Chapter 59 : Dodge It
"I'm afraid you won't be able to graduate this month, Ms. Villafranca."
Nakakapanghina. Iniisip ko pa lang ang magiging reaksyon nina Mommy at Daddy, nadudurog na ako. At ang pangarap kong internship... wala na.
Ginawa ko naman ang lahat pero bakit kulang pa rin? Did I get too distracted? Was I too dumb? Were my efforts not enough?
Puchangama, kahapon lang nag-away kami ni Jethro tapos ito naman ngayon.
"Hey, you're too pretty to be sad. Is there any way that I can help you?" Lumapit sa akin ang isang lalake pero hindi ko siya tinapunan ng ni isang segundong tingin. Patuloy lang ako sa pag-inom mula sa maliit na bote ng alak. I thought the loud music and strobe lights would somehow drown my sorrows out, but I was wrong.
"You can help by getting your ugly ass away from her. Shoo!" Ronie spat out fiercely from the other side of the counter. She's doing a much better job than I ever did here as a bartender.
When the guy left, natawa na lamang ako at pinunasan ang labi ko.
Sumandal si Ronie sa counter, humalumbaba habang nakatingin sa akin. "You are so full of surprises, Villafranca. I didn't take you for someone who clings to alcohol when shit hits the fan."
"Don't judge me, Ronelio. Ngayon lang 'to." I shrugged at nagpatuloy na lamang sa pag-inom.
Inagaw ni Ronie ang bote mula sa akin. Babawiin ko sana pero mabilis siyang umatras. "That's it. You've had enough."
"Boy problems?"
I heard the sound of a girl's voice beside me. Sabay kaming napatingin ni Ronie at nakita ang isang babaeng nakasuot ng manipis na sando at mini-skirt. She's just standing and leaning over at the counter, butt protruding and cleavage on full show for us. Aside from her revealing outfit, her face stood out to me as well. She looks like an angel with a flirty grin, add that she looks drunk as hell.
"What can I get you?" tanong agad ni Ronie sa babae.
"Your number." She winked at Ronie.
"911," Ronie quipped seductively, sticking her tongue out.
Tumawa ang babae at dumako ang tingin sa akin. Laking gulat ko nang bigla niyang itinaas ang gilid ng sando niya, sapat para makita namin ang tattoo na nasa ilalim lang ng left boob niya. Thank God she's wearing a bra otherwise we'd see her melon!
"Piece of advice, my girl." She grinned.
"I'm not getting a tattoo. Not my thing." Umiling na lamang ako at umiwas ng tingin.
"No! The phrase! Basahin mo!" she giggled in her drunken stupor.
Lumabas si Ronie mula sa pwesto niya at siya mismo ang nagbaba sa t-shirt ng babae. "Just tell us what the phrase is, drunkie. We don't want to see your boobies."
The girl looked at Ronie with a mischievous smirk, and then her dopey eyes shifted on me. "Give heads not hearts."
Kapwa kami napangiwi ni Ronie. Bago pa man makapagsalita ang isa sa amin, nagulat kami nang bigla na lang dumating si Colette na nakasuot ng pambahay at malaking jacket. Halata sa mukha ang magkahalong inis at antok nito.
"Vanessa! Kanina ka pa namin hinahanap nandito ka lang pala!" bulalas nito.
"She's Vanessa?" Natawa ako.
"She knows me!" The girl giggled before welcoming Colette with a tight embrace.
Colette looked at both Ronie and I apologetically. "Sorry sa panggugulo nito. Takas 'to sa mental."
"Wow, Cous! You're so sweet!" sarcastic na sabi naman ni Vanessa.
Saglit na binitiwan ni Colette si Vannesa upang lumapit sa akin. Bigya niya akong niyakap at hinalikan sa pisngi. "Let's talk tomorrow, okay? I love you. It's not the end of the world. You're still one of the best nurses that I know."
Ngumiti na lamang ako at tumango. Mabuti pa si Colette, ga-graduate on time.
Nang makaalis ang dalawa, bumalik si Ronie sa loob ng bar counter at ako naman ay umayos ng upo, nakaharap sa kanya. "That was Vanessa, Colette's cousin from Los Angeles. Medyo maraming kalokohan."
"Halata nga," Ronie mused. "She was here the other night, making out with strangers."
"Strangers? Plural?" Natawa ako at napailing-iling. Minsan nang naikwento ni Colette sa akin ang pagiging liberated ni Vanessa pero hindi ko inakalang ganito pala. But hey, at least she's not hurting anyone.
Huminga ako nang malalim at bumuntong-hininga. "Give me back my drink please."
"Talk to Reika instead of drinking alone," Ronie said, instead.
Umiling ako. "Nahihiya na ako sa kanila. Puro na lang problema ang binabahagi ko. You know how sadness can be so fucking contagious."
"Hate is contagious," pagtatama niya sa akin. "You tell someone you hate something and they start hating it, too. Anyway, just talk to Reika nga kasi."
"Please, my drink," pag-uulit ko.
"Go home. Sleep," giit niya.
I slammed my palms against the table. "Pati ba naman 'yan, ipagkakait pa rin sa'kin?!"
"Silver, you're drunk." Ronie glared at me and then raised her line of sight above my shoulder. "Ihatid mo na nga 'to!"
Lumingon ako at nakita ko si Jethro. Bago pa man siya makalapit, mabilis akong tumayo at naglakad na palabas. Naririnig ko ang mga hakbang niyang sumusunod sa akin pero hindi ko siya nililingon at diretso lang ako palabas. Sa pagkakataong ito, unti-unti na namang namumuo ang luha sa mga mata ko.
Pagdating sa tahimik at may kadilimang parking lot, hindi na ako nakapagpigil pa. Huminto ako sa paglalakad at hinarap si Jethro.
"Quit following me. I'll go home on my own."
"I'm sorry, SIlver," he spoke softly, hanging his head low. And just like that, my walls of anger began to tremble.
"Sabihin mo nga sa'kin," I said, choking back my tears. "Did your parents had something to do with this?!"
Mabilis na nag-angat ng tingin si Jethro sa akin, naguguluhan pero malamlam pa rin ang ekspresyon. "Tungkol saan?"
"O baka naman ikaw ang may gawa nito?! Did you pull some strings again just so I won't graduate?!" I failed and ended up breaking down in tears.
"Silver I will never do that. My parents, too." Umiiling siyang lumapit sa akin habang may malungkot na ekspresyon sa kanyang mga mata. Iniangat niya ang kamay, may tangkang yapusin ako kaya mabilis akong umatras at umiling.
Nakita ko ang sakit na lumatay sa mukha niya nang umiwas ako sa kanya. "I-I'll do something about this. I'll talk to your professors, to your dean, or whoever it is that I need to convince. Sisiguraduhin kong makaka--"
"'Yan ang 'wag na 'wag mong gagawin!" Napapadyak ako sa sahig kasabay nang mas lalong pagbuhos ng luha ko.
"Stoney, I'm trying to help you." Mas lalo pang lumamlam ang boses at mukha. "Let me--"
"Do you know how unfair that is, Jethro?! Hell No! I'd rather fail! God! I should be calling the shots! 'Wag n'yo akong pakialaman!" Wala na sa isip ko kung may makarinig man sa akin. Basta na lang lumabas ang mga sigaw at iyak mula labi ko. Nasabunutan ko ang sarili.
"Okay, Silver. Okay. You'll do it your way. I'm sorry. Please. I'm sorry." Kinulong niya ako sa kanyang mahigpit na yakap habang dinadaampian ng halik ang noo ko. Hinawakan niya ang kamay kong nanginginig habang nakakuyom. "Hindi na ako makikialam. I'm sorry."
"Naiinis na ako sa'yo pero mahal na mahal pa rin kita. Ang daya mo. Ang daya daya mo," Umiyak pa ako lalo.
"I'm sorry. I'm sorry. Hindi na ulit," aniya at muli akong hinalikan sa noo. "Bati na tayo please?"
***
Nagising ako na may katabi sa isang malaking kama. Nagulat ako nang mapagtantong si Reika pala ito na may hawak pang cellphone habang nanonood ng lumang what would you do videos. Saka ko lang napagtanto na nasa kwarto ako ni Reika. I must've passed out inside Jethro's car at dito niya ako idiniretso.
"Gising ka na?" tanong ni Reika, hindi inaalis ang tingin sa cellphone na nasa ibabaw ng mukha.
Humilig ako paharap sa kanya at yumakap sa bewang niya. "Rei... Hindi raw pala na-credit 'yong isang subject ko noong last summer kasi may isang form akong hindi naibigay tapos binagsak din ako ni Mr. Burgos ngayon."
"So that's why you're not graduating..." She sighed. "Oh well, at least we can graduate together in October. Sabay-sabay tayo nina Piper."
"N-natatakot ako sa magiging reaksyon nina Mommy at Daddy... tapos 'yong post-grad internship ko naman, wala na." Nanginig ang mga labi ko pero pilit kong pinigilang umiyak.
"We'll figure it out, Elemento. Tara, breakfast muna tayo?" pagyayaya niya. "Mom made a killer soup for your hangover."
"S-Si Jethro pala? M-may ginawa ba si Slade kagabi?" Hindi ko maiwasang mag-aalala.
"Slade won't do anything without your signal. You know him." She chuckled, assuring me.
I smiled and nodded.
Pumunta kami sa kusina pero mabilis akong nanigas sa kinatatayuan nang makita sina Mommy at Daddy na nasa mesa, kasamang kumakain sina Tita Abbey, Tito Rico, at Slade. Aalis sana agad ako pero bigla akong tinulak ni Reika papunta sa isang bakanteng upuan. Muntik pa akong sumubsob sa mesa.
"Reika!" Tita Abbey glared while the rest of them just laughed. I rolled my eyes. Masakit 'yon dahil tumama pa ang dibdib ko sa sandalan ng upuang gawa sa narra.
"Anak, dito ka na maupo. Si Reika diyan sa tabi ni Slade." Dad smiled, pointing the vacant seat between him and Mom.
My knees were trembling in fear but I was able to fake a smile and follow his command.
"My baby..." Niyakap ako bigla ni Mommy at dinampian ng halik sa noo. "Don't worry about it okay? On the bright side, magkasabay kayong ga-graduate ni Reika."
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at nanigas ako sa kinauupuan. Napatingin ako kay Tita Abbey at kinindatan lamang ako nito.
"Y-you're not mad?" Halos hangin ang lumabas mula sa bibig ko nang tumingin ulit ako kay Mommy.
"Kapatid mo nga, ilang taon pa bago gumra-duate," Dad said jokingly, ruffling my hair, just like what he does back when Slade and I were kids.
"Hey!" Reklamo agad ni Slade mula sa kabilang dulo ng mesa.
"Totoo naman kasi." Humalakhak ni Reika sabay biglang saksak ng drumstick sa bibig ni Slade.
"Reika!" Tita Abbey yelled again pero lahat sila ay tumawa lang.
Naramdaman ko ang luhang umaagos pababa sa pisngi ko. Dali-dali ko itong pinunasan. Lumuluha man ako, ngayon ay dahil na sa tuwa.
Humarap ako sa direksyon ni Daddy at niyakap siya nang mahigpit. Narinig kong huminto silang lahat sa pagtawa.
"It's okay, Kid," Dad said, hugging me back. "You're still the most brilliant child that I know."
"Tito may nasaktan po rito sa tabi ko!" Narinig kong sumigaw si Reika.
"Slade is brilliant, musically." Dad chuckled and I heard all of them laugh again.
Reika cleared her throat. "Mom? Dad? Any comments about me?"
"Eat your chicken, Reika De Juan." I hissed jokingly.
Habang pinagkakaguluhan nilang lahat si Drummer sa sala, tinutulungan ko si Tita Abbey na magligpit ng pinagkainan. Kahapon lang para akong pinagsakluban ng langit at lupa, pero ngayon sobrang gaan na ng pakiramdam ko.
"Hindi ko po alam anong ginawa ninyo pero maraming salamat po." I smiled at her, pressing my lips together, my heart in pure delight.
Tita Abbey just shrugged and smiled back. "Your parents are good people, Silver. They just need some enlightenment, sometimes. Basta, kapag may problema ulit, don't hesitate to let them know. You can always rely and confide on them. Forget the past shortcomings, we all deserve a second chance to make things right."
I nodded. Second chance.
***
Matalim ang tingin sa akin ni Slade nang papalabas na ako ng bahay. I know he's only worried for me kaya hindi ko magawang mainis sa kanya.
Paglabas ng gate, nakita ko kaagad si Jethro na bumaba mula sasakyan niya suot ang kulay puting polo-shirt at makapal na salamin. Kagaya ng dati, pinagbuksan niya ulit ako ng pinto.
Bago paandarin ang sasakyan, tiningnan niya muna nang may pag-iingat. "Are you still mad at me?"
I moistened my lips and shook my head. I looked at him and smiled faintly.
He smiled, holding my hand and kissing it. "I love you, Silver."
Hindi ko na pinaglaban pa ang grades ko. I accepted my failure wholeheartedly with a promise to do better next time. Tinanggap ko na rin ang na siguro ay hindi pala talaga sa akin ang internship na 'yon.
Siguro nga tama si Tito. May oportunidad din naman akong makatulong dito. Siguro ganoon nga, dito na lang muna siguro ako. I get to stay with my friends and still be able to help people. I'll get to live my dreams with Jethro by my side.
***
I shrieked while trying to dodge the orange balls coming for me and quickly hid behind Ronie.
"Silver hayop ka!" Ronie started screaming, trying to get away from me.
"Saluin n'yo ang bola! Saluin n'yo o ipapakain ko 'yan sa inyo?!" Riley roared like an angry gay lion. We're teammates but we're more scared of him than our opponents.
It was dumb of Reika to suggest for us to play Dodgeball in the basketball court, but we were dumber to actually play in this summer heat.
The game was between Rosepike and FHU and since Slade is injured, he served as our judge, referee, and water boy.
Walang patawad ang kulto ni Reika sa kanya dahil siya mismo ang ginagawang main target nito. Slade keeps threatening them pero balewala. Sa kanilang lahat, tanging si Jethro lang ang hindi pumuntirya kay Reika.
Dumating sa puntong kaming tatlo na lang nina Lucho at Riley ang natira sa team namin habang sa kabila naman ay sina Haji, Cohen, Magno, at Jethro.
"Jethro, batuhin mo si Silver! 'Wag kang madaya!" Haji yelled.
Jethro nodded nonchalantly at laking gulat namin nang si Haji ang bigla niyang binato. "You're out."
"Out! Out! Out!" Lucho, Riley, and I started chanting in unison while Haji wailed and argued with our "judge". Unfortunately, Haji remained dahil wala naman daw ito sa rules ng laro.
Para kaming mga sisiw ni Lucho at si Riley ang inahin na lagi naming ginagawang shield mula sa bola. Walang patawad ang mga lalake, kahit si Jethro.
Ang hayop kong boyfriend, ako mismo ang pinupuntirya at may pangisi-ngisi pa na parang nang-aasar. Sinubukan kong gumanti nang isang beses pero mabilis siyang nakailag kaya mukha ni Cohen ang tinamaan ko.
"Sorry boss!" Napangiwi ako sabay peace sign.
"You're fired!" sigaw nito sa akin.
"I stopped working for you already! Ha!" I joked kaya agad ako nitong sinimangutan. Lumapit agad ito kay Piper, nagpapaawa. Ugh. I still prefer Apollo!
Nagpatuloy kami sa paglalaro. Tawa kaming lahat nang tawa dahil nage-exhibition pa si Riley, nagfi-fierce pose na akala mo kinukunan ng litrato at minsan ay itinataas pa ang isang paa sa ere.
"Riley mahal mo ang mga bola! 'Wag mong iwasan!" sumigaw si Piper nang pagkalakas-lakas kaya halos magwala ang inahin namin.
Sa kalagitnaan ng laro, biglang dumugo ang ilong ni Lucho at parang bata itong inasikaso nina Piper, Braylee, Warren, at Ronie. Sinamantala namin ang pagkakataon na mag water break muna.
"Silver, para akong bata." Humalakhak si Jethro nang pinunasan ko ang basa niyang likod gamit ang bimpo.
"Sana all!" Narinig naming sigaw ni Braylee na nakatingin pala sa amin.
"Bray, punasan ko ang pawis mo!" Haji quickly raised his hand, making us all wince. Poor guy is too desperate. Ilang beses ko siyang nakikitang umaaligid sa school para lang makita si Braylee.
"Likod ko na lang, Ji!" Mabilis na humarang si Magno. As usual.
Ever since Haji met Braylee, pansin kong hindi na ito kagaya ng dati. He doesn't approach or talk to any other girls anymore. Hell, when we're gathered together, pansin naming si Braylee palagi ang bukambibig niya. He's serious about her. And as far as I know, kay Braylee lang siya naging ganito.
Denver's out of the picture already so I'm kinda confused why Haji still hasn't made a move yet. Panay biro-biro lang kahit halatang seryoso na ang pagkakagusto nito kay Braylee.
It's kinda sad how Haji can't be with the person he loves even when she's just inches away from him. So close yet so far. I feel bad for him.
"Romeo!" Napalingon kaming lahat at nakita namin itong dumating, abot tenga ang ngiti at may dalang mga pagkain. Romeo is the famous baseball player of Rosepike University. Dean-Lister, President ng student council, Baseball Player, Gwapo, Mayaman — the guy has it all.
"Who invited him here?" Nakita kong napahawak sa bewang si Ronie at nagtaas ng kilay.
"Nasa area lang kasi, nagpabili na lang ako." Cohen shrugged.
"Let's ask him to play with us. 'Di pa makakalaro 'tong isa," sabi ni Warren sabay turo kay Lucho na mabilis bumusangot.
| End of 59 - Thank you |
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro