Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36

Chapter 36

Makalipas ang sampong araw na pag hahanda para sa kaarawan ng kambal ay sa wakas ay tapos na. Ang Sabi ko nga ay simple lang dapat pero si dash talaga ang nagpumilit na bigyan ng magarbong birthday party.

Sa isang hotel gaganapin ang birthday party ng kambal, kung sino sino ang inimbitahan nya, katamihan ay mga business man.

Tinawag ko sila Mama para ipaalala sakanila na ngayon ang birthday ng kambal although nasabihan ko na sila nung nakaraan.

ILang ring lang ay sinagot na ni mama ang tawag.

“Hello ma?”

“Kamusta na anak?”

“Okay lang po kami ma, mamaya po ah wag kayong mawawala sa party ng kambal ah.” nakangiting Sabi ko.

“Aba't syempre naman, ito talagang batang ito. Anong akala mo saakin ulyanin na at makakalimutan ko ang kaarawan ng pinakamamahal kong nga apo.” tumatawag Sabi ni mama sa kabilang linya.

“Si mama naman, ang aga-aga ay high blood agad. Pinapaalala ko lang naman po.” paliwanag ko at natawa naman ito sa kabilang linya.

“Oh sya ibababa ko na, para makapag handa kami. Lalo na ako mag papa salon ako at mag papa spa para naman mukha akong fresh sa party.” natawa naman ako sa sinabi ni mama.

“Sige po ma, kailangan kayo ang pinaka maganda doon ah. I love you.”sabi ko.

“I love you too anak, ba-bye.” paalam nito bago patayin ang tawag.

Nang matapos ang tawag ay napatingin ako sa natutulog na si dash. Tumabi ako dito at tsaka ko ito niyakap ng mahigpit. Bahagya itong gumalaw at sumuksik sa aking dibdib. Napangiti naman ako dahil sa ginawa nya.

7 pm magsisimula ang party, 5:30palang ngayon at inaayusan na kami ni Zephyr. Nagunpisahan nang ayusin ang buhok namin at lagyan ng make up.

“Mama, excited na po ako.” bakas sa mukha nito ang excitement.

“Huwag kang masyadong magalaw anak, baka mahirapan silang ayusan ka.” Sabi ko sa anak ko.

“Nako madame, okay lang po sanay na po kami sa ganito Lalo na po at Bata.” sagot ng baklang Nagaayos Kay Zephyr.

“Pasensya na ganyan talaga kasi yang si Zephyr e.” pag hingi ko ng pasensya sa kanila.

“Ang Ganda nyo pa rin po madame, namana po sainyo ni Zephyr ang Ganda nya.” papuri nito saakin.

“Diyos ko be, nagagandahan ka sa gantong mukha? Pero sabagay.” natatawang sabi ko, tumawa rin sila dahil sa sinabi ko.

Nang matapos kaming ayusan ni Zephyr ay nagpalit na kami ng aiming susuotin. Dress ang sakin at gown ang Kay Zephyr. Ang saakin ay kulay itim at ang Kay Zephyr naman ay kulay pula.

Biglang bumukas ang pinto Kung saan kami inaayusan. At iniluwa noon si dash at Zach.

Pareho itong Naka tuxedo navy blue ang Kay Zachary at black naman ang Kay Dash walang necktie ang Kay dash at nakabukas ang ilang butones.

Lumapit si Zach papalapit saakin at yumakap sa bewang ko.

“Mas lalo po kayong gumanda mama.” Sabi ni Zach at ngumiti, yumuko naman ako para halikan ito sa noo.

“Ang gwapo mo din anak, e ang kapatid mo anong masasabi mo sa damit nya.”

“I think she's ugly..” Sabi ni Zach at ngumisi, pati ba naman ang pag ngisi nito ay nakuha nya sa ama nya. Nasaan ang hustisya ha? Ako naghirap tapos kamukha nya ang ama nya.

“Anong sabi mo?” Tanong ni Zephyr sa kambal.

“I said your ugly.” ulit pa ni Zach.

“Okay, edi panget ka din. Baka nakakalimutan mo na mag kamukha tayo.” sagot ni Zephyr, diyos ko po limang taon palang ang batang ito pero Kung makapag salita na ay parang dalaga na.

“Wag kayong mag away.” banta ko sakanila. Lumapit namna si dash Kay Zephyr at hinalikan ito sa pisngi. May ibinulong pa ito sanhi Para matawa ang Bata.

Lumapit si dash saakin at hinalikan ako sa labi.

“You're so beautiful tonight,” papuri nito saakin.

“Tonight lang?” Tanong ko sakanya at napangiwi naman ito.

“Syempre hindi, kahit nga wala ka pang ligo ay maganda ka e.” nagmula ang buong pagkatao ko dahil sa sinabi nya. Nakakahiya sa harap pa talaga ng anak nya.

_

Nagsimula na ang party at nandito kami nang mga bata sa back stage. Dito kami dumiretso kanina. Ipapakilala na daw kasi ni dash ang mga bata sa lahat.

Medyo kinakabahan ako. Nasa stage na si dash at kung ano anong sinasabi doon.

“I want you to all meet, my childrens Zephyr Milaruza Evangelista Lazaro and Zachary Millar Evangelista Lazaro.” pag ka Sabi nya nun ay tumayo ang dalawang bata Kaya tumayo na rin ako. Hawak ko ang kamay nilang dalawa.

Lahat ng bisita ay nakatingin saamin.

“And I want you to meet, Maria Zurish Asuncion Evangelista the mother of my kids and my future kids.”pag papakilala nya saakin. Kumunot ang noo ko anong pinagsasabi nitong future kids.

Lumapit si Zephyr sa ama at nagpabuhat. Inagaw nito ang mic tsaka nagsalita.

“Hello po sainyong lahat. Ako po si Zephyr Milaruza, at sya naman po...” Sabi nya at tsaka turo Kay Zach. “... sya po ay si Zachary Millar—” natigil ito ng makita nya si Zachary na walang kangiti ngiti sa mukha. Nagpababa ito sa ama at iniwan ang mic bago lumapit sa kambal.

“Zach ano ba? Ngumiti ka naman.” utos nito sa kapatid pero Nana tiling walang imik si Zach. Lumapit pa ito ng mas malapit at hinawakan ang mukha ni Zach at pinilit na pangitiin.

“Tss.” Sabi ni Zach at ngumiti ng pilit.

“Okay na ba yan?” inis na tanong ni Zach Kay Zephyr umiling namna si Zephyr

“Wider.” Sabi ni Zephyr at ngumiti. Ginaya naman ito no Zach pero mukhang pilit lang nga. Natawa ang mga bisita ni dash pati na rin kami dahil sa ginawa ni Zephyr.

Bumalik ito sa ama at nagpabuhat ulet sa ama tsaka kinuha ulet ang mic.

“Sya po ang kambal ko.” tumingin naman sa gawi ko si Zephyr “Sya naman po ang mama ko at mama may surprise po ako sainyo.” Sabi nya pa na mas lalong kinakunot ng noo ko.

“Ha?” naguguluhang Sabi ko.

Binaba sya nang ama at lumapit Kay Zach may kinuha ito sa bulsa ni Zach at Dali daling tumakbo papunta ulit kau dash.

May maliit na pulang box itong inabot sa ama. Lumapit saakin si dash at nagulat ako ng bigla itong lumuhod sa harap ko.

Binuksan nya ang pulang box at nasa loob bun ay ang singsing, Yun yung singsing noong ninaya nya ako ng kasal.

“Will you marry me Zuri?”Sabi nya at tumingin ako sa mga bisita nya at nakita ko si mama na medyo naluluha pa. At nakita ko rin ang mommy ni dash na ganun din.

“It's okay if you say no to me, I can wait until you said yes... But if you say yes, I will be the happiest man alive.”Sabi nya, halata sa mukha nya nakinakabahan sya.

Diko na sasayangin tong pagkakataon na ito. Hindi mahirap mahalin si dash dahil mabuti itong tao.

“Yes dash,magpapakasal ako sayo.” pagkasabi ko nun ay tumayo ito at tsaka ako binuhat.

“Yes! Yes!” sigaw nya habang buhay ako napangiti ako sa inasta nya. Nagpalakpakan naman ang mga bisita.

“Hindi mo ba isusuot sa daliri ko yung singsing?”tanong ko sakanya, ibinaba nya ako at isinuot sa daliri ko ang sing sing. Hindi maalis ang ngiti sa labi nito, ni yakap nya ako ulet.

“Thank you.” Sabi nya habang yakap ako.

“Ibibigay nyo na po ba saamin ang baby sister at baby brother namin papa?” biglang Sabi no Zephyr natawa naman si dash samantalang ako ay nagmula dahil sa sinabi ng anak ko.

“Your mama and I still working for it, baby.” Sabi ni dash.

Maayos ang naging takbo ng party, inikot ikot ko ang paningin ko. Halos manigas ang buong katawan ko nang makita ko si Samantha.

“S-samantha?”

Lumapit ito sa gawi ko.

“Wag kang mag alala my long lost cousin, hindi ako manggugulo. Gusto ko lang humingi ng tawad sa nagawa ko sainyo.” Sabi nya at halata sa mukha nito na totoo ang sinasabi nya, tumingin ako sa ibang Tao at nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko na may mga guard na nakabantay.

“Pano ka nakapasok dito?” Tanong ko sakanya.

“Kasama ko ang doctor ko, pero huwag kang mag alala di na ako kagaya ng dati. Medyo maayos na ang isip ko...Gusto lang kitang batiin dahil ikakasal ka na sa taong minsang naging kasangga ko.” may luhang pumatak sa Mata mga mata nya.

“May hiling sana ako sayo, bago ako lumayo... ” Sabi nya, hindi ko Alam ang gagawin ko hindi ako ako makapag salita.

“Gusto ko sanang, inggatan at mahalin mo si Dash... D-dahil panigurado akong m-mahal na mahal ka nya.” Sabi nya sakin.

“K-kahit hindi m-mo sabihin g-gawin ko.” sagot ko. Hindi ko Alam kung bakit naiiyak ako.

Lumapit ako sakanya at niyakap sya.

“Mag-iingat ka, lagi mong tandaan na welcome ka sa buhay at bahay namin.” Sabi ko sakanya, alam kong sa kabila ng nagawa nya ay mabuti syang Tao.

Lahat nang tao ay nababago nang pagibig, nasasaiyo kung sa mabuting paraan o sa masama. Lahat tayo ay may kalayaang magmahal at mahalin. Kahit pa ang pinakamasamang Tao sa buong Mundo ay deserve na mahalin.

“I will.” Sabi nya at bumitaw sa pagkakayakap at tsaka tumalikod at umalis....

Gown na suot ni Zephyr

Tuxedo na suot ni Zachary


Suot ni Dash at Zuri.

Ctto...

tutuloy,... 💖

You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro