Chapter 48
Grant
(Flashback continuation)
Sandali pa kaming nanatili sa loob ng kanyang sasakyan para ubusin ang kape naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit kahit ngayon ko lang siya nakita ay kumportable kaagad ako sa kanya.
Hindi ako takot sa kanya na para bang pakiramdam ko ay ligtas ako dahil siya ang kasama ko. Masyado ko atang ibingay sa kanya ang tiwala ko kahit hindi ko pa naman siya gaanong kilala. Minsan kasi ay mararamdam ko din talaga iyon sa isang tao.
Sabay kaming nag lakad pabalik sa bar. Ramdam ko ang suporta nang kamay niya sa aking likuran kahit pa hindi niya iyon gaanong idinidikit sa akin. Binibigyan pa din niya ako nang privacy kaya naman mas hinangaan ko siya.
"Hobbes," tawag sa kanya ng isang kakilala.
"Uhm...una na ako," paalam ko sa kanya.
Tatalikuran ko na sana siya nang kaagad niya akong hinawakan sa palapulsuhan ko.
"Susunod kaagad ako...wait for me," marahang sabi niya sa akin kaya naman bahagyang tumulis ang nguso ko.
At bakit ko naman siya kailangang hintayin?
Tumango na lang ako para bitawan niya na ako at makapasok na ulit ako sa loob. Hindi kagaya kanina ay mas ma-ingay ngayon at mas dumami ang tao sa loob. Nagkaproblema ulit ako sa paghahanap kay Ahtisia kaya naman kahit gusto kong bumalik sa pwesto ko kanina ay hindi ko magawa dahil marami na ding tao doon.
"Nasaan ka nanaman?" tanong ko sa kanya sa kawalan.
Sinubukan ko maging sa may dance floor kahit sobrang nagkakagulo na ang mga tao doon. Napahinto ako nang makita kong nakayakap siya sa isang lalaki at halos maghalikan na silang dalawa.
Napatakip ako sa aking bibig nang gawin nga nila iyon at halos ang kapatid kong si Ahtisia ang nagsimula nang halik. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba sila o ano hanggang sa nilingon ko ang entrance at nakita si Hobbes na matalim ang tingin sa dalawa.
Kita ko ang galit sa kanyang mukha. Sa sobrang galit ay parang kaya niyang suntukin kung sino man ang haharang sa kanyang harapan. Sinubukan kong maglakad para makalapit sa kanya pero huli na ang lahat dahil galit siyang lumabas at umalis.
"H-hob!" tawag ko pa sana sa kanya pero walang wala ang sigaw kong iyon sa ingay sa paligid.
Hindi ko na ulit siya nakita pagkatapos non. Alam ko naman iyon una pa lang pero hindi ko din alam kung bakit ang bigat sa dibdib na iyon ang una at huli naming pagkikita.
"Sinasabi ko na sayo. Mapapagalitan tayong dalawa neto..." pamomorblema ko.
Halos sikatan na kami nang araw. Lasing na lasing si Ahtisia na kailangan pang buhatin nang mga body guard niya papasok sa sasakyan.
Napasapo na lamang ako sa aking noo. Sa mga panahong ito ay dapat napupuyat kami dahil sa pag-aaral at hindi sa ganito.
"Wag na lang po sanang malaman ni Tita Atheena," pakiusap ko sana sa mga bodyguard niya.
"Pasencya na po, Ma'm. Alam na po ito ni Ma'm Atheena," sagot niya sa akin kaya naman mas lalo akong napasapo sa aking noo at pagod na tumingin sa kapatid kong mahimbing na ang tulog.
Hinayaan ko na lang din muna at nagpahinga na. Kahit madaling araw na akong nakatulog ay maaga pa din akong nagising kinabukasan. Wala akong sinayang na oras at pagkatapos kumain at maligo ay nag-review kaagad ako.
"Hindi niyo binabantayang mabuti. Mga wala kayong silbi!" asik ni Tita Atheena sa mga bodyguard ni Ahtisia.
Tumayo ako yakap ang libro ko para sana salubungin siya dahil umaasa akong kasama niya si Tatay pero mag-isa lang siyang dumating.
"Magandang umaga po," alanganing bati ko.
Sumama lang ang tingin niya sa akin at umirap pa. "Walang maganda sa umaga," galit na sabi niya bago niya ako tinalikuran at umakyat sa taas para puntahan si Ahtisia.
Nakatitig lang ako sa hawak kong reviewer habang rinig na rinig ko ang sigaw ni Tita Atheena sa itaas. Naawa ako para kay Ahtisia dahil ramdam ko ang pressure na ibinibigay ni Tita Atheena sa kanya.
"Kailangan mong makapasok sa university na yon!" giit nito.
"Mommy hindi pa ako handa. I'm not prepared for the entrance exam," rinig kong sabi ni Ahtisia kaya naman mariin akong napapikit.
Gusto ko ding pumasa kasama nang kapatid ko. Gusto kong sabay kaming makapasok sa university kung saan nag-aral si Tatay at Tita. Mas magiging madali ang pag-aaral nang college dito sa Manila kung kasama ko siya sa isang university.
"Napaka bobo mo talagang bata ka! Lahat naman ibinibigay na namin sayo! Mag-aaral ka na lang Ahtisia...hindi mo pa magawa!" galit na sigaw ni Tita.
Napayakap ako nang mahigpit sa librong hawak ko nang marinig ko ang malakas na pagsara ng pinto.
"Alihilani!" tawag niya sa akin kaya naman mabilis ko siyang sinalubong.
"Hindi ba't sinabi ko sayong bantayan mo ang kapatid mo!"
"Tita kasi po..."
"Dahil ginusto mo din! Nandito ka para mag-aral...hindi kami maglalabas nang pera para sayo para lang mag-bar ka dito sa Manila," kastigo niya sa akin.
Gusto kong lumaban sa kanya at sabihin ang side ko. Pero naisip kong kabastusan iyon kung sasagot ako sa kanya kahit sa tingin ko naman ay may pinaghahawakan akong rason.
"Sorry po," paumanhin ko na lang.
"Turuan mo ang kapatid mo. Mag-aral kayo!" sigaw pa niya bago niya ako tinalikuran.
Pagod akong umakyat sa kwarto ni Ahtisia para dalhan siya nang makakain. Nakatulala lang ito habang naka-upo sa itaas ng kama.
"Kumain ka na. Mag-review na tayo pagkatapos," marahang sabi ko sa kanya.
"Hindi ako handa sa entrance exam..." pag-amin niya.
Napabuntong hininga ako. "Kaya pa yan. Ilang araw pa...tutulungan kita," sabi ko sa kanya.
Hindi na siya nakapagsalita pa. Habang abala si Ahtisia sa pag-aayos nang kanyang sarili ay ginawan ko din siya ng reviewer na kagaya ng sa akin.
Inilaan namin ang buong araw sa pag-aaral hanggang sa ma-isipan naming magpahinga muna.
"Nawala ka kagabi," sabi niya sa akin kaya naman muli kong naalala si Hob kahit pilit ko siyang hindi iniisip ngayong araw dahil kailangan kong mag-focus.
Nagtaas siya nang kilay dahil sa aking pananahimik.
"May nakilala ka?" tanong niya sa akin. Inusod pa niya ang upuan niya para lang makalapit sa akin.
Marahan akong tumango. Ngumisi siya sa akin at nag-taas pa nang kilay.
"Sino?"
"Uhm...Hobbes Jimenez," sagot ko kaya naman halos manlaki ang mata niya dahil sa aking sinabi.
"Hobbes Jimenez?" tanong niya. Sa paraan nang pagsabi niya ng pangalan na iyon ay para bang bigla siyang lumutang sa ere.
Marahan akong tumango sa kanya at nag-iwas nang tingin.
"P-paano?" tanong niya at mas interisado siya ngayon.
Ikinwento ko sa kanya ang ilang pangyayaring natatandaan ko. Pero may nagsasabi sa aking dapat ay may mga tagpo ding pwede kong itago na kaming dalawa lang ni Hob ang nakaka-alam.
Wala akong narinig mula kay Ahtisia matapos kong ikwento sa kanya iyon. Mukhang naging maayos na din sila ni Tita nang sumunod na araw na pumunta ito.
"Sinabi niya sayo?" rinig kong pag-uusap nilang dalawa.
Sa tono nang pananalita nila ay mukhang seryosong bagay iyon. Madilim pa lang sa labas ay naghanda na kaagad ako para sa entrance exam namin ngayong araw. Sinigurado kong nasa kundisyon ang katawan ko para sa pagsusulit na ito.
Hindi kaagad pumayag si Nanay nang malaman niya ang tungkol dito. Pero nang makita niyang gusto ko talagang maging Engineer kagaya ni Tatay ay pumayag din siya. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito. Gagawin ko ang lahat para maging proud sina Nanay at Tatay sa akin. Hindi ko lang ito pangarap...para din ito sa mga magulang ko.
"Handa na kayo? Yung mga requirements niyo?" tanong ni Tita Atheena sa amin.
Yakap ko ang folder na naglalaman ng mga requirements ko. Unang araw pa lang namin dito sa Manila ay inayos ko na kaagad ang mga ito.
"Ang notice for admission niyo ang pinaka-importante sa lahat. Hindi kayo papapasukin kung hindi niyo dala," paalala pa niya sa amin.
Dahil sa sinabi niya ay muli kong sinigurado na nasa loob ng envelope ko iyon. Naghanda na sila para lumabas hanggang sa mapatigil ako nang makita kong kulang ang requirements ko at nawawala ang admission paper ko.
"Tita, sandali lang po..." pigil ko sa kanila.
"Bakit? Anong oras na."
"Sandali lang po..." naiiyak na sabi ko.
Mabilis akong umakyat sa kwarto para hanapin iyon. Inisa-isa ko ang mga reviwer at libro ko sa pag-asang makita ko ang nawawalang papel. Alam ko kung gaano ka-importante iyon kaya naman pigil na pigil ako sa pag-iyak.
Gusto kong umiyak pero mas nangingibabaw sa akin na mas kailangan kong lakasan ang loob ko para mahanap iyon.
"Kailangan niyo nang umalis, Alihilani. Mala-late na kayo," sabi niya sa akin.
"Tita, nawawala po yung admission paper ko," naiiyak na sabi ko sa kanya.
Kita ko ang gulat at pag-aalala sa mukha niya. Sinubukan pa niyang tulungan ako sa paghahanap hanggang sa pumasok na si Ahtisia.
"Kailangan ko nang umalis. Hindi na ako papapasukin kung late na ako," sabi niya sa amin.
Umayos nang tayo si Tita bilang pagsuko na din sa paghahanap ng papel. Mas lalong tumulo ang luha sa aking mga mata. Bigla akong nanghina, matagal ko nang pangarap ito. Hindi ko kayang mawala ito sa akin nang ganito kadali lang.
"Kailangan nang umalis ng kapatid mo, Alihilani. Hindi naman pwedeng dahil nawawala ang Admission paper mo ay hindi din siya tutuloy sa entrance exam," marahang sabi ni Tita Atheena.
"Tita, gusto ko pong mag-exam. Gusto ko pong mag-exam..." umiiyak na pakiusap ko sa kanya kahit alam kong wala naman siyang magagawa.
Sa huli ay mas lalong bumigat ang loob ko nang makita ko ang pagkadismaya ni Tatay dahil sa nangyari.
"Susubukan kong kausapin yung kilala kong..."
Hindi natuloy ni Tatay ang sasabihin niya nang tumawa nang pagak si Tita.
"Hahayaan mong pumasok si Alihilani doon dahil lang sa may kakilala ka? Na-isip mo ba kung anong pwedeng maging epekto nito sa atin?" giit niya kaya naman mas lalo akong nanghina. Wala na talagang pag-asa.
Matapos ang ilang araw ay lumabas na din ang result at naka-pasa si Ahtisia. Masaya ako para sa kapatid ko pero hindi ko pa din tanggap na hindi ko man lang nasubukan na makapasok din. Mas magaan sana sa loob kung hindi ako nakapasa dahil hindi umabot yung grade ko. Pero hindi ganoon yung nangyari...hindi ako naka-pasa dahil hindi ako nakapag-exam.
Umiiyak akong bumalik sa Bulacan. Sinalubong ako nang mahigpit na yakap ni Nanay. Wala akong nagawa kundi ang umiyak sa kanya dahil sa nangyari.
"Mag-iipon tayo. Pwede naman pumasok ka sa susunod na Sem. May iba pa namang university, Alihilani."
Nawala na din sa isip ko ang pag-iipon lalo na nang mas lalo naming kailanganin ang pera para sa mga gamot ni Nanay.
"Pwede naman kitang bigyan ng pera kahit hindi ka magtrabaho sa amin. Hindi na kayo iba sa amin," sabi ni Tita Elaine.
"Kaya ko naman pong maglinis. Mas gusto ko pong pinaghihirapan yung perang kinikita ko," sabi ko sa kanya.
Tipid siyang ngumiti sa akin at hinaplos pa ang buhok ko.
Nag sideline ako sa paglilinis nang resthouse nila. Kahit wala palaging tao dito dahil palagi silang nasa Manila ay napapanatili pa din naman ang kaayusan kaya naman halos kaunti lang ang kailangan kong linisin.
Marahan kong pinupunasan ang mga picture frame sa sala nila nang may mapansin akong pamilyar na mukha. Halos manlaki ang mata ko nang makita ko si Hob sa ilan sa mga litrato doon.
"Mag mirienda ka muna," sabi ni Tita Elaine sa akin.
Napansin niya ang titig ko sa hawak kong picture frame. Nandoon si Eroz at marami pa siyang mga kasama na kasing edad din niya halos.
"Mga pinsan yan nina Eroz at Xalaine," sabi niya sa akin.
Nanginginig pa yung kamay ko nang ituro ko sa kanya si Hob.
"I-ito po?" tanong ko.
"Si Hobbes, pinsan ni Eroz sa side ng mga Jimenez. Yung mga kamukha niya sa side ng Tito Axus mo," nakangiting sagot niya sa akin.
Niyaya ako ni Tita na magpahinga muna at kumakain kasama siya. Hindi pa din maalis ang isip ko kay Hob. Bigla akong nagkaroon nang pag-asa na magkikita kami dahil may koneksyon siya kila Eroz.
"Nakapunta na po ba dito yung mga pinsan ni Eroz?" tanong ko.
"Nakapunta na pero hindi siya nagtatagal. Minsan nga ay sinabihan kong dito magbakasyon, pero mas madalas sila sa ibang bansa," sagot niya sa akin.
Ang nakita kong pag-asa ay unti unting nawala. Naramdam ko ang agwat ng buhay namin ni Hob dahil na din sa nakita ko kung gaano karangya ang buhay nila.
"Sa susunod gusto mong sumama sa Manila? Pwede kang magbakasyon sa amin," yaya niya sa akin.
Tipid na lang akong ngumiti sa kanya at hindi na sumagot. May trabaho ako at nag-aaral pa. Wala akong karapatang magbakasyon dahil kailangan kong kumilos para magka-pera.
"May mga nobya na po ba sila?" diretsahang tanong ko. Hindi ko din alam kung saan ko kinukuha yung tapang.
Tumawa si Tita Elaine na para bang may naalala siya.
"Ma-sikreto na ang mga batang yan. Pero sa tingin ko ay meron na..." sagot niya sa akin na hindi ko naman ikinagulat pa.
Sa estado nila sa buhay at sa mga itsura nila ay impossibleng wala silang mga nobya.
"May natitipuhan ka ba?" nakangising pang-aasar niya sa akin.
"Ha? Wala po...natanong ko lang po," laban ko kaya naman lalo siyang ngumiti sa akin.
"Sabihin mo sa akin. Secret lang natin," panghihikayat niya.
Hindi ako sumagot. Pakiramdam ko ay wala akong karapatan na gustuhin ang isa man lang sa kanila. Wala akong karapatan na pangarapin ang bagay na hindi ko kayang abutin.
(End of Flashback)
Kita ko ang pagiging seryoso ni Hob pagkatapos kong sabihin iyon. Parang bigla siyang nawala sa sarili at nalunod na sa lalim nang kanyang iniisip.
"Alihilani si Grant. Grant si Alihilani," pagpapakilala ni Angelina sa amin.
Tinanggap ko ang kamay ni Grant. Isa daw siyang professional model sabi sa akin ni Chelsea. Halata naman dahil yung mga tipo niya yung palagi kong nakikita sa mga magazine at kahit sa mga tv commercial.
Pansin ko ang mas lalong pagtalim nang tingin ni Hob nang yumakap si Grant sa likuran ko dahil sa gustong position ni Angelina para sa amin.
"Ayos ka lang?" tanong ni Grant sa akin dahil sa pagiging malapit naming dalawa sa isa't isa.
"A-ayos lang..." kinakabahang sagot ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin kaya naman lumabas ang dimples niya. Sobrang puti din ng ngipin niya na para bang model siya sa isang toothpaste commercial.
"Isama mo ako, Angelina," rinig naming sabi ng isa pang lalaking model.
Narinig ko ang tawanan at kantyawan. Hindi ko masyadong makita dahil na din sa ilaw na nakatapat sa amin.
"Sa akin na," nakangising sabi ni Grant dito.
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi dahil dito hanggang sa matahimik kaming lahat dahil sa malakas na pag-ubo.
"Tubig si Mr. Jimenez," rinig kong sabi nung model na kausap niya kanina.
Hindi na lang namin siya pinansin at nakinig ako kay Angelina sa mga utos niya sa akin.
"Alam mo na ang gagawin, Grant. Ikaw pa ba?" pang-aasar nila dito.
Ngumisi ito kaya naman halos tumayo ang balahibo sa batok ko.
"Ayokong biglain si Ms. Alihilani," sabi niya.
"Uhm...ayos lang. Gawin mo yung dapat...wag mo akong isipin," natatarantang sabi ko sa kanya.
Ayoko naman na ma-apektuhan ang trabaho niya at ginagawa namin dahil lang sa iniisip niya ang sasabihin ko. Alam ko naman kahit papaano kung ano yung pinasok ko.
Ngumiti si Grant sa akin. "I like you..." bulong niya sa akin kaya naman halos mamanhid ang buong katawan ko.
"Bakit ganyan kadikit? Honeymoon ba yan?" galit na sabi nang kung sino.
Narinig pa namin ang ilang sagutan sa kung saan hanggang sa maging malinaw sa akin ang boses ni Chelsea.
"Magtigil ka nga diyan, Jimenez. Sisipain kita palabas."
Matapos iyon ay ilang beses kaming nakarinig nang pag-ubo. Panay naman ang suway sa kanya ni Chelsea pero nagkakasagutan lang sila sa huli.
"Ang galing mo, Alihilani. Parang hindi mo first time," puna ni Angelina sa akin.
"Ipasok niyo na siya sa agency," suwestyon ni Grant. Kahit tapos na ang photoshoot naming dalawa ay nakasunod pa din siya sa akin.
"Ayaw. Napilit ko nga lang yan," sagot ni Angelina sa kanya.
"Sayang yung ganda. Pero ayos lang...kung girlfriend ko to..." Si Grant.
"Manahimik nga diyan yung tapos na," pagpaparinig ni Hob na ikinangisi ni Angelina.
Humaba ang nguso ni Grant bago siya ngumiti sa akin. "See you sa after party?" tanong niya sa akin.
"Huh? Hindi ako pupunta," sabi ko kaagad.
Hinawakan ako ni Angelina sa balikat. "Sa condo ni Chelsea," sabi niya sa akin kaya naman napaawang ang aking bibig.
Ngumisi si Grant at kumindat pa sa akin bago siya humilig para humalik sa aking pisngi.
"Nice to meet you, Alihilani."
"Tangina..." malutong na mura ng kung sino.
Bago ako pagpalitin ni Chelsea ay panay ang picture namin sa phone niya.
"Pa-picture din...isesend ko kay Nanay," sabi ko at kaagad na inabot sa kanya ang phone ko na galing pa kay Vera.
Bigla ko tuloy siyang na miss. Miss ko na silang lahat sa Sta. Maria.
"Dito pa sa isang phone," sabi ni Chelsea.
Nagulat ako nang biglang madami na siyang hawak na phone at ang isa doon ay medyo pamilyar ako. Pare pareho naman ang mga phone ngayon kaya naman ipinagsawalang bahala ko na lang.
Ngumiti ako sa tuwing sinasabi niya sa akin. Matapos iyon ay nag-paalam na muna akong magpapalit na ng damit.
Hindi pinatanggal ni Chelsea ang make up ko at ang ayos nang aking buhok para daw sa party sa condo niya. Simpleng kainan lang iyon para daw sa success ng photoshoot.
Dress ang dala ko pamalit. Pagkalabas ko sa dressing room ay kaagad akong nagulat nang makita kong nasa labas si Hob at parang may hinihintay.
Hindi ko sana siya papansinin. Baka hinihintay niya yung model na kausap niya kanina. Ang landi talaga.
"Mag-usap tayo," sabi niya nang humarang siya sa daraanan ko.
Nilabanan ko ang tingin niya. Medyo mahirap sa parte ko lalo na't matangkas siya at halos nakatingala ako dahil na din sa lapit niya.
"Wala akong gustong sabihin sayo," giit ko.
Hindi niya ako pinakawalan. "Yung sinabi mo kanina..." marahang sabi niya sa akin.
Biglang parang nalunod nanaman siya sa lalim nang iniisip niya.
"Yung sinabi mo. Pamilyar sa akin..." sabi pa niya sa akin.
"Wala akong pakialam sa kung anong pamilyar sayo o hindi," laban ko at tangkang tatalikuran ulit siya nang hawakan niya na ang braso ko.
"Sa Sta. Maria ba talaga tayo unang nagkita?" tanong niya sa akin.
Nahigit ko ang aking hininga. Bigla akong nakaramdam nang kaba pero mabilis kong nilabanan.
Tumalim ang tingin ko sa kanya. "Sana nga hindi na lang," sabi ko kaya naman umigting ang panga niya.
Nakipagtitigan siya ng tingin sa akin hanggang sa unti unting humupa ang tensyon sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa pagkakahwak niya sa braso ko.
"Alihilani..." tawag niya sa akin. May gusto siyang idugtong pero hindi niya magawa.
"Kung wala ka nang sasabihin...pakawalan mo na ako," marahang sabi ko sa kanya.
Muling umigting ang panga niya. Dahan dahang humaplos ang kamay niya pababa sa braso ko.
Hindi ko na hinintay pa na magsalita pa siya at mabilis ko na siyang tinalikuran. Hindi ako humiwalay kay Chelsea pagkatapos nang tagpong iyon. Hindi ko hinayaan na mag-isa lang ako at makakuha si Hob nang pagkakataon na makausap ako.
"Ang galing mo Alihilani..." sabi ni Thomas sa akin.
Pagpapasalamat pa lang sana ako nang mabilis siyang mapa-ubo nang parang may sumuntok sa kanya o ano.
"Gago..." nakangising sambit niya.
Inabala ko ang sarili ko sa pag send ng mga lintrato kay Nanay. Sa tuwing nakikita ko ang itsura ko doon ay naninibago din ako. Parang hindi kasi ako at iba ang dating na may suot akong wedding gown.
Pangarap ko ding ikasal at lumakad papunta sa altar. Pero kung hindi iyon mangyayari ay ayos lang. Ang mahalaga ngayon ay ang baby ko at kasama ko na si Nanay at Tatay.
"Ms. Alihilani, pinapabigay po ni Sir Grant," sabi ng isang babae at kaagad na inabot sa akin ang bouquet nang bulaklak.
"S-salamat...nasaan siya?" tanong ko. Gusto ko ding magpasalamat ng personal.
"May appointment pa po siya after nito. Hahabol naman daw po siya sa after party," sagot niya sa akin.
"Sabi ko na pag na-expose tong si Alihilani mahaba ang pila," sabi ni Chelsea na kaagad sinang-ayunan ni Thomas.
Sandali akong sumulyap kay Hob pero matalim lang ang tingin nito sa kung saan.
"Panay nga ang tanong nung ibang male model. Sabi ko na lang may boyfriend kahit wala..." pagpaparinig ni Chelsea.
Mabilis na ngumisi si Thomas at napailing iling na lang. Bumaba ang tingin ko sa mga bulaklak. Masaya ako sa tuwing nakakatanggap ako ng ganito.
"Nahuli lang talaga yung offer ko. Pero mas blessing pa di naman si B..."
Mabilis siyang napahinto nang lingonin ko siya. Kita ko din ang gulat sa kanyang mukha.
"Blessing sino?" tanong ni Thomas.
Nilingon ko si Hob at nakita kong nasa kay Chelsea na din ang tingin niya.
"Gutom na ako...gutom na kayo?" pag-iiba niya kaagad ng topic.
Nilingon ako ni Thomas bago niya tiningnan si Hob na nakakunot na ngayon ang noo. Humigpit ang yakap ko sa bulaklak.
Hindi pwedeng malaman ni Hob ang tungkol sa Baby ko pero nasasaktan din naman ako para sa kanya. Hindi ko naman siya itatanggi kung may makaalam na buntis ako.
Dumiretso na kami sa condo ni Chelsea pagkatapos ng photoshoot para maghanda para sa magiging after party. Nag alok pa ako na magluto para sa kanila pero sinabi niyang oorder na lang muna at magpahinga na muna ako.
"Ikaw pala ang nagluto last time. Ang sarap! Ang galing mo," puna ni Angelina.
"Ang dami mo ngang nakain," pang-aasar ni Chelsea sa kanya.
"Si Sir Hobbes nga din. Hindi na kami lumayo sa lamesa," sabi ni Angelina at tinuro ang tahimik pa ding si Hob.
Ilang beses kong napapansin ang tingin niya sa akin pero hindi ko na lang pinansin.
Dumating ang mga inorder na pagkain ni Chelsea kaya naman tumayo kami para ayusin iyon sa mga dinning table.
"Wine, Alihilani?" alok ni Angelina sa akin.
"Hindi pwede!" sigaw ni Chelsea na ikinagulat ko din.
"At bakit hindi?"
"Basta!" giit ni Chelsea sa kanya habang abala sa pag-aayos ng mga pagkain.
"Uhm...hindi kasi ako umiinom ng alak," sabi ko sa kanya.
"Anong iinumin mo...Gatas? Para ka namang buntis niyan," nakangising sabi niya sa akin.
Napahinto ako, pero nagkagulo nang bumagsak ang hawak na wine glass ni Chelsea. Mabilis na tumayo si Thomas para daluhan ang girlfriend.
Habang nagkakagulo sila sa pagtulong kay Chelsea ay naramdaman ko ang presencya ni Hob sa likuran ko. Tumabi siya sa akin para tingnan ang mga pagkain na nasa may lamesa.
Kukuha sana siya ng isa sa mga pagkain nang bigla kong tinapik ang kamay niya. Nagulat siya dahil sa ginawa ko.
"W-wag mong kamayin at baka mapanis," masungit na sabi ko sa kanya.
Kita ko ang pagkabato niya. Sinamaan ko siya nang tingin at tinalikuran para ikuha siya ng platito at serving spoon na din para sa pagkain.
Wala sa sarili akong naglagay non sa platito para sa kanya.
"Ito..." sabi ko at inabot sa kanya iyon.
Nanatili ang tingin ni Hob sa akin pero mabilis akong nag-iwas nang tingin.
"Oh damn, I fucking miss you..." sambit niya at napabuntong hininga pa.
Hindi ko iyon pinansin kahit sobrang laki nang epekto sa akin.
Mahal ko si Hob. Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Pero hindi ko pa siya kayang tanggapin sa buhay ko. Hindi ko alam kung kaya ko pa ulit siyang tanggapin. Mas gusto ko nang tahimik na buhay para sa amin ng Baby ko.
Minsan pag natuto ka nang makuha yung peace of mind na hinahangad mo...gagawin mo ang lahat para pangalagaan ito.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro