Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ikalawang Kabanata

Quest failed.

The villain triumphed.

The world has fallen into doom.

Try again?

Yes

No

"Kaloka, sino ba kasi ang villain?"

Natapos na ni Clea lahat ng quests ngunit hindi niya pa rin mawari kung sino ang kontrabida sa istoryang ito.

Isa kasi sa mga goal dito ang tukuyin kung sino ang villain para makuha kahit iyong normal ending man lang.

Sa mga ganitong klaseng laro, may iba't ibang uri ng endings ang pwedeng makuha ng player. Dito, mayroong limang posibleng ending.

Una ay iyong normal ending kung saan nalampasan lahat ng quests, nahanap ang villain, at nakalagpas ng 80 ang intimacy rate ng napiling hero. Sa happy ending naman, parehas lang pero kailangang nakaabot ng 100 points sa intimacy. Meron ding secret ending pero dapat may dala-dala talagang swerte para mahanap ang tamang prompt para maunlock ito.

Ngunit ang pinaka-goal sana niya ay makuha ang harem ending. Sa ibang story arc ay nagawa niya na iyon pero dito lamang siyang nastu-stuck sa bad ending.

Kung hindi namamatay ang characters, katapusan naman ng mundo ang nakaabang sa kanya.

Wala siyang problema sa paggawa ng quests sa loob ng isang daang araw. Iyon nga lang, wala siyang ideya kung sino ang kontrabida rito.

Nakakunot noo niyang pinindot ang 'yes' ng biglang tumunog ang alarm. Bigla siyang napabalikwas ng kama nang makita ang oras.

"Tangna!" Dali-dali siyang kumaripas ng banyo.

Muntik na niyang makalimutan na Monday na. Parang isang iglap lang lumipas ang dalawang araw.

Natapos ang weekend na wala siyang ginawa at magmukmuok sa silid niya habang binbaliw ng larong 'to.

Ang hirap naman kasing dayain nito. Minsan pagsumusuko siya ay sinesearch na lang niya ng mga walkthrough o playthorugh, sapat na. O 'di kaya, pagtipong galante siya ay kaya niyang gumastos para makuha lang iyong ending.

Subalit ngayon, malabo niyang magagawa iyon dahil isang tao lang ang nakakaalam ng buong kwento.

Napahilamos siya ng mukha sa pagkayamot. Sa ilang gabi niyang pagpupuyat, kitang kita sa salamin na mas maitim pa eyebags niya kaysa sa mga singkit niyang mga mata.

"Bahala na. Tatatnungin ko na lang si Ma'am Aisha mamaya," bulong niya sa sarili at gumayak na para sa trabaho.

・🕛・

Nang makarating sa opisina ay nilapitan niya kaagad si Raine.

"Ang hirap nga ng story ni Cinderella. Natapos mo na ba?" sabi niya pagkatapos maupo.

"Hindi pa rin. Kinausap ko na nga iyong ibang tester at wala rin silang alam kung paano makakuha ng normal ending diyan," sagot ni Raine.

"Hays. Anyway, tapusin ko na lang muna ang report ko."

"Ako rin at mamaya na iyong deadline. Good luck satin."

Napabuntong hiniga siya bago magsalita, "Good luck talaga."

Itinuon na nila ang atensyon sa pagtratrabaho pagkatapos mag-usap. Mga ilang oras din ang lumipas bago pinatawag lahat ng alpha testers sa conference room.

Lima silang naka-assign sa Quality Assurance team ng A Fairy Tale Wish, kung saan lahat babae since ang target audience ay mga babae rin.

Tatlo sa kanila ay game developer — kabilang siya — dahil na rin mas gusto ng kompanya na iyong mga developers na maging in-charge sa paghanap ng bugs para mapadali ang workflow. Habang iyong dalawa naman ay game designer at game artist.

Konti nga lang sila kumpara sa ineexpect niya. Independent project kasi ito ni Aisha at isa daw sa mga request niyang limitado lang muna ang mag-tetesting ng laro.

Isa-isa silang nagpresent ng report nila. Halos dito ay tungkol sa mga bugs at crash na napansin habang naglalaro. Meron ding tungkol sa lag at inconsistency ng mga illustrations. Kung meron man silang pagkakaparehong pinoproblema, iyon ang character route ng Cinderella.

Nang matapos lahat, isang mabagal na palakpak ang nagmula sa sentro ng mesa. Malapad na ngiti ang nakapaskil sa bibig ni Aisha na nakatutok sa whiteboard.

"Well done, everyone. This is more than I expected from the limited time frame. I appreciate the thorough and intricate report about the character routes. Please send the soft copies so I can review them again. I will inform you once I have updated the app. So far, do you have any questions?"

Tinaas kaagad niya ang kamay.

"Yes, Clea?"

"Ma'am, is it possible to ask how we can complete the Prince of the Glass Shoe route? Everyone has failed to finish that part so is it safe to assume there is really a problem in the encoding?"

Tumango-tango si Aisha at nangalumbaba. "Perhaps. Many of you have suggested that it may be a bug or something wrong with the encoding. I'll try to test it out again after we're done with this meeting. Anything else?"

"Then, Ma'am, may I ask for a clue? There's really something that's bothering me while playing. Just who is the villain? I've tried everyone and everything that has been suspicious but unlike the other routes, there is not much clue given to identify the villain. Can this be regarded as a plot hole?"

"That's what I'm guessing too," komento ng kasamahan naming game designer. "The intimacy meter and the quests are attainable but the problem is where we always get a bad ending because we guessed the villain incorrectly."

"I see your concern. Then have you all read the story Cinderella?" saad nito na hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mukha.

Kanya-kanya silang sumang-ayon. Sa lahat ng mga fairytales, matuturing na si Cinderella ang isa sa mga pinakasikat ng kwento. Mapabata o matanda, alam na alam siguro ang istorya ng alilang naging prinsesa dahil sa isang mahiwang gabi dala ng naiwang sapatos.

"Oh, then tell me your favorite versions," ani nito.

Sumagot sila isa-isa hanggang siya na ang nagsalita.

"Mine is the Grimm Brother's version. It has the perfect balance of magic and debauchery. That's why I really love the game since it follows the versions of the Grimm Brothers. And to add, the character roles are really not what they're supposed to be."

Habang nagsasalita siya ay kita niyang unti-unting naglaho ang nakangiting ekpsresyon ni Aisha. May kakaibang kislap sa mga mata nitong nakatuon sa kanya.

"Is it? Do you think the players will enjoy it once they know that the fairytale they've grown up with is different from the game? A more twisted version they would dare not believe?"

"It depends on our consumers. However, playing this as someone who is part of the market, I'd gladly welcome and explore this new take on these famous fairytales," sagot niya.

Sa pagkakataong ito, bumalik na ang arko sa kanyang mga labi. "I understand. I'm glad to hear your feedback, Clea. I'll be rectifying all the concerns I've received today. Any more questions?"

Lahat sila ay umiling at dinimiss na ang meeting.

・🕛・

Mabilis lang lumipas ang oras. 'Di niya nga namalayan na uwian na kung hindi pa niya natanggap ang email galing kay Aisha.

Ayon dito, naayos na raw ang app at pwede nang subukan uli.

Sakay pa lang ng jeep ay nag-umpisa na kaagd siyang maglaro hanggang makaabot ng bahay.

Pero ilang oras na ang inaksaya niya at duguang mukha pa rin ni Cinderella sumalubong sa kanya sa ending scene.

Napaimpit siya ng sigaw sa sobrang pagka-irita. Parang gusto niyang magwala sa kama ng matapat ang tingin sa orasan. Hatinggabi na at may pasok pa siya bukas.

"Tsk. Bukas na nga lang. Hinding-hindi ko talaga titigilan 'to hangga't di ako makakuha ng harem ending!"

Pinatay niya na ang cellphone at nagtakip ng kumot. Pero kahit nakapikit siya ay ang mga eksena pa rin sa laro ang lumalagi sa isip niya.

Ang madrasta ni Cinderella at mga kinakapatid niyang lagi siyang inaapi. Ang fairy godmother na parang may tinatagong lihim. Ang prinsipe na parang tangang naniwala na hindi si Cinderella ang may ari ng sapatos.

Higit sa lahat, ang mga itsura ng mga —

"𝙒𝙚𝙡𝙘𝙤𝙢𝙚 𝙩𝙤 𝙩𝙝𝙚 𝙂𝙧𝙞𝙢𝙢 𝙒𝙤𝙧𝙡𝙙, 𝙋𝙧𝙞𝙣𝙘𝙚𝙨𝙨."

Napamulat kaagad siya ng marinig ang pamilyar na boses mula sa laro.

Ngunit ang bumungad sa kanya ay hindi ang asul na pintura ng kanyang silid. Napalingon siya sa paligid habang kinakapa ang cellphone niya. Wala siyang mahagilap bagkus ay napansin na ang suot na pajama ay napalitan ng bestida.

Biglang kumalampag ang pintuan at napadako ang kanyang mga mata rito. Mula sa liwanag galing sa bintana, nasisigurado niyang hinding-hindi ito ang kanyang kwarto.

"Tangna. Nasaan ako?"

Note: Sino kaya ang nasa kabilang side ng pinto?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro