Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40

(A/n) Merry Christmas! Sunday na siguro ang next update. I love you all! Keep safe and God bless! Love lots, Maria.
______________________


Surprise





Hindi ako naka-imik sa huling sinabi ni Hob tungkol sa akin. Hindi ko alam kung anong una kong dapat maramdaman. Gusto kong magalit sa kanya dahil sa pag-akusa niya, ngunit hindi din naman talaga ako maka-imik dahil sa panghihina.

Masyado akong naguguluhan. Hindi ko maintindihan kung saang parte ako naging katulad ng mga naging babae niyang niloko siya. Alam kong may kasalanan ako dahil naglilihim ako sa kanya. Pero ito lang din naman ang paraan ko para ma-protektahan siya.

"Hob, dahan dahan..." sita ko sa kanya.

Wala kaming imikan kahit pa nasa byahe. Ramdam ko ang galit niya at kita ko iyon sa pagmamaneho niya. Ilang beses siyang napapamura dahil sa mga kasama sa kalsada.

Hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy pa din ang pagmamaneho niya. Parang bigla akong namanhid, hindi ko nnapaghandaan ang parteng ito sa isang relasyon. Alam ko namang hindi lang puro saya ang mayroon dito, pero parang hindi ko kaya kung mag-aaway na kami ni Hob.

"P-pag-ayos ka na...pag-usapan natin," sabi ko sa kanya kagay ng palagi niyang sinasabi sa akin noon.

Nanatili ang matalim niyang tingin sa kalsada. Mahigpit din ang hawak niya sa manibela. Napa-iwas na lang ako ng tingin at nanahimik sa tabi. Hindi pa siya handang makinig kaya naman kahit anong sabihin ko ay paniguradong hindi niya maiintindihan.

"Good evening po, Sir Hobbes. Ang aga niyo po..." salubong sa amin ng isa sa mga kasambahay nila.

Mukhang matagal na iyon sa kanila dahil na din sa edad nito.

"Pasabi na lang po kay Mommy na nauna na kami dito kung sakaling tumawag," sabi niya dito.

Kaagad itong tumango kay Hob bago siya tumingin sa akin. Gustuhin ko mang ngitian siya ay hindi ko magawa.

Dumiretso si Hob sa second floor papaunta sa kanyang kwarto kaya naman sumunod ako. Kahit sa boses niya ay ramdam mo talaga kung galit siya o hindi.

"Mag-ayos ka na at matulog," walang emosyong sabi niya sa akin.

"S-sige..." sambit ko.

Lumapit ako sa mga bag kong nakalapag sa tabi ng kanyang sofa. Kumuha ako ng pamalit ko doon bago ako nagtungo sa may banyo. Nilingon ko si Hob bago tuluyanng pumasok, nakatayo siya sa harapan ng bintana, nakapamewang at abala sa kanyang phone.

Matapos kong makapag-ayos ay nagbiihis na din ako ng pantulog. Dumiretso ako pasampa sa kanyang kama. Mula sa pagkakaupo sa may sofa ay mabilis siyang tumayo para pumunta sa banyo.

"Hob..." tawag ko sa kanya.

Hindi ako sanay na masyado siyang tahimik at hindi ako pinapansin.

"Mauna ka ng matulog."

"I-ikaw?" tanong ko.

"May gagawin pa akong trabaho," sagot niya sa akin at kaagad akong tinalikuran para pumasok sa banyo.

Nagtagal ang tingin ko sa may pintong pinasukan niya, nakayakap ako sa aking mga tuhod habang naka-upo sa itaas ng kama. Mas lalo ko tuloy naramdaman ang lamig, mas lalo ko tuloy naramdaman na wala ako sa amin. Hindi ako nababagay dito.

Bumaba ako sa kama at lumapit sa malaking bintana. Bilog na bilog ang buwan pero kalahati lang ang nakikita mo, ang abilang bahagi ay natatakpan ng mga ulap. Kahit ganoon ay alam kong sa likod ng mga iyon ay buo pa din siya.

"Ayos lang ako..." sabi ko sa kanya at tipid na ngumiti kahit nag-init na ang gilid ng aking mga mata.

Sa tuwing titingin ako doon ay para bang kinakausap niya ako. Hindi ko siya naririnig pero alam kong kinakausap niya ako.

Nagtagal si Hob sa loob ng banyo kaya naman nakatulog na ako habang naghihintay sa kanya. Dahil na din sa pagod ay mahimbing ang tulog ko, masyadong malamig kaya naman binalot ko ng comforter ang aking sarili.

Nagising na lamang ako kinaumagahan na wala siya sa aking tabi. Wala din ang kanyang unan kaya naman napabangon kaagad ako at nakitang sa may sofa siya natulog.

Mas lalo kong naramdaman ang galit ni Hob at pag-iwas niya sa akin. Mas pinili niyang doon matulog kesa tumabi sa akin. Bumagsak ang aking magkabilang balikat, pagod kong inayos ang hinigaan ko bago ako tahimik na lumabas sa kanyang kwarto.

Mukhang tulog pa sina Tito at Tita dahil na din sa party kagabi. Rinig kong abala na din ang mga kasambahay sa may kusina.

"Good morning po," bati nila sa akin.

"Magandang umaga din..." bati ko pabalik.

Inalok nila ako ng kape na hindi ko naman tinanggihan dahil iyon naman talaga ang pakay ko kaya ako bumaba. Abala na ang iba sa kanila sa pagluluto ng almusal kaya naman ng sabihin nilang ipagtitimpla nila ako ay sinabi kong ako na lang ang gagawa ng kape ko para naman hindi na sila maabala.

"Saan kayo nagkakilala ni Sir Hobbes?" tanong nila sa akin.

"Sa Sta. Maria po, kaibigan ko si Eroz yung pinsan niya," sabi ko sa kanila na kaagad nilang tinanguan.

"Ah, si Sir Eroz..."

Lumabas ako sa may garden para doon uminom ng kape. Nakita ko ang magagarang halaman doon, halatang binili ang mga iyon at talagang pinili ang itsura para bumagay sa ganda ng lugar.

Tumunog ang phone ko dahil sa tawag ni Nanay. Hindi ako nagdalawang isip na sagutin iyon.

"Alam kong gising ka na..." bungad niya sa akin. Ramdam kong nakangiti siya sa kabilang linya.

"Nagkakape na po ako, Nay..." sabi ko sa kanya.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil narinig ko na ang boses niya.

"Kamusta ka na diyan? Marami ka na bang naipon na litrato mo?" excited na tanong niya sa akin.

May kung anong bumara sa lalamunan ko. Gusto kong magsabi kay Nanay tungkol sa problema namin ni Hob ngayon pero ayoko namang sirain ang saya niya para sa akin.

"A-ayos lang po, Nay..." sabi ko. Pilit kong pinasaya ang boses ko.

"Bakit parang hindi?" tanong niya sa akin.

"P-po?" natatawang tanong ko sa kkanya para itago pa din ang tunay na nararamdaman.

"Yung boses mo..." puna niya.

"Medyo paos po, Nay. Ang lamig po kasi sa kwarto ni Hob...ang lakas ng aircon," palusot ko.

"Eh sabihan mo siyang hinaan. Ubuhin ka pa naman at madaling siponin," pangaral niya.

Nangiti na lang ako dahil kahit sa ganoong sinabi niya ay ramdam ko pa din ang pagmamahal niya sa akin, ramdam ko ang pag-aalala niya.

"Miss ko na po kayo, Nay..." sabi ko.

Pinigilan kong umiyak pero may tumulong luha pa din sa aking mga mata.

"Ako din, Alihilani. Basta sa oras na may problema diyan tawagan mo kaagad ako...luluwasin talaga kita para kuhanin kay Hob."

"Opo, Nay..." sabi ko kahit may kung anong malaking bagay na ang nakabara sa aking lalamunan.

Hinayaa kong si Nanay ang magkwento ng mga pinagkaka-abalahan niya doon. Sinabi niya din sa akin na pinasyal siya nila Kuya at ramdam kong masaya siya. Hindi pa din matigil ang pagiging emosyonal ko kahit pa naibaba ko na ang tawag.

Nag-angat ako ng tingin ng may maramdaman akong lumabas mula sa loob ng bahay. Kaagad kong pinahiran ang naiwang luha sa aking mga mata ng makita kong si Hunter iyon. Mariin siyang nakatingin sa akin.

Kita kong gusto niyang magsalita, gusto niyang kausapin ako. Pero bago pa man niya magawa iyon ay mabilis na akong tumayo dala ang lumamig ng kape ko papasok sa loob.

"Good morning, Hija!" bati ni Tita sa akin ng saktong pagpasok ko ay pababa naman siya mula sa may second floor.

"G-good morning po..." bati ko din sa kanya.

Lumapit siya sa akin at bumeso. Tinanong niya ako kung bakit maaga kaming nawala ni Hob sa party niya kagabi.

"Uhm...medyo sumama po kasi ang pakiramdam ko," sabi ko sa kanya.

Napanguso siya. "Nahihilo? Nagsusuka ka ba? May nararamdaman ka bang kakaiba?" tanong niya sa akin kaya naman napangiti na lang ako ng makita ko na kung saan papunta ito.

"Sa pagod lang po siguro at hindi po kasi talaga ako sanay sa mga party..." sabi ko sa kanya.

Naningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. "Masyado ka atang pinapagod ng anak ko..."

Nanlaki ang mga mata ko at kaagad kong naramdaman ang pag-init ng aking pisngi.

"Tita, hindi po..."

Tinawanan niya ako ng mapansin niyang kabado ako at naiilang sa pinag-uusapan namin. Sinama niya ako sa may kusina, naikwento niya din sa akin na natikman niya ang Pan de coco na ginawa ko.

"Isang box po iyon..." sabi ko.

"Isang piraso lang ang natikman ko," sabi niya kaya naman nalaglag ang panga ko.

"Ang takaw po talaga ni Hob," sabi ko kaya naman mas lalo siyang natawa.

"Sinabi mo pa!"

Kami ni Tita ang magluluto para sa lunch. Nalaman daw niya kay Hob na magaling akong magluto kaya naman gusto din niyang matikman ang mga luto ko.

"Gigising ko po muna siya..." paalam ko sa kanya ng malapit ng matapos ang pag-aayos ng lamesa para sa almusal.

Bago pa man ako makalabas ng tuluyan sa may dinning room nila ay sakto namang pagpasok ni Hunter.

"Hundson! Ano nanaman ang nangyari sa mukha mo!?" galit na tanong ni Tita dito ng makita ang mga pasa sa mukha niya dahil sa away nila ni Hob kagabi.

"Napaaway lang sa bar, Ma..." sagot niya dito. Isang beses siyang tumingin sa akin kaya naman nag-iwas ako ng tingin.

Iniwan ko sila doon para muling umakyat para gising si Hob. Saktong pagpasok ko ay kakabangon lang din niya.

Tamad siyang tumingin sa akin, kahit ganoon ay nagawa ko pa ding ngitian siya.

"Uhm...kakain na sa baba," sabi ko sa kanya. Naisip kong baka magbago ang mood niya pag nakarinig siya tungkol sa pagkain.

Pero hindi nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Lumapit ako sa kanya para kuhanin ang unang ginamit niya.

"Akin na..." sabi ko para ayusin at ibalik iyon sa kama niya.

Bumama ang tingin ko sa unan, ramdam ko pa din ang tingin niya sa akin.

"Hindi ka tumabi sa akin kagabi?" tanong ko pa din kahit alam ko na ang sagot.

Nanatili siyang tahimik kaya naman mas lalong bumigat ang dibdib ko.

"Sumakit tuloy ang likod mo..." pag-aalala ko pa. Nakita ko kasing napangiwi siya kanina ng bumangon siya mula sa sofa.

Ang tangkad niya at ang laking tao pero pinagkasya niya ang sarili doon. Kung sana ay sinabi niyang ayaw niyang magtabi kami ay pwede naman ako na lang ang humiga don tutal ay ako naman ang bisita dito.

"Mauna ka ng bumaba. Comfort room lang ako," sabi niya sa akin.

"Uhm sige, ipagtitimpla na din kita ng kape," sabi ko. Hindi pa man ako nakakatalikod ay nagsalita na siya.

"Wag na...hayaan mo na ang mga kasambahay ang gumawa non," sabi niya sa akin.

"Ayos lang naman sa akin tsaka..."

"Wag ng makulit, Alihilani."

Masungit na sabi niya bago niya ako tinalikuran para dumiretso sa banyo.

Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan, namanhid ang buong katawan ko na para bang gusto ko na lang magpakain sa lupa. Nanginginig ang kamay ko habang pinupunasan ang tumakas na luha mula sa aking mga mata.

Gusto ko na lang umuwi sa amin kung ganito ako ita-trato ni Hob dito.

Kahit sa hapagkainan ay tahimik lang din siya. Mas lalong kumunot ang noo niya ng makita si Hunter. Ramdam kong nagpipigil lang siya dahil nasa harapan sila ng mga magulang niya.

Tahimik akong kumain sa tabi niya. Sinusubukan ko na lang iyon kahit ang totoo ay hindi ko na iyon malunok ng maayos.

"Inuubo ka? Uminom ka ng gamot pagkatapos," puna sa akin ni Tita ng mapansin niya ang ilang beses kong pag-ubo at pagsinghot na din dahil sa sipon.

Napainom ako ng kape ng maramdaman ko ang paglingon ni Hob sa akin.

"Baka masyadong malakas ang aircon mo, Hobbes."

Nauna akong umakyat pagkatapos kumain para maghanda. Isasama ako ni Tita para makapag-grocery ng mga kakailanganin para sa lulutuin namin sa tanghalian. Nakaluhod ako sa harapan ng bag ko para maghanap ng susuotin. Hindi ko na din iyon inilabas pa dahil babalik naman daw kami sa condo ni Hob bago kami umuwi ng Sta. Maria.

Ilang beses akong napa-ubo habang naghahanap ng damit. Medyo bumibigat na din ang ulo ko dahil sa sipon.

"Pupunta ako ng office ngayon," bungad niya sa akin pagkapasok niya.

"Uuwi ka ng tanghali? Magluluto kami ng Mommy mo," sabi ko sa kanya.

Tumayo na ako ng makahanap na.

"Hindi ko pa alam," sagot niya sa akin at nag-iwas ng tingin.

"Sana maka-uwi ka. May gusto ka bang ipaluto?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw ang bahala..." tamad na sagot niya sa akin.

Tumango na lang ako bago bumaba ang tingin sa mga hawak kong damit.

"Uhm...maliligo lang ako," paalam ko sa kanya sa kabila ng mahabang katahimikan.

"Sandali..." sabi niya sa akin. Tinalikuran niya ako at may kinuha sa drawer.

"Baka may gusto kang bilhin..." sabi niya habang nakalahad sa aking harapan ang card niya.

"Hindi na, Hob. Wala naman akong bibilhin," pagtanggi ko.

"Dalhin mo na..." sabi niya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at siya pa mismo ang naglagay ng card niya doon.

Hindi ko na lang pinansin. Naligo ako at nagbihis. Pagkalabas ko ng banyo ay abala pa din siya sa harapan ng laptop niya, mukhang may kailangan talagang tapusin na trabaho.

"Hobbes, ikaw na ang magdrive sa amin ni Alihilani," pangungulit ni Tita sa kanya ng sadyain niya kami sa kwarto.

"May meeting ako with Tito Luke mamaya, Ma..." sabi niya dito.

Naunang lumabas si Tita sa akin kaya naman lumapit na ako sa abala pa din si Hob para mag-paalam.

"Aalis na muna kami..." paalam ko sa kanya, humilig ako para sana humalik sa kanya ng kaagad niya akong tinitigan.

Mula sa aking mga mata ay bumaba ang tingin niya sa aking labi. Sumama ang tingin niya doon na para bang may naalala bago siya umirap sa akin at umiwas.

"Sige na..." sabi niya sa akin.

"Hob...kung hindi mo ako gusto dito, uuwi na lang ako sa amin," matapang na sabi ko sa kanya kahit gusto kong maiyak.

Mas lalong kumunot ang noo niya habang nakatingin sa laptop.

"Nagsinungaling ka sa akin kaya tayo ganito ngayon," madiing sabi niya.

"Hindi ko naman gustong maglihim sayo...kasi alam kong ganito ka. Ayan! Ganyan!" laban ko. Hindi ko na napigilan ang emosyon ko.

"Alam mo na may problema kami ni Hunter. Alam mo na ang pinaka-ayoko sa lahat ay yung sinungaling." madiing sabi niya sa akin.

Hindi ako naka-imik. "Wala kang tiwala sa akin," akusa ko sa kanya.

"Ikaw ang walang tiwala sa akin," madiing laban niya sa akin.

Gustong gusto ko ng umuwi. Pero hindi ko magawa dahil sa mga magulang niya. Sila ang iniisip ko, kakatapos lang ng birthday ng Mommy niya tapos ay problema kaagad ang ibibigay namin sa kanila.

Ramdam ko ang saya ni Tita habang nasa mall kami. Nalula ako sa ganda doon, nakapunta na ako ng mall pero iba ang pinuntahan namin. Halatang mayayamang tao lang ang palaging nandito. Hindi din marami ang tao at kilalang brand ang lahat halos ng nandoon.

"Si Chelsea..." sambit ko ng makita ko ang malaking litrato niya sa loob. Minomodel niya ang isang sikat na brand ng perfume.

"Gustong gusto ko din si Chelsea, ilang beses ko na ding siyang nakilala ng dalhin siya ni Thomas sa amin," kwento niya sa akin.

Bukod sa grocery na unang sadya namin ay nauwi pa kami sa pamimili ng mga damit at sapatos.

"Bagay ito sayo..." sabi niya sa akin.

"H-hindi na po...masyado pong mahal ito," sabi ko sa kanya.

Halos malula ako sa mga presyo ng dress. May isang simpleng dress doon na hindi bababa sa singkwentamil ang presyo. Kayang kaya ko nga gumawa non.

"Hayaan mo na ako. Sabik talaga akong magkaroon ng anak na babae...matagal ko ng gustong gawin ito," sabi niya sa akin.

"Pero masyado po kasing mahal dito...hindi ko po kayang tanggapin yan," sabi ko sa kanya.

Tipid siyang ngumiti sa akin. "Tama si Elaine, napakabait mong bata. Pag ikaw pinakawalan pa ng anak ko...pag-uuntugin ko sila ng Daddy niya," natatwang sabi niya sa akin.

Nag-enjoy ako na kasama si Tita. Kahit pa parang kilala na siya ng mga tao doon ay hindi naman ako nahirapan na makisabay sa kanya dahil hindi niya ipinaramdam sa akin na masyado siyang mataas.

"Dito naman..." sabi niya sa inutusan niyang kumuha ng litrato naming dalawa.

Nakita kasi niyang hawak ko ang phone ko at kumukuha ako ng litrato dahil ang ganda ng lugar. Sinabi ko sa kanya na para iyon kay Nanay kaya naman imbes na ako lang ang may litrato ay sinamahan niya din ako.

"I can't wait to meet balae..." sabi niya sa akin.

Pumasok kami sa Ralph lauren, kaagad kong nakita ang mga button down na sigurado akong bagay kay Hob. Lumapit ako sa isa para sana tingnan ang presyo pero nalula lang din ako. Parang hindi ko talaga kayang magsuot ng mamahaling damit. Mas marami pa kasing pwedeng paggamitan ng pera bukod duon.

"Sa tingin mo bagay yan kay Hobbes?" tanong ni Tita sa akin.

Tumango ako habang nakatingin pa din doon.

"Let's buy it then..."

"Uhm...Ako na po ang bibili nito para sa kanya," sabi ko.

Nagpilitan pa kami ni Tita hanggang sa hinayaan na niya ako ng sabihin kong may tampuhan kami at naisip kong bigyan siya noon para naman pang peace offering.

Hindi ako bumibili ng mamahaling damit para sa akin, pero wala naman sa aking gumastos minsan para sa kanya. Walang wala iyon sa lahat ng ibinigay ni Hob para sa akin. Pwede din naman na ako ang magbigay ng surprise sa kanya.

"Ang Sir Hobbes niyo bumalik na ba?" tanong ni Tita sa mga kasambahay pagkarating namin. Ang dapat sanang pagluluto namin para sa lunch ay inilipat na lang sa dinner.

"Aakyat po muna ako," paalam ko sa kanya.

Dumiretso kaagad ako sa kwarto ni Hob para ibigay sa kanya ang binili kong damit para sa kanya.

"I'm not yet sure. Sasabihan kaagad kita pag nakabalik na ako sa Sta. Maria...Thank you, Ahtisia."

Rinig kong sabi niya habang may kausap sa kabilang linya.

Nagulat pa siya ng makita niyang nasa loob na ako. Napabuntong hininga siya at tamad na tumingin sa akin.

"We are talking about work," sabi niya kaagad na para bang naisip niyang pwede ko iyong gamitin laban sa kanya.

Napabuntong hininga na lang din ako at tumango. Mabilis akong lumapit sa kanya para ipakita sa kanya ang damit na binili ko.

"May binili ako para sayo..."

Tamad niyang tiningnann iyon.

"May ganyan na ako, Alihilani."

Napaawang ang bibig ko.

"Uhm...ganitong ganito?" tanong ko sa kanya.

Nagtaas lang siya sa akin ng kilay.

"Sayang naman..." sambit ko.

"Pero pwede mo pa din naman isuot ito di ba?" tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat lang siya at tinalikuran ako. Hindi na lang ako umimik at lumapit sa mga gamit ko para itabi doon ang mga binili ni Tita para sa akin.

"Hindi mo isasama si Alihilani sa reunion niyo?" tanong ni Tita kay Hob habang nasa may dinning kami para sa dinner.

Tamad akong nilingon ni Hob. "Gusto mo ba?" tanong niya sa akin.

Napaawang ang bibig ko. "H-hindi na...wala naman akong kakilala doon," sabi ko sa kanya.

"Sigurado namang may dala ding mga girlfriend ang mga kaibigan mo. Isama mo si Alihilani para lumaki din ang circle of friends niya," sabi ni Tita dito.

Nawala ang isip ko sa away namin ni Hob nang makatanggap ako ng tawag mula kay Tatay.

"Sabihan mo ako pag may problema..." sabi niya sa akin.

"Tay..." tawag ko sa kanya.

"Ano iyon, Alihilani?" tanong niya sa akin kaya naman mas lalo akong naging emosyonal.

Matagal kong hindi naramdaman ang presencya siya. Matagal akong hindi nakapagsumbong sa kanya sa tuwing may pinagdaraanan ako. Matagal kong hindi naramdaman na may Tatay ako.

"Tay...tinatakot po ako ni Tita Atheena," sumbong ko sa kanya at tuluyan ng umiyak.

Narinig ko ang galit ni Tatay sa kabilang linya. Hindi ko na mapigilang hindi magsumbong sa kanya. Kailangan ko siya ngayon, hindi ko ito kayang mag-isa.

"Hindi ko po alam ang gagawin ko. Sasaktan daw po niya kayo ni Nanay pag hindi ako sumunod sa kanya..." dugtong ko pa.

"Uuwi kaagad ako. Uuwi kaagad si Tatay..." paninigurado niya sa akin.

Mas lalo akong naiyak. "Delikado, Tay...paano kung..."

"Shh...si Tatay ang bahala. Ako ang bahala, Alihilani."

Nakatulog ako ng umiiyak. Ni hindi ko alam kung nasaan si Hob. Masyado niyang dinibdib ang nakitang video kaya naman tumagal ng tumagal ang away namin.

"See you later then...Wala, ako lang..." rinig kong pagkausap niya sa kabilang linya.

Nakatingin lang ako sa kanya at pinapanuod siya habang abala siya sa pag-aayos para sa kanilang college reunion.

"Ako na..." sabi ko at inayos ang pagkakabutones ng button down niya.

Hinayaan niya ako pero abala pa din siya sa kausap.

"Gusto mong sunduin kita?" tanong niya sa kausap kaya naman nag-angat ako ng tingin.

Hinayaan ko lang siya hanggang sa matapos ang tawag.

"Sino yon?" tanong ko.

"Classmate ko," tamad na sagot niya sa akin.

"Babae?"

Ngumisi siya sa akin. "Don't start with me..." banta niya na ikinagulat ko.

"Hob, ano ba!?" asik ko sa kanya. Pagod na akong intindihin ang ilang araw naming hindi pagpapansinan.

"Alam kong kasalanan ko. Pero paano natin maaayos to kung lumalayo ka sa akin?" tanong ko sa kanya.

Mariin siyang napapikit. "Alihilani, aalis ako...pwede ba," suway niya sa akin.

"Nagbago ka..." sambit ko. Hindi ako makapaniwala.

"Ito na talaga ako..." laban niya sa akin.

Tumulo ang luha sa aking mga mata kaya naman mas lalo siyang nainis.

"Gusto mo pa bang ayusin to?" tanong ko.

"Sabihin mo sa akin kung ayaw mong umalis ako kasama ng mga kaibigan ko," sabi niya.

"Kahit wag ka ng umuwi!" asik ko sa kanya at mabilis siyang tinalikuran.

Ramdam ko ang paghahabol niya ng hininga kaya naman inakala kong magsasalita pa siya pero tahimik siyang lumabas ng kwarto.

Naputol ang pag-iyak ko ng makatanggap ako ng tawag mula kay Hunter.

"Hindi mo kailangang mag-alala para sa tatay mo, may inutusan na akong magbantay para sa kanya," sabi niya sa akin.

"Bakit mo ginagawa ito?" tanong ko kahit alam ko namang nauna akong humingi ng tulong sa kanya.

"Dahil gusto kitang tulungan..." sabi niya sa akin.

"Sasabihin ko na ito kay Hob..." sabi ko sa kanya.

"Nag-usap na tayo tungkol diyan," giit niya.

Natahimik ako. "Magkita tayo...it-text ko sayo ang lugar," sabi niya sa akin.

"Sabihin mo na lang sa tawag..." giit ko.

"Tungkol ito sa kaso ng Tatay mo.." sabi niya sa akin kaya naman hindi na ako nakahindi pa.

Pumunta ako sa lugar na sinabi ni Hunter sa akin. Hindi naman ako nahirapan dahil siya mismo ang nagpasundo sa akin.

"Baka makarating nanaman ito sa Kuya mo," masungit na sabi ko sa kanya.

"Sandali lang ito," sabi niya sa akin kaya naman umupo ako sa kaharap niyang upuan.

Sinabi ni Hunter sa aking ang kinakaharap na kaso ni Tatay.

"Baon siya sa utang sa isang casino..." sabi niya sa akin na ikinakunot ng noo ko.

"Hindi ganoon si Tatay," sabi ko sa kanya.

"Alam ko. Mukhang alam ko din kung bakit niya ginagawa ito."

"B-bakit?"

"Para bitawan na siya ni Atheena," sagot ni Hunter sa akin.

Ramdam ko ang galit niya ng banggitin ito ang pangalan niya.

"Tutulugan ko kayo, Alihilani. Ang ayoko lang ay madamay ang pamilya ko dito. Matagal kong itinago ito sa kanila..." sabi niya sa akin.

"Pati ang anak mo kay Ahtisia..." akusa ko sa kanya.

Ngumisi siya sa akin. "Hindi ko anak iyon," laban niya.

"At kung totoo nga?" asik ko sa kanya. Galit ako kay Ahtisia pero wala namang kasalanan ang bata.

"Hindi ko anak iyon," pinal na sabi niya sa akin at halatang siguradong sigurado na.

Sinasamaan ko siya ng tingin sa tuwing inaabutan siya ng waiter ng alak.

"Tigilan mo na nga yan," asik ko sa kanya.

Ngumisi lang siya sa akin. "Nasa taas lang ang kwarto ko," sabi niya sa akin bago muling tumungga.

Hinihintay lang namin ang inutusan niyang maghatid sa akin pabalik sa kanilang bahay. Hindi daw siya uuwi ngayong gabi kaya naman mag-isa akong uuwi.

"Oh bakit?" tanong ko ng makita kong mariin siyang napapikit at napahawak sa kanyang sintindo.

Kumunot ang noo niya. Napatingin ako sa paligid para sana humingi ng tulong.

"Wait here hanggang sa dumating ang sundo mo," sabi niya sa akin bago niya sinubukang tumayo.

"Kasi naman..." galit na asik ko sa kanya.

Lumapit ang waiter na kanina pa nag-aabot ng inumin niya. Malaki din ang katawan niya kaya naman kahit hirap ay kaya na niya si Hunter.

"Hindi ko alam kung saan yan...hayaan mo na alng siya diyan. Ginusto naman niya yan," sabi ko sa waiter habang nakatingin sa nakapikit na si Hunter.

Parang biglaan ang pagiging ganoon niya. Enjoy na enjoy pa nga siya sa pag-inom niya at ngayon ay biglang ganito na.

Ang kasama naming waiter ang nagbuhat kay Hunter hanggang sa elevator paakyat sa hotel room niya. Nang nasa tamang palapag na ay ako pa ang kumuha ng hotel card niya sa bulsa niya.

"Hanggang dito na lang ako sa labas..." sabi ko dito.

"Pero Ma'm..."

"...Baka po may wala kay Sir o ano, mapapagalitan po ako nito," sabi niya sa akin.

Napabuntong hininga ako. Sumama na ako sa loob hanggang sa maihatid si Hunter hanggang sa kwarto niya. Kumunot ang noo ko ng mapansin kong wala talaga siyang malay.

"Ayos na siguro yan..." sabi ko.

Aalis na sana ako nang kaagad akong magulat ng may panyong tumakip sa ilong at bibig ko. Nagpumiglas pa ako hanggang sa unti unti akong kainin ng antok hanggang sa mawalan ng malay.

Sobrang sakit ng ulo ko pagkagising ko kinaumagahan. Masyadong ding malamig ang paligid kaya naman mas humigpit ang yakap ko sa aking katabi.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata hanggang sa mapasigaw ako ng makita kong si Hunter ang katabi ko at pareho kaming walang suot na kahit ano. Tanging ang puting kumot lang ang nagtatakip sa aming mga hubad na katawan.

Mabilis akong bumaba sa kama at pinulot ang aking damit. Wala ako sa aking sarili, wala akong maalala sa mga nangyari.

Kakasuot ko pa lang ng damit ko ng para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko ang pagpasok ni Hob.

"Tangina..." madiing sambit niya.

Namula ang kanyang mga mata. Kita ko ang paglabas ng ugat sa braso at leeg niya dahil sa galit.

"Hob..." tawag ko sa kanya.

Dinuro niya ako na para bang sinasabi niyang wag ko siyang lalapitan.

"Hob...hindi ko alam kung bakit ako nandito," sumbong ko sa kanya.

Isang beses kong sinubukang lumapit sa kanya pero tinabig niya lang ako.

"Hob, walang nangyari...Set up to, sinet up kami. Alam ko, sigurado ako..." magulong sabi ko sa kanya. Hindi ko na alam ang gagawin.

Napadaing ako ng haklitin niya ang braso ko.

"Manggagamit ka," asik niya sa akin.

Namuo ang luha sa aking mga mata.

"Hob...wala akong alam dito," sumbong ko sa kanya.

"Magsama kayong dalawa. Tangina..." gigil na sambit niya.

Ramdam kong gusto niyang magwala pero hindi niya magawa. Masyado siyang galit para makapag-isip pa.

"Hob nasasaktan ako..."

Humigpit lalo ang hawak niya sa braso ko na halos mapaliyad na ako.

"Lumayas ka sa bahay namin. Lumayas ka sa harapan ko..."

"Hob!" tawag ko.

Padarag niya akong binitawan kaya naman napa-upo ako sa sahig.

"Let's make this fair. You want to know the truth? Kaya lang naman kita nilapitan noon dahil kay Vera..." pag-amin niya.

Hindi pa siya nakuntento. Humilig pa siya para magpantay kami.

"Ginamit lang kita, Alihilani..."



(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro