Chapter 6 : You have me
"Samgyupsal! Samgyupsal! Samgyupsal!"
Gusto ko na lang takpan ang mukha ko dahil sa pag-eeskandalo ni Reika at ng mga kaibigan niyang siraulo. Nagcha-chant ba naman habang sama-sama kaming naglalakad papunta sa restaurant, pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao.
"Oh nasaan si Jethro?" biglang bulalas ni Sawyer.
"Hayun, nasa kabilang kalsada, ingay daw kasi natin," sabi ni Magno. And true to his words, naroon nga si Jethro sa kabilang kalsada, mag-isang naglalakad sa dilim. Parang tanga.
"Hay! Kung wala lang talagang mga sasakyan, itutulak na kita papunta sa kabilang kalsada," ani Reika at bigla akong inakbayan. Akala mo mas matangkad sa akin.
"Ako na ang tutulak!" bulalas ni Haji at biglang humarap sa amin.
"Hindi ka na talaga nadala!" bulalas ni Sawyer at sabay sila ni Magno na umakbay kay Haji at hinila ito palayo sa amin.
"Kaya ka nasasabunutan at nasasakal eh," sabi naman ni Magno.
Pagpasok namin sa restaurant, diretso kaming giniya ng staff patungo sa isang malaki at pabilog na mesa. Naupo si Reika at agad niya akong hinila sa tabi niya, as if naman ibang tao ang tatabihan ko.
"'Di kami ni Silver ang magluluto ha!" anunsyo agad ni Reika.
"Oo naman, baka mamaya sumama pa ang mga tiyan namin," sabi pa ni Sawyer at naupo sa kabilang tabi ko.
"Hoy! Alis ka nga diyan!" Reika suddenly yelled at Sawyer.
"Bakit?" Sawyer's eyes widened in shock and confusion.
"Masisira lang ang gabi mo dahil sa kanya," sabi ni Haji at nang tumingin ako sa kanya, nakita kong nakanguso siya sa akin.
"Problema?" I asked.
"Wala, nagbibiro lang." He giggled like an innocent kid and started cooking.
Sa huli walang nagawa si Sawyer kundi lumipat ng upuan. Sa ingay ba naman ni Reika, kahit ako gusto ko na ring lumipat.
"Asan ba si Jethro?" tanong ni Reika at marahas na nagkamot ng ulo.
"Kinuha na yata ng mga kauri ni Silver," biro ni Magno at agad na nag peace sign sa akin.
"Hindi sila nangunguha ng mga kauri nila," giit ni Haji.
"Speaking of the stone-cold devil," Sawyer said and raised his hand. Lumingon kami at nakita namin si Jethro na naglalakad patungo sa direksyon namin kasama si Tres. Swerte ba ako ngayon o malas?
"Ginagawa niyan dito?" Narinig kong bulalas ni Haji.
"Come on man, that's your brother," mahina namang sambit ni Magno.
"Uy!" Tres suddenly smiled and waved. Nagtaka ako dahil para bang nakatingin ito sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin at humarap sa niluluto nina Sawyer.
"Tangina!" Biglang sigaw ni Sawyer sabay bahagyang atras.
"Bakit?" tanong agad naming lahat.
"Nakakatakot ka pala kapag nauusukan!" bulalas ni Sawyer sabay turo sa akin kaya agad nakunot ang noo ko.
"O 'di ba? Sabi ko sa inyo nakakatakot siya lalo na pag may props eh!" Reika said with pride kaya siya naman ang sinamaan ko ng tingin.
"Multo talaga ang isang 'yan eh!" Haji chimed in.
"Mamaya tayo ang maging multo kapag napikon 'yan," natatawang sambit ni Magno. Akala mo sinong mabait eh ang lakas din niyang mang-asar.
"Tabi ako!"
Nawala agad ang inis ko nang marinig ang boses niya. Napatingin ako sa gilid ko at tumambad agad sa akin ang nakaka-slowmo niyang ngiti. Para tuloy akong tangang tumango lang.
"What a small world! Magkakilala pala kayo ni Reika?" he asked, the glorious smile never leaving his face.
"R-roommate." Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil nautal pa talaga ako.
"Napulot ni Reika si Silver sa Balete Drive," biro pa ni Magno. Kung wala lang talaga si Tres, nabato ko na ito ng bowl.
"Tres pala," pakilala niya sa sarili niya. Tinuro pa niya ang mukha sabay ngiti na parang isang inosenteng anghel.
"Silver," pakilala ko naman.
"You really are a girl of few words huh?" he mused while tilting his head.
"Baka tahimik lang 'yang si Silver tapos pinapatay na pala tayo sa isip niya 'di ba?" komento ni Sawyer na naniningkit na ang mga mata dahil sa sobrang usok ng niluluto nila.
"Parang si Jethro lang?" Malakas na sambit ni Magno sabay tawa kaya out of reflex, napalingon ako sa direksyon nito. Tahimik lang ito habang tumutulong sa pagcu-cut ng beef.
"Shhh, nagco-concentrate si Tatay," biro ni Haji.
"Just shut up and eat," Jethro said with a deep cold voice at nag-abot ng isang plato na puno ng maliliit na piraso ng pagkain, agad naman itong tinanggap ni Reika at isa-isang pinasa sa amin.
"Teka, ako pinaalis kanina tapos si Tres hindi?" kunot-noong tanong ni Sawyer kaya napatingin ako ulit kay Reika.
"I'm exploring the options, my friend." She smirked. Bwisit, mukhang binubugaw na ako ng babaeng 'to.
"How's working at Cohen's club?" biglang tanong ni Tres kaya nabalik sa kanya ang atensyon ko. Inabutan niya pa ako ng side dish.
"Good." I shrugged.
"Wala kang comment sa boss mo?" He chuckled while his hands were busy wrapping up his beef. Lumamon pa ito nang walang kahiya-hiya sa aming lahat.
"Okay lang," sabi ko pa kaya nagtawanan silang lahat, maliban lang ulit kay Jethro na parang may sariling mundo.
"Parang napilitan lang eh," komento ni Haji.
"Subukan lang talaga ni Cohen." Narinig kong tumawa si Reika.
"Uy concerned!" pang-aasar agad ni Sawyer kaya naman nabitin ang paglamon ni Reika.
"Problema mo Eric?" bulalas ni Reika kaya ako naman ang nagtaka.
"Eric?" I couldn't help but ask.
"Eric Thomasson Sawyer," pakilala ni Sawyer sa sarili niya sabay saludo na may kasama pang ngiti. Cute.
"Tanungin mo anong pangalan ni Magno," Tres chimed in kaya naman nagtaka ako.
"Hoy Tres wala namang ganyanan!" protesta ni Magno.
"Tama na nga 'yan! Inom na lang tayo," pagyayaya ni Reika at agad na tumayo patungo sa direksyon ng ref para kumuha ng soju.
"Who will be driving you guys home?" Narinig kong tanong ni Jethro kay Magno.
Sabay-sabay na itinuro nina Haji at Sawyer si Magno.
"'Wag kang mag-alala Itay, hindi ako iinom," pabirong sambit ni Magno.
"I'll take it from here. You can go home now," paniniguro ko kay Magno nang maiupo namin ang lasing na si Reika sa sofa. Gaya ng dati, hinatid ulit kami ni Magno.
"Are you sure? Mamaya malaglag pa kayo sa hagdan?" Magno asked, worry evident in his eyes.
"It's okay. I'll take care of Reika," I assured him.
"No, ako bahala sarili ko," Reika mumbled as her eyes continued to blink wearily.
"Silver, nakainom ka rin," Magno tried to argue.
"Isang shot lang at may kontrol naman ako sa sarili ko," paniniguro ko. "Just go, ihatid mo na 'yung dalawa. Mamaya sumuka ang mga 'yon sa kotse mo. But if pagod na rin kayo, there's a guest room upstairs."
Magno sighed while shaking his head, "Can't stay. Maaga pa ang pasok namin bukas. Just please keep an eye on her, mamaya kung ano pang maisip niyan."
"Hoy naririnig kita," Reika said sarcastically. Lasing pero nagmamaldita pa rin.
Pagkaalis nina Magno, inalalayan ko na si Reika paakyat. Kahit papaano ay nasa katinuan pa rin naman ito, 'yun nga lang ay sobrang ingay niya. Daming sinasabi tungkol sa kaibigan niyang si Jethro, parang nangse-sales talk ang loka-loka.
Mabuti na lang talaga at sa bottom bunk si Reika kaya naman hindi ako nahirapan na magpahiga sa kanya. Siya pa nga mismo ang nagbihis sa sarili niya 'yun nga lang nagkanda baliktad-baliktad ang damit niya, at least hindi siya maliligaw.
Nang masiguro kong komportable na si Reika sa hinihigaan niya, nag-ayos na rin ako at pagkatapos ay umakyat na sa kama ko. Matapos makapagdasal, nagkumot na ako at pumikit.
"Silver, may tanong ako?" Napadilat ako nang biglang magsalita si Reika. Nasa ilalim siya ng kinahihigaan ko kaya hindi ko makita ang mukha niya, she sounded serious though.
"A-ano?" kinabahan ako bigla. Baka mamaya mahilig pala 'to mang real talk kapag lasing.
"'Di ka ba nasusunog pag nagdadasal?" Tumawa ito nang malakas.
"Bwisit ka, Reika De Juan," sabi ko na lang.
As her laughter subsided, she spoke wearily once again, "but seriously, if Cohen, or any fucked up dude, does anything to upset you, magsabi ka agad nang maturuan natin ng leksyon."
I felt a tender and warm feeling in my chest, all of a sudden.
"You too. Magsabi ka agad." I couldn't help but smile, thankful to have a friend like her in my life. I thought I would never get to have a friend again after CJ but it looks like God has other plans. He gave me a new friend again, this time even better.
"Meron actually..." she laughed again but all of a sudden I heard her break into a sob. My smile disappeared and I felt hurt for her.
"S-Sino?" tanong ko kahit pa may ideya na ako.
"My ex-father and ex-bestfriend, even my own Mother and she's not a dude," she said, sounding weak and angry at the same time. "I don't want to be abandoned again."
I got tongue-tied. I wanted to comfort her but I was at a loss of words.
"Don't abandon me too, please?" she asked. I could hear her crying.
"I won't abandon you, Reika De Juan," I assured her. "You have me."
"You have me too," she said.
Reika continued to mumble until all I heard was her loud breathing. By the time I took a peek, I saw that she was already sound asleep.
I laid on my bed again, staring at the ceiling. I tried to sleep but my thoughts wouldn't let me. Haunted by the truth, I grabbed my phone and made my way out of my room. As I reached the living room and made sure Reika was away from earshot, I called Slade.
"Sil?" Slade sounded so sleepy the moment he answered.
"H-have you told her Father that she's with me?" tanong ko agad.
"H-hindi, gusto ko sabihin nang personal para makita ang reaksyon niya so baka sa weekend pa. Bakit?" sabi niya kaya naman para akong nabunutan ng tinik.
"Please, don't tell her Father," I pleaded right away, trying to ignore the tears in my eyes.
"Ha? B-bakit? Nag-away kayo?" he asked, worry evident in his voice.
"She's my friend and I don't want to lose her. She'll be mad at me when she finds out that about my connection to her father--"
"Silver, listen, I know you're--"
"No, you listen to me. Isipin mo anong mararamdaman ni Reika kapag nalaman niya 'to. She'll think I betrayed her. I don't want that to happen. Please, Slade. Just this once, isipin mo ako. Slade, I have a friend now, she has a friend now. Masasaktan siya. Magagalit siya sa akin. Ayokong mangyari 'yon. Ayokong mag-away kami. Ayokong mawalan na naman ng kaibigan. Please? Let's keep this our secret? Just between the two of us. I don't want to lose her," I pleaded.
"Hindi naman siguro," he tried to argue.
"You asshole, why can't you just listen!" I gritted my teeth as my tears began to roll down my cheek. "Why can't you just think about my happiness for a second?"
Out of frustration, I quickly ended the call.
| End of 6 - Thank you! |
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro