CHAPTER II
CHAPTER TWO:
Vatri
"Saan mo ba kasi ako dadalhin? Pwede namang gumamit ka nalang ng mahika para ibalik ako sa bahay namin!"
Huminto si Mokong-- este Vatri sa gitna ng kagubatan.
Tinanggal nya na rin ang posas ko.
Good!
"Kung kaya ko edi sana kanina ko pa ginawa"
Parang hinampas ako ng yelo sa mukha dahil sa lamig ng awra nya.
Yow chill, galit agad?
"Sorry po, Boss"
Iritadong lumingon sa akin si Vatri at bigla nalang nyang hinawakan ang noo ko, his hands were glowing..
Ano bang ginagawa nya sa akin?
Ang weird lang kasi hinahayaan ko lang din sya..
"What are you--"
"Shut up!"
Ay aba! May pa shut up shut up na syang nalalaman ngayon!
"Don't panic, kinuha ko lang ang mga kaalaman mo para naman maintindihan kita sa sinasabi mong linggwahe"
Nagpatuloy sya sa paglalakad at sumunod nalang ako nang tahimik. What's the point? Ang pangit kausap ni Vatri.
"O, bakit ka tumahimik?"
Tinaasan ko sya ng kilay.
" Pake mo?"
Iniwas ko ulit ang tingin ko sa kanya, hindi maalis sa isip ko na baka isa syang bampira.. Itim na itim kasi ang buhok nya, ang lamig pa ng presensya.
Bakit ko ba kasi sinundan itong mokong na 'to?
Well atleast kung mamatay ako, he'll be responsible.
"Why did you suddenly turned grumpy?"
Iniripan ko si Vatri dahil sa tanong nya.
"Grumpy? E ikaw nga 'tong ubod ng suplado! Noong umulan ba ng kasupladuhan ay nagswimming ka pa? You should really stop that attitud---"
"Shh.. Stop talking, ang ingay mo"
Tinakpan ni Vatri ang bibig ko at nagtago kami sa likod ng isang puno.
Ako? Maingay? Excuse me? Dinaldal nya ako!
Marahas kong tinanggal ang kamay nya sa bibig ko.
I can shut myself up for his information!
I don't need his hands at all!
Malay ko ba kung ilang mikrobyo ang nakakapit sa kamay nya?
Sumilip ako sa likod ng puno. It's just a little bunny with red eyes
Ang cute kaya..
There's nothing to be afraid of!
"Huwag kang lumapit sa halimaw na 'yon!"
Banta ni Vatri, at syempre!
Di ko sinunod.
Lumapit ako sa kuneho at hinagod ang balahibo nito..
Tumalon ito papunta sa akin..
I think she likes me..
"Paano mo napaamo 'yang halimaw na 'yan?"
Ahm? Halimaw? Excuse me?
Wait.. Takot ba si Vatri sa kuneho?
"Hindi sya halimaw, Vatri.."
Hinagod ko ulit ang balahibo ng kuneho
Ang lambot ng balahibo nito! Ano kaya ang shampoo nya?
Does she have a name? Hmm.
"I'll name you Pepita!"
Biglang naging alerto ang puting kuneho at lumundag papalayo sa akin..
Teka ayaw nya ba ng Pepita?
"Paano ka nakasisigurong babae 'yang pinangalanan mo?"
Tanong ni Vatri na hindi ko na pinansin.
Bigla nalang akong nakaramdam ng kaba at tumingin sa paligid. Now what?
A dark shadow creature started to emerge from the fog..
Teka? Kaparehas nya yung umatake sa akin kanina!
Ang mata ng kuneho ay nagliwanag at bigla nalang itong lumaki at tinubuan ng matutulis at malalaking pangil
Sweet mother of milkshake!
Bigla nalang hinigit ni Vatri ang kamay ko at hinatak ako papalayo kay Pepita, she is now creating some sort of a flame..
The shadow creature began to look weak.
I see.
Ang kahinaan ng anino ay ang mainit na pagmamahal.
Pepita just scared the shadow away..
Sa sobrang tuwa ay napatakbo nalang ako pabalik kay Pepita at hindi ko na pinakinggan si Vatri.
"Who's the good girl? That's right.. It's you Pepita.. You're a good girl!"
Nagsimula nag bumalik si Pepita sa dati nitong cute na cute na anyo..
Binuhat ko sya at sinenyasan si Vatri na magpatuloy sa paglalakad.
"Those Ferrans are attracted to light, they tend to attack or kill those who has a light with them, at kung tatayo ka lang at sasalubungin ang atake nya, mamamatay ka talaga"
"Pwede ba huminto muna tayo? Kanina pa tayo naglalakad e!"
"Nandito na tayo"
Pinagmasdan ko ang isang bahay sa malayo, ang ganda ng exterior design nya, hindi pangkaraniwan!
Dumiretso ako sa bahay at hindi ko na inintindi ang tawag ni Vatri.
Masaya akong kumatok sa pintuan at bigla nalang akong hinigit ni Vatri papalayo sa pinto, ano nanaman? Ang hilig nya talagang manghatak!
"Hindi ka dapat dumiretso!"
Sermon nya.
Nagbukas ang pintuan at isang matandang nilalang ang bumungad sa amin, is she.. A witch?
"Gwen Laurén.. Ikinagagalak kong makilala ka"
This is so weird.
"Papaano mo nalaman ang tunay kong pangalan?"
"Nanggaling ka na dito noon, Prinsesa "
Prinsesa? Ako? What?
Taka akong tumingin sa matanda at inanyayahan nya akong pumasok sa bahay nya.
"Huwag kang pumasok.."
Naging mas seryoso si Vatri kumpara pa kanina.
"Why would I listen to--"
"Just do as I say for once! Huwag kang papasok.."
Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Vatri sa kamay ko.
"Pasensya na po sa abala ginang, pero kailangan na po naming magpatuloy"
Nakita ko ang ekspresyon ni Vatri sa gilid ng mata ko, he looks surprised.
"Naiintindihan ko Hija, pero tanggapin mo itong regalo ko sa pagdalaw mo dito.. Hihihi"
Kinuha ng matanda ang kamay ko at may nilagay dito. Napansin ng matanda na bitbit ko ang kuneho at bigla nalang syang ngumiti at sinaraduhan ako ng pinto..
That's.. Weird.
Hinila nanaman ako ni Vatri papalayo and guess what? Hinayaan ko nalang sya sa gusto nya.
Binuksan ko ang kamay ko at may nakita akong singsing.. It looks familiar.. Parang nakita ko na sya dati..
May nakaukit rin na pangalan sa singsing...
"Gwen Laurén..."
Is it really... Belongs.. to me?
"That's the Avalonian enchanted ring.. And it's yours.... for this generation"
Whaaaatttt????
"Enchanted ring?"
Tanong ko kay Vatri.
"Legend says the ring stores some of your memory.."
Taka akong tumingin sa kanya.
Sinundan ko sya papunta sa likuran ng bahay nung matanda kung saan may malaking lawa.. Right.. Dapat pala talaga ay hindi ako dumiretso sa bahay na iyon?
Pero may nakuha naman akong bagay na maaring maging sagot sa ilang katanungan ko..
That should help..
"Tumalon ka sa lawa"
Utos ni Vatri.
"What?"
"Hindi ka naman bingi kaya hindi ko na uulitin pa."
Napakasungit talaga!
"Why would I jump? Papaano si Pepita--"
"Just do it!"
Galit agad?
"Okay, okay, ito na nga e! Di mo kailangang magalit.. Kaya ka pumapangit e!"
"Ako ang pinakaguwaoo sa buong Avalon, nahihibang ka na ba? --"
"blah.. Blahh.. Blaah.. Walang nagtatanong! "
Tumalon ako sa lawa nang walang hesitasyon hinawakan ko nang mahigpit si Pepita.
Kapag may kumain sa akin na piranha dito o di kaya naman ay buwaya sinisigurado kong hindi na ulit makararanas ng mahimbing na pagtulog si Vatri!
Someone grabbed my hand.. An ugly creature indeed. It's Vatri.
" Wag ka ngang magpumiglas! At huwag ka ring aahon!"
"Teka paano ka Nakakapagsalita sa tubig? --Wait what?! Nakakapagsalita rin ako!"
I am breathing and talking! Underwater!
"Ito ang pinakamadaling mahika na pati bata ay nakagagawa. You should really celebrate huh"
What's with his attitude?
Parang anlaki ng kasalanan ko sa kanya?
Parating galit, daig pa ang may dalaw!
May isang pintuan ang nasa ilalim ng lawa, he opened it like it's not soaked at all at pumasok sya dito, syempre sumunod ako!
Baka magalit nanaman sya e!
Pag pasok ko sa pinto ay nag-iba ang lahat, wala na kami sa ilalim ng lawa!
This feels like home!
"Where on earth are we? Nasa ibang syudad ata tayo.. This isn't my hometown but It feels like I'm home!"
Sinungitan nanaman ako ni Vatri.
"We're not on earth. This is a secret place for Avalonian people.. The people you abandoned."
May kung pait ang salita ni Vatri..
I... Abandoned.. Them?
"Don't let them see your face.. At mas mabuti nang tumahimik ka.. Hindi mo alam kung gaanong hirap ang pinadama mo sa sarili mong mga tao"
Why is he blaming me?
I don't even know what happened..
The ring!
Sabi ni Vatri ay may mga ala-ala ako sa singsing na kanina ko pa hawak!
Bigla nalang lumabo ang paningin ko at napaluhod sa sahig nang sinuot ko ang singsing.
What the?
I feels like it's sucking my energy..
At ramdam ko ring nagiinit ang balikat ko.. It's the tattoo like symbol or what..
The sun rays were glowing..
What on earth is happening--
Bakit nagiiba ang paningin ko?
I can't hear things clearly..
What is happening??
"Gwen!"
Rinig kong sigaw ni Vatri..
Hindi nya dapat binanggit ang pangalan ko..
And it all went black.
Sana magising na ako sa panaginip na 'to---
(A/N: Pasaway rin si Vatri e no? Hahaha!
Ano kayang mangyayari? Hmm..?)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro