Chapter 57
Heartache
Wala akong ginawa kundi ang tawagin ang walang malay na si Tatay. Sobrang bigat ng dibdib ko habang nakikita ko kung anong itsura niya ngayon. Puno ng dugo kanyang sariling dugo ang suot na damit. Ni hindi ko nga din makita ang pag-taas baba ng kanyang dibdib tanda na humihinga siya.
"Tay..." umiiyak na tawag ko. Hindi ko alam kung ano pa ang pwede kong sabihin para lang dumilat siya at kausapin ako.
"Alihilani," nag-aalalang tawag sa akin ni Hob.
Ramdam ko ang pag-aalo niya sa akin pero walang kahit anong salita ang magpapagaan sa loob ko dahil sa kalagayan ni Tatay ngayon.
"Daldalhin natin siya sa hospital, magiging maayos lang ang lahat," patuloy na pag-aalo niya sa akin.
Halos mapuno din ng dugo ni Tatay dahil sa suot kong damit. Wala akong ginawa kundi ang yakapin siya kahit ilang beses akong pinagbawalan nang kasama namin sa loob ng ambulansya.
Sa huli ay naramdaman ko na lang ang yakap ni Hob sa akin nang tuluyan na akong napahagulgol.
"Ang tatay ko..." sumbong ko sa kanya.
Humigpit lalo ang yakap niya sa akin. Ramdam ko din ang pag-aalal ni Hob para kay Tatay. Kanina nga ay parang gusto niyang sabayan ang pagkataranta ko pero pinanatili niyang kalmado ang sarili at inalo ako.
"Pagbabayarin natin ang gumawa nito kay Tatay," paninigurado niya sa akin.
Naging mabilis ang kilos ng mga tao pagkadating namin sa hospital. Kaagad na dinala si Tatay sa emergency room. Matapos iyon ay inilipat siya sa operating room para tanggaling ang mga bala sa kanyang katawan.
Pagod akong napa-upo sa may tabi at mariing napapikit na lamang. Wala akong ibang pwedeng gawin ngayon kundi ang magdasal para sa kaligtasan niya. Hindi ko din alam kung paano ko sasabihin kay Nanay ang balitang ito.
"Paano si Nanay?" tanong ni Hob sa akin.
Mukhang ang desisyon ko lang din ang hinihintay nila at hindi nila ako pinangunahan sa pagsasabi nito kay Nanay.
Napasinghap ako at marahang napahilamos sa aking palad. Muling namuo ang luha sa aking mga mata.
"W-wag na muna..." maiksing sambit ko.
Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari kay Nanay sa oras na malaman niya ang nangyari. Baka mas lalo kong hindi kayanin kung maging si Nanay ay makita kong nanghihina.
Marahang tumango si Hob dahil sa aking naging desisyon.
"Dinoble na ni Hunter ang mga bantay niya habang nandito tayo," paninigurado niya sa akin.
Dahan dahang tumabi si Hob sa aking upuan. Kita ko ang hesitation sa mukha niya. Para bang takot siyang tumabi sa akin at bigla ko na lang siyang paalisin. Nakahinga siya nang maluwag nang hayaan ko siya.
Kinuha niya ang duguan kong kamay at mahigpit na hinawakan iyon. Hindi nagtagal ay may lumapit sa amin na isa sa mga tauhan niya para iabot ang kulay itim na jacket. Tumayo si Hob para isuot iyon sa akin. Wala pa rin akong imik habang ginagawa niya iyon.
"You should...you should change. Hindi mo dugo 'yan pero...nag-aalala ako," he said.
Muling bumaba ang tingin ko sa suot kong damit na nabahiran ng dugo ni Tatay dahil sa pagyakap ko sa kanya. Maging ako ay nakaramdam na din tuloy nang takot dahil sa dami non.
"A-ayos lang ako," sagot ko sa kanya at inayos ang suot kong jacket para kahit papaano ay matakpan ang aking damit.
Muling umupo si Hob sa aking tabi. Wala kaming imikan na dalawa habang naghihintay. Kahit pa halos mabingi ako dahil sa katahimikan ay hindi ko naman naramdaman na mag-isa lang ako. Hindi ipinaramdam ni Hob sa akin na mag-isa lang ako.
Dumating si Hunter kinalaunan. Dahil sa kanyang pagdating ay nalaman kong halos tatlo sa mga tauhan nila ay sugatan din dahil sa nangyaring barilan.
"May nagtraydor nanaman sayong tauhan?" tanong ni Hob sa kapatid.
Hindi nakasagot si Hunter at napabuntong hininga na lang habang nakatingin sa malayo at malalim na ang iniisip.
"Ang uto-uto mo..." sabi ni Hob sa kapatid.
Umigting ang panga nito pero hindi na siya kumontra pa sa sinabi ng kuya niya.
"Hindi masamang ibigay ang buong tiwala mo sa ibang tao," mariing sagot niya dito.
"Kaya madali kang nau-uto," pahabol pa ni Hob.
Nasa ganitong sitwayson kaming tatlo pero gusto kong pag-untugin silang magkapatid. Pareho naman silang uto-uto. Pero naisip ko na marahil ay kaya ganuon dahil mabilis silang magtiwala sa mga taong sa tingin nila ay mapagkakatiwalaan nila...pero hindi pala.
Kahit kasama namin si Hunter ay naging abala pa din siya sa pag-asikaso sa mga tauhan niyang nasugatan. Hindi naman nawala ang hawak ni Hob sa akin. Ilang beses ko ding naramdaman ang kamay niya sa aking sinapupunan.
Kung makahawak siya dito ay para bang maging sa anak namin ay gusto niyang iparamdam na nandito siya, kasama namin siya.
"Pag may kailangan ka, o nararamdaman na hindi maganda...sabihin mo kaagad sa akin," marahang bulong niya bago ko naramdaman ang halik niya sa ulo ko.
Halos hindi ko na nabilang kung ilang oras kaming naghintay sa labas ng operating room. Ilang beses din naming nakita ang paglabas masok ng mga nurse at ilang Doctor dito. Gustong gusto kong tumayo at magtanong sa kanila tungkol sa lagay ni Tatay pero hindi ko nagawa sa takot na maka-abala ako sa trabaho nila.
Napatayo kaming tatlo nang lumabas ang Doctor.
"Successful ang operation..." pag-uumpisa niya.
Naka-hinga ako nang maluwag dahil sa narinig.
"Pero hindi ibig sabihin nuon ay hundred percent na ligtas na ang pasyente. Kailangan pa din nating siyang obserbahan for the next hours. Sa ngayon ay ililipat na din namin siya sa ICU," sabi ng Doctor.
Napayakap ako kay Hob dahil duon. Ngayon ay nagkaroon ako ng pagasa na kahit papaano ay magiging magaan na lang para sa akin na sabihin ito kay Nanay. Alam kong tutuparin ni Tatay ang pangako niya sa amin na hindi niya na ulit kami iiwan.
Inilipat si Tatay sa ICU pagkatapso ng ilang oras. Mula sa may labas ay hindi maalis ang tingin ko sa kanya. Maraming aparato ang nakakabit sa kanyang katawan. Wala akong maramdaman kundi panghihina dahil sa kalagayan niya.
Tatayo si Hob kasama ko sa tuwing gusto kong makita si Tatay. Uupo din naman kung uupo ako. Kulang na lang ay gawin niya na kung anong gagawin ko.
"Mapapagod ka lang kakasunod sa akin," suway ko sa kanya.
Hindi pa naman ako mapakali sa tuwing nag-aalala ako. Kung pwede nga lang ay kanina pa ako nagpumilit na pumasok sa loob ara samahan si Tatay.
Tipid na ngiti ang ibinigay ni Hob sa akin. "Hindi ako mapapagod kakasunod sayo..." marahang paninigurado niya sa akin.
Humaba ang nguso ko dahil sa narinig at nag-iwas na lang ng tingin kay Hob. Hindi nagtagal ay tumunog ang phone niya dahil sa isang tawag. Hinayaan ko siyang sagutin iyon.
"Saan?" tanong niya sa kausap.
Sabay kaming napatingin ni Hunter sa kanya para malaman kung para saan ang tawag.
"Wait for my signal," sabi niya sa kausap bago pinatay ang tawag.
Nagtaas ng kilay si Hunter sa Kuya niya para magtanong kung ano iyon.
Hindi niya binigyang pansin si Hunter at ako ang una niyang nilingon.
"Nasa labas si Ahtisia," sabi ni Hob.
Hindi kaagad ako nakasagot sa kanya.
"Gusto daw makita si Tatay..." dugtong pa niya.
"Sabihin mong wag papaapsukin," matigas na sabi ni Hunter at umirap pa sa kawalan.
Hindi nawala ang tingin ni Hob sa akin. "The desicion is yours," sabi niya sa akin kaya naman marahan akong napakagat sa aking pang-ibabang labi.
Naging masama si Tita Atheena sa amin at kay Tatay. Pero hindi ko naman alam kung paano ang naging relasyon nila ni Ahtisia bilang mag-ama. Hindi totoong anak ni Tatay si Ahtisia pero panigurado akong sa tagal na naging isang pamilya sila ay naging totoong ama ang turing niya dito.
Hindi pa man ako nakakasagot ay nagulat na kami nang may naging kumusyon sa dulo ng hallway. Dalawang tauhan nila Hob ang nandoon at kaagad na hinarang ang pagpasok nang umiiyak na si Ahtisia.
Mabilis akong napatayo nang makita kong hindi siya nag-iisa. Karga niya ang baby niya.
"Mawawalan nang saysay ang restraining order na meron tayo laban sa kanila kung hahayaan niyo siyang lumapit lapit sa atin," mariing paalala ni Hunter.
Pumasok at lumabas lang iyon sa magkabilang tenga ko. Ramdam ko din ang tingin ni Hob sa akin.
"Kung anong desisyon mo...susuportahan ko," paninigurado ni Hob sa akin.
Tumikhim si Hunter dahil doon. Ni hindi man lang siya nag-abalang lingonin ito. Para bang wala na talaga siyang natitirang awa para dito, wala na siyang pakialam.
Halos makipagpatintero siya sa mga tauhan nila Hob pero wala siyang nagawa kundi ang huminto na lang. Nag-alala pa ako sa hawak niyang baby dahil sa pagtataboy sa kanya nang mga ito.
Sa huli ay bigo siyang tumalikod at sumuko na lamang. Ayos na sana ang lahat nang bigla akong makaramdam ng kung ano para dito.
"Sandali..." sambit ko at kaagad na sumunod sa kanya.
Haharangan pa sana ako nang mga tauhan ni Hob pero nang tumingin siya sa likuran ko ay hinayaan na nila ako.
Nakalayo na si Ahtisia dala ang baby niya nang makita ko sila sa may parking space ng Hospital.
"Ahtisia..." tawag ko sa kanya.
Puno nang luha ang mga mata nito at umiiyak. Mahigpit ang hawak niya sa baby niya nang lingonin niya ako.
"Hindi ako manggugulo. Papunta na sana kami sa airport nang malaman ko ang balita...gusto ko lang makita si Daddy bago kami umalis," umiiyak na sabi niya sa akin.
Napabuntong hininga ako dahil sa narinig. Kita ko ang sinseridad sa boses at sa mukha niya. Lumapit ako sa kanya.
"Hindi ko siya totong Daddy...pero mahal ko siya."
Muling namuo ang luha sa aking mga mata. Hindi ko pa makita ang mukha ng Baby niya dahil nakayakap ito sa kanya at nakatalikod sa akin.
"Inalagaan niya kami ng Baby ko...mahal niya kami kahit hindi niya ako totoong anak. Mahal din namin siya, Ate..." sabi niya sa akin.
Mabilis kong pinahiran ang luhang tumulo sa aking mga mata.
"Gusto lang namin siyang makita bago kami umalis," pag-uulit niya kaya naman tipid akong tumango.
Nakita ko ang tingin niya sa aking likuran. Hindi ko na kailangang lingonin kung sino iyon dahil alam kong si Hob ang sumunod sa akin.
"Kahit ang Baby ko na lang..." sabi niya sa akin.
Inayos niya nang pagkakakarga ito kaya naman umayos ito at nilingon kami ni Hob. Naka pigtail ang maiksi at manipis nitong buhok. Namumula ang magkabilang pisngi at mapupungay ang mga mata.
Nakatingin lang siya sa amin ni Hob. Kamukha ni Ahtisia ang baby niya at kagaya niya ay maganda din ito.
Tipid ko siyang nginitian. Pinaglalaruan niya ang bibig niya habang gumagawa ng mahihinang ingay.
"Baka mabilis din gumaling si Daddy pag nakita niya ang apo niya..." alanganing sabi pa ni Ahtisia sa akin.
"K-kahit hindi niya totoong apo..." pahabol pa niya at ramdam ko ang lungkot doon.
Alam ni Ahtisia ang tungkol sa restraining order laban sa kanya kaya naman hindi an siya nagpumilit pang pumasok din sa loob.
Kinuha ko mula sa kanya ang Baby niya. Umiyak pa ito nung una dahil nalayo siya sa Mommy niya pero sa huli ay tumigil din. Habang naglalakad kami pabalik sa loob ay nilingon ko si Hob.
Napansin kong kanina pa siya nakatingin sa bata.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
Marahan siyang umiling. "Can't wait for the day na anak na natin ang karga mo," sabi niya sa akin.
Hindi ko naiwasan na irapan siya. Nasa hallway kami ng hospital nang mag-ingay ang baby ni Ahtisia na para bang kinakausap niya kami. Tinuturo din nito si Hob kaya naman hindi ko maiwasang mapangiti sa kanya.
"Ang panget mo daw..." mahinang biro ko.
Walang nagawa si Hob kundi ang mariing mapapikit at mapangiti na lamang. Isang beses lang kaming nilingon ni Hunter. Ni hindi man lang siya naging interisado sa kasama namin.
Inabala niya ang sarili niya sa hawak na phone, para bang kasalanan para sa kanya na tumingin man lang sa amin.
"Lolo..." sabi ko sa bata at itinuro ang natutulog na si Tatay mula sa glass window.
Tumingin din siya doon at nag-ingay. Para bang nakilala niya si Tatay kahit pa malayong malayo ang itsura nito sa pagiging masigla.
Marahan kong hinaplos ang matambok niyang pisngi. Hindi ko napigilang humalik dito.
"Love mo si Lolo? Sabihin mo sa kanya gumising na siya..." malambing na pagkausap ko dito.
Tinitigan niya ako bago siya nag-ingay at nilingon si Hob. Matapos kay Hob ay napansin ko ang paglingon niya sa nasa likuran namin na hindi naman siya pinapansin.
Ilang sandali lang kaming nagtagal doon dahil may flight pa silang kailangang habulin. Isang beses kong nilingon si Hunter pero wala talaga akong nakuhang kahit ano mula sa kanya.
Humigpit na lang ang yakap ko sa bata para iparamdam sa kanya na tanggap siya sa lugar na ito.
Pagkabalik sa parking space ay naabutan namin si Ahtisia na abala sa kanyang phone. Binitawan niya na kaagad iyon para salubungin kami.
"Thank you, Ate."
Kinuha niya ang baby niya mula sa akin. Lumagpas ang tingin ko sa kanila at sa sasakyan na dala nila.
Pagak siyang ngumisi. "Iiwan ko din iyan sa airport dahil hinahabol na din nang bangko," sabi niya tukoy sa sasakyan na dala.
"May travel ban ang Mommy mo..." seryosong sabi ni Hob.
"A-alam ko...kaya nga susubok kaming lumabas ng bansa. Baka makahabol bago maging kami ay hindi na din maka-alis," sabi niya sa amin tukoy sa kanila nang Baby niya.
"Kailangang sumuko ng Mommy mo," sabi ko.
"Hindi ko na alam kung nasaan siya. Ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa amin...nagtatago. Isa pa nga din na pinuntahan ko kayo...gusto kong aminin ang lahat," pag-uumpisa niya.
Inamin ni Ahtisia ang lahat nang ginawa ng Mommy niya sa amin. Ang hindi ko pagpasok sa university noon, ang nangyaring set up sa amin ni Hunter at kung ano ano pang dahilan kung bakit naghihirap kami.
"Malaki din ang kasalanan ko sa inyo..." pag-uumpisa niya.
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman para kay Ahtisia. Pinakinggan ko lahat nang sinabi niya sa akin hanggang sa nangako siyang hindi na magpapakita pa sa amin kahit anong mangyari.
"I promise. Ito na ang huling beses na makikita niyo kami. Hinding hindi kami manggugulo kaya wala kayong dapat na alalahanin sa akin," pangako niya.
Nakaramdam ako nang kaunting kirot dahil sa narinig.
Mula kay Ahtisia ay lumipat ang tingin ko sa Baby niya. Kahit sa sandaling pagkakataon na iyon ay nakaramdam ako ng kung ano para sa bata.
"Anong pangalan niya?" tanong ko. Para kahit iyon man lang ay maiwan sa akin.
Tipid siyang ngumiti. "Mas mabuting hindi niyo na alam..." sabi niya.
Nagpasalamat ulit siya sa amin. Wala siyang ibang gusto kundi ang matigil na ang gulong ginagawa ng Mommy niya at ang paggaling na din ni Tatay.
Wala akong imik na naglakad pabalik sa loob ng hospital. Ganon din naman si Hob.
Pero sa huli ay hindi ko maiwasang magsalita.
"Kung si Hunter ang totoong ama ng baby na 'yon...mas mabuting ngang wag na niyang makita kahit kailan. Hindi deserve ng baby na itanggi siya," sabi ko at hindi ko mapigilang magtunog may hinanakit.
Nalaman ni Nanay ang nangyari kay Tatay ng sumunod na araw. Kagaya nang inaasahan ko ay muntik na niyang hindi kayanin iyon kaya naman kahit gusto kong umiyak kasama siya ay pinilit ko na lamang na maging malakas at matapang para palakasin ang loob niya.
"Mas masakit na makita si Arnaldo na ganito..." umiiyak na sabi ni Nanay sa akin.
Simula nang dumating siya kanina ay hindi siya umalis sa pwesto niya sa labas ng glass window para tingnan si Tatay.
Marahan kong hinaplos ang likuran niya. Hindi na siya tumigil sa pag-iyak kaya naman nag-aalala ako para sa kanya.
"Hindi tayo iiwan ni Tatay. Nay..." paninigurado ko sa kanya.
Wala akong ibang pangarap noon kundi ang makasama si Tatay ulit. Basta na lang niya kaming iniwan noon nang walang pasabi kaya naman kahit alam ko noon na impossibleng babalik pa siya ay naghintay ako.
Parang kung paano ako naghintay na mag-gabi para lang dumating ang buwan. Matagal pero alam mong may hinihintay ka.
Hindi iniwan ni Nanay si Tatay. Kahit malayo at may pader na nakaharang sa kanilang dalawa ay hindi naging hadlang iyon para iparamdam ni Nanay kay Tatay na nandito lang siya.
"Hindi pa ba gutom si Nanay?" tanong ni Hob sa akin.
Marahan akong umiling. "Kakatanong ko lang...hindi pa daw."
Ilang araw na nanatili si Tatay sa ICU. Maganda naman daw ang progress at recovery ng katawan niya ayon sa Doctor. Ilang balita na din ang lumabas tungkol kay Atheena. Nalaman ko ding naka-Travel ban laban sa kanya at maging si Ahtisia ay damay doon.
Hindi tuloy mawala sa isip ko kung natuloy silang umalis ng bansa. Patong pato na ang kinakaharap na kaso ni Ahteena ngayon. Ang bali-balita pa ay itinakwil na din siya ni Don Joaquin Escuel dahil sa kahihiyan.
Hindi talaga biro kung maningil ang karma.
Nag-angat ako nang tingin nang mapansin ko ang pagdating ni Hunter. Hindi siya nag-iisa dahil may kasama siyang magandang babae. Maganda ang tindig nito, mahaba ang buhok na kulot ang dulo at nakasuot nang may kahabaang dress na lagpas hanggang sa tuhod.
Kutis porcelana at alam kita sa mukha niya na may ibang lahi siya. Para siyang mamahaling manika.
"Hobbes," nakangiting tawag niya dito.
Tumayo si Hob para salubungin ang bisita. Pagkatapos non ay kaagad siyang bumalik sa akin para ipakilala din ako. Tumayo ako at tinanggap ang kamay niya. Halos magkasing tangkad lang kami.
"Alihilani..." pagpapakilala ko.
Matamis siyang ngumiti sa akin. "I'm Sovannah."
Walang emosyon ang katabi niyang si Hunter nang lumipat ang tingin ko sa kanya. Nalaman kong may sariling pastry shop si Sovannah kaya naman may dala siyang pagkain para sa amin.
"Ikaw ang gumawa nito?" tanong ko kahit alam ko naman ang sagot.
Kaagad siyang tumango. "Sana magustuhan mo. Don't worry about the case, pumayag na si Daddy na I-handle ang case ng Daddy mo," pagkausap niya sa akin.
"Salamat..." sambit ko.
Tinanong din siya ni Hob tungkol sa mga kung ano tungkol sa kanya. Mukhang after college ay wala na sila halos naging balita sa isa't isa.
"Pumayag din si Daddy dahil sabi ni Hunter magiging bodyguard ko siya," kwento niya bago ngumisi at tumingin sa nakabusangot na si Hunter.
Malalaki ang kaso na hawak ng Daddy ni Sovannah kaya naman double din ang bantay para sa kanya.
"Iuuwi na kita," biglang singit ni Hunter.
"Nakikipagkwentuhan pa ako," laban nito.
"Nangako ako sa Daddy mo na iuuwi kita nang maaga," laban ni Hunter na mukhang hindi magpapatalo.
Ngumuso si Sovannah. "Bumalik tayo dito bukas," sabi niya kay Hunter.
Umirap lang ito bago tumayo si Sovannah at nagpaalam sa amin.
Nag-tagal ang tingin ko sa kanilang dalawa hanggang sa nawala na sila.
Mas lalong bumubuti ang lagay ni Tatay habang lumilipas ang araw. Kalat pa din sa balita ang paghahanap kay Atheena at ang pagtatago nito.
"Siguradong alam na ni Atheena kung nasaan tayo," matigas na sambit ni Hunter dahil maging ang tungkol kay Tatay ay na-ungat na din.
Sa balita din namin nalaman na hindi nakalabas nang bansa si Ahtisia dahil na din sa kaso ng Mommy niya.
"Hindi susuko si Atheena na hindi nakakaganti sa atin," konklusyon ni Hob.
"Kailangan natin nang doubleng ingat."
Lumabas na din sa news si Attorney Aves para kay Tatay ngayong nasa hospital pa siya at hindi pa nakaka-recover.
"Double na din ang bantay dito sa hospital..."
Nailipat na si Tatay sa private room kaya naman mas malaya na kaming makalapit sa kanya. Halos hindi binitawan ni Nanay ang kamay nito.
"Aaalis muna ako, I need to meet Piero..." paalam ni Hob sa akin.
Napunta sa kanya ang buong atensyon ko. Dahil sa mga nangyayari ay mas gusto kong nandito lang siya sa tabi ko.
Ngumisi siya sa akin. "Babalik ako kaagad...bago mo pa ako ma-miss," pang-aasar niya kaya naman inirapan ko.
Gusto ko siyang sungitan pero lately ay grabe na din kung mag-overthink ako.
"Tawagan mo na lang si Piero," sabi ko. Ayoko sanang magdemand sa kanya. Alam ko din naman kung gaano sila ka pagod para lang protektahan kami.
Ngumisi siya lalo at hinapit pa ako sa bewang. Hinayaan ko siyang gawin iyon.
"Babalik ako kaagad," paninigurado niya sa akin.
Hindi ako nakasagot. "May gusto kang ipabili?" tanong niya sa akin.
Marahan akong umiling. "Bumalik ka kaagad, Hob."
Mariin siyang napapikit dahil sa sinabi ko. Nakita ko din kung paano namula ang tenga niya dahil dito.
Kinurot ko siya sa tagiliran para lang magising siya sa katotohanan, akala mo kung makangiti ay nananaginip siya.
Hindi na siya napigilan pa at kaagad siyang humilig para angkinin ang labi ko. Nagpaubaya ako kay Hob at ginantihan iyon. Ramdam ko ang pag ngiti niya sa gitna nang aming halikan.
"I love you, Miss."
Umalis si Hob matapos iyon para makipagkita kay Piero. Ilang minuto pa lang siyang nawawala ay kaagad akong nagulat nang makita kong naiwan ang phone niya. Ihahabol ko sana kaya naman sandali akong nagpaalam kay Nanay.
Mula sa dulo ng hallway ay kaagad akong napahinto nang makita kong may lumabas na babae doon. Nakasuot siya nang uniporme na pang nurse at naka-facemask din.
"Atheena," gulat na tawag ko sa kanya.
Tatakbo na sana ako palayo nang kaagad niya akong tinutukan nang baril.
"Sige, subukan mong tumakbo..." banta niya sa akin.
Hindi na ako nakagalaw pa nang kaagad niyang hinaklit ang braso ko bago niya ako sinabunutan.
"Tigilan mo na kami!" asik ko sa kanya.
Hindi siya nakinig at natawa na lamang. Malayong malayo na siya sa Atheena na nakilala ko. Kung masama siya noon ay mas masama siya ngayon.
Hinila niya ako papasok sa may fire exit. Mula doon ay umakyat kami hanggang sa makarating sa rooftop ng hospital. Halos mapadaing ako sa sakit dahil sa klase nang pagkakahawak niya sa aking buhok.
"Tumigil ka na! Tapos na, Atheena!" asik ko sa kanya.
Tumawa siya nang nakakaloko bago niya ako hinarap. "Tapos na...pero hindi matatapos ito na ako lang ang babagsak."
"A-anong ibig mong sabihin?"
Bumukas ang pintuan nang rooftop. Tatlong lalaki ang nandoon.
"Babagsak ako. Pero ikaw, Alihilani. Literal na ibabagsak kita dito," nakangising sabi niya sa akin.
Sinubukan niya akong hilahin papunta sa dulo ng rooftop pero nagmatigas ako. Mas lalong humigpit ang hawak at pagkakahila niya sa buhok ko hanggang sa muling bumukas ang pinto at iniluwa noon si Hob.
"Alihilani!" tawag niya sa akin.
Hindi naging madali ang paglapit niya sa akin dahil kaagad siyang hinarang nang tatlong lalaki. Nakipag sabayan si Hob sa pakikipagpisikal sa mga ito pero kahit pa gaano siya kalakas ay hindi pa rin uubra na mag-isa siya at tatlo sila.
"Hob!" tawag ko sa kanya nang makita kong napupuruhan na siya.
Huminto si Atheena sa paghila sa akin at mukhang mas nag-enjoy na panuorin kung paano gulpihin nang mag tauhan niya si Hob.
"Hindi naman siguro ikagagalit ng mga Jimenez kung mawawalan sila ng isa," sabi niya bago tumawa ng malakas.
Nagpumiglas ako at sumubok na manlaban sa kanya.
"Ang sama mo!" sigaw ko sa pagmumukha niya bago ako nakipagbuno sa kanya at sinubukan pang makipag-agawan sa hawak niyang baril.
"Alihilani!" tawag ni Hob sa akin pero hindi na ako nagkaroon pa nang lakas na lingonin siya.
Nakipag-agawan si Atheena sa akin hanggang sa mapasigaw kaming dalawa nang makarinig kami nang sunod sunod na putok ng baril.
Kaagad akong napalingon sa pintuan nang rooftop. Mula doon ay may umalingawngaw nanaman na putok mula sa mga tauhan nila Hob.
"Kuya!" kaagad na sigaw ni Hunter.
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang makita kong nakahiga sa sahig si Hob at may tama ng baril.
Kaagad na tumakbo si Hunter para lapitan ang Kuya niya pero hindi nag-response ito at nanatiling nakapikit.
Kaagad akong lumapit sa kanilang dalawa. Nakita ko kung paano namula ang mata ni Hunter para sa Kuya niya.
"Tangina..." galit na sambit niya.
Nanlabo ang mga mata ko habang nakatingin sa nakapikit na si Hob. Kita ko sa mukha niya ang ininda niyang sakit dahil sa pagkakabugbog at sa tinamong tama ng baril.
And I guess...I will never heal from all of this heartache.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro