Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Vanilla Lace



Mas lalo akong napasuko at kunwaring tumingin na lang sa bitbit niyang plastick na may lamang kurtina, nakita ko kung paano kumunot ang kanyang noo at dahan dahan nang liit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Anong sabi mo?" seryosong tanong niya sa akin. Ramdam ko sa kanyang boses ang iritasyon.

"Ma-maraming salamat sa pagtulong...akin na," sabi ko at tinangkag kuhanin ang plastick ng inilayo niya iyon sa akin.

"Hanggang sa kanto," masungit na sabi niya sa akin bago niya ako kaagad na tinalikuran.

Bahagyang nalaglag ang panga ko dahil doon, halos malayo na ang nalakad niya palayo sa akin dahil sa pagka-kabato ko.

Sa huli ay tahimik ulit akong sumunod sa kanya, sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay narinig ko pang tumunog ang phone ko kaya naman kaagad kong binasa ang dumating na mensahe. Galing iyon kay Vera, nagpag-usapan na din naman namin ito.

Matapos kong basahin iyon ay kaagad akong nag-angat ng tingin kay Hob. Halos ilang hakbang na lang ang layo niya sa may kanto kaya naman halos takbuhin ko na para lang makahabol.

"Dito na ako," sabi ko sa kanya pagkahinto namin doon.

Tumango siya pero wala pa ding balak na iabot sa akin ang plastick.

Sinundan ko ang tingin niya at nakita kong nakatanaw siya kaliwa na para bang doon niya inaasahan na manggagaling ang jeep. Gusto kong matawa kaya naman humaba na lang ang nguso ko bago ako nag-iwas ng tingin sa kanya.

Wala pa din siyang imik, mas mabuti na iyon kesa naman nag-uusap kami pero nakakabwiset naman ang mga lumalabas sa bibig niya. Mas ayos na ang ganito...tahimik lang.

Kaagad akong napaayos ng tayo ng makita ko ang hinihintay kong jeep galing sa kanang bahagi ng kalsada.

"Andyan na yung jeep," nagmamadaling sabi ko at wala sa sariling kinuha ko ang plastick na hawak niya.

Halos mamanhid ang aking buong mukha at magtaasan naman ang balahibo sa aking batok pababa sa braso ng magtama ang aming mga kamay dahil sa aking ginawa.

"Diyan pala mang-gagaling ang jeep. Really? Kanina pa ako nakatingin dito sa kaliwa..." iritadong sabi niya. 

May ibinulong pa siya na hindi ko naman naintindihan kaya naman kaagad ko siyang tiningala at sinamaan ng tingin. Dahil sa aking ginawa ay napa-ayos siya ng tayo at mabilis na itinikom ang kanyang bibig.

"Salamat ulit," mabilis na sabi ko at kaagad na tinawid ang kalsada para maka-sakay sa naghihintay na jeep.

Hindi ko na muli pang nilingo si Hob hanggang sa maka-sakay ako. Tsaka na lang ulit ng maka-ayos na ako ng upo.

Naglalakad na ito ngayon sa kabilang direksyon patungo siguro sa resthouse ng mga Herrer. Doon din naman talaga dapat ang direksyon na pupuntahan ko, ang kaso ay kailangan ko pang idaan kay Aling Rita ang mga kurtina.

"Magandang umaga po, Aling Rita."

Halos hindi na siya nakabati pa pabalik ng masyado siyang na-excite na makita ang mga dala kong kurtina.

"Ang galing niyo talagang mag-ina pagdating sa mga ganito. Nagbabalak nga akong magtayo ng patahian...kukunin ko kayo," nakangising sabi niya sa akin.

"Po? Saan po kayo mag-tatayo kung ganon?"

Mula sa kurtina ay lumipat ang tingin niya sa akin. Nakataas pa ang kanyang kilay bago siya ngumisi sa akin.

"Bakit maipapatayo niyo na ba yung tahian na pangarap ng Nanay mo?"

Napaawang ang bibig ko dahil sa kanyang sinabi. Hindi ako nakapag-salita, ni hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman dahil sa kanyang itinanong sa akin.

"Hanggang hindi niyo pa kaya...mag-trabaho muna kayo sa akin, marami ka pang kakaining bigas bago mo magawa ang gusto mo," nakangising sabi niya bago muling bumalik ang tingin sa mga kurtina.

Naikuyom ko ang aking kamao. Hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip ng mga ito sa tuwing may minamaliit silang tao, pangarap namin iyon ni Nanay. Wala siyang karapatang diktahan kami tungkol doon, hindi naman porket hindi namin kaya ngayon ay hindi na mangyayari sa amin.

Naniniwala pa din ako na sa tamang oras ay darating ang mga bagay na nakalaan para sa amin. Hindi man siguro ngayon, pero maipapagawa ko din si Nanay ng tahian na pangarap niya.

Ngumisi din ako pabalik sa kanya, ramdam ko ang gulat niya dahil sa aking ginawa. "Wala pa naman po iyon sa plano. Wala din kaming sapat na pera para mag pagawa ng tahian," nakangiting sabi ko. Gusto kong ipakita sa kanya na hindi ako apektado.

Natawa siya na para bang nakikipag-tawanan ako sa kanya. Kita ko talaga kung sino yung mga tao mahilig mang-maliit ng kapwa nila.

"Tama! Kaya kukunin ko kayong mag-ina, siguradong dadami ang kliyente ko sa oras na makita ang mga gawa niyo," sabi pa niya sa akin.

Kahit gusto kong panatilihin ang kawalan ko ng pakialam at ang hindi pagiging apektado ay hindi ko magawa. Ramdam ko ang panghihina ng aking buong katawan. Madali para sa ibang tao na maabot ang mga pangarap nila dahil may pera sila. Napaka-unfair ng buhay...sobrang unfair.

"Late po ako ng ilang minuto," sabi ko kay Manong guard.

Ngumisi siya sa akin, "Siguradong mag-iingay nanaman si Junie."

Hindi nangyari ang inaasahan ko, walang Junie na maingay at magsasabi sa aking late ko. Imbes tuloy na hayaan na lang ay hinanap ko pa siya imbes na magmadaling tumakbo papunta sa office.

"Si Junie po?" tanong ko sa ibang mga katrabaho.

"Nasa may pantry nagkakape. Masakit ang ulo naka-inom ata kagabi," sagot nila sa akin kaya naman kaagad akong nagtungo sa may pantry.

Naabutan ko siyang tahimik na nakatitig sa tasa ng kape habang nakaupo.

"Late ako," pagkuha ko ng atensyon niya.

Mahina siyang tumawa ng lingonin niya ako.

"Isusumbong kita kay Boss Eroz," pananakot niya sa akin. Ramdam kong gusto niyang pasiglahin ang boses niya pero hindi niya magawa. Alam kong may problema.

"Asaan si Ericka?" tanong ko.

"Nasa bahay, hindi ko muna pinapasok."

"Bakit?" panguusisa ko.

"Secret." sabi niya sabay tawa. Kahit anong pilit niyang tumawa ay ramdam na ramdam kong may problema.

"Anong problema?" tanong ko sa kanya. Umupo pa ako sa kaharap niyang upuan para ipakita sa kanyang handa akong makinig sa sasabihin niya sa akin.

Napabuntong hininga siya bago siya mariing pumikit.

"Gustong makita ng pamilya niya sa San Ildefonso si Jacobus," sabi niya sa akin kaya naman tumaas ang kilay ko.

"Edi mabuti! Ibig sabihin lang noon ay kinikilala nila si Jacobus. Bakit ang lungkot mo?"

"Baka hindi na sila ibalik sa akin pag hinayaan ko silang umuwi doon," sabi niya sa akin. Ramdam ko ang takot sa boses ni Junie.

Napahilamos siya sa kanyang mukha at napaayos ng upo. "Ayokong ipagkait sa asawa ko ito, pero natatakot talaga ako."

"Siguradong nagtatampo si Ericka ngayon sayo. Alam mo kung bakit? Kasi ipinaramdam mo sa kanyang wala kang tiwala sa pagmamahal niya sayo," pangaral ko sa kanya.

Mas lalong bumagsak ang balikat ni Junie. "Alam mo namang ayaw sa akin ng pamilya niya, paano kung may gawin sila laban sa akin?"

"Hindi naman mahalaga kung ayaw sayo ng pamilya niya. Ang mahalaga ay mahal ka ni Ericka at ni Jacobus," sabi ko pa sa kanya.

Nahimas-masan si Junie ng maubos na din niya ang kanyang kape kaya naman bumalik na kami sa trabahong pareho. Mas nag double time ako lalo at maaga ang labas ko dito kagaya ng sinabi ni Eroz, pwede ko naman itong gawin sa ibang araw pero hindi naman porket tapos na ang trabaho ko para ngayong buwan ay hindi ko na gagampanan ang tungkulin ko dito sa factory.

Mas nakampante ako para kay Junie ng makita kong magkausap sila ni Julio. Bumisita si Julio dito para tingnan ang ilang naiwang trabaho ni Eroz kahit pa nasa kabilang factory ang opisina niya.

Pagkatapos sa factory ay dumiretso ako sa plantation kung nasaan si Vera. Mula doon ay sabay kaming uuwi sa kanila para kay Yaya Esme at Gianneri. Wala din kasi ngayon dito si Sir Keizer at nasa Manila.

"Magandang hapon," bati ko kay Vera.

"Hi witch, kumain ka na?" tanong niya sa akin habang abala pa din sa ginawang kung ano sa kanyang laptop.

"Oo tapos na, nagluto muna kami sa factory dahil absent si Ericka," kwento ko sa kanya pero ramdam kong masyado siyang busy para makinig sa akin.

Umupo ako at muling nilibot ng tingin ang kabuuan ng opisina niya. Ang sabi niya sa akin ay ipaparenovate niya pa ito dahil hindi niya gusto ang design. Siguradong mas gaganda ito kung ipapayos niya gamit ang design na ginawa niya.

Nagtagal ang tingin ko sa puting paper bag na nakalagay sa likod niyang maliit na lamesa. Bahagyang kumunot ang noo ko ng mapansin kong pamilyar iyon.

Ang puting paperbag na may nakalagay na Royce' sa harapan ay kagaya ng chocolate na ibinigay din sa akin ni Julio. Humaba ang nguso ko at kaagad na lumipat ang tingin sa abala pa ding si Vera.

Gusto ko siyang tanungin kung kanino galing iyon kahit may pakiramdam akong alam ko na kung kanino. Hindi ko maiwasang ngumiti para sa aking kaibigan, una pa lang ay alam ko ng may gusto siya kay Julio.

Minsan ay napagkakamalan ng iba na may gusto ako kay Julio o may gusto siya sa akin. Masyado lang talaga siyang maalaga at itinuturing ang mga kaibigan niyang parang mga kapatid niya.

Isa pa ay pakiramdam niya na kagaya ng Tita Atheena may kasalanan din siya sa akin at kay Nanay kaya naman kung ituring niya kami ay ganoon.

"I'm done, ayoko na!" asik niya sa laptop niya at kaagad na isinara iyon.

Napahilot siya sa kanyang sintindo bago siya sumama ang tingin niya sa kung saan at umirap pa bago nagumpisang iligpit ang mga gamit niya.

"Kung nasa manila lang ako didiretso ako sa shopping mall to buy my reward. Even the most expensive bag...hindi mapapantayan ang stress na nakuha ko because of this work," reklamo niya habang inaayos ang mga gamit.

"Let's go," yaya niya sa akin.

Muntik pa niyang makalimutan ang paper bag ng chocolate na kaagad naman niyang binalikan.

"Gusto mo ng chocolate?" tanong niya sa akin pero kaagad na nag-iwas ng tingin.

"Hindi na, madami din kaming chocolate sa factory. Binigyan kaming lahat ni Julio," sagot ko sa kanya at pilit na iniiwasang ngumiti.

Umirap siya sa kawalan. "At anong akala niya sa sarili niya? Si Santa siya?" masungit na tanong niya kaya natawa na ako.

Hindi ko maiwasang punahin kung paano magdrive si Vera, bagay sa kanya ang pagmamaneho ng mamahaling sasakyan. Kahit ano atang isuot niya ay magmumukhang mahal.

Umiiyak si Gianneri ng maabutan namin. Kaagad siyang kinuha ni Vera mula kay Yaya Esme.

"Dear...Tita is here with Ninang Alice," malambing na sabi niya dito.

Hindi tumigil sa pagiyak si Gianneri pero kaagad siyang yumakap sa leeg ni Vera. Lumapit ako sa kanila para hawakan ang maliit niyang kamay. Tumalikod si Vera sa akin para iharap sa akin ang mukha ni Gianneri. Namumula ito dahil sa pag-iyak.

"I can give you anything you want. Pero wala akong breast milk, oh please!" sabi ni Vera dito na ikinatawa naming pareho ni Yaya Esme.

"Baka ako meron!" si Yaya Esme.

"Oh please, Yaya Esme! Reserve that for Mang Henry!" sita ni Vera sa kanya bago siya humalakhak.

Sa kwarto ni Vera matutulog si Gianneri. Puno ng malalaking unan ang kabilang side ng malaki niyang kama para lang masigurado na hindi mahuhulog ang pamangkin niya.

"Ramdam niya sigurong wala ang mga malalandi niyang magulang," sabi ni Vera ng makatulog si Gianneri na kumportable nakahiga sa gitna ng kanyang kama.

Natawa din siya sa kanyang sinabi kaya naman napailing na lang ako habang hindi maitago ang ngiti.

Naka-itim na roba na siya ngayon ay nakataas ang buhok. Hindi ko ma-imagine na magbabantay siya buong magdamag kay Gianneri.

"May invitation ako para sa ground breaking ng mall. Si Tito Keizer dapat, but because he's not here ako ang magre-represent sa kanya. Isasama kita if you want, andoon ang Tatay mo. And ipapamukha natin kay Ursula na kaya mo din ang kaya niya...she's so makapal ang mukha," sabi niya sa akin na may kasama pang pagirap.

"Gusto ko sana...pero baka magkagulo lang," sabi ko.

Napairap si Vera. "Si Ursula lang naman ang nangugulo, we're behave naman the last time nag site visit, siya ang nauna," laban pa ni Vera.

Dahil sa kanyang sinabi ay muli kong naalala ang pagkikita namin ni Hob kanina.

"Nandito na nga pala si Hob, nakita ko siya kanina," sabi ko sa kanya.

Ngumisi siya at tumaas ang kilay. "Eh bakit namumula ka?" pangaasar niya sa akin kaya naman kaagad na nanlaki ang mga mata ko.

"Hindi no! Tsaka wala naman akong gusto sa kanya, at yung mga ganong klaseng tao mahirap abutin iyon. Tsaka halata namang hindi siya yung nagseseryoso," laban ko kay Vera na mas lalong lumaki ang ngisi.

"Ang dami mong sinabi, ang ingay ingay. Masyadong defensive," sita pa niya sa akin bago siya umayos ng upo sa itaas ng kanyang kama at sumandal sa headboard.

Marahan niyang tinapik sa pwet si Gianneri bago siya tumingin sa akin. "Pag naging kayo ni Hobbes ako pa ang sasagot ng kasal niyo," nakangising sabi niya sa akin kaya naman ramdam na ramdam ko ang paginit ng aking magkabilang pisngi.

"Eh ikaw...sino ang gusto mo?" tanong ko sa kanya kahit alam ko naman kung sino. Gusto ko lang na manggaling mismo sa kanya.

Tumaas ang kilay niya, umayos ng higa para mayakap ng maayos si Gianneri.

"I'm fine being the rich Tita na pa-travel travel lang," sagot niya sa akin.

Tsaka lang ako umalis ng makita kong tulog na silang dalawa. Masyado pang maaga at hindi pa nakakain ng dinner si Vera, halatang pagod dahil sa trabaho.

"Mauuna na po ako, Yaya Esme."

Inayaw pa niya akong dito na mag dinner pero tumanggi ako. Sinabihan ko din siyang padalhan na lang ng dinner sa kwarto si Vera dahil siguradong hindi na iyon makakababa pa.

Ipinadala ni Yaya Esme sa akin pauwi ang ilang cookies at mga tinapay. Naikwento ko kasi sa kanila noon na may mga kaibigan akong bata at sa kanila mapupunta ang mga ito lalo na at hindi naman kami mahilig ni Nanay sa mga matatamis.

Naglakad ako palabas ng Villa de Montero, inalok ako ni Yaya Esme na ipapahatid sa driver pero kaagad akong tumanggi. Dahil maaga pa naman ay naisip kong mas mabuti ng maglakad na lang.

"Ate Alice!" sigaw na tawag sa akin ng ilang mga batang palagi kong nakikita sa tapat ng tindahan na naglalaro.

Mas lalo silang nag-ingay ng ibigay ko sa kanila ang mga dala kong pagkain. May ilang mga batang gusto ako...may ilan namang hindi.

"Pinapakin niya kayo ng marami para pag malusog na kayo...isa isa niya kayong kakainin," pananakot ng isang batang sa mga kasama. Isa siya sa mga batang hindi ako gusto. Masyadong naniwala sa pananakot ng ibang tao.

Hindi ko siya pinansin, hindi din naman siya pinansin ng mga kaibigan ko.

Hindi ako mapakali habang nakatingin sa abalang si Nanay. Gusto kong sabihin sa kanya ang tungkol sa ground breaking. Gusto ko siyang isama, gusto ko siyang ipakita kay Tatay. Gusto ko na din silang magkita...pero natatakot ako.

Paano kung gawin ni Tita Atheena kay Nanay ang mga ginagawa niya sa akin sa tuwing nagkikita kami? Ayokong masaktan si Nanay, ayokong maramdaman niya ang pangmamaliit nito sa amin.

Paano kung gawin din ni Tatay ang pagiwas? Paano kung itaboy din siya nito? Iniisip ko pa lang ang scenario na iyon ay parang madudurog na ang puso ko para kay Nanay. Alam kong hindi niya kakayanin, ayokong ilagay sa alanginin ang kalusugan niya.

"Ano't kanina ka pa nakatitig sa akin?" nakangiting puna niya sa akin. Hindi ko na din namalayan iyon.

Ngumiti na lang ako sa kanya at kaagad na tumayo para lumapit sa kanya para tumulong.

"Isasama po ako ni Vera sa ground breaking ng bagong mall, iniisip ko lang po kung ano ang pwede kong isuot," palusot ko na lang sa kanya.

"Kailan ba iyon? Anong kailangang isuot? Igagawa kita..." sabi ni Nanay kaya naman mas lalong bumibigat ang dibdib ko para sa kanya.

Alam kong masama ang magsinungaling at maglihim sa kanya, pero wala naman akong ibang maisip na paraan para ma-protektahan siya. Kung magkikita man sila ni Tatay, gusto kong bukal iyon sa loob niya. Ayokong iparamdam niya kay Nanay na napipilitan lang siya. Hindi deserve ni Nanay iyon.

Hindi deserve iyong ng babaeng naghintay sa kanyang ng ilang taon dahil lang pinanghawakan ang pinangako niyang babalik siya.

Tinulungan pa ako ni Nanay na maghanap ng pwedeng ma-isuot. Kung ako lang ay simpleng dress na lang sana. Pero dahil inimbita ako ni Vera at ayoko namang mapahiya ang kaibigan ko dahil kasama niya ako ay maghahanda na din ako.

Dumating ang araw ng ground breaking. Marahang hinaplos ni Nanay ang nakabagsak kong buhok, hinihintay namin si Vera dahil susunduin niya ako dito sa aming bahay. Magkikita na din sila ni Nanay.

"Ang ganda ganda mo," puri niya sa akin kaya naman ngumiti ako at hinawakan ang kamay ni Nanay.

"Mana ako sa inyo, Nay"

Matapos sa aking mukha ay bumaba ang tingin niya sa aking kabuuan. Napili namin ang isang itim na button down short sleeve dress.

Napahinto kaming dalawa ng marinig namin ang pagdating ng sasakyan ni Vera. Kaagad kong inaya si Nanay na lumabas para ipakilala siya dito.

"Ang ganda ng kaibigan mo, parang artista," puri ni Nanay dito.

"Good morning, Tita" bati ni Vera sa kanya at kaagad na humalik sa pisngi nito.

Kita ko ang pagkamangha ni Nanay sa kanya. Minsan na lang din kasi makakilala ng bago at iba din kasi talaga ang dating ni Vera...artistahin.

Inaya siya ni Nanay na pumasok muna sa aming bahay. Maroon ang suot na dress ni Vera na halatang mamahalin. Mas lalong nakita ang kaputian niya dahil sa kulay.

"May mga fruis pa kayo Tita? Kumakain po ba si Alice ng fruits? Kasi bawal siyang kumain..." natatawang tanong niya kay Nanay.

May dala pa siyang pasalubong para dito. Kita kong naging kumportable kaagad sila sa isa't isa.

"Salamat sa lahat ng ginawa at ibinigay mo kay Alihilani. Masaya ako at mayroon siyang kaibigang kagaya mo," sabi ni Nanay dito.

"Wala po iyon, Tita. Alice is like a sister to me...and a witch," sagot niya kay Nanay kaya naman napasapo ako sa aking noo.

Kita ko ang pagtataka sa mukha ni Nanay pero hindi na lang nakapagsalita.

Hinatid pa kami ni Nanay palabas at pasakay sa sasakyan ni Vera. Nakaramdam ako ng lungkot ng maisip kong maiiwan nanaman siya magisa habang ako ay makikita ko nanaman si Tatay doon.

"Next time mag mall tayo at mamasyal, Tita" sabi ni Vera sa kanya.

Panay ang kwento ni Vera sa akin kung paano sila nagpuyat ni Gianneri ng magising ito sa kalaliman ng gabi.

"Kung may breastmilk lang talaga ako hindi ko naman ipagdadamot sa kanya," kwento pa niya sa akin kaya naman nangingiti na lang ako.

Ito ang unang beses kong makaka-attend sa isang ground breaking ceremony kaya naman nagulat ako ng makita ko ang dami ng tao, madami ding nagkalat na mamahaling sasakyan mula sa mga bisita. May mga media din at madaming camera.

"Ang daming tao," puna ko.

Ngumisi si Vera. "Hindi mo sure, baka yung iba diyan multo," pangaasar niya sa akin. Ramdam ko ang kaba pero siya ay relax lang.

May ilang artista akong nakita,nanduon din maging ang mga matataas na opisyal ng Sta. Maria.

Ilang malalaking tent din ang nakalatag sa paligid. Malinis ang gitnang bahagi kung saan gaganapin ang groun breaking ceremony.

Nagingay ang ilang mga media ng dumating daw si Mr. Luke Jimenez.

"Alihilani," tawag ni Julio sa akin.

Mula sa akin ay nalipat ang tingin niya sa aking nasa tabi.

"Andito na ang Tatay mo, kasama si Tita Atheena," sabi niya sa akin na para bang nalungkot siya para sa akin.

Tipid akong ngumiti, "Ayos lang, gusto ko lang siyang makita. Kasama siya sa project na ito, gusto ko siyang suportahan."

Nawala ang atensyon sa akin ni Julio ng pareho kaming mapatingin sa lalaking lumapit kay Vera.

"Vera Montero?" tanong nito dito.

"Yes. Do I know you?" masungit na tanong ni Vera dito.

Ngumisi ang lalaki. "Siegfried San Miguel..." pagpapakilala nito.

Nilingon ko si Julio pero masama ang tingin niya sa kung saan.

"Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya.

Mas lalong kumunot ang noo niya ng nag-iwas ng tingin.

"Masyadong mainit...nag-iinit ang ulo ko," sagot niya sa akin kaya naman pinigilan ko ang pagngisi.

Nagpaalam si Vera kaya naman nakiupo na muna ako sa isa sa malaking tent. Tahimik lang akong nakatanaw sa bawat tent, tahimik na pinapanuod ang mga pinaggagawa ng mga mayayamang tao.

Napaayos ako ng upo ng makita ko ang paglapit ng mga pinsan ni Eroz palapit sa akin. Mas lalong lumakas ang dating nila dahil sa mga suot.

"Siguradong magbabayad sila sa oras na mapatunayang hindi iyon totoo..." rinig kong sabi ni Cairo Herrer bago sila natahimik ng makita ako.

Ngumiti si Tadeo Herrer sa akin, nagtagal naman ang tingin ni Piero Herrer. Tumingin ako sa palagid, baka ang mga upuan na nandito ay para sa mga importanteng tao.

Yumuko ako at kaagad na tumayo para makaalis doon ng kaagad akong mapatigil ng mauntog ako sa isa pang bulto, dahil sa laki noon ay halos mawalan ako ng balanse. Napaawang ang bibig ko ng maramdaman ko ang hawak nito sa aking bewang habang ang isa niyang kamay ay medyo bumaba sa aking pang-upo.

Mas lalo akong nagulat ng makita ko kung sino iyon.

"Yu-yung kamay mo!" asik ko sa kanya at kaagad sana siyang itutulak ng hilahin niya ako lalo palapit sa kanya.

Mas lalo kong naamoy ang bango niya dahil sa paglalapit namin.

"Kung bibitawan kita ngayon...matutumba ka," sabi niya sa akin. Alam ko naman iyon.

"Si Hob umagang umaga," rinig kong pangaasar sa kanya ng mga pinsan.

Hindi niya iyon pinansin, nanatili ang tingin niya sa akin.

"Ang dami mong reklamo, hindi ka na lang magpasalamat," sita pa niya sa akin kaya naman nag-angat ako ng tingin sa kanya.

Sinamaan ko siya ng tingin pero gumanti siya ng titig sa akin. Hanggang sa lumakas ang hangin, halos magulo ang buhok ko dahil doon. Dahil sa nangyari ay naamoy ko din ang Vanilla lace na inispray ko kanina.

Kumunot ang noo ni Hob, mas lalo siyang tumitig sa akin.

"Ba-bakit?" tanong ko sa kanya ng makita kong bumaba ang tingin niya sa suot kong itim na dress at sa aking buhok.

"Hobbes!" sigaw na sita ni Tadeo Herrer sa kanya ng bigla na lang ako nitong binitawan.

Kung hindi ako nasalo ni Tadeo ay siguradong didiretso ang pang-upo ko sa lupa.

"This tent is for the Jimenez family. Nasa kabilang tent ang para sa mga bisita," matigas na sabi ni Hob sa akin bago niya ako tinalikuran.

"Sorry about that." si Tadeo Herrer.

Tipid akong tumango at kaagad na nagpaalam sa kanila. Hinanap ko si Vera o kaya naman si Julio. Pakiramdam ko tuloy ay hindi dapat ako pumunta dito. Malalaking tao ang mga nandito, hindi kagaya ko na wala lang. 

Halos magdikit ang baba at dibdib ko patungo sa kabilang tent, ni hindi ko nga kayang tingnan ang ibang mga bisita. Halata sa mga ito na may sinabi sila sa buhay. Tsaka lang ako nag-angat ng tingin ng makita ko si Tatay...sa kanyang tabi ay si Tita Atheena na nawala kaagad ang ngiti ng makita ako. 

Gusto ko sanang lumapit sa kanya. Para kasi akong nakakita ng kakampi dahil sa presencya niya pero wala akong lakas ng loob. Tatay ko siya pero pakiramdam ko minsan ibang tao siya...hindi ko kilala. 

Nag-iwas ako ng tingin at dumiretso na lang sa isa pang tent malayo sa kanila. Ayokong maging dahilan ng kahit anong gulo. Ako na lang ang lalayo. 

Nang tuluyang maka-upo ay kaagad akong napayakap sa aking sarili. Mariin akong napapikit bago ako napadilat ng may maramdaman akong kung ano. 

Sa kabilang gawi malapit sa akin ay ang mga press kung saan nasa harapan nila si Hob. Sa kanyang tabi ay isang magandang babae na mukhang importanteng tao din. Kahit kinakausap ng mga ito ay napansin ko ang ilang beses niyang pagtingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit.

"I'll take a sit first, nahihilo ako sa init," rinig kong sabi ng isang babae malapit sa akin. 

Kaagad ko siyang nilingon. Nilingon niya din ako at nakita kong sa katabing upuan ko niya balak na umupo. Tipid ko siyang tinguan at umusog pa para makaupo siya ng maayos. 

Sobrang bango niya, maganda din at halatang galing sa mayamang pamilya. Medyo nailang pa ako sa takot na kagaya siya ng iba, baka matahin niya din ako. 

Isang beses ko siyang nilingon ng mapansin ko ang pagsulyap niya sa akin. 

"Ayos lang po kayo?" tanong ko. Halos matameme ako dahil sa itsura niya, halatang may edad na pero ang ganda pa din. 

Tipid siyang ngumiti sa akin bago muling bumaba ang tingin niya sa suot kong damit. 

"I like your dress, mas lalo kang gumanda," sabi niya kaya naman ramdam na ramdam ko ang paginit ng aking magkabilang pisngi. 

"Sa-salamat po."

Mula sa kanya ay nalipat ang tingin ko kay Hob na hanggang ngayon ay nasa harapan pa din ng press. Kita ko ang pag-iwas nito ng tingin ng makita niyang lumipat ang tingin ko sa kanya. 

"Hindi man lang ngumiti si Hobbes," sabi niya na ikinagulat ko. Nakita kong doon din siya nakatingin ngayon. 

Ngumisi siya at napailing bago niya ulit ako nilingon. 

"Mukha nga po siyang masungit," pagsangayon ko sa kanya. 

Mas lalong lumaki ang ngisi niya. "Mabait yan," sabi niya sa akin kaya naman humaba ang nguso ko. 

"Parang hindi naman po," sabi ko na mas lalo niyang ikinatawa. Kahit ako ay nagulat dahil kumportable akong makipag-usap sa kanya. 

"Mukhang nakahanap na si Hob ng katapat niya. Ipapakilala kita," sabi niya na ikinagulat ko. 

"P-po? hindi na po..." pigil ko sa kanya. Mas lalo akong nagulat sa sumunod niyang sinabi. 

"Hob! Son, come here!" tawag niya dito. 

Dahil sa nalaman ay parang gusto ko na lang magpakain sa lupa. Pero totoo naman po...topakin ang anak niyo.






(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro