Chapter 66 : The rules of our friendship
chapter theme: point north - never coming home
2 years later
"Nurse Silver, 'yong boyfriend mo naghihintay na sa lobby."
Paupo akong bumagsak sa dulo ng locker room. Kakatapos lang ng 16-hour shift ko tapos heto na naman sila at sinusubukan ang pasensya ko. Isa talagang malaking sumpa ang pagiging pikon.
"For the last time, he's not my boyfriend." I sighed and closed my eyes, stretching my arms and legs.
"Sagutin mo na kasi. Ang tagal na niyang nanliligaw sa'yo," panunukso ng kapwa ko nurse na abala sa pag-aayos ng kanyang buhok.
"'Yon po bang mukhang foreigner?" tanong ng isa sa mga intern namin.
"Oo! Gwapo 'di ba? Ewan ko rito kay Nurse Silver at--"
"Kilabutan nga kayo." Tumayo na lamang ako at kinuha ang mga gamit ko. Nagpaalam na ako sa kanila at agad na umalis. I didn't bother to correct them anymore. Ilang beses ko nang sinasabi na magkaibigan lang kami ni Haji pero sila 'tong ayaw talagang maniwala. Bahala na sila.
Pagdating sa lobby, natanaw ko ang hayop na nakaupo sa waiting area. Dressed in a sleek black suit and aviator glasses, Haji was leaning on the wall with arms crossed. Sa dami ng mga kalokohan ni Haji, minsan talaga nakakalimutan kong gwapo siya.
His lips formed into a frown as he glanced at his Rolex. "Sino ka para paghintayin ako ng dalawang oras?"
I raised an eyebrow and glared at him from head to toe. "Ako 'yong nangangailangan ng bagong atay dahil sa pagiging lasinggero mo."
He stood up and grinned, placing his arm around my shoulder. "'Wag kang mag-alala, may laging naka-stand by na donor para sa'yo. Tara, inom!"
Mabilis ko siyang siniko dahilan para mapaatras siya at mapahawak sa dibdib niya. "Silver naman eh, lumalaki na ang dibdib ko kakasiko mo sa'kin. Sa susunod sa kabila naman, para at least maging pantay ang laki."
Ito talaga ang pinakaayaw ko sa tuwing nagbabangayan kami ni Haji. He ends up saying the stupidest things kaya imbes na magalit eh natatawa na lang ako.
"Umayos ka. Sawang-sawa na akong tinutuksyo sa'yo," sabi ko na lamang.
Ngumiwi siya, halatang nandidiri rin sa ideya. "Alam ko na talaga ngayon anong pakiramdam nina Sawyer at Reika. Kadiri."
***
"I6 hours 'yong shift ko. Ikaw na ang magluto. Pa samgyup, samgyup ka pang puchangama ka," inis kong bulalas dahil panay ang reklamo ni Haji habang nagluluto. Suki na kami sa restaurant na ito kaya hindi na bago sa kanila ang murahan namin.
"Hindi lang naman ikaw 'yong pagod sa trabaho, ako din naman," pangangatwiran niya.
"Mas pagod ako," giit ko at pikit-matang sumandal sa kinauupuan. "Maswerte ka dahil ikaw ang boss sa opisina ninyo."
I heard him heave a deep sigh. "I won't be for long."
Napadilat ako at umayos ng upo. Something tells me our conversation is about to turn serious.
"What's up?" tanong ko na lamang at pasimple siyang tinulungan sa grill.
"Kinukulit na naman ako nina Mommy at Daddy tungkol sa med school," aniya, halatang problemado. "They want me to stop down from the company so I can focus on being a doctor."
"Well... You've always wanted to be a doctor. It's about time you continue on your path." I shrugged.
"Siraulo." Marahan siyang tumawa. "Dalawang beses akong bumagsak sa NMAT."
"So what?" pabalang kong bulalas. "Five times dapat!"
Sumimangot siya at umaktong babatuhin ako ng letsugas.
Tumawa ako at pinagbuksan siya ng isang can ng beer. "Pero seryoso, it's been a while since you took the exam. You should try again. What's stopping you from living your dreams? I mean, you should consider yourself lucky. Marami akong kilalang gustong maging doktor pero hindi maka-proceed dahil walang pera."
"NMAT 'yong binagsak ko, Sil. NMAT," giit niya at lumaklak mula sa inabot kong beer.
"NMAT?" Suminghal ako. "Wala ka pala sa akin eh. Bumagsak ako sa pregnancy test."
"Tangina." Halos maibuga niya ang iniinom niya. Tawa siya nang tawa hanggang sa mamula siya.
I sighed. "Sa wakas, tumawa ka rin."
Sumandal siya sa kinauupuan niya at bumuntong-hininga nang malakas. "Nga pala, tumawag si Cohen sa akin noong--"
"Hey!" Inagaw ko mula sa kanya ang stainless tongs at itinutok ito sa kanya. "Break the rules and I will break your bones!"
"Ito naman, galit agad!" bulalas niya sabay kamot nang marahas sa ulo niya. "Siyempre, hindi ko sinabi na kasama kita dito. Two years na tayo, Sil. Ngayon pa ba ako babaliktad?"
"Puchangama, ayusin mo nga 'yang sentence construction mo." Napakagat ako sa labi ko dahil sa inis. "Kaya tayo laging napagkakaamalan eh. Alam mo bang umatras 'yong dapat sana ka-blind date ko kasi akala niya boyfriend kita?"
"Whoa!" gulat niyang bulalas, ang mga kamay ay abala sa pagcu-cut ng nalutong karne. "Blind date? Ikaw? Kaya mo na?"
I glared at him again. "I don't like where this conversation is going. Break rule number 1 and I will skin you alive."
Bigla na lamang isinubo sa akin ni Haji ang piraso ng karneng binalot ng kimchi at letsugas. "Masasabi ko lang naka naka-move on ka na talaga oras na sabihin mo sa akin kung ano talaga ang nangyari sa inyo noon."
I chewed fast and swallowed hard. "May mga bagay na hindi na dapat pag-usapan pa. Past is past and it should never be discussed again. Okay na ako ngayon. Hindi ba halata?"
He crossed his arms and squinted his eyes, pushing himself forward. "Parang naniniwala na ako sinasabi nilang kapag matalino ang tao, bobo sa pag-ibig."
"Wrong. Bobo ako sa dalawa." Nagkibit-balikat na lamang ako at kumain.
"So 'yon nga, tumawag si Cohen..." pagpapatuloy niya kaya muli ko siyang sinamaan ng tingin.
He glared back at me and continued, "pinapauwi niya ako. Si Reika ba? Pinapauwi ka rin?"
Tumango ako. "Lagi naman akong pinapauwi no'n. But last night she said Cohen was looking for me as well."
"Hanggang kailan ka iiwas sa mga kaibigan natin?" sumeryoso bigla ang tono ng pananalita niya.
"Kung makapagsalita ka, parang hindi ka rin umiiwas ah?" I scoffed.
"Minsan lang, kasi ayaw kong ipahalata sa kanila na umiiwas ako, pero ikaw bigla ka talagang naglaho eh. You only kept in contact with Slade and Reika. Sa tingin ko nga, kung hindi tayo nagkita rito two years ago, mawawalan din ako ng balita sayo," aniya at muli akong sinubuan. Style niya ito para 'wag kong putulin ang sinasabi niya. Memoryado ko na siya.
"Ayaw mo ba talagang malaman kung ano nang mga nangyayari sa Filimon Heights?" tanong niya.
Lumunok ako at umupo nang maayos. "Everyone's doing fine. Reika keeps me on the loop."
"Except for?" He tilted his head.
"Haji Kazemi IV, gusto mo na bang mamatay?" I smirked.
"Sabi ko nga hindi." He sighed. "Uuwi ako sa makalawa. Baka gusto mong sumama?"
Umiling ako. "May conference ako."
"Mamatay man?" He grinned.
"Mamatay ka man." I nodded and grinned back.
Padabog niyang binagsak sa mesa ang mga kubyertos. "Silver naman eh, umuwi ka rin. Wala akong kasangga doon. Alam mo bang hirap na hirap na akong magpanggap doon? Ang sakit sakit sa tuwing nandoon ako pero ni isa walang sume-seryoso sa akin."
"Wag kang magpaawa, 'di ka nakakaawa. Kumain ka na nga lang diyan. Idadamay mo pa ako," sabi ko na lamang.
***
"Himala at hindi ka na sinusundo ng boyfriend mo ah?" pang-aasar sa akin ng kapwa ko nurse habang nasa nurse station kami at wala masyadong ginagawa.
"Oo nga, Ma'am? Ilang araw na naming 'di nakikita si sir pogi," sabi naman ng isa sa mga intern.
"We're friends and he's on a business trip," sabi ko na lamang nang matapos na ang usapan.
"Jethro!"
I froze. My heartbeat began to race, and my knees suddenly felt weak.
"Ang cute naman ng bata." One of our interns beamed.
Out of reflex, I turned around only to see a woman chasing a little boy. She kept on calling out his name. "Jethro, 'wag kang tumakbo!"
I should be relieved, but my heart felt otherwise.
"Nurse Silver, okay ka lang ba? Ba't bigla kang namutla?" biglang tanong ng isa sa mga nurse kaya napatingin silang lahat sa akin.
"CR muna ako," paalam ko na lamang sa kanila.
I leaned on the comfort room sink and stared at my reflection in the mirror. My face turned pale and my eyes became a little red and watery. I closed my eyes shut and took a deep breath, clenching my hands to stop them from trembling.
"It's been two years, you've moved on," I whispered to myself monotonously.
Two years.
I can't believe it's already been two years since I left everything behind to start anew. I told myself that I would start with a clean and happy slate, but here I am, two years later, still crumbling down at the sound of his name.
I opened my eyes only to see a tear roll down my cheek. I quickly wiped it off.
I took a deep breath and sighed. "He's moved and so you should."
Everything comes to an end.
Jethro and I reached that a long time ago.
I should be okay.
***
11:32 AM
Dr. Quack:
Habol ka rito
Wala akong kakampi :(
Reply ka pls
Sige ka, sasabihin ko na magkasama tayo lagi
Joke lang
wag moko patayin
8:02 PM
Silver:
Puchangama ka bumbay
Dr. Quack:
Kailangan mong humabol dito
Silver:
Bakit?
Dr. Quack:
Ikakasal na si Cohen
Kasali ka sa mga bridesmaid
Silver:
SERYOSO?!!!!!
SINONG TANGA ANG PUMATOL?
BAKIT AKO BRIDESMAID?
PALITAN MO AKO
Dr. Quack:
I fucked up...
Silver:
I know you fuck up a lot. No surprise.
Dr. Quack:
This time it's serious
Tangina dapat hindi ko ginawa yon sa kanila
Ang tanga tanga ko
Silver:
Want to talk about it?
Dr. Quack:
We ruined their life
Silver:
Can you still do something about it?
Dr. Quack:
I think so
Silver:
Then do something about it
You still have the chance to make things right
Galaw bumbay!
Dr. Quack:
I should've known better
Silver:
You know better now
Redeem yourself
I know you can
Dr. Quack:
I'm sure they will ask you to come to the wedding
pwede bang umuwi ka na lang ngayon?
Silver:
Sino ba kasi ang magpapakasal?
Dr. Quack:
Piper and Cohen
Silver:
Please tell me that's not the Piper we know
Dr. Quack:
They're getting married so get your ass back here
Magtitipa sana ako ulit pero nagsimulang manginig ang mga daliri ko. Sa huli, napapikit na lamang ako nang mariin.
//
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro