Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 79 : The Blame

chapter theme : get better - scotty sire


"Nagtatampo na talaga ako sa'yo," bulong ni Haji sa akin habang kapwa kami nakaupo sa sofa ng private room ni Jethro. Kapwa kami bagong bihis at wala nang bahid ng dugo o usok.

"He's asleep. Shut up." Walang emosyon ko siyang sinamaan ng tingin. Both of our voices are hoarse from all the screaming and crying.

"Bugbog sarado ako. Putok 'tong labi ko tapos si Jethro lang ang nilapitan? Magkatabing-magkatabi kami tapos wala man lang, Haji okay ka lang? Ni hindi man lang ako tiningnan." paghihimutok ni Haji sa kawalan, ginaya pa ang pananalita ko. "Parang walang pinagsamahan, Silverianne."

"Pasalamat ka at hinang-hina pa ang braso ko, hindi kita mababatukan." I whispered with gritted teeth. 

Haji just rolled his swollen eyes. If Reika was here, she would've already roasted the living hell out of him. 

"Where's Stacy?" tanong ko na lamang sa kanya.

"Malay ko sa babaeng 'yon." Ngumuso siya. "Isa pa 'yong siraulo."

"How about Jethro's parents?" tanong ko pa. Kinakabahan akong makita ulit sila, hindi ko alam kung mako-kontrol ko ang galit kay Tito Ivan pagkatapos niyang gamitin ang kapangyarihan niya para tulungan ang Lolo ni Reika na nakawin ang bangkay nito. 

"Jethro said not to call his Mom. Si Tito Ivan naman, asang darating 'yong gagong--Gising na yata ang hayop."

Mabilis akong napatayo pero agad akong napangiwi dahil sa sobrang kirot ng paa ko.

"Matakit?" Haji grinned, mocking me.

Naupo na lamang ulit ako. Kinuha ko ang saklay ko at hinampas ito sa kanya. Malas lang dahil mabilis siyang umilag.

"Silver naman," paiyak niyang reklamo dahil paulit-ulit ko siyang pinapalo.

"Matakit?" ganti ko sa kanya dahilan para samaan niya ulit ako ng tingin.

"Okay ka na ba?"

Kapwa kami napalingon ni Haji at nakita si Jethro na nakadilat na at walang emosyong nakatingin sa amin. Ngayon ko lang napansin na humaba na pala ang buhok niya at lalo pang kumapal ang facial hair niya. Hindi siya suot ang salamin niya kaya kitang-kita ko ang mga mata niyang namumula at walang kabuhay-buhay. Isang taon din kaming hindi nagkita o nagkausap lalo't sinasadya ko noong 'wag kaming magpang-abot sa kahit na anong okasyon noon.

"Ah oo. Mawawala naman daw 'to ilang araw lang," sagot ni Haji sabay himas sa sugat niya. "Pero ang hapdi pa rin talaga."

Jethro looked at me with a blank expression like he's so done with Haji. Nagkibit-balikat na lamang ako.

"How long was I out?" he asked hoarsely. 

"A day," I answered.

"B-Ba.." Umiling siya at hindi na tinuloy ang sinasabi.

Tinangka niyang umupo kaya naman kahit iika-ika ay mabilis akong lumapit. Inalalayan ko pa siya dahil napapangiwi pa siya sa bawat galaw. 

"'Wag ka munang gumalaw," giit ko.

"It's okay. It's just a little sore," paniniguro niya. 

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Masyadong malapit ang mukha namin sa isa't-isa kaya naman binitiwan ko siya at pasimple akong umatras at umiwas ng tingin. 

"How did you get hurt?" tanong niya. "You should still be in bed. Go home and rest."

"Man, you're underestimating her." Humalakhak si Haji at lumapit habang bitbit ang saklay ko. Chill na chill pa itong naupo sa paanan ng kama ni Jethro. "Oo medyo tanga kasi ilang beses nadapa sa putikan, pero biruin mo, nawasak niya 'yong case ng fire extinguisher?"

"I told you to stay in the car?" Jethro said like he was reprimanding me.

"What did we learn?" Walang emosyong sambit ni Haji, ginagaya ang boses at facial expression ni Jethro.

Jethro and I both looked at Haji flatly.

"What?" Humalakhak si Haji. Akala mo isang inosenteng demonyo. Napasulyap siya sa relo at nag-inat. "Tara na, Silver. Late na tayo sa date natin."

Nakunot ang noo ko sa pinagsasabi niya.

Tumayo si Haji at inabot sa akin ang saklay ko. "Bili tayo ng gatas. Bawal ang marupok sa Filimon Heights."

Sinamaan ko siya ng tingin nang tinanggap ito. "I don't need this. I can walk on my own."

Bitbit ang saklay, iika-ika akong naglakad pero biglang hinigit ni Jethro ang braso ko. 'Yon pa talagang may benda ang nahigit niya kaya napasigaw ako nang wala sa oras.

"Sorry! Sorry! Fuck!" Aligaga niyang sabi. Hindi ko tuloy alam kung mumurahin ko siya o pagtatawanan. Para siyang tanga.

Ang Puchangama namang si Haji, tawa nang tawa. Hindi niya talaga pinigilan ang sarili niya.

Sa isang iglap, bigla na lamang nag-ring ang cellphone ni Haji. Mabilis niya itong sinagot. Siguro isa rin ito sa mga natutunan niya mula nang mawala si Reika.

"Kuya? Nasaan na kayo?" tanong niya, sumeryoso bigla. "A-anong nangyari? Okay lang ba kayo? Ah oo sige, sige. Papunta na ako."

"Anong nangyari?" tanong ko agad.

"May nakasagi daw sa sasakyan nila. Nasa airport pa sila. Balik ako agad. Doon ka na maghintay sa kwarto ni Magno," aligagang sambit ni Haji at tumakbo paalis, hindi man lang kami nililingon. 

Nang tuluyan siyang makaalis, napabuntong-hininga na lamang ako.

"Okay ka na ba talaga?" tanong ko kay Jethro.

Tumango siya kasabay ng paglitaw ng tipid na ngiti sa namumutla niya pa ring mukha. I'm used to seeing him with a clean cut and shave kaya medyo naninibago ako sa hitsura niya. I didn't notice these changes a few days ago, siguro ay dahil naka'y Reika ang buo kong atensyon.

"Tubig?" tanong ko at tumango naman siya.

Malapit lang sa akin ang lalagyan ng tubig na kanina ko pa hinanda sa kanya kaya hindi na ako nahirapan pang kunin ito. Hindi na rin siya gaanong nanghihina kaya nakainom na siya ng tubig nang walang tulong ko.

"I don't know why you're still by my side, but thank you," aniya nang iabot niya ulit sa akin ang lalagyan ng tubig.

Tumango ako. "I'm a nurse and you're a friend. Basic Math."

"So you'll do this to Magno and Kirsten too?" he asked nonchalantly. "You'll also stay with them?"

Tumango ulit ako at pasimpleng umiwas ng tingin. "What are friends for."

All of a sudden my phone beeped from inside my pocket. I received a message from a nurse that I know, informing me that Kirsten is finally awake.

"And speaking of... Kirsten is finally awake." I smiled even if deep down I'm worried about how she'll take Reika's death. Lalo na si Magno. 

"I want to see her..." Sinubukan ni Jethro na tumayo kaya naman mabilis akong lumapit upang alalayan siya. It feels weird to be close to him like this and for our skin to brush against each other, but I chose to push my feelings aside. Hindi na dapat ako mailang pa. Tapos na kami. Magkaibigan lang dapat kami. 'Yon lang.

"Haji brought you a change of clothes. Nasa basement parking ang sasakyan mo at nandito ang susi." Inalalayan ko siya patungo sa paperbag. "Can you change on your own or?"

Tumango siya kaya para akong nakahinga nang maluwag. 

"I'll just wait outside then. Call me if you need anything." I smiled at him.

Habang palabas na ako ng kwarto, bigla siyang nagsalita.

"I need you to stop smiling at me like that," aniya.

Tumango na lang ako. My smile must be making him uncomfortable.

***

Paglabas niya, napatayo agad ako. Medyo tagilid ang kwelyo ng suot niyang kulay itim na polo kaya naman lumapit ako. Aayusin ko sana ito pero bigla siyang umatras at umiwas.

"Where's Kirsten's room?" malamig niyang sambit.

Napakurap-kurap ako't napalunok. "Th-third floor."

Naglakad ako sa tulong ng saklay lalo't medyo masakit pa ang paa ko. Ako ang nauuna sa paglalakad lalo't ako ang nakakaalam kung nasaan ito.

"Do you need help or?" parang nagdadalawang-isip niyang tanong.

"No, it's okay. I've been injured a couple of times already, sanay na akong gumamit nito." I turned to smile at him. Bigla siyang umiwas ng tingin kaya napagtanto ko bigla ang pagkakamali ko. "Sorry. I'm just used to smiling at everyone. I mean, I used to work with kids, after all."

"Used to?" he asked as we got inside the elevator.

"Long story." I shrugged. 

"What happened? Why did you get injured?" he asked all of a sudden as we were walking to Kirsten's room.

"Haji pushed me while we were riding on our bikes," sabi ko habang nagpipigil ng tawa. Puchangamang Haji, hindi pa nga pala ako nakakaganti sa hyop na 'yon.

"Why the hell would he do that to you?" Sa tono ng pananalita niya, naalala ko bigla ang nickname na binigay ko noon sa kanya. Gori.

"He was drunk and thought it was a funny joke." I shrugged again. 

Saktong nakarating na kami sa kwarto kaya naman kumatok na ako at binuksan ang pinto. Jethro sighed and entered, sumunod naman ako.

"Captain Filimon," bati agad ni Tito kay Jethro. Pabalik-balik na ako rito kaya hindi na rin ako iba sa kanila.

"M-Mom... Dad... Can you please just give us a minute?"  Napatingin ako kay Kirsten at nakita ko siyang nakaupo sa kama niya, umiiyak. She looked so sad, but above all, enraged. The way she looked at Jethro gave me goosebumps. It feels like she wants to hurt him.

Sabay na lumabas sina Tito at Tita, ako naman ay nanatili sa kinatatayuan. Kinakabahan ako sa galit na nakikita ko sa mga mata ni Kirsten.

I wanted to defuse the situation kaya naman ngumiti ako at agad na lumapit. "H-hey... I'm glad you're okay. I talked an old friend into letting me take care of you and--"

"You do realize this is all on you right?" Kirsten said with so much spite. Her eyes held nothing but utter hate towards Jethro. 

"W-what?" Naguguluhan akong napalingon kay Jethro.

"Everything that happened for the last three years under that hell hole, that is all on you! Magno and I told you the truth but what did you do?! You didn't believe us and you painted us as liars! Magno fucking protected you that night! He even trusted you with the truth! But what did you do?! You turned a blind eye when you could've done something to stop it!" Sa sobrang galit ni Kirsten ay halos sugurin na niya si Jethro kaya naman dali-dali ko siyang hinawakan sa magkabilang braso.

Napatingin ako sa mga kamay niya at nakita kong nakakuyom na ito at labis ang panginginig. Ang leeg niya naman ay namumula na at bakat na ang mga litid.

"Kirsten calm down!" I cried out.

"Gabe's blood is on you!" She screamed as she bawled. "Reika wouldn't have died if you just believed us and did your job! She would still be alive if only you believed us!"

Nalaglag ang panga ko sa narinig kasabay nang muling pagdaudos ng mga luha ko. I turned to look Jethro and saw him hung his head low.

"Magno sent you the address books so you'd look for him! Araw-araw umasa siyang hahanapin n'yo siya pero sa huli si Reika ang nakahanap sa amin! He never even wanted her to be involved! What kind of friends are you?! If nothing bad happened to Reika, would you even try to look for Magno?!" Kirsten went hysterical. Nagulat man ako sa mga narinig, mas nag-alala ako para sa kanya. Sa sobrang bigat ng kalooban niya, natatakot akong baka mahirapan siya sa paghinga. She just got out of surgery for heaven's sake!

"Kirsten?!" Pumasok ang mga magulang ni Kirsten, gulat at naguguluhan sa nasaksihan. 

Binitiwan ko si Kirsten nang lumapit ang mga magulang niya para pakalmahin siya. Nang muli kong lingunin si Jethro, nakita kong umalis na siya.

Nagpaalam ako at mabilis na lumabas para sundan si Jethro. Mabilis ang kanyang bawat hakbang kaya pilit kong tiniis ang sakit ng paa ko para lang maabutan siya. Nang nasa loob na kami ng elevator, rinig ko ang bawat mabigat niyang paghinga. Hindi na lamang ako nagsalita pa.

Pagdating namin sa basement parking, mabilis niyang pinindot ang susi ng sasakyan niya dahilan para mabilis niya itong mahanap. Dali-dali siyang pumasok sa driver's seat kaya pumasok rin ako sa passenger seat.

Naupo lamang siya at nanatiling nakatulala.  Panay ang pag-angat at baba ng kanyang dibdib at nakita kong nanginginig na rin ang mga kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng manibela.

"J-Jethro..." I called out to him, almost a whisper. 

Tears streamed down his face as he looked at me with a blank expression. "I-It's true. Everything that she said was true. R-Reika's dead because of me."

Mabilis akong umiling kasabay ng lalong pagbuhos ng luha ko. 

His voice broke to a sob as he looked away. I have never seen him cry like this before, not even on the day that he almost died, not even on the day that I broke his heart. Jethro cried hard and punched his steering wheel.

He cried and cried until he let out a blood-curdling scream. He kept punching his steering wheel viciously that it started to dent. I could only cry while looking at him.

But the moment I saw blood streaming down his pale knuckles, I had to grab him.

"It wasn't your fault! You didn't mean for it to happen!" I cried, pulling him into a tight embrace.

He kept crying and screaming, I can even feel him tremble in so much sorrow.

"Kasalanan ko!" He wailed breathlessly. "Namatay silang lahat dahil sa akin!"

"Hindi!" Umiling-iling ako at mabilis siyang hinawakan sa magkabilang pisngi. "Jethro, hindi! Look at me! Look at me! Hindi mo kasalanan 'to! This is the Abaddons' fault! This is never yours!"

My words weren't getting to him. He continued to cry and all I could do was hug him tight. 

"Hindi mo kasalanan," paulit-ulit kong paalala sa pagitan ng bawat paghikbi ko.



//


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro