Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39

Traitor





Nag-send kaagad ako ng messsage kina Nanay at Tatay pagkatapos ng tawag ni Tita Atheena sa akin. Hindi ko din alam kung saan ko pa nakukuha ang respetong ibinibigay ko sa kanya sa kabila ng lahat ng kasamaang ginawa niya sa amin.

"Are you ready?" malambing na tanong ni Hob na kaagad na yumakap sa aking bewang nang lumapit siya sa akin.

"Uhm...Oo," wala sa sariling sagot ko sa kanya.

Naramdaman ko ang halik niya sa aking ulo at ang marahan niyang pag-amoy sa aking buhok bago mas lalong humigpit ang yakap niya sa aking bewang.

"May problema?" tanong niya sa akin.

Minsan kahit hindi ko sabihin sa kanya ay ramdam niya. Masyado sigurong halata sa itsura ko sa tuwing wala ako sa aking sarili.

"M-miss ko lang si Nanay..." sabi ko. Isa din naman iyon sa nararamdaman ko.

"The next time na pupunta tayo dito isasama na natin si Nanay," sabi niya sa akin kaya naman tipid akong ngumiti sa kanya.

Inabala ko na muna ang aking sarili sa mga kwento ni Hob sa akin habang nasa byahe kami patungo sa isang hotel restaurant kung saan daw kami kakain ng dinner ni Hob. Walang ka-effort effort siyang bumagay sa lugar. Na para bang hindi na niya kailangan pang paghandaan ang isusuot niya para dito.

Kahit ano atang isuot niya ay babagay siya sa kahit saang mamahaling lugar dahil dito siya nabibilang. Papasok pa lang kami sa lobby ng hotel ay iba na kaagad ang tingin sa kanya ng mga tao.

"Good evening, Mr. Jimenez," bati sa kanya ng ilang empleyado doon.

Tumango si Hob sa kanila bilang pagbati din kaya naman humigpit ang hawak ko sa braso niya. Bumaba ang suot kong dark blue vneck ruffle neckline dress na hapit na hapit sa aking katawan.

Papunta pa lang kami sa table para sa amin ay marami na kaagad nakakilala kay Hob. Hindi lang kasing edad niya ang bumabati sa kanya, kahit ang mas matanda sa kanya ay kilala siya at para bang gustong gusto nila na makita si Hob.

"Ang dami mong kakilala," puna ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin bago niya pabirong pinisil ang ilong ko.

"Ganyan talaga pag gwapo," sabi niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang kapal mo..." sabi ko na ikinatawa niya.

Hindi pamilyar sa aking ang mga pagkaing dinadala sa aming lamesa. Hindi naman ako nahirapan at nag-enjoy din naman ako dahil naging attentive si Hob sa akin.

"You like that?" tanong niya sa akin. Ilang courses ng iba't ibang pagkain ang dinadala sa amin.

Napapanguso na lang ako dahil sa liit ng servings ng mga iyon pero sobrang mahal naman.

Abala na ang waiter para ibigay ang sumunod na pagkain nang makarinig kami ng ingay mula sa labas ng restaurant.

"Nandyan si Ms. Isabella Gan," rinig kong bulungan ng mga waiter. Ramdam ko ang excitement sa boses nila na pilit lang nilang pinipigilan dahil nasa trabaho pa.

"Sobrang ganda! Sana maabutan pa natin," sabi pa ng isa kaya naman bumaba na lang ang tingin ko sa mga pagkaing ibinababa nila.

Mula sa mga iyon ay dahan dahan akong nag-angat ng tingin kay Hob. Nakita kong nasa mga pagkain din naman ang tingin niya hanggang sa mag-iwas ako ng tingin ng mukhang napansin na niya ang tingin ko sa kanya.

"Ok ka lang?" marahang tanong niya sa akin. Hinawakan pa niya ang kamay kong nasa itaas ng lamesa.

Tipid akong ngumiti at tumango sa kanya. After ng dinner ay nagpunta pa kami sa isang coffee shop, hindi nagtagal ay nagyaya na si Hob na mag drive thru sa isang fastfood restaurant dahil gutom pa daw siya.

"Saan mo ba nilalagay ang mga kinakain mo?" tanong ko sa kanya habang naghihintay kami sa pila.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang dibdib patungo sa kanyang bandang tiyan. Sobrang ganda at firm ng katawan niya kahit ang takaw niya.

Ngumisi siya sa akin. "Dito," pagyayabang niya at finlex ang muscle sa braso niya.

Humaba ang nguso ko at inirapan ko siya. Sa tuwing natatahimik kaming dalawa ay naaalala ko ulit ang problema ko kina Tita Atheena. Buo ang desisyon ko na hindi ko sila pagbibigyan na gamitin ako para lang sa mga masasama nilang plano.

Hindi ako papayag na saktan nila sina Nanay at Tatay, ang mga Kuya ko, at lalo na din si Hob.

"Hob..." tawag ko sa kanya ng pareho naming marating ang sukdulan.

Ginawa ulit namin iyon pagkauwi namin sa kanyang condo. Ilang beses iyong naulit ng gabing iyon kaya naman hindi ko din alam kung saan kinukuha ni Hob ang lakas niya. Hindi din naman ako nagreklamo dahil gusto kong gawin iyon kasama siya.

Isa lang ang napansin ko, magaling si Hob sa ginagawa niya. Bawat galaw niya ay para bang alam niyang magbibigay iyon ng kakaibang sensasyon sa akin.

Kaagad siyang yumakap sa akin nang paghiwalayin niya ang sa aming dalawa. Yumakap din ako pabalik sa kanyang hubad na katawan habang kapwa naming habol ang aming hininga.

"Hob..." tawag ko sa kanya.

"Uhmm..."

Humigpit ang yakap ko sa kanya, simula ng gawin namin iyon ay hindi na din ito mawala sa isip ko.

"P-paano kung mabuntis ako. Wala kasi akong iniinom na gamot," pag-aalala ko.

Narinig ko ang ngisi niya. "Edi...Daddy na ako," nakangising sabi niya sa akin.

"Hob naman eh!" asik ko sa kanya. Gusto kong pag-usapan namin ito ng maayos. Hindi naman kasi basta basta ang pag-aanak.

Humiwalay ako sa yakap niya at dumapa sa kanyang dibdib para mas makapag-usap kami ng maayos. Itinaas niya ang kamay niya at marahang hinaplos ang aking ulo, ramdam ko ang init ng aming hubad na katawan.

"I'll gonna marry you right away...I'm ready to have a family with you, Miss."

Ramdam ko ang sinseridad sa boses niya. Bahagya akong nagulat sa sinabi niya, knowing him na babaero at nakukuha ang lahat ng gusto ay hindi ko inaasahan na handa na din siyang lumagay sa tahimik.

"Pero kung hindi ka pa handa...I'll wait," sabi niya sa akin.

Marahan kong ipinatong ang baba ko sa dibdib niya. Nakita ko ang tingin niya sa akin na para bang gusto niyang pinapanuod ang ginagawa ko.

"Kung ibibigay sa atin, tatanggapin ko din," sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at yumuko para humalik sa aking noo.

Late na kaming nagising na dalawa ng sumunod na araw. Naging abala kami dahil ngayong araw ang party ng Mommy niya kaya naman maaga kaming pupunta sa kanila bago ang dinner party mamayang gabi.

Kahit papaano ay gumaan ang loob ko ng makatanggap ako ng message kina Nanay at Tatay na ayos lang sila at hindi ko kailangang mag-alala para sa kanila. Mas lalo akong na-excite sa pag-uwi ni Tatay nang sabihin niya sa aking makikipag-usap na siya kay Nanay pagbalik niya.

"Ang lalaki ng mga bahay dito," namamanghang sabi ko kay Hob.

Hindi ko mapigilang punahin ang mga bahay na nadadaanan namin sa loob ng isang magarang subdivision. Masyado na akong namangha sa ibang bahay, pero mas lalong nalaglag ang panga ko ng makita ko ang bahay nila.

Halatang pinag-isipan ng mabuti ang konsepto ng disenyo nuon. Bawat materyales ay pinili din ng mabuti.

"Dito ako lumaki..." sabi ni Hob sa akin na para bang gusto niyang ipakita ang lahat at ikwento ang lahat tungkol sa kanya.

Bumukas ang malaking front door at kaagad na lumapit si Mrs. Jimenez sa amin.

"Ma...Happy birthday!" bati ni Hob sa kanya at humalik sa pisngi at sa ulo nito. Ramdam kong mahal na mahal talaga niya ang Mommy niya.

"Thank you, Anak!"

Matapos kay Hob ay kaagad naman siyang lumapit sa akin. Malaki ang ngiti niya kaya naman kahit medyo nakaramdam ng hiya ay naging kumportable ako kaagad. Magaan ang loob ko sa kanya.

"Finally! Masyado kang ipinagdamot ni Hobbes sa amin," sabi nito kaya naman natawa si Hob at napailing na lang.

Bumeso siya sa akin. "Happy birthday po," bati ko sa kanya.

Hindi nawala ang tingin niya sa akin. "Thank you, Hija."

Kaagad niya kaming pinapasok. Naghanda siya ng breakfast para sa amin. Iyon ang sinabi ni Hob sa akin kanina na hindi ko na kailangang gumising ng umaga para magluto ng almusal dahil dito kami kakain sa kanila.

"Si Dad po?" tanong ni Hob.

"Pababa na din iyon. Pababa na din ang kapatid mo..." sabi ni Mrs. Jimenez kay Hob kaya naman nilingon ko kaagad siya.

Hindi siya nagpakita ng kahit anong emosyon at nanatili ang tingin sa mga pagkain bago niya ako nilingon at tipid na nginitian.

Pinaghila ako ni Hob ng upuan sa mahaba nilang dinning table. Sobrang daming pagkain na para bang ito na ata ang party ni Mrs. Jimenez pero breakfast pa lang daw ito.

"I can't even remember kung kailan ang huling kain namin ng breakfast na kumpleto kami. At ngayon may new member ng family pa."

Ramdam ko ang saya sa boses niya. Tipid kong nginitian si Hob ng lingonin ko siya. Nilingon niya ako ng hawakan ko siya sa binti. Gusto ko lang masigurado na ayos lang siya.

Magkasabay na bumaba si Tito Sebastian at Hunter mula sa kanilang engrandeng hagdan. Nagtagal ang tingin ko kay Hunter ng makita kong nakasuot lamang ito ng simpleng white tshirt at khaki shorts. Basa pa din ang medyo may kahabaan niyang buhok. Malayong malayo sa itsura niya sa tuwing nasa site o trabaho.

Sumimangot si Hunter ng kaagad siyang iniwan ni Tito Sebastian ng makita niya kami. Nabitin sa ere ang sinasabi nito kaya naman umagang umaga ay nakabusangot kaagad.

"Baka naman apo ang iregalo niyo sa amin...Aba!" pang-aasar niya sa amin ni Hob.

"Dad..." masungit na suway ni Hob sa Daddy niya. Gusto kong matawa sa pag-aasaran nilang mag-ama kaya lang ay ramdam ko din ang pag-init ng aking magkabilang pisngi.

Umupo si Hunter sa kaharap kong upuan. Nagtaas siya ng kilay sa akin ng dumapo ang tingin ko sa kanya.

"Wag mong I-pressure ang mga bata, Seb. Pero kung kaya nila sa lalong madaling panahon...pagpapahanda na ako para sa kasal," sabi naman ni Mrs. Jimenez kaya naman halos sumabog na ang mukha ko sa sobrang init.

"Mom, Dad..." suway ni Hob sa mga magulang niya.

Hinawakan niya ako sa likod na para bang sinisigurado niyang ayos lang ako.

"Handa na din akong magkaroon ng pamangkin," si Hunter na nagpatahimik sa amin.

Kita ko ang talim ng tingin ni Hob sa kanya.

"And ikaw din Hunter! Punuin niyo na ng mga babies ang bahay natin," sabi ni Mrs. Jimenez ng mapansin niya ang nakakabinging katahimikan.

Ngumisi si Hunter kahit sa kuya niya nakatingin. "Mauna muna si Kuya," sabi niya kaya naman tumikhim si Hob.

Kahit papaano ay naging maayos naman ang breakfast namin dahil halatang gusto ding maging casual ng dalawa para sa Mommy nila.

"May isusuot ka na ba para mamaya?" tanong ni Mrs. Jimenez sa akin.

Alanganin akong tumingin kay Hob ng lingonin niya din ako. Bigla tuloy akong nahiya na ipagmalaki ang mga gawa kong dress dahil mukhang hindi basta basta ang party mamaya.

"Uhm...may mga dala po akong dress," sabi ko. Mukhang magagamit ko na din yung mga dress na pinahiram ni Vera sa akin.

Tumango si Mrs. Jimenez sa akin. Sandali pang kumunot ang noo niya bago siya tumingin sa amin ni Hob.

"I will call Daena to help us," excited na sabi pa niya.

Nahiya pa akong umakyat sa second floor nila nung una dahil kahit sabihin nilang maging feel at home ako ay hindi ko magawa.

"It's ok, Hija. You are very welcome here," sabi ni Tita sa akin. Kagaya ni Tito Sebastian ay sinuway niya din ako ng marinig niyang tinatawag ko siyang Mrs. Jimenez.

Malaki din ang kwarto ni Hob. Makikita sa disenyo at ayos ng kanyang kwarto kung ano talaga ang personality niya. Ibinaba niya sa gilid ng kama ang mga bag ko. Dito kami magstay ng ilang araw after ng party bago bumalik sa kanyang condo at umuwi sa Sta. Maria.

Umupo ako sa kanyang malambot na kama. Halos kasing laki lang din iyon ng kama niya sa condo. Ngumiti ako sa kanya ng makita kong nakatingin siya sa akin.

Hindi nagtagal ay lumapit siya at humilig.

"Ikaw ang unang babaeng nakapasok dito sa kwarto ko," sabi niya sa akin.

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi at napayakap sa kanyang leeg.

"Eh yung mga dati mo bang girlfriend?" tanong ko sa kanya.

Ngumisi siya sa akin. "Ikaw lang ang una kong ipinakilala kila Mommy," sabi niya sa akin bago niya ako siniil ng halik.

"Uhmm...mabibinyagan na din natin ang kama ko," sabi niya sa gitna ng aming mga halik.

Natawa kaming pareho ng hampasin ko siya sa braso pero pinagpatuloy pa din niya ang paghalik sa akin. Dadagan na sana siya ng kaagad ko siyang naitulak ng makarinig kami ng pagkatok.

"Javier! Sa akin na si Alihilani ngayon!" sabi ni Tita kaya naman sumimangot si Hob.

"Istrobo si Mommy," pagmamaktol niya kaya naman tinawanan ko siya.

Sinama ako ni Tita sa may garden nila. Para akong nasa resort sa ayos non at may malaki pa silang swimming pool.

"Deana, Hija."

Lumapit kami sa isang babaeng mukhang bata lang ng ilang taon sa akin. Maganda din siya kahit pa nahaharangan ng malaking salamin sa mata ang kanyang mukha.

Nakatirintas sa likod ang kanyang buhok, ang simple ng suot niya pero parang mahihiya pa akong tumabi sa kanya.

"Si Daenara Jimenez...pinsan nila Hobbes. Mayroon siyang fashion botique along bonifacio global city," pagpapakilala ni Tita.

"Alihilani..." pagpapakilala ko.

Matamis siyang ngumiti sa akin. "Daena na lang," sabi niya.

"Ang ganda pala talaga ng girlfriend ni Kuya Hobbes. Pero may utang pa siyang dinner sa akin," nakangusong sabi niya.

"Sabihin mong ikaw ang manlilibre...tingnan mo at matutuloy ang Dinner niyo," natatawang sabi ni Tita dito.

Mabait din siya sa akin at palagi pang nakangiti. Nasa kalagitnaan kami ng pagpili ng mga dress nang lumabas si Hunter sa may garden at may kasamang babae. Buong akala ko ay iyon na ang girlfriend niya.

"Happy birthday, Tita!"

"Tamara!"

Hindi kagaya ni Daena ay tipid lang siyang ngumiti sa akin. Naiintindihan ko naman na bago lang nila akong nakita at hindi naman talaga pwedeng lahat sila ay magugustuhan kaagad ako.

Mula kay Tamara Jimenez ay lumipat ang tingin ko kay Hunter na nakatingin sa akin. Nag-iwas na lang kaagad ako ng tingin sa kanya para malaman niyang hindi niya ako naaapektuhan.

"Ito ang unang beses na nagpakilala si Hobbes ng girlfriend niya kaya naman maghahanda na talaga ako para sa kasal," excited na sabi ni Tita.

Uminit ang magkabilang pisngi ko at tipid na ngumiti. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanila dahil nahihiya at naiilang pa din ako.

"Tita, you forgot about Isabella. Siya ang pinaka-unang ipinakilala ni Kuya Hobbes sa inyo ni Tito," Sabi ni Tamara.

"Ate..." suway ni Daena sa kapatid.

Sandali siyang tumingin sa akin bago siya nagkibit balikat.

"Ayoko na ulit marinig ang pangalan niya," si Tita.

Sandaling nagpaalam si Tamara at Tita para pumasok sa bahay kaya naman naiwan kaming tatlo nina Daena at Hunter sa may garden. Ilang beses kong nilingon ang pinto papasok sa loob sa pag-asang baka sumunod na din si Hob dito.

"Mas bagay sayo yung itim," sabi ni Hunter.

Pinapapili ako ni Daena ng gusto kong isuot mamaya para sa party. Hindi naman siya kasali sa usapan pero sumasagot siya.

"Sa tingin mo Kuya Hunter?"

Matapos sa akin ay lumipat ang tingin niya sa pinsan bago tumango.

"Daena!" tawag ni Tamara sa kapatid.

"Sandali lang..." paalam niya sa amin kaya naman bigla akong kinabahan na maiwan mag-isa kasama si Hunter.

Inabala ko ang sarili ko sa mga damit hanggang sa mapansin kong umupo siya sa kaharap kong upuan.

"Anong plano niyo?" tanong niya sa akin.

"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Hindi ko siya maintindihan.

Ngumisi siya ng mapanuya. "Plano niyo ng Tita mo," paglilinaw niya sa akin.

Hindi ako nakasagot kaagad.

"Nandito ka para gumanti sa amin di ba? Kasama ka nila para gantihan ang pamilya namin," sabi niya sa akin na kaagad kong inilingan.

"Hindi yan totoo!"

"Sinungaling! Layuan mo ang Kuya ko kung ayaw mong ako mismo ang magsabi sa kanya ng mga balak niyo!" giit niya.

"Mahal ko si Hob. H-hindi ko siya sasaktan kagaya ng gusto nilang mangyari..." pag-amin ko sa kanya kaya naman mas lalong tumigas ang mukha ni Hunter.

"Masyadong nakampante ang Tita mo dahil hinahayaan ko silang lumapit sa pamilya ko. Pero isang maling galaw...kayang kaya ko kayong sirain lahat!" galit na asik niya.

"T-tulungan mo ako..." sabi ko. Hindi ko alam kung tama bang sa kanya ako humingi ng tulong. Hindi ko na din kasi alam ang gagawin.

"At bakit ko naman gagawin iyon?" nakangising tanong niya sa akin.

Halos manlabo ang mata ko dahil sa nagbabadyang luha. "Pinagbantaan ako ni Tita na sasaktan niya si Nanay at Tatay kung hindi ko sila tutulungan na gumanti sa inyo..." pagsisiwalat ko sa kanya.

"Gusto kong protektahan si Hob tungkol dito...Hindi ko sasaktan ang Kuya mo, Hunter."

Sandaling tumagal ang matalim niyang tingin sa akin. "Hindi ko alam kung kaya kong maniwala sayo..."

"Anong ginagawa mo dito?" matigas na tanong ni Hob kay Hunter.

Mula sa pagiging seryoso ay ngumisi ito.

"Kinakausap ko lang ang girlfriend mo, Kuya."

Hindi naputol ang tingin ni Hob sa kanyang kapatid.

"Layuan mo si Alihilani. Sa oras na may gawin kang hindi maganda...kakalimutan kong kapatid kita," banta niya dito.

"Hob..." tawag ko sa kanya.

Tumayo si Hunter habang nakangisi pa din. "Hindi pa ba? Matagal mo ng kinalimutang may kapatid ka, Kuya." sabi niya dito kaya naman mas lalong nagalit si Hob.

"Dahil ginago mo ako!" asik ni Hob sa kapatid.

Hindi nakapagsalita si Hunter. Nakipagsukatan lang siya ng tingin sa kapatid bago ulit siya nakakalokong ngumisi at tinalikuran kami.

Ramdam ko ang tensyon at galit ni Hob kaya naman hinawakan ko siya sa braso para sana pakalmahin.

"Sinabihan na kita..." dismayadong sabi niya sa akin na ikinagulat ko.

"Kinakausap niya lang naman..."

Tamad niya akong tiningnan. "At kinakampihan mo pa ngayon?" tanong niya sa akin.

"H-hob..." tawag ko sa kanya. Para kasing bigla siyang nag-iba dahil sa galit na nararamdaman niya.

Mariin siyang napapikit at napabuntong hininga.

"I'm sorry..." sambit niya. Pagod siyang napa-upo.

Mas lalo akong nalinawan sa mga nangyayari ng aminin ni Hob sa akin ang totoong nangyari noon sa pagitan nilang tatlo.

"I-I caught them in the act..." sabi niya sa akin kaya naman napasinghap ako.

Siguradong nasaktan si Hob ng mga panahong iyon ng makita niya ang kapatid niya at girlfriend niya sa iisang kama na parehong walang suot na damit at may kung anong ginagawa.

"Hindi ko lang matanggap na kaya niyang gawin iyon sa akin. Wala na sa akin si Isabella, pero si Hunter...sa tuwing nakikita ko," ramdam ko ang gigil niya dito.

Mas lalo tuloy naging mahirap para sa akin ang lahat. Alam kong matutulungan ako ni Hunter sa problema ko tungkol kina Tita Atheena. Alam ko din namang hindi niya gustong madamay ang Kuya niya dito kaya hindi rin ako makapag-sabi kay Hob.

Tinanggap ako ng pamilya ni Hob ng ipakilala niya ako sa mga ito. Matapos ipakilala sa mga ito ay dinala niya ako kung nasaan si Daena. Nakangiti kaagad siya sa akin ng lumapit kami sa kanila.

"Bagay sayo ang damit, Ate Alihilani," sabi niya sa akin kaya naman nagpasalamt din ako sa kanya.

Panay din ang pang-aasar sa amin ng Tito Marcus niya na mag-aasawa na si Hob. Dumating na din ang mga Herrer kaya naman mas lalong napalagay ang loob ko na may kakilala ako dito.

Nakikinig ako sa kwentuhan nina Sera ng maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko dahil sa isang message. Mula sa hindi kilalang number iyon pero dahil sa laman ng message ay mukhang alam ko na kung kanino galing.

Handa siyang tulungan ako tungkol kay Tita Atheena kung ipapangako kong hindi madadamay ang mga magulang niya at Kuya niya dito.

Hindi na lang ako sumagot sa message at kaagad na hinanap ng mga mata ko si Hunter. Hindi din naman ako nahirapan na hanapin siya dahil nang tingnan ko siya ay nakatingin na din siya sa akin na para bang inaasahan niyang gagawin ko na iyon.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng kung ano. Pakiramdam ko ay tina-traydor ko si Hob kahit malinis naman ang intensyon ko.

Mula sa kanya ay napatingin ako kay Hob sa kabilang lamesa kung saan kasama niya ang mga pinsan niyang Herrer. Nakikipagtawanan siya sa mga ito hanggang sa lumipat ang tingin ko kay Piero na mula sa akin ay napatingin din kay Hunter.

Nagpalipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa bago niya ako inirapan. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba dahil doon pero ipinagsawalang bahala ko na lang dahil ang importante ngayon ay may tutulong na sa akin laban kina Tita Atheena.

Pinatawag sina Hob at Hunter sa harapan kasama ang Daddy nila ng hihipan na ni Tita Carol ang malaking cake na nasa gitna. Tumayo ang lahat at pumalibot sa kanila habang kinakantahan namin siya. Malaki ang ngiti niya, alam kong hindi lamang iyon dahil sa dami ng kanyang mga bisita kundi dahil na din sa kumpleto sila ngayon.

Mahaba ang speech niya at pasasalamat sa lahat, pero ilang ulit niyang sinabi kung gaano siya kasaya na kasama niya sina Hob at Hunter sa espesyal na araw niya.

Nagkaroon ng picture taking sa gitna. Pagkatapos nila ay nakita kong hinanap ako ni Hob sa gitna ng madaming tao. Bago pa man niya ako makita ay nauna ng nagsalita si Tita gamit pa ang microphone para lang tawagin ako.

"Asaan ang daugther in law ko?" tanong niya.

Mas lalong uminit ang mukha ko ng sabayan pa nina Sera at Castellana ng pang-aasar iyon.

"Hobbes!" tawag ni Sera sa kanya at kaagad akong itinuro.

Nakangiting lumapit si Hob sa akin para yayain ako kasama nila.

Maraming tao ang nakatingin sa amin at marami ding flash na nanggaling sa mga camera. Ngumiti na lamang ako kasama sila habang nakayakap ang kanang braso ni Hob sa bewang ko.

Niyakap pa ako ni Tita sa harapan nilang lahat na para bang isa iyong patunay na tinatanggap talaga nila ako sa pamilya nila.

"I told you...they like you," malambing na sabi ni Hob sa akin ng umalis na kami sa harapan para pagbigyan naman ang iba.

Bumalik kami sa lamesa namin kanina. Natatawa na lang ako sa tuwing kinukuhanan niya ako ng litrato. Nagsimula siyang gawin iyon ng sabihin ko sa kanyang hinihingan ako ni Nanay ng mga litrato ko sa mga lugar na pupuntahan namin.

Mas lalong umingay ang paligid dahil nagsimula ng ang sayawan sa gitna. Niyaya pa ako nina Sera at Castellana, kagaya ng dati ay tinatawanan lang sila nina Amaryllis at Tathriana.

Nagpaalam si Hob sa akin ng tumunog ang phone niya dahil sa isang tawag. Hindi niya amsagot dito dahil sa ingay. Ngumiti ako sa kanya at tumango bago siya tuluyang umalis.

Ilang minuto lang ang nakakalipas ng makita kong nagkagulo ang mga Herrer hanggang sa lumapit si Sera sa akin. Tumayo silang lahat at lumabas kahit pilit na itinatago sa ibang bisitang nagkakagulo sila.

"Si Hob at Hunter," sabi niya sa akin kaya naman kaagad akong kinabahan.

Sumama ako sa kanila patungo sa parking space. Sigaw ng mga pinsan nila ang kaagad na bumungad sa amin ng pilit nilang inaawat ang magkapatid.

"Hobbes!" galit na sigaw ni Kenzo sa kanila.

Hindi nagpaawat si Hob na hanggang ngayon ay nakadagan pa din kay Hunter na hindi na gumawa pang lumaban at hinayaan na lang ang Kuya niya.

"Hob, Tama na!" suway ko sa kanya.

Susuntukin pa sana niya ulit ang kapatid ng kaagad na akong humarang sa harapan niya.

Mariin akong napapikit sa takot na tumama ang kamao niya sa akin. Nang huminahon siya ay kaagad siyang hinila ni Piero patayo para mahiwalay sa kapatid.

"Wag na wag ka na ulit lalapit sa amin!" sigaw niya dito bago niya marahas na hinawakan ang kamay ko.

"Hobbes!" sigaw na tawag sa kanya ni Castellana pero hindi siya nakinig sa mga ito.

Hinila niya ako patungo sa kanyang sasakyan. Galit siya kaya naman hindi niya kaagad nabuksan ang pintuan. Sa sobrang inis niya ay napamura na lamang siya.

"Tangina!" madiing sambit niya sa kawalan.

"Hob..." tawag ko sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng takot sa kanya.

Habol niya ang kanyang hininga. Matalim niya akong tiningnan. Kinuha sa bulsa niya ang phone at itinapat sa akin kung nasaan ang video noong bridal shower.

"Alam mong si Hunter to!?" tanong niya sa akin. Hindi kaagad ako nakasagot.

"Alam mong si Hunter ito, Alihilani!?" tumaas na ang kanyang boses kaya naman halos mapapikit na ako.

"Natatakot akong sabihin sayo..." pag-amin ko.

Malutong siyang napamura bago niya hinampas ang kanyang sasakyan.

"Matagal mo ng alam pero itinago mo sa akin!?" madiing tanong niya.

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Tama naman talaga na nagsinungaling ako sa kanya.

"Ngayon pa lang nagsisinungaling ka na sa akin," dismayadong akusa niya sa akin.

"Hob, hindi naman sa..."

Hindi niya ako hinayaang makatapos.

"Akala ko iba ka..." sabi niya sa akin kaya naman para akong binuhusan ng malamig na tubig.





(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro