Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

Chapter 29

Inililigpit ko ang mga gamit ko, napagpasyahan kong bumalik nalang doon sa dati kong tinitirhan o kaya kay melody pwede naman siguro ako dun e.

Sa kalagitnaan ng pagliligpit ko ng gamit ko ay bumukas ang pinto at iniluwa noon si dash.

Nang makita nya ako ay agad itong tumingin sa hawak ko at sa maletang nakahanda na.

“Saan ka pupunta?” He ask with a cold voice, Halos madurog ang puso ko sa tono ng pagkakatanong nya. Ganun ko ba sya nasaktan?

Tumalikod tsaka tumingin ako sa mga gamit ko at pinagpatuloy ang pag liligpit.

“Babalik na ako doon sa dati kong tinitirhan.” Sabi ko pinipigilan kong huwag ma luha.

“Okay.” sabi nya at tsaka lumabas ng kwarto.

Nang marinig ko ang pag bagsak ng pinto ay bumagsak na din ang mga luha ko.

“Huwag kang umiyak, Zuri ano ba?... Magiging maayos din ang lahat.” Sabi ko sa sarili ko.

Kinuha ko ang calling card na nasa lamesa.

Tinawagan ko si Atty.Lim

Ilang ring Lang ay sinagot na nya ito.

“Hello, This is Atty. Mico Lim. May I know who's this?” panimula nya sa kabilang linya.

“This is Zuri.” Tipid na Sabi ko.

“Ikaw pala hija, napagisipan mo na ba?” tanong nya.

“Yes, magkita tayo mamaya. I'll send you the details.”walang emosyon Sabi ko at tsaka binaba ang linya.

Isinend ko sakanya Kung saan kami magkikita mamaya at kung anong oras.

Nang matapos ako sa pag aayos ng gamit ay ibinaba ko ito dalawang maleta Lang naman.

Nang ma ibaba ko ito at hinanap ko si dash natagpuan ko ito sa kusina mukhang malalim ang iniisip nito habang umiinom.

“Dash?” tawag ko sakanya agad naman itong tumingin.

“Why?” Here we go again with his cold voice and emotionless eyes. Nasasaktan ako sa klase ng pagtingin nya saakin.

“Pwede ba tayong mag usap?” tanong ko sakanya.

“We're already talking.” Para akong nanghihina sa paraan ng pag kausap nya sakin.

“Aalis na ako, Sabi mo diba mahal mo ako?... K-kaya mo ba akong antayin dash? Aayusin ko lang ang sarili ko at bibigyan ng hustisya ang mga magulang ko pero pangako b-babalik ako.” sabi ko tumingin si dash sakin at sa wakas nagkaroon na rin ng emosyon ang mga mata nito.

“Bakit kailangan mo pang lumayo? Hindi ba pwedeng k-kasama mo akong lumaban?...” he said, I can feel the pain with his voice. “H-hindi ba pwedeng sabay nating bigyan ng hustisya ang mga magulang mo?” Sabi nya ang kaninang malamig nyang boses ay napalitan ng sakit.

“. .. Mahirap lumaban ng mag-isa Zuri. Paano ang mga bata?” Sabi ni dash.

Lumapit ako sakanya at hinawakan ang mga kamay nito.

Hindi ko kayang makitang ganto si dash. Pero kakayanin ko ayokong maulit ang nangyari sa mga magulang ko, kailangang malaman ko kung sino ang mga hayop na gumawa sa kanila nun. Sisiguraduhin kong magbabayad sila.

“Kaya mo bang ipangako sakin dash na kapag umalis ako ay hindi mo ako hahanapin?” tanong ko sakanya habang hawak ang mga kamay nito at nakatingin ng diretso sa mga mata nya.

“Hindi ko yan maipapanga—” pinutol ko ang sasabihin nya.

“Babalik ako pangako, pag maayos na ang lahat babalik ako. Sa ngayon alagaan mo ang mga anak natin at ako ng bahala sa lahat.” Sabi ko at tsaka hinalikan sya sa sintido. Binitawan ko ang kamay nya.

Tumango lang ito.

Tumalikod ako at kinuha ang mga gamit ko tsaka ako lumabas at sumakay ng taxi.

Dadaan muna ako kanila melody.

Pag ka baba ko ng taxi ay bumaba din ang driver para tulungan akong nagbuhat ng mga dala kong maleta.

Kumatok ako doon pero ang tagal magbukas ng pinto. Muntik na akong matumba nang nakita ko Kung sino ang nag bukas ng pinto.

Si...

Ashton?

Yung kambal ni dash.

Anong ginagawa nya dito at bakit wala itong pangitaas at pawis na pawis.

“Ikaw pala Zuri.” Sabi nya sakin.

“Nanjan ba si melo—” naputol ang sasabihin ko ng bigla kong narinig na sumigaw si melody.

“SINO BA YANG ISTORBONG YAN ASHTON?” sigaw nito at tsaka ngumiwi lang si Ashton dahil sa sinabi ni melody.

“Ahh he-he, pasensya ka na ah ganyan talaga yang kaibigan mo pag nabibitin.”Sabi ni Ashton at tsaka kamot sa ulo. Kumunot naman ang noo ko di ko magets ang sinasabi nya pero ngumiti lang ako.

“Tara pasok ka.” Sabi ni Ashton at kinuha ang mga maletang dala ko.

“Nandito si Zuri!” Sabi ni Ashton bigla nalang sumulpot si melody Kung saan.

At ang itsura nito ay parang nakipag away na di mo maintindihan dahil gulo gulo ang buhok at ang lipstick nito ay Kumalat hanggang sa baba nya.

“Ayos ka Lang ba melody? Bakit ganyan ang itsura mo?” tanong ko sakanya.

“Bakit ano bang itsura ko?” tanong nya pa sakin.

“Para Kang nakipag away tsaka yung lipstick mo kumalat.” Sabi ko at tumakbo naman ito papunta sa salamin Para tignan ang sarili nya.

“O-oo nga.” Sabi nya at namula ang mukha. Parang nakakita ng multo ang itsura nya e.

Tumalikod si Ashton at lalong nangunot ang noo ko ng makita ang mga kalmot nya sa likod.

“Talaga bang ayos lang kayong dalawa?”tanong ko sakanila. Dahil wala akong idea kung anong nangyayari sakanilang dalawa.

“O-oo naman friend.” sagot ni melody hindi sya makatingin sakin.

“Pwede bang dito muna ang mga gamit ko?” pagiiba ko ng topic.

“Saan ka ba pupunta?” paguusisa ni melody saakin.

“May pupuntahan lang ako mamaya.” kaswal na sagot ko. Pero kung maaari ay ayoko sanang sabihin sakanya kung saan ako pupunta.

“Pwedeng pwede ka dito alam mo yan welcome ka sa bahay ko.” Sabi nya sakin at lumapit.

“May problema ka ba?” tanong nya sakin sabay hawak ng kamay ko.

Tumingin ako sa ibang direksyon.

“May inaayos lang ako, pero wag kang mag alala ayos lang ako.” sagot ko sakanya. Kaya ko 'to ng mag isa.

Kailangang iready ko ang sarili ko para mamaya. Handa ako sa kung ano ang mga mangyayari.

Kukunin ko ang saakin at Sisiguraduhin kong makakamit ko ang hustisyang para sa magulang ko.

×××

You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro