Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 76 : Shelter

chapter theme: sunnyland - mayday parade


"Wala siyang karapatang ipagkait ang anak natin!" 

"Ang Reika ko!"

Mahigpit ang yakap ko sa natutulog na si Drummer. Sinuotan ko pa siya ng headphones para lang 'wag niyang marinig ang mga palahaw nina Tito at Tita mula sa baba. Nagkakagulo ang lahat dahil bukod sa pagkamatay ni Reika at pagnanakaw ng bangkay niya, nalaman na ng lahat na dinukot si Magno.

Bigla na lamang may kumatok sa pinto ng kwarto ni Drummer kaya naman tumayo ako at binuksan ang pinto. Nakita ko ang walang kaemo-emosyong si Slade, walang kabuhay-buhay ang nanunubig pa ring mga mata.

"Get Drummer away from here. We can't risk him hearing or seeing any of this. I already booked you a suite at a hotel."

Tumango ako at niyakap siya nang mahigpit. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pabalik. Narinig ko ang pigil niyang paghikbi. "T-take a bath, change your clothes. Drummer can't see the bloodstains."

Tumango ako at ibinaon ang mukha sa balikat niya. Namanhid na yata ako at wala nang luhang lumalabas mula sa mga mata ko, pero ni katiting hindi nababawasan ang sakit, bagkus ay lalo pa itong tumitindi.

Narinig ko ang paghigit niya ng kanyang paghinga hanggang sa ibinaon na rin niya ang mukha sa balikat ko. 

"W-who would want to hurt her? She never harmed anyone," he broke down sobbing once again but he kept his voice low, so Drummer won't hear.

Pumikit na lamang ako at hinayaan siyang umiyak sa balikat ko. If this Reika's death is hard for me, what more to Slade? What more to her Family? 

"D-did she suffer?"

Mariin akong napapikit dahil sa tanong ni Slade, lalo na nang bumalik sa isipan ko ang kalagayan ni Reika nang matagpuan namin siya.

Slade suddenly pulled away and looked at me straight in the eyes. My heart broke seeing his pain-stricken face. "Did she suffer?"

Umiling kaagad ako at tumitig sa mga mata niya. "Your voice brought her comfort."

Napasinghap si Slade at nasapo niya ang mukha. Nagbaba siya ng tingin sa sahig at rinig ko ang mas lalo pang pagbagal at paglakas ng hininga niya.

Niyakap ko na lamang ulit siya nang mahigpit.

***

Matapos kong maligo at makapagbihis, dali-dali kong inempake ang mga gamit ni Drummer. Rinig na rinig ko pa rin ang bawat palahaw ng mga magulang ni Tita kaya naman maya't-maya kong tinitingnan si Drummer, sinisigurong wala siyang maririnig. 

Kids tend to only remember good and bad memories while growing up. The worst will end up becoming a scar. We failed at protecting Reika, but we won't fail Drummer.

Suot pa rin ni Drummer ang headphones niya pagbaba namin sa sala. Nadatnan ko ang ilang mga pulis, pati na ang mga magulang at kapatid ni Magno kasama ang mga magulang ni Reika. Both Tita Abbey and Tito Rico are inconsolable. It's bad enough that they lost their daughter, now they can't even grieve properly without her corpse.

Tumango lang si Tito nang dumaan kami sa harapan nila samantalang si Tita naman ay nakatulala lang at tila ba wala sa sarili.

Paglabas ng bahay, naghihintay na sa amin ang taxi na pinara ni Slade. Ayoko sanang iwan ang kapatid ko pero kailangan kong mailayo si Drummer nang pansamantala. 

Madaling araw na pagdating namin sa hotel. Agad kong inihiga ang natutulog pa ring si Drummer sa kama. Biglang sumagi sa isipan ko ang cellphone ko ngunit hindi ko maalala saan ko ito naiwan. 

Napabuntong-hininga na lamang ako at inayos ang mga gamit ni Drummer. Itinabi ko sa kanya ang nag-iisang laruan na nadala ko. Siguro ay ipapahabol ko na lamang kay Slade kung dadaan man siya.

Tatanggalin ko na sana ang headphones ni Drummer nang bigla na lamang nag-ring ang telepono. Nakapapagtaka lalo't madaling-araw na pero sinagot ko pa rin, sa pagbabaka-sakaling si Slade ito.

"Pasensya na po sa distorbo ma'am, may bisita po kasi kayo. Urgent daw ho," sabi ng nasa front-desk.

"Sino?" paniniguro ko.

"Si Mr. Jethro Filimon po," aniya.

Mariin akong napapikit at napabuntong-hininga. Hindi na ako nagtaka na nalaman niya kung nasaan kami. His power and perks probably went to an all-time high now that he's the son of the Mayor. He still hasn't changed at all.

"Send him up. I can't leave the room," sabi ko na lamang.

Nang masigurong umaandar pa rin ang ang pinapakinggan ni Drummer at mahimbing pa rin ang kanyang pagtulog, lumabas ako ng kwarto at naupo muna sa sofa. Ilang sandali akong naghintay hanggang sa may kumatok sa pinto.

Pinapasok ko si Jethro at agad niyang inabot sa akin ang cellphone, wallet, pati na ang susi ng sasakyan ko. "You left your phone at Lucho's car while your wallet was found on your coat at the crime scene. Your car is at the parking--"

"Tell your Dad to bring Reika's body back." I cut him off right away. I don't care anymore if I sound rude or cold. They're all the same power-tripping fucks anyway.

"I will talk to him..." Tumango-tango siya.

"How about that girl? Who was she? What's going to happen to her?" tanong ko.

Hindi siya nagsalita kaya napasinghal na lamang ako. 

I grinned bitterly and nodded. "Oh... Right. You're good at keeping people in the dark."

Binuksan ko na lamang ulit ang pinto. "You can go now."

"Silver..." he called out to me gently. 

"May sasabihin ka pa?" I looked at him straight in the eyes.

Tahimik niya akong tinitigan pabalik sa mga mata. Tumitig lang ako pabalik sa kanya, hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"If you have nothing to say, can you just leave?" I asked.

***

Sumikat na ang araw pero nakaupo pa rin ako sa sahig, pilit na pino-proseso ang lahat ng nangyari. Hawak ko ang cellphone ko at paulit-ulit na tinatawagan si Reika, out of coverage man, umaasa pa rin akong bigla siyang sasagot at sasabihin sa aking binabangungot lang ako. Na buhay pa siya at kailanman ay hindi niya ako iiwan nang mag-isa.

She'll still marry Slade. We'll be sisters by law. She'll still reprimand and curse me nonstop for all of my stupidities. We'll attend all of Drummer's school programs together and tease him for it. We'll gossip day and night or stay up late just to watch movies or just about any other weird video on the internet. 

"Reika..." I covered my mouth, trying to stop myself from sobbing out loud, afraid that Drummer could hear me. 

Napatitig ako sa mga kamay kong nanginginig at nararamdaman ko pa rin ang dugo niya sa mga palad ko. Ito ang nagsisilbing patunay sa akin na totoo ang lahat... na wala na ang kaibigang halos ituring ko nang kapatid.

"Mommy...."

Napasinghap ako't dali-daling pinunasan ang mga luha ko. Pilit kong kinalma ang sarili saka binuksan ang pinto.

"Uy! Gising na ang paborito kong changama!" I jokingly lunged towards him and hugged him as tight as I could, all while trying to stop myself from bawling right in front of him.

"Ate Silly!" Panay ang hagikgik ni Drummer, pagulong-gulong sa kama lalo't nakikiliti na siya.

Nang parang hindi na siya makahinga unti-unti ko siyang binitiwan at inalalayan para makaupo. His eyes reminded me so much of Reika that I just had to look away.

"Drummer, may cockroaches sa bahay n'yo so dito ka muna sa akin. Vacation muna tayo. Okay ba 'yon sa'yo?" panlalambing ko sa kanya.

"Paano si Mommy, Daddy, at Ate?" Ngumuso siya. "At saka, si Kuya Slade! Baka awayin sila ng mga cockroach!

"They'll be okay," paniniguro ko sa kanya kahit pa nanginginig na ang boses ko. "Mga bata lang ang inaaway ng mga cockroach. Hayaan mo, kapag okay na doon, susunduin ka mismo ng Mommy at Daddy mo. For now, hang out muna tayo. May lugar ka bang gustong puntahan?"

Excited siyang tumango at ngumiti. "Sa nature park ni Tita Bray! Tapos I'll play with Moo-moo, Quack-Quack, and Baby Bear!"

"Masyado pang baby si Baby Bear, 'di pa kayo pwede mag-play. Sina Moo at Quack lang muna," pabiro kong paalala sa kanya.

"Ako nga baby rin pero nagpe-play na!" Ngumuso siya kaya natawa na lamang ako at ginulo ang buhok niya.

Sa isang iglap, biglang tumunog ang telephone kaya naman sinagot ko ito. Ang front-desk pala ulit, sinasabing dumating si Slade kaya naman agad ko itong pina-akyat.

"Kuya!" Yumakap agad si Drummer kay Slade. "Nakita ka kita sa TV! Nag play ka ng guitar! Nag clap kami lahat pero sabi ni ate, pangit mo raw."

Natawa si Slade sa sinabi ni Drummer pero kasabay nito ang muling pagtakas ng mga luha niya. Slade can't control his emotions kaya naman dali-dali kong kinarga si Drummer, kunyare kukuha kami ng pagkain sa kusina.

When Slade was disowned for pursuing music, he only shed little tears.

When he was punched for talking back, he didn't even blink.

When he had an accident and was told that he might not be able to play guitar anymore, he tried to look tough and took it like a champ.

But now that Reika's gone, this is the most fragile my brother has ever been.

Habang nagbababad si Drummer sa bath tub, saka lang kami nakapag-usap nang maayos ni Slade.

"I haven't told Drummer about Reika," pag-amin ko. "It's not my place to tell."

Tumango naman si Slade. "I'll ask Tito, if he can't do it, then I will."

"How are they?" tanong ko.

Umiling si Slade. "Pretty bad. Tita still hasn't stopped crying and Tito's already planning lawsuits against Atty. Magno and Ivan Filimon. Even the rest of the Magno's are trying to help."

Tumango ako. "If there's anything that I can do, let me know."

"Mom and Dad came earlier and they've been trying to comfort Tito and Tita. Mom's been trying to call you, why aren't you answering her calls?" he said.

"H-hindi ko napansin..." Nagbaba ako ng tingin sa sahig. 

"Do you remember Bryan Emanuel's memorial?" Nag-angat ako ulit ng tingin dahil sa tanong niya. "Remember that tribute they had?"

"Sh-should we do it for her?" tanong ko naman.

He smiled and nodded but all I can see in his eyes are pain and despair. "We have to honor Reika's memories even without her remains. I think this will help her parents, too."

Tumango na lamang ako at ngumiti, naningilid ang mga luha. "I'll start planning now. Just say when and I'll do--"

"'Well do it together," he said, patting my head gently. "This is the last gift I'll ever get to give her. We'll do this together. We'll do this perfectly."

I felt my tears stream down my face but for Slade, I chose to smile. "Okay."

***

Sina Mommy at Daddy ang nagsilbing bantay ni Drummer habang abala kami ni Slade sa pag-aayos para sa memorial ni Reika. Ang mga magulang naman nila ay abala sa paghahanap ng paraan para matunton si Attorney Magno nang makuha ulit ang bangkay.

Ayoko mang bumalik sa lugar kung saan namin natagpuang duguan si Reika, sa huli ay napagdesisyunan naming sa parehong restaurant ganapin ang memorial. It's our way of finishing Reika's final request — for all of us to meet in that restaurant.

Slade and I worked together without asking or accepting anyone's help, maybe because we were both determined to remain busy. As for me, I wanted to be busy because it's the only way to distract myself from the pain of losing Reika. 

Every time I close my eyes, I remember how she suffered. 

Every time I'm alone, it's as if I can hear her crying and begging for her life.

And every now and then, I can see her blood dripping from my hands.

I wanted to remember her happily, but after that night, I don't think I could ever remember her the same way I used to.

"How about that wacky selfie? It kinda shows her personality?" I asked Slade as we huddled right in front of his laptop, rummaging through an album of photos named after her. We're looking for a photo that we'll use for her memorial.

"A little inappropriate." He shook his head and continued tapping next.

"How about that?" I asked as we stopped at her yearbook photo.

"She looks too formal. That's not her." He chuckled and pressed next again.

Slade and I both stilled when we saw that it was the photo taken on my second year of college, on my capping and pinning ceremony. 

I stood in the middle of Reika and Slade, dressed in my nursing uniform. We all had huge smiles on our faces and they both looked like proud parents to me. 

My eyes blurred at an instant, hot tears rolling down my cheeks.

Ever since Reika died, I've tried to control my emotions right in front of Slade. But it this time, I could no longer help it. 

Hindi ko na napigilan pang humagulgol habang pinagmamasdan ang litrato naming tatlo. Napatingin ako kay Slade at nakita kong kahit siya ay umiiyak na rin habang nakatitig sa litrato namin. Tinakpan niya ang bibig gamit ang nakakuyom na kamao pero kumawala pa rin ang kanyang hikbi.

Inakbayan ako ni Slade kaya mabilis akong napayakap sa kanya nang mahigpit.


//

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro