Chapter 1
Wonderland
Hindi niya nakita ang hinahanap niya kaya naman niyaya niya na akong pumasok sa loob ng venue. I was amazed by their place, it's spacious and halos kasing laki na ata ng isang buong resort ang buong Villa nila.
Ngumisi ako ng makita ko ang pagkaway ni Piero, matapos niya akong murahin sa tawag kanina at sabihang makapal ang mukha dahil pagkain lang ang pinunta ko dito ay sasalubingin niya ako na akala mo kalalabas ko lang ng airport.
Mula kay Piero ay lumipat ang tingin ko sa pinsan kong si Eroz na halatang patayin na ako sa klase ng tingin niya sa akin. Look at this idiot.
Lumapit ako sa mga pinsan ko para tapikin sila sa balikat, matapos kong tapikin sa braso si Eroz ay inirapan niya lang ako. Maybe he still think na aagawin ko sa kanya si Gertie. I know and respect bro code, pag alam kong wala na akong pag-asa hindi ako na mimilit. Sa gwapo kong to?
"Ninong Hobbes" madiing sabi ni Gertie habang maingat na iniaabot si Gianneri sa akin.
Nanatili ang titig ng inaanak ko sa akin, hindi siguro makapaniwala na nakakita siya ng totoong gwapo. Ikaw ba naman araw araw makakita ng magkakahawig na tao, ang Daddy niya at mga Tito.
"Oh, ngiti. Amputa" si Piero ng on the spot ay pinicturan niya ako habang hawak si Gianneri.
Ginawa daw iyon ng lahat ng mga Ninong at Ninang kanina sa simbahan. Buong gabi ata nilang isusumbat sa akin na wala ako kanina.
"Congrats, Babe..." napahinto ako sa pagtawag kay Gianneri ng magprotesta si Gertie. Muntik ng tumayo si Eroz at mukhang handa na akong suntukin. "...Baby. Congrats, Baby Gianneri" paguulit ko.
Tumawa si Piero at sinuntok ako sa braso.
"Wag pakainin si Hobbes, gutumin hanggang mamatay" si Tadeo na bata pa lang kami ay may tinatago na talagang pagka-brutal.
Mas lalo akong tinawanan ni Piero ng magumpisa akong isayaw si Gianneri ng maramdaman kong nagproprotesta na ito, panay na ang lingon niya sa Mommy niya at ano mang oras ay iiyak na.
Paulit ulit ko siyang hinalikan sa ulo, alam ko kasing kukuhanin na siya ni Eroz sa akin. Sa tingin pa lang nito ay mukhang tutumba ako sa kinatatayuan ko ng gutom.
"Hindi pa pwede mag anak" nakangising kantyaw ni Kenzo sa akin.
Nagtaas ako ng kilay. "Bigyan niyo muna ko ng girlfriend" biro ko sa kanya.
Wala na akong nagawa ng kuhanin na ng tuluyan ni Eroz ang anak niya sa akin. Buong akala ko ay may kasama pang suntok, buti naman at wala. Natatawa akong napahaplos sa aking panga, wala pang laman ang tiyan ko para tumanggap ng suntok.
Tangina Hobbes, pagkain lang ata talaga ang pinuntan mo dito.
"Gertie, regalo ko para kay Gianneri" sabi ko dito before I handed her the small paper bag from a jewelry brand.
"Thank you, Ninong Hobbes" Gertie said on behalf of Gianneri na ikinatawa ko. I find her too adorable. Masyado siya sweet and soft para sa masungit na si Eroz.
Wala akong magagawa, Opposite attracts. Minsan yung mga hindi mo daw tipo yung nakakatuluyan mo. I doubt that, kukuha ba ako ng hindi ko tipo? Siraulo ba ako para gawin yon?
"Napapaghalataan ang pagiging babaero sa regalo, dinamay mo pa yung pamangkin namin" si Cairo na mukhang may hinanakit din sa akin ng malaman niyang tinawag kong Babe si Tathriana na asawa na niya ngayon.
Nagkibit balikat ako. "I can afford jewelries, kahit isang buong mall pa ang iregalo ko, walang problema" pagyayabang ko sa kanila.
Tito ko lang naman si Luke Jimenez na may ari ng mga malls dito sa bansa, mayroon na din sa kalapit na Asian country.
"Sa susunod na mag yayabang ka, siguraduhin mong hindi din namin Tito si Tito Luke" laban ni Piero. Makikipag patayan ata ang isang ito para sa mga Herrer.
Tumawa na lang ako at humawak sa tiyan ko. Gutom na talaga ako, kahit anong busog ng tenga ko sa mga pinagsasabi nila, they can never change the fact that I'm so fucking damn hungry and I want to eat!
"Pakain, Babe Eroz" biro ko dito kaya naman mas lalo siyang nagalit sa akin.
Abala si Gertie sa anak nila, kinakausap niya ito na akala mo naman ay sasagutin siya. Though, I find it really cute and sweet. Pero hindi ko naman sila mag-ina kaya hindi ko na lang iisipin.
Patayo na sana ako ng tawagin ako ni Tadeo.
"Hob" tawag niya at nginuso ang nasa likuran ko.
Hindi ko mapigilang mapangiti ng makita ko siya. They knew my interest kay Vera, nasa Manila pa lang kami ay nakwento ko na sa kanila ito.
Piero protested, he is againts this idea. Galit siya ng malamang interisado ako sa pinsan ni Gertie dahil daw may hindi magandang history ito with Amaryllis. He keeps on saying na masama si Vera, but I doubt that. Sa ganda niyang yan?
"Kumain ka na, Hobbes" si Gertie.
Tinawanan ko siya. Kakain naman muna talaga ako bago ako makipagkilala, kailangan laging handa, hindi pwedeng sumabak sa laban na gutom ako.
"Samahan na kita, tangina ka" si Piero.
Natawa ako. "Bakit may kasamang mura?" natatawang tanong ko.
Bago pa man ako sumunod sa kanya ay muli akong sumulyap kay Vera. She has this aura na mas lalong nagpapaexcite sa akin na mas makilala siya. Bihira lang akong magkaroon ng interest talaga sa babae. Because most of the time, sila ang unang nagkakainterest sa akin, they always do the first move para mapansin ko sila.
Nagtagal pa sandali ang tingin ko sa kanya. Marahan niyang inilagay sa likod ng kanyang tenga ang ilang hibla ng buhok. Sa tagal ng titig ko sa kanya, dapat ay nilingon niya na ako ngayon. That's the rule of seducing or trying to catch the attention of someone.
Pero imbes na si Vera ang lumingon sa akin ay ang kanyang katabi ang tumingin. Nagtaas ako ng kilay ng makita ko ang mapupungay na mata ng kanyang katabi. Sandaling nagtagal ang tingin sa akin bago ako inirapan.
I was shocked, ano ba ang mga tao dito? Ang susungit!
"Iba na lang, kahit sino!" giit ni Piero sa akin habang kumukuha ako ng pagkain.
May mga pagkain na sa lamesa, pero may buffet table din naman kaya naman doon ako pumunta. Kanina pang umaga ang party pero madami pa din ang pagkain.
"Crush mo ba ako, Piero?" nakangising tanong ko sa kanya.
"Amputa, seryoso ako" laban niya, galit na.
Ngumisi ako at hindi siya pinansin, balak kong punuin ang dalawang pinggan na hawak ko. Susulitin ko ang punta ko dito sa Bulacan.
"Wag mo ngang pakialam ang love life ko" sita ko pa sa kanya.
"Wala akong pakialam sa love life mo. Ang sa akin lang, wag ang babaeng yon" giit niya.
Nagtaas ako ng kilay. "Move on, Piero. Ang tagal na non" sita ko sa kanya.
Sumama ang tingin niya sa akin, bago ako inirapan at iniwan. Tinawag ko pa siya pero hindi na ako pinansin. Sa kanya ko pa sana ipadadala yung isang pinggan para naman hindi ako mukhang matakaw kahit totoo naman.
"Buti sana kung wala dito si Vera" bulong bulong ko.
Kung kaming pamilya lang ang nandito ay baka nasa buffet table pa lang ay kumakain na ako. Baka ma-turn off sa akin, I won't let that happen.
Dalawang plato ang hawak ko pabalik sa table. Nadaan pa ako sa table ng ibang pinsan ko. Ang ilan sa mga ito ay mas bata sa akin pero nagawa pa din nila akong I-bully.
"Waiter!" pangaasar nila sa akin.
If my other hand was free, for sure my middle finger will salute them.
"Wala, kuripot kayo sa tip" natatawang balik ko sa kanila.
Habang kumakain ay hindi ko maiwasang tumingin kung nasaan si Vera. I'm sure that she is aloof with my Herrer cousins because of Piero. Kung liligawan ko siya at sasagutin niya ako, kayang kaya ko siya ilaban dito. No one has the right to manipulate my desicions.
Liligawan ko ang gusto kong ligawan. Gagawin kong Jimenez ang gusto kong maging Jimenez.
Habang kumakain ay lumapit sa amin ang mga asawa nito. Kilala ko na din ang mga ito, and they are comfortable with me also. Yung mga pinsan ko lang naman ang malisyoso. I'm not like Hunter, I will never be like Hunter.
"Type mo yung pinsan ni Gertie?" tanong ni Sera sa akin, asawa ng pinsan kong si Kenzo.
Ngumiti ako at tumango sa kanya. "Maganda yon, pero medyo masungit" dugtong naman ni Tathi na asawa ni Cairo.
Tumango tango ako at muling sumulyap kay Vera. She seems nice for me, ngayon nga ay nakikipagtawanan siya sa kanyang katabi. Hindi ko naiwasang tumingin sa babaeng katabi nito. I don't know what to feel but nagtagal lang ang tingin ko sa kanya for no reason.
"Pero mabait naman, hindi lang siguro sanay sa tao. Parang si Gertie dati" dugtong pa ni Tathi bago ako muling nginitian.
Natawa ako ng marealize na halos malalaki ang agwat ng edad ng mga asawa nila sa kanila. I don't see anything wrong with that as long as they take full responsibility on their action at naging sila or ikinasal sila nung nasa legal na edad na ang mga ito.
I was busy eating my dessert ng nakakita ako ng tiempo para lapitan si Vera, magisa siyang tumayo para lumapit sa buffet table. She was not there for foods, but for the wine. Ngumisi ako habang naglalakad palapit sa kanya, lasenggera.
Tahimik akong tumayo sa kanyang tabi, she asked for three glasses of wine. Dalawa lang ang kamay niya. Thank you for her uncertainties.
"Make it four" sabi ko sa waiter.
Nagulat siya dahil sa pagsasalita ko, sandali niya akong nilingon kaya naman nginitian ko siya.
"Hi, I'm Hobbes" pagpapakilala ko.
Nagtaas siya ng kilay, dinungaw niya ang nakalahad kong kamay. Matapos iyon ay muling bumalik ang tingin niya sa mukha ko.
"Hi" tipid na sabi niya at muling nag iwas ng tingin.
Ni hindi man lang niya pinansin ang nakalahad kong kamay. Kaagad akong nakarinig ng halakhak mula sa kung saan. Ang gagong si Piero iyon.
Muling bumalik ang tingin ko kay Vera, mabango siya at halatang mamahalin ang gamit na perfume. It's not my kind of scent pero kung para sa kanya, pwede naman akong masanay.
She seems excited habang hinihintay ang nirequest niyang wine.
"Sayo lahat yan?" nakangising tanong ko kahit alam ko namang hindi. I just really want to have a conversation with her.
"What do you think?" tanong niya sa akin.
I can't help but smile, pula ang labi niya. Maayos ang pagkakalagay ng lipstick, ni kahit konting lagpas nga ata ay wala. Her lower lips is full, it's sexy. Ito yung masarap halikan ng madiin tapos kakagatin mo sa dulo.
I saw how she struggle ng iabot sa kanya ng waiter ang dalawang wine glass, nag worry kaagad siya kung paano niya makukuha ang isa pa.
"I got this, hatid na kita"
Wala na siyang nagawa kundi ang hayaan akong sumama sa kanya. Nasa kay Vera ang tingin ko habang naglalakad kami. Ramdam kong may nakatitig sa amin habang papalapit kami sa table nila, that feeling of being watched by that someone makes me uncomfortable. Halos maiwan pa ako ni Vera sa paglalakad dahil bahagyang bumagal ang lakad ko.
"Here's the wine" nakangising sabi niya sa mga kaibigan.
Hindi kagaya kanina ay hindi na sila kumpleto ngayon. Mabilis na inabot ni Vera ang hawak na wine glass sa lalaking katapat niya, matapos iyon ay sumimsim siya sa isa.
Wala akong nagawa kundi ang ibigay ang hawak ko sa babaeng katabi niya. Tipid ko itong nginitian ng makita kong nakatingin na kaagad siya sa akin, walang ka-emoemosyon ang kanyang mga mata.
"Wine..." sabi ko sa kanya kahit obvious naman na wine iyon. Ang bobo lang, Hobbes.
Tipid siyang tumango. "Salamat" tipid na sagot niya sa akin bago siya nagiwas ng tingin.
"Hobbes Jimenez" tawag sa akin ni Julio.
Tumango ako sa kanya, I met him before. Alam kong magkaibigan sila ni Eroz, they also attend the same university way back in college. Noong una ay akala ko, tauhan siya ni Eroz, but then nung nabalitaan kong nagpatayo si Eroz ng isa pang factory at siya ang Architect, nalaman kong mayaman din siya, hindi lang halata.
Sumimsim ako ng wine habang nakatingin kay Julio. I'm not againist him, hindi ko lang nagustuhan yung pag bibigay ni Vera ng wine sa kanya. Damn Hobbes, napakaseloso.
Seloso ako when it comes to my girlfriends. Pag sa akin ka, akin ka lang. If you are not serious about me, tell me before hand para naman alam ko kung saan ako lulugar. Marami akong naging babae, Oo. Pero kung girlfriend kita, girlfriend kita. Hindi ako maghahanap ng iba unless, nag break tayo.
Kaya kung lolokohin mo ako, hindi kita mapapatawad.
Natigil ang pagkastigo ko kay Julio sa isip ko ng hawiin ni Vera ang kanyang buhok. Her hair is dark and wavy, it has a floral scent, masarap sa ilong.
"Sir Luke Jimenez invited me para sa mall na ipapatayo niyo dito sa Sta. Maria. Sa Sta. Clara, kung hindi ako nagkakamali" sabi pa ni Julio.
Kita ko sa tingin niya sa akin he is really ready to talk about business. Pero lumapit ako dito para sa ibang bagay at hindi doon. Pwede ba, can somebody give me a break from my damn work. I love the company, I love my position, I love everything about work but I fucking need a break.
"Good for you" sabi ko at kaagad siyang tinalikuran para harapin si Vera.
Magsasalita pa lang sana ako ng mauna na siya, pero hindi para sa akin kundi kay Julio.
"Architect ka pala, bakit hindi mo ipaayos ang bahay niyo?" tanong niya dito.
Kumunot ang noo ko, naikuyom ko ang aking kamao bago ako muling sumimsim sa aking hawak na wine. Pero bago iyon ay hindi sinasadyang napatingin ako sa kanyang kaibigan.
Tahimik siyang nakatingla sa langit na para bang gustong gusto niya iyon. Ang drama ata ng buhay ng isang ito.
Inalis ko ang tingin ko sa kanya ng maramdaman kong lilingonin niya na ako. Halos masamid ako ng makita kong nakatitig na si Vera sa akin, ngumisi pa siya dahil sa pagkakasamid ko.
Kinuha niya ang table napkin niya para punasan ang kaunting tulo ng red wine sa damit ko. Hindi ako nakagalaw, unang hagod pa lang ng kamay niya parang namanhid na ako.
"You'll stay here? Engineer ka di ba? So you'll handle yung bago niyong mall?" tanong niya sa akin.
Ngumisi ako at tumango. "Engineer and I have my MBA. I also do Archery as my sports and I play Sax..." pinigilan niya ako ng tumaas ang isang kilay niya.
"Ang ingay, ang daldal mo" sita niya sa akin.
Napakagat na lamang ako sa aking pangibabang labi ng iabot niya sa akin ang table napkin na ginamit niya kanina para punasan ang damit ko.
"I'll stay here" paninigurado ko sa kanya. Although I refused my Tito Luke's offer with that mall, I can take it back. I can take the position back if Vera wants me to stay here.
Tumango siya sa akin at nagtaas ng kilay bago muling sumimsim sa kanyang wine. Matapos iyon ay hinarap na niya ang kaibigang babae. I don't know her name yet, hindi naman importante.
Nahiwalay ako kila Vera ng tawagin ako ni Piero pabalik sa kanilang lamesa, kahit kailan panira ng diskarte sa buhay.
"Mukha kang tanga habang nakatingin kay Vera, naka drugs ka ba?" inis na tanong niya sa akin.
Ngumisi na lang ako sa kanya. Nagkayayaang maginuman kasama maging ang mga pinsan namin sa Jimenez. Dahil halos madaling araw na din kaming natapos ay late na silang nagising kinabukasan.
"Oh, ang aga mo" si Kenzo.
I brewed coffee, tulog pa halos ang lahat ng magising ako. Imbes na umuwi sa amin ay nag overnight ako sa rest house nina Tito Axus and Tita Elaine.
"Saan ang punta mo?" tanong ko sa kanya.
Inirapan niya ako kaya naman natawa ako. He's wearing a running shoes, a black shorts, and under amour gray long sleeve shirt.
"Pinayagan ka ba ng asawa mo?" pangaasar ko sa kanya kaya naman minura niya ako.
Kahit wala pa akong kumpletong tulog ay sumama ako kay Kenzo. Nagalit pa sa akin ng paghintayin ko siya, mabuti na lang at boy scout ako. Pwede na nga akong tumira sa sasakyan ko dahil kumpleto na ang gamit ko don.
"Tingnan nga natin kung bakit gustong gusto ni Eroz dito" nakangising sabi ko habang naglalakad kami.
Mas lalong nainis si Kenzo, gusto daw sana niyang tumakbo pero kinakausap ko siya kaya wala siyang magawa kundi ang sumabay ng lakad sa akin. Gusto pala niyang tumakbo, may threadmill naman sa gym sa resthouse.
"Gusto ni Eroz dito kasi nandito si Gertrude" sagot ni Kenzo sa akin na kaagad kong sinangayunan.
Nadaanan pa namin ang Villa de Montero, sandali pang naiwan ang tingin ko duon hanggang sa maisip kong puntahan si Vera.
"Ano sa tingin mo pwedeng dalhin?" tanong ko kay Kenzo ng huminto kami sa may parking lot ng Immaculate concepcion parish church, maaga pa kaya naman may mga nagtitinda pa sa may gilid ng daan.
"Depende sayo" tamad na sagot niya sa akin habang abala siya sa pagpili ng kakanin. Gusto daw ni Sera ng ube, mukhang naka jackpot nanaman ang isang ito.
"Naglilihi ba si Sera?" tanong ko sa kanya pero ngisi lang ang sinagot niya sa akin. Hinampas pa ako sa sikmura.
May nakita siyang tikoy na paborito daw ni Amaryllis.
"Bibilhin ko ito at papabayaran ng triple kay Piero" nakangising sabi niya kaya naman napailing na lamang ako.
"Ang siraulo niyo talagang mag kakapatid" asik ko sa kanya.
Sa hindi malamang dahilan ay nagpauto din naman ako kay Kenzo, siya ang pumili ng dadalhin ko kay Vera. Nag alangan pa ako sa dala kong sampaguita at ilang kakanin, tangina lang talaga ng mga Herrer na yon.
"Oh, galingan mo. Wag mo kaming ipahiya, Hob" nakangising sabi niya sa akin bago niya ako iniwan sa harap ng malaking gate nila Gertie.
"Sa may garden na lang po muna ang mga bisita daw po ni Senyorita Vera" sabi ng isang kasambahay.
Sikat na ang araw, pero sobrang tahimik pa din sa buong paligid. Kumunot ang noo ko ng marinig ang mga...so meaning may iba pang basita.
Tuloy tuloy ang lakad ko ng makita ko ang kaibigan niya, nakaluhod ito at may pinapakaing aso.
"Morning" pagkuha ko sa pansin niya.
Kung hindi ko siya nakita kagabi ay iisipin kong aswang siya at balak niyang kainin yung aso. Ipinagsawalang bahala ko na lang, nakakatakot itong tumingin. Kung bata ako at nakita ko siya, baka mas natakot pa ako sa kanya kesa habulin ng aso.
Sandali niya lang ako tinapunan ng tingin. Nakatali ang itim niyang buhok, simpleng tshirt at palda na lagpas tuhod ang suot niya.
"Anong ginagawa mo dito, ang aga pa" sabi niya sa akin.
Napaawang ang bibig ko. Nanay ba siya ni Vera?
"Ikaw, anong ginagawa mo dito. Ang aga pa din, dapat ay tulog ka pa" sagot ko sa kanya.
Sinamaan niya ako ng tingin at itinuro ang mga tela sa itaas ng lamesa. Hindi na ako sumagot at umupo na lang.
Kita ko ang tingin niya sa akin at sa hawak ko. "Aakyat ka ng ligaw pero amoy pawis ka?" puna niya sa akin.
Bigla akong nabahala, inamoy ko ang sarili ko. Mabango naman ako. I'm just wearing a black running shoes, a gray short and a black under amour long sleeve polo.
"Sinong nag sabing nanliligaw ako? Dinalhan ko lang ng breakfast" laban ko sa kanya.
Magpapaalam pa nga akong manliligaw pero mukhang sa kaibigan pa lang ay mahihirapan na ako.
Hindi na niya ulit ako pinansin, kaya naman ako na ang nagsalita.
"Ano nga ulit pangalan mo?" tanong ko sa kanya.
"Alice lang" tipid na sagot niya sa akin.
Aasarin ko pa sana siya ng Alice in Wonderland ng marinig ko na ang pag dating ni Vera.
"Good morning, Living creatures" bati niya sa amin at tumawa pa. Hindi ko maiwasang mapangiti, damn this girl. I so like her.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro