Chapter 78 : The Fire
chapter theme: ghost of you - sad heroes
"When we get there, just stay inside the car," walang emosyon at maotoridad na sambit ni Jethro habang nasa loob kami ng sasakyan, binabagtas ang madilim na daang tila ba walang hanggan. Malayo-layo na rin kami mula sa Filimon Heights.
Talking to the person who killed Reika was torture for me, but I'm glad I was able to get a lead. If my hunch is right. We could be heading to the place where Magno is held captive.
Sumulyap ako sa likuran at kita ko pa rin ang sasakyan nina Sawyer at Haji na nakasunod sa amin. Kinakabahan ako pero walang-wala ito sa desperasyon kong matagpuan si Magno. At kung tama nga ang hinala nila, marahil kasama rin nitong nadukot si Kirsten.
Biglang huminto ang sasakyan at nakita kong nagsihinto na rin sina Sawyer at Haji.
Jethro opened the glove compartment and grabbed his gun and phone. A rush of worry gripped me.
"The police are coming. Wait for them here," aniya at inabot sa akin ang cellphone niya. "Don't open the door for anyone else other than us or the police."
Tumango ako. Yes, I no longer want to be kept in the dark, but I know the limits. Kung sasama ako, magiging alalahanin lang ako.
Binuksan ni Jethro ang pinto sa gilid niya pero bago pa man siya makalabas, mabilis kong hinigit ang kamay niya at tingnan siya sa mga mata.
Natigilan siya sa ginawa ko hanggang sa unti-unti siyang nagbaba ng tingin sa kamay kong nakahawak sa kanya.
"I'm not going to disappoint you again. We're getting Magno back," walang emosyon niyang paniniguro.
Umiling ako kasabay ng pagtakas ng luha sa mga mata ko. "Don't get hurt."
Mabilis siyang nag-angat ng tingin at sandaling napatitig sa akin.
"Don't get hurt, okay?!" pag-uulit ko nang may pagdidiin.
Tumango-tango siya at saka tuluyan nang lumabas. May sinabi siya kanila Haji at Sawyer pero hindi ko na ito narinig pa. Magkakasama silang nagtakbuhan patungo sa madilim na talahiban. Lalo pa akong kinabahan nang hindi ko na sila nakita.
Napasandal ako sa kinauupuan at napahawak sa dibdib ko. Ramdam ko ang mabagal at malakas na pagtibok ng puso ko. Hindi ako mapakali. Kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ko.
Paano kung may mawala na naman sa amin? Paano kung may masaktan sa kanila? Paano kung masaktan--
Napalingon ako nang makita ang pagdating ng isa pang sasakyan. Laking gulat ko nang makita si Slade na lumabas mula rito kaya naman dali-dali rin akong lumabas.
"Where are they?" walang emosyong tanong ni Slade.
"Let's wait here for them." Mabilis ako siyang sinalubong ng yakap pero nagpatuloy siya sa paglalakad at pilit akong nilagpasan. "No no, stay here with me! Please! Jethro's already there with Haji and Sawyer! They know what they're doing!"
"Where did they go?!" bigla akong sinigawan ni Slade at bahagyang itinulak kaya natigilan ako.
Napatitig ako sa mga mata niya. Hindi ko magawang makapagsalita lalo't kitang-kita ko ang desperasyon rito. With Reika gone, he's hell-bent on saving Magno and avenging her death.
Slade didn't wait for my answer. Mabilis siyang tumakbo papasok sa sasakyan niya at kinuha ang kanyang electric guitar. Mahigpit ang hawak niya sa headstock nito at nakasubsub ang dulo nito sa lupa. He treasures his instruments dearly, but the way he held it carelessly was enough to scare me. It looks as if he's going to use it to harm someone else.
He tried to run away so I quickly grabbed him by the arm.
"Slade, 'wag! Slade, dito ka lang!" I cried out desperately. I know my Brother better than I know myself. He's too volatile now. I have to stop him from doing something that could never be undone.
Biglang umalingawngaw ang sunod-sunod na putok. Kapwa kami napalingon sa pinanggalingan nito.
"Stay here." Winakli niya ang kamay ko at mabilis na nagtatakbo patungo sa talahiban.
"Slade!" Napapadyak ako sa kinatatayuan at humabol na lamang.
Napakadilim at ang tanging liwanag lamang ay nagmumula sa buwan. Ramdam ko ang bawat paglubog ng paa ko sa putik at tumatama na sa tuhod ko ang mga damo lalo't dress ang suot ko.
Desperado akong maabutan si Slade ngunit napakabilis niya.
"Reika..." I found myself calling out her name every time I fell down the ground. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong natumba pero sa kabila nito ay paulit-ulit akong bumangon.
Nahinto lamang ako sa pagtakbo nang bigla kong mamataan ang isang gula-gulanit na bahay na tila ba umuusok. Nagbaba ako ng tingin sa paa ko at doon ko lang napansin na isang sapatos na lang ang suot ko. Aligaga ko itong tinanggal at tinapon saka nagtatakbo papasok sa bahay.
Naalala kong hawak ko pa ang cellphone ni Jethro kaya mabilis kong pinaandar ang flashlight. Wala akong ibang nakikita kundi mga basura at wasak na furniture. Sa kabila nito, may naririnig akong kakaiba kaya pilit ko itong sinundan.
"Slade!" Napasigaw ako nang matagpuan ko ang isang hagdan. Dali-dali akong bumaba. Panay ang pagtakip ko sa bibig ko lalo't may sumasalubong sa akin na usok.
May nakabukas na pinto sa dulo ng hagdan kaya pumasok ako at nagulat ako nang tumambad sa akin ang isang maliwanag na pasilidad. kulay puti ang paligid at may nakikita akong mga airvents at sa dingding.
Marami man akong katanungan, mas pinili kong tumakbo. Nakakalito ang paliko-likong daan lalo't pawang kulay puti ang mga nakikita ko. Habang tumatagal, palakas nang palakas ang usok hanggang sa may apoy na akong nakikita sa mga dingding.
May nadaanan akong fire extinguisher kaya naman dali-dali kong sinilid sa bulsa ng damit ko ang cellphone ni Jethro at lumapit dito. Nakalagay sa likod ng isang kahong salamin ang fire extinguisher at hindi ko ito mabuksan kaya naman buong lakas ko itong siniko nang siniko.
Napasinghap ako nang tuluyan kong mabasag ang salamin. Dali-dali kong hinugot ang fire extinguisher at binalewala na lamang ang mga natitirang bubog.
My heart dropped when all of a sudden, I heard screaming. Hindi ko maintindihan ang mga naririnig ko dahil nahihilo na rin ako sa usok. Sa kabila nito, pilit ko itong sinundan.
"Slade!" Tuluyang umabot sa sukdulan ang kaba ko nang may narinig akong mga boses na isinisigaw ang pangalan ng kapatid ko.
I ran as fast as I could until I saw people dressed in white. Napasinghap ako nang mapagtantong isa sa kanila si Kirsten, duguan at hinang-hina. Sinisigaw nila ang pangalan ni Slade habang nakaharap sa isang naglalagablab na silid.
"Slade!" I cried out when I saw my brother trapped inside a burning room. Between us is a large piece of burning debris. What scared me more was the expression in his face.
He doesn't look scared. He just standing there with a calm expression, looking straight ahead as if lost in thoughts. And whatever it is that he's thinking, it's enough to make him accept death.
Dali-dali kong inapula ang apoy gamit ang fire extinguisher. Lalo akong nahirapang makahinga at makakita pero pilit akong nanatiling matapang para sa kanya. Dali-dali kong inabot ang kamay ko ngunit nanatili siyang nakapako sa kinatatayuan, sa loob ng naglalagablab na silid.
"I can't lose you too!" I cried out, screaming at the top of my lungs.
All of a sudden, he looked up, straight in my eyes. Tears fell from his sullen eyes.
"Kuya!" I screamed, desperately trying to appeal to his senses. "'Wag pati ikaw!" I begged desperately while looking at his tearful eyes.
Slowly, he raised his hand and held mine, finally climbing up the debris, much to my relief.
"Puchangama ka!" Iyak ko at mabilis na yumakap sa kanya.
"Why are you bleeding? Who hurt you?" mahina at walang emosyon niyang sambit. Doon ko lang napansin na umaagos na pala ang dugo mula sa siko at mga tuhod ko.
"Let's go! We have to go!" giit ko sa pagitan ng bawat paghikbi, pilit binabalewala ang mga sugat ko.
"Sina Magno at Fredd!" Iyak ni Kirsten.
"J-Jethro's here! He'll get them out!" I said in complete faith. "Sawyer, Haji, and Jethro—they will do whatever it takes to save them."
***
"Silver, you have to sit down! You're bleeding!" sigaw sa akin ni Slade habang nasa talahiban kami at pinapanood ang mga pulis na sumugod papasok sa underground bunker.
Ayaw tumigil sa panginginig ng mga kamay ko, kahit ang mga luha ko ay ayaw ring huminto. Hindi ako mapakali lalo't hindi pa lumalabas sina Jethro.
Natatakot akong baka pati siya, mawala rin. I can't even remember that last nice thing I said to him!
"Kirsten! Tangina, nandiyan na ang paramedics! Konting tiis!" Narinig kong sumigaw ang isa sa mga kasama ni Kirsten.
Dali-daling napukaw ang atensyon ko. Lumapit ako sa direksyon nila at nakita ko si Kirsten na nakaupo sa damuhan, duguan pero paulit-ulit na hinahanap si Magno.
"What happened to her? Where is she hurt?" Mabilis akong napaluhod sa harapan ni Kirsten, inalalayan naman kaagad ako ni Slade.
"The old bitch stabbed her in the back the other day," umiiyak na sabi ng babaeng kasama nila.
Tumango-tango ako ngunit bago ko pa man mahawakan si Kirsten, nagulat ako nang bigla kong nakita si Reika sa harapan ko, duguan at hinang-hina.
"I don't want to die..." Umiiyak niyang inabot ang kamay ko. "Stop the pain... Hindi ko na kaya.."
"Silver!" Narinig kong sumigaw si Slade at namalayan ko na lamang na nakaupo na ako sa damuhan, naninikip ang dibdib at hindi halos makahinga dahil sa sunod-sunod kong paghikbi.
"Silver! Breathe! Look at me! Look at me!"
Namalayan ko na lamang na nasa harapan ko na si Slade. Hawak niya ang magkabila kong pisngi at paulit-ulit itong tinatapik. "It's okay, just breathe!"
I gasped, trying to breathe along with him, but I just can't stop myself from crying.
"Magno!" biglang sumigaw si Kirsten kaya sabay-sabay kaming napatingin sa direksyon ng abandonadong bahay. Nakita ko sila, inaalalayan ng pulis na makalabas.
"Jethro!" Napahiyaw ako nang makita ko siyang inaalalayan ni Haji palabas. Hinang-hina ang bawat hakbang ni Jethro. Lupaypay halos ang kanyang katawan habang hawak niya ang kanyang tagiliran.
Mabilis kong winakli ang mga kamay ni Slade na nakahawak sa akin. Tumayo ako at nagtatakbo patungo sa kanila.
"A-Anong nangyari?" Humahangos kong tanong, hindi magkamayaw ang pagpatak ng mga luha.
"That old fuck stabbed him!" Humahangos din na sagot ni Haji.
"I'm okay..." Jethro gasped and smiled, looking at me with one eye open.
"Puchangama ka!" Napasigaw ako ako at tumulong na rin sa pag-alalay sa kanya.
Nagdatingan ang mga ambulansya kaya dali-dali naming pinasok si Jethro sa isa sa mga ito. Nagpaalam si Haji na pupuntahan muna si Magno kaya naman mabilis akong napaupo sa tabi ng kinahihigaan ni Jethro.
"Didn't I tell you not to get hurt?" I said in between my sobbing, grabbing a hold of his weak bloody hand.
"Hey, don't cry. Mababaw lang 'to. Okay lang ako." He chuckled, trying not to make a deal out of it kahit pa kitang-kita sa namumutla niyang mukha na may iniinda siyang matinding sakit.
Lumapit ang isa sa mga paramedic at inasikaso siya. Nang makita ko ang saksak niya sa tagiliran, para na naman akong tinakasan ng lakas at hindi na naman ako makahinga. Naririnig ko na naman ang palahaw ni Reika sa isipan ko.
"Silver?! Hey she can't breathe!" aligagang sigaw ni Jethro sa mga medic at mabilis na naupo. "Y-you're bleeding! Fuck! Why didn't you even check her?!"
***
I groaned at the throbbing pain all over my body.
"M-Mom, I'll call you later. She's awake. No. It's okay. We're okay. Stay with Reika's parents." Narinig ko ang boses ni Slade kaya naman paulit-ulit kong kinurap-kurap ang mga mata ko.
"S-Si Jethro?" namamaos kong sambit. Kahit magsalita, sobrang sakit.
"They just took out almost ten shards of glass from your body and you're worried about someone else?" Slade sounded pissed. "You even broke your ankle. How could you not even feel that?"
Nagbaba ako ng tingin sa paa ko at nakita kong tadtad din ito ng benda.
"Si Magno?" tanong ko na lamang at saka sinubukang umupo.
He sighed and helped me sit up. "Still unconscious. Same as Kirsten. We're waiting for Attorney Magno to show up so we can get Reika back."
Tumango-tango ako at humawak sa balikat niya. Mariin ko siyang tinitigan sa mga mata, nagpipigil ng mga luha. "Slade, look at me."
He looked at me and I saw the same lifeless eyes.
"Don't do that again, okay?" I asked, trying to hold my own emotions down. "Ayokong pati ikaw mawala rin sa akin. And think about Tito and Tita, they just lost Reika and you are like a son to them. Mom and Dad, too. They can't lose another son."
Tumango-tango siya at niyakap ako nang marahan.
"I'm sorry," bulong niya sa akin.
Tumango ako at tinapik ang likod niya. Napatingala ako, pilit na pinipigilan ang mga luha ko sa pagpatak. "It's twins against the world. Don't you ever forget that."
//
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro