
Chapter 16
Chapter 16
Nang ma discharge ako sa hospital na pinagdalhan sakin ni Ashton ay hinatid nya rin akp sa bahay ni melody dito ko nalang piniling tumuloy muna, wala namang kaso Kay melody yung pagtuloy ko dito pabor pa nga sya e.
Gusto kong lumayo muna kay Dash.
Dahil ayun ang nararapan kong gawin, ayokong maging bastardo ang mga anak ko.
At napagalam ko na yung babaeng nasa office nya nung araw na yun ay si Samantha ex-fiance at first love daw ni Dash si Samantha sabi ni Ashton kaya di na ako magtataka Kung anak nga nila yun nakuha nito ang Mata ni dash.
"Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?" nagaalalang tanong ni melody, di ko namalayan na nandito na pala si Melody at naabitan nya pa akong umiiyak.
Umiling ako, pinunasan ko ang mga luha ko.
"Gusto ko ng pinya" sabi ko sakanya. Para kasing bigla akong naglaway sa pinya e.
"Pinya lang pa-" na putol ang sasabihin nya dahil agad akong nagsalita halos mamutla naman sya dahil sa sinabi ko. Kahot sino nan siguro ay mamumutla dahil hindi lang basta pinya ang gusto ko.
"Na pink yung loob. " sabi ko sakanya. Na bigla sya sa sinabi ko, parang gusto nalang magpakain ni Melody sa lupa dahil sa narinig nyang sinabi ng kaibigan.
"Wa-walang ganun friend." Nauutal na sabi ni Melody.
"Merong ganun." sabi ko at nagbabadya ang mga luhang tutulo sa mga mata ko. Gusto ko talaga ng pinyang pink ang loob, gusto namin yun ng baby ko.
"Sige, susubukan kong pahanapin si Ashton." sabi nya at kinuha ang cellphone nya at tinawagan si Ashton ini-loudspeaker nya ito.
"Hello, Ashton?" Pani-mula ni Melody sa kabipang linya ang totoo ay kinakabahan talaga sya kagaya nya ay paniguradong magugulat din itong si Ashton dahil gustong kainin ng buntis nyang kaibigan.
"Why? do you need anything?" Sabi ni Ashton sa kabilang linya.
"Ahmm, ano kasi..." medyo nag-a-alinlangan pang sabihin si Melody. Kaya ako na ang nagsalita.
"Gusto ko ng pinya." Sabat ko sa paguusap nilang dalawa.
"Okay then, I will deliver it to you la-" di natapos ang sasabihin nya ng bigla kaming nagsalita ni melody.
"Na kulay pink ang loob." sabay na Sabi namin ni melody.
"W-what? Are you serious? Where the fvck I can find that food." sabi ni Ashton. Halata ang gulat sa boses nito.
Bigla naman akong umiyak ng malakas. Hindi ako makakakain ng pinyang kulay pink ang loob naiisip ko palang yun ay parang sobrang miserable na ng buhay ko.
"HOY ASHTON HUMANAP KA NG PINYA NA KULAY PINK YUNG LOOB KUNG HINDI AY TATAMAAN KA SAKIN." Sigaw ni melody at tsaka pinatay ang tawag.
"Wag ka ng umiyak, kapag hindi sya nakahanap ng gusto mo talagang wag lang syang magpapakita sakin. Lalagyan ko ulet sya ng black-eyed."kumalma naman ako sa sinabi ni melody.
"Salamat." sabi ko habang sumisinghot singhot pa.
Nang hapong ding yun ay dumating si Ashton sa bahay ni melody at may dala itong ilang sakong pinya.
"Saan ka nakahanap nito Ashton?" tanong ko sakanya.
"Sa Visayas pa yan kinuha ng kaibigan ko." sagot naman nito.
"Kaibigan?" tanong ko sakanya.
"Yeah? Why?" may pagaalinlangan sa mukha nito.
"Gusto ko ikaw ang pumitas nyan galing sa farm. Tutal kamukha mo naman yung kapatid mo e." sabi ko sakanya. Namutla naman ito.
"W-what? Are you crazy?" sabi nito sakin. Agad namang dumating si melody.
"ANONG CRAZY CRAZY PINAGSASABI MO HA ASHTON JACE? PUMUNTA KA NA DUN SA PINAGKUHANAN NG KAIBIGAN MO NG PINYA NA YAN AT IKAW MISMO ANG MAG-HARVEST TAWAGAN MO KO KAPAG MAGHAHARVEST KA NA PARA MAKAPAG VIDEO CALL TAYO PARA MAKASIGURONG IKAW TALAGA ANG NAG-ANO" sigaw ni melody Kay Ashton, ang maangas na Leon ay naging kuting nalamang ng sinigawan ni melody.
May nararamdaman akong something sa kanilang dalawa.
"Fine" sabi ni Ashton at itinaas pa ang mga kamay.
"Yehey, the best ka talaga ash." sabi ko sakanya.
"Basta ba pakiss ako Mel." sabi ni Ashton at sabay tingin Kay melody.
Ang galing ah Mel nalang ngayon.
Bigla namang umamba si melody ng suntok at ka agad na tumakbo papalabas si Ashton.
“Wala ka na bang ibang gustong bilhin? Baka nagugutom ka? Wag mong pababayaan yung sarili mo dahil baka mapano yang mga inaanak ko.” Nag aalalang sabi ni Melody napangiti ako dahil maswerte parin ako dahil mayroon akong melody na laging nakaalalay.
“Kumalma ka nga muna jan melody. Maayos ako at ang bata diba sabi din ng doctor na okay kami,tsaka salamat pala ah kasi hindi mo kami pinabayaan.” Sabi ko at niyakap sya, napasinghot singhot ako dahil nagbabadya nanaman ang luha sa mga mata ko.
“Ano ka ba, wala yun... Para saan pa na naging kaibigan mo ako. Wag ka na ngang madrama dyan alam mo namang ayaw ko umiyak e.” Bigla akong natawa sa sinabi ni melody. Ayaw na ayaw talaga nito ang drama.
“Salamat talaga, friend.” Sabi ko sakanya at ngumiti naman sya.
“Ano maganda naman ba yung Samantha?” Halos mahulog ang panga ko dahil sa klase ng tanong ni melody, umandar nanaman ang pagiging mapanlait na chismosa nitong si melody.
Dahan dahan akong tumango...
“Nako di hamak naman siguro ma mas maganda ka dun! At tsaka ikaw mabait.” Sabi ni melody habang naka pamewang.
“E matalino?” Tanong ko sakanya pero agad naman itong napangiwi na para bang pinagbabawal na salita iyon.
“Mabait ka naman, friend tsaka masipag ka din.” Sabi pa ni melody at sinabayan nya ng tango para bang kinukumbinsi nito ang sarili.
“Sabihin mo nalang kasi kung kulang ako sa talino.” Sabi ko sakanya at kunwaring naiirita.
“Ito namang buntis na ito hindi mabiro... Wag ka ngang magtampo baka masakal ko yung tyan mo diyan.” Pabirong sabi ni melody at natawa naman ako...
Tumatawa ako pero alam ko sa sarili ko na hindi ako masaya ngayon...
Ayoko ng gantong pakiramdam...
Ang hiling ko lang ay sana hindi ito maramdaman ng mga anak ko. Ayokong makaramdam sila ng ganitong sakit na kailangan pang solohin. Tama na yung ako nalang yung masaktan...
Alam kong magiging mahirap ito pero para sa mga anak ko ay kakayanin ko lahat....
You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.
©msmncd
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro