Chapter 6
Chapter 6
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Sino naman kaya yung tumatawag.
Kinapa ko yung cellphone ko sa may uluhan ko.
Tinignan ko kung sino ang tumatawag.
Si mama.
"Hello ma, bakit kayo Napa tawag way problema ba?" tanong ko kay mama.
"Hello anak, Itatanong ko lang Sana kung kailan ka uuwi dito. Malapit na yung birthday ng kapatid mo sa susunod na araw na."Sabi ni mama sa kabilang linya.
"Baka sa susunod na ara-" di ko natapos yung sasabihin ko ng biglang may magsalita sa kabilang linya na bata matinis ang boses nito.
"Hello ate kailan ka ba uuwi dito miss na miss ka na namin ni Carter."wika ni Cara. Kambal sila lalaki at babae yung babae ay si Cara at yung lalaki naman ay si Carter,pitong taong gulang na sila.
"Namimiss ko na rin kayo, wag kayong magalala uuwi ako jan sa susunod na araw.Anong gusto nyong pasalubong gusto nyo ba ng ice cream?" tanong ko kay Cara.
"Opo ate gusto mo namin ng ice cream at tsaka po gusto mo po ng barbie."sagot ni cara sa kabilang linya. Napangiti naman ako.
"Ano namang gusto ni Carter?" tanong ko sa bata.
"CARTER ANO DAW GUSTO MONG PASALUBONG SABI NI ATE ZURI!" sigaw ni Cara sa kabilang linya na ikinatawa ko.
"Hello ate, ang gusto ko po ay cars at robot po yun lang po. I love you po ate miss na po kita." wika ni Carter na mas lalo akong napangiti. Lumaki silang magagalang.
"Yun lang ba yung gusto nyo?"tanong ko pa sa kanila.
"OPO ATE." sabay na sagot nila.
"Ibigay nyo na kay mama yung cellphone para makausap ko na sya." malumanay na Sabi ko sakanila.
"OPO ATE I LOVE YOU PO." sabay parin na sagot nila.
"Hello anak." biglang nag salita si mama mula sa kabilang linya.
"Hello ma ikaw po anong gusto nyo?" tanong ko baka kasi mag tampo e.
"Kahit ano anak, kahit wala na ang akin lang e umuwi ka dito ng makasama ka naman namin ng papa mo miss na miss ka na namin e." Sabi neto sa malungkot na tono.
"Uuwi na nga ako ma e." sagot ko.
"Oh sya may kasama ka ba na pupunta dito?" tanong nya sakin.
"Wala ma ako lang magisa. May trabaho kasi si melody e kaya di sya makakasama sakin." sagot ko sakanya.
"Sayang naman sabihin mo sa susunod sumama sya hindi yung puro nalang kayo trabaho jan." panenermon nya sakin.
"Opo ma, sige na po ibaba ko na. I love you ma." Sabi ko sakanya.
"bye anak mag inggat ka jan ah tumawag ka kapag malapit ka na. I love you too." Sabi ni mama bago namatay ang tawag.
Wala pa pala akong regalo kay rem.
Bukas talaga ako uuwi saamin gusto ko lang silang supresahin kasi trip ko lang.
°°°
Papunta na ako sa sakayan ng bus ng maramdaman kong parang may sumusunod sakin tumingin ako sa likod ko.
Nahagip ng mata ko yung lalaki sa mall.
Teka bakit sya nandito?
May pupuntahan din ba syang probinsya?
Pero may sasakyan naman sya, Kaya bakit pa sya sasakay ng bus Kung gayong mayaman namam sya.
Baliw ba 'tong lalaking to?
Dapat na ba akong mag inggat?
Baka naman nagkataon lang na laging nagtatagpo yung landas namin.
Yun nga baka coincidence lang yun.
Hinahanap ko yung bus papunta samin ng may humila sa braso ko.
"Ay bakit mo ako hinila masakit."daing ko sakanya.
"Come with me."sabi nya, sya yung lalaki sa mall.
"Bakit ako sasama sayo?" tanong ko sakanya.
"Just come with me. May utang ka pa saking date."sabi nya.
"Hindi pa ba sapat yung kumain ka dun sa bahay ko? Hindi ko nga alam pangalan mo o Kung saan ka nakatira tapos nangaya ka ng date baliw ka ba Kuya? At tsaka may pupunta ako uuwi ako samin." Sabi ko sakanya.
"Fine, if you don't want to. I'll just go with you then. Tara na ako na mag di-drive" Sabi nya sakin at tsaka ako hinila papasok sa kotse nya.
Wala na akong nagawa kundi ang sumama nalang.
"Teka daan muna tayo sa pinaka malapit na mall. Bibili lang ako ng regalo sa mga kapatid ko." Sabi ko sakanya at tsaka tumingin sa bintana ng kotse.
Dumiretso sya sa malapit na mall.
Bumili ako ng sapatos ni rem at ng laruan ng kambal.
Nakarating na na kami sa bahay pareho lang kaming tahimik sa byahe walang nagsalita saamin.
"MAMA PAPA NANDITO NA PO AKO!" sigaw ko sa labas ng gate at agad namang binuksan ni mama.
"Ikaw pala yan anak akala ko bukas ka pa dadating sana nagsabi ka ng makapag handa kami."sabi ni mama sabay tumingin sa katabi kong lalaki.
"May kasama ka pala anak,boyfriend mo ba ito." Sabi ni mama sabay ngumiti. Magsasalita na sana ako ng biglang dumating si papa.
"Oh nandito ka na pala anak at sino itong kasama mo?"tanong ni papa sakin biglang sumagot si mama.
"Boyfriend nya yan." Sabi ni mama na para bang kinikilig pa.
"Ano bang pangalan ng boyfriend mo anak?" tanong ni mama. Napangiwi ako tsaka tumingin dun sa lalaki.
"Ah mama papa hindi ko po sya boy-" na putol ang sasabihin ko ng bigla nalang magsalita yung lalaki.
"I'm Dash Gray Lazaro nice to meet you. I am Zuri's boyfriend." wika nya sabay umakbay sakin.
Napanganga ako sa ginawa nya nahihibang na ba sya. At tsaka pano nya nalaman yung pangalan ko?
Wala akong maalalang sinabi ko sakanya ang pangalan ko.
Di na ako magtataka yung kumuha to ng private investigator para makuha yung mga information ko. Di mahirap Para sakanya yun muka naman syang mayaman e.
"ATE" sigaw ni Cara sakin at patakbong yumakap sakin.
"ate namiss po kita di ka na po kasi napunta dito e."sabi nya at tsaka ngumuso ang cute kaya kinurot ko yung pisngi nya.
"Ikaw talaga namiss ka din ni ate." Sabi ko sakanya at humalik sa pisngi nya.
"Nasaan si Carter?" Tanong ko sakanya.
"Nasa loob po ate natutulog."sagot nya sa tanong ko at tsaka napatingin Kay Dash.
"Hi po kuya ako po si Cara Mae Evangelista. Boyfriend ka po ba ni ate? Pwede din po ba kita maging boyfriend?" inosenteng wika ni Cara.Napatawa naman si Dash at tsaka lumuhod para magpantay sila ni Cara.
"Oo naman, ang ganda mo naman. Ako nga pala si dash, Kuya dash." Sabi nya Kay Cara.
"Tara na at pumasok na kayo upang makapag pahinga na kayo mahaba ang binyahe nyo panigurado akong pagod na kayo." Sabi ni mama pumasok kami lahat sa bahay.
Dumiretso kami sa Kusina at kumain ng matapos kumain ay matutulog muna sana ako kaso biglang nag salita si mama.
"Anak, Zuri doon mo na patulugin itong nobyo mo sa kwarto mo." Sabi ni mama na kinalaki ng mata ko bigla namang sumulpot si Dash at umakbay sakin.
"Pero-" di ko natapos ang sasabihin ko ng biglang magsalita ang kumag na lalaking to.
"Dun na po ako tutuloy sa kwarto ni zuri,diba babe." Sabi nya at tingin sakin sabay kindat.
"Opo." wala sa wisyong sabi ko sabay tango.
"Good, let's go. Mauna na po kami." paalam nya Kay mama.
Pagkapasok namin sa kwarto ay bigla ko syang hinarap ng nakapamewang.
"Hibang ka na ba ha? Bakit mo sinabi kanila mama na boyfriend kita?"tanong ko sakanya.
Lumapit sya sakin kada hakbang nya papalapit sakin ay umaatras ako hanggang sa napasandal ako sa pader at kinulong nya ako sa mga braso nya.
"A-anong ga-gawin mo?" utal na tanong ko sakanya.
Hindi ito sumagot at tumingin sya sa mga mata ko at sa labi ko. Nagulat ako ng bigla nya akong halikan. Parang nanghina ang mga tuhod ko. Hindi ko sya maitulak parang nawala yung lakas ko.
Namalayan ko nalang na tinutugon ko na ang mga halik nya.
Ng matapos ang pinagsaluhan naming halik ay mabilis ko syang tinulak at tumakbo papuntang banyo.
Napa hawak ako sa puso ko.
"Bakit ang bilis ng tibok mo?"tanong ko sa sarili ko habang hinahaplos ang dibdib ko Kung nasaan ang puso ko.
You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro