Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9 : Pile-up

Chapter theme : By your side - Faber drive


"Kung tutunganga ka lang diyan, sabayan mo na lang ako rito sa netflix."

I snapped out of my reverie hearing Reika's words. Natagpuan ko ang sarili kong nakaupo sa kama ko habang nakaharap sa mga libro at handouts na hindi ko pa nagagalaw.

Can I really do this?  I couldn't help but ask myself. 

First-semester pa lang pero pagod na pagod na ako, paano kaya kung actual duty na? This can't go on like this. Reika had a point.

"Hoy Silverianne!"

Nagulat ako nang makitang nakaapak na si Reika sa hagdan na nasa gilid ng kama ko. Hindi ko na siya napigilan pang umakyat. Tumabi sa akin ang loka-loka, hindi man lang natakot na baka gumuho bigla ang bunk bed dahil sa bigat namin.

"Sino iniisip mo?" She grinned.

"Crush ko," I said sarcastically.

Lalong lumaki ang ngisi ng siraulo. Naniwala. "Si Jethro?"

"Bakit ba lagi mo akong tinutulak doon?" Hindi ko na napigilang magtanong. Halatang-halata ko na ang galawan niya at alam kong naiimpluwensyahan na niya ang tatlong itlog. Lagi nila akong tinutulak at tinutukso kay Jethro eh 'di nga kami halos nag-uusap. 

Reika shrugged. "Ano bang nangyayari kapag kinikiskis mo ang dalawang bato sa isa't-isa?"

Napatanga ako sa tanong niya. Malay ko ba.

"Sparks, Silver. Sparks." She grinned, raising up her hands and opening them in an explosive manner. 

I rolled my eyes and sighed. "Better stop it, naiilang na 'yung tao."

Humalakhak si Reika. "Si Jethro? Tao? Pareho kayong bato uy!"

"Whatever. Just stop it," I said firmly.

"Kanino mo ba gustong mabugaw?" She asked mischievously.

"Sa crush ko." Pinagpatong-patong ko ang mga libro ko at isinantabi ito saka nahiga.

"Sino?!" Reika beamed. Parang naging kiti-kiti bigla. Humiga pa ito sa tabi ko kahit sobrang sikip na. Wala talagang takot mahulog sa sahig.

"Si Rukawa," pag-amin ko nang kaunti.

Biglang naglupasay si Reika na para bang nakagat ng asong may rabies. "Sinasabi ko na nga ba, crush mo si Jethro! Rukawang-Rukawa 'yon eh! Cold na magaling sa basketball!"

Mabilis akong napabangon at sinamaan siya ng tingin. "He's not a Rukawa."

"Eh sino ba siya?" Napabangon din si Reika, kunot-noo at gulong-gulo ang mahabang buhok.

"Jethro is Gori. Nakakatakot," sabi ko at sa isang iglap umalingawngaw ang napakalakas na tawa ni Reika. Madaling araw na at parang walang pake si Reika kahit mabulabog na ang mga kapitbahay. Siraulo talaga.


It was a Saturday kaya naman wala akong pasok sa University at sa Club. Reika and I would usually spend our Saturdays cooped up in our room watching Netflix all day while surviving on Instant noodles or fast food. However, this Saturday was different because Reika and the idiots went to an out of town gig. Gusto ko munang mapag-isa at mag-isip isip kaya naman hindi na ako sumama. Wala na akong pakialam kahit andoon pa si Tres. Bahala siya doon. 

Time flies when you're having fun. Totoo nga naman dahil namalayan ko na lang na alas-singko na ng hapon. Kinuha ko ang cellphone ko upang umorder sana ng pizza nang makita kong may mga mensahe ako mula kay Reika.


Reika:

Psssttt

Psshiiit 

I'm at Evadina Nature Park. Baka lang gusto mo humabol. 

Braylee was right, sobrang ganda rito. 

Sarap ng hangin, sobrang nakaka-relax. May mga matatandang puno, baka andito ancestors mo

Nakatulog ka na??


Silver:

busy netflix yoko


Reika:

Don't worry, wala rito ang mga loko-loko


Silver:

Iniwan ka nilang mag-isa?


Reika:

Nah, tumakas ako. Ingay kasi nila.

Samahan mo nga ako rito


SIlver:

Di ko alam saan yan, baka maligaw ako


Reika:

Baliktarin mo damit mo

who are we kidding though, di ka manununo kasi di ka naman tataluhin ng mga kauri mo


Silver:

Kung pikon lang ako, matagal ka nang patay


Reika:

I'm already dead hahahahaha


Silver:

ikaw talaga ang totoong multo


Reika:

Bilis, sakay ka na ng bus. Piliin mo 'yung Thomasson Bus Lines na may 33 sa gilid. Baba ka sa Puerto Evadina. 


Silver:

Why is that too specific?

R u up to something???


Reika:

Ganyan ba talaga tingin mo sakin? Laging may masamang balak?


Silver:

You can't blame me, mukha kang myembro ng kulto



Marahas akong napakamot sa ulo ko. Tinatamad man, tumayo na lamang ako at nagbihis. Kung totoo ngang nag-iisa lang doon si Reika, kailangan ko siyang samahan.

Pagdating ko sa Bus Terminal, sumakay ako sa Bus na tinukoy ni Reika at pumwesto ako sa pinakaharapan para naman 'wag akong magkamali ng bababaan. Mas mabuti rin 'to kasi minsan may mga siraulong driver na umaandar agad. Kapag natagalan ka sa pagbaba o pagsakay, kawawa ka.

On the ride, I became a slave of my own mind. I got lost in my own thoughts and worries. One thing in particular, was my chosen path...

"Just shift already! If you're not happy, why force yourself? Follow your heart, hindi 'yung ifa-follow mo 'yung trabaho ng lola mo, 'yan tuloy nahihirapan ka."

"'Yan ba talaga ang gusto mo?"

My mind took me back to the time when I cried right in front of my parents, begging them to let me choose my own path instead of following what they wanted for me... what they used to want for Slade. I remembered how many times my Father berated me for being an ungrateful daughter, for being another black sheep in the family. I remembered my Mother crying, asking me to stay in our hometown. 

Our entire lives felt planned. It was as if our parents had mapped our fates and all we could do was live according to their favor. It was the reason why I understood Slade when he ran away. Why I supported him in his musical pursuit in every way that I could even if it backfired on me — because I know how it feels like to not have control of my own life. To crave for freedom.

"Pucha! May banggaan!"

"Naku, Karambola! Kawawa naman!"

I snapped out of my reverie when the Driver suddenly yelled, followed by gasps and loud comments from passengers behind me. 

The bus stopped. I looked ahead and what I saw shocked me — A pile-up.

Hindi bababa sa walong mga sasakyan ang nagbanggaan kabilang na ang isang truck and jeep. Ni hindi ko masigurado kung ilan nga ba talaga ang mga sasakyan dahil nasa isa kaming madilim na intersection sa gitna ng kawalan. Ang tanging liwanag lamang ay nagmumula sa mga headlights at iilang sasakyan na may liwanag pa sa loob, pati mga sasakyang nagsisimula nang magliyab.

"Tulong! Tumawag kayo ng ambulansya!"

"Tulungan ninyo ang asawa ko! Naipit siya sa loob!"

"Tulungan n'yo kami!"

Hindi ako nakakilos sa sobrang gulat at kilabot nang makita ang mga taong duguan at sugatan na tumatakbo palapit sa bus namin. Dahil nasa harapan ako, kitang-kita ko ang mga kalunos-lunos nilang mga hitsura nang tamaan sila ng liwanag ng headlights. May isa sa kanilang bali na ang braso, may lalakeng tuklap na halos ang noo, may batang walang malay na karga na ng umiiyak niyang mga magulang, karmihan ay mga taong disoriented dahil sa aksidenteng kinasangkutan.

I felt my chest tighten as chills ran down my spine. I have never seen anything like it before. 

"'Wag ninyong papasukin!"

Nagbalik ang kamalayan ko sa reyalidad nang marinig kong sumigaw ang isang ale sa likuran ko. Napatayo ako at dali-dalilng napalingon.

"Nababaliw ka na ba?!" I screamed. I could feel the veins in my neck, tightening in anger.

I wasn't alone in my sentiment. Nagsigawan ang ibang mga pasahero, inaway ang ale. Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto kasabay ng pagdukot ng kundoktor ng kanyang cellphone upang tumawag ng tulong. Kanya-kanya ng dukot ng cellphone ang mga tao, ang iba para tumawag ng tulong, ang iba para kumuha ng picture at video.

Magkahalong dismaya at galit ang naramdaman ko nang makitang parang pinagpi-pyestahan ng ibang pasahero ang aksidente. Pero nakalimutan ko ang galit na iyon nang makita kong may ilan sa mga pasahero ang nagtakbuhan pababa ng bus at sinaklolohan ang mga taong nasa loob pa ng mga sasakyang nagbanggaan.

I was scared, but seeing the civilians around me leap into action, I found myself running out of the bus and trying to help people in every way that I could.

I was just in my first year, in the second month of the first semester, all I knew was first aid but I did my best to help. I could hear people screaming and crying in agony. I could hear people yelling for more help and trying to keep the famewhore bystanders away, and there I was, scared as hell but trying my best to assess and put the patients in their appropriate recovery positions while the paramedics are on the way. Kapag naman hindi ako sigurado sa gagawin, hindi ko na ginagalaw dahil baka magkamali pa ako at ikapahamak pa ng pasyente.  

Hindi kami magkakilala ng mga kapwa ko pasahero pero nagtulungan kami sa abot ng makakaya para mailayo ang mga sugatan mula sa naglalagablab at mga umuusok na sasakyan. Iyon nga lang ay mga may walang modo talagang humaharang sa dinadaanan namin para kumuha ng mga picture at video. It's understandable that some people can't help at a time like this, and it's okay, pero sana naman 'wag nang maging pabigat at bastos. Pwede naman kasing tumayo lang sa isang tabi.

"Stop taking photos! Tumabi kayong mga putangina kayo! Mga wala kayong kwenta!" I kept screaming at the top of my lungs pero may iba talagang matitigas ang mukha at panay ang pagpicture sa mga pasyenteng sugatan.

"Marami pa raw tao doon sa tumaob na Van!" Narinig kong sumigaw ang Bus Driver namin at nakita ko silang nagtakbuhan doon patungo ng iba pang mga pasaherong pagod na pagod na pero tumutulong pa rin.

"Papa! Papa!"

Napalingon ako at nakita ko ang isang batang duguan na nakaupo sa tabi ng ama niyang nakahandusay at tila ba wala nang buhay. Parang pinunit ang puso ko sa nasaksihan. Lalapitan ko sana ang bata pero nakakaisang hakbang pa lang ako nang muntikan akong mabuwal mula sa kinatatayuan.

Doon ko lang napansin na umaagos na pala ang luha ko at hindi na ako nakakahinga nang maayos. Naramdaman ko ang paninginig ng mga kamay ko kaya naman napatingin ako rito at doon ko lang napansin ang napakaraming bahid ng dugo sa mga kamay at damit ko. Lahat ng ito ay hindi sa akin.

I looked around me and all I could see were people lying and screaming in pain, some were even dead. It was a horrible sight. My stomach churned. 

However, it wasn't all that bad. Despite the macabre, I witnessed something more powerful than death and despair — it was the Solidarity of Strangers banding together to help those in need. They showed me how there's still hope in this awful world. That there are people willing to help.

I suddenly heard the ringing of my phone. While still chasing my breath and trying to calm myself, I fetched it out of my jacket's pocket and answered the call. 

"Elemento, nasaan ka na? Teka, bakit-- Hey what's going on? Are you okay? Why are you crying?! Where the hell are you?! Tangina Elemento! Magsalita ka nga!"

I pressed my lips together, trying to stop myself from crying while listening to Reika's voice from the other line.

"T-there's a pile-up just outside Filimon Heights. I'm okay. They're not." I tried to speak as clearly as I could despite of my heavy breathing. "We need help... every help we can get."

"What the! Teka, tatawagan ko si Gramps, pati sina Jethro! Stay safe, okay? Tawagan kita ulit mamaya," tarantang bulalas ni Reika at agad na pinutol ang tawag.

Kahit papaano ay nahimasmasan ako nang marinig ang boses niya. Huminga ako nang malalim at napalingon. Nakita ko ang mga kapwa ko pasahero sa bus na nagkukumahog na mailabas ang mga natitirang pasahero sa isang nakataob na Van na nagsisimula nang lumiyab. Tumakbo ako patungo sa kanila at tiningnan kung ano ang maitutulong ko pero nang makita kong halos wala nang natira sa loob ng Van, lumipat ako sa mga katabing mga kotse.

May apat na kotseng kasali rin sa sanga-sangang banggaan. Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong hindi naman malala ang nangyari sa dalawang kotse.

"Ma'am, help is on the way. Labas lang po muna kayo," sabi ko na lamang nang makita kong may mga babaeng umiiyak sa loob nito. Mukhang okay naman sila at takot na takot lang. 

Lumapit ako sa pangalawang kotse, isang ranger, at nakita ko ang isang may edad na lalakeng hawak-hawak pa ang kanyang dibdib at mukhang hirap na sa paghinga.

"Sir--"

"Ayos lang ako." Nag-thumbs up ito sa akin kahit duguan ang noo. "Hija, tingnan mo ang sasakyan sa likod ko, pakiusap. May mga metal bar ako sa compartment ko, baka tumama sa kanya."

Before I could even react, I heard a phone ring. Sinundan ko ang tunog hanggang sa mapunta ako sa pangatlong sasakyan na nasa likod lang ng matanda. Nanlambot ang mga tuhod ko nang makitang nabasag ang windshield  dahil tumagos dito ang mga metal bar na nakalagay sa likod ng ranger. The third car was basically sandwiched dahil binangga ito ng pang-apat na sasakyan na nasa kanyang likod!

Dali-dali kong binuksan ang pinto at napasinghap ako sa naaninag. May isang walang malay na lalake sa driver's seat. Duguan ito at nakatusok sa kanya ang mga metal bar mula sa ranger.

"S-sir?" Pumasok ako sa loob ng kotse at pinindot ang switch ng ilaw sa ibabaw nito. Lumiwanag ang paligid at mas lalo pa akong nagulat sa nakita. 

"Jethro?!" Napasinghap ako.

Despite my anxious state, I moved closer to him, trying to get his attention by calling out his name. Nang mapagmasdan ko siya nang malapitan, doon ko napansin na isang metal bar lang ang sumaksak sa kanya, ang iba ay sa gilid ng upuan tumama. Sa kabila nito, mukhang malalim ang pagkakabaon ng metal bar sa sikmura niya.

"J-Jethro, wake up! You have to wake up! Y-you have to stay awake!" paulit-ulit kong sambit.

Lalo pa akong nabahala nang makita ko ang sugat malapit sa kanyang leeg. Labis ang pagdurugo nito kaya naman dali-dali kong hinubad ang jacket ko saka ito idinampi sa sugat niya para malagyan ito ng pressure.

"Jethro, sabing gumising ka!" I yelled in a panic while my hands remained pressing on his neck, trying to stop the bleeding.

I noticed his eyelids move... until his eyes slowly opened. He kept blinking like he was having trouble trying to keep them open. 

I took a deep breath, trying to keep myself calm. 

"Jethro, 'wag kang gagalaw okay? You have to stay still and awake, but don't worry, help is on the way and I'm going to stay here until they arrive," I said with a gentle tone, trying to keep him calm as well. Natatakot ako na baka mas lalo lang bumaon ang metal bar kapag gumalaw siya.

Weakly, he tried to look at me. Blood began to drip from the side of his mouth. My eyes widened as fear took over every fiber of my being. My chest clenched and my heartbeat grew wild, scared that Jethro will die right in front of me.

"Don't you dare die and traumatize me for life, okay?" Despite my trembling voice, I continued to fake a calm tone and expression, "I'm still young, I don't want your death to haunt me in my sleep kaya utang na loob, lumaban ka pa."

My hands continued to tremble but I ignored it and continued to put pressure on his neck.

Para na akong papanawan ng ulirat dahil sa dugong sumisirit mula sa sugat niya. Ayokong mangyari iyon kaya dinistract ko na lamang ang sarili sa pamamagitan ng pagtitig sa mukha niya.

"N-natabingi na salamin mo oh?" pag-iiba ko ng usapan. Parang malalaglag na mula sa mukha niya ang salamin kaya dahan-dahan ko itong isinuot sa kanya nang maayos.

"May kaunting crack ang salamin mo, pagawa ka na ng bago pagkatapos nito. Siguro naman hindi masyadong malabo ang mata mo kasi nakakapag-basketball ka pa," sabi ko pa sa parehong kalmado at magiliw na tono. Pakiramdam ko tuloy nasasapian na ako.

Jethro continued to look at me weakly.

I could see tears brimming in his eyes. And that's when I realized, he wasn't just in great pain, he was scared as hell. 

"You'll be alright, Jethro." I held his bloody hand while looking at him in the eyes.

"I.. I don't want to die..." he whispered as blood spew out from his mouth. 

"You won't." I shook my head and smiled, trying to stop my tears from falling.

"Next year, on this same day, you will look back at this moment and smile knowing you survived this. You will continue cutting beef for us while ignoring all the stupid things that Reika and the Idiots will say. You will continue eating those wings, unbothered by the world. You'll continue being that strict grumpy dude that is basically the epitome of Gori. You'll be alright," I assured while looking at him in the eyes with a confident smile on my face. My one hand still putting pressure on his wounded neck, the other holding his hand even tighter.

He remained looking at me, this time his tears have streamed down his cheeks. Pupunasan ko sana ito pero nang akmang bibitiwan ko na ang kamay niya, ayaw nito akong pakawalan.

"D-Don't leave..." He mouthed. He looked so scared for his dear life. So scared that he forgot how much of a stranger we both were to each other.

Knowing how scared he must've felt, I nodded and smiled reassuringly. 

"I won't."



|End of 9 - Thank you!|

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro