Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER VI



CHAPTER SIX:
Relation





"Kayo ni Vatri ay.. ——"

"Ama, kailangan na nating umalis."
Pagputol ni Vatri na kararating lang ngayon.

Hinatak ako ni Vatri at nagpaubaya nalang ako.
I'm getting used of this.. Weird..

Hays.
Masasagot na sana ang tanong ko e!
Umepal lang itong si Vatri!

"Can we just teleport instead ?"
Tanong ko kay Vatri.
Pwede naman 'yon hindi ba?
Just like what Denny did.

"Kung pwede lang, sana hindi na kami nagimpake hindi ba?"
Pinameywangan ko si Vatri.
'Yan nanaman yung pinakagusto kong ugali nya..
Naguumpisa nanaman sya..

"Hindi ka talaga matino kausap, si Alejandro na nga lang ang tatanungin ko--"
Akma akong aalis nang bigla syang magsalita.

"Our magic has a powerful energy, Maaring matunton ng Reyna ang pinanggalingan ng mahika. We're already at danger, Gwen. If we're gonna use that teleportation magic.. We're doomed."

'yon naman pala e!
Matinong sagot lang naman ang kailangan ko, he really wants to put things in a hard way..

At isa pa.. Hindi ko na masikmura yung ganito.. Yung galit sya na hindi ko maintindihan..
Na hindi ko sya makausap nang matino..

"Vatri.. I'm sorry"
Takang lumingon sa akin si Vatri.

"Sorry para saan?"

"Para sa kung ano man ang kasalanang nagawa ko sayo... I want to understand everything, Vatri. You're the nearest answer I have. And you're the hardest question, too"

Nanatiling tahimik si Vatri at nagumpisa na naming nilisan ang maliit at tagong bayan ng dating taga Avalon.








Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na panaginip lang ang lahat.

Na walang katotohanan ang lahat ng ito.

Ano na kaya ang lagay ni Mama?
Namimiss nya na kaya ako?
Is she mad at me?

"Would you please stop thinking?"
Aniya.
How can I stop thinking then? As if naman kaya kong I deactivate ang utak ko?

"Ginusto ko bang marinig mo ang mga iniisip ko?"
Akala mo naman gwapo! Gwapo ka ba?

"Yes, you've kissed me before, Kaya nagkaroon ako ng abilidad na basahin o marinig 'yang madaldal mong pagiisip!"

Hinalikan.. Ko sya?!

Hindi ako magpapatalo.

"At hinayaan mo naman akong halikan ka, ganon ba?"
Tinaasan ko sya ng kilay.

His cheeks turned red. He is freakin' blushing!

"You could've stop me with magic Mr.Vatri, why didn't you?"
Dugtong ko pa.
Binigyan ko sya ng mapanghamon na tingin na hindi nya man lang ginantihan.

"Shut up"

Inunahan nya ako sa paglalakad at Maya-maya naman ay dinaluhan ako ni Alejandro sa paglalakad.
Pikon!

"Si kuya kasi.. Nabighani talaga sayo.. Alam ko kung paano gumana ang utak at bituka nyan kahit hindi ko sya tunay na kapatid"
Hindi tunay na kapatid?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ahm, ano kasi.. Si kuya.. Natagpuan sya ni Ama, ilang taon na ang nakalilipas... Bata palang ako noong ipinakilala sya sa akin bilang nakatatandang kapatid ko,
Wag kang mag-alala, Prinsesa.

Nagtatampo lang 'yan dahil di mo sya maalala.."

Huminto ako sa paglalakad dahil sa narinig..
Nagtatampo? Sya..?

Sa akin?

Tampo mo mukha mo Vatri!

"Alam mo ba, noong unang dinala sya ni Ama sa kaharian ng Avalon.. Ayaw nya nang umuwi..
Nakakita daw kasi sya ng magandang babae at balak nyang maging isang kawal upang protektahan 'yong babaeng 'yon"
Napatingin ako kay Alejandro sa ikinuwento nya.

"Ang suwerte naman nung babae.."
Sana ol.

"Hahaha! Oo nga! Ang suwerte mo!"
Inunahan ako ni Alejandro maglakad at sa di malamang dahilan... Bumilis ang pintig ng puso ko.
What on earth is happening to me?

"Huy! Alejandro! Sandali!!"
May itatanong pa ako!

Nilampasan ko si Vatri, abot kamay ko na si Alejandro nang may biglang umatake sa amin na malaking oso..

Hindi sya ordinaryong Oso!

Bigla akong kinulong ni Vatri sa bisig nya para hindi ako magalusan.

Naglabas ng espada ang ilan naming kasamahan..
Hindi.. May kailangan akong gawin!

"Teka sandali! Ibaba nyo ang mga patalim nyo.."
Takang tumingin sa akin ang mga tao at umalis ako sa bisig ni Vatri..

Marahan akong lumapit sa Oso at tiningnan ito sa mata.. The Bear has purple eyes..

Iniangat ko ang kamay ko upang pakalmahin ang oso, unti-unti itong lumapit sa akin nang kusa at marahan kong hinaplos ang kanyang balahibo..

"Hindi ka namin sasaktan.. Shhh..."

Naging kalmado ang paghinga ng oso at inamoy-amoy ang mukha ko, wala sa sarili akong napangiti dahil nakikiliti ako sa pinaggagagawa ng Oso.

"Pasensya na sa abala.. Akala ko ay alagad kayo ng reyna.."

"Sweet mother of milk--YOU CAN TALK?"
Nagulat ang oso sa sinabi ko.

"May ginawa ka sa akin.. Anong ginawa mo? Nakakapagsalita ako!"

This is so freakin' weird!

Binaling ko ang tingin ko sa mga kasamahan ko at nakatulala sila sa nakikita..

"Ano pong problema, Prinsesa?"
Tanong ni Mang Adonis.

"Yung oso! Nagsasalita!"
Takang tumingin sa akin ang lahat ng tao. Pati na rin si Vatri.

Umiling si Vatri at Binaling ko ang tingin ko sa Oso.

"Ikaw lang ang nakaririnig sa tinig ko.."
Sabi ng oso.

"Ah eh.. Ano.. Ahmm.. Mauna na kami ha.. Mag-ingat ka.."
Paalam ko sa Oso.

Umalis ito at bigla nalang akong nilapitan ni Alejandro.
Did I just.. Talked to a bear?

I swear.. I am not imagining things!

"Ayos ka lang ba, Prinsesa?"
Inalalayan ako ni Alejandro.
Nakita ko ang pagalala nya at tumikhim naman si Vatri na pumagitna sa aming dalawa.

"Ako na ang bahala sa kanya, Alejandro"
Mas malamig pa ata sa freezer 'yong boses ni Vatri..

"Tss, parang timang, selos ka ata e!"
Humalakhak si Alejandro at iniwan kami ni Vatri, ang kasamahan namin ay nagpatuloy sa paglalakad, bakas sa kanilang mukha ang pagtataka pero nanatili nalang silang tahimik..

"How did you manage to calm that Beast?"
Vatri asked.

"Nakipag...kumunika.. Ako?"

"Sabi mo ay Nakakapagsalita ang Osong 'yon.."
I can feel his gaze. Nararamdaman ko ang titig nga na ikinabilis ng pintig ng puso ko..

Shyetttt bakit ka ganyan??
How can you manage to change my heartbeat in just ——no.
Baka nagpapalpitate lang ako dahil sa kape na iniinom ko noong nasa normal na mundo pa ako.

"I don't need you to believe me.. I know what I heard and.. Nevermind.. Let's just.. Get going"
I awkwardly said.

My heart keeps pounding!

Kailangan kong lumayo kay Vatri..

Hindi na normal ang tibok ng puso ko, bakit kapag lumalapit sya ay parang sasabog ako?
Is this still normal?














"Vatri... Can I ask you a Question?"
I asked out of the blue.

"You're already asking"
Inirapan ko sya at huminga nalang ako nang malalim.
Kahit kailan talaga ay hindi ko gusto 'yang tabas ng dila nya..

"Anong... Namamagitan sa atin noon? What are we before?" I asked, hesitating.

Huminto si Vatri sa paglalakad upang salubungin ang mata ko.

Dug dug.. Dugdug.. Dugdug..



"We're lovers."















(A/N: Buti pa sila laberz ano? HAHAHAHA!)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro