CHAPTER XI
CHAPTER ELEVEN:
The other side
Nawalan ng malay ang dalaga matapos ang nangyari.
Half of the remaining people of Avalon just died.
How can they manage to fight for their beloved land?
They are completely outnumbered!
Tumakbo ang binatang si Vatri sa gawi ni Gwen na kasalukuyan paring walang malay.
This can't be happening!
"Gumising ka!"
Iniyugyog nito ang braso ng dalaga pero wala itong nagagawa.
Nanatiling walang malay si Gwen sa bisig nya.
Nahimatay lang naman sya hindi ba?
Malaking kapangyarihan ang ginamit ni Gwen, na sya mismo ay walang ideya.
The magic suddenly invaded her, her magic controlled her..
And strained her.
How is that even possible?
"Gwen... Gumising ka!"
Naramdaman ni Vatri ang kamay ng dalaga na malamig. At ang balat nito ay unti-unting nawalan ng kulay.
She can't leave yet!
Hindi ko pa nasasabi sa kanya kung gaano ko sya.. Kamahal.
Hindi pwedeng magtapos nalang bigla ang lahat ng ito..
Marami pa akong gustong gawin.. Kasama sya..
"Anak.."
Tinapik ni Mang Adonis ang balikat ni Vatri. Kahit pa na hindi sila tunay na magkadugo ay hindi pa rin mawawala sa isipan ni Vatri ang kabutihan ni Mang Adonis simula noong pinulot sya nito.
Si Pepita ay lumundag palapit sa kanyang amo at sumiksik dito.
Amyea is staring at her cold body..
Amyea's expression was blank.. It's unreadable.
She's... Dead.
Patay na si Gwen...
Vatri wrapped his arms to her cold body, his tears began to fall, he's.. unable to speak..
Hindi nya maproseso sa utak nya ang nakikita.
No..
Her birthmark isn't glowing anymore..
Hindi na ito lumiliwanag kahit pa na nasisinagan ito ng araw.
Pinatay sya ng reyna..
Namatay si Gwen dahil sa tunay na Ina ni Vatri.
What have I done?
Hindi ko naprotektahan ang babaeng mahal ko!
I could've hid her somewhere far..
Sana ay hindi humantong sa ganito..
Iniwan namin ni Alejandro ang babaeng natagpuan nalang sa kung saan, kailangan kong ibalita kay ina na may mortal na nakapasok sa Avalon.
Iniwan ko si Alejandro sa isang pasilyo upang magbantay.
Hindi nya pwedeng malaman na anak ako ng reyna sa lupain ng kamatayan..
Pumunta ako sa luklukan ng palasyo.
Narito nakatayo ang trono ni Ina, dito rin nya pinatay ang magulang ng babaeng mahal ko..
Gwen Laurén just vanished..
She just disappeared.. Without a single trail..
Hanggang ngayon ay inaamin nyang may nararamdaman pa rin sya sa babaeng hindi nya na nakikita.
"Vaughn Trion, ang aking anak... Kumusta ang misyong ibinigay ko sa'yo?"
Tanong ni Reyna Triana.
"Nahuli na ang kahuli-hulihang halimaw sa gubat ng Avalon, Mahal na reyna."
Masayang ngumiti ang kanyang Ina at muling nagsalita.
"Magaling, at ang mga taga Avalon?"
"Wala silang kaide-ideya, mahal na reyna"
Her mother grinned.
Lahat ng ito ay planado.
You can't win a game without a game plan.
Noong nagkamuwang si Vatri ay agad nya itong nilayo. Alam ng reyna na may nakaligtas pa sa paglusob na kanyang ginawa.
Someone survived because of that little minx.. That Gwen Laurén!
Kung hindi lang nya sana tinanggap ang singsing Edi sana panalo na ako ngayon palang!
Ang Avalon ang pinagmulan ng lahat ng lupain.. Ito ang pinakamakapangyarihang lupain sa lahat
At ito ay ipanaubaya sa magaling kong kapatid.
Pinatay ko na ang babaeng iyon, kaya sino na ang magaling ngayon?
Ako.
The king appeared.
"Mahal na hari."
Yumuko si Vatri bilang paggalang.
"May mortal na nakapasok sa Avalon, kamahalan. Nais ko sanang tanungin kung anong dapat gawin sa kanya——.."
"Patayin nyo kaagad. Wala akong oras para sa mga Mortal.."
Muling yumuko si Vatri at nagpaalam.
Muling nagtungo ang binata sa isang pasilyo at natagpuan nya si Alejandro na nagbabantay.
Nagtungo sila sa mga selda at nadatnan nya ang babaeng nasisinagan ng ilaw ng buwan.
Napakagandang dalaga.
Tumakas ito at nagtungo sa masukal na gubat.
Sinundan ni Vatri ang dalaga papasok sa gubat, sa sobrang kapal at dilim ng paligid ay hindi nya na alam kung saan ito nagpunta.
Pero may naramdaman syang kakaiba sa bandang kanan nya.
Nagtungo sya sa gawing kanan upang alamin kung ano ang pinagmumulan ng kanyang nararamdaman..
It's the girl.. Standing straight and still infront of the deadly shadow monster. A ferron.
Anong ginagawa nya?
Hindi nya ba alam na baka sya ay mamatay?
Talagang nahihibang na ang babae.
Hindi ko alam ang nag-udyok sa akin para tulungan sya.
Pwede ko naman syang panuorin sa kinatatayuan nyang mamatay pero may kung ano sa akin na bumubulong na iligtas ko sya.
Bakit naman inaatake ng kampon ng kadiliman ang Mortal na iyon?
Ang halimaw na iyon ay aatake lang kung may mahika itong makita..
Habang nagtatago ay napatitig ako sa balikat ng dalaga..
Si Gwen... Nandito si Gwen..
Kailangan ko syang ilayo dito..
Kamatayan nag naghihintay sa kanya..
Nagpakilala ako sa kanya pero wala man syang reaksyon.. Bakit parang wala kaming pinagsamahan?
Argh!
Hindi ko sinasadyang sya ay sungitan.
Bakit ba hindi nya ako maalala?!
Ganoon na ba ako kadaling kalimutan?
Gwen's POV
NAGISING ako sa isang lugar, Anak ng tokwa! Bakit ang dilim?!
Wala akong makita!
Ang tanging nakikita ko lang ay ang kamay kong umiilaw..
What happened?
Ang huli kong naaalala ay nakita ko si Wanabi..
Teka..
Nasaan sila Vatri?
N-nasaan ako?!
Dulot ng prustrasyon ay nagpakawala ako ng sunod-sunod na mahika upang magliwanag ang paligid.
Sa kalayuan ay may nakita akong isang lalaki..
His eyes were glowing red..
His gaze were.. Intense.
"Ahm.. Hi?"
I awkwardly asked.
"Ikaw ang gumising sa akin.. Nararapat kitang pakasalan"
Hold on!
What is he saying? Tokwa!
Anong kasal?!
"Nasaan ako... Sino ka?"
Kalmado kong tanong.
Mananatiling kalmado kahit medyo delikado.
"Nasa mundo kita, pero pwede rin naman kitang gawing mundo ko"
He smiled at me.
Ang harot!
"A-Anong mundo..? Ano ba ang sinasabi mo?"
What the.. He is talking nonsense!
At ngayon ay naglalakad sya papunta sa akin..
Marahan syang lumalapit habang nakatitig sa mga mata ko..
I can't turn away..
I'm mesmerized by his gaze..
"Dito napupunta ang mga kaluluwa, aking mapapangasawa"
"Ang ibig mong sabihin.. Kaluluwa na ako? P-patay na ako?
Teka hindi! Hindi pwede!
Sweet mother of milkshake! This can't be happening!
Ibalik mo ako!"
The guy smirked.
Bakit parang masaya sya sa nangyayari?
"Masyadong pang maaga para sa hinihingi mo... Pero hindi kita masisisi.. Masusunod, aking mahal"
He disappeared like a smoke.
Anong mahal sya dyan? I don't believe him.
Walang love at first sight.. Walang ganon!
"Tokwa!"
Napasigaw ako sa gulat nang bigla syang lumitaw sa harapan ko..
Napakalapit nya..
Kanina ay nasa malayo pa sya pero ngayon ay sobrang lapit nya!
"Ibabalik kita sa mundong ibabaw, gusto ko ang iyong kapusukan, hahanapin kita.."
Anong kapusukan?
Pinikit ng lalaki ang kanyang mata at marahan akong hinalikan.
"Inaanyayahan ko kayong dumalo sa munting pulong at sumali sa aking nilikhang laro"
Sambit ng lalaki sa harap ng apat na reyna ng apat na lupain.
"Walang libre sa mundong ating ginagalawan, Ano ang magiging kapalit?"
Tanong ni Matilda sa Prinsipe na nanggaling sa ilalim ng mundo.
"Tutuparin ko ang isa nyong kahilingan.."
Ngumisi ang lalaki, walang makakapigil sakanya.
Gagawin nya ang lahat para mangyari para muling maisilang ang babaeng mahal nya.
"Gusto ko matuto ng itim na mahika"
-Triana
"Mapayapang lawa sa aking lupain"
-Matilda
"Pagiisipan ko pa"
-Calista
"Isang anak.."
-Calierra
Napangisi ang prinsipe sa hiling ng reyna ng Avalon.
"Simulan na natin ang laro"
"Gwen!" Nagising ako sa bisig ni Vatri at agad nya akong niyakap..
What on earth just happened?
Who is that guy?!
(A/N: Resurrecting in 3...2...1... Bulaga Vatri!
Hahaha!
May nakatsansing sa bebe mo naku-nakooooo)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro