Chapter 46 : Disgrace
"Salamat talaga sa Diyos at natauhan ka na. Nakakalungkot dahil kinailangan mo pang maaksidente para lang mapagtanto ang mga pagkakamali mo, Slade."
I closed my eyes upon hearing Dad's words. I always prayed for Slade to come home and make amends with my parents, but at the back of my mind, I was always afraid for this moment to happen — for Dad to feel vindicated enough to believe that he's right all along; for him to shove into our faces how wrong we both are for pursuing our dreams.
"Honey naman, maging masaya na lang tayo na natauhan na ang anak natin," Mom argued jokingly. "Sabi ko naman sa'yo, pasasaan ba't babalik din si Slade sa puder natin."
Ilang linggo na magmula nang makipag-ayos si Slade sa kanila pero heto at paulit-ulit pa rin nilang pinapamukha at sinusumbat ang lahat. Awang-awa na ako sa kapatid kong tinatanggap lang ang lahat.
Hindi ko na masikmura ang mga pinagsasabi nila. Tatayo na sana ako upang umalis sa hapagkainan pero biglang hinawakan ni Slade ang kamay ko mula sa ilalim ng mesa, pinipigilan ako sa gusto kong gawin.
Napabuntong-hininga na lamang ako at pinilit ang sarili kong ubusin ang pagkaing hinanda ni Mommy para sa amin. Nagsisisi na tuloy ako kung bakit kami umuwi... kung bakit hindi ko pinigilan si Slade sa balak niyang bumalik sa kulungang matagal na niyang natakasan.
Ibinaling ko ang tingin sa garden ni Mommy na puno ng mga fairy lights. Mabuti na lang at dito kami sa Veranda nag-dinner, kahit papaano ay nakakalma ako ng malamig na hangin sa paligid.
"Hindi lang din naman po ang aksidente ang dahilan kung bakit ako bumalik." Slade smiled like an innocent little boy. Palibhasa may kailangan.
"Oh Bakit?" Mom's face lit up. "Is it a girl?"
"Please tell us it's Reika." Dad looked up and sighed. "Her Grandfather's influence is a great addition to our business."
Puchangama. I should be happy that they want Reika for Slade but it's for the wrong reasons! This better not get out of the house. I never want Reika to doubt my brother's feelings for her.
Napatingin ako kay Slade na halatang natigilan sa narinig. Siguradong pinipigilan niya lang ang sarili niyang magsalita.
"By the way, Reika seems like a great girl, although her wardrobe and make-up choices need more color and improvement. Silver, turuan mo nga iyon. Dalhan mo na rin siya ng--"
"Mom, Reika's perfect just the way she is," giit ni Slade. "Leave her alone."
"Anak, it's for Reika's own good. No man will take her seriously if she keeps dressing that way," Mom argued with a smile. Ano ba si Slade? Hayop?
"Bakit nga pala hindi n'yo sinama ang batang 'yon?" Dad asked. Nagtaka pa.
"She's with her Mom," sabi ko na lamang.
The last few weeks have been pretty much of a roller coaster. We didn't expect for Reika's Mom to return. Medyo nagkagulo, pero sa huli naayos din naman kahit papaano. Reika had to leave the house to live with her Mom, Uncle Rico was also instructed to leave Filimon Heights, and with Slade returning here, mag-isa na lang akong nakatira ulit sa bahay.
"Ikaw anak, may natitipuhan ka na ba sa mga ka-blind date mo?" Mom asked, oblivious to the fact that I never attended any of the blind dates she set-up for me. Nalusutan ko lang ang lahat ng iyon dahil kay Ronie.
Umiling ako.
"Bakit pa kasi hahanap pa ng iba eh may Ruel naman?" Dad argued. "Silver's future will be secured if she ends up with him!"
"It's okay, at least Silver has a choice," Mom argued. A choice? Saan doon?
"'Wag n'yo na pong ipilit sa iba si Silver, magma-madre po 'yan," Slade said jokingly which immediately made our parents frown.
"Loko-loko ka talagang bata ka," Dad commented while shaking his head.
"Wait! I almost forgot, we have mangoes in the fridge! Gusto n'yo ba?" Mom asked and we all nodded. She was about to call out one of the maids when Slade volunteered.
"Ako na po." Tumayo agad si Slade at bumalik sa loob ng bahay, dahilan para manghang magtawanan sina Mommy at Daddy. Palibhasa tamad si Slade noong bata pa kami kaya ngayon ay naninibago sila sa kasipagan nito.
"Silver, alalayan mo ang kapatid mo doon nang mapakinabangan naman 'yang pag-aaral mo bilang nurse," sabi ni Daddy kaya tumayo ako. Mas mabuti ngang lumayo muna ako bago pa ako may masabi akong hindi maganda.
"Slade, sigurado ka ba talaga rito?" pabulong kong tanong kay Slade habang nagbabalat ako ng mangga, siya naman ay nanonood lang.
"I'm injured. Gusto mo talaga akong pahirapan?" Humalakhak siya kaya agad akong napairap.
"I'm talking about this... returning to the prison you already escaped from," giit ko. "Reika already likes you for who you are, okay? Hindi mo na kailangan pang pilitin ang sarili mo sa isang bagay na ayaw mo. So what kung ayaw ng Lolo ni Reika sa mga rakista? That doesn't mean you have to change who you are. You can still impress her family in other ways."
"I have to do this, Sil." Slade insisted with a smile. "This is all for the best."
"Now you sound like Mom and Dad," I heaved a pained sigh. "Ano ba kasi ang balak mo?"
It was his turn to sigh. "Sil, tanggapin na natin. I can't play the guitar anymore so it's time for me to take a different path--"
"Even if you hate it?" I asked as I faced him.
"Growing up, I always wanted to be in a band, so much that I didn't even consider the thought of running the business or any other career at all. It wouldn't hurt to try, malay natin, magustuhan ko pala ang pagpapatakbo ng negosyo?" he said with a glint of hope in his eyes. "I can't hate something that I haven't even tried."
"Ito ba ang gusto mo?" tanong ko.
"I already had a taste of what it's like to be in a band." Slade grinned. "Maybe it's time for me to explore my other options in life, one would benefit me and the people around me."
"Ito ba talaga ang gusto mo para sa sarili mo?" I clarified.
Tumango siya. "I want to make something out of my life."
"Hindi ako sanay na matino kang kausap." I looked at him flatly.
Humalakhak si Slade at ginulo ang buhok ko. "Think of it this way... babalik na sa akin ang responsibidad kaya ako na ang mamamahala sa negosyo at pwede ka nang maging nurse. Hindi ka na rin mapipilitang makipag-blind date sa kung kani-kanino."
I sighed at the thought of my freedom. One that doesn't have any conditions or limitations.
Bumalik kami ni Slade sa Veranda kung saan namin iniwan sina Mommy at Daddy. Naabutan namin silang umiinom na ng wine habang nagtatawanan, nakasandal sa railings at tila ba ine-enjoy ang view ng garden. Mukhang lasing na. Normally I'd be happy to see them like this, but then I remember that their usual past time is talking shit behind people's backs... I love my parents, but I can say that they are the true match made in hell.
"What's so funny?" Slade asked with a curious grin as we walked up to them.
Dad shook his head and placed his arm around Slade. "Wala, naalala lang namin noong bata pa kayo ni Silver... nangunguha kayo ng tutubi, tapos pag-uwi ninyo, punong-puno na kayo ng putik."
Mom laughed as she placed her hand on her chest "My poor babies..."
"That was Slade's fault!" paghuhugas ko kaaagad ng kamay.
"Anong ako?!" Pumalag agad si Slade. "Nagtanong ka kung nakakalunod ba ang kanal kaya tumalon ako para subukan!"
"Siraulo, nagtanong lang naman ako!" I countered.
Lalo pang nagtawanan sina Mommy at Daddy dahil sa pagtatalo namin. Kahit ako ay napangiti na rin. For the first time, after so many years, I feel like we're a family again.
"Mabuti na lang talaga at natauhan na ang anak natin sa mga kalokohan niya," Dad told Mom with a proud and pleased smile on his face as he patted Slade's back. "It's good to have our son back."
Tumango si Slade at ngumiti, ako naman ay nagpipigil na mapairap. Heto na naman.
"Ikaw Silver? Kailan ka pa kaya matatauhan?" Dad said jokingly but I know damn well he's not kidding around.
Agad naglaho ang ngiti sa mukha ko at parang bulang naglaho ang saya sa puso ko. For a second there, I thought we can finally be a happy family.
Mom placed her hand gently on my cheeks. "Sweetie, I really hope you'll learn from your brother's mistakes."
"Mistakes?" I grimaced as I looked at Slade.
Slade shook his head like he was begging for me to let it go and just ignore it.
"Silver, sana huwag mo nang hintaying mapahamak ka, bago ka pa bumalik. Nakita mo naman 'tong nangyari sa kapatid mo," Dad said in a gentle way, but it didn't stop my anger from rising.
"Dad, hayaan n'yo na ho si Silver. Nandito naman po ako para magpatuloy ng kompanya," Slade was quick to defend me.
Dad just sighed while shaking his head, clearly displeased.
"Okay!" Mom laughed awkwardly and placed her hand on my waist. "How about we deliberate who among Silver's blind dates deserve a second date? And while we're at it, let's look for potential dates as well!"
It was clear that she's just trying to de-escalate the situation, but that doesn't erase the fact that she's trying to control my life again.
"Itigil n'yo na 'yang blind date, blind date na 'yan! Si Ruel na, tapos ang usapan!" Dad said with a tone of authority and finality. Gone was the smile on his face.
"How about you let me choose for myself?" The words just escaped my mouth.
"And risk some good-for-nothing loser become part of our family?" Pagak na humalakhak si Daddy. "Silver, you have no idea how dirty this world is. We are just trying to protect you and this family, kailan mo ba maiintindihan 'yon?!"
"You keep saying that you're doing all these for us, but the truth is you're only doing this for your own interest! You're not trying to protect me or this family, you're trying to protect your money and reputation!" My heart hammered inside my chest after unleashing the words I've been dying to say.
"Wala kang utang na loob!" Biglang tumama sa pisngi ko ang napakalampas sa sampal mula kay Daddy. Sa sobrang lakas ay halos bumagsak ako sa sahig.
"Dad!" Mabilis na tumayo si Slade sa harapan ko at ihinarang ang sarili niya sa akin.
"Neil, hindi mo dapat ginawa 'yon!" Mom screamed, hugging me tightly.
I saw nothing but shock on Dad's face as he stood right in front of us, frozen in place.
Nasapo ko ang pisngi kong halos mamanhid na sa sakit. Kasabay ng pagpatak ng mga luha ko ang paglabas ng mga salitang kay tagal ko nang kinimkim. "Sakal na sakal na ako sa inyo! Buhay ko 'to pero lagi akong sunod-sunuran sa mga gusto at inuutos ninyo! You keep shoving things down my throat and you never even listen to me! Galit ka kasi 'yon ang totoo, all you care about is your money and reputation! Ni minsan hindi n'yo kami tinanong ni Slade kung ano ang gusto namin para sa buhay namin!"
Mabilis akong binitiwan ni Mommy. Her face contorted to what felt like a mix of shock and anger. "Silver, 'wag mong sasabihin 'yan! Kapakanan n'yo lagi ni Slade ang iniisip namin!"
I cried right in front of them while shaking my head. "Th-that's what you think, but that's not what you're doing! Mahal ko kayo pero ang hirap-hirap maging parte ng pamilyang 'to!"
"Pwes, simula ngayon hindi ka na parte ng pamilyang 'to!" Dumagundong ang boses ni Daddy na punong-puno ng galit.
"Neil!" Mom cried as she turned to Dad. "Tama na! Nakainom ka, lasing ka lang!"
"Dad, pumasok po muna tayo. Lasing ka lang," sabi rin ni Slade, pilit na pinapagaan ang sitwasyon.
"Hindi..." Umiling-iling si Daddy, nakatingin pa rin sa akin, punong-puno ng galit. "Wala kang utang na loob. Nasasakal ka na? Pwes, malaya ka na. Pero huwag na huwag kang aasang makakatanggap ka ng kahit na isang sentimo mula sa amin."
Pilit akong nanatiling taas-noo sa kabila ng mga luha ko. Marami pa akong gustong sabihin pero hindi ko na kayang magsalita pa. Tumalikod ako at nagsimulang maglakad palayo.
"Silver! Silver, anak, lasing lang ang papa mo!" Humarang agad sa akin ang lumuluhang si Mommy, nagmamakaawa. "Dito ka lang! 'Wag kang umalis! Mag-sorry ka na sa Daddy mo!"
"Umalis ka na rin sa bahay ng lolo't lola mo! Ayaw mo nang maging parte ng pamilya di ba?" bulalas pa ni Daddy.
"Dad, you can't do that to her," narinig kong giit ni Slade.
"Neil, iniwan sa kanya nina Mama at Papa ang bahay. Sa kanya iyon--"
"Walang problema!" taas-noo kong sambit.
***
"Silver? Gabing-gabi na ah?" gulat na bulalas ng Mommy ni Reika nang dumating ako sa bahay nila. Wala na akong magagawa, kailangan ko nang kapalan ang mukha ko.
"Tita Abbey, si Reika po?" tanong ko habang pilit na tinatatagan ang boses kong namamaos. Siguro naman hindi na ako maiiyak. Binuhos ko na ang lahat kanina sa bus.
"Kanina pa siya tulog. Teka?" Kunot-noo akong tinitigan ni Tita. Agad akong nagbaba ng tingin sa lupa, natatakot na baka mahalata niyang galing ako sa pag-iyak.
Dahan-dahan niyang inabot ang pisngi ko kaya agad akong napakislot. Masyado pa itong masakit at mahapdi.
"Silver, sinong may gawa niyan sa'yo?" Tita asked with a tone of authority and anger.
Akala ko hindi na ako maiiyak pero traydor ang mga luha ko. Nag-unahan na naman ito sa pagpatak, kahit na anong gawing pigil ko.
"Silver, sinong nanakit sa'yo?" may pagdidiin na tanong ni Tita.
Pinikit ko na lamang nang mariin ang mga mata ko. "Tita, pwede po bang dito muna ako sa inyo? Tutulong po ako sa gastusin--"
Hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko nang bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Napayakap ako pabalik sa kanya at mas lalo pang naiyak.
"You poor thing..." she whispered in my ear as she embraced me tightly. "You can stay here, okay? For as long as you want, dito ka lang. Walang mananakit sa'yo rito."
It only took a few words for me to cry even harder... and feel safe at the same time.
"Please don't tell Reika about this," pabulong kong pakiusap kay Tita Abbey habang nasa kusina kami at nilalapatan ko ng ice pack ang mukha ko upang huwag mamaga. Pinaliwanag ko sa kanya ang lahat ng nangyari, akala ko kukumbinsihin niya akong makipag-ayos kaya naman nagulat ako dahil hindi niya ito ginawa. Para bang naiintindihan niya ang pinagdadaanan ko.
"If that's what you want." She sighed. "Si Slade? Ayos lang ba siya doon?"
Tumango ako. "Sinubukan niyang sumama pero pinilit ko siyang manatili doon. Nagkaayos na sila, ayokong mag-away ulit sila dahil sa akin. Besides, ayoko pong kaming dalawa ni Slade ang mawala sa kanila."
"How about your Mom?" tanong pa ni Tita.
"She begged me to stay and apologize to Dad." I sighed. "Pareho lang po sila."
Tita heaved a deep sigh as she grabbed to hold my hand. "Don't worry about it okay? Nandito kami ni Reika para sa'yo. Hindi ka na iba sa amin."
"Maraming salamat po." Ngumiti ako, pilit na pinipigilan ang luha ko.
"Paano ang mga gamit mo doon sa bahay?" tanong niya.
"Kukunin ko po bukas ng umaga. The house is technically mine pero ayaw ko naman pong may magamit si Daddy laban sa akin kaya aalis pa rin po ako doon," paliwanag ko.
"Mas mabuti nga iyon. O siya, matulog ka na doon. Saan ka nga pala matutulog? Doon sa bakanteng kwarto o kasama si Reika?" she asked.
"Sa kwarto po ako ni Reika, sa sahig lang po ako." I smiled.
"Sigurado ka? Ayos ka lang doon?" tanong niya.
Tumango ako. "Sanay po akong kasama si Reika."
Maingat kami ni Tita habang inaayos ang hinihigaan ko, baka kasi magising si Reika na mahimbing na ang tulog sa kama niya. Nang matapos, umalis na agad si Tita kaya naman nahiga na ako at naghanda na sa pagtulog.
Hindi ako nahirapan sa pagtulog, iyon nga lang ay nagising ako. Pagsilip ko sa cellphone ko ay nakita kong alas-dos na ng madaling araw at may ilang unread messages mula kay Jethro. Napabangon ako sa gulat. I got to preoccupied with my family drama that I forgot about him.
8:43 PM
Jethro:
Hey, you read the article I shared?
Funny right?
10:32 PM
Jethro:
Everything okay with your folks?
12:13 AM
Jethro:
Good night
I miss you
Can't wait to see you again
Napangiti ako sa mga mensahe niya at agad akong nagtipa ng reply.
Silver:
Sorry for the late reply
I'm back at Filimon Heights
Got disowned hahaha
I'm staying at Reika's house with her Mom
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang sa isang iglap ay bigla na lamang tumawag si Jethro. Ayokong magising o marinig kami ni Reika kaya naman dali-dali akong pumasok sa banyo.
Tumayo ako sa harap ng salamin at saka sinagot ang tawag.
"Do you want to talk about it?" Narinig ko ang malalim at walang emosyong boses ni Jethro mula sa kabilang linya. Others might misinterpret his tone, but I won't.
I smiled. "Nope. I'd rather talk about something else."
"Hmmm..." I heard him shift on his bed. "The idiots haven't done any embarrassing thing recently - oh wait! Nagpapapansin si Haji kay Braylee? Does that count?"
"I actually feel bad for him, Jethro..." I sighed as I placed my hand above the sink and stare at my reflection on the mirror. I can see the shower curtain behind me. "I can tell that he really likes her."
"Not as much as I like you..." He chuckled.
"I thought you love me?" I joked.
"Wait, are you drunk?!" bulalas niya kaya nakunot ang noo ko.
"I'm joking, I'm not drunk," sabi ko kaagad. Bad joke ba 'yon?
"Oh..." He chuckled. "By the way, don't drink again okay? If you feel upset, let me now. Punta tayo sa tapsihan."
"I can hold my drink well. May mali lang talaga akong nainom nang gabing 'yon. Siguro may hinalo ang mga Tito ni Bray?" Natatawa kong hula. "Nga pala, how's your day?"
"Stale." He sighed. "I'd love to ask about yours but I know it hasn't been good."
"You have no idea..." I bit my lower lip. "Sige na, matulog ka na."
"Matulog ka na rin," aniya. "See you tomorrow?"
"Do you even know where this place is?" I chuckled.
"I'll find a way to know." He laughed, making me smile even more. "Magno has a joke about this but I forgot. It had something to do with BDO."
"BDO?" Nakunot ang noo ko. "Anong BDO?"
"Para yang kalandian, we find ways!"
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Reika. Bago pa man ako makalingon, biglang may humawi nang malakas sa shower curtain at nakita ko ang nakasimangot na si Reika na nakaupo sa toilet bowl.
Napatili ako sa sobrang gulat. Gulat dahil sa alam na niya, at gulat dahil sa posisyon niya.
"Traydor na mga bato! Naglalandian na pala kayo at hindi n'yo sinasabi!" Reika screamed as she grabbed and threw the toilet plunger in my direction.
| End of 46 - Thank you! |
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro