CHAPTER V
CHAPTER FIVE:
Us
"Magbihis ka at kumain, kailangan nating maglakbay"
Matabang na sinabi ng kalampungan ni Vatri
Padabog nyang binagsak sa lamesa ang damit na ngayon ko lang nakita.
"Saan naman tayo——"
"Dalawang matayog na bundok magmula dito, salamat sayo at mawawaldas ang oras"
Inirapan ako ng di ko kilalang babae at bigla nalang nanlaki ang mata nya nang tumalon sa akin si Pepita.
Takot ka rin pala e!
"Anong.. Pangalan mo?" Tanong ko sakanya.
"Amyea"
Masungit nitong sambit at umalis nang walang paalam.
Ameya?
Lumabas ako ng kwarto nang nakabihis na, all of them were staring at me.. Para bang may dumi sa mukha ko?
"Kamukhang-kamukha mo ang iyong Ama..."
Sabi naman ng tatay ni Vatri.
Pinilit ko nalang ngumiti, ni hindi ko nga alam kung ano bang hitsura ng tunay kong tatay..
"Kumain ka na hija..malayo pa ang ating lalakbayin.."
Sabi ni Mang Adonis, ang tatay ni Vatri.
"Saan po ba tayo pupunta?"
Tanong ko dulot ng kuryosidad.
"Hindi ba nasabi sayo ni Amyea?"
"Hindi po, galit po kasi ata sya sa'kin"
Lumingon si Mang Adonis kay Amyea na ngayon ay nanlalaki ang mga mata.
Tumikhim naman si Mang Adonis at ibinalik ang atensyon sa akin.
"Sa ilog ng alaala, Prinsesa"
Ilog ng alaala? Like.. Kung maliligo ako doon.. Makakaalala na ako?
"Hindi ba't masyadong delikado?"
Sabi naman ni Alejandro.
"Anak, 'yon lang ang tanging paraan.."
Wait, magkapatid si Vatri at Alejandro?
Oh.. My.. Gosh!
Wala silang pagkakahawig..
"Bakit naman kasi kailangan pa nating magsakripisyo?"
Sabat naman ni Amyea.
"Hindi ginusto ng prinsesa ang nangyari, Amyea . Nagsakripisyo rin ang prinsesa, h'wag nyo sanang kalimutan.."
Napalingon ako sa sinabi ng Lola.
Nagsakripisyo rin ako? Ng alin? Ng ano?
"Pagpasenyahan mo na hija, gusto kasing sumama ni Amyea.."
Sabi naman ng buntis.
"Pero hindi ibig sabihin ay tulong ang inaalok ko. "
Bulalas ni Amyea na hindi ko alam kung ano ba ang trip sa buhay.
Sino ba ang nagsabi na kailangan ko ng tulong nya?
At isa pa galit rin sya sa akin hindi ba?
What is she trying to prove?
Na she's so mabait although mataray naman talaga?
" Amyea, my dear, walang pumipilit sayo na sumama"
Napatingin sya sa akin sa sinabi ko.
Oh, ano ka ngayon?
Totoo naman hindi ba? Walang pumipilit sa kanya!
But I do appreciate her help..
I just don't like the way she talk..
"Hindi ka matatapos kung di ka magsisimulang sumandok ng pagkain"
Tanghaling tapat ang sungit ni Vatri!
Bagay sila ni Amyea.. Magsama sila.
Tiningnan ko ang mga nakahain.. It doesn't look like food for me..
"Hindi ako nagugutom"
Nahihiya kong tugon.
"Hindi porket di ka gutom ay di ka na kakain, kailangan ng katawan mo ng lakas at resistensya——"
Naputol ang sinasabi ni Vatri nang magsalita ang kapatid nyang si Alejandro.
"Sus, galit daw sya, nagaalala naman"
At napuno ng asaran ang buong silid.
Gumamit ng mahika si Vatri upang pasalan ang bibig ni Alejandro, hindi ko na napigilang matawa dahil ngayon lang ako nakakita ng ganitong eksena sa pagkakaalala ko.
Pansin ko namang nagwalk-out si Amyea.
"Tulungan na kita, Prinsesa" Alok ni Alejandro.
"Gwen nalang.. At ahm, ano.. Kaya ko na ito"
Lumundag sa akin si Pepita na syang ikinabahala ni Alejandro.
They are still afraid of this cutipie..
Masasanay rin sila.
"Hindi mo naman kailangan pahirapan ang sarili mo upang magbuhat ng mga gamit, Prinsesa"
Taka akong tumingin kay Alejandro.
"Anong ibig mong sabihin..?"
"Balita ko nagbalik na ang kapangyarihan mo, ibaling mo ang atensyon mo sa bagay na 'yon at naiisin mo itong palutangin.."
Is he teaching me.. Magic?
"Wala akong dapat sabihin o kung ano?"
Taka kong tanong.
Kasi diba pagdating sa mga libro.. May chinachant silang spell para mangyari ang gusto nilang gawin?
"Hindi mo naman kailangang magsalita.. Pero pwede ka rin namang bumigkas ng mga kataga kung sa palagay mong makatutulong iyon sa paggamit ng mahika.."
Napatango nalang ako.
Gaya ng sabi ni Alejandro ay itinuon ko ang buong atensyon ko sa isang baul na may laman na mga gamit.
Lumutang ka..
Maya-maya ay lumutang na nga ang baul at sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko si Alejandro.
" P-pasensya na.."
Pansin kong namumula ang tainga ni Alejandro at ngumiti nalang sa akin..
"You shouldn't waste time, we have a long day to go"
Gandang bungad ni Vatri.
"Akala ko ba hindi ka sasama?"
Tanong ni Alejandro.
"Sadyang nagbabago talaga ang ihip ng hangin, kapatid."
Malamig na tugon ni Vatri at hinatak ako papalayo kay Alejandro.
"He's just teaching me to——"
"I don't care, You are supposed to be with me all the time! I can't let anything happen to you again.."
Napatitig ako sa mapupungay na mata ni Vatri.
Bakit nya ba pinaparamdam sa akin ang mga bagay na hindi ko naman dapat maramdaman?
"You don't own me, Vatri."
Matabang kong sinabi at nagtungo ako papunta kay Mang Adonis.
"Ilog ng alaala po hindi ba?"
Tanong ko kay Mang Adonis.
"Tama ka prinsesa. Ang Ilog ng alaala ay matatagpuan sa gubat ng katotohanan.. Delikado, alam ko. Pero iyon lang ang tanging paraan upang makaalala ka..
Nagkaroon ng pulong at napagdesisyunan ng mga matatanda na iyon ang gawin.
Sa paglalakbay ay tuturuan ka rin namin ng mga mahikang minsan mo nang ipinakita noon"
Anong klaseng mundo ba ang kinaroroonan ko?
"Mang Adonis.. Bakit po ba nasa ilalim ng lawa nakatayo ang pintuan upang makarating sa pinagtataguan natin?"
"Ang alagad ng hari at reyna ay gawa sa usok at anino, sila ay takot sa tubig. At isa pa, iisipin ng hari at ng reyna ay nilalangoy namin ang lawa patungo sa kabilang parte ng bundok! Tiyak na hindi nila kami mahahanap dito.."
Napatango ako.
"Sino po ba ang.. Tunay kong magulang?"
Napayuko si Mang Adonis.
"Si Reyna Calierra at Haring Nerron, Maayos silang namumuno sa buong Avalon, Walang nakakaalam kung bakit may pag-atakeng naganap..
At tanging ikaw lang ang susi hija.. Kapag naalala mo na ang lahat?
Maliliwanagan na kami.
Pwede na kaming lumaban..
Kaming mga nagtatago ay ang nakaligtas sa trahedya prinsesa. Nakaligtas kami dahil sa isang malaking liwanag na iyong nilikha..
Ang natitirang mga taga Avalon ay nalason na ang pagiisip at sumapi na sila sa kasamaan....
Habang hindi namin alam ang katotohanan..
Maaring mabulag ang aming mga mata at malason rin ang aming isip sa gitna ng laban..———"
" ———Prinsesa, alam kong nakakapanibago ang lahat, bakas sa iyong mukha ang pagtataka..
Nais naming tulungan ka.. "
Hindi ko maproseso ang lahat ng sinabi ni Mang Adonis sa akin..
Ang ibig nyang sabihin ay ang katotohanan lang ang magsisilbing panangga sa kasamaan..?
Hindi malalason ang utak nila kung alam nila ang totoo..
Kaya nila ako dadalhin sa ilog ng alaala para masagot ko ang katanungan nila..
"Mang Adonis.. May isa pa po akong tanong.."
Tumango si Mang Adonis.
"Ano po ba ang.... namamagitan sa amin dati ni.. Vatri..?"
(A/N: Ang namamagitan sa inyo ay distance hoho!
Don't forget to vote Mi Amor~)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro