Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

Chapter 27

Pero tama ba ang narinig ko?

Mahal nya ako?

Bumitaw ako sa pagkakayakap nya at tsaka sya tinignan, kumunot naman ang noo nya ng dahil sa ginawa ko.

"A-anong sabi mo?"

Nagiba ito ng direksyon ng paningin.

"M-mahal kita..." sabi nya sa mahimang boses at hindi pa din nakatingin saakin.

Parang may kung ano akong naramdaman na hindi ko maipaliwanag.

Parang nagkakarerahan ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.

Biglang may pumatak na tubig sa ulo ko ng tignan ko ang mga Tao dito sa Park ay kanya kanya sila ng takbuhan Para sumilong.

Umuulan.

Tumingin ako kay dash na nakatingin Lang sa mga taong nagtatakbuhan.

Tumayo ako at hinawakan ang kamay nya.

"Tara na baka magkasakit tayo." sabi ko at hila sa kamay nya Para Tumayo, nang makatayo ay hawak ko pa rin ang kamay nya ng maglalakad na Sana ako ay hindi ito naglakad Kaya tumingin ako sa kanya.

"Tara n—"hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng walang Sabi sabing hinila ako nito papalapit sakanya at tsaka nya ako...

Hinalikan sa labi...

Nagulat pa ako sa ginawa nya pero di kalaunan ay tinugon ko ang halik nyang iyon.

Hindi namin ininda ang ulan.

Sa ginawa nya sakin ay mas lalong bumili ang tibok ng puso nya.

Parang bumagal ang takbo ng oras.

Nang matapos ang halik na pinagsaluham namin ay binitawan nya ako at tsaka ako niyakap ng mahigpit.

"Mahal na mahal kita... Mahal ko kayo... Ng mga anak natin." mahinang bulong nya pero hindi ko narinig ang huli nyang sinabi dahil mas lalong lumakas ang buhos ng ulan.

"Uhmmm, Dash di ba muna tayo sisilong baka kasi magkasakit tayo dahil sa ulan." sabi ko sakanya hinawakan nya ako sa kamay at tsaka hinila sa may parte ng park na kung saan may bubong.

Maraming Tao dun,dun nag puntahan ang mga Tao sa park kanina para sumilong.

"Dito muna tayo hanggang sa tumila ang ulan." sabi nya sakin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko,yung hawak nya ay sapat lang para hindi ako masaktan.

Nang tumila ang ulan ay tsaka kami umuwi, pagkauwi namin ay nag punta ako sa kwarto na tinutuluyan namin ni dash para maligo at magbihis.

Si dash naman ay kumuha Lang ng damit at sa baba na daw sya maliligo.

Pagkatapos kong maligo ay nahiga ako sa kama.

"Iiri mo pa misis malapit ng lumabas." sabi ng doctor.

"Ahhhhhhhh!" sigaw ko.

"Isa pa pong iri misis." sabi ba nya.

Kumapit ako ng mahigpit sa nurse na may hawak ng kamay ko.

Ang sakit.

"Ahhhh!"sigaw ko pa.

Maya maya pa ay narinig ko na ang iyak ng isang sanggol.

"Congrats misis baby girl ang baby mo." sabi ng doctor

Babae ang anak ko hindi ko kasi muna inalam ang gender nya para surprise

"Pero may isa pa." dagdag pa ng doctor.

May isa pa?

Pero isang bata lang ang nakita sa—

Ang sakit.

"Iiri mo Yan misis."

"Ahhhhh." sigaw ko tinodo ko ang lakas minsan lang manganak Kaya itodo ko na.

Maya Maya ay mayroon nanamang umiyak na sanggol.

"Lalaki naman ang panganay mo misis." sabi ng doktora—

"Zuri?" may tumapik sa balikat ko Kaya ako nagising.

Pag mulat ko ng Mata ko ay bumungad saakin ang gwapong mukha ni dash.

"B-bakit?" tanong ko sakanya habang kinukusot ang mata ko.

"Kakain na tayo, tumayo ka na jan wala pang laman ang tiyan mo." sabi nya sakin. Tumayo naman ako at nagpunta sa banyo Para mag mumug at maghilamos.

Ano yung napanaginipan ko?

Nanganak ako?

Panaginip lang ba talaga yun?

Pero bakit parang totoo?

Hindi kaya isa yun sa parte ng nawawala kong memorya.

Kung totoo man yun ay ibig sabihin may anak na ako?

Pero panong nangyari yun?

°°°

Papunta kami ngayon ni dash sa bahay nila mama, bigla ko kasing namiss sila kaya pinilit ko si dash na pumunta buti nga na pilit ko sya e.

"Bili muna tayo ng pasalubong para sa kanila." sabi nya saakin at habang nakatingin sa Daan.

"Sigeee, daan muna tayo sa malapit na mall." sabi ko sakanya.

Bigla kong naalala na wala pala akong dalang pera.

"Dash?" tawag ko sakanya.

"Hmmm?" sagot nya.

"Wa-wala pala akong dalang pera hehe." sabi ko sakanya at tumingin din ako sa daan naramdaman kong nakatingin sya saakin.

"But I have." simpleng sagot nya.

Nang makarating kami sa mall ay ipinarking nya ang kotseng gamit namin.

Pumunta muna kami sa department store Para bumili ng damit na pang regalo.

"Pumili ka lang ng gusto mo." sabi nya sakin.

"Sure ka?" tanong ko sakanya. Baka kasi nagjojoke Lang sya tapos mamaya sa counter ako pag bayarin diba.

"Yeah." sagot nya. Pumili ako ng dress para Kay mama.

"Anong mas maganda? Red o Blue?" tanong ko sakanya at pinakita ang dalawang damit.

Magsasalita na sana sya ng unahan ko sya.

"Itong blue ang mas maganda no?" sabi ko at wala itong nagawa Kung hindi ang tumango nalang.

Lihim naman akong natawa dahil sa ginawa ko.

Nang matapos kaming bumili ng damit nila mama at papa ay kumunot ang noo ko sa susunod naming pinuntahan.

Nandito kami sa pambatang damit.

Nakita kong pumipili si dash ng damit na pang babae na pang lima o anim na taong gulang.

"Dash para kanino yan?" tanong ko pag ka lapit na pag kalapit ko sakanya.

"Para sa kambal." sagot nya.

Para sa kambal?

E bakit ganyan kaliliit?

Hindi na kasya yan kay Cara.

"Pero dash hindi na yan kasya Kay Cara?" inosenteng Sabi ko sakanya.

Tumingin naman ito saakin, yung tingin na WHAT-THE-FVCK-ARE-YOU-SAYING-LOOK.

"Hehe, sige dash pili ka lang, dun Lang ako ah." sabi ko sabay turo doon sa pinanggalingan ko kanina.

Tumingin tingin ako ng damit Para Kay Cara, Carter at rem.

Nang matapos ako ay hinanap ko si dash nakita kong pumipili sya ng kanyang damit Kaya nila pitan ko sya.

"Tapos ka ng mamili?" sabi nya sabay tingin sa hawak kong basket.

Tumango naman ako.

"Ikaw? Yan nalang ba?" tanong ko sakanya.

"Yeah, after this let's go to the toy store." sabi nya at Tumango naman ako.

Nang matapos si dash sa pamimili ay pumunta na kaming counter Para I check out ang mga pinapili namin.

Pagka tapos naming bumili ng mga laruan ay dumiretso kami sa parking Para ilagay ang pinamili namin.

Tulak tulak ang push cart na pinamili namin hanggang sa sasakyan binuksan naman ni dash ang likod ng sasakyan at kinuha ang mga pinamili at inilagay dun.

Tinulugan ko sya ng makuha namin lahay ay binalik ko ang push cart habang inaayos nya ang mga gamit sa likod ng sasakyan pag balik ko doon ay nanduon na sya sa may harap ng sasakyan at hinihintay ako.

"Let's go." sabi nya sabay bukas ng pinto tsaka ako pumasok, ng nakapasok na ako ay umikot naman ito para makasakay na.

Tahimik kami buong byahe.

Nang makarating kami doon ay nagulat pa si rem ng pag buksan nya kami.

"A-ate?" sabi ni rem sabay yakap saamin. Bumitaw din agad sya sakin dahil nakita nya ang hawak ko.

"Kamusta na kayo?" tanong ko sakanya binatang binata na sya.

"Ikaw ang kamusta ate." sabi nya at tsaka gumawa kinuha nya ang ibang hawak ko.

Nang makita nya si dash ay binato nya ito.

"Ikaw Pala ang kasama ni ate Kuya, kamusta ka po Kuya?" sabi ni rem.

"Still the same kid." sagot ni dash Kay rem.

Pumasok kami sa loob nang makapasok kami sa sala ay may nakita akong nakaupo doon.

May bisita pala sila Mama.

"MA? Pa?" sabi ko sakanila at lumapit Para magmano.

"Bakit hindi ko sinabi na darating ka." sabi ni mama.

"Mabuti naman at naparito ka anak." sabi naman ni papa sakin at hinalikan ako sa pisngi.

"HI po." bati ko sa bisita nila.

Tumayo naman ito.

"Ikaw na ba si Zuri?" tanong ng medyo may edad na lalaki.

"Opo, bakit po?" tanong ko sakanya at tumingin kanila mama at papa.

"Matagal na kitang hinahanap hija, ako ng pala si Atty. Mico Lim matalik na kaibigan ng papa mo." Sabi nya sakin at tumingin kanila mama at papa.

"Po bakit po? Wala naman po akong atraso sainyo e." sabi ko skanaya at ngumiti Lang ito.

"Nandito ako para sabihin sayo na lahat ng ari arian at kayamanan ng mga magulang mo ay nakalangalan sayo lahat, kaya matagal na kitang hinahanap." sabi nya sakin at may kinuhang papel at inabot sakin.

Binasa ko ito at nanlaki ang mga mata ko. Alam kong mayaman ang pamilya namin pero hindi ko Alam na ganto kami kayaman..

"Sa-saakin po ba talaga 'to?" hindi makapaniwalang tanong ko sakanya.

"Oo hija sayo yan, ang kailangan mo lang gawin ay bumalik sa lugar Kung saan ka nabibilang...ito ang calling card ko tawagan mo ako kapag handa ka ng Malaman ang lahat. Mauna na ako." sabi nya saamin at umalis.

Totoo ba to?

___

You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.

A/N:Sana mabasa nyo po yung Love is a Losing Game habang naghihitay ng update ko po.Don't worry tapos na po yan at may isa pa akong ongoing na story sana mabasa nyo rin po. Thank you and keep safe everyone. Fight!✊😽

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro