Chapter 68 : Good old times
"Hoy, saan kayo pumunta ni Haji at bigla kayong nawala?" tanong ni Reika habang nagpapalit kami ng damit pantulog. Marami ang mga guests pero marami rin naman ang mga kwarto kaya naman kaming dalawa lang ni Reika ang magkasama sa kwarto. Slade, on the other hand, is with his bandmates.
I sighed as I sat on the bed while still putting on my polo. "He took it hard, Rei... Denver and Braylee's engagement."
Natigilan si Reika dahil sa sinabi ko at mabilis na napalingon sa akin. "Tama pala ang kutob ko."
I smiled at her. "Napansin mo rin pala..."
Tumango siya. "I always thought he had a huge crush on Braylee... But hey, he'll get over it one day."
"I have a feeling it would take a long time..." I looked down on the floor, absentmindedly picking the skin on the side of my thumb. "It's not just a crush, after all."
Silence enveloped the room until Reika knelt right in front of me and held my hand, stopping my finger from picking on my skin. "How was it?"
Nakunot ang noo ko dahil sa bigla niyang pagiging seryoso. It's been a while since we had a serious talk, puro na lang kasi kami kalokohan sa tuwing nag-uusap.
"How's what?" I chuckled.
"How's meeting Jethro again after two years?"
"Oh..." I moved my head up and down, realizing what she wants to talk about. I smiled and shrugged. "It's good. It wasn't as awkward as I thought it would be. You were right, para ngang walang nangyari."
"See!" She grinned and patted my thighs. "Told you there's nothing to worry about. You both moved on already so we can all go back to being friends, just like the good old days."
My heart felt a tug of guilt. I used to worry about what would happen if Reika and Slade decide to break-up, but I ended up being a hypocrite after breaking up Jethro.
"I'm sorry, Rei..." I held her hand back.
"Sira ka talagang elemento ka! There's nothing to be sorry for!" Humalakhak siya. "Pero seryoso, okay na talaga kayo? Hindi ka naiilang?"
For her sake, I nodded and smiled. "All good. Nagbiruan pa nga kami nina Haji kanina."
"Yes!" Reika collapsed on the floor, raising her hands in relief. She looked so happy as she rolled around the tiled floor. "I learned my lesson! 'Di na kita ulit ibubugaw pa! O kung ibubugaw man kita, promise hindi na sa kabarkada!"
"Shhh!" Pabiro ko siyang sinipa. "Hinaan mo ang boses mo, para kang tanga."
Bigla siyang napaupo, magulo ang buhok at kunot-kunot na ang polo at pajama. "Does this mean you'll return to Filimon Heights?"
"Puchangama." Ngumiwi ako. "I'm happy with my stable career in Manila. I can't just leave my patients, too. Kayo na ni Slade ang lumipat doon."
Si Reika naman ang ngumiwi. "Sabagay..."
May sasabihin pa sana ako pero bigla na lamang may kumatok sa pinto. Gumapang si ang tamad na si Reika patungo sa pinto at tumayo lamang nang inikot na niya ang doorknob.
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto, walang kabuhay-buhay na pumasok si Haji at pahigang bumagsak sa kamang inuupuan ko. Napasigaw pa ako nang madaganan niya ako. Ano 'to trust cheerdance?!
"Bumbay, ambigat mo!" Tinulak ko si Haji hanggang sa nahiga na siya sa hita ko. Parang rangang bangkay.
"Anong nangyari sa'yo, Bumbay?" pagmamaang-maangan ni Reika. "Ano bang pinanood n'yo at ganyan ang mga mata n'yo ni Silver?"
"Inuman daw tayo gaya ng dati," walang emosyong sambit ni Haji habang nakatitig sa kisame. Akala mo kukunin na ng langit.
"Nakakahawa pala ang kamultuhan si Silver." Reika sighed and then glared at me. "'Wag kang magpapahawa sa kabumbayan ni Haji?"
Napangiwi na lang ako. What the hell does that mean?
***
Para kaming mga tangang tawa nang tawa nina Haji at Reika habang bumababa sa grand staircase. Karga-karga ni Haji si Reika sa kanyang likod at para nang nanginginig ang tuhod ni Haji sa bawat hakbang. Imbes na matakot, tawa lang kami nang tawa.
"Tangina, mamamatay ako nang maaga nito!" pulang-pula na si Haji, hindi ko alam kung dahil ba nasasakal na siya ni Reika o dahil tawa siya nang tawa. One thing's for sure, ibang-iba na ang mukha niya ngayon kumpara sa kanina. Kung titingnan, parang wala siyang kahit na anong dinadala.
"First time kang maaga!" Kahit si Reika ay pulang-pula na rin sa kakatawa. Halos masakal na niya si Haji dahil sa pagkapit niya.
Hingal na hingal kaming tatlo nang tuluyang makarating sa lobby, sa kabila nito ay tawa pa rin kami nang tawa.
"Baba ka na! Bigat mo!" Haji shook Reika off like a rag doll kaya mabilis akong lumapit para umalalay kaso sa huli, kapwa kami bumagsak ni Reika sa sahig, tawa pa rin ng tawa.
"Hoy! Rinig na rinig namin ang tawa ninyo mula sa likod!" Napalingon kami at nakita naming dumating sina Magno at Sawyer mula sa kabilang dulo ng villa. At kung mamalasin nga naman, nakasunod pa sa kanila si Jethro.
Reika raised her hand, asking Haji to pick her up. But instead, Haji grabbed me by the hand and pulled me up.
"Bumbay!" Nagsisipa si Reika sa sahig na parang batang demonyong lasing.
Magno grabbed Reika's left leg while Sawyer automatically grabbed the right. Reika screamed for dear life when the two idiots started dragging her.
"Sandali! Mahuhubad pajama ko!" protesta niya umalingawngaw ulit ang tawanan namin.
"Some of the guests are already asleep, keep it down," biglang nagsalita si Jethro kaya natahimik kaming lahat at napatingin sa kanya.
Jethro slid both of his hands inside his jacket's pockets and walked away.
We all looked at each other, baffled but not surprised, after all, that's just how he is.
"Si Slade pala?" Haji asked, breaking the awkward silence between us.
"He's with his bandmates somewhere, practicing slash catching up." Reika shrugged cooly, still sitting on the floor, legs still being held hostage by Magno and Sawyer.
"Hala ka, Reika! May kasama 'yong ibang babae!" pananakot ni Sawyer, nagtaas pa ng daliri na para bang batang nananakot.
"Who cares? May kasama rin akong mga lalake!" Reika scoffed, ayaw pa ring patalo sa asaran.
"Hindi ka nagseselos?" pang-aasar pa ni Haji.
"Matino kasi ang kapatid ko 'di gaya n'yo," taas-noo kong pagmamalaki.
"Hoy, Silver! Dalawang taon lang tayong 'di nagkita, nananakit ka na," ma-dramang reklamo ni Sawyer, may pahawak-hawak pa sa puso niya. "Ganyan ba talaga kapag bagong gupit?"
"Nagpagupit ka lang pero elemento ka pa rin!" Magno said, sticking his tongue out like a little kid.
I turned to look at Haji. "Wala kang entry?"
He grinned like an innocent little boy. "Nagpagupit ka na nga lang ng buhok, 'di mo pa sinali ang sungay mo."
I sighed and looked at Reika. "Ikaw, Rei? May entry ka? Do your worst."
"Hmmm..." Reika looked up at the ceiling.
"Walang entry-entry!" Biglang lumapit si Haji at hinila ang braso ni Reika. He looked at me like he was asking me to follow his lead at napagtanto ko kaagad ang ibig niyang sabihin.
Mabilis akong lumapit at hinila ang isang braso ni Reika.
"Hala, hoy sandali!" Reika's eyes widened as she began to struggle.
We didn't have to exchange any words. Automatic na nagkaintindihan kaming apat at sabay-sabay na binuhat si Reika; sina Magno at Sawyer sa mga paa habang kami ni Haji naman ang nakahawak sa braso niya.
Tawa kami nang tawa habang si Reika naman ay panay ang pagsigaw habang nakalutang sa ere.
"Airplane! Airplane! Weee!" Sawyer kept on cheering.
"Pucha!" Halos tumulo ang laway ni Haji sa kakatawa.
"Takbo tayo! Takbo tayo!" pagyayaya ni Magno sa pagitan ng malakas niyang pagtawa.
Ako naman ay halos hindi na makapagsalita dahil sa sobrang tawa. Pakiramdam ko nga ay nanghihina na ang mga tuhod ko. Gusto ko na lang maupo at tumawa nang tumawa dahil sa hitsura ni Reika.
Namalayan ko na lamang na nasa backyard pool na kami. Sobrang ganda ng ilaw sa pool, idagdag pa ang mga maliliit na fairy lights na nakasabit sa ere. Kalaluyang naglalagay sina Riley ng mattress at mga unan malapit sa isang fireplace.
"Lelechunin na ba si Reika o ilulunod sa pool?" Tawa nang tawa sina Lucho.
"Hayop kayong lahat!" Iyak ni Reika na pulang-pula na ang mukha at leeg.
Ibinagsak namin si Reika sa mattress at mas lalo pa kaming nagtawanan nang humandusay siya at hindi gumalaw, akala mo na-trauma talaga.
Sa gitna ng tawanan naming lahat, bigla akong napatingin sa gilid ng pool at nakita ko si Jethro na nakatayo lamang at parang malalim ang iniisip. Tumatama sa kanya ang kulay asul na liwanag na nagmumula sa pool.
Sa isang iglap, biglang napatingin ang malamig niyang mga mata sa akin.
His icy gaze made me shiver but I couldn't bring myself to look away.
When we were still together, I thought I already had him figured out. Looking back, I guess I was wrong, because right now, I can't see through his eyes.
I remembered my conversation with Reika earlier... how relieved she was to learn of our civil interaction. I let myself be selfish for the last two years, maybe it's time to face the music.
I took a deep breath and gave Jethro a faint smile.
Through this smile, I want him to know that whatever it is in the past, is all in the past. We may not be able to go back to the way we used to, but we can still be comfortable with each other's presence.
I thought Jethro would smile in return, but instead of doing so, he looked away and continued to stare blankly ahead.
Medyo nanlumo ako sa ginawa niya pero hindi na ako nagulat pa. Sa daming beses kong inisip kung ano ang mangyayari sa susunod na pagkikita namin, sumagi na sa isipan ko ang posibilidad na galit siya sa akin dahil sa pagsuko ko sa aming dalawa.
I can't blame him if he hates me. After all, we both got hurt the moment we fell apart.
***
I found myself sitting in between Haji and Reika. Sobrang ingay naming lahat, kantawan dito, asaran doon. Mabuti na lang talaga at ni isang beses ay walang bumabanggit tungkol sa nakaraan namin ni Jethro.
It feels like college all over again. The good old days. Before shit hit the fan.
Ayoko sanang uminom pero dahil naupo ako sa gitna ng mga demonyo, hindi na ako nakatanggi pa. Few drinks later, wala na, nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa kalasingan.
"Pie, ilang taon na nga ulit kayo ni Cohen?"
Napakurap-kurap ako upang siguraduhing si Jethro nga ba ang narinig kong nagtanong kay Piper. Kanina ko pa napapansin ang pagiging maingay niya. He's still a man of few words pero parang nakikipag-interact na siya sa iba. Marami na nga talagang nagbago sa dalawang taon.
Marami pa silang mga pinag-usapan pero wala akong masyadong maintindihan. Para nang may ipo-ipo sa utak ko.
"Okay ka pa?" natatawang bulong sa akin ni Haji.
I moved closer and whispered in his ear. "Ikaw nga, nag breakdown kanina."
"Silver naman, walang ganyanan!" Tumawa si Haji at dumampot ng isang shot at inabot ito sa akin. Para naman akong tangang tinanggap ito at ininom.
Nag-asaran pa sila nang nag-asaran hanggang sa biglang may sinuggest si Reika na laro. Wala na akong naiintindihan sa paligid, pinagdadasal ko na lang na sana walang halong physical activity dahil baka humandusay na ako.
"Never have I ever smoked!" biglang sigaw ni Riley.
Nagtaas kami ni Piper at Braylee ng mga kamay. Napunta agad ang lahat ng asaran kay Reika, pero ang nasa isip ko ay si Jethro. Naranasan na pala niyang manigarilyo? I can't imagine him doing so. Sa tingin ko siya pa nga ang unang manenermon kung gaano kadelikado manigarilyo.
"Inom ka pa raw," biglang sabi ni Haji at halos isubo pa sa akin ang baso. Ako naman ang tangang uminom.
Nahihilo na ako kaya pasimple akong sumandal kay Haji tutal ginagawa niya naman akong sandalan lagi.
"Calm down Rei," sabi ko nang parang nagwawala na si Reika at naririnig ko sina Sawyer na parang nagche-cheer na ng 'suntukan'. Hindi ko na alam anong nangyayari pero sana walang suntukan dahil hindi ko dala ang first aid kit ko.
May ibinulong sa akin si Haji sa tenga ko pero bigla siyang natawa. Mabilis ko siyang pinaghahampas dahil para niyang binugahan ng hangin at laway ang tenga ko. Balahurang puchangama.
Nauwi kaming dalawa sa tawanan nang aksidente kong matamaan ang dibdib niya. Kesyo, lalaki na naman daw kasi.
"Never have I ever made out with a stanger!" biglang may sumigaw kaya wala sa sarili akong nagtaas ng kamay kahit di ko naman alam ano nang nangyayari.
Hinila ni Haji pababa ang kamay ko. May binulong siya sa akin, 'di ko na naintindihan kaya tumawa na lang ako.
Bigla na lamang bumuga ng alak si Apollo kaya sigawan kaming lahat. Nabasa ng kaunti ang braso kaya naman mabilis akong humarap kay Haji at pinahid ang braso ko sa t-shirt niya.
"Silver madaya! Baka--" Hindi na natapos ni Haji ang sinasabi nang biglang tumama ang isang jacket sa mukha niya.
Natawa ako dahil sa lakas ng pagkakabato nito. Hinana ko ang pinanggalingan nito at nakita ko si Warren na tawa nang tawa kaya mabilis akong nag-thumbs up. Good boy Warren. Gwapo boy Warren.
Bigla akong hinila ni Haji sa batok kaya natawa ako nang wala sa oras.
"Suotin mo na nga lang 'tong jacket!" aniya na parang isang galit na tatay.
May inanunsyo si Apollo pero hindi ko narinig. Masyado akong abala sa pagwasiwas ng kamay ni Haji.
"You Moron! Nasa basketball team kami! Malamang nakita na sa shower room!" biglang sumigaw nang malakas si Jethro dahilan para matahimik kaming lahat.
Ba't ka galit?
Biglang tumawa si Warren. "Yeah, you better be specific."
Lumingon ako kay Haji. I gave him a curious gaze but he just winced and shook his head. He pulled me closer to him and raised my arm, trying to put the jacket on me.
"Taas ang kabila," sabi niya pa kaya nagtaas din ako ng kabilang braso. Saktong may sinabi ulit na category pero hindi ko na narinig. Binalewala ko na lang tutal nagtaas din ng kamay si Reika.
Para nang bumbilyang napupundido ang mga mata ko habang isinusuot ni Haji sa akin ang jacket. Maya't-maya ko siyang napapagalitan dahil nabaliktad niya pa ito nang isang beses.
"Oh my God! This is getting wild!" Namalayan ko na lang na biglang tumawa nang malakas si Reika.
"Anong nangyayari?" tanong ko kay Haji nang tinataas na niya ang zipper ng jacket.
Lumingon ako kay Reika, magtatanong sana ako kung ano na ang pinag-uusapan nang lahat pero laking gulat ko nang bigla na lamang sinugod ni Denver si Riley.
Sigawan kaming lahat sa sobrang gulat. The guys immediately jumped to stop Denver, kahit si Haji ay mabilis na tumayo at umawat.
Ano bang nangyayari?!
"Rape!" Narinig ko bigla ang pagsigaw ni Riley at sa isang iglap ay biglang pumasok sa isipan ko ang hitsura ni Vanessa nang gabing matagpuan siya sa parking lot.
Vanessa must've been so scared when it happened to her... and in the end, she didn't even get the justice she deserved. In the end, the victim became the culprit, and the culprit got to continue acting like a sheep when all along he's a cunning wolf.
Habang abala silang lahat sa pag-awat kay Denver, nakita ko ang maliit na shot sa gitna namin kaya mabilis ko itong pinulot, ngunit bago ko pa man ito mainom, bigla na lamang may umagaw nito sa akin.
"Stop drinking. You've had enough," Jethro said, looking at me with eyes colder than ever.
I stilled while staring at his eyes. It's different now that I'm standing close to him. I can see him vividly and I can feel my heart racing wildly.
All of a sudden, I felt nothing but pain while looking at him.
"Let's call it a night! Tara tara tara!" Biglang may brasong pumulupot sa leeg ko at nang bahagya kong hinilig ang ulo ko ay nakita kong si Magno pala.
"Lasing na si Pilak!" Tumayo naman sa harapan ko si Sawyer at pinisil-pisil ang pisngi ko kaya pabiro ko siyang sinipa.
"Tara na!" Reika suddenly grabbed me by the arm, dragging me away. "Hanapin natin si Slade!"
"Jethro, pa-check nga no'ng wiring doon. Parang nag-spark eh." Bigla namang hinila ni Warren si Jethro palayo.
//
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro