Chapter 22
Message
Dahil sa pagtawag ni Hob ay kaagad akong bumalik sa lumang building. Hindi na din ako nakapag-isip pa ng kung ano. Gusto ko din naman kasi talagang malaman kung ano talaga ang lagay niya, kahit pa mukhang maayos naman dahil nakatawag pa siya.
Kahit gustong gusto kong magmadali paakyat sa second floor ay pinilit kong maging normal ang bawat kilos ko. Ayokog ipakitang nagmamadali ako, medyo kabado din na makasalubong ko nanaman si Engr. Crystal o kahit na sino at sinatahin ang pag-akyat ko.
Tatlong mararahang katok ang ginawa ko bago ko tuluyang binuksan ang pinto ng office ni Hob. Pagkasilip ay kaagad kong nakitang nakasandal ito sa kanyang swivel chair at nakapikit.
"Hob..." marahang tawag ko sa kanya.
Nang tuluyan na akong makapasok ay dahan dahan din naman siyang dumilat. Kahit hindi na niya sabihin sa akin ay kita at ramdam kong may iniinda siyang sakit.
"Gutom na ako. Ang tagal mo," salubong na sabi niya sa akin kaya nama kahit ayoko sanang awayin o sungitan siya ngayon ay mukhang magagawa ko.
Umayos siya ng upo kaya naman dumiretso na ako palapit sa table niya dala ang bag na pinaglagyan ko ng mga pagkain kanina.
"Ka-kamusta yung ano..." hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil hindi ko din naman alam kung anong dapat na itanong ko.
Pumungay ang mga mata niya na para bang antok siya. Itinuro niya ang kanyang kaliwang braso kaya naman napatingin din ako duon.
"Natumba yung mga bakal...nahulugan ako sa braso," sagot niya sa akin kaya naman kaagad akong tumango.
Marami pa sana akong gustong itanong sa kanya, mabuti na lang at napigilan ko ang aking sarili.
"Wala ng natira sa pagkaing dala ko kanina...pero may ano pa ako dito," magulong paliwanag ko sa kanya at kaagad na nilabas ang lunchbox na dala ko para kay Tatay.
Kahit naman sabihin kong iiwasan ko na siya at hindi na maghahabol pa kay Tatay ay hindi ko pa din maiwasang magdala ng pagkain para sa kanya. Kung minsan kasi ay hindi ko din naman kontrolado ang aking emosyon.
May mga pagkakataon din naman talaga na kahit galit ka o may tampo sa isang tao ay hindi mawawala yung kagustuhan mong alagaan pa din sila.
Tumaas ang kilay ni Hob nang ilapag ko sa harapan niya ang lunch box.
"Ipapakain mo yan sa akin? Eh hindi naman yan para sa akin," sabi niya sa akin kaya naman dahan dahan nang kumunot ang noo ko.
Mukhang nakita naman niya iyon kaya naman kahit maayos na ang kanyang pagkakaupo ay umayos pa ulit siya.
"Libre naman iyan. Hindi ko papabayaran sayo," laban ko.
Kaagad na nagliwanag ang kanyang mukha dahil sa aking sinabi kaya naman kaagad akong napa-irap sa kawalan.
"May sakit ka?" nakangising tanong niya sa akin kaya naman sinamaan ko na siya ng tingin. Hindi naman nawala ang ngiti sa labi niya.
Excited pa siyang buksan ang lunchbox pero nahirapan siya dahil isang kamay lang ang gamit. Mabilis akong humilig palapit sa table niya at ako pa mismo ang nagbukas non. Ramdam kong bahagyang nagulat si Hob dahil sa aking ginawa pero nanahimik na lang siya at hinayaan ako.
Maging ang mga kumbyertos na gagamitin niya ay ako pa mismo ang naglagay sa tamang gawi para hindi na siya mahirapan.
"Kumain ka na...baka ikamatay mo pa ang gutom," sabi ko at kaagad na tumalikod para itago ang pamumula ng aking pisngi.
Naramdaman ko ang paginit nuon habang inaasikaso ko siya at wala naman siyang reklamo.
Ngumisi ito at nagsimula ng kumain gamit ang isa niya lamang na kamay. Gustuhin ko mang iwanan na siya ay hindi ko magawa dahil gamit pa niya ang lunchbox. Hindi ko naman pwedeng iwanan iyon.
Umupo ako sa mahabang sofa sa harapan ng kanyang office table. Mukhang dito niya kinakausap ang mga bumibisita sa kanya o kaya naman may may kailangang pagusapan para sa trabaho.
Kahit ang simpleng sofa na iyon ay mukhang mamahalin din. Naging kumportable naman ang pag-upo ko dahil malambot iyon.
Natahimik si Hob habang kumakain. Bahagya pang napaawang ang bibig ko ng makita kong kahit isang kamay lang ang gamit ay hindi naman nabawasan kahit kaunti ang gana niya sa pagkain.
May kumatok sa pintuan pero mukhang wala siyang pakialam. Pinanuod ko kung paano makukuha ng pagkatok ang atensyon niya pero masyado siyang abala sa pagkain.
"May kumakatok...bingi ka ba?" marahang tanong ko sa kanya.
Kumunot kaagad ang noo niya at para bang labag sa loob niyang bitawan ang kubyertos. Tumingin pa muna siya sa suot na wrist watch.
"Istorbo..." sambit niya bago siya tumayo para puntahan iyon.
Napangiwi pa ito ng igalaw niya ang kaliwang braso. Inalalayan niya iyon na para bang kung hindi niya gagawin ay lalaylay ang kaliwang kamay niya. Mukhang hindi talaga maganda ang pagtama duon kaya naman maging ang pag-control ay hirap si Hob.
"Good afternoon, Engr. Jimenez. Dumating po si Engr. Atheena Salvador. Gusto daw po nila kayong makausap ni Engr. Salvador," sabi ng isang lalaking hindi ko naman alam kung sino dahil hindi naman binuksan ni Hob ng malaki ang pintuan.
Bumagsak ang tingin ko sa bag na dala ko. Kahit naman hindi na niya sabihin ay alam ko na kung ano ang dapat kong gawin. Pwede ko naman sigurong balikan mamaya ang lunch box pagnaningil na ako kina Mang Roger.
Tiningala ko si Hob para sana magpaalam na. Hindi pa man ako tuluyang nakakatayo ay nilingon na kaagad ako nito na para bang may inisip siya sagkit bago niya muling nilingon ang kausap.
"Paki sabi sa kanila na bukas na lang kami mag-usap, hindi ko pa nakakausap si Tito Luke tungkol dito...at may importante akong ginagawa," sabi niya dito kaya naman humigpit ang hawak ko sa bag.
Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag ng tuluyan na niyang isinara ang pinto at muling bumalik sa table niya.
"Wag ka na munang lumabas..." sabi niya sa akin.
Hindi kaagad ako nakapagsalita. Inisip ko nanaman kung sakaling magkasalubong kami ni Tita Atheena sa labas ay kung ano nanaman kaya ang gagawin niya sa akin at sasabihing masasakit na salita.
"Miss..." tawag ni Hob sa akin kaya naman kaagad akong bumalik sa wisyo at nilingon siya.
"Huh?"
Umigting ang kanyang panga habang nakatingin sa akin.
"Dito ka na muna," pinal na sabi niya bago siya magiwas ng tingin at ipinagpatuloy ang pagkain.
Tahimik kaming dalawa sa loob hanggang sa tuluyan akong makain ng mga iniisip ko dahil para hindi ko mamalayang nakatulog na ako habang nakaupo sa sofa ni Hob.
Malamig din dahil sa aircon kaya naman mas lalong sumarap ang tulog ko. Napayakap ako sa aking sarili habang nakapikit dahil sa lamig. Nang tuluyan akong makapagisip ng mabuti ay dahan dahan akong dumilat.
Napaayos ako ng upo. Napapahid kaagad ako sa gilid ng aking labi sa takot na may kung anong tumulo duon dahil napasarap ang aking tulog. Halos kalahati ng katawan ko ang nakahiga sa sofa at may kumot ding nakatakip sa aking katawan.
Nilingon ko si Hob na nakatayo sa may bintana at nakatalikod sa akin habang may kausap sa phone. Napahilot ako sa aking sintido dahil sa pagkakatulog. Hindi ako sanay na matulog sa hapon, kahit kasi inaantok minsan ay hindi ko pa din magawa dahil sa mga trabahong kailangan ko pang gawin.
Lumipat ang tingin ko sa center table na nasa aking harapan. May nakalapag duon na malaking paper bag mula sa isang sikat na coffee shop.
"I'll update you about it. Wag niyo na din pong ipaalam kay Mommy at baka pumunta pa iyon dito," nakangising sabi ni Hob sa kausap.
Mahina itong natawa sa sumunod na sinabi ng kausap niya sa kabilang linya. Dahil sa ginawa niyang pagtawa ay nakita ko ang bahagya niyang paglingon sa akin. Nagulat pa siya ng makita niyang gising na ako at nahuling kanina ko pa siya pinapanuod.
Narinig ko ang pagpapaalam niya duon bago niya pinatay ang tawag at mabilis na inilapag ang phone sa taas ng kanyang office table.
"Sa pagkaka-alala ko ay office ko ito at hindi tulugan," sabi niya sa akin.
"Pasencya ka na. Dapat ginising mo na lang ako," sabi ko pa at kaagad din naman itinukom ang bibig ko ng marealize kong para siya pa ang sinisi ko sa parteng iyon.
Nagtaas siya ng kilay sa akin bago siya umupo sa kaharap kong upuan.
"Masungit ka pag-gising. Sigurado pag bagong gising...baka dalawang kamay ko na ang mapilay pagnagkataon," nakangising sabi niya sa akin.
Hindi na ako nakapagsalita pa ng bumaba ang tingin ko sa ginagawa niya. Gamit ang kanang kamay ay isa isa niyang inilabas ang laman na paper bag. Kaagad siyang naglapag ng isang iced coffee sa harapan ko at may paper box pa na kasama, mukhang pastry ang laman. Mayroon din siya sa kanya...kapareha ng nasa harapan ko.
"Mag mirienda na muna tayo," sabi niya sa akin.
Hindi ako kaagad na nakagalaw. Halos mapatitig ako sa pagkaing inilapag niya sa aking harapan.
"What? Hindi ko yan papabayaran sayo..." nakangising sabi niya pa sa akin bago siya magsimulang kumain ng sa kanya.
"Hindi naman na sana kailangan...pero salamat pa din," sabi ko. Gustuhin ko mang tumangi ay nanahimik na lang ako. Sigurado kasing mauutal nanaman ako kung magsasalita dahil sa nararamdaman.
Ramdam ko ang panunuod sa akin ni Hob ng kuhanin ko ang iced coffee at sumimsim ako duon. Para bang gusto niyang makita ang magiging reaksyon ko sa oras na matikman ko na iyon.
"That's my favorite coffee...before," kwento niya sa akin.
Binuksan ko ang paper box at nakitang pastry nga ang laman non kagaya ng sa kanya.
"Before? Ano yung bago?" tanong ko habang maingat na kinukuha ang tinapay na mukhang masarap.
Natigil ang una sanang kagat ko dahil sa isinagot niya sa akin.
"Yung timpla mo. Yun na yung bago kong paborito."
Ramdam ko ang panginginig ng kamay kong hawak ang iced coffee, para hindi niya makita iyon ay ibinalik ko sa lamesa.
"Mas masarap ito at mamahalin," sabi ko pa sa kanya.
Kumunot ang noo niya at sumimangot pa.
Ipinagpatuloy ko ang pagkain, hindi na ako nahiya pa sa harapan niya dahil kita ko din naman na kumportable ang pagkain niya sa harapan ko. Natural lang siya, kagaya sa pagkain ng lunch ay walang arte sa katawan.
"Salamat dito...tsaka pasencya na ulit at nakatulog pa ako," sabi ko bago magpaalam.
Kailangan ko na ding bumaba dahil ilang minuto na lang ay uwian na ng mga trabahador at maniningil pa ako kila Mang roger.
"Walang problema...mukhang pagod na pagod ka," sabi niya kaya naman ramdam ko nanaman ang paginit ng magkabila kong pisngi.
Imbes na sumagot ay sumangayon na lang ako para hindi na humaba pa ang usapan.
"La-labas ka?" tanong ko sa kanya ng mapansin kong nakasunod siya sa akin.
Nagtaas siya ng kilay. "Bakit bawal?" tanong niya sa akin kaya naman halos mapasapo ako sa aking noo.
"Tss. Alis na ako," sabi ko at kaagad siyang tinalikuran.
Halos takbuhin ko na ang pababa para lang makalayo sa kanya. Rinig ko pa ang pagngisi nito na para bang natutuwa siya dahil nainis nanaman niya ako.
Inasar pa ako nina Mang Roger dahil mas nauna pa daw akong dumating kesa sa oras ng uwian nila. Nakahinga ako ng maluwag dahil walang nakapansin na galing ako sa itaas.
Hawak ang notebook na listahan ko ng mga utang nila ay isa-isa ko silang nilapitan. Hindi naman na ako nahirapan sa iba dahil sila na ang kusang nagbayad at alam din naman nila kung magkano ang dapat nilang bayaran.
"Magandang hapon po, Engr!" bati nina Mang Roger.
Kaagad akong kinabahan at napalingon sa takot na si Tatay iyon o si Tita Atheena. Kinabahan naman ako at kaagad na nag-iwas ng tingin ng makita kong si Hob iyon.
Kinamusta siya ng mga trabahador, sumagot naman siya sa mga tanong nito kaya naman hinayaan ko sila at pinagpatuloy ang aking ginagawa.
"Masakit yung balikat ko. Pero walang kaso, medyo masakit lang ang ulo ko ngayon," rinig kong sagot niya kina Mang Roger kaya naman mula sa hawak kong notebook ay lumipat ang tingin ko sa kanya.
Sumulyap siya pabalik kaya naman nagiwas ako ng tingin.
"Alice, pwede bang kalahati muna ang ibayad ko? May sakit kasi ang anak ko at kailangan ko pang bumili ng gamot," sabi sa akin ni Tonyo ng siya na ang sisingilin ko.
Isa siya sa mga pinakabata sa grupo nina Mang Roger. Bumaba ang tingin ko sa pagbibilang niya ng perang galing pa sa maliit na brown envelope, kita ko ang pamomorblema niya habang nakatingin duon na para bang ngayon pa lang ay hindi na niya alam kung paano pagkakasyahin iyon.
"Patingin muna ng medical certificate," sabi ko sa kanya na ikinagulat niya.
Napangisi na lang ako ng makita ko ang pagawang ng labi niya na para bang hindi niya alam ang isasagot niya sa akin.
Napakamot siya sa kanyang batok at napangisi din. "Ok lang ba na kalahati muna?" tanong niya sa akin.
Humalukipkip ako sa kanyang harapan. "Wag na muna. Gamitin mo na muna iyang pambili sa gamot ng anak mo, mas importante iyon..." sabi ko sa kanya.
"Pero negosyo yan..." laban niya sa akin kaya naman sinungitan ko siya.
"Itatago mo na yan o sisingilin kita ng buo?" pananakot ko sa kanya.
Nagliwanag ang mukha niya at kaagad na nagpasalamat sa akin. Alam ko ang pakiramdam na iyon kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa ng malaman kong anak niya ang may sakit.
Mula kay Tonyo ay kaagad akong napalingon ng maramdaman kong may tumabi sa akin. Naitukom ko kaagad ang bibig ko ng makita kong si Hob iyon. Sandaling nagpabalik balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Tonyo.
"May kailangan ka?" tanong ko sa kanya. Chismoso pa ata ang isang ito.
Sandaling nagtagal ang titig ni Hob sa akin bago siya umiling. Nagkaroon ng emergency meeting sa may second floor kaya naman ng umalis si Hob para umakyat at umalis na din ako para umuwi na.
Dumaan na muna ako sa mga Montero ng magmessage sa akin si Ericka na umuwi na sila at wala ng tao sa factory. Duon din sana kasi ang diretso ko para ibigay ang perang nasingil ko.
"Lagot ka..." rinig kong pagkausap ni Yaya Esme sa karga niyang si Gianneri.
Para silang dalawang batang pinagalitan at nakatingin sa galit na si Vera. Mahaba ang nguso ni Gianneri at tahimik. Matalinong bata talaga ang isang ito dahil mukhang alam niya ang nangyayari sa paligid niya.
"Ano pong nangyari?" tanong ko sa kanilang dalawa.
Nginuso ni Yaya Esme si Vera na namumula ang mukha ngayon at para bang gustong maiyak pero pinipigilan niya lang.
"Say sorry na kay Tita Vera," sabi pa ni Yaya Esme kay Gianneri.
Lumapit ako kay Vera para pigilan siya sa paginom ng wine.
"Gusto kong magalit..." madiing sabi niya bago niya padabog na pinahiran ang luha sa kanyang mata bago pa ito tumulo.
"Bakit ba?"
Itinuro niya ang kanyang bandang panga, nakita ko ang pamumula nuon at bakas ng kung anong bumaon duon.
Natawa na lang ako ng marealize ko kung ano iyon at kaagad na napatingin sa tahimik na si Gianneri.
"Congrats, Gianneri...nangangagat ka na," nakangising sabi ko na tinawanan din ni Yaya Esme.
"Seriously!? kung hindi ko lang mahal ang batang yan..." sabi ni Vera bago muling sumimsim sa kanyang wine.
Nakakaiyak naman talaga, minsan ko na ding naranasang makagat ng nangigil na baby. Ang mas nakakaiyak pa duon ay kahit nasaktan ka na ay hindi mo magawang magalit sa kanila.
"Ayos lang iyan. Sa susunod yung kabaling pisngi naman," sabi ko kay Gianneri ng buhatin ko siya at kuhanin kay Yaya Esme.
"You witch!" masungit na sabi ni Vera sa akin kaya naman inirapan ko siya at hinarap si Gianneri.
Kaagad akong naghugas ng kamay para tingnan ang maliit na ngipin na tumutubo sa kanya. Kahit pa hawak ko ay sa Tita Vera pa din siya nakatingin.
Hinalikan ko siya sa ulo kaya naman napatingin siya sa akin. Nginusuan ko siya kaya naman kaagad akong natawa ng sumibi ito at mamula.
"Lagot kay Tita Vera..." pangaasar ko pa.
Nagsimula na siyang umiyak kaya naman humigpit ang yakap ko sa kanya. Kahit gaano mo kamahal ang baby masarap pa din paiyakin sila.
Kinuha siya ni Vera sa akin ng ilapit ko sa kanya. Natatawa na lang ako habang naguusap silang dalawa at umiiyak si Gianneri habang pinapakinggan ang reklamo ng Tita niya.
"I can't imagine kung nipples ko ang kinagat niya...Oh my precious boobs," sabi ni Vera kaya naman sinamaan ko siya ng tingin at tumawa na lang.
Inayos niya ng harap si Gianneri sa kanya. Nakasibi pa din ito pero tumigil na sa pagiyak.
"Ang Mommy mo ang kagatin mo...tutal ay she's sanay naman sa kagat ng Daddy mo!" pagkausap pa niya sa pamangkin kaya naman pabiro ko siyang hinampas sa braso.
"Parang wala pang kumagat sayo ah..." pangaasar ko sa kanya kaya naman kaagad niya akong sinimangutan.
Nagkabati naman kaagad silang mag Tita. Habang nakikipag kwentuhan kina Yaya Esme ay nakatanggap ako ng message mula sa hindi kilalang number.
Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng makita kong mukhang si Hob iyon dahil siya lang naman ang humingi ng number ko. Nagpapadeliver siya ng pagkain for dinner, siraulo ata talaga ang isang ito kaya naman hindi ko na lang sinagot.
"Baka tanggalin ang tatay mo sa trabaho..." sabi nina Yaya Esme ng ikwento ko sa kanila ang nangyari.
Nagkibit balikat na lamang ako, hindi ko din naman kasi alam ang mga patakaran nila sa trabaho nila.
"For sure hindi papayag si Ursula about it, that bitchy sea creatures," inis pa na sabi ni Vera na may kasamang irap.
Iyon din ang nasa isip ko. Siguradong hindi papayag si Tita Atheena na mawala si Tatay sa project na ito. Lalo at pansin ko kahit noong ground breaking na gusto niyang mapalapit sa mga Jimenez. Sa ginawa pa lang niya sa akin at sa pagtawag niya kay Mrs. Jimenez ay mukhang may gusto talaga siyang patunayan.
Ipinagsawalang bahala ko na lang dahil hindi ko naman talaga alam kung paano tumakbo ang utak ng mga mayayamang katulad nila. Kahit siguro gaano kadami ang pera niya o kahit pa kayang kaya niyang bilhin ang lahat ng bagay na magustuhan niya ay hindi pa din siya masaya dahil hindi siya marunong makuntento.
Wala ang driver nina Vera kaya naman kahit gusto niya akong ipahatid pauwi ay wala din namang maghahatid. Inalok pa niya ako na siya na ang magmamaneho para sa akin na kaagad ko namang tinanggihan.
Nagaagaw na ang liwanag at dilim sa kalangitan ng lumabas ako. Pagkalabas ko ng Villa de montero ay nagulat pa ako ng makasalubong kong naglalakad si Junie na mukhang pauwi na din.
"Saan ka nanggaling?" tanong ko sa kanya.
"Secret!" nakangising sagot niya sa akin.
Kaagad ko siyang nilapitan para sana batukan ng kaagad siyang tumawa.
"Naghatid ako ng gamot kay Sir Hob. Nakisuyo si Boss Eroz," sagot niya sa akin.
"Ba-Bakit?"
"Siya lang ang tao sa resthouse. Eh may aksidente daw kanina?" tanong pa niya sa akin na mukhang makikichismiss pa.
"Oo...may bumagsak na mga bakal para sa gagawing haligi," sagot ko.
Tumango si Junie at niyaya na akong sumabay sa kanya sa paglalakad pauwi ng kaagad akong tumanggi lalo na ng maalala kong nagpapadeliver pa siya ng pagkain sa akin. Akala naman ng isang iyon ay fastfood kami.
"May dadaanan pa ako, mauna ka."
"Isusumbong kita kay Tita Cleo...gagala ka pa ha!" pananakot niya sa akin.
Itinaas ko sa harapan niya ang kamao ko. "Oh dito ka magsumbong," sabi ko sa kanya kaya naman tinawanan niya ulit ako.
"Mag-ingat ka ha! Hindi pwedeng kulang ang Ninang ni Jacobus sa pasko," sabi pa niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"Ikaw ang mag-ingat diyan. Baka akalain ng mga engkanto kamag-anak ka nila at biglang kuhanin," pang-aasar ko sa kanya kaya naman halos mag echo ang tawa ni Junie sa kalsada.
"Umuwi ka na nga! Panira ka ng gabi eh!" pagtataboy ko sa kanya at tinulak pa siya para maglakad na palayo.
"Umuwi ka na din! Wag mo nang takutin ang mga tao dito...itong white lady na to!"
"Manahimik ka diyan...Nuno sa punso!" laban ko sa kanya kaya naman panay ang tawa niya habang naglalakad palayo sa akin.
Mapagkakamalan pa atang siraulo si Junie.
Dumaan ako sa tindahan nila aling bing para tingnan kung may natira pang pagkain o kahit na anong may sabaw para kay Hob. Ang laking tao ng isang iyon pero mukhang sakitin pa!.
Dumiretso ako sa resthouse ng mga Herrer. Mukha ngang si Hob lang ang tao dahil sa mga nakabukas na ilaw. Ang pagkakaalam ko ay sa umaga lang may mga kasambahay dito at umuuwi din sa gabi depende na lang kung may umuwing Herrer.
Halos mapasigaw ako sa gulat ng makita ko si Aling resing na kalalabas lang sa may front door.
"Itinawag ni Senyorito Eroz sa amin si Senyorito Hobbes..." kwento niya sa akin kaya naman dito sila matutulog kasama ang apo niya ngayong gabi.
"May dala din po akong pagkain para sa kanya," sabi ko.
Pinapasok niya ako sa loob at hinayaan pang galawin ang kusina para maihanda ko ang pagkain na dala ko.
Matapos iyon ay umakyat na ako sa kwarto kung nasaan si Hob ngayon. Matapos ang tatlong katok ay binuksan ko na ang pintuan. Nakita kong nakahiga na ito sa kama at nakadapa. Ni hindi pa nga maayos ang pagkakalagay ng kumot sa kanyang katawan.
"Hob..." tawag ko sa kanya.
Hindi siya gumalaw kaya naman lumapit na ako para gisingin siya.
"Anong ginawa mo dito?" gulat na tanong niya sa akin ng tuluyan na siyang gumising.
"Nagpapadala ka ng pagkain di ba?" masungit na tanong ko sa kanya.
Dumaing siya sa sakit ng umayos siya ng upo. Kaagad siyang napahawak sa kanyang balikat. Mariin siyang napapikit at napabuntong hininga ng makaayos ng upo at makasandal sa head board ng kama.
"Baka hindi ko na magamit ang kamay ko, mabuti na lang at gwapo ako," nakangising sabi niya.
Umupo ako sa gilid ng kama para ilapit sa kanya ang pagkain.
"May sakit ka na't lahat ang kapal pa din ng mukha mo," sita ko sa kanya.
Inayos ko sa harapan niya ang pagkain. Hindi naman siya nahirapan dahil may food tray naman. Habang kumakain si Hob ay nakita ko ang plastick na mukhang gamot na galing kay Junie.
"Hindi ka pa umiinom ng gamot mo?" tanong ko.
"Ngayon pa lang ako kakain," sagot niya sa akin.
Tumango ako at inayos iyon. Hindi naman na ako nagalangan pa sa bawat galaw ko dahil may sakit siya, hindi ito ang oras na mahiya ako sa kanya. Ang importante ay makainom kaagad siya ng gamot.
"Hindi mo luto ito," sabi niya.
"Wala na akong oras. Binili ko iyan sa karinderya..." sagot ko sa kanya.
Halos mapasapo ako sa aking noo ng makita kong may kasama pang cool fever sa plastick na dala ni Junie at pang baby iyon. Akala ata niya ay noo ni Jacobus ang paglalagyan non.
Lumipat ang tingin ko kay Hob na kanina ko pa ramdam na tumitingin sa akin. Kakamustahin ko sana ang pakiramdam niya ng makita kong basa ang buhok niya.
"Naligo ka?" tanong ko.
Kaagad siyang nabuhayan dahil sa tanong ko.
"Oo...bakit?" tanong niya sa akin.
Kaagad ko siyang hinampas sa braso, nagulat siya at napadaing.
"Kaya naman pala eh. Baka may pilay ka at naligo kaya ka nilalagnat ngayon!" galit na asik ko sa kanya.
Sandali siyang natahimik bago nagtaas ng kilay sa akin.
"Pinapagalitan mo ba ako?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
Kinuha ko ang cool fever kahit pa pang baby ang size nuon. Nagulat si Hob ng kaagad kong itinapal iyon sa noo niya. Gusto kong matawa dahil saitsura niya ngayon pero pinigilan ko lang.
"Oo."
Sandaling nagtagal ang tingin niya sa akin. "Para kang si Mommy. May sakit na nga ay nangaaway pa," marahang sabi niya sa akin na hindi ko na lang pinansin.
Mukhang masama nga talaga ang pakiramdam niya dahil tumahimik siya pagkatapos kumain. Nang masigurado kong maayos na siya at matutulog na lang ay nagpaalam na ako. Baka nagaalala na din si Nanay sa akin.
"Ihahatid kita..." pigil niya.
"Hindi na, kaya ko na ang sarili ko. Magpahinga ka na," sabi ko sa kanya.
Mariin siyang napapikit. "Thank you for being here..."
Hindi ako sumagot at nanatili an tingin sa kanya.
"Send me a message pag nakauwi ka na.'
"Matulog ka na," pilit ko.
"Matutulog ako pag nakareceive na ako ng message galing sayo," laban niya.
"Ba-bakit ba?" iritadong tanong ko.
Dumilat siya at tumingin sa akin. "Para hindi ako mag-alala, Alihilani."
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro