Chapter 56
Ulit
Imbes na maki-sama pa sa usapan nilang dalawa ay emosyonal akong bumalik sa aking kwarto. Parang hindi ko din gustong damhin ang gabi sa ngayon, hindi ko din gustong makita ang buwan...ayokong makita niyang malungkot nanaman ako.
Sa tuwing kinakausap ko ata siya ay wala na akong ibang ipinaramdam sa kanya kundi lungkot.
Nasasaktan lang ako na dumating sa punto ng isip ni Tatay ang ganoong bagay. Pwede naman sigurong matapos ang lahat ng ito na walang nawawala sa amin. Na maging maayos ang lahat na magkakasama pa rin kami...ulit.
Hindi ako nakatulog nang maayos buong gabi. Nakatitig lang ako sa kawalan at paulit ulit na nag-iisip kung ano pa ang pwedeng paraan para naman matigil na ang galit ni Atheena sa amin. Hindi ko pwedeng baliwalain ang nararamdaman niya gayong siya ang legal na asawa ni Tatay.
Sa mata ng lahat...ang kasiyahan namin ay isang malaking kasalanan.
Kahit papaano ay naka-idlip pa din naman ako nang kusa akong dalawin ng antok. Kahit hindi kumpleto ang tulog ay maaga pa din akong nagising kagaya nang nakasanayan.
"Kung gusto niya ay sa sahig..." rining kong natatawang sabi ni Tatay.
Medyo madilim pa sa labas ay nasa kusina na silang dalawa ni Nanay ay naghahanda ng aming almusal. Hindi kaagad ako dumiretso sa kanila at sandali munang tumigil sa may sala para tingnan si Hob.
Napanguso kaagad ako nang makita kong pilit nitong pinagkasya ang sarili sa aming kahoy na upuan. Nakataas ang magkabilang binti, ni hindi man lang ata niya iyon magawang I-unat. Dahil kung gagawin niya ay lalagpas iyon sa may upuan.
Parang may kung ano akong naramdaman sa aking sinapupunan. Gumagawa talaga ang anak amin nang paraan para iparamdam palagi sa akin na nandyan siya...na kasama ko siya.
"Ang cute ni Daddy...mo?" tanong ko sa kanya habang nakahawak ako sa aking sinapupunan.
Pakiramdam ko tuloy ay siya ang mas gusto sa mga oras na gusto kong titigan si Hob, may mga oras kasi na gusto ko lang siyang makita. Pag nakita ko na ay pwede na ulit siyang umalis sa harapan ko.
Napaiktad ako sa gulat nang marinig ko ang pagtikhim ni Tatay mula sa aking likuran. Mas lalo akong nakaramdam nang hiya dahil silang dalawa pala ni Nanay ang nakatingin sa akin.
"Ma-magandang umaga po," bati ko sa kanialng dalawa at mabilis na lumapit sa kanila para humalik.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" malambing kaagad na tanong ni Nanay sa akin kahit iba ang tingin niya kanina nang abutan niya akong nakatingin kay Hob.
"Ayos naman po kami ni Baby, Nay..." sagot ko sa kanya.
Isinama ko ang Baby ko sa sagot para mas lalo siyang manlambot at hindi na isipin ang nakita niya kanina.
Pinagtaaasan niya ako ng kilay at ngumisi naman si Tatay.
"Ginamit mo pa ang Apo namin para hindi kita mapagalitan, Alihilani..." sita niya sa akin.
Napanguso ako bago akko matamis na ngumiti at muling yumakap sa kanya.
"Bakit niyo naman po ako papagalitan, Nay?" paglalambing na tanong ko kaya naman natawa na siya.
"Kita mo 'tong anak mo, Aranaldo? Marunong maglambing pag takot mapagalitan," sabi niya kay Tatay bago sila na tawa.
Mas lalo kong hinigpitan ang yakap kay Nanay. Double ang saya na nararamdaman ko sa tuwing naririnig ko ang tawa niya dahil kay Tatay. Masaya ako na buo na ulit kami, pero may parte sa akin na nasasaktan din dahil nasira ang pamilya nila ni Atheena. Kahit pa alam kong hindi ko naman totoong kapatid si Ahtisia ay iba pa din naman dahil ang alam ng lahat ay sila ang totoong pamilya.
Sumali si Tatay sa yakapan, "Mukhang alam ko na kung sino ang kamukha ng apo natin," nakangising sabi niya kay Nanay.
"Mas gusto kong kamukha ni Alihilani," laban ni Nanay.
"Kung babae...kung lalaki ay pwedeng si Hob na at gwapong bata naman," sagot ni Tatay sa kanya.
"Tapos sa susunod na lang yung babae at kamukha naman ni Alihilani," dugtong pa ni Tatay kaya naman napahiwalay si Nanay sa aming yakap.
"Anong ibig mong sabihin? May pangalawa pa?" gulat na tanong niya.
Tumawa si Tatay. Namanhid naman kaagad ang pisngi ko dahil sa narinig.
"Hindi pa nga naipapanganak ang una nating apo ay nasa pangalawa ka na. Alam mo ba kung gaano kahirap ang manganak?" sermon ni Nanay kay Tatay.
Napakamot na lang tuloy si Tatay sa kanyang batok at mabilis na sumunod kay Nanay pabalik sa may kusina para magpaliwanag dito.
Nakangiti ako habang sinusundan nang tingin ang aking mga magulang. Kung minsan ay parang bumabalik sila sa pagka-dalaga't binata kung magsuyuan.
Bumalik ang tingin ko kay Hob na ngayon ay nagising na. Kita kong hirap na hirap ito sa kung paanong bangon ang gagawin niya. Mukhang inaantok pa pero pilit nang bumabangon.
Imbes na panuorin pa ang pagbangon niya at maging siya ay mahuli din akong nakatingin sa kanya ay dumiretso na din ako sa may kusina para tumulong.
Niluto ni Nanay ang lahat ng paborito ko para sa aming agahan. Nasa kalagitnaan kami nang pag-uuusap nang pumasok si Hob sa may kusina. Nakangiwi ito habang nakahawak sa kanyang likuran.
Nagulat pa siya nang makita niyang kumpleto na kami sa loob kaya naman napa-ayos siya nang tayo at umakto na para bang walang nararamdamang sakit ng katawan.
"Good morning po...Nay, Tay."
Tumikhim si Nanay dahil dito, nagtaas lang ng kilay si Tatay, wala naman akong nagawa kundi ang mapanguso na lang. Babalik na sana ako sa ginagawa ko nang maramdaman ko ang presencya niya sa aking likuran.
Halos mapasinghap nanaman ako nang maramdaman ko ang mainit niyang palad na gumapang mula sa aking likuran, sa bewang, hanggang sa mapunta nanaman ito sa aking sinapupunan.
"Good morning, Miss..." sabi niya sa akin.
Nilingon ko siya at pinandiltan ng mata. Siniko ko pa nang hindi niya kaagad nakuha ang gusto kong iparating sa kanya.
"Kumain na tayo," anunsyo ni Tatay kaya naman ako na mismo ang nagtanggal nang hawak ni Hob sa akin.
Ramdam ko ang tingin niya sa akin habang naghahanda kami para sa pagkain. Isang beses ko siyang sinulyapan pero pumungay pa ang mga mata nito na para bang may hinihintay pa siya mula sa akin.
Kumunot ang noo ko at sinimangutan na lang siya. Baka kailangan nila lang kumain.
"Masarap ito kung naka kamay," sabi ni Tatay na mabilis kong tinanguan.
Naghugas kami ng kamay na dalawa, parang kagaya noong dati na pag nagkakamay siya sa pagkain ay ganoon din ang ginagawa ko. Si Nanay lang ang bihira gawin iyon dahil matapos kumain noon ay hahawak siya ng tela ng mga damit na ginagawa niya kaya naman ayaw niyang maiwan ang amot ng ulam sa kanyang kamay.
"Gusto mo ding subukang magkamay?" tanong ni Tatay kay Hob.
Nilingon ko si Hob, mabilis siyang tumayo at nagtungo din sa may lababo para maghugas.
Pagkabalik niya ay nagsimula na din kaming kumain. Mas lalong sumarap ang tuyo, sinangag, itlog na may maraming sibuyas, may longganisa din, kamatis, at sawsawang suka na maraming bawang.
Nilingon ko si Hob para tingnan siya, napaawang ang bibig ko ng makita kong parang buhangin niya kung dakutin ang kanin at isinubo iyon sa kanya.
"Ga-ganito oh," turo ko sa kanya.
Ipinakita ko sa kanya kung paano ang tama at malinis na paraan. Maging ang buong palad ata niya ay may kanin na.
Itinaas ko sa harapan niya ang pagkain sa aking kamay. Tumingin din siya doon hanggang sa manlaki ang mata ko nang ilapit niya sa kanyang bibig ang kamay ko at isinubo iyon.
"Hob!" suway ko sa kanya.
Na-ubo na lang si Tatay at napa-inom ng kanyang kape.
"Pag hindi marunong magkamay...mag-kutsara, hindi naman pinipilit na bumagay ka sa amin," seryosong sabi ni Nanay sa kanya.
"Gusto ko pong matutunan, Nay..." nakangiting sagot ni Hob dito.
Hindi na lang umimik pa si Nanay. Kita ko naman kay Hob ang effort niya para lang matutunan ang simpleng pamumuhay na meron kami. Hindi ata naranasan ni Hob na maghirap sa talang buhay niya. Kitang kita naman dahil sa yaman ng pamilya nila.
Matapos ang almusal ay pagsisibak naman nang kahoy sa likod bahay ang inatupag nila ni Tatay. Pareho silang walang suot na pang-itaas, ipinasuot ni Tatay kay Hob ang lumang pantalon na ginupit hanggang sa tuhod.
Mas matangkad si Hob sa kanya kaya naman mas lalong umiksi iyon nang suotin niya.
"Anong pinapanuod mo diyan, Alihilani?" tanong ni Nanay sa akin.
"Ang mga kahoy po, Nay."
Pinanlakihan niya ako ng mata. Tumabi siya sa akin at kagaya ko ay pinanuod ang ginagawa ni Tatay.
"Pangarap din namin ng Tatay mo noon na sundan ka ng anak na lalaki," kwento ni Nanay sa akin.
Tumahimik lang ako at hinayaan siyang magkwento.
"Pero ang hirap ng buhay. Kaya ang sabi namin mag-iipon na muna...pag nakaluwag luwag na, susubok ulit."
Nakita ko ang pag nguso ni Nanay. "Si Hob mayaman, baka taon taon kang buntis niyan, Alihilani. Walang problema sa akin ang madaming apo...iniisip ko lang ang panganganak mo," sabi niya kaya naman halos sumabog ang mukha ko dahil sa init.
"Nay..." nahihiyang suway ko sa kanya.
"Gwapo naman talaga ang batang iyan. Mabait pa...konti," natawang sabi niya pa.
"Gusto ko si Hob para sayo. Pero hindi mo din maaalis sa akin isipin ang ginawa niyang pagpapalayas sayo sa Manila nang dahil lang sa may nagustuhan siya noong ibang babae..." sabi pa ni Nanay sa akin.
Hindi ko din alam kugn dapat ko pang sabihin sa kanya ang totoong scenario nang nakita ni Hob sa manila kaya siya nagalit sa akin.
"Sobrang sikip sa dibdib sa tuwing iniisip ko kung paano ka niya itinaboy...paano ka umiyak dahil hindi ka na mahal," dugtong pa ni Nanay habang ang kanyang mga mata ay nasa dalawa pa rin.
"Pero kung annong magiging desisyon mo, para sa sarili mo at para sa apo ko...susuportahan kita, Anak." paninigurado niya sa akin.
Hapon nang magdesisyon kami ni Hob na dalawin ang aming mga kaibigan. Nasabi na din kasi niya kay Eroz na nandito na ulit kami sa Sta. Maria.
"Kamusta na ang likod mo?" tanong ko habang papasok ang raptor niya sa rice nill factory ni Eroz.
"Macho pa din," nakangising sagot niya sa akin kaya naman inirapan ko siya.
Ngumisi siya bago niya inayos angpagkaka-park ng sasakyan.
"Masasanay din ako sa upuan niyo. Pero mas maganda siguro kung pwede akong tumabi sayo..."
Itinaas ko ang kamao ko sa harapan niya. "Gusto mo 'to?" tanong ko sa kanya kaya naman mariin siyang napapikit habang nakangiti.
"Damn...walang wala ang isang suntok kung makakatabi naman kita sa pagtulog," laban niya sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan pa.
"Nakakain ka nanaman ng mais, Jimenez." asik ko sa kanya bago ako naunang bumaba sa kanyang sasakyan.
Bago ko pa isara ang pintuan ng raptor ay narinig ko nanaman ang halakhak niya mula sa loob.
"Nandito na si Alice!" sigaw kaagad ni Junie kung saan kahit hindi ko pa naman siya nakikita.
Mauuna mo talagang mame-meet ang bunganga ni Junie bago siya magpakita sayo.
Patakbong lumabas si Ericka mula sa may pantry. Naging emosyonal ako ng lumapit siya sa akin at kaagad na yumakap.
"Na miss kita!" sabi niya sa akin.
Ginantihan ko ang yakap niya sa akin hanggang sa isa isa na silang nagpakita sa akin. Lumapit si Junie sa amin at malaki ang ngiti habang hinihintay na maka-yakap din.
"Wag kang bibitiw ng yakap...ayokong yakapin ni Junie," sabi ko kay Ericka kaya naman natawa siya.
"Ang kapal mo naman. Ikaw ba ang yayakapin ko?" asik ni Junie sa akin kaya naman kaagad ko siyang sinamaan ng tingin at nagumpisa nanaman ang away naming dalawa.
"Na miss kita! Ang tagal walang white lady doon sa daan pauwi," pang-aasar pa niya sa akin.
"Ganoon talaga pag ganya ang mukha ng nuno sa punso," turo ko sa kanya.
Sa huli ay natapos ang asaran naming dalawa nang matawa na lang kami pareho. Hinayaan kong yakapin ako ni Junie dahil parang magkapatid na talaga kami. Wala naman iyong kaso kay Ericka dahil alam niya iyon.
"Ehem...tama na 'yan," suway ni Hob mula sa aming likuran.
Imbes na ako ang unang bumitaw sa yakap ay nauna pa ang lokong si Junie. Traydor!.
"Boss Hobbes!" nakangiting tawag niya dito na para bang excited siyang makita ito kahit ako naman ang kaibigan niya sa aming dalawa.
Ngumiti at tumango si Eroz sa akin, una kong nakita ang tingin niya sa sinapupunan ko bago niya nilingon ang pinsang si Hob.
Lumapit sa akin ang nakangusong si Gertie. Hindi ko pa din talaga maiwasang mangiti sa tuwing nakikita ko siya. Kung hindi ko lang alam na anak niya si Gianneri ay iisipin kong magkapatid sila at si Eroz ang Lolo nila.
"We missed you so much talaga, Alice."
Napa-irap ako sa kawalan nang marinig ko nanaman ang mga salita niya.
"Eroz told me na your pregnant na din. I'm so happy for you, sana maging playmate talaga sila nila Gianneri, si Jacobus, at ang Baby mo..." sabi pa niya sa akin habang nakatingin sa sinapupunan kong hindi pa naman ganoon ka-kalakihan.
Hinawakan nila ni Ericka ang tiyan ko na para bang hindi pa nila nararanasan na lumaki ang sa kanila.
"Kamusta na nga pala si Vera? Pupuntahan ko siya mamaya," sabi ko kay Gertie. Miss ko na din ang isang iyon.
Biglang nawala ang sigla sa mukha niya. "Wala na sa house si Ate Vera. Nagtatampo nga kami ni Gianneri sa kanya because she left us," malungkot na kwento niya.
"Nasaan na siya?" tanong ko. Bigla akong nalungkot nang malaman kong wala dito ang aking kaibigan.
Hindi nakapagsalita si Gertie kaya naman tumingin ako kay Ericka.
"Medyo naging magulo kasi dito..." sabi niya.
"We don't know kung nasa abroad ba siya or baka nasa Manila lang? Hindi siya nag-inform sa amin," kwento pa ni Gertie.
Napabuntong hininga ako at kaagad siyang hinila para yakapin.
"Baka nagbakasyon lang si Vera at hindi ka sinama dahil maingay ka," pagpapagaan ko ng loob niya kahit ang totoo ay mabigat din sa dibdib na wala siya dito ngayon.
Hindi pa naman ganoon kaganda ang nangyari sa pagitan namin bago ako umalis ng Sta. Maria. Gusto ko pa naman sanang bumawi sa kanya.
"I miss her so much na..." sabi pa ni Gertie kaya naman humigpit ang yakap ko sa kanya.
Ilang message ang pinadala ko kay Vera para sabihing nandito na ulit ako sa Sta. Maria. Tumagal tuloy ang titig ko sa phone na gmit ko dahil sa kanya galing iyon. Hindi kailanman siya naging madamot sa akin, o sa kahit na sino.
Mahal ko si Vera at kung nasaan man siya ngayon, sana ay maayos lang siya.
Nagpahanda ng mirienda si Eroz para sa lahat. Buong akala ko ay makakalusot na kami sa usapan tungkol sa pagbubuntis ko nang si Junie mismo ang nagbukas ng usapin na iyon.
"Boto ako sayo, Boss Hobbes. Pero parang kapatid ko na si Alice..." pag-uumpisa niya. Nagulat kaming lahat nang hampasin niya ang lamesa.
Maging si Hob ay hindi nakapagsalita. "Kailan ang kasal?" tanong niya dito. Mabilis na sinang-ayunan ng mga kasama namin sa factory ang tanong na iyon.
"Junie!" suway ko sa kanya.
"Papakasalan ko si Alihilani kahit kailan...basta ay payag siya," seryosong sagot ni Hob kay Junie kahit kami ay natatawa dahil sa pagiging seryoso niya na hindi naman bagay sa kanya.
Siraulo din talaga ang Junie na ito.
Matapos ang sandaling katahimikan ay tumawa na lang din siya. "Naitanong ko lang naman, Boss Hobbes. Alam mo na, protective kasi kami masyado dito sa pinakamaganda naming white lady," puri ni Junie na may kasamang pang-aasar.
Tumalim ang tingin ko sa kanya pero hindi siya naapektuhan.
Mabilis na nakasundo ni Hob ang lahat. Magaling din talaga siyang makibagay kahit saan mo siya dalhin. Pansin ko ang panunuod nila sa amin sa tuwing maglalagay si Hob ng pagkain sa aking plato.
Ilang beses ding nagtagal ang kamay niya sa aking likuran bilang suporta kahit hindi naman kailangan.
Parang nakumpleto ulit ako dahil bukod sa nakabalik na ako sa Sta. Maria ay kasama ko na ulit ang mga kaibigan ko na parte na ng aking pamilya.
"Kailan pupunta si Hunter dito?" tanong ni Eroz kay Hob.
Nagkibit balikat ito. "Malay ko..." tamad na sagot niya dito.
Nagtaas ng kilay si Eroz. Matapos kausapin si Hob ay napunta nanaman ang buong atensyon niya kay Gertie na wala nanaman ginawa kundi ang dumaldal kasama si Junie at ang ilang mga trabahador.
Nakikinig siya sa usapan ng mga ito kahit hindi naman siya kasali.
Mas lalo kong napansin na naging malapit si Tatay at Hob ng mga sumunod pang araw. Kung ano ano ang itinuro niya dito, gawing bukid man o kahit na sa mga kailangang ayusin sa loob ng bahay.
Isang tawag mula kay Hunter ang natanggap niya. Ramdam ko ang kaba sa aking dibdib pero nawala ang lahat ng iyon ng sabihin niya sa akin ang balita.
"May kasong kinakaharap si Atheena ngayon, tungkol sa mga investors na niliko niya."
Napaawang ang bibig ko. Nakita ko naman na hindi na nagulat si Tatay.
"Sinabihan ko na siya tungkol sa gawin niyang ganyan," si Tatay.
Muli kong naaalala yung project noon sa mall nila Hob. Bumagsak ang itinatayong poste dahil iba ang mga materyales na ginamit.
"Pero tuloy pa din ang kaso niya laban sa inyo ni Nanay. Pupunta si Hunter dito, may nakuha na din siyang abogado na hahawak sa kaso," sabi ni Hob sa amin.
Napabuntong hininga si Tatay. "Maraming salamat sa tulong niyo sa amin."
Gusto ko din sanang magpasalamat kay Hob pero hindi ko alam kung paano magsisimula.
"Wala pong kaso iyon, Tay. Pamilya po tayo dito...nagtutulungan po ang pamilya," sagot niya dito kaya naman napatingin ako sa kanya.
Ilang araw pa lang si Hob dito sa amin ay parang ang tagal na. Mabilis siyang bumagay sa buhay dito kahit pa iba ang klase ng pamumuhay na kinalakihan niya.
Naghanda kami para sa sinasabing meeting ni Hob kasama si Hunter. Napagpasyahan nilang sa labas ng Sta. Maria na lang magkita para naman hindi kami gaanong pansinin. Alam na ata sa buong Sta. Maria ang tungkol sa aming pamilya dahil na din kay Atheena.
Sa isang chinese restaurant namin kikitain si Hunter. Susunod din si Tatay dito. Wla pang ilang minuto kaming naghihintay kay Hunter ya kung ano anong pagkain na ang nasa harapan namin dahil sa mga order ni Hob.
"Uwian natin si Nanay ng ganito...magugustuhan niya 'to," sabi niya sa akin.
Hindi pa man ako nakakasagot sa kanya ay dumating na ang kanyang kapatid.
"Kumakain ka nanaman, Kuya."
Sinimangutan siya ni Hob. "Anong pakialam mo? Ikaw ba pagbabayarin ko?" tanong ni Hob dito kaya naman umirap din si Hunter at napailing na lang.
"Pero dahil late ka...ikaw ang magbabayad ng bill," pahabol pa niya bago bumalik sa pagkain.
Kinamusta kaagad ako ni Hunter pati na din ang pamangkin niya. Nakikita kong bukod sa mga lolo at lola niya ay mukhang magiging spoiled din siya sa Tito niya.
"Naka-usap ko na si Attorney Aves," pag-uumpisa ni Hunter.
Tumigil si Hob sa pagkain. "Masyadong busy si Tito. Paano mo napilit?" tanong ni Hob dito.
Hindi kaagad naka-sagot si Hunter. Kinuha niya ang chopstick at kukuha sana ng pagkain nang kaagad na tinapit ni Hob ang kamay niya.
"Para sa amin 'tong tatlo. Sa akin, sa asawa ko, at sa baby...aagawan mo pa?" tanong ni Hob sa kanya kaya naman walang nagawa si Hunter kundi bitawan ang chopstick.
"I asked Sovannah to help me," sagot niya kaya naman napangisi si Hob.
Ngumisi si Hob at nilingon ako. "Bully 'yon, palaging binubully si Hundson," kwento niya sa akin.
Tuwang tuwa siya habang hindi na mapinta ang mukha ng kapatid. Naglabas pa ng class picture nila nung highschool daw.
"Bakit nandyan kayo ni Piero?" tanong ko.
Higher year silang dalawa pero kasama sila sa class picture ng batch nila Hunter.
"Sumama lang kami kasi maraming may crush sa amin sa batch nila...ganyan talaga pag gwapo na, mabait pa."
Kaagad ko siyang inirapan. Hindi naman mapinta ang mukha ni Hunter kaya tumagal ang tingin ko sa class picture sa phone ni Hob. Galing iyon sa group chat nilang magpipinsan.
Nasa gilid lang ang magka-akbay na sina Hob at Piero. Halatang sumingit lang sa picture at ang lakas ng loob na tumabi sa principal. Nakita ko din ang naka-simangot na si Hunter, mahaba ang buhok niya at parang bao . Nandoon din sa picture si Isabella Gan na parang wala halos nagbago sa itsura ngayon.
"Ito si Sovannah..." turo ni Hob sa magandang babaeng naka-ngisi sa picture. Halatang may tinatawanan siya doon at hindi basta naka-ngiti lang.
Mahaba ang kanyang itim na buhok at may bangs din, kulay lila ang suot na headband. Chinita ito at maputi, parang babasaging manika na naka-display sa salaming estante.
"Daddy niya ang hahawak sa kaso ni Tatay," sabi pa ni Hob sa akin.
Mula sa class picture ay nalipat ang tingin ko kay Hunter na nakasimangot pa din hanggang ngayon.
"Tinatawanan niya yung buhok mo dito, di ba?" nakangising tanong ni Hob sa kanya.
Inirapan lang siya ni Hunter at hindi na nagsalita pa.
Natigil lamang iyon nang tumunog ang phone ni Hob. Matapos ang ilang sandaling pakikinig ay bahagyang tumaas ang boses niya.
"Saan?" tanong niya sa kausap.
Naging alerto kaagad si Hunter at tumayo din. Nakatingin lang siya sa Kuya niya na para bang may hinihintay lang na signal.
"Parking space," sabi ni Hob bago mabilis na tumakbo si Hunter palayo sa amin.
"Anong nangyari?" tanong ko kay Hob pero hindi siya makatingin sa akin.
"Hob..." tawag ko sa kanya.
"Si Tatay..." sabi niya na hindi ko na pinatapos.
"Alihilani!" tawag niya sa akin.
Hindi ko na siya pinansin pa at kaagad na tumakbo sa kung saan. Natagalan pa ako papunta sa parking space kung saan tumakbo si Hunter kanina.
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa ng makita ko ang scenario sa labas.
May dalawang lalaking nakahiga sa sahig at duguan. Sa entrance ng parking space ay ang nakahintong owner jeep ni Tatay. Base sa itsura nito ay mukhang papasok na siya.
Bumuhos ang luha sa aking mga mata ng makita ko ang nakalaylay niyang kamay sa may gilid. Hindi na din maayos ang pagkaka-upo niya at nakita ko ang pulang marka sa suot niyang puting tshirt.
"Tay!" sigaw na tawag ko sa kanya.
Mabilis akong tumakbo papunta doon pero mabilis na humarang sa akin ang mga tauhan ni Hob. Hindi nagtagal ay hinila niya ako at niyakap.
"Hob, ang tatay ko!" umiiyak na sumbong ko sa kanya.
Hindi siya nakapagsalita. Mahigpit niya lang akong niyakap hanggang sa marinig ko na ang pagdating ng pulis at ambulansya.
"Si Tatay..." umiiyak na sambit ko.
Nagpumiglas ako sa yakap niya para lapitan ang Tatay ko. Nandoon na ang mga sakay ng ambulasya para kuhanin siya. Kaagad kong inabot ang duguan niya kamay.
"Tay, gumising ka. Tay!" tawag ko sa kanya para sana gumising siya.
Nakapikit lamang siya, puno ng dugo ang suot na damit.
"Tay, wag na ulit..." pakiusap ko sa kanya.
Wag niya na ulit kaming iwan. Wag na ulit siyang umalis. Ayoko na ulit na masaktan kami ni Nanay.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro