Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue


Monday Mass


Masama talaga ang ugali ko. 


Proud ba ko? 


Siguro.


Ngayon ko lang nakumpirma, akala ko kasi maldita lang ako. 


Mas malala pa pala ako. 


"Tamihik nating ipanalangin ang kaluluwa ng yumaong kapatid natin. Ipabaon niyo ang inyong huling mensahe para sa kanya," sabi ng Pari at yumuko naman ang mga nakikinig.


May kapatid pala ako mula sa ibang magulang? 


Bakit ba kapatid ang tawag nila sa mga kapwa nila? Hindi naman sila iisa ng magulang. 


Spiritually? Ay weh?


Napatingin ako sa kabilang hanay ng mga bangko. Nakatingin sa 'kin ang isa sa mga youth leader. Inayos niya ang frameless eyeglass niya. Agad akong umiwas at yumuko. Pumikit na rin ako para makisabay sa mga kasama kong nakikinig ng misa. Gigil pa naman sa 'kin ang mga church youth leader ng school. 


Hindi pa man ako nagtatagal na nakapikit nang merong humagulgol ng iyak. Lahat kami napadilat at napatingin do'n. Isa sa mga student leader ng campus ang hindi na nakapagpigil at napaiyak na. Hindi na nakatiis ang ibang istudyante at napaiyak na rin. Synchronize sila parang swimming. 


Dapat na rin ba kong umiyak?


Kaso hindi naman kami close ng namatay na istudyante. Hindi ko nga alam kung kilala niya ko.


Pero valid naman siguro kung umiyak ako dahil absent ako sa first subject ko? Hindi ako nakapasok dahil hinarang ako ng isa sa youth leader para um-attend ng pamisa nila para sa namatay na istudyante. Aangal sana ako kaso naalala ko may atraso ako sa kanila nang minsang tanongin ko sila kung bakit hindi nila damitan si Jes/us baka nilalamig na siya sa gitna ng altar. 


Muntik na ko ma-report sa Dean for misconduct buti na lang niligtas ako no'ng isang Campus student leader. Si Riza. 


Si Riza. 


Para sa kanya nga pala ang misa na 'to. Natagpuan siyang patay sa isang botanical shop sa bayan. Pinukpok sa ulo bago pagsamantalahan, o pinagsamantalahan muna bago hampasin sa ulo. Hindi ko maalala ang buong kwento na narinig ko. 


Pero naalala ko kung paano siya ngumiti bago bumaba ng bus, isang araw bago siya matagpuang patay. 


Ang bagal ng oras no'n. Uwian kaya maraming nag-aabang ng masasakyan. Maswerte ako at nakaupo agad ako at malapit pa sa driver kaya kita ko ang muka ng mga sumasakay at bumababa mula sa pinto. 


Huminto ang bus, sumakay siya kasabay ng iba pang istudyante. Nakangiti siya kahit pawisan at nakikipagsiksikan. Lahat ng pasahero na kakilala niya binati niya at nginitian, maliban sa 'kin. Siguro dahil nag-headset ako no'n para hindi maingayan at umiwas na ng tingin sa kanya. Pwede ring dahil hindi naman niya ko kilala. 


Malinaw sa 'kin ang sinabi niya bago ko i-play ang music sa cellphone ko. 


"Meron lang akong pupuntahan sa bayan."


Kung saan man siya pumunta, hindi na siya nakabalik pa. Walang nakakaalam kung saan siya nagpunta. Kung meron ba siyang imi-meet o ka-date. Kung meron ba siyang kasama o mag-isa lang. Kung anong plano niya ng araw na 'yon. Wala kahit sino man ang napagsabihan niya.


Matapos ang araw na 'yon, nagsimulang maghanap ang mga kaklase niya, teacher at kapwa leaders. Walang makapagbigay ng sagot. Kahit ang mga magulang niyang walang nakakakilala hindi rin nila mahanap para tanongin.  Nag-aalala sila dahil hindi niya gawain ang hindi magsabi kung hindi papasok. Hindi rin ma-contact ang cellphone niya.


Natapos ang araw na walang Riza. 


Nasagot lang ang tanong nila ng may dumating na pulis sa campus. May dalang papel na may litrato ng I.D. Nagtanong kung sino si Riza, kailan huling nakita, sinong huling kasama at kung ano-ano pang hindi ko na rin pinakinggan. Hanggang sa mainis na ang prof namin na kaharap nila.


"Ano ho bang nangyari? Hinahanap nga rin ho namin siya," sabi ng prof namin na mukang hindi masaya at na-hold ang pa-quiz niya.


Pero sa 'kin ayos lang, wala akong review ng araw na 'yon.


Tanda ko pang nagtinginan ang mga pulis bago sabihin ang totoo.


"Natagpuan hong patay si Riza kaninang umaga, pinaghihinalaan pong ginahasa bago patayin," sabi nila na parang natural na sa kanila ang makakita ng patay at magbalita sa iba.


Nagkagulo. Nanlambot ang prof namin at muntik pang mahimatay. Meron hindi makapaniwala. Merong umiyak na para bang malapit sa kanila si Riza. Meron nagbalita agad sa iba gamit ang GC na hindi ako kasali, kasi ini-screenshot ko mga sinasabi nila tapos sine-send ko sa pangalang binanggit nila. Merong pang natulala sa pagkabigla. 


Ako? Iniisip ang pa-quiz, hindi na tuloy.


Ilang araw na-hold ang kung ano mang pa-activity ng school. Pumapasok na lang ang mga istudyante para makibalita sa imbestigasyon o kaya man maki-tsismis para may maipagmayabang sa iba na nasubaybayan nila ang kwento ng krimen. 


Napatunayan kong maraming nagmamahal sa kanya sa school. Mapa-professor, students, janitor o janitress, security guard at tindera sa canteen, nagluksa sa pagkawala niya. Ilang araw akong hindi nakabili ng maayos sa canteen dahil abala sa paghagulgol ang tindera. Itatakas ko na lang sana ang paninda niya kaso laging nakatingin sa 'kin ang church youth leader na sa hindi ko maintindihan na dahilan ay lagi kong nakakasabay.


Dahil sa kanya pakiramdam ko demonyo ako. Ang sama kasi lagi ng tingin niya sa 'kin. 


Lalong naging mailap sa 'kin ang mga schoolmate ko. Wala daw akong damdamin. Walang kwentang tao at marami pang salita na hindi na bago sa 'kin. At nasabi nila ang lahat ng 'yon ng dahil lang sa tinanong ko kung hindi pa rin ba magka-klase para makauwi na ako at makatulog.  Hindi na rin bago sa 'kin ang paglayo nila. Kaiba nga lang ngayon dahil ang dahilan nila ay wala daw akong simpatya sa yumao.


Hindi ako marunong magbigay ng simpatya, at kung magbigay man ako, mabubuhay ba siya?


Lalong naging masakit ang pagkamatay ni Riza ng hindi mahanap ang kriminal na pumatay sa kanya at makumpira na pinagsamantalahan nga siya. Maraming nagalit sa kapulisan at syempre umusbong ang haka-haka na baka kilala ng mga pulis ang gumawa at pinagtatakpan lang. 


Dumating ang araw ng libing niya. Gumawa ng maliit na altar ang mga teacher at nilagyan ng kandila. Nadagdagan ang kandilang 'yon ng mga istudyanteng gustong magpabaon ng dasal sa kanya. Inabot ng dilim pero marami pa ring nagsisindi ng mga dala nilang kandila. Gumawa rin sila ng floating lanterns na puno ng mga mensahe nila para sa kanya. 


Makikisulat din sana ako kaso nagalit sa 'kin ang kaklase ko nang tanongin ko kung sigurado ba siyang sa langit mapupunta ang lantern at hindi sa bubong ng bahay. Inagaw niya sa 'kin ang marker tapos minura pa ko. Nagtatanong lang naman ako.


Nagbigay na lang ako ng pabaon para kay Riza. Lahat sila kandali at dasal. Baka magsawa siya. Para maiba pinabaunan ko siya ng flat tops candy. Binato ko 'yon sa altar na ginawa nila dahil hindi ako makalapit sa dami ng nakakalat na kandila. Muntik na kong murahin ng ibang istudyanteng nakakita sa ginawa ko kaya inalok ko rin sila. Hindi ng flat tops, kundi ng sariling altar.  


Bumalik ang school sa normal na gawain pero bakas pa rin ang kalungkutan. Bago na ang campus student leader. Nagpa-quiz na si Prof. Kumpleto na ulit ang oras ng klase. Nakakabili na ulit ako ng maayos sa canteen. Pero ang church youth leader mukang masama pa rin ang loob sa 'kin. 


Ngayong araw ang pang-40 days niya. Kaya merong pamisa ang mga leaders para sa kanya. Nag-invite pa ng pari para sa maliit na simbahan dito sa campus. Pero hindi man lang ako tinanong kung gusto ko rin bang ma-invite dito. Hinayaan ko na lang dahil nga sa atraso ko sa kanila.


Kaya nasabi kong masama talaga ang ugali ko, dahil sa kabila ng mga nangyari nananatili pa rin akong walang pakialam sa iba o kay Riza. Hindi ko alam kung bakit, ganito na talaga ako dati pa. Wala namang nanakit sa 'kin o nagbigay ng trauma. Sadyang ganito na ko. 


Walang sympathy at empathy sa iba. 


Hindi ko rin alam kung paano magkaroon. 


Natapos ang misa kahit puro hagulgol na lang ang narinig ko. Agad kong dinampot ang bag ko. Hindi talaga ako bagay sa simbahan. Nag-iinit ang pwet ko, demonyo nga yata talaga ako. Pero lalo akong made-demonyo sa Prof namin. 


Nakarating ako sa klase, patapos na at ang masakit nag-long quiz sila. Buti na lang tinanggap niya ang paliwanag ko na um-attend ako ng misa. Bibigyan na lang niya ko ng long quiz pagkatapos ng last subject ko. Pabor naman sa 'kin para wala ring ibang abala sa 'kin.


Kakaiba sa 'kin ang araw na 'to. Mabigat sa pakiramdam at laging malamig ang hangin kaya nagtatayuan ang balahibo ko sa batok. May mga ganitong araw talaga sa buhay ko, lalo na't hindi na iba sa 'kin ang pagpapakita ng mga hindi tao. Pero ngayong nasa college na ko hindi na madalas mangyari. Kung tutuusin parang hindi na ko nakakakita or nakakaramdam pa.


Natapos ang buong araw ko sa pag-attend ng klase. Ilag pa rin naman sa 'kin ang mga schoolmates ko. Ayos lang, hindi ko rin naman sila nilalapitan. Nasalubong ko pa ang church youth leader. Balak pa kong abutan ng flyers na dala niya pero umiba ko ng daan bago pa siya makapagsalita. 


May atraso ako sa kanila pero hindi dahilan 'yon para mahikayat akong magsimba or maging member ng simbahan nila. 


Matapos ang huling subject ko dumiretso na ko sa Prof ko para sa long quiz. Hindi naman gano'n kahirap kaya halos 15 minutes ko lang nasagot lahat. Nagpaalam na ko at umalis na para makauwi. Ayoko talagang inaabot ng dilim sa campus. 


"Mag-ingat ka, alam mo naman ang nangyari kay Riza," paalala ng Prof ko bago ako tuluyang makaalis. 


Pagdating sa madalas kong pagtambayan para mag-abang, meron ng nakahintong bus. Kaunti na lang ang nasakay dahil kanina pa ang uwian. Karimahan din sa mga istudyante, puro pang-umaga hanggang hapon na klase lang ang kinukuhang schedule.


Kung mamalasin nga naman talaga, ito rin ang bus na nasakyan ko no'n at ang huling bus na nasakyan ni Riza. Hahakbang pa lang sana ako para sumakay pero nanlamig ako sa ihip ng hangin. Nagtayuan ang balahibo ko. Kakaiba talaga sa pakiramdam na para bang meron mangyayari.


Sandali akong tumingin sa langit. Maulap.


"Sasakay ka ba?" tanong sa 'kin ng driver. 


Kinikilabutan ako pero gusto ko na ring makauwi agad. Tumango ako bago sumakay at pinili ko ulit ang upuan sa likod niya. 


Malamig na hangin lang siguro 'yon. Wala naman sigurong kakaibang mangyayari. 


Umandar ang bus. Kinuha ko ang headset ko at sinuot. Nakatingin ako sa labas ng bintana habang umaandar kaya tanaw ko ang sunod na bus stop at ang mga istudyanteng pumapara. Hindi malinaw ang mga mata ko sa malayo pero pamilyar sa 'kin ang isa sa kanila.


Huminto ang bus para magsakay. Isa-isang pumasok ang mga kaninang nag-aabang. Lalong nagkagulo ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Agad kong inabot ang bintana sa tabi ko pero napatiningin ako sa huling sasakay. Hindi ko makita ang muka niya pero kita ko ang suot na damit niya. Pamilyar. 


Lumamig na naman ang pakiramdam ko. Sinara ko ng tuluyan ang bintana. Tumayo ang driver para tulungan ang ibang pasahero na isara ang mga bintana. Maswerte ang mga kasasakay lang dahil maraming bakanteng upuan. Pinupunasan ko ang damit kong naanggihan ng ulan ng makita ko ang huling sumakay. Nagdalawang tingin pa ako bago mapatitig sa kanya kasabay ng panlalaki ng mga mata. 


Duguan.


Malungkot ang mga mata.


At halatang naliligaw dahil hindi alam kung anong nangyari sa kanya.


Si Riza.


Sa mismong harapan ko, sumakay sa kaparehong bus na sinakyan niya bago siya mamatay.


Humawak siya sa stand railings kagaya ng ginawa niya no'n. 


Kaparehong pwesto ng huling beses ko siyang makita.


Pinilit niyang ngumiti at binati ang mga tao sa bus kagaya rin no'n pero wala namang sumasagot dahil wala namang nakakakita sa kaniya.


Maliban sa 'kin. 


Hanggang sa magtagpo ang mga mata namin. Pinilit kong kumalma at nagpanggap na hindi siya nakikita. Kuwaring nakatingin sa bintana ng bus sa likod niya. 


"Hi Kriz, kumusta ang klase?" bati niya sa 'kin.


Nanindig ang mga balahibo ko. Hindi ko napigilang mag-react. 


Malaking pagkakamali. 


Pero bakit alam niya ang pangalan ko?


Mukang alam na niya na nakikita ko siya. 


Kahit siya parang nabigla rin.


"Kriz?" tawag niya sa 'kin. 


Humakbang siya palapit sa 'kin. Pinagpapawisan ako kahit maayos naman ang temperatura sa bus. Idagdag pang umulan at hindi rin mainit mula kanina.


Yumuko siya at inilapit ang muka sa 'kin.


"Kriz? Nakikita mo ko?" tanong niya.


Kinuha ko ang cellphone ko at inayos ulit ang headset ko. Nag-play ako ng music at pumikit. Pero hindi pa ko nakakatagal ng maglakad ang driver pabalik sa harap para paandarin ang bus, napilitan akong dumilat. Wala na si Riza sa harap ko. 


Nasa tabi ko na siya.


Hindi ko naiwasang umusog ng upo. 


Gusto ko lang siyang iwasan hanggang sa maglaho siya.


Pero mukang hindi 'yon mangyayari.


"Tama ako, nakikita mo nga ako."






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro