CHAPTER VIII
CHAPTER EIGHT :
Memories
Naaalala ko na ang lahat..
Pati ang mga masasayang alaala namin ni Vatri..
At ang mga alaala ko bilang prinsesa ng Avalon.
Si Amyea.. Matalik ko syang kaibigan, sa alaala ko ay kasama ko si Amyea hanggang paglaki, alam ko dati palang na gusto nya na si Vatri..
At ako.. Hindi ako naging mabuting kaibigan..
Alam kong may pagtingin si Amyea kay Vatri noon pero hinayaan ko parin ang sarili kong mahulog sa kanya..
Kaya pala malaki ang galit sa akin ni Amyea.
Ang singsing ng Avalon ang nakapagligtas sa akin..
"Ina may problema ba?"
Taka akong tumingin kay Ina nang makitaan ko sya ng pangamba.
Bigla nalang kasi nagbago ang ekspresyon ng mukha nya nang mabanggit ko ang ganda ng sikat ng araw.
"May dapat ba akong problemahin anak?"
Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Ngayon ang araw ng aking koronasyon,hihirangin ako bilang isang opisyal na prinsesa ng kaharian ng Avalon
"Ina, ayaw ko kayong biguin.. Pero hindi pa ako ———"
"Anak, May mga bagay na kailangan mong harapin mag-isa. At gusto kong malaman mo na wala akong pinagsisisihan sa mga naging desisyon ko, alang-alang sa ikabubuti mo"
Hinaplos ni Ina ang pisngi ko at hinalikan ang aking noo.
Marahan nyang Hinaplos ang kamay ko at may nilagay rito. Isang singsing?
Bago pa ako makapagsalita ay nilisan na ni Ina ang aking silid. Pero? Ang singsing na ito ay lubos na makapangyarihan!
Ito nag singsing na sumisimbolo sa buong kaharian ng Avalon!
Sabi sa aklat ay ito ang singsing ng unang hari sa Avalon.
"Ina sandali!"
Sinundan ko si Ina papunta sa luklukan.
Abot kamay ko na si Ina pero may pagsabog na naganap, nagsimulang yanigin ang buong palasyo, teka!
"Ina!"
Sinuot ko ang singsing sa takot na mabitawan ko ito.
Lumikha ng liwanag ang singsing, masilaw,hindi ako makagalaw!
May sinabi si Ina. Malinaw ito sa aking pandinig.
"Anak, Mahal na mahal kita"
"Ina!!!!"
Natagpuan ko ang sarili ko na tumilapon palabas ng palasyo.
Gamit ang natitirang lakas ay gumawa ako ng mahika, sapat na upang magpalalat ng mensahe.
Kailangan kong bumalik sa palasyo!
Nagumpisang magdilim ang kalangitan at umulan ng mga likidong maihahalintulad sa asido.
Bawat patak nito ay nagbabago ang pananaw ng tao.
"Hindi..."
Napa-iling ako sa nasaksihan.
Ang kaharian.. Unti-unti itong gumuguho.
Kinalma ko ang aking sarili upang lumikha ng mas malaking mahika.
Kailangan kong mailigtas ang aking magulang...
Nagumpisa akong magbanggit ng mga kataga at ilang saglit lang ay narating ko na ang luklukan.
Isang babaeng naka itim ang nakatayo sa harap ng aking magulang. Sila ay nakaluhod tila ba'y nagmamakaawa na tapusin ang gulong nilikha.
Bago pa ako makasugod ay napalibutan ng itim na signatura ang buong silid..
Huli na ang lahat..
Naglaho na ang aking mga magulang..
"Prinsesa!"
Narinig ko ang punong kawal na si Mang Adonis at gumamit sya ng isang mahika na hindi ko pa kailanman nakita.
Nabiyak ang puso ko nang mapagtantong ang masayahing kaharian ng Avalon ay napapalibutan na ng kasamaan.
Patawad Ama, Ina.
Nabigo ko kayo.
"Kaya ko na po ang sarili ko Mang Adonis.. Iligtas nyo po ang mga tao.."
Nag-alangan si Mang Adonis pero wala na rin syang nagawa.
Kailangan sya ng mga tao.
Nagsilandasan ang mga luha sa aking pisngi.
Bakit nangyari ang lahat ng ito?
Ilang oras na ang nagdaan nang may narinig akong bulong mula sa isang masukal na gubat.
Pinunasan ko ang luha ko at inihanda ang sarili.
May kung anong nagsasabi sa akin na nararapat ko lang sundan ang bulong na iyon..
Pilit kong hinanap ang narinig na bulong pero ako'y nabigo.
Natanaw ko ang isang lumang bahay sa kalayuan at sa likod ng bahay na 'iyon ay isang malaking lawa.
Ngayon lang ako napadpad sa lugar na ito..
Nasisiguro kong wala ako sa lupain ng Avalon..
Nagumpisa akong magtungo sa lumang bahay at nagpasyang kumatok.
Kusang nagbukas ang pintuan gaya ng inaasahan ko.
Lumitaw ang isang babae na ngayon ay nakangisi sa akin.
Hindi pamilyar ang kanyang mahika..
Bago sa pakiramdam ang kanyang presensya
"Masaya ako at pinakinggan mo ang bulong, kamahalan"
"S-sino ka?"
"Ako si Matilda, ang kapatid ng iyong Ina, narito ka sa aking lupain, ang lupain ng galit.."
"Bakit mo ako...dinala rito?"
Mas lalong ngumisi ang babae.
"Ikaw ang nagdala rito sa sarili mo, kamahalan. Hindi ako."
Lumapit ang babae na syang ikinaalarma ko.
"Ano ang.. Kailangan mo sa akin?"
Tumawa ang babae at pinakatitigan ako.
"Ikaw. Ikaw ang may kailangan sa akin." ako?
"Anong ibig mong sabihin..?"
"Kamahalan, maari kong baguhin ang iyong nakaraan.."
Nabuhayan ako ng loob sa narinig.
"Gawin mo.. Parang awa mo na"
Walang hesitasyon akong lumuhod sa kanyang harapan.
"Ang singsing ng Avalon bilang kapalit"
Ano?!
"H-hindi! Ito ang natitirang ala-ala ko sa aking——"
"Kung ganon, Umalis ka na prinsesa."
Tumalikod ang babae na syang ikinabahala ko..
"Ibibigay ko na! Gawin mo lang ang dapat mong gawin.. Baguhin mo ang nakaraan..."
Ngumiti ang babae at tumawa nang malakas.
Ibinagay ko sa kanya ang singsing at sa isang iglap lang..
Nawala na ang lahat.
Simula noong araw na 'yon ay nagumpisa na akong mamuhay bilang isang normal na nilalang sa mundo ng mga tao.
Nakilala ko ang Mortal kong Ina na minsan nang napadpad sa Avalon.
Hindi mapagkakatiwalaan si Matilda.
Niloko nya ako. Pinaikot nya ako sa pangalang Denny!
At niloko ko rin ang sarili ko.
"Calista.."
Tinawag ko ang babae sa pag-ahon ko sa ilog
"Mabuti naman at nakilala mo na ako."
Narito kami sa lupain ng kalungkutan, kung saan matatagpuan ang gubat ng katotohanan at ilog ng alaala.
"Hindi naman mukhang malungkot ang lupain na ito.."
Wala sa sarili kong sinabi..
I'm trying to distract myself.
I'm trying to act normal.
"Hindi ata naikwento sayo ng Mama mo, bawat puno sa gubat ng katotohanan ay ang mga namamatay sa mundong ito..At ang luha ng kalungkutan ay ang dahilan kung bakit nabuo ang ilog ng alaala"
I'm not surprised anymore.
"Itatama ko ang lahat, Calista.. Itatama ko lahat.."
Ngumiti ang babae at lumapit sa akin.
"Tapos na ang tungkulin ko, Maaari na akong magpahinga.."
Mapait na ngumiti si Calista.
Teka..
"Matagal na kitang hinihintay, Gwen. Hindi man kita nakasama nang matagal , pero masaya ako dahil nandito ka na.. Ang huling habilin ng iyong ina ay matulungan kita.. Sana ay makamit mo ang dapat mong makamit...."
Isang asul na liwanag ang bumalot sa paligid..
Kakikilala ko lang sa kanya.. Tapos.. Naglaho sya...
" Prinsesa..? "
Tanaw ko ang isang bukod tanging puno sa gitna ng damuhan...
It's not there before..
Calista..
"Prinsesa.. Ayos ka lang ba?"
Hindi ko pinansin si Vatri at itinuon ko ang buong atensyon ko sa mga kasamahan.
Inumpisahan ko nang banggitin ang katotohanan.
I'm sorry Vatri.. I need to avoid you..
I don't deserve you nor own you..
(A/N: Awee, Goodbye Vatripoo! Hahaha)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro