalam niya sa amin.

Umayos nang upo si Hob. Naramdaman ko pa ang paghalik niya sa balikat ko.

"Alis na. Istorbo ka," pagtataboy niya sa kapatid.

Marahan ko siyang hinampas sa binti niya kaya naman narinig ko ang ngisi niya.

Halos mag-iisang linggo din kaming nanatili sa hospital hanggang sa parehong maging maayos ang lagay ni Tatay at Hob. Nagkausap na din ang mga magulang namin at nakita kong naging kumportable na ulit si Nanay na makipagsalamuha sa ibang tao.

"Liliguan mo din ako?" tanong na pang-aasar niya sa akin habang tinutulungan ko siyang magsuot ng damit.

"Malaki ka na para paliguan ko. Magtigil ka diyan..." suway ko sa kanya.

Parang batang humaba ang nguso niya. "Hindi ko magagamit ang kanang braso ko," laban niya sa akin.

"Edi wag kang maligo. Ang dami mong arte," suway ko sa kanya at inirapan pa.

Imbes na lumaban pa ay sumuko na lang siya at napangiti na lang.

"Ang hirap namang maglambing sayo, Miss."

Dahil sa sinabi niyang iyon ay kaagad kong naramdaman ang pag-init ng aking magkabilang pisngi. Nakatayo ako sa harapin niya kaya naman nakatingala siya sa akin, pilit akong umiiwas ng tingin pero wala siyang ginawa kundi hulihin iyon.

"Manliligaw ulit ako...gusto ko ulit maging boyfriend mo," sabi niya sa akin.

Inirapan ko siya. "Tsaka mo na ako ligawan pag kaya mo na ulit maligo mag-isa..." bato ko sa kanya kaya naman mariin siyang napapikit at mahinang napamura.

Pinayagan akong sumama nila Nanay at Tatay sa Manila kasama ang pamilya ni Hob. Hindi rin naman magtatagal ay susunod silang dalawa doon para sa paghahanda laban sa mga kaso kay Tatay.

Mas naging kumportable na din akong kasama ang pamilya ni Hob dahil hindi naman nila ipinaramdam sa akin na iba ako sa kanila. Tinanggap nila ako at itinuring na parte na nang pamilya nila.

"Si Hunter mukhang lunod na lunod sa kape," nakangising sabi ni Piero nang dumalaw siya sa bahay nila Hob.

Ngumisi si Hob at napailing na lamang. "Ano nanaman bang pinagkakaabalahan niyan?"

Nagkibit balikat si Piero. "Malamang babae...balita ko palaging nasa pastry shop 'yan," sabi pa ni Piero hanggang sa maalala ko ang business ni Sovannah.

"Pero ang sabi ng mga tauhan ko...may pinapahanap siya. Ahtisia? Kilala niyo?" dugtong ni Piero.

Hindi na lang kami umimik ni Hob. 

Kami ni Tita ang naghahanda ng pagkain araw-araw. Halos naging bonding na din namin iyon kaya naman mas lalo akong naging kumportable sa kanya.

Pansin kong unti unti na ding nagiging maayos ang relsyon ni Hob at Hunter kaya naman kita ko din ang saya sa mukha ng mga magulang nila.

"They can stay here habang may inaayos sa kaso. This house is too big for us, at part na kayo ng pamilya...hindi na kayo iba ng mga magulang mo sa amin," sabi Tito tungkol sa pagluway nila Nanay at Tatay dito.

"S-sasabihin ko po..." sabi ko sa kanila.

Cakes at Pastry na dala ni Hunter ang dessert namin pagkatapos ng dinner. Kaagad na nagustuhan ni Tita ang pagkakagawa sa mga iyon.

"You should bring Sovannah here, I want to meet her again, Hundson."

Tipid na tumango lang si Hunter at hindi na nagsalita pa. Pagkatapos kumain ay umakyat na din kami ni Hob sa kwarto niya.

"Masyado nang nahihiya sina Nanay at Tatay dahil sa tinutulong niyo sa amin...baka hindi na sila pumayag na dito tumuloy. Mayroon naman daw silang matutuluyan habang nandito sa Manila," sabi ko kay Hob.

"Hindi nila kailangang mahiya..." sabi niya sa akin.

Lumundo ang kama ng umupo siya sa tabi ko.

"Kahit ako nahihiya na din...sa mga magulang mo at sayo."

"Hanggang ngayon nahihiya ka pa din sa akin," marahang suway niya sa akin.

Hindi ako umimik. Naramdaman ko kaagad ang kamay niya sa aking bewang. Nag-angat ako ng tingin sa kanya hanggang sa dahan dahan siyang hulig sa akin para halikan ako. Hindi na ako pumalag pa at hinalikan din siya pabalik.

"I love you, Alihilani."

Ang halik na iyon ay nauwi pa sa mas malalim na halik. Hanggang sa maramdaman ko na lang na nakahiga na kaming dalawa sa kanyang kama at pareho nang walang suot na kahit ano.

"Kung hindi ka pa ulit kumportable na gawin ito kasama ko..."

"Ang dami mong sinasabi, Hob." suway ko sa kanya na ikinagulat niya.

Mas lalong namula ang tenga niya pababa sa kanyang leeg. Ramdam ko ang pigil niya.

Marahan kong hinaplos ang pisngi niya para pakalmahin siya.

"Hindi naman nawala yung pagmamahal ko sa'yo..." sabi ko sa kanya.

Kita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. Minsan naiisip ko mas siya pa ang parang buntis kesa sa akin.

"Papakasalan kita sa lalong madaling panahon," madiing sabi niya kasabay nang pagdiin ng kanya sa akin kaya naman mahigpit akong napakapit sa kanya.

"Hob..." tawag ko sa kanya.

Naramdaman ko ang pag-iingat niya kahit pa ramdam kong gusto na niyang gumalaw sa aking ibabaw.

"Mahal na mahal kita, Alihilani."

Dahan dahan ang bawat paggalaw niya. Mas lalo ko siyang naramdaman dahil duon. Mahal ko din si Hob kaya naman sa kabila ng mga pinagdaanan namin ay nagawa ko siyang patawarin.

"Hobbes..." tawag ko sa buong pangalan niya. Nginisian niya ako.

"Ayoko talaga sa pangalan mo...tunog diaper," sabi ko at ngumisi habang patuloy siya sa marahang paggalaw sa ibabaw ko sa pangalawa namin.

Nagtaas siya ng kilay sa akin bago niya binaon ang mukha niya sa leeg ko para mas lalong idiin ang kanya sa akin.

"At talagang nagawa mo pa akong asarin in the middle of our love making...Damn it, Alihilani."

"Uhm...ahh, Hob!" tawag ko ng may maramdaman nanaman akong kung ano sa puson ko.

Hinarap niya na ako habang pinag-iigihan ang paggalaw.

"Hindi ko pa alam ang pangalan mo," nakangising sabi niya. Sinakyan niya ang sinabi ko at para bang bumabalik kami sa una naming pagkikita.

Ngumisi ako sa kanya at nagtaas ng kilay. Inaasahan niya sigurong ang isasagot ko sa kanya ay wala akong pangalan pero hindi iyon ang ibibigay ko.

"Mrs. Jimenez..." sabi ko kaya naman mahinang napamura si Hob at naging emosyonal nanaman.





(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro