Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Alone






Tumayo pa ako para sana salubungin sya pero dumiretso siya sa kanyang kaibigan at kaagad na bumeso dito. The way she held her friend, ramdam kong gustong gusto niya ang presencya nito.

“Good morning” bati ko sa kanya para muling kuhanin ang kanyang pansin.

Gusto kong pumikit ng mariin. Hindi ako yung klase ng tao na papansin, sanay akong ako yung pinapansin kaya naman iba ang pakiramdam ko ngayon, mas lalo akong pursigido na makuha ang atensyon niya. Damn it.

Sandaling tumaas ang kilay niya ng tapunan ako ng tingin. She is wearing a robe, her dark wavy hair is on it’s messy bun. Walang kahit anong nakalagay sa kanyang mukha, pero ang ganda pa din niya.

“Good morning, Jimenez” she said kaya naman ngumisi ako.

Nawala ang ngisi ko ng bumaba ang tingin niya sa hawak kong plastick. Ang lahat ng yabang ko at tapang ay unti unting nagtago ng maalala ko ang mga dala ko para sa akin. Gusto kong kuhanin na lang iyon at itago. Damn it, Hobbes. Bakit mo hinayaang mangyari ito sayo?

“Ano yang dala mo?” she asked.

Napaawang ang bibig ko, nakita kong nagiwas ng tingin ang kaibigan niya sa amin na para bang alam nitong mapapahiya na ako. Tangina.

“Kakanin at sampaguita” diretsahang sagot ko pa din. I still need to save my dignity, iyon naman talaga ang dala ko.

Alanga naman sabihing kong waffle or pancake iyon eh kakanin naman talaga.

Tumawa si Vera, namanhid ang buong katawan ko dahil sa tawa niya. As much as I want to impress her ay hinahayaan kong magmukha akong tanga sa harapan niya. Kasalanan ito ni Kenzo, akala ko ay matinong kausap. Humanda siya sa akin mamaya.

“Thank you, for the kakanins” she said, nakangisi pa din.

Napakamot na lamang ako sa aking batok. Kinuha niya ang plastick at inisa isa iyon. Sa klase ng paghawak niya sa mga iyon ay nakataas pa ang hinliliit niya na para bang nalalagkitan siya doon at ayaw niyang mapunta iyon sa kanyang kamay.

“Alice, you want this Pichi, right?” tanong niya sa kaibigan. Itinaas at ipinakita pa ang isang klase ng kakanin.

Tiningnan lang siya ng kaibigan bago muling bumaba ang tingin nito sa mga telang kaharap niya.

Ngumuso si Vera. “Next time, pwedeng Don Benitos Pichi-pichi? Kasi iyon ang paborito ni Alice” sabi niya sa akin kaya naman kumunot ang noo ko.

There is nothing wrong with that kung may mga requests siya. I can buy it for her, pero ano namang pakialam ko sa paborito ng kaibigan niya? But still, it doesn’t change the fact na kaibigan niya iyon at mukhang kailangan ko ding ligawan.

Napatango na lang ako at napaayos ng upo.

Vera” tawag nung Alice sa kanya.

Ngumisi si Vera at nilingon ito. “Kung anong favorite mo, Favorite ko din” she said, napakagat ako sa aking pangibabang labi ng marealize ko kung gaano siya kabait.

So saan banda dito ang sinasabi ni Piero na masama siya? Baka kay Piero lang kasi bully din ang isang iyon. Kung hindi ko lang siya pinsan ay baka kaaway ko din siya ngayon kagaya ni Julio. And speaking of that Julio na kaaway ko kahit wala naman siyang ginagawa sa akin, Maybe I should talk to my Tito Luke na ipadala na lang iyon sa Manila, para masaya ang lahat.

Lumipat ang tingin ko sa kaibigan niyang nangirap pa. Kumunot ang noo ko, masyado ata siyang masungit para maging kaibigan ni Vera.

“Eh ikaw, ano talaga yung gusto mo?” tanong ko sa kanya at pagkuha ng atensyon niya pabalik sa akin.

Binitawan niya ang kakanin at humalukipkip siya sa aking harapan. Dahil sa ginawa ay mas lalong naging hapit sa kanyang katawan ang suot na robe.

“I don’t eat kakanins, it’s carbs” she said.

Hindi ko naiwasang muling bumaba ang tingin ko sa kanyang kabuuan. “You should atleast eat breakfast” alanganing
sabi ko pa.

Baka isipin niyang pinapakialaman ko siya, I don’t want that to happend.

I’m not the kind of boyfriend na masyadong controlling sa mga girlfriend nila. Aminado akong clingy sa mga naging girlfriend ko pero hindi ako yung nansasakal sa relationship. I still gave them alone time and time for their friends.

Tinaasan lang ako ng kilay ni Vera bago siya nagkibit balikat.

“Sukatan na kita, may pupuntahan pa ako” sabi ni Alice na mukhang inip na at kanina pa gustong makaalis.

Nagliwanag ang mukha ni Vera at napapalakpak pa. “Igawa mo din ako ng mga style ng dress na meron ka” sabi niya dito na kaagad tinanguan nung Alice.

Tahimik ko lang silang pinanuod habang ginagawa iyon. Sanay naman akong maghintay, lalo na sa pag sho-shopping ng mga babaeng napakatagal. Hindi ko alam kung bakit nagtatagal sila sa pagbili ng damit eh pare parehong damit lang naman ang mga iyon.

“Give me your measurements too…” sabi ko sa kanya kaya naman nawala ang ngiti sa labi niya.

And why is that?” masungit na tanong niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at napakagat sa aking pangibabang labi. Vera is a strong independent woman, ito yung mga klase ng babae na hindi kailangan ng kahit na sino. Alam kong mahihirapan ako sa kanya, but I can bear the challenge.

Para alam ko ang bibilhin ko, pag reregaluhan kita” sagot ko sa kanya.

“Hindi kita Ninong” sabi niya sa akin kaya naman napahalakhak ako.

I can help it, I really like her humor. Kung buong araw kaming magsasagutan ng dalawa sa ganitong paraan, it’s fine with me.

And, igagawa na ako ni Alice ng mga dress. Mag babagong buhay na ako, I won’t buy designers clothes na” pagbibida niya na para bang isang malaking sakripisyo ang gagawin niya.

Right, Alice? I want to be as simple as this witch” turo niya sa kaibigan at tumawa pa.

She’s a freakin bully. A bully with a heart…I guess.

Tahimik yung Alice na kinuha ang sukat ng katawan ni Vera. Hindi ko naiwasang mapatingin sa kanya, kahit walang ipinapakitang emosyon ay parang ang taray pa din niya.

Nagreklamo si Vera ng sabihin nito ang sukat ng bewang niya.

Hindi ko maiwasang ngumiti dahil sa pamomorblema niya. Nadagdagan daw ito ng bilang kaya naman halos mamula siya at maiyak. I don’t see anything wrong with her body, though hindi naman ako tumitingin sa hugis ng katawan. All body shape is valid.

Maganda ka pa din naman” sabi ko. Gusto kong pagaanin ang loob niya pero hindi niya ako pinansin.

Nagtangis ang bagang ko. Kung nandito lang si Piero ay kanina pa niya ako pinagtawanan.

Ayos na ang katawan mo, Vera. Mas gusto ni…Julio ang ganyang katawan” sabi nung Alice at kaagad nagiwas ng tingin dito.

Kumunot ang noo ko at hindi sinasadyang tumalim ang tingin ko sa kanya. Ang bad influence naman ata niyang kaibigan kung irereto niya sa ibang lalaki si Vera gayong alam niyang balak kong manligaw.

Natahimik si Vera bago muling nagliwanag ang kanyang mukha. “Really? He likes what body type ba? Kagaya sayo? Eh same lang naman tayo, right?” tanong niya pa dito. Masyado siyang interisado sa kaibigan niya at sa Julio na yon.

Tumango yung Alice habang iniikot yung tape measure sa kamay niya. “Hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo para sa iba, Vera” sabi pa niya dito.

Doon lang ako napatango at sumangayon sa kanya. Mabuti naman at may nasabing tama.

Napatitig ako sa kawalan habang pinaglalaruan ang aking pangibabang labi, kailangan kong gumawa ng plano para mapaalis si Julio dito sa Sta. Maria. I think, I need to call my Tito Luke, bigyan si Julio ng project, kung hindi sa ibang bansa ay sa dulo ng Pilipinas, kahit saan basta malayo dito, the hell I care.

Nalipat ang tingin ko kay Alice ng mapansin ko ang titig niya sa akin. Nang salubungin ko ang titig niya ay kaagad din naman siyang nagiwas ng tingin. Is she using the seducing technique on me? Does she want to catch my attention?

Tumikhim ako para ipaalam sa kanyang hindi ko nagustuhan ang ginawa niya. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanya. I’m a bit uneasy with her presence.

Pi…Pili ka na ng tela, Vera” tawag niya dito.

Kaagad na lumapit si Vera sa kanya para pumili ng tela para daw sa gagawing dress.

Hindi na muli akong tinapunan ng tingin nung Alice, mabuti naman.

“Itong kulay maroon ba ang gusto mo para duon sa kaparehong style?” tanong niya dito.

Nanatili ang tingin ko kay Vera na abala sa pagpili ng kulay. Kung hindi niya lang ako kokontrahin ay ipapagawa ko siya ng dress sa lahat ng kulay na mayroon si Alice.

Yup, kagaya nung style nung black mo” sabi pa ni Vera.

Lumipat ang tingin ko kay Alice ng makita ko kung paano niya kinuha ang lapis na nakaipit sa kanyang buhok. Dahil sa ginawa ay dahan dahang lumadlad ang itim at mahaba niyang buhok.

Nagtagal ang tingin ko doon at may kung anong naalala. Imbes na isipin ay ipinagsawalang bahala ko na lang.

“You’ll stay pa, Jimenez?” tanong ni Vera sa akin. Iniisip siguro niya na naiinip na ako kakahintay sa kanya lalo at halos hindi naman niya ako pinapansin. 

Bago sumagot ay napansin ko pa ang pagsulyap ni Alice dahilan para pagtaasan ko siya ng kilay. Hindi ko mapigilan.

Yup, I can wait” nakangiting sagot ko kay Vera.

Ngumisi siya sa akin. “You want coffee?” tanong niya sa akin.

“I want to have coffee with you” pagtatama ko kaya naman umirap siya sa akin bago muling bumalik ang tingin sa kaibigan.

“Can you make it…1 inch before sa knee?” sabi pa niya dito.

Nanatili ang tingin ko kay Vera, every move she makes, gustong gusto ko. Kahit simpleng paglalagay ng ilang tikas ng buhok sa kanyang tenga ay pinapanuod ko. I can’t wait to have our alone time.

Hindi pa ba aalis si Alice?

“I’ll drive you papunta sa pupuntahan mo. Ang mga telang ito is too heavy for you” puna ni Vera sa kanya.

Marahang umiling si Alice habang inaayos ang mga telang dala niya. “Hindi na. Kaya ko na ito. Matagal ko na itong ginagawa” pagtanggi niya.

I don’t like the attitude. She should be thankful sa offer ni Vera sa kanya. But who am I to judged? Hindi ko naman siya kilala para pagisipan siya ng masama.

“At mag kape na kayo ng bisita mo” sabi pa niya bago ako tinapunan ng tingin at inirapan. The hell?

Ngumisi si Vera. Nagulat ako ng makita kong kinuha niya ang plastick ng dala kong kakanin at iniabot iyon kay Alice.

“Sayo na ito para may baon ka. You are too payat for this job, Alice”

Bumaba ang tingin ni Alice sa iniaabot na plastick ni Vera sa akin. I want to protest, para iyon kay Vera. Honestly, medyo nakaramdam ako ng panghihinayang. I bought it for her, kahit sabihin mong simpleng kakanin lang iyon at sampaguita. Tangina lang talaga ni Kenzo.

Hindi yan para sa akin, ibinigay yan para sayo” yung Alice.

Nilingon ako ni Vera at matamis na nginitian. Nawala lahat ng iniisip ko kanina at dahil klase ng ngiti niya sa akin.

Can I give it to my friend? I hope hindi ka ma-offend” sabi niya sa akin at walang pagdadalawang isip akong tumango.

“Ofcourse, you can do whatever you want. Ibinigay ko na iyan sayo” sabi ko pa.

Nanatili ang tingin ni Alice sa plastick na para bang nagdadalawang isip pa siyang kuhanin.

“Sige na, Alice. Sayo na iyan” sabi ko pa, para tulungan si Vera.

Napabuntong hininga ito at kaagad na kinuha ang plastick sa kamay ni Vera.

“Salamat” tipid na sabi niya sa aming dalawa ng hindi man lang kami tinitingnan.

Inilagay niya iyon sa itaas ng mga tela. Kita kong nahirapan siya nung una nabuhatin ang mga iyon. Manipis ang braso niya para magbuhat, tama si Vera.

“Are you sure kaya mo?” tanong ni Vera sa kaibigan. I don’t see anything but a genuine concern for her friend.

Piero should know about this, masyado siyang mapagtanim ng galit. Anyone can change.

“Kaya ko” sagot ni Alice at umirap pa sa kawalan.

Tahimik naming sinundan ng tingin ang pagalis ni Alice. Kita ang hirap sa pagbubuhat niya. As much as I want to offer for help ay hindi ko na lang ginawa, ang sungit. Baka sungitan lang ako, kayang kaya nga ata akong suntukin non.

Tumawag si Vera ng kasambahay para magpadala ng kape para sa aming dalawa.

“Gertie told me na type mo daw ako” paguumpisa niya na ikinagulat ko. I didn’t see that coming.

Napaayos ako ng upo. “Yes” diretsahang sagot ko, What? Hindi ako torpe.

Ngumuso siya ay sumimsim sa kanyang kape. “Nakita mo lang ako sa picture, then you like me…agad?” tanong niya.

Napainom ako sa aking kape bago ako umayos ng upo. “That’s why gusto pa kitang makilala” sabi ko sa kanya kaya naman humalukipkip siya at nagcross legs pa.

“Babaero ka daw, Ayoko sa babaero”

“Marami lang nag kakagusto, pero hindi ako babaero” laban ko na ikinangisi niya.

“At sinungaling pa” dugtong niya kaya naman natameme ako.

Natahimik kaming dalawa, nakatingin siya sa malayo habang malalim ang iniisip.

“I’m not asking for answers, ASAP” pahabol ko pa.

Dahil sa sikat ng araw ay nakita ko ang tunay na kulay ng kanyang buhok. Dark brown?

Marahan niyang hinawi iyon ng tumama ang hangin.

“Kailan ang start ng mall niyo dito sa Sta. Clara?” tanong niya. She seems so interested about it.

“This month, everything is planned. Kumpleto na din ang mga gagawa” sagot ko sa kanya.

“Magaling na Architect ba si Julio?” tanong niya, hindi ako nakasagot kaagad.

Nagkibit balikat ako, pakialam ko naman kay Julio.

“August na, pero nasa kay Julio ka pa din” biro ko. I don’t think bebenta sa kanya itong mga ganitong banat. Tangina ka talaga Hobbes, kaya ka itinatakwil.

“Ang corny mo. Kaya hindi ka nagustuhan ng pinsan ko eh”

In that just simple coffee time with her, kahit papaano ay may nalaman na din ako tungkol sa kanya. And I can’t wait to have more time with her alone.

“Saan ka nanggaling?” tanong ni Piero ng maabutan ko siya sa may labas ng resthouse karga ang anak na si Primo.

Nginisian ko siya bago ko tinap sa ulo ang anak niyang kamukhang kamukha niya.

“Tatay ba kita?” tanong ko sa kanya kaya naman minura niya ako.

“Nagkape kila Vera” diretsahang sagot ko sa kanya.

Inirapan niya ako. “Amputa, anong pinagkaiba ng kape dito sa kape doon?”

Tumawa ako at pinisil ang pisngi ni Primo. Masyado akong masaya para magpaapketo kay Piero.

“Amputa!” asik niya ng magumpisang umiyak si Primo dahil sa pagkakapisil ko sa pisngi nito.

“Kamukha ka ng Daddy mo, pero wag mong gagayahin ang ugali” pagkausap ko sa bata kaya naman halos umusok na ang ilong ni Piero.

Dumiretso ako sa loob, binati ko muna sina Tito Axus at Tita Elaine, nanduon na din si Tito Alec at Tita Maria.

“Nag jogging ka, Hijo?” tanong ni Tito Axus. Hinampas siya ni Tita Elaine sa braso dahil sa tanong nito.

Tumawa si Tito at hinapit si Tita sa bewang para halikan sa ulo.

“Wala ka pa ding girlfriend?” tanong ni Tito Alec sa akin.

“Hayaan niyo nga si Hobbes, makakahanap din iyan. Sa gwapo niyang yan” si Tita Maria.

Matamis ko siyang nginitian. “Marami nga atang girlfriend. Si Marcus ata ang tatay mo eh” biro sa akin ni Tita Elaine.

Napakamot ako sa aking batok, para kunwari ay mabait ako. “Hindi naman po, Tita”

Dumiretso ako sa aking kwarto at naligo. Naipasok ko na din ang duffle bag ko mula sa aking sasakyan. I bring that all the time for my extra clothes. Kahit ilang buwan akong hindi umuwi sa amin at wala akong matitirhan, I can live in my car. But that won’t happen cause I have my condo.

“Kakanin at Sampaguita?” natatawang tanong ni Tadeo ng ikwento sa kanya ni Kenzo ang nangyari kanina.

Sinamaan ko sila ng tingin na dalawa, tuwang tuwa pa sa kahihiyan ko.

“Turn off  na yan, Buti nga sayo” pagsingit ng kararating lang na si Piero.

Tinaasan ko siya ng kilay. “She won’t invite me to have a coffee kung na turn off siya sa akin” pagyayabang ko na mas lalo niyang ikinabusangot.

We are preparing papunta sa Villa de Montero. Doon nagpahanda ng lunch si Tito Keizer. Siguro ay kailangan kong kausapin si Eroz na tulungan akong mapalapit kay Tito Keizer, sa pagkakaalam ko ay parang anak na din ang turing niya kay Vera.

“I have a business deal with Frank Del Prado, alam ko na kung saan nagmana si Sera” sabi ko kay Kenzo. Ngumisi ito at tumingin sa asawa.

Abala sina Sera, Tathi, Castel, at Amaryllis sa kung anong pinaguusapan. Kanina pa din sila maingay pag tumatawa.

Imbes na dalhin ang aking sasakyan ay sumabay na lang ako sa Van nila Tito Axus at Tita Elaine, dalawang van ang dala namin papunta kila Eroz. Walking distance lang naman, pero dahil may mga dalang bata, handa silang mag sayang ng gasolina.

Huminto ang van ng may lumabas na truck mula sa may kanto. Napasilip ako sa may bintana at nakita ang malaking tindahan. Aling Bing sari-sari store and eatery. Basa ko sa nakapaskil sa itaas nito.

Hindi ko na sana papansinin pa ng makita ko si Alice doon. Nakatayo sa harapan ng tindahan habang may kausap na ilang bata. Hindi kagaya kanina ay wala na ang dala niyang mabigat na mga tela.

Nakikipagtawanan siya sa mga ito. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya at nakitang, hanggang ngayon ay bitbit pa din niya ang plastick ng kakanin na ibinigay ko para kay Vera sana kaninang umaga.

Natawa ako ng makita kong matapos makipagtawanan ay inirapan pa niya ang mga ito. May tama ata ang isang ito.

“Kaya nasisira ang daan dito dahil sa malalaking truck” sabi ng driver. Nahirapang lumabas ng dump truck kaya naman nagtagal pa kami.

“Gutom na ako” sabi ko sa kanila na ikinatawa ni Tita Elaine.

Muli kong nilingon ang tindahan kung nasaan si Alice kanina. Nagulat ako ng makitang may kausap na siya ngayong matandang lalaki, sa ayos pa lang alam kong may kaya na.

Kumunot ang noo ko ng mapansin kong pinagtitinginan sila ng mga tao. Isang beses na sumubok yumakap si Alice dito pero pinigilan lang siya ng lalaki na para bang ayaw nito ng ginawa niya.

Nagtaas ako ng kilay, baka may pamilya ang matandang lalaking iyon. At boyfriend ba niya iyon? Matanda ang boyfriend niya? Ano, sugar Daddy?

Naikuyom ko ang aking kamao ng makita kong halos maiyak siya ng magpaalam ito sa kanya. At mukhang namimilit pa siya. Bad influence talaga siya para kay Vera.

“Si Alice” si Tita Elaine.

“Pamangkin ni Kuya Darren” dugtong pa ni Tita. Lahat kami sa loob ay nakatingin na sa kanya ngayon.

“Pamangkin nung unang niyang asawa, si Luna?” panguusisa ni Tita Maria.

Kumunot ang noo ko, hindi lingid sa kaalaman namin ang nangyari kay Tito Darren at Tita Afrit noon. Though, wala naman talaga kaming alam sa buong pangyayari at tanggap namin si Louie.

“Mabait yang si Alice, kahit halos lahat ay ang tingin sa kanya kagaya siya ng Tita Luna niya” si Tita Elaine. Kita ko ang pagaalala sa mukha nito.

Muling bumalik ang titig ko kay Alice. I don’t want to judge as early as now. Pero sa nakita kong scenario kanina. I doubt that.








(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro