Chapter 27
[A/n] Hi, CarCatians! You can follow me on my socmeds account to be more updated regarding my updates schedule. Twitter, Insta, and Fb "Maria_CarCat". Keep safe always, and love lots! Maria.
----------------------
More
Unti unting lumaki ang ngiti sa mga labi ni Hob. Ramdam ko naman ang mas lalong pag-init ng aking magkabilang pisngi. Hindi na aalis ang tingin niya sa akin hanggang sa tumaas ang kilay ko ng tangka siyang tatayo at yayakap sa akin.
"A-anong gagawin mo?" tanong ko sa kanya.
"Yayakap?" nakangiting sagot niya sa akin.
"At bakit?"
Nabitin sa ere ang pagtayo niya kaya naman muli siyang bumalik sa pagkaka-upo.
"Wala pang ilang minuto," pagpaparinig ko sa kanya.
Napakamot siya sa kanyang ulo pero hindi pa din talaga maalis ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Sanay lang akong mangyakap pag masaya ako," sabi niya sa akin kaya naman mas lalong tumaas ang kilay ko.
"Nanliligaw ka pa lang..." paalala ko ulit sa kanya bago ako nag-iwas ng tingin.
"Oo, Alihilani...nililigawan kita," sabi pa niya sa akin kaya naman halos mamanhid ang batok ko pababa sa aking braso.
Panay ang ngisi ni Hob kaya naman panay din ang irap ko para itago ang tunay na nararamdaman. Masaya din naman ako sa aking naging desisyon. Hindi lang ako sanay na ipakita kay Hob iyon dahil medyo nakakaramdam pa ako ng pagkailang sa kanya.
Nagpasalamat ako ng dumating ang waiter na may dala ng order namin kaya naman kahit papaano ay nawala ang sandaling pagkailang ko dahil sa kanya.
Inayos ko papunta sa harapan ni Hob ang pagkaing ibinababa ni Ate. Kita ko naman na panay ang sunod ng tingin niya sa bawat galaw ko.
"Tsaka po isang take out ng palabok," sabi ko dito bago niya kami tuluyang iwan.
"Kumain na tayo," sabi ko sa kanya.
Nagtaas siya ng kilay sa akin bago siya umayos ng upo para maghanda ng kumain. Kahit medyo ilang pa din ay nakakain naman ako ng maayos dahil nakaramdam din ako ng gutom sa pamamalengke namin.
"Masarap nga dito," sabi niya sa akin habang sumusubo ng palabok.
Kaagad akong tumango sa kanya at nakitang kaya niyang ubusin iyon sa ilang subo lang dahil sa gana niyang kumain.
"Kung gusto mo pa...pwede pa tayong umorder," sabi ko sa kanya kaya naman napangisi siya.
"Ito na lang muna. Baka ma-turn off ka pag nakita mong matakaw ako," sagot niya na ikinalaglag ng panga ko.
Pinanliitan ko siya ng mata bago ko siya inirapan.
"Araw araw ka namang gutom at matakaw, Hob. Alam ko naman iyon," sabi ko sa kanya.
Hindi siya nakasagot pero nakita ko nanaman kung paano mamula ang kanyang tenga.
Sa kalagitnaan ng aming pagkain ay may tumawag sa aking isang kakilala.
"Alice!"
"Aling Cedes," tawag ko sa kanya pabalik.
"Kain po," alok ko pa ng bumaba ang tingin niya sa mga pagkain sa lamesa bago napunta kay Hob.
Halos mapasapo nanaman ako sa aking noo ng makita ko kung paano nagtagal ang tingin ni Aling Cedes kay Hob na para bang may nalalagyan ng glue ang mga mata nila sa tuwing nakikita nila ito.
"Mukhang masarap..." sambit niya habang nasa kay Hob ang tingin kaya naman kumunot ang noo ko.
"Po?"
"M-masarap ang palabok...pero tapos na akong mag mirienda," sabi niya sa akin ng makabawi siya.
Tipid na lang akong ngumiti sa kanya at naghintay sa sasabihin niya.
"Gumagawa pa ba kayo ng basahan? Magpapadeliver sana kami sa may bakery, hindi na kami dinadalhan nung kinukuhanan namin," sabi niya sa akin.
Siya ang may-ari ng bakery na palagi kong inaalok ng basahan noon. Napangiti ako ng maalala ko ang lahat ng iyon, parang dati ay ako pa ang lumalapit sa kanila para mag-alok, ngayon ay siya na mismo ang lumapit sa akin para sa amin kumuha ng basahan.
"Opo, gumagawa pa po kami ni Nanay," sagot ko sa kanya.
Kaagad kong kinuha ang maliit na notebook sa bag ko para kuhanin ang phone number ni Aling Cedes. Tahimik niyang hinintay na magawa ko iyon pero pansin ko pa din ang ilang beses niyang pagsulyap sa aking kasama.
Bago harapin si Aling Cedes ay tumingin muna ako kay Hob na tahimik na nanunuod din sa amin.
"Sandali lang ha..." sabi ko sa kanya.
Baka kasi nabastos ko siya sa parteng iyon pero tipid siyang ngumiti sa akin.
"It's ok, take your time," sabi niya sa akin kaya naman muli kong hinarap si Aling Cedes na nakatayo pa din sa aming harapan ngayon.
"Pahingi na lang po ng number niyo, tsaka kung ilang piraso po," sabi ko sa kanya.
Sinulat ko ang lahat ng sinasabi ni Aling Cedes, maging kung ilang pirasong basahan ang kailangan nila.
"Dadalhin ko na lang po ito sa inyo bukas ng hapon," sabi ko sa kanya na kaagad niyang tinanguan.
"I-text ko na lang din po kung magkano ang lahat," pahabol ko pa bago siya tuluyang nagpaalam sa amin.
Nginitian din siya ni Hob ng tumingin siya dito kaya naman hinayaan ko na lang silang dalawa at muling tiningnan ang mga nai-sulat ko sa aking maliit na notebook.
"Pasencya na. Kumain na ulit tayo," sabi ko sa kanya.
Itinago ko ang maliit kong notebook sa aking tote bag at nakita kong sumunod din ang tingin ni Hob doon. Hindi kagaya kanina ay seryoso na ang mukha niya ngayon.
"May patahian kayo ng basahan?" tanong niya sa akin.
Nakaramdam ako ng kung ano. Parang bigla akong nakaramdam ng hiya kahit hindi naman dapat. Hindi naman nakakahiya ang pagtitinda ng basahan pero dahil si Hob ang kaharap ko ngayon...at sa tuwing nakikita ko siya ay sinasampal ako ng katotothanang masyadong malayo ang agwat ng estatdo ng buhay namin.
"Si Nanay ang gumagawa ng mga basahan...tumutulong ako minsan, pero ako ang taga deliver...at nagbebenta," sagot ko sa kanya bago bumaba ang tingin ko sa aking pagkain.
"Nagbebenta?" tanong niya sa akin na para bang hindi iyon malinaw para sa kanya.
Tipid akong tumango at sandaling sumulyap sa kanya. "Naglalako ako ng basahan...bata pa lang ako."
Bahagyang kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Bakit?"
Bayolente akong napalunok bago ako umayos ng pagkakaupo. Dahil pinayagan ko na si Hob na manligaw sa akin, ayos lang siguro na mas makilala niya ako at mas makilala ko din siya.
"Naglalako ako ng basahan noon tuwing hapon para may baon ako sa eskwela kinabukasan...o kaya naman para tumulong kay Nanay para sa pagkain namin," sagot ko sa kanya.
Kung titigil siya sa panliligaw sa akin dahil sa mga nalaman niya ay maiintindihan ko naman.
Mas lalong kumunot ang noo niya. "Engineer na noon ang Tatay mo...bakit?" magulong tanong niya na para bang hindi niya din alam kung paano itatanong iyon ng maayos sa akin.
"Hindi na kami ang pamilya niya kaya..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil bukod sa masakit iyon para sa akin ay hindi ko din naman naiintindihan hanggang ngayon kung bakit biglang nagbago ang lahat noon. Na sa isang iglap nawala si Tatay sa amin kasama ng mga pangako niya.
"Kahit pa. Hindi niya dapat hinayaan na maranasan mo iyon," giit niya na para bang nakaramdam siya ng galit dahil sa nalaman.
Hindi ako naka-imik hanggang sa marinig ko ang mabibigat na pagbuga ng hininga ni Hob. Muli akong sumulyap sa kanya hanggang sa unti unting lumambot ang mukha niya habang nakatingin sa akin.
"Tapos sinasaktan ka pa ng bago niyang asawa," marahang sabi niya.
Wala akong nasabi. Hindi ko din alam kung anong dapat kong sabihin, nanatili lang akong tahimik habang nakatingin sa pagkain sa aking harapan.
"You will never experience all those things again, Miss." sabi niya kaya naman nag-angat ako ng tingin.
"Wala namang kaso iyon sa akin. Kung hindi dahil sa mga naranasan ko...hindi ako magiging matapang para sa amin ni Nanay," sabi ko sa kanya kaya naman mas lalong pumungay ang kanyang mga mata.
Napaawang ang labi ko ng maramdaman kong hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa itaas ng lamesa.
Bumaba ang tingin ko doon hanggang sa tapikin ko ang kamay niya bago pa siya masanay.
Tumaas ang isang sulok ng labi niya habang hindi pa din niya inaalis ang pagkakahawak sa kamay ko.
"What? Bawal hawakan ang kamay ng nililigawan ko?" tanong niya sa akin kaya naman napabuntong hininga ako.
Hinayaan kopa hanggang ilang minuto bago ko inaalis sa itaas ng lamesa ang kamay ko.
"Tama na yon, masyado ng matagal," sabi ko sa kanya at nagiwas ng tingin para uminom ng tubig.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Hob. May pagka-abnormal din ang isang ito, kanina ay parang galit hanggang sa naging malungkot...ngayon naman ay tumatawa.
"Ilang minuto ko pwedeng hawakan ang kamay mo, Miss?" tanong niya sa akin.
"Tumigil ka, wala pa isang araw akong pumayag kung ano ano ng ginagawa mo," suway ko sa kanya.
Humaba ang nguso nito. "I'm sorry. I'll behave hanggang sa pwede na."
Marahan akong tumango at mariing napapikit. Hindi ko din naman kasi alam kung ano ang pwede at hindi. Ito ang unang beses na may tinanggap akong panliligaw.
"Hey, it's ok. We'll take it slow, hindi tayo mag mamadali," marahang sabi niya sa akin kaya naman mas lalong uminit ang magkabilang pisngi ko ng maalala ko si Yaya Esme sa salitang iyon.
Naitakip ko ang aking magkabilang palad sa aking mukha dahil sa sobrang pag-init nuon.
Tumikhim si Hob. "You should limit your visit kay Yaya Esme," sabi niya sa akin kaya naman mas lalong humigpit ang pagtakip ko sa aking mukha.
Kahit pa may mga ganoong tagpo ay natapos din naman namin ang aming pagkain hanggang sa magpilitan pa kami ng Hob sa kung sino ang magbabayad.
"Libre ko ito sayo...sa pagsama sa akin dito," giit ko ng kuhanin niya ang bill.
"Kahit hindi mo ako ilibre, sasama pa din ako sayo dito," laban niya sa akin.
At dahil mukhang kanina pa din nakatingin sa kanya ang mga waitress ay sa kanya kaagad ibinigay ang bill. Naglabas si Hob ng pera sa kanyang bulsa at iniabot iyon sa babae.
Wala na akong nagawa pa kundi ang hayaan siya. "May pupuntahan pa ba tayo pagkatapos nito?" tanong niya sa akin.
"Bibili na lang ako ng gamot ni Nanay diyan sa may botika," sagot ko sa kanya kaya naman tipid siyang tumango.
"Gamot na lang pala ni Nanay..." sambit niya na ikinagulat ko.
Kita ko ding natigilan siya at tumingin sa akin. Muli kong nakita ang pagpula ng kanyang tenga.
"Gamot ni Nanay mo..." pagtatama niya kaya naman tumango ako. Hanggang sa muli nanaman siyang magsalita.
"Na magiging Nanay ko din," nakangising sabi niya sa akin.
"At bakit magpapa-ampon ka?" laban ko sa kanya.
Nagtaas siya ng kilay. "Masyado kang maganda para maging kapatid ko..." sagot niya sa akin.
"Yung ganda mo...bagay maging asawa ko," banat pa niya bago siya tumawa kaya naman kaagad kong akong kumuha ng kung ano para ibato sa kanya.
"Ang ingay-ingay mo, Hob!" suway ko sa kanya.
Hindi siya natinag at panay pa din ang tawa at ngisi sa akin kaya naman halos sumakit ang mata ko kaka-irap sa kanya.
Kinuha niya ang dalawang malaking eco bag kaya naman kaunti at magaan ang mga natira sa akin. Mabigat ang mga iyon pero sa pagkakabuhat ni Hob ay parang wala lang sa kanya.
"Bitawan mo muna diyan sa tabi, hintayin mo na lang ako dito," sabi ko sa kanya dahil siguradong mahihirapan siya kung sasama pa siya sa akin sa may drug store.
"Sasama ako," giit niya kaya naman imbes na makipag-away pa sa kanya ay hinayaan ko siyang sumunod sa akin.
Pagkadating sa tapat ng drug store ay naghintay pa kami dahil madami ding bumibili. Inilabas ko ang reseta ni Nanay para tingnan kung ano ang mga kailangan kong bilhin at kung ano ang mayroon pa.
Ramdam ko ang mas lalong paglapit ni Hob sa akin at nakibasa din sa reseta na para bang may kung ano doon.
"Anaiah Cleone Alix...ang ganda din ng pangalan ng Nanay mo," sabi ni Hob ng basahin niya ang pangalan ni Nanay.
"Kaya nga...yung akin kasi pangkaraniwan lang," sabi ko at tumingin sa kanya para pagtaasan siya ng kilay. Naaalala ko pa kung paano niya sabihin iyon sa Mommy niya.
"Sinong nagsabi?" tanong niya sa akin. Nag mamaang maangan pa!
Inirapan ko siya kaya naman mas lalo siyang ngumisi.
"Mas maganda kung magiging Jimenez iyon," sabi niya sa akin.
Siniko ko siya kaya naman napahawak siya sa kanyang tagiliran.
"Mas maganda kung mananahimik ka," laban ko sa kanya.
Matapos naming mabili ang lahat ng mga kailangan ay bumalik na kami sa sasakyan ni Hob. Sinabi ko sa kanya na sa factory namin iyon idi-deretso at pumayag naman siya. Maliit lang kasi ang ref namin sa bahay at hindi kakasya ang mga iyon.
At dahil alam naman ni Manong guard kung ano ang pakay ko sa loob at nakita pa niya si Hob kaya naman nakapasok kami kaagad.
"Mabait na amo ba si Eroz?" tanong niya sa akin habang abala ako sa paglalagay ng mga karne sa may freezer.
Marahan akong tumango. "Sobra..." sambit ko.
Sandali siyang natahimik. "Nagkagusto ka kay Eroz?" tanong niya sa akin.
Kaagad ko siyang nilingon. Bago pa man ako makapagsalita ay nagulat na ako ng inirapan niya ako.
"No need to answer that part. Baka mag-sel..." hindi ko na narinig pa ang sumunod na salita dahil mahina na lang iyon.
Hinayaan ko na lang si Hob na panay ang tingin ng kung ano sa loob ng pantry namin.
"Gusto mo ng kape?" tanong ko sa kanya para hindi siya mainit.
"Ofcourse..." sagot niya kaya naman humaba ang nguso ko. Kahit anong pagkain ata ang ialok sa kanya ay hindi niya tatanggihan.
Natahimik si Hob habang umiinom ng kape hanggang sa makatanggap siya ng tawag mula sa Tito daw niya. Masyado din akong abala sa aking ginagawa para maintindihan ang mga sinasabi niya.
"I'll review the file pagka-uwi ko, Tito"
Sandali siyang natahimik na para bang nakikinig siya sa sinasabi ng nasa kabilang linya.
"Dadalhin ko diyan pag sinagot ako," nakangising sagot niya dito.
Kahit gustong gusto ko siyang lingonin ay pinigilan ko na lang ang sarili ko. Binilisan ko ang ginagawa ko para makauwi na din kami dahil mukhang may kailangan din siyang gawin.
"Salamat sa pagsama sa akin, Hob."
Ngumiti siya sa akin. "Nag-enjoy ako," sabi niya sa akin.
"Namalengke lang tayo. Ngayon ka lang ba namalengke?" tanong ko sa kanya.
Hindi pa siya sumasagot ay na-realize kong mali pang tinanong ko siya dahil halata naman ang sagot.
"I enjoy being with you, Miss."
Hindi ako nakapagsalita. Gusto ko din sanang sabihin sa kanyang nag-enjoy din akong kasama siya pero nahihiya akong sabihin iyon sa kanya. May kung ano sa tingin ni Hob na manghihina ka talaga.
"A-ako din," sabi ko na lang.
Unti unting nagliwanag ang mukha niya. "See you tomorrow then..." sabi niya sa akin at bahagya siyang humilig na kaagad din naman niyang binawi.
"Bumaba ka na, baka mahalikan pa kita..." sabi niya na ikinalaki ng mata ko.
"Ang bastos bastos mo!" asik ko sa kanya at hinampas ko pa sa braso pero tumawa lang siya.
"Sige na, Umuwi ka na..." pagtataboy ko sa kanya na mas lalo niyang ikinatawa.
Hindi ako nagpababa sa tapat mismo ng bahay namin para hindi siya mahirapang umikot. Nagulat pa ako ng makita kong nasa labas ng aming bahay si Vera at nakatutok sa hawak niyang phone.
"Oh anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
Mula sa hawak na phone ay nag-angat siya ng tingin sa akin.
"I have kasalanan..." sabi niya at mabilis na kumapit sa aking braso.
Kumunot ang noo ko hanggang sa makapasok kami sa aming bahay at nakitang karga ni Nanay ang natutulog na si Gianneri.
"Anong kasalanan mo?" tanong ko sa kanya.
Napasapo ako sa aking noo ng ituro niya sa akin ang ginawa niya kay Gianneri. Kaya naman pala namumula ito at rinig din ang mga hikbi niya kahit tulog pa.
"My intention is not bad naman," laban ni Vera sa akin kaya naman napailing na lang ako.
"Lagot ka talaga kay Eroz," pananakot ko sa kanya.
Nagtaas siya ng kilay. "Baka siya pa ang awayin ko," matapang na sabi niya sa akin kaya naman pinagtaasan ko siya ng kilay dahil para mawala ang tapang niya at umirap na lang.
Lumapit ako kay Nanay at marahang hinaplos ang ulo ni Gianneri. Matapos iyon ay hinalikan ko siya kaya naman nang mag-angat ako ng tingin ay nginitian ako ni Nanay.
"Igawa ulit natin siya ng mga dress," sabi niya sa akin. Kita ko ang saya sa mukha ni Nanay, mahilig din talaga siya sa mga baby.
Sinabi ko kay Vera na dito na sila maghapunan ni Gianneri kaya naman nagluto ako. Habang naghahanda ay narinig ko ang pagkwe-kwentuhan nila ni Nanay. Ramdam kong magaan ang loob nila sa isa't isa at panay din ang tawa ni Nanay sa mga kwento nito.
"Sino nga pala ang naghatid sa inyo dito? Wala ang sasakyan mo sa labas ah," puna ko sa kanya ng lumabas ako saglit sa kusina.
Humaba ang nguso niya at nagtaas pa ng kilay. Hindi pa man nakakasagot si Vera ay si Nanay na ang sumagot at nakangisi pa.
"Si Julio ang naghatid sa kanila. May pupuntahan lang daw at susunduin din sila dito," sabi ni Nanay kaya naman tumingin ako kay Vera pero inabala niya kunwari ang sarili niya sa hawak na phone.
"Ah si Julio pala ah," sabi ko at pang-aasar na din kaya naman mas lalong humaba ang nguso niya.
"I rented him as our driver for today, at nang-aaway pa nga ang isang iyon!" giit niya.
Inirapan ko siya at nginisian bago ako bumalik sa loob ng kusina para tapusin ang niluluto ko.
Muling umiyak si Gianeri ng magising siya bago kami kumain. Umiiyak siya habang nag-iingay na para bang kinakausap niya ang Tita Vera niya.
"Pagalitan mo ang Tita mo, Gianneri," sabi ko dito dahil parang ganoon nga ang ginagawa niya.
"I'm sorry, Dear...pero it's bagay naman sayo at mahal iyan," laban ni Vera sa pamangkin niya kaya naman mas lalo kaming nangiti ni Nanay ng sumagot si Gianneri na para bang nakikipag-usap talaga siya.
Bago kami kumain ay dumating si Julio na masungit kaagad ang tingin kay Vera kaya naman pinandilatan ko siya ng mata. Dumiretso siya kay Nanay para mag mano.
"Tapos na ang kailangan mong gawin?" tanong ni Nanay dito.
"Opo, Tita. May kinuha lang ako sa kabilang factory," sagot niya kay Nanay bago niya nilingon ang tahimik pa ding si Vera.
Tumulong si Julio sa paghahanda ng lamesa. Hindi naman umalis si Gianneri kay Nanay na maya't maya pa din naiiyak at naiirita sa tenga niya.
"Hindi pa din tama dahil pinangunahan niya si Gertie at Eroz," giit na Julio.
"Kanina mo pa daw siyang inaaway," sabi ko sa kanya kaya tumikhim si Julio.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko diyan sa kaibigan mo, ang tigas ng ulo."
"Bagay kayo, matigas din ang ulo mo..." sabi ko sa kanya pero marahan siyang umiling.
"Wala akong gusto kay Vera," sabi niya sa akin at nag-iwas ng tingin.
Umirap na lang ako sa kawalan. Hindi ako naniniwala.
Hinatid ni Julio sina Vera at Gianneri pauwi sa kanila pagkatapos kumain. Kanina pa din kasi naghihintay si Yaya Esme sa kanila. Uuwi na din sa makalawa sina Eroz at Gertie dahil malapit na din ang kasal nina Yaya Esme at Mang Henry.
Ang basahan na order ni Aling Cedes ang pinagkaabalahan namin ni Nanay pagkaalis nila. Hindi din naman kami nagpuyat pa dahil may pasok pa ako sa factory bukas.
"Salamat sa laruan, Ninang Alice. Paniguradong matutuwa nanaman si Jacobus dito," sabi ni Ericka sa akin ng ibigay ko ang laruang binili ko para sa kanya.
Maaga din akong pumunta sa site ng magtanghali na dahil palaging maaga ang lunch break nila ngayon. Binati ako ni Manong guard pagkapasok ko at inabutan ako ng hard hat.
"Andito na si Alice!" sina Mang Roger na mukhang kanina pa din nag hihintay sa aking pagdating.
Habang abala sila sa pagkuha ng pagkain ay hindi ko naiwasang mapuna ang mga sasakyan na nakahilera sa tabi ng raptor ni Hob.
"Ano pong meron sa itaas?" tanong ko kay Mang Roger.
Muling bumalik ang tingin ko sa mga sasakyan ng malaman ko kung anong meron. Nasa itaas din daw si Sir Luke Jimenez, nanduon din sina Tatay at Tita Atheena para sa meeting tungkol sa mga nangyayari.
Humigpit ang hawak ko sa lunch box ni Hob. Baka masyado siyang abala kaya naman mas mabuti siguro kung iiwan ko na lang iyon sa office niya.
"Kay Engr. Jimenez pa din ako. Tahimik yung kapatid, parang masungit..." sabi ni Mang Roger na hindi ko naman kaagad naintindihan.
Imbes na makinig sa kanilang pag-uusap ay nagpaalam na lang ako sandali na maghahatid ng lunch ni Hob. Kagaya dati ay dahan dahan lang din ang pag-akyat ko sa takot na may makakita sa akin at bigla akong pagbawalan.
Kahit pa nagusap na kami ni Hob na ilihim sa lahat ang panliligaw niya sa akin ay hindi pa din maalis sa akin na may kaonting pagkailang na sa tuwing dinadalan ko siya ng lunch.
Hindi pa man ako nagtatagal sa may second floor ay kaagad na akong napatigil sa paglalakad ng makarinig ako ng pag-uusap. Hindi ko na sana papansinin iyon kung hindi ko lang narinig ang boses ni Tatay.
"Ano bang nangyayari sayo, Arnaldo!?" giit ni Tita Atheena.
"May kasalanan tayo. May karapatan ang mga Jimenez na tanggalin tayo sa project na ito," giit ni Tatay. Ramdam ko ang pagod sa kanyang boses.
"Kahit kailan ka talaga! Ang hina hina mo! Hanggang kailan ako gagawa ng pabor para sayo, Arnaldo!?" giit ni Tita Atheena.
Hindi nakasagot si Tatay kaya naman mas lalo akong nakaramdam ng pagbigat ng aking dibdib. Buong akala ko ay masaya siya sa kanila, hindi ko alam na may ganito.
"Pagod na ako, Atheena..."
"Anong ibig mong sabihin!?" madiing tanong ni Tita Atheena.
"Tandaan mo ito, Arnaldo. Kung hindi dahil sa akin at sa pamilya ko...nasa kulungan ka na ngayon at habang buhay kang mabubulok doon," giit ni Tita kaya naman nanlaki ang aking mga mata.
Dahil sa gulat ay hindi na ako nakagalaw pa kahit alam kong anong mang oras ay makikita na niya ako. Gustuhin ko mang umalis na doon para hindi niya ako makita ay wala na akong nagawa dahil sa aking panghihina.
"Anong ginagawa mo dito?" madiing tanong niya sa akin.
"Tita ayoko po ng gulo..."
Ilang beses akong napa-atras ng panay din ang lapit niya sa akin na para bang nagtitimpi lang siya at gustong gusto na niya akong saktan.
"Ang kapal ng mukha mong mangarap ng mas mataas sayo. Basura kayo ng Nanay mo! Basura lang kayo..." madiing giit niya sa akin.
Hindi ako sumagot, wala akong kailangang ipaglaban sa kanya dahil alam ko naman sa sarili kong hindi kami ganoon ni Nanay.
"Hindi ka nababagay sa isang Jimenez...ambisyosa ka!" pahabol pa niya.
Itataas na sana niya ang kamay niya para saktan ako ng kaagad kaming mapatigil na dalawa ng marinig naming ang boses ni Hob.
"Alihilani," tawag ni Hob sa akin.
Wala akong lakas para lingonin siya hanggang sa mas lalo akong manghina sa ginawa niya sa harapan ni Tita Atheena.
Halos manghina ako ng maramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko. Iyon ang unang beses na nahalikan ako at mas lalo akong nakiliti ng marahang gumalaw ang labi ni Hob sa akin.
"Kanina pa kita hinihintay, Ipapakilala kita kay Tito Marcus," sabi niya sa akin na para bang wala siyang ginawang mali.
Wala pa din ako sa aking sarili hanggang sa maramdaman ko ang kamay niyang pumulupot sa aking bewang bago niya hinarap si Tita Atheena. Kita ang gulat sa mukha niya na para bang hindi siya makapaniwala sa nakita.
"Engr. Jimenez," tawag ni Tita sa kanya.
Tamad siyang tiningnan ni Hob. May gustong sabihin si Tita pero hindi niya masabi. Sa tingin pa lang niya ay alam ko na kung ano. Hindi siya makapaniwala na ipinakilala akong girlfriend ni Hob sa kanila at hinalikan pa sa harapan niya.
"Let's go...ipapakilala kita," sabi ni Hob na mas lalong ikinalaki ng mata ni Tita Atheena.
Wala pa din ako sa tamang wisyo dahil sa ginawa ni Hob kaya naman malaya niya akong nadala papunta sa kanyang office. Pagkadating sa loob ay napasandal ako sa likod ng kanyang pintuan dahil wala pa din ako sa aking sarili.
"H-hindi mo dapat ginawa iyon," laban ko sa kanya pero nanatili siya sa aking harapan at mariing nakatingin sa akin.
"I'm sorry..." sambit niya.
Napakagat ako sa aking pangibabang labi kaya naman nakita ko kung paano bumaba ang tingin ni Hob doon.
"I'm sorry, Miss..." paguulit niya.
Akala ko ay tapos na hanggang sa magulat ako sa sumunod niyang ginawa.
"But I want to kiss you more," sabi niya bago niya ako idiniin pasandal sa likod ng pintuan at inangkin ang aking mga labi. Imbes na mag protesta ay ginantihan ko ang halik niya kahit hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro