Chapter 21
Chapter 21
Nagkaroon ako ng pagasa ng dahil sa putok ng baril na yun.
Mayroon pang sumunod na putok ng baril naalarma ang mga lalaking tauhan ni Samantha.
"KAPAG MAY NANGYARING MASAMA SA MAGIINA KO, SISIGURADUHIN KO TALANG IPAPARANAS KO ANG IMPYERNO SAINYO." sigaw ng pamilyar na boses pag kasigaw nya ay agad itong nagpaputok ng baril ulet.
"Da-dash?" mahinang sabi ko. Bigla namang itong tumingin sa gawi namin, may binulong ito sa kasama nya na sa tingin ko ay kaibigan nya Naka uniporme itong pang pulis.
Lumingon ito sa gilid ako at mabilis na kinasa ang baril at nagpakawala ito ng dalawang putok.
Kung titignan mo si dash ay parang sanay sya sa ginagawa nya.
Tumingin ako sa gilid Kung saan sya nagpaputok may dalawang lalaking naka handusay roon.
Pumunta sya sa gawi namin ng mga bata.
"Z-zuri? Are you okay? Zephyr? Zachary? Are you okay?" sabi nito at tinanggal ang pagkakatali sa kamay at paa ko.
"Sa-salamat."sabi ko sakanya at pinakawalan si Zac at sya naman Kay zep medyo nakahinga ako ng maluwag ng makita kong maayos na ang mga anak ko pero nag iwan sa kamay nila ang bakas ng tali dahil sa sobrang higpit nito.
Kailangan naming makalabas ng ligtas dito.
Yumakap saakin si Zephyr at Zachary na umiiyak.
"Mama umalis na po tayo dito." paki usap ng anak ko naaawa ako sakanila hindi dapat nila ito nararanasan ngayon hindi dapat sila nakakaramdam ng takot.
"Aalis tayo ng ligtas dito anak, pangako yan." sabi ko sakanya.
"Let's go." sabi ni dash binuhat nito si Zephyr at hinawakan ko naman si Zachary.
Hindi pa kami nakakalabas ay may nakita na akong isang lalaki at may hawak itong baril nakatutok ito Kay dash.
Nang-ipuputok nya na ito ay agad kong binitawan si Zachary at ni yakap si dash at Zephyr.
"Da-dash." sabi ko at naramdaman kong may Kung anong tumama sa likod ko. Bumagsak kami sa sahig.
At nakarinig pa ako ng ilang putok ng baril.
"Zu-zuri?" boses iyon ni dash.
"Dash, ako ng bahala sa mga bata." narinig kong Sabi ni Ashton.
"H-hey babe, hold on d-don't close your eyes. P-please I'm begging you, d-don't please." nagmamakaawa ang boses ni dash.
"Ma-mahal ki-kita dash, i-ingatan mo ang a-anak na-natin..." sabi ko hindi ko na kaya nakakaramdam na ako ng antok.
Sinakay nya ako sa loob ng ambulansya. May tumulong sakanya.
Hinawakan nya ang kamay ko.
"... Ma-mahal na ma-mahal ko ka-kayo da-dash." sabi ko pa sakanya
"Shh... W-wag kang ma-magsalita, kumapit ka sa mga ka-kamay ko, wag mo ko-kong iiwan...ka-kami ng mga a-anak mo Zuri hi-hindi... hindi ko kaya, mahal ki-kita Zuri mahal na mahal ko kayo." sabi ni dash habang hawak ang kamay ko at umiiyak.
"... Pa-patawarin mo ako Zuri, hindi sana ma-mangyayari 'to kung mas binilisan ko ang pag hahanap ko sa-sainyo...please Zuri w-wag mo akong iiwan. Ma-maawa ka sakin at sa mga a-anak mo."pagmamakaawa nito sakin.
"Hi-hindi ko na ka-kaya Da-dash, inaantok na ako." sabi ko sakanya.
"P-please babe, d-don't close your e-eyes." sabi ni dash.
Hindi na ako nakasagot dahil unti unti na akong hinila ng antok.
Masaya ako kasi nalaman kong mahal ako ni dash.
Napakasaya ko.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko ang puting kisame.
Tumingin ako sa paligid ko at nakita ko si melody, tumayo agad ito at lumapit sakin.
"Friend? Anong nararamdaman mo ayos ka lang ba?" tanong nito sakin.
"Nasaan ako melody? Bakit ako nandito?" tanong ko sakanya.
Kumunot ang noo nito.
"Hindi mo ba natatandaan ang nangyari sayo? Sainyo?" tanong nya sakin.
"A-ano bang—"hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may pumasok na isang batang babae at tumakbo ito papalapit sakin, may pumasok ulit at isang batang lalaki naman kagaya ng batang babae ay lumapit din ito sakin.
"Mama!" sabay na sigaw nila at niyakap ako.
Hindi ko sila kilala pero ang sarap sa pakiramdam ang yakap nila.
Tinignan ko si melody na nakatingin din pala saamin.
"Mama? Bakit po hindi kayo nagsasalita? Hindi nyo po ba kami namiss." tanong bg batang babae, may roon akong luhang nakita sa mga mata nito na kahit na anong oras ay babagsak na ito.
"Mama okay lang po ba kayo?" tanong pa sakin ng batang lalaki.
Bakit nila ako tinatawag na mama?
Wala pa naman akong asawa at anak e.
21 years old palang ako, Kaya imposible na anak ko sila.
Sa tingin mo mga limang taon na sila.
"Ahmm, Zac at Zep tara na muna ihahatid ko muna kayo kay tito daddy. Pag pahingahin nyo muna ang mama nyo." sabi ni melody at tumingin sakin.
"Ihahatid ko muna sila ah, tatawag na din ako ng doctor." sabi nito tumango naman ako at lumabas na sila tumingin pa ako sa mga bata.
May kung anong meron sila na di ko maipaliwanag.
Maya-maya ay bumalik na si melody may kasama itong dalawang lalaki at ang isa ay Naka lab gown mukhang doktor ito ng hospital,pero ang isang lalaki ay hindi ko kilala.
Lumapit ang isang lalaking kasama nila melody at ng doctor.
"Gising ka na pinag-alala mo kami kami kala ko... Kala ko iiwan mo nakami." sabi nya saakin halata ang pagod at pagaalala sa mukha nya. Hinawakan nya ang kamay ko at agad ko naman itong kinuha.
"S-sino ka ba? Bakit mo a-ako hi-hinahawakan?" tanong ko sakanya lumayo ito sakin at tumingin sa doctor.
"H-hindi mo na ma-matandaan kung sino ako?" tanong ng lalaki sakin bakas ang takot sa mukha nito.
Umiling ako at tumingin sa kamay ko para iwasan ang tingin nya.
"... Ngayon palang kita nakita." sabi ko sakanya.
Ngayon ko palang sya nakita pero bakit yung tibok ng puso ko ay sobrang lakas at napaka bilis.
"I think she's experiencing a psychogenic amnesia." sabi ng doctor.
"Psychogenic amnesia?Hindi naman nabagok ang ulo nyan doc e. Sa likod ang tama nyan e bakit nagka amnesia at tsaka amnesia? E natatandaan nga nya ako." sabi ni melody sa doctor.
"Psychogenic amnesia it occurs when a person blocks out certain information, often associated with a stressful or traumatic event, leaving the person unable to remember important personal information... Meaning Kaya nya hindi maalala si Mr. Lazaro dahil sa trauma na naidulot ng pangyayari ng iyon sakanya."paliwanag ng doctor.
Amnesia?
Ako may amnesia?
"Ano ang mga huli mong natatandaan Ms.Evangelista?" tanong sakin ng doctor.
"Yung bumili kami ni melody kahapon sa Tindahan ni mang Jose ng alak tas..." sasabihin ko na e nakakahiya e.
"... Tas ano hi-hinabol kami ng limang aso pag balik."nahihiyang sabi ko.
"OMG! That was 7 years ago friend, bakit sa dami ng maaalala mo ay ayan pa. Jusko nakakahiya." sabi pa ni melody tumawa naman ang doctor at yung lalaki naman ay nakatingin Lang sakin, naiilang ako sa klase ng pagtingin nya.
"Ayon lang ba ang huli mong maalala?" tanong sakin ng doctor.
Tumango ako.
"Mauna na ako sainyo."
"Thank you po doc." sabi ni melody.
"Thanks, Montefiore." sabi naman nung lalaki tango lang ang sinagot ng doctor bago lumabas.
"Melody?" tawag ko sakanya.
"ILang araw na ako nandito." tanong ko sakanya. Tumingin muna ito sa lalaki bago sumagot.
"Magiisang linggo na friend." sagot ni melody nagulat ako sa sinabi nya. Isang linggo ibig sabihin mag iisang linggo na akong tulog.
Biglang sumakit ang ulo ko.
"Ayos ka lang ba friend?" tanong nya sakin.
Bigla namang tumayo ang lalaki at lumapit sakin.
"Hey, are you alright?" tanong nito sakin natatarantang sabi nya hindi nya alam kung hahawakan nya ba ako o ano.
Tumango lang ako.
"Magpahinga ka muna, wag mong piliting makaalala." sabi nya sakin at umalis.
Parang may kung anong sumakal sa puso ko ng umalis sya.
Sino ba sya.
Pamilyar ang mukha at boses nya sakin.
Parte ba sya ng mga alaalang nakalimutan ko?
You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro