Chapter 53
Gun
Mas lalong humigpit ang yakap ni Hob sa aking bewang pagkatapos kong sabihin iyon. Ramdam ko ang pag-alog ng katawan niya dahil sa pag-iyak. Ilang beses kong narinig ang bulong niya kung gaano siya nagsisisi sa nangyari.
"Wala ka sa plano ko..." umpisa ko. Pigil na pigil pa ang aking emosyon dahil kung hindi ay pipiyok ako ano mang-oras.
"Wala sa plano ko ang lahat ng ito. Gusto ko lang ng tahimik na buhay para sa amin ni Nanay. Pero dumating ka...ulit, nakita kita ulit."
Napasinghap si Hob habang naka luhod pa din sa aking harapan at nakayakap sa aking bewang.
"Alam kong sa oras na tanggapin kita...kailangan kong tanggapin na hindi ko makukuha ang tahimik na buhay na gusto ko dahil magka-iba ang mundong ginagalawan natin," dugtong ko pa.
"Natakot ako. Takot akong tanggapin ka noon...Hob," pag-amin ko sa kanya.
Hindi ko na din mapigilan ang pag-apaw ng aking emosyon. Bumalik ang lahat sa akin, lahat ng sakit, takot, pag-aalinlangan....at ang pagmamahal ko sa kanya.
"Takot ako pero tinanggap kita kasi mahal kita."
Humigpit lalo ang yakap niya sa akin at napa-singhap pa. "Damn, baby...please," paki-usap pa niya.
Pero hindi ako tumigil, hindi ko na kayang tumigil. Kailangan kong ipaintindi kay Hob kung saan nanggagaling ang nararamdaman ko, kung bakit hindi ko kayang patawrin siya kaagad.
"Ramdam ko na iba ang tingin sa akin ng ibang tao sa tuwing magkasama tayo. Naiintindihan ko kung iisipin nila na baka pera mo lang ang habol ko...hindi ko pinansin 'yon kasi hindi naman totoo. Pero nung ikaw yung nagparamdam sa akin na..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa pagpiyok.
"Hindi ko sinasadya, hindi ganoon ang tingin ko sa'yo," laban niya sa akin.
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi nang makita ko ang itsura ni Hob nang tingalain niya ako. Pulang pula ang kanyang mata at mukha dahil sa pag-iyak. Kita ko naman ang sinseridad na nagsisisi talaga siya.
"Nung ikaw yung nagparamdam sa akin na para bang kayang kaya mo akong bilhin ng pera mo...nasaktan ako, Hob."
"I'm sorry, I'm so sorry, Miss."
"Hindi ko sinabi sa'yo ang mga problema ko kasi ayokong madamay ka. Alam kong mali ako sa parteng naglihim ako sayo...ayoko lang na madamay ka," sabi ko pa habang tuloy tuloy ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Kahit ramdam ko ang panghihina niya ay kaagad siyang tumayo para pantayan ako at yakapin ng mahigpit. Halos isubsob niya ang mukha niya sa leeg ko.
"Mahal kita, Alihilani...Mahal na mahal kita," puno ng emosyon na sabi niya sa akin.
Mariin akong napapikit. Mahal ko din naman si Hob, hindi naman kailanman nawala iyon. Pero hangga't hindi pa ako naghihilom sa sugat ng nakaraan...paulit ulit lang naming proproblemahin ito. Paulit-ulit lang naming pag-aawayan.
Umayos ako nang tayo para iharap siya sa akin. Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil sa itsura ni Hob ngayon. Hindi ko din naman gusto na ganito siya, kahit naman galit ako sa kanya ay nag-aalala pa din ako para sa kanya.
Tiningala ko siya dahil sa tangkad niya. Itinaas ko ang kanang kamay ko para abutin ang pisngi niyang basa ngayon dahil sa luha.
"Kahit hindi tayo maayos ngayon...gusto kong malaman mo na masaya ako dahil ikaw ang ama ng baby ko. Hindi ko kailanman 'yon pagsisisihan," sabi ko sa kanya kaya naman mas lalong nalukot ang mukha ni Hob dahil sa pag-iyak.
Muli niya akong hinigit. Hindi na ako nakapalag pa ng magtagal ang halik niya sa aking noo.
"Ikaw 'yon, Alihilani...yung matagal ko nang hinihintay," marahang sabi niya sa akin tukoy sa pagkikita namin noon sa bar.
Matapos ang pag-uusap naming iyon ni Hob ay dumiretso na muna ako sa aking kwarto at nagkulong doon. Tuloy Tuloy ang pagtulo ng luha ko dahil kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
Nang magkaroon ng lakas ay sinubukan kong lumabas para kumuha ng gatas. Hindi naman pwedeng kalimutan ko ang makakatulong para sa baby ko.
Naabutan kong naka-upo si Hob sa may living room habang tamad na nanunuod ng tv. Mabilis siyang napatayo dahil sa paglabas ko.
"May kailangan kayo?" tanong niya sa akin. Ang tanong ay hindi lang para sa akin kundi sa baby na din namin.
Namamanhid ang buong katawan ko sa tuwing ipinapakita niya sa akin kung gaano niya katanggap ang anak namin. Wala akong nakitang pagsisisi sa kanya simula nang malaman niyang buntis ako.
Tinuro ko ang kusina bago ako nag-iwas ng tingin sa kanya. "M-magtitimpla ng gatas," sagot ko at mabilis siyang iniwan doon.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya nang maramdaman ko ang hawak niya sa aking siko na para bang inaalalayan niya ako sa paglalakad ko kahit hindi naman kailangan.
Mula sa mukha niya ay bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa akin.
"Kaya kong maglakad mag-isa, Hob."
"Sorry," marahang sabi niya bago niya ako binitawan.
Nakasunod siya sa akin hanggang sa may kusina. Bago pa man ako makalapit sa may kitchen counter ay nauna na siya sa akin.
"Ako na ang magtitimpla ng gatas niyo ni Baby," pagsingit niya.
Hindi na ako naka-imik pa dahil mabilis ang mga kilos niya na para bang alam na alam na niya ang gagawin. Tahimik ko siyang pinanuod, napanguso ako ng makita kong hindi man lang siya nag-abalang tansyahin ang gatas sa kutsara.
"T-tama na ang tatlo," suway ko sa kanya. Kung hahayaan ko ay baka mas marami pa siyang ilagay na gatas kesa sa tubig.
"Gawin nating limang scoop para mas healthy," sabi niya sa akin kaya naman napa-irap ako sa kawalan.
Nilapitan ko na siya at kaagad na inagaw ang baso. "A-ayos na ito sa amin," sabi ko at mabilis siyang tinalikuran para lagyan iyon ng mainit na tubig.
Naramdaman kong sumunod pa siya sa akin. "May gusto kang kainin? May gusto kang kaka-iba?" tanong niya pa kaya naman kumunot ang noo ko.
Itinaas niya ang phone niya at ipinakita sa akin yung binabasa niya. Tungkol iyon sa pagbubuntis.
"Wala, Hob."
Iiwan ko na sana siya sa may kusina pero nakasunod pa din siya sa akin.
"Sabihan mo kaagad ako kung meron...dito lang ako sa may sala," sabi niya sa akin kaya naman bumaba ang tingin ko sa sofa kung saan niya balak nanaman matulog.
"Umakyat ka na at doon sa condo mo matulog," sabi ko sa kanya.
Bayolenteng nag-taas baba ang kanyang adams apple habang naka tingin sa akin.
"Gusto ko dito, mas malapit ako sa inyo ng baby natin," sagot niya sa akin kaya naman hindi na ako naka-imik pa.
Tipid akong tumango, "Ikaw ang bahala," sabi ko sa kanya bago ako tuluyang pumasok sa aking kwarto.
Bago matulog ay nakatanggap pa ako ng tawag mula kila Nanay. Ramdam ko ang pag-aalala niya sa amin ng baby ko.
"Gusto kong umuwi ka na dito pero...mas mabuti kung diyan ka na muna," sabi niya sa akin kaya naman nakaramdam ako ng kaba.
"Ano pong nangyayari, Nay?" tanong ko sa kanya.
Sandaling naghari ang katahimikan sa kabilang linya bago siya muling nagsalita.
"Kumikilos na si Atheena, pinaghahanap na ng mga pinagkakautangan niya ang Tatay mo," sabi niya sa akin.
"Magbabayad po tayo, Nay. Tutulong po akong magbayad," paninigurado ko sa kanila. Kahit takot din ako ay gusto ko ding alisin ang takot nila.
Iniba ni Nanay ang topic matapos iyon para alisin ang alalahanin ko. Kahit naman naririnig kong nakakatawa pa din sila ni Tatay sa kabilang linya ay hindi pa rin maaalis sa akin ang pag-aalala ko para sa kanila.
Dahil sa nalaman ko ay kaagad kong ipinagpasalamat ang pagdating ni Hunter kinaumagahan. Naghalo-halo ang nararamdaman ko ng hindi lamang siya ang dumating sa condo ni Chelsea kundi ang kanilang mga magulang.
"Dinala niyo po ata ang buong mall, Tita," biro ni Chelsea kay Mrs. Jimenez.
Matamis itong ngumiti kay Chelsea bago siya muling ngumiti sa akin. Ramdam ko ang excitement nila at mukhang nag-enjoy talaga sila sa pamimili.
"Hija, tingnan mo ito," tawag ni Mr. Jimenez sa akin.
Halos mapa-awang ang bibig ko nang makita ko ang electric car pang bata.
"Hindi pa sure na lalaki, baka babae ang apo natin..." suway ni Mrs. Jimenez sa kanya.
Tumingin si Chelsea sa akin at nag ngiting aso. Maging siya ay nagugulat din sa mga magulang ni Hob.
Tahimik lang si Hob na nakahilig sa may kitchen counter. Ramdam ko din na kanina pa siya nakatingin dahil sa pagiging malapit namin ni Hunter.
"Malakas ang pakiramdam ko na lalaki," laban ni Mr. Jimenez.
"Sa tingin ko ay babae," laban ni Mrs. Jimenez at isinali pa si Chelsea maging si Thomas para may kakampi siya.
"Tama, Tita...babae po," pag-sangayon ni Chelsea.
Naka ngisi akong nilingon ni Hunter. "Lalaki sa akin," sabi niya kaya naman napanguso ako.
Yumuko ako ara tingnan ang sinapupunan ko, marahan kong hinawakan iyon. Babae man siya o lalaki, mahal na mahal ko siya.
Natigilan ang lahat nang magsalita si Hob. "Lalaki man o babae...mamahalin namin siya ni Alihilani," seryosong sabi niya.
Ngumisi si Thomas at nagkunwaring papalakpak nang kaagad siyang sinamaan ni Chelsea ng tingin kaya naman tumahimik.
Muling bumalik ang atensyon nila sa mga pinamiling gamit pang bata. Halos mapuno ang living room dahil sa mga paper bag, maging si Chelsea at Thomas tuloy ay nakigulo na kila Mr. Jimenez.
"Napag-usapan na namin ito ng Tatay mo," pag-uumpisa ni Hunter ng humiwalay kami sa kanila.
Isang beses kong sinulyapan si Hob na nanatiling nakahilig sa may kitchen counter habang nakatingin sa aming dalawa. Nang hindi niya kinaya ay tumalikod na lang siya sa amin at inabala ang sarili sa kung ano.
"Kung pera pang bayad sa utang ay wala naman sanang problema. Tutulungan namin kayo," sabi niya sa akin.
"S-salamat, Hunter."
"Pero may ibang pakay pa si Atheena kaya naman kahit bayaran ng double ang pinagkakautangan ng Tatay mo ay hindi sila titigil sa paghahanap dito."
"Nag-aalala ako para sa kanila ni Nanay. Mas gusto kong magkakasama na lang kaming tatlo," pag-amin ko sa kanya.
"Hindi mo kailangang alalahanin ang kaligtasan nila dahil dinoble ko naman ang nagbabantay sa kanila," sabi niya sa akin.
Hindi ko na rin alam kung paano ko papasalamatan si Hunter sa lahat ng ginawa at ginagawa niya para sa amin.
"Tumutulong na nga din pala si Kuya...kasama niya si Piero at may sarili na din silang grupo para sa mga banta sa buhay ng Tatay mo," sabi niya sa akin kaya naman muli kong sinulyapan si Hob.
Kanina pa siya umiinom ng kape. Dahil inaabala ang kanyang sarili ay hindi ko na tuloy alam kung ilang tasa ng kape na ang na-inom niya.
Tipid akong ngumiti bago ko hinarap si Hunter. "Sana balang araw mag-kaayos na din kayong dalawa," sabi ko sa kanya.
Kita kong na-apektuhan si Hunter doon dahil sa bahagyang pagbabago ng ekspresyon ng kanyang mukha. Alam ko naman na mahal niya ang Kuya niya kahit pa hindi maitatanggi na naging gago siya dahil inaagaw niya ang mga naging girlfriend nito.
"Ginawa ko iyon dahil alam kong hindi sila ang para sa Kuya ko," tipid na sabi niya sa akin.
Nag-iwas siya ng tingin na para bang hindi na niya kaya bang dagdagan ang impormasyon na iyon.
Sinigurado sa akin ni Hunter na wala akong kailangang alalahanin sa kaligtasan nina Nanay at Tatay. Nahanap na din nila kung sino ang traydor sa kanilang grupo kaya naman ma-ingat na ang bawat plano nila ngayon.
"Kung hindi kayang lapitan ni Atheena ang mga magulang mo...paniguradong ikaw ang pupuntahan niya. Hindi mo kailangang matakot dahil nandito naman kami ni Kuya para sa inyo ng pamangkin ko, alam na din ito ni Dad kaya mas malakas tayo kesa kay Atheena," sabi pa niya sa akin.
Tumaas ang balahibo ko sa batok hanggang sa braso dahil sa sinabi ni Hunter. Hindi ko kailanman inakala na magkakaroon ako ng mga taong kagaya nila na handang protektahan kami.
Magkakasamang umalis sina Hunter kasama ang kanyang mga magulang. Sandaling kinausap ni Mr. Jimenez si Hob bago din sila nag paalam.
"Sa susunod na araw darating yung mga gown na susuotin namin ni Alihilani para sa fashion ball," excited na sabi ni Chelsea matapos niyang makatanggap ng tawag.
Tumikhim si Hob. "Wag yung masyadong kita ang balat," seryosong sabi niya.
Nag-taas ng kilay si Chelsea sa kanya. "Walang humihingi ng opinyon mo, Jimenez. Ito ang uanng beses na makaka-attend si Alihilani ng fashion ball kaya hindi pwedeng basta lang..." sabi pa ni Chelsea.
Ramdam ko ang excitement niya para din sa akin.
"Sige subukan mo ako, Arachelli," banta ni Hob sa kanya.
Ngumisi si Thomas. "Baka si Hob ang magpakita ng balat doon," pang-aasar niya dito kaya naman mas lalo itong sumimangot.
Pinagtalunan pa nilang dalawa ang tungkol sa pag ta-trabaho ko. Wala namang nagawa pa si Hob ng ako na mismo ang nagsabi sa kanya na gusto kong ituloy ang trabaho ko.
Habang abala kaming dalawa ni Chelsea para sa magiging final meeting bukas ay nakita kong lumapit si Hob sa makina kung saan ko ginagawa ang mga damit para sa baby ko.
Titig na titig siya doon. Mas lalong lumiit ang damit dahil sa pagkakahawak niya.
"Daddy Hobbes," naka-ngising sambit ni Chelsea nang makita niya kung saan ako naka-tingin.
Tipid ko siyang nginitian at ibinalik na lang ang atensyon ko sa ginagawa namin. Alam kong magiging mabuting ama si Hob para sa baby namin.
"Order na lang tayo ng pagkain. Anong gusto niyong mirienda?" tanong ni Thomas.
"Tanong mo si Hob...para siya ang bumili," naka-ngising sabi ni Chelsea bago sila nagtawanan ni Thomas.
Napanguso ako. Gusto ko sanang sumabat na lahat naman ng pagkain ay kakainin ni Hob. Pakiramdam ko nga ay mamanahin pa ng baby namin ang pagiging matakaw ng Daddy niya dahil nitong mga nakaraang araw ay palagi din akong gutom.
"May kausap pa..." sabi ni Thomas kaya naman nilingon ko ang nakatayong si Hob sa tapat ng bintana.
Sa kanyang tindig at pagkakakunot ng kanyang noo ay halatang seryoso ang pinag-uusapan nila ng kanyang kausap sa phone.
Tumayo ako para pumunta sa kusina at kumuha ng maiinom. Para makarating doon ay kailangan kong dumaan sa kanyang likuran.
"Sasama ako kung ganoon, gusto kong makita," seryosong sabi niya at ramdam kong may galit.
Sandali pa siyang nakinig bago siya napamura nang may kung anong sinabi ang kausap.
"Hind ako aalis dito, Nandito ang asawa ko," sabi niya dito kaya naman uminit ang pisngi ko.
"Amputa ka din, Piero. Manahimik ka diyan," suway ni Hob sa kanya.
Dahil sa pananatili ko sa kanyang likuran ay napansin niya na ang presencya ko at nilingon ako. Nakita ko kaagad kung paano namula ang tenga niya at napahawak pa sa kanyang braso.
"Mamaya na tayo mag-usap," paalam niya kay Piero at mabilis na binaba ang tawag.
"Magtitimpla ka ng gatas?" tanong niya sa akin.
Iniwasan kong patulisin ang nguso ko kaya naman nagtaas ako ng kilay. "Uhm...tubig lang," sabi ko sa kanya, gusto ko sanang maging masungit pero nautal pa ako.
Gusto pa ata niya akong busugin ng gatas. Ang lalaking 'to.
Inunahan kaagad niya ako sa may kusina para kuhanan ng isang basong tubig. Hindi na ako tumanggi pa at tinanggap iyon para naman tapos na ang usapan.
"Pag may kailangan ka...kayo ni Baby, sabihin mo kaagad sa akin," sabi niya sa akin.
Pansin ko pang hindi siya maka-tingin ng maayos sa akin at hanggang ngayon ay namumula pa din ang tenga niya. Tipid lang akong tumango kay Hob at mahinang nagpasalamat bago ko siya tinalikuran.
Kahit nasa trabaho ang focus ko ay hindi ko pa din ma-iwasan na isipin ang tungkol sa grupo nila Hob kasama si Piero para tulungan si Tatay. Isa din sa dahilan kung bakit hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa problema ko ay dahil ayoko siyang madamay, ayoko siyang mapahamak.
"Mas mabuti sana kung nandito na lang si Alihilani at hindi na mag-trabaho," suwestyon ni Hob sa kalagitnaan ng aming pananahimik.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Gusto ko sana siyang simangutan pero nakita kong seryoso siya at mukhang desidido sa sinabi niya.
"Gusto ko ang trabaho ko," sabi ko nang hindi man lang siya tinitingnan.
Hindi naka-imik si Hob pero narinig ko ang pagod niyang pagbuntong hininga.
"Kung iyan ang gusto mo..." marahang sabi niya na hindi ko na pinansin pa.
Ramdam ko ang tingin ni Chelsea at Thomas sa akin pero hindi na sila nag-abala pang magsalita. Gabi na halos nang matapos namin ang pag-finalize para sa meeting bukas. Kagaya ng mga nakaraang gabi ay hindi natulog si Hob hangga't hindi niya na sisigurado na ayos na ang lahat ng aking kailangan.
Maaga kaming nag-ayos kinaumagahan. Pagkagising ko ay naabutan kong may mga pagkain na sa may dinning table. Maging si Chelsea ay hindi kaagad nakapagsalita. Si Hob at Thomas ang naghanda ng almusal para sa aming apat.
Napanguso na lamang ako nang makita ko ang tocino at kaagad na kumalam ang sikmura ko.
Walang suot na pang-itaas ang dalawa habang abala sa may dinning table. Hindi ako naka-galaw nang lumapit si Hob sa akin.
"Good morning," bati niya sa akin.
Napaawang ang bibig ko ng maramdaman ko ang kamay niya sa aking sinapupunan bago niya ako hinalikan sa ulo. Hindi din naman nagtagal iyon dahil alam naman niyang hindi ako kumportable sa pagiging malapit namin.
"Susunod ako sa meeting...may lalakarin lang," sagot niya kay Chelsea habang abala siya sa paglalagay ng pagkain sa aking plato.
"Kahit wag ka ng sumunod..." pang-aasar ni Chelsea sa kanya kaya naman kumunot ang noo ni Hob.
Ramdam ko ang tingin niya sa akin habang kumakain kami. Para bang hinihintay siya na may kailanganin ako at handa kaagad siyang ibigay sa akin kung anong hingin ko.
Maaga kaming nag-ayos ni Chelsea para pumasok sa trabaho.Si Thomas ang maghahatid sa amin dahil may ibang lakad si Hob. Wala naman akong pakialam sa mga lakad niya, hindi ko din naman pwedeng pakialaman ang parteng iyon. Nag-aalala lang ako na konektado iyon sa grupo nila ni Piero.
Hindi ko rin naman gusto..o kakayanin kung may mangyaring hindi maganda kay Hob.
"Susunod ako," pag-uulit niya kahit wala namang nagtatanong.
Sabay sabay kaming bumaba sa may parking space, inihatid niya muna kami papunta sa sasakyan ni Thomas imbes na umalis na din.
"Magdahan dahan ka!" asik niya kay Thomas.
"Wag kang mag-alala, iingatan namin ang mag-ina mo, Hob," sabi ni Chelsea sa kanya kaya naman ramdam na ramdam ko kung paano uminit ang pagkabilang pisngi ko.
Ni hindi ako makatingin sa kanya. Narinig ko pa ang tawa nina Chelsea at Thomas na para bang tuwang tuwa sila na malakas ang epekto ng sinabi niya sa aming dalawa.
Halos mamanhid ang buong katawan ko nang lumapit si Hob sa akin.
"Baka ma-miss ako ni Baby...susunod ako kaagad," sabi niya sa akin kaya naman napa-irap ako sa kawalan.
"H-hindi ka namain mami-miss," masungit na sabi ko sa kanya.
Nag-taas si Hob nang kilay dahil sa sinabi ko. Huli na din nang ma-realize na may mali doon kaya naman imbes na gumawa pa nang palusot ay mabilis na akong pumasok sa may backseat.
Abala ang lahat pagkadating namin sa office. Muli kong pinasadahan ng tingin ang mga designs ko. Hapon naka-schedule ang meeting kaya naman ilang oras bago ang nakatakdang oras ay handa na ang conference room.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Chelsea sa akin. Hindi ko na din mabilang kung ilang beses niya akong tinanong.
Ngumisi ako sa kanya. "Ayos pa rin," sagot ko dahil ganoon din naman ang sagot ko sa kanya kanina.
Ngumuso siya at bumaba ang tingin sa hawak niyang phone para magtipa.
"Kulit ni Jimenez," reklamo niya kaya naman napaawang ang bibig ko sa gulat ng malaman kong si Hob ang dahilan kung bakit maya't maya ako kinakamusta ni Chelsea.
"Hihingan ko siya nang pang-load, aba..." biro niya bago tumawa.
Nadagdagan ng kaba ang halo-halong nararamdaman ko nang unti-unting dumating ang mga importanteng tao na kasama sa meeting.
Napa-ayos ako ng upo nang dumating ang grupo nina Isabella. Taas noo siyang naglakad papasok sa conference room kasunod ang kanyang manager. Hindi ko na lang pinansin at nag-iwas na lang nang tingin.
Hindi nagtagal ay dumating na din si Mrs. Jimenez.
"Tita..." naka-ngiting tawag sa kanya ni Isabella.
Unti unting nawala ang ngiti nito dahil naka-ngiting lumapit si Mrs. Jimenez sa aking pwesto para tumabi sa akin.
"Hija..." tawag niya at bumeso pa.
Ramdam ko ang tingin ng lahat dahil sa scenariong iyon. Sa kanayang likuran ay ang tahamik na si Daena, medyo ilang pa siyang kausapin ako nung una.
"Congrats sa baby niyo," sabi niya sa akin.
"Salamat."
Sa katabing upuan ko pumwesto si Mrs. Jimenez kaya naman ramdam ko ang bigat nang tingin ng mga tao sa paligid. Nangunguna na diyan ang grupo ni Isabella.
"Mrs. Jimenez, Congratulations for the new member of your family," bati sa kanya ng isa sa mga investors.
Naramdaman ko ang hawak niya sa aking likuran. "Alihilani is carrying our grandchild..." pagpapakilala niya sa akin dito.
"With Hobbes?" tanong nang kausap.
Kaagad na tumango si Mrs. Jimenez. "With Hobbes," sagot niya dito.
Narinig ko ang bulungan sa gawi nina Isabella kaya naman mas lalong hindi ako nagkaroon ng lakas na tumingin sa kanila.
Ilang minuto nang nagsisimula ang meeting nang dumating si Hob. Nakuha kaagad niya ang atensyon ng lahat, matapos magtagpo ang tingin naming dalawa ay nag-iwas kaagad ako.
"Javier, saan ka ba nanggaling?" mahinang tanong ni Mrs. Jimenez sa kanya ng lumapit ito sa gawi ng kanyang ina para lang humalik dito.
"Trabaho po," tipid na sagot niya dito.
Matapos sa Mommy niya ay naramdaman ko ang paglipat niya sa aking gawi. Halos mamanhid nanaman ang buong katawan ko nang maramdaman ko muna ang kamay niyang humawak sa sinapupunan ko bago siya humilig at humalik sa aking ulo.
Tinapik siya ni Mrs. Jimenez sa braso. "Upo na doon," turo nito sa kabila side ng lamesa.
"Diyan dapat ako, Mommy," laban niya sa Mommy niya kaya naman mahina siyang hinampas nito sa braso.
"Nauna ako dito. Sana kasi maaga kang pumasok," laban nito kay Hob kaya naman halos hindi ko na magawang mag-react.
Bumalik sa katahimikan ang lahat ng tahimik na umupo si Hob sa kaharap naming upuan sa tabi ni Daena. Nasa projector ang buong atensyon ko pero may kung anong nagsasabi sa akin na gusto kong makita si Hob...gusto ko siyang tingnan.
Tahimik siyang nakatingin sa harapan habang nakapatong ang kanang siko sa may armrest at pinaglalaruan ng kanyang mga daliri ang pang-ibabang labi.
Nagtagal ang panunuod ko sa kanya kaya nama hindi na ako masyadong nagulat nang mahuli niyang nakatingin ako sa kanya. Nilabanan niya ang tingin ko hanggang sa kumunot ang noo ko nang bumaba ang tingin ko sa likod ng kanyang palad, Namumula iyon at parang may sugat pa...parang may sinuntok siyang kung sino o baka isang bagay.
Napansin niya na nandoon na ang atensyon ko kaya naman pasimple niyang ibinaba ang kanyang kamay para itago iyon sa akin.
Tipid siyang ngumiti sa akin na para bang gusto niyang sabihin na wala lang iyon at wala akong dapat na ipag-alala.
Late na din natapos ang meeting bago na-finalize ang lahat. Wala na akong narinig pang kung anong reklamo mula sa kampo nila Isabella tungkol sa design ko.
"Hihiramin muna namin si Alihilani, sa labas na kami magdi-dinner," paalam ni Mrs. Jimenez kay Chelsea.
Hindi din namin makakasama si Daena dahil may iba pa itong lakad. Sa huli ay kaming tatlo kasama si Hob ang nagpunta sa isang mamahaling hotel restaurant.
"Pag wala kang nagustuhan...lilipat kaagad tayo," paninigurado niya sa akin.
"P-po...ayos lang po dito," magulong sagot ko sa kanya.
Tipid siyang ngumiti sa akin. Nilingon ko si Hob para sana humingi ng tulong pero tumaas lang ang isang gilid ng kanyang labi na para bang susuportahan niya ang Mommy niya sa oras nga na wala akong magustuhang pagkain dito.
Mukha namang masasarap ang mga iyon pero masyadong mahal ang presyo.
"Javier, you should invite your brother," sabi ni Mrs. Jimenez sa kanya.
"He's busy," mabilis na sagot ni Hob.
Hindi siya pinakinggan ni Mrs. Jimenez at kaagad niyang kinuha ang phone niya para daw tawagan si Hunter. Wala pang ilang segundo ay sinagot kaagad ni Hunter ang tawag.
"Yes please, we'll wait for you here, Hundson."
Kita ko ang saya sa mukha ni Mrs. Jimenez at excitement dahil makakasama namin si Hunter sa dinner ngayon.
Habang abala silang dalawa ni Hob na sabihin ang mga order namin ay inilibot ko ang aking paningin sa buong hotel restaurant. Natigilan ako ng makita ko si Ahtisia, hindi naman ako nagdalawang isip na siya iyon dahil kilala ko naman ang kapatid ko.
Kumunot ang noo ko nang mapansin kong kakaiba ang kilos niya habang naglalakad palayo. Sa laki ng bawat hakbang niya ay para bang may humahabol sa kanya.
Nawala ang atensyon ko sa paglayo ni Ahtisia nang tumunog ang phone ni Mrs. Jimenez. Mas lalo akong napa-isip nang malaman kong si Hunter ang tumawag para sabihing may importante siyang lakad at hindi siya makakasunod sa amin.
Wala pa mang ilang minuto ay nagulat at nagkagulo ang lahat nang makarinig kami nang sunod-sunod na putok ng baril kung saan.
Mabilis na tumayo si Hob at hinila kami ni Mrs. Jimenez patayo at naglakad palayo doon. May lumapit na tatlong lalaki sa amin na mukhang kilala naman ni Hob.
"Sa west wing exit, Sir Hobbes," rinig kong sabi ng isa.
"Check that out," seryosong sabi ni Hob.
Ramdam ko ang pagpoprotekta niya sa amin ng Mommy niya sa klase ng hawak niya sa amin. Para bang handa siyang iharang ang sarili niya para lang masigurado niyang hindi kami masasaktan.
"Javier, anong nangyayari?" nag-aalalang tanong ni Mrs. Jimenez.
Dahil sa pagiging seryoso ay hindi na nagawa pang sagutin ni Hob iyon. Tuloy tuloy ang lakad namin papunta sa west wing kung saan may exit diretso sa may parking space.
"Sir, hindi po galing sa grupo natin ang mga putok ng baril," sabi nung isang lalaki sa kanya.
Bigla kong naalala si Ahtisia, ang kakaibang kilos niya at ang biglaang lakad daw ni Hunter.
Pinapasok kaagad kami ni Hob sa kanyang sasakyan, nauna si Mrs. Jimenez sa loob pero hindi kaagad ako sumunod. Nagulat ako nang makita kong may inabot na baril sa kanya ang lalaking mukhang tauhan niya.
"Sumunod kayo sa amin hanggang sa maka-uwi kami. Kakausapin ko kayo pagkatapos," sabi ni Hob dito kaya naman mas lalo akong kinabahan.
Mula sa pagiging matigas ng kanyang mukha ay mabilis iyong lumambot ng mapansin niyang nakita ko ang lahat ng iyon.
"N-natatakot ako, Hob..." sumbong ko sa kanya.
Takot ako hindi lang para sa kaligtasan ng mga magulang ko, ng baby ko, maging sa pamilya din niya, sa mga kaibigan ko, kay Hunter, at lalo na sa kanya.
Pumungay ang kanyang mga mata nang lumapit siya sa akin. Hinapit niya ako sa aking bewang.
"Hangga't nandito ako, walang pwedeng manakit sayo...at sa anak natin," paninigurado niya sa akin.
Humigpit ang pagkakahapit niya sa aking bewang. "Patayin muna nila ako bago nila magawa 'yon."
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro