Chapter 57 : Out of Control
"Take a deep breath and focus on the target," Jethro whispered in my ear, making my heart flutter.
He's standing right behind me, hands leaning on both sides of the counter, caging me. I used to get fidgety and awkward whenever our skin brush against each other, but after almost two years of being together, I feel nothing but comfort and warmth like no other.
"I got this, Inspector." I grinned confidently, tightening my grip on the gun and pulling the trigger three consecutive times. My heart pumped, adrenaline pulling me in, at the sound of every gunshot.
I placed the gun down the counter, taking off my headphones to let it hang on my neck. I turned to face Jethro and leaned my back on the counter. "How did I do?"
"Hmm..." He moistened his lips, closing our distance.
He looked at the target board behind me, placing his jaw just above my shoulder. I took the opportunity to place my hands above his nape, pulling him to an embrace.
"Not bad. Gumagaling ka na, ah?" He chuckled, pulling his head back to face me.
"I had a good teacher, I guess?" I said, playfully tapping my thumbs on the sides of his jaw.
"Yeah?" he said huskily, looking at me with eyes full of longing. He then started kissing me, his one hand moving to the hem of my dress. I shivered when I felt him caressing my thigh.
Just one touch and I started to burn for him. I tried to suppress my moan while kissing him back.
The more I burn, the weaker I get. I held on to him tighter and pushed down my weight on the counter behind me.
We were both breathless when our lips parted. I thought we were done when all of a sudden his, lips started traveling from my jaw, down to my neck. His one hand is still caressing my thigh, while the other is making it's way up to my chest. I craned my neck to give him more access.
My fire died at an instant when I suddenly noticed the CCTV on the corner of the ceiling.
"CCTV. CCTV." I quickly alerted him.
He stopped and laughed. Kahit ako ay natawa rin. That was close.
"Almost got carried away there. Sorry, Stoney," he said, fixing the hem and collar of my dress.
"Ako rin." I sighed, wiping the sweat above my forehead. "We really need to control ourselves better."
"Yeah..." He chuckled and nodded. "You better stop seducing me."
"Ako pa ngayon?" I looked at him flatly. "Pareho lang tayong malandi. 'Wag kang magmalinis."
Natawa siya nang malakas dahil sa sinabi ko. Puchangama. Halos dalawang taon na kami pero para pa rin akong natutunaw sa bawat tawa at ngiti niya.
"Hang out na lang ulit sa tapsihan?" I suggested.
"That's a great idea." He smiled and nodded like a little good boy. "Ipapabura ko muna ang footage natin dito."
"Now that is a better idea." Ako naman ang natawa.
***
"Aray ko naman, Elemento! Ang gusto ko i-braid mo ang buhok ko, hindi 'yong kakalbuhin mo ako!" reklamo ni Reika habang inaayos ko ang buhok niya. Nakaupo siya sa sahig, samantalang ako naman ay nakaupo sa bottom bunk ng bunk bed namin.
"Shhh. Don't give me an idea," biro ko at pinagpatuloy ang pagsusuklay sa buhok niya.
Pinagsasabay ko ang pagbe-braid ng buhok niya at panonood namin ng horror movie sa netflix; aksidente ko tuloy na nahihila ang buhok niya sa tuwing may jump scare. Gaya ng dati, pahirapan ulit kami ni Reika na mag-focus sa pinapanood dahil nauuwi kami sa daldalan at asaran.
Magsisimula na sana kami ng pangalawang movie nang bigla na lang may kumatok sa pinto.
Nakunot ang noo ko. Slade would never knock. Basta-basta lang 'yong papasok para agawin si Reika sa'kin o di kaya ay gagawin akong third wheel.
"Password!" bulyaw ni Reika.
"You didn't lock the door or even the gate. What if someone else comes in?"
Gulat kaming nagkatinginan ni Reika nang marinig ang parang iritadong boses ni Jethro mula sa labas. Mabilis ulit na sumigaw ang demonya, "'Wag ka pumasok! Gumagawa pa kami ng milagro!"
"Get in here, Stoney!" Natawa na lang ako. Kahit kailan, siraulo 'tong si Reika.
Bumukas ang pinto at pumasok si Jethro na nakasuot ng kulay asul na police uniform at makapal na salamin. He looks as dashing and honorable as ever. I can't help but admire him even more. From strict-looking principal to a strict-looking policeman. The evolution of Jethro Filimon.
Humagikgik bigla si Reika sabay turo sa walang emosyong mukha ni Jethro. "Para kang tanga kahit kailan, Totoy Bato."
Napailing-iling na lamang ako. Naging pulis na at lahat-lahat si Jethro, pinagt-tripan pa rin siya ni Reika. Actually, amost everyone in the gang still pokes fun at him. But come to think of it, lahat naman kami sa barkada ay pinagt-tripan ang isa't isa. Walang takas. Kawawa na lang talaga ang pikon na kagaya ko.
"Watch this movie with us," pagyayaya ko na lamang kay Jethro sabay taas ng kamay ko sa direksyon niya.
"Hell no! Bawal ang parak sa bahay ng mga kriminal! Alis!" pabirong pagmamaldita ni Reika.
"Silver's house. Her rules," Jethro said in his usual cold yet calm tone but I know he's kidding around. Kung noon ay binabalewala niya lang ang mga biro ni Reika, ngayon ay sinusubukan niya na itong sabayan. Nakakatuwa.
"Excuse me, Police Inspector Muntanga, this is my house, too!" And Reika being Reika, lumalaban ito sa asaran.
"You have your own house and bedroom next door," Jethro replied.
"Do you see this bunk bed?" Humalakhak si Reika. "Silver still hasn't changed it to a single bed which only means that I still live here. And as long as Silver still has our bunk beds, it will always be our bed, our room, and our house. And being co-owner, I banish you from this land, you evil spirit!"
Jethro nodded. "I brought some food. It's downstairs."
Reika beamed and quickly stood up. "On second thought, stay for as long as you like."
Nang makaalis si Reika, napatingin na lamang kami ni Jethro sa isa't isa. Kapwa natatatawa.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Tila may sariling isip ang mga kamay kong mabilis na pumulupot sa batok niya. "What brings you here, Inspector?"
"Just here for my happy pill." He pursed his lips, wrapping his arms around my waist.
"There there. You're going to be alright, Filimon." Yumakap naman ako sa kanya. Poor guy.
***
"Oh? Nasaan si Parak?" tanong ni Reika nang maabutan ko siyang lumalamon sa kusina.
"Bumalik na sa station. He just dropped by to catch a breath." I smiled at tinabihan siya sa mesa. "Sobra siyang stressed doon lately kaya tumatakas saglit."
"Tungkol ba doon sa kaso ng holdapan o demolition dispute?" usisa ni Reika kaya nagkibit-balikat ako.
"I have no idea. He doesn't want to talk about work when he's with me. I mean, fair lang din since I don't talk about patients when I'm with him, too."
"His workplace must be too toxic," Reika presumed. "Pressure na nga dahil sa mga kaso, dagdag pang pressure na Filimon siya. I mean, imagine how his co-workers must feel, bago-bago pa lang niya pero Inspector na. I bet in a few weeks, tataas na naman ranggo niyan."
"He earned it, okay?" giit ko. "His entire life, Jethro's been working his ass off, lalo na ngayon. He's rising up through the ranks through his own merit. Mabilis kasi ganoon siya kagaling."
Naalala ko pa, ilang buwan ding umalis si Jethro pagkatapos ng graduation niya para sa training. Matagal-tagal din kaming hindi nagkita at panay tawagan at text lang sa isa't isa.
Ngumiwi si Reika at bahagyang tumawa. "Talaga lang ha?"
"Yeah." I nodded. "He deserves every achievement."
Reika nodded but I could see the hint of sarcasm in her face. I was about to defend Jethro when all of a sudden my phone vibrated. It was a message from Tita Janice.
Tita Janice:
We're having a charity drive tomorrow.
Jethro won't come so you should be there.
"Habang tumatagal mas nagiging demanding ah?" Reika muttered. Saka ko lang napansin na nakikibasa pala siya sa cellphone ko. "Charity Drive? Don't tell me nagsisimula nang mangampanya ang Dad ni Jethro?"
"Hindi naman." Ngumiti ako at umiling. "They just need every help that they can get."
Humalumbaba si Reika at ngumisi. "So paano 'yon? 'Di ba special exam mo bukas? Special exam na 'yon ha kasi umabsent ka sa actual exam day dahil na rin sa kanila."
I sighed and placed my phone down. "Okay, where are you getting at?"
"You are sacrificing so much! Matuto ka namang humindi sa kanila!" giit ni Reika na may halo pang pagtawa. "Hindi kasalanan na humindi. Unahin mo muna 'yang exams mo. Sige ka, hindi ka makaka-graduate ngayong March!"
The thought of not being able to graduate this March scares the hell out of me. I already have my plans laid out in my head ever since I was in my first year!
"Okay Fine!" Bumuntong hininga ako at agad na nagtipa ng mensahe.
Silver:
Tita, pasensya na po pero hindi ako pwedeng umabsent
I have my exams and lectures tomorrow
I can't miss it
Tita Janice:
Talk to your professors. They will understand.
"Tigas ng ulo ah?" May panggigigil na bulalas ni Reika. Nakangiti man, halata ang inis sa mukha niya. Mas naiinis pa ito para sa akin. "Don't reply. Stand your ground. Unahin mo ang sarili mo. Kailangan mong gumraduate."
"Are you sure? Baka magalit siya." Natakot ako bigla.
"Silver!" Reika yelled at me kaya binitiwan ko ulit ang cellphone ko. "If you keep saying Yes, they will never accept your No. Alam mo, matagal na akong nagtitimpi sa'yo, umayos ka. You know better than that."
Suminghal ako at mabilis na umiling. "I don't always say Yes. Marunong akong humindi."
"Marunong kang humindi sa amin." Reike heaved a pained sigh.
Nanlumo ako sa narinig. Hindi ko maikakaila na may mga pagkakataon ngang nauuna ko ang mga Filimon kaysa sa mga kaibigan ko. "I'm sorry, Rei. Babawi ako--"
"Oh come on." Mabilis na pigil sa akin ni Reika. "I know you're trying your best to hang out with us despite your busy schedule so don't apologize for that. Nage-effort ka pa rin sa amin, 'yon ang mahalaga. Ang punto ko rito ay ang sarili mo. Todo effort ka para sa ibang tao, paano naman para sa sarili mo? Ang dami mo pang cases na kulang, Silver."
Napakagat ako sa labi ko at napatingala sa kisame, pilit na pinipigilan ang luha ko. Iniisip ko pa lang ang mga kailangan kong gawin, nanghihina na ako. "Makakaya ko ba?"
"Gago ka ba?!" Sarcastic na tumawa si Reika. "Lumipat ka rito na walang ibang kilala. Pinagsabay mo ang pagiging nursing student at pagta-trabaho. Kinaya mo akong maging roommate at kinaya mong 'wag patayin sina Haji. How dare you doubt yourself when you've already accomplished all of that?"
"Reika naman eh, seryoso ako." Lumabi ako.
"Seryoso rin ako!" she spat out. Halos malukot na niya ang slice ng pizza dahil sa panggigigil. "Naiinis na ako sa'yo. Hindi ka naman ganyan dati ah? What happened to the confident and focused Elemento?"
"I've always been a pessimist," giit ko but Reika just looked at me like I just said the most absurd thing.
She sighed once more. "You know what? Don't listen to the little voice in your head that's dragging you down. You're Silverianne Villafranca. Soon, all of your efforts will pay off. All you have to do is focus on your progress."
Humalumbaba ako at hinilamos ang palad sa mukha. Huminga ako nang malalim at bumuntong-hininga. "Thanks, Reika."
Nagulat ako nang bigla siyang tumawa. "Damn, I can't believe I just gave you a pep talk. Oh how the tables have turned."
"Sira ka talaga." Natawa na lang ako at pabiro siyang hinampas.
"But seriously," natatawa niyang sambit. "Don't think about Tita Janice, okay? You've been doing so much for them already. Focus ka muna sa acads mo nang 'wag kang maging Octoberian gaya namin. Nga pala, anong balita doon sa post-grad internship na gusto mong salihan? Tuloy ba ang pagpo-probinsya mo? Grabe, first year pa lang yata, 'yon na ang plano mo."
"I'm still waiting for them to confirm my spot in the program. Kinakabahan na nga ako." I sighed once again, pushing my back on the chair.
"Just tell them you're an Abrantes! Your Grandparents basically built that program, traydor sila kung hindi ka nila kukunin. Nga pala ilang taon nga ulit ang program na 'yan?" tanong niya.
"Two years." I looked at her and smiled. "Matagal-tagal din ako doon kasi ipagsasabay ko ang internship at review, 'wag mo akong ma-miss."
"Got it covered, Elemento." She winked and smirked. "Susuotan ko lang ng wig si Slade, okay na."
"Reika!" Napasigaw ako habang tawa nang tawa. Kahit kailan, siraulo talaga 'tong si Reika.
"Nga pala, anong sabi ni Jethro? Okay lang 'to sa kanya?"
Tumango ako. "Yeah. Hindi pa nagiging kami, alam na niya ang plano ko. I mean, two years lang naman. We've tried LDR already noong nagte-training siya sa Manila kaya this will be a piece of cake for us."
"I'm going to miss you, Elemento..." Reika looked at me with a faint smile on her face. "Lagi kong ipagtitirik ng kandila ang kaluluwa mo."
"I hate you so much," I drawled dahilan para matawa siya.
***
Habang nagla-last minute review ako sa cafeteria nang mag-isa, dumating sina Braylee at Lucho na kapwa bakante ang oras. They offered to help kaya naman parang nagkaroon ng instant game show sa cafeteria; ang dalawang teletubby ang host samantalang ako ang contestant.
Hindi ko namalayan ang oras dahil kay Braylee at Lucho, muntik tuloy akong ma-late. Tinakbo ko ang classroom kaya naman humahangos akong dumating.
Pagpasok ko ng classroom sa pamamagitan ng back door, bahagya ko pang iniyuko ang ulo ko bilang respeto sa matandang professor na si Mr. Burgos. Pinili kong umupo sa dulo ng classroom lalo't nakiki-seat in lang ako sa klaseng ito upang kumuha ng special exam. I don't even know these students around me other than we're in the same department. Abala sila sa pagdi-discuss gamit ang projector kaya nanahimik muna ako sa kinauupuan.
Habang inilalabas ang ballpen at examination booklet ko mula sa bag, napansin ko ang paglapit ni Mr. Burgos kaya mabilis akong umayos ng upo at nag-angat ng tingin. "Good After--"
"Why are you here, Ms. Villafranca?" Malamig nitong sambit habang naka-ekis ang mga braso. Pansin ko ang tila ba mapait niyang ngisi.
Kinabahan ako agad dahil halatang bad mood si Mr. Burgos. He's one of the oldest and most feared professors in this university. May mga student ngang nagd-drop out sa subject o nagta-transfer ng ibang oras para lang makaiwas sa kanya.
Bigla kong napansin na nakatingin na ang lahat ng mga estudyante sa akin. Kinabahan ako lalo. "A-ako po 'yong may schedule ngayon ng special exam, Sir."
"What for? Akala ko ba hindi importante ang klase ko? Bakit nandito ka pa?"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Mr. Burgos at sa paraan ng pagkakasabi niya. I can tell that he's livid!
"P-po?" Iyon na lamang ang lumabas sa bibig ko dahil sa takot at kalituhan. Dumako ang tingin ko kay Chloe na siyang nagco-control sa projector. Sinesenyasan niya ako na umalis na.
"Tutal may mas importante ka pang gagawin para sa mga mamamayan ng Filimon Heights, lumabas ka na sa klase ko."
Naguguluhan man, mabilis kong kinuha ang backpack at nanginginig na kinuha ang booklet at ballpen ko. Para nang sasabog ang puso ko.
"Sa susunod, kung ayaw mo sa klase ko, 'wag mo nang gagamitin ang mga Filimon. Hindi poke't may relasyon ka sa isa sa kanila, makapangyarihan ka na. Ang ayoko sa lahat, ang mga estudyanteng masyadong mataas ang tingin sa mga sarili nila!"
Napakurap-kurap ako kasabay ng pag-unahan ng mga luha ko. Wala sa sarili akong lumabas ng classroom dala ng labis na takot, kahihiyan, at kalituhan.
Nangingig at lumuluha akong dumiretso sa banyo. Gusto kong magsisigaw sa inis; inis dahil napahiya ako sa kasalanang wala akong alam, at inis dahil ni hindi ko man lang naipagtanggol ang sarili ko. I caved and left like a little coward! Pathetic! Ni hindi ko man lang nadepensahan ang sarili ko! I should've at least denied it! I should've come up with better words!
"Silver?"
Namalayan ko na lamang na may umaalo na sa akin. Nanlalabo man ang mga mata ko dahil sa pagluha, naaninag ko ang repleksyon ni Chloe, isa sa mga kaibigan ni Colette na sa pagkakaalam ko ay nagta-trabaho bilang student-assistant ni Mr. Burgos.
"W-what did I do? Ba't niya sinabi iyon?" Iyon agad ang lumabas sa pagitan ng bawat hikbi ko.
"Wait, you didn't know?" gulat na sabi naman ni Chloe kaya mabilis akong humarap sa kanya, pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko.
"May pumunta sa Faculty kanina, Mrs. Filimon daw. She ordered Mr. Burgos to move your special exam on another day kasi may mas importante ka raw na gagawin. Nainsulto si Sir, alam mo naman 'yon, medyo mataas din ang pride. Nang humindi si Sir, nagkainitan sila nang kaunti. Napahiya si Sir kasi marami ring tao sa Faculty kanina nang mangyari 'yon kaya rin siguro galit na galit siya."
"What the fuck?" Nasapo ko ang bibig dahil sa narinig. Why would she do that?!
***
"Nababaliw na ba ang nanay ni Jethro?! Sino ba siya sa akala niya para gawin iyon?!" Slade was pacing back and forth inside our bedroom, walang humpay sa paglalabas ng sama ng loob.
Nanahimik lamang ako at nanatiling nakahiga sa kama, ginagawang unan ang hita ni Reika.
Paralyzed with shame and fear, all I can do is sulk in our room. I don't think I can ever show my face at school again after what happened. Siguro makakaya ko 'yong chismis ng mga estudyante, pero 'yong mismong mga teachers na ang galit, 'yon ang nakakapanghina. Will I even graduate at this point?
"Kakausapin ko 'yang Professor mo bukas. Ipapaliwanag ko ang lahat," Slade offered.
"Yeah. Siguro naman madadala sa kalmadong usapan si Mr. Burgos," marahang sabi ni Reika habang minamasahe ang ulo ko.
"Kakausapin ko rin 'yang Nanay ni Jethro! Masyado na 'yang nakikialam sa buhay mo! Daig pa niya ang mga magulang natin!"
Dahil sa sinabi ni Slade ay mabilis akong naupo. "No... Please, no. Ayoko nang lumaki ang away."
"Naririnig mo ba ang sarili mo?!" bulyaw ni Slade.
"Shhh!" Reika insisted, trying to calm my brother down. Malamlam namang dumako ang tingin niya sa akin. "Elemento, ilang beses nang sumusobra si Tita Janice. Kung hindi ka magsasalita, mauulit at mauulit 'to. Baka nga mas malala pa sa susunod."
Sinapo ko ang mukha gamit ang nanginginig na palad. "I'll talk to Mr. Burgos. Aayusin ko 'to. Maayos 'to."
"Bahala ka sa buhay mo!" Slade spatted out of frustration, leaving the room and slamming the door shut.
I grunted.
Now he's pissed at me! Why can't I just catch a break?
"He's just concerned for you. Pagpasensyahan mo na. But think about what I said, okay? You can't just turn a blind eye. Ikaw ang kawawa nito sa huli."
Tumango na lamang ako.
Kinahapunan, tumawag si Jethro, tinatanong kung anong oras niya ako susunduin para ihatid sa ospital. Nagsinungaling ako sa kanya at sinabing masama ang pakiramdam ko at hindi muna papasok sa pang gabi kong duty. Ayokong pumunta siya sa bahay dahil natitiyak kong kokomprontahin lamang siya ni Slade. Hindi ko rin alam kung kaya ko bang sabihin sa kanya ang ginawa ng Mommy niya. Ni hindi ko alam kung paano ko ito ipapaliwanag kung sakali.
Nagpakaabala na lamang ako sa ospital at kahit papaano ay nawala sa isipan ko ang mga nangyari.
***
Hindi na ako nakatulog dahil sa dami ng iniisip, isa na doon ang takot kong magpakita sa school. Natatakot ako sa magiging pakikitungo sa akin ng mga tao, lalo na ng mga guro.
Should I just consider my class with Mr. Burgos a failure? Should I just accept the fact that I won't be able to graduate on time? That my plans are derailed?
Jethro:
Good Morning
What time should I pick you up?
Silver:
Still not feeling well
Jethro:
I'll ask Mom to make soup for you
Silver:
Please don't
Slade takes care of me
Jethro:
Okay
But if there's anything I can do, let me know
Silver:
Thanks
Jethro:
I love you, Stoney
Ginawan ko na ng paraan
Silver:
?????
Kinabahan ako nang hindi ako nakatanggap ng reply mula kay Jethro. Tatawagan ko sana siya nang saktong dumating na kami sa school.
Kasama ko sina Reika at Slade, they're trying to make me feel comfortable with their presence and I can tell that Reika's glaring at anyone who tries to look at me.
Kinakabahan man, iniisip ko na lang na maayos ko ang lahat ng 'to. Kakausapin ko si Mr. Burgos, magpapaliwanag at hihingi ng tawad. I will pass all my subjects and graduate on time.
Slade, Reika, and I eventually had to go on separate ways dahil sabay-sabay ang klase namin sa iba't ibang building. They seemed hesitant to let me go on my one but I assured them otherwise.
Pagdating ko sa classroom, sinalubong agad ako ni Chloe at hinila sa dulo ng classroom. She looked sad and upset.
"Sil, have you heard about what happened to Mr. Burgos?"
"Ano?" Bumalik ang matindi kong kaba.
"He got fired, effective immediately," she whispered. "Kausapin mo naman ang mga Filimon, oh? I know what he did to you yesterday was bad, pero kawawa rin kasi si Sir dahil tinanggalan siya ng lahat ng benefits. Parang balewala ang ilang taon niyang serbisyo."
Naalala ko bigla ang sinabi ni Jethro. Ginawan na raw niya ng paraan. Ito ba ang ibig niyang sabihin?
Kagat-labi akong lumabas ng classroom. Nanginginig ang mga kamay ko at unti-unti ng nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga luha kong namumuo.
A hardworking professor just lost his job because of me. I didn't just ruin his life, I ruined his family's as well.
Habang naglalakad, pakiramdam ko'y tumitingin sa akin ang lahat gamit ang mga matang puno ng galit. May ilan sa kanilang nagbubulungan habang nakatingin sa akin, may nang-iirap, may iba namang umiiwas na makasalubong ako.
Mas binibilisan ko ang paglalakad hanggang sa napatakbo na ako. Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa mahinto ako sa isang maliit na hardin.
Dali-dali kong dinukot ang cellphone mula sa bulsa ko, tatawagan ko sana si Jethro nang makita ko ang bagong mensahe mula sa kanya.
Jethro:
I pulled some strings, he won't be teaching your class anymore.
According to his record, he's been an incompetent professor for years. Bad evaluation from students, string of absences, and humiliating multiple students. It's about time he gets replaced with a better educator.
Sa sobrang panlulumo, naupo ako sa damuhan. Naninikip ang dibdib at lalamunan ko kasabay ng mas lalong panginginig ng mga kamay ko. Sa kabila nito, dali-dali akong nagtipa ng mensahe para sa kanya.
Silver:
Give him his job back
Im begging you
Hindi lang to simpleng trabaho
Buhay niya to
Hindi tama ang ginawa mo
You're abusing your power
|End of 57 - Thank you|
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro