Chapter 37
Shower
Kaagad kong pinatay ang tawag nang marinig ko ang hikbi ni Ahtisia sa kabilang linya. Hindi ko alam kung bakit imbes na maawa sa kanya ay mas lalo lang akong naiinis. Pakiramdam ko kasi ay peke ang iyak niyang iyon.
Pumasok si Hob na wala pa din ako sa aking sarili kaya naman naabutan niya akong hawak ang phone niya. Nakaramdam ako ng hiya dahil baka isipin niyang pinapaki-alaman ko ang gamit niya.
"T-tumawag si Ahtisia..." Nahihiyang sambit ko at kaagad na inabot sa kanya ang phone niya.
Hindi niya kaagad iyon nakuha sa akin, inilapag pa muna niya ang baso ng gatas sa may bed side table. Kinuha sa aking kamay at sandaling tiningnan bago niya muling binitawan.
"Tungkol daw saan?" tanong niya sa akin.
"Wala naman siyang sinabing iba...hinahanap ka lang," sagot ko sa kanya habang hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.
Umupo siya sa gilid ng kama sa aking gawi. Kinuha ang baso ng gatas at ini-abot iyon sa akin.
"Careful...medyo mainit," sabi niya sa akin.
Nanatili ang tingin ko sa gatas pero ramdam ko ang tingin ni Hob sa akin. Maingat akong sumimsim doon. Mas masarap iyong inumin dahil medyo mainit.
"May problema ba?" tanong niya.
Sinalubong ko ang tingin ni Hob sa akin.
"P-paano kung sabihin niya sayong...gusto ka niya?" tanong ko sa kanya kahit ang totoo ay natatakot ako sa kung anong pwede niyang isagot.
Tipid siyang ngumiti sa akin bago niya hinaplos ang aking pisngi.
"Ikaw ang gusto ko, Alihilani," paninigurado niya sa akin kaya naman uminit ang magkabilang gilid ng aking mga mata.
Mabilis kong inilapag ang baso sa bed side table bago ako napaluhod sa kama at yumakap sa leeg ni Hob.
"Baka kuhanin ka din sa akin..." sumbong ko.
Ayokong ipakita kay Hob na amsyado akong naaapektuhan sa presencya ni Ahtisia. Pakiramdam ko kasi ay nakaka-offend iyon sa part niya na para bang wala akong tiwala sa kanya.
Masyado lang talaga akong takot sa mga nangyari sa amin ni Nanay. Mahina kasi ang tingin nila sa amin kaya naman kinakaya-kaya lang nila kami. Madali para sa kanila na kuhanin ang lahat ng bagay na gustuhin nila.
"Walang kukuha sa akin sayo...Sayo ako, Alihilani. Pangako..." paninigurado niya sa akin bago niya ako mahigpit na niyakap.
Tahimik kaming dalawa ni Hob habang magkatabing nakahiga. Bukod sa wala akong lakas na magsalita dahil sa naramdam ko kanina ay ito na ata ang pinakamalapit naming pwesto sa isa't isa.
Nakayakap siya sa akin habang naka-unan ang ulo ko sa kanyang braso habang nakayakap naman ako sa kanyang katawan. Amoy na amoy ko ang bango ni Hob at ramdam din kung gaano katigas ang kanyang katawan dahil na din sa mga muscles nito.
"Hindi ka pa inaantok?" marahang tanong niya sa akin ng halikan niya ang aking ulo.
Umayos ako ng higa at mas lalong yumakap sa kanya. "Inaantok na..." sagot ko. Dahil sa lamig at sa epekto na din siguro ng gatas ay unti-unti na ding pumikit ang aking mga mata.
Mahimbing ang tulog ko ng gabing iyon pero ramdam ko pa din ang paninibago ko sa lugar kaya naman madilim pa lang sa labas ay nagising na ako. Malalim ang tulog ni Hob kaya naman malaya akong naka-alis sa yakap niya ng hindi niya namamalayan.
Bumaba ako sa kitchen para maagang magluto ng almusal namin. Marami din naman kaming pinamili kagabi sa supermarket kaya naman hindi na ako nahirapan na pumili pa sa kung anong lulutuin.
Gumagamit ng kuryente ang halos lahat ng gamit niya. Halos wala na nga akong ginawa kundi ang maghintay hanggang sa matapos maluto ng kusa iyon sa mga gamit ni Hob sa kusina.
"Ang laki dito..." sambit ko ng subukan kong maglinis na din sa may sala niya dahil mabilis na natapos ang pagluluto ko.
Pasikat pa lang ang araw ay natapos na ang pwede kong gawin kaya naman napagpasyahan kong umakyat patungo sa kwarto ko at maligo ng maaga.
"Good morning..." salubong niya sa akin. Saktong paglabas ko ng aking kwarto ay kakatok na sana siya.
"Ang aga mong nagising," puna niya.
"Naninibago pa ako..." sagot ko.
Sabay kaming bumaba para kumain ng almusal. Kita ko ang amusement sa mukha ni Hob ng makita niyag maayos na ang lamesa at may mga pagkain na din.
"Upo ka na...ipagtitimpla kita ng kape," sabi ko sa kanya at kaagad siyang tinalikuran para gawin iyon.
Hindi pa din siya maka-imik, kita ko pa din ang tingin niya sa mga pagkain.
"Uhm...masyado bang naparami ang luto ko?" tanong ko.
Marahan siyang umiling. "Parang ayaw na kitang iuwi sa inyo..." nakangising sabi niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang sinamaan ng tingin.
"Magkakasundo talaga kayo ni Mommy," sabi niya sa akin sa kalagitnaan ng aming pagkain.
"Medyo kinakabahan ako..." pag-amin ko.
Hinawakan niya ang kamay kong nasa itaas ng lamesa. "She likes you..."
Tipid akong ngumiti. Masaya ako na kahit isang beses pa lang kami noon nagkita ni Mrs. Jimenez ay magaan na kaagad ang loob niya sa akin. Ganoon din naman ako sa kanya.
Hindi pa din ako minsan makapaniwala na may kagaya nilang sobrang angat sa buhay pero hindi kailanman nang-maliit ng kapwa nila. Ang swerte ko na sa mga kaibigan kong sina Eroz, Gertie, at Vera. Pati ang pamilya ni Hob ay ganoon din...pwera lang kay Hunter na hindi ko pa din maintindihan hanggang ngayon.
"Isasama kita sa companya, nakilala mo na noon si Tito Marcus, di ba?" tanong niya sa akin.
"Pwede ba ako doon kahit hindi ako empleyado?" tanong ko.
Ngumisi si Hob. "Girlfriend kita," sabi niya kaya naman napanguso ako.
Pumili ako ng dress na sa tingin ko ay pwede kong isuot para doon. Panigurado kasing mga naka-formal attire din ang mga tao doon. Ayoko naman na mapahiya si Hob dahil lang sa kasama niya ako.
Napili ko ang puting button down dress na hapit sa bewang. Ako ang gumawa non ng gayahin ko sa isang mamahaling dress na nakita ko sa magazine.
Tama si Vera ng sabihin niya sa aking kakailanganin ko ang mag heels niya. Hindi ako masyadong sanay sa mataas kaya naman ang Steve Madden white block heels niya ang ipinareha ko sa aking suot.
Nasa may sala na si Hob pagkababa ko at nakaupo sa kanyang sofa habang abala sa hawak na phone. Hindi nagtagal ay nag-angat siya ng tingin sa akin kaya naman nag-init ang magkabilang pisngi ko.
"Uhm...tapos na ako," wala sa sariling sabi ko dahil hindi ko din alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
Tumayo siya at kaagad aking sinalubong.
"Hob!" tawag ko sa kanya ng hapitin niya ako sa bewang at siniil ng halik.
"Wag na tayong umalis..." sabi niya sa akin kaya naman napangisi ako.
"Sabi mo ipapasyal mo ako," paalala ko sa kanya.
Umigting ang kanyang panga. "Masyado kang maganda...sa akin lang dapat," giit niya kaya naman kaagad kong inabot ang ilong niya at pinisil iyon.
"Wala tayong magagawa diyan..." pang-aasar ko sa kanya kaya naman mariin siyang napapikit.
Mabilis akong humiwalay kay Hob ng marinig ko ang pagtunog ng phone ko. Kaagad kong sinagot ang tawag nang makita kong si Nanay iyon.
"Nay!" excited na tawag ko sa kanya.
Marami akong gustong ikwento. Ipinangako ko nga sa aking sarili na sa susunod na bumalik ako dito ay isasama ko siya. Gusto kong makita niya din ang lahat ng ito.
"Kamusta ka diyan, Alihilani?" tanong niya sa akin.
Lumapit ako sa may glasswall kung saan kita ko ang buong syudad.
"Maayos lang po, Nay. Ang ganda po dito..." kwento ko sa kanya.
"Magpakuha ka ng litrato sa mga lugar na pupuntahan niyo...ipakita mo sa akin pagka-uwi niyo," sabi niya sa akin. Ramdam ko ang saya sa boses ni Nanay. Alam kong masaya siya para sa akin.
"Opo, Nay!" paninigurado ko sa kanya.
Habang kausap si Nanay ay naramdaman ko ang paglapit ni Hob sa akin at ang pagpulupot ng kamay niya sa aking bewang.
"Kakausapin ko si Hob," sabi niya sa akin.
Nilingon ko ito at kaagad na ipinakita sa kanya ang phone.
"Kakausapin ka daw ni Nanay," sabi ko sa kanya. Walang pagaalinlangan niyang tinaggap iyon.
"Nay..." tawag niya dito kaya naman inirapan ko siya dahilan para ngisian niya ako.
Wala akong narinig kay Hob kung ang pag-sangayon niya sa lahat ng sinasabi ni Nanay sa kanya.
"Isasama po namin kayo sa susunod," sabi niya dito kaya naman mabilis ko siyang nilingon.
"Opo, Nay."
Mas lalo akong natuwa dahil sa kanyang sinabi. Mas lalo akong na-excite para kay Nanay. Gusto ko ding makita ang reaksyon niya sa oras na makita niya ang mga nakikita ko ngayon.
"Good morning, Sir Jimenez!"
Ramdam ko kung gaano nire-respeto si Hob sa companya nila ng pumasok kami. Halos lahat ng makasalubong niya ay binabati siya. Mahigpit ang hawak niya sa aking kamay ng sumakay kami sa elevator.
Kahit nahihiya ay sinubukan ko pa ding maging presentable sa harap ng mga nakakasalubong namin.
"Sir Hobbes..." tawag ko sa kanya ng kaming dalawa na lang ang maiwan sa loob ng elevator.
"Don't call me that..." naka-simangot na suway niya sa akin.
"Good morning, Sir Hobbes!" gaya ko sa mga empleyado.
Hindi maalis ang ngiti ko dahil sa pagkakalukot ng noo niya dahil sa aking sinasabi.
"Stop that, Alihilani..." suway niya sa akin.
Humaba na lang ang nguso ko at tumigil na lalo ng makita kong namumula nanaman ang kanyang tenga.
Tumunog ang elevator sa tamang palapag, hindi nanaman natigil ang mga pagbati sa kanya hanggang sa lumapit kami sa isang reception desk.
"Nasa loob si Daddy?" tanong niya dito.
"Yes, Sir Hobbes," sagot ng babae na secretary ata.
Tumango si Hob at muli akong hinila papasok sa malaking double door. Humigpit din ang hawak ko sa kanya ng makita ko sa loob ang malaking family portrait nila. Mukhang bata pa si Hob sa litrato pero ganoon pa din ang itsura niya, ang gwapo pa din niya.
"Finally!" anya ng lalaki.
Nanlaki ang mata ko ng makumpirma kong Daddy ni Hob iyon. Kahawig ni Hob si Mrs. Jimenez pero mas kamukha niya ang Daddy niya. Kahit pa may edad na ito ay ang ganda pa din ng katawan at makisig.
"Dad, si Alihilani...girlfriend ko," pagpapakilala ni Hob sa akin.
"Nice to finally meet you, Hija."
Nakangiti siya sa akin nang maglahad siya ng kamay. Nginitian ko siya pabalik at tinanggap iyon.
Matapos sa akin ay hinawakan niya si Hob sa balikat. "Magaling kang pumili anak! Gusto ko na ng apo," sabi niya sa amin kaya naman halos sumabog ang mukha ko sa init.
"Dad...tinatakot mo," suway ni Hob sa kanya. Kung mag-usap sila ng Daddy niya ay para lang silang magka-barkada.
"Bigyan niyo na kami ng apo...parang-awa niyo na!" sabi niya kay Hob bago siya natawa. Alam ko na ngayon kung saan siya nagmana sa paraan niya ng tawa.
Ramdam ko ang pagtanggap sa akin ni Tito Sebastian. Iyon na lang daw ang itawag ko sa kanya ng sawayin niya ako ng tawagin ko siyang Sir.
Matapos doon ay ipinakilala niya ulit ako kay Tito Marcus. Dinala pa niya ako sa Law firm office nila. Malaki ang companya nila kaya naman kahit ako ay nalulula nang isiping kina Hob ang lahat ng ito.
"Dito kami unang nagkakilala ni Gertie," natatawang kwento niya sa akin ng mapunta kami sa isang coffee shop sa baba lang din ng building nila.
Si Hob ang umorder para sa aming dalawa. After ng meeting ni Tito Sebastian ay inaya niya kaming mag-lunch kasama siya. Sayang lang at hindi nasabihan kaagad si Mrs. Jimenez kaya naman hindi niya na ma-cancel ang nauna niyang appointment.
Dinala din ako ni Hob sa office niya. Hinayaan niya akong umupo sa swivel chair niya habang tinitingnan ang ilang litrato ng lahat ng project na nagawa niya.
"Hinahanap ka sa akin ni Chelsea, gusto mong pumunta mamaya?" tanong niya sa akin.
Tipid akong ngumiti ay tumango. Mukha namang mabait si Chelsea, nasabi din niya sa akin na pwede niya akong tulungan sa mga design na nagawa ko. Malaking tulong din iyon para sa amin ni Nanay. Mas mabilis naming matutupad ang pangarap naming patahian.
Mas lalo kong nakilala si Tito Sebastian kaya naman mas lalo ko ding nakita ang pagkakahawig nila ni Hob hindi lang sa mukha kundi sa kakulitan din.
"Akala ko nung una masungit ang Daddy mo...sobrang bait pala," puna ko.
"Kaka-cellphone niya yan," sabi niya sa akin na pareho naming ikinatawa. Bago ko siya hinampas sa braso.
Madilim na ng lumabas ulit kami ni Hob para daw pumunta sa The Vega's. Ang kaibigan daw niyang si Thomas Dela Vega na boyfriend ni Chelsea ang may-ari noon. Hindi naman na nakakapagtaka pa na hindi rin basta basta ang mga kaibigan ni Hob.
"May problema ba sa suot ko?" tanong ko sa kanya ng mapansin kong ilang beses niya akong pinasadahan ng tingin.
Naka-black button down shirt siya at dark pants din. Hindi namin pinag-usapan ang kulay ng isusuot pero pareho kaming naka-itim. Nakataas ang buhok ko habang isang itim na spaghetti strap dress ang suot ko.
"N-nothing..." sagot niya sa akin kaya naman hinayaan ko na lang.
Medyo maingay na sa loob nang dumating kami. Hindi kagaya ng iba ay kahit halatang nagkakasiyahan na ang lahat ay organize pa din ang paligid. Kita mo sa galaw ng mga tao doon na mataas din ang estado nila sa buhay.
"Jimenez!" sigaw na tawag ni Chelsea.
Lumapit kami sa malaking round table nila. Humigpit ang hawak ko sa braso ni Hob, hindi din talaga kasi ako sanay masyado sa ibang tao kaya naman bago pa para sa akin ang pakiramdam na ito.
"Thomas Dela Vega," pakikipagkilala ng kaibigan ni Hob.
Kita sa mukha niya na seryoso siyang tao. Mas lalo akong hindi makatingin sa kanya ng maayos ng malaman kong isa siyang abogado.
"Ang ganda talaga niya...wala pang make-up yan. Payagan mo na, Hob!" asik ni Chelsea sa kanya.
Abala ako sa paglibot ng aking paningin sa buong lugar kaya naman hindi ko na halos nasundan ang pinag-uusapan nila.
"Tigilan mo," rinig kong suway ni Hob sa kanya.
"Sus! Takot ka lang na sumikat yan eh! Tinanong mo ba siya kung anong gusto niya?" laban ni Chelsea na mukhang hindi rin talaga magpapatalo.
Nilingon ko sila ng mapansin ko na nakatingin din sila sa akin.
"Gusto mong maging model?" marahang tanong ni Hob sa akin.
Uminit ang magkabilang pisngi ko. Hindi ko kailanman naisip na maging model. Hindi naman ako kagandahan para pumasok sa ganoon.
"Mas gusto kong gumawa ng mga damit..." marahang sagot ko.
Bumagsak ang balikat ni Chelsea kaya naman napangisi ang boyfriend niyang si Thomas.
"May nakakatawa ba don?" masungit na tanong niya dito.
Umayos ng upo si Thomas at kaagad na umiling. Nginisian siya ni Hob dahil mukhang takot din siya sa girlfriend.
Hinila ako ni Chelsea patabi sa kanya at tinulungan pa akong pumili ng mga masasarap daw na inumin.
"Caramel coffee cocktail...try mo," sabi niya sa akin.
"Hindi siya umiinom..." suway ni Hob sa kanya.
"Sus! Hinihingi ba namin opinyon mo?" masungit na tanong niya kay Hob kaya naman napamura ito ng mariin.
After naming makapili ni Chelsea ng order ay nilingon ko si Hob na seryosong nakikipag-usap kay Thomas. Kahit sa upuan lang kami magkahiwalay ay sa tuwing tinitingnan ko siya ay ramdam ko talaga ang layo naming dalawa.
"Hahanapi ko si Angelina at ipapakilala kita," sabi ni Chelsea sa akin bago siya tumayo at nagpaalam.
"Miss..." tawag ni Hob sa akin ng makita niyang nahiwalay na ako kay Chelsea.
Ngumisi si Thomas ng tapikin ni Hob ang katabi niyang upuan na inuupuan ko kanina.
"Maiwan ko muna kayo. Ayokong maging thirdwheel," paalam niya sa amin.
Bumalik ako sa pwesto sa tabi ni Hob, hindi pa man ako nakaka-ayos ng upo ay mabilis na niya akong hinapit sa bewang palapit sa kanya.
"Alam mo bang ilang lalaki na ang napilay sa isip ko dahil sa tingin nila sayo?" sabi niya sa akin na ikinagulat ko.
"Huh?"
Mariin siyang napapikit. "See? And you're not even aware of it," pamomorblema niya.
Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin bago niya ako hinalikan sa pisngi. Naamoy ko kaagad ang alak sa hininga ni Hob.
"Wag kang masyadong uminom ha..." paalala ko sa kanya.
"Yes, Miss..." nakangising sagot niya sa akin.
Dumating ang inorder ni Chelsea na inumin para sa akin kaya naman kinuha ko iyon. Muling kumunot ang noo ko ng makita kong nakatingin si Hob sa paghawak ko ng baso.
"B-bakit?" tanong ko sa kanya.
Mariin siyang napapikit at marahang umiling.
Mas lumalim ang gabi kaya naman mas dumami ang tao. Unti unti ko na ding napansin ang sinasabi ni Hob na mga tumitingin sa aming gawi.
Dahan dahan ang ginawa kong pag-inom sa hawak kong alak. Natahimik si Hob habang abala sa phone niya kaya naman ng lingonin ko iyon ay nanlaki ang mata ko ng makitang album iyon tungkol sa naganap na bridal shower ni Yaya Esme.
"Hob..." tawag ko sa kanya.
Masyado siyang tutok doon hanggang sa mahigit ko ang aking hininga ng sumunod ang mga video hanggang sa makita niya ang video ko na humalik sa dibdib ng lalaki.
Tumikhim siya bago niya padabog na pinatay ang phone niya at padarag na ibinaba sa may lamesa.
"Hob..." tawag ko sa kanya.
Kinuha niya ang isang shot glass at kaagad na nilagok iyon.
Kita ko ang galit sa bawat mabibigat na hugot niya ng buntong hininga.
"Banyo lang ako..." paalam niya sa akin ng hindi man lang ako tinitingnan bago niya ako iniwan.
Namuo ang kaba sa dibdib ko. Naiwan akong mag-isa sa pwesto namin habang nasa harapan ko ang madaming taong hindi ko naman kilala. Mabilis akong napayakap sa aking sarili, hindi ako sanay dito kaya naman mas lalo akong nailang ng iwan niya ako mag-isa.
Bumalik din siya pagkatapos ng ilang minuto na kasama na niya sina Chelsea at Thomas.
"Nawala nanaman na parang bula si Angelina," reklamo ni Chelsea sa kawalan.
Nilingon ko si Hob at nakitang wala pa ding ekspresyon ang mukha niya. Tahimik din siya at ilang beses na uminom ng alak. Hindi siya nagsalita pagkatapos niyang makita ang video hanggang sa mag-paalam na siya sa mga ito.
"Maaga pa!" giit ni Chelsea.
"May kailangan akong tapusing trabaho," sagot niya dito.
Tipid kong nginitian si Chelsea nang magpaalam na din ako sa kanya. Hindi pa naman daw iyon ang huli naming pag-uusap.
"Hob, tungkol doon sa video..."
Maayos pa din naman ang pagmamaneho niya pero hindi lang ako sanay na wala kaming imikan.
"Sorry kung hindi mo nagustuhan yung nakita mo," sabi ko sa kanya bago na din ako nanahimik.
Kahit sa elevator paakayat ng kanyang condo ay tahimik kami. Kahit ganoon ay hindi pa din naman nawala ang pagiging gentleman niya.
"Shower lang ako. Magbihis ka na din," sabi niya sa akin.
Dumiretso siya sa kanyang kwarto. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman sumunod ako sa kanya at narinig kong bukas nga ang shower.
"Hob..." tawag ko sa kanya.
Hindi niya kaagad iyon narinig dahil sa pagbagsak ng tubig. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi ng makita ko siya sa loob ng glasswall na shower area. Nakatalikod siya sa akin at nakaharap sa pader kaya naman hindi kaagad niya ako napansin.
Parang inugat ang mga paa ko sa aking kinatatayuan ng makita ko ang hubad niyang likod pababa sa kanyang hubad na pang-upo.
"Uhm..." wala akong masabi, hindi ko alam ang sasabihin.
"Alihilani..." gulat na tawag niya sa akin ng lingonin niya ako.
Bigla akong nataranta. Bago pa man ako makatalikod at umalis doon ay kaagad niya akong nahila papasok sa shower area. Pinatay niya ang shower bago niya itinukod ang kanyang magkabilang kamay sa pader para ikulong ako.
"Uhm...Hob, hindi ko..." hindi ko alam ang sasabihin ko. Wala pa din ako sa aking sarili.
Nanatili ang tingin niya sa akin, pero unti unting bumaba ang tingin ko sa dibdib niya, pababa sa abas, hanggang sa halos mahigit ko ang hininga ko ng makita ko ng buo ang sa kanya.
"Alam mo bang galit ako?" marahang tanong niya sa akin.
Bayolente akong napalunok. "Hob..." tawag ko sa kanya.
Hindi ko na nadugtungan pa iyon ng kaagad niya akong siilin ng halik. Nnaghina kaagad ang tuhod ko kaya naman mabilis akong napakapit sa kanyang leeg. Nabasa ang damit at katawan ko dahil sa pagyakap ko sa kanya ng suklian ko ang halik niya.
"Hob!" daing ko ng maramdaman ko ang paglalakabay ng mainit niyang palad sa aking katawan.
Ilang beses ding hinagod ng palad niya ang biinti ko dahilan para tumaas ang suot kong dress.
"Ahh...Hob!" tawag ko sa kanya ng lumipat ang halik niya pababa sa aking leeg kasabay nang pag-akyat ng kamay niya sa aking bewang paakyat sa aking dibdib.
"Damn...I can't stop now," nahihirapang sabi niya.
Mabilis siyang humiwalay sa akin at walang kahirap hirap na hinubad ang suot kong dress.
"Are you ready for this? Do you want to do this with me?" marahang tanong niya kahit ramdam ko ang paghihirap sa kanyang boses.
Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Hindi naman ako nasasaktan at hindi din naman niya ako pinipilit,
"O-oo, Hob..." sagot ko sa kayang kasabay ng pagtulo ng aking luha.
May kakaibang saya lang siguro akong nararamdaman lalo na at mahal ko siya. Gusto kong gawin ito kasama siya.
Muli niya akong inatake ng halik hanggang sa mapahiyaw ako ng buhatin niya ako pasampa sa kanya. Naramdaman ko na lang na naglalakad siya hanggang sa marahan niya akong inihiga sa kama.
Bawat galaw ni Hob ay marahan kahit alam kong nagpipigil lang siya. Sobrang init ng mukha ko habang nilalabanan ko ang tingin niya habang tinatanggal niya ang mga huling saplot sa aking katawan.
"I love you, Alihilani..."
"Mahal din kita, Hob..." sabi ko sa kanya bago ako napapikit ng marahan niyang paghiwalayin ang aking binti bago niya ako hinalikan doon.
"Ugh! Hob!" Daing ko dahil sa kakaibang sensasyong dala non.
Halos lahat ng parte ng aking katawan ay buong lambing niyang hinalikan dahilan para mas lalo akong makaramdam ng init.
"Hob...please!" sambit ko ng halos sabunutan ko na siya ng haikan din niya ang pagkabila kong dibdib.
"Masasaktan kita..." sabi niya sa akin.
Tipid ko siyang nginitian kahit ang totoo ay kinakabahan ako.
"A-ayos lang..." paninigurado ko sa kanya.
Umigting ang pang niya bago siya umayos ng pwesto sa aking itaas. Dahan dahang napaawang ang labi ko at napaliyad ako ng maramdaman ko siya doon.
"Ahhh..." sambit ko.
"Damn it," mahihirapang sambit niya.
Halos bumaon ang mga kuko ko sa likod at braso niya.
"Hob, masyadong...hindi ko kaya," daing ko. Pakiramdam ko ay masyado siyang malaki para sa akin.
"Aw. Hob!" naiiyak na daing ko ng dahan dahan niyang pinag-isa ang sa amin.
Tumulo ang luha sa aking mga mata dahil sa sakit doon. Buong lambing niya akong hinalikan.
"Damn it. Ikakasal ka sa akin, Alihilani," sabi niya bago siya nag-umpisang gumalaw ng madiin pero mabagal.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro